You are on page 1of 10

School RUPERTO ZUBIA Baitang Ikalawa

ES
Teacher ARIANE GAY T. Assignatura FILIPINO
DIRECTO
Petsa Markahan IKATLO

I.LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ang pang-unawa sa ugnayan
ng sanhi at bunga sa isang pangyayari.
B. Pamantayan sa Pagganap 1. Nauunawaan ang ugnayan ng sanhi at
bunga ng pangyayari.
2. Natutukoy kung ang pangyayari ay
sanhi at bunga.
C. Pinakamahalagang kasanayan sa Naiuugnay ang sanhi at bunga ng mga
pagkatuto (MELC) pangyayari.
II. NILALAMAN Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng mga
pangyayari.
III. KAGAMITAN PANTUTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC 124-126
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag- Modyul sa Filipino Pahina 16-19
aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal www.google.com
ng Learning Resource
B. Listahan ng mga kagamitang Module, Powerpoint Presentation
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. PANIMULANG GAWAIN
Tumayo ang lahat para sa panalangin.

Jaymark maari mo bang pangunahan mo


ang ating panalangin? Salamat Panginoon sa araw na
ipinagkaloob po ninyo sa amin, patawarin po
ninyo kami sa aming mga kasalanan, sa isip,
salita at sa gawa. Ang lahat ng aming hinihiling
sa matamis na pangalan ni Jesus, Amen.

Magandang Umaga mga bata! Magandang umaga din po ma’am!


Bago umupo ang lahat pulutin muna ang
mga kalat sa ilalim ng inyong upuan at ilagay
sa basurahan.

Maraming salamat, maaari na kayong


umupo ng tuwid. (Uupo ng matuwid ang mga mag-aaral)

Mayroon bang lumiban ngayong umaga? Wala po ma’am!


Magaling! Ako’y natutuwa dahil walang
liban sa inyo.
Ngayon mga bata, nagawa ba ninyo ang
inyong takdang-aralin? Opo ma’am!

Kung gayon ay pakipasa ang inyong


takdang aralin sa unahan ng walang ingay. (susunod ang mga mag-aaral)
Umupo ng maayos at makinig ng mabuti at
tayo’y magsisimula na sa ating aralin.
(susunod ang mga mag-aaral)
Magkumustahan muna tayo!

B. BALIK ARAL
Ano ang tawag sa panghalip na humahalili
sa ngalan ng tao?
Magaling! Panghalip na panao po!
g

Tukuyin ang panghalip na panao na ginamit


sa pangungusap.
1.

Tayo ay nag-aaral sa
Maytegued
Elementary School

Tayo po!

2.

Ang mag-anak na
Villarendo ay
namasyal. Pumunta
sila sa Pavillion Island.
Sila po!

3.
Si Ginang Jasmin
Calinog ang
namumuno sa
Maytegued E/S. Siya
ay isang mahusay at
masipag na guro. Siya po!
4

Tayo ay naninirahan
sa Barangay
Maytegued.

Tayo po
C. PAGGANYAK
Gawain 1
Ating awitin ang kantang ginawa ng guro at
sagutin ang mga kasunod na tanong.
Paano Iiwasan?
(Sinulat ni Gng. Irish B. Zonio)
*Sa tono ng Leron Leron Sinta
Ating hinaharap
Pandemyang pahirap
Kahit na sino man
Pwedeng maranasan
‘Wag balewalain
Ating seryosohin
Buhay ang kapalit
Pag virus kumapit
Ngayon alam ko na
Di biro pandemya
Lubhang mapinsala
Sa bata’t matanda
Pano iiwasan?
Virus na kalaban
Dapat may bakuna
Mag-mask at distansya. (Aawit ang mga bata)

Sagutin ang mga tanong:


1. Tungkol saan ang awit? Tungkol sa pandemya o Covid-19 po!
2. Ano ang naging epekto ng pandemya o ng
virus na ito sa buhay natin? (Iba’t iba ang sagot ng mga bata.)
3. Paano maiiwasan ang magkaroon ng virus o
ang lubhang mapinsala ng virus? Magsuot po ng facemask at sundin ang
social distancing!
4. Sa inyong palagay o opinyon, mahalaga ba
ang pagkakaroon ng bakuna? (Iba’t iba ang sagot ng mga bata.)

D. PRESENTASYON
Buuin ang mga baliktad na salita.

hisan ta ngabu Sanhi at bunga po!


Tama! Iyan ang ating tatalakayin ngayon.
E. TALAKAYAN
Sanhi- ito ang tawag sa dahilan kung bakit
nangyari ang isang pangyuayari.
Gumagamit ito ng mga hudyat na
nagpapahayag ng sanhi:
 Dahil, sapagkat
 At kasi
Bunga-ito ay tawag sa resulta o epekto ng
isang pangyayari.
Halimbawa:
Nabasa ng ulan si Rita, dahil wala siyang dalang
payong.
Mga hudyat na nagpapahayag ng bunga
 Kaya/kaya naman
 /kung kaya
 Bunga nito
Nawala ang bag ni Lila, kung kaya siya ay
umiiyak.

Gwain 2: Magkwentuhan tayo!


Ano ang dapat nating tandaan habang
nakikinig ng kwento?
Tama! Makinig po ng mabuti!
Ano pa?
Huwag makipagkwentohan sa katabi po!
Mayroon pa ba?
Unawaing mabuti po ang kwento!

Bakit nagkasakit si Mang Pedro?


Si Mang Pedro kasama ang kaniyang pamilya
ay nakatira sa komunidad ng Maytegued. Siya ay
palaging nasa labas ng bahay upang
makipagkwentuhan at makipag-inuman sa
kanyang mga kaibigan.
Isang araw, napanood niya sa balita na
tumataas na naman ang bilang ng mga
nagkakasakit dahil sa virus. “Naku, tinatakot lang
nila ang mga tao. Eh simpleng` sakit lang naman
iyan.” ang sabi ni Mang Pedro. “Ayan ka na naman
Pedro. Hindi ka na naman naniniwala. Paano kung
ikaw ang magkasakit?” Ang sagot ni Aling Mira,
ang asawa ni Mang Pedro.

Linggo ng umaga ng magkayayaan sina


Mang Pedro at ang kaniyang mga kaibigan na
maligo at magkasayahan sa Apolit. Pinigilan si
Mang Pedro ng kaniyang asawa ngunit hindi niya
ito pinakinggan at natuloy sila sa pagpunta sa
Apolit. Pagkalipas ng ilang araw, nagising si Mang
Pedro na masama ang kaniyang pakiramdam.
Mayroon siyang ubo, sipon at lagnat. Tumagal pa
ito ng ilang araw kaya napagdesisyunan nilang
mag-asawa na magpakonsulta sa Northern
Palawan Provincial Hospital. Nalaman nila na
positibo sa covid-19 si Mang Pedro kaya’t hindi sya
nakauwi ng kanilang tahanan upang mag-
quarantine.
Ilang araw niyang hindi nakita ang kaniyang
pamilya at lubhang ikinalungkot niya ito.
Doon nya napagtanto ang epekto ng pagkakaroon
niya ng sakit. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na
sa oras na gumaling siya ay iiwasan na niyang
lumabas ng bahay kung hindi naman kailangan at
mag-iingat na lagi.
Nang gumaling na si Mang Pedro, humingi sya ng
tawad sa kaniyang asawa at mga anak. Simula
noon, hindi na lumalabas si Mang Pedro kung hindi
importante. Kapag wala siyang pasok sa trabaho,
ay nakikipaglaro na lang sya sa kaniyang mga
anak sa loob ng bahay.

Sagutin ang mga tanong:


 1. Sino ang nagkasakit sa kwento?
2. Ano sa palagay nyo ang dahilan kung bakit Mang Pedro po!
nagkasakit si Mang Pedro? Nahawa po sya ng sakit dahil nakipaginuman po
sa labas.
3. Ano ang naging resulta o epekto ng
pagkakaroon niya ng sakit? Na quarantine po sya!
4. Nagbago ba si Mang Pedro? Sa paanong (Iba’t iba ang sagot ng mga bata)
paraan?
5. Anong mga lugar sa ating bayan ang
nabanggit sa kwento? Apolit, Maytegued at Northern Palawan
Provincial Hospital po!

maaari ba kayong magbigay ng mga


pangyayari sa kwento na may sanhi at bunga. (Iba’t iba ang sagot ng mga bata)

Gawain 3: Pick a fruit


May mga prutas dito. Kung sino man ang
gustong pumili ay itaas lamang ang kamay ng
tahimik upang kayo ay mapili
.
Pumili ng isang prutas at basahin ang pangungusap.
Tukuyin kung ang may salungguhit ay Sanhi o
Bunga. basahin at sabihin sa mga kaklase ang
sagot.

 Hindi sumunod sa health protocol ang mga tao


kaya nahawa sila ng Covid-19.
Sanhi po!
 Malayo sa bayan ang mga katutubong Cuyunon
kaya nahihirapan silang maibenta ang kanilang Bunga po!
mga aning gulay.
 Maraming punong kasoy at bahay sa Barangay
Maytegued ang nasira sa bagyo noong December
Bunga po!
2021 dahil sa bagyong Odette.
 Nag-aral akong mabuti kaya nakakuha ako ng
mataas na marka sa mga pagsusulit. Sanhi po!
 Ang mga mag-aaral ay sa bahay nag-aaral dahil
sa pandemya.
Bunga po!
Gawain 4: pumili ng Gawain
Mga bata magkakaroon ang bawat isa ng
gawain. Pipili lang kayo kong anong gawain
ang kaya ninyong gawin o sagutin

Mga pamantayan sa indibidwal na gawain


A. makinig sa panuto ng guro
B. Gumawa ng tahimik
C. antaying matapos ang kaklase

Gawain A: basahin sa sagutin ang tanong.


Sa barangay ng Maytegued ay masarap
mamuhay. Sagana dito sa mga pananim dahil
masisipag ang mga mga magsasaka magtanim
ng palay sa kaingin. Ngunit sa kabila nito, sila ay
nakararanas din ng mga problema sa kanilang
pananim. Dahil sa patuloy na pinipeste ng daga
ang bunga ng kanilang mga pananim na palay

Maraming nawalan ng hanapbuhay dahil


sa sakit na Covid 19. Ang mga mamamayan
ay lubos na nangangamba dahil sa mabilis na
paglaganap nang nakahahawang sakit. Dahil
sa masisipag na mga bayaning frontliners
kaya naman naiwasan ang paglaganap
ng sakit at marami ang gumaling.
Gawain B.
Panuto: Suriin ang mga pariralang may
salungguhit kung ito ay sanhi o bunga.

1. Kumakain siya ng masustansiyang pagkain, kaya siya


ay malusog

2. Maraming nagkalat na basura sa ilog, kaya namatay


ang mga isda.
Gawain C
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang SANHI kung
ang larawan ay nagpapakita ng dahilan at
BUNGA kung ito ay nagpapakita ng resulta.

____________

______________
Gawain D
Panuto: idikit at piliin ang mga magkakaugnay na larawan.

(Pipili ang mga bata ng kanilang Gawain ayon sa kanilang


kakayan)
F. PAGLALAPAT
Ngayon mga bata, magkakaroon tayo ng pangkatang
gawain.
Mga pamantayan sa gawaing panggrupo
A. Gumawa ng tahimik
B. Gumawa ng kooperasyon
C. Pakinggan ang ideya ng bawat grupo

Panuto: basahin ang sanhi at iguhit ang bunga ng


pangyayari.

Mabilis mamulot ng kasoy


si Nanay Salome.
Sanhi bunga

Ikalawang pangkat:
Panuto: sumulat ng mga pangyayaring may kaugnayan sa
sanhi at bunga.

1. Sanhi: maraming nahukay na kamote si Jose.


Bunga:______________________________
2. Bunga: nakakuha ng mataas na marka si Ela.
Sanhi: ________________________________
Ikatlong pangkat:
Panuto: Tukuyin ang Sanhi at Bunga ng mga pangungusap o
sitwasyon na may salungguhit. Isulat ang iyong sagot sa
manila paper.

1.Matulungin sa Mahihirap si kapitan kaya mahal siya ng mga


tao.
b s
a u

2. lagi siyang tumutulong sa mga gawaing bahay dahil dito


tuwang-tuwa ang kanyang magulang.
s b
a u

G. PAGLALAHAT
Ano ang sanhi?
Ito ang tawag sa dahilan kung bakit nangyari
ang isang pangyayari po!

Dahil/dahil sa/ dahilan sa


Ano ang ginagamit na hudyat?

Ano naman ang bunga at ang ginagamit na


Ito ay tawag sa resulta o epekto ng isang
hudyat?
pangyayari.
Mga hudyat na nagpapahayag ng bunga
 Kaya/kaya naman
 Kung/kung kaya.

H. PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito


sa patlang bago ang numero.
1. Mabilis unakyat sa puno si Jeno kaya
nahulog siya sa puno. Ano ang sanhi ayon
sa pangungusap?
a. Mabilis na umakyat sa puno
b. Nahulog sa puno
c. Puno
d. Jeno
2. Hindi sumunod sa health protocol ang mga
tao. Ano ang magiging resulta ng hindi
pagsunod ng mga tao?
a. Hindi sila magkakasakit
b. Magkakasakit ng Covid-19
c. Magiging malusog
d. Magiging masaya ang kanilang buhay
3. Si Aling Marta ay mahilig magtanim ng
gulay. Ano ang magiging bunga ng
pagtatanim niya?
a. b.

c. d.

4. Maalaga sa pananim na gulay si Mang


Berto kaya marami siyan naani. Ano ang
bunga ayon sa pangungusap?
a. Maalaga sa pananim
b. Marami siyang naaning gulay
c. Wala siyang naani
d. Hindi siya nagtanim

5. Nanonood ako ng telebisyon kahit gabing-


gabi na. ano ang magiging bunga nito?

a. b.

c. d.

TAKDANG ARALIN
Inihanda ni:

ARIANE GAY T. DIRECTO


Gurong Tagapayo

Iwinasto ni :

JANICE M. TENA
Master Teacher I

Binigyang – pansin ni :

NOVELINDA M. TRAPAGO
ES – Principal III

You might also like