You are on page 1of 5

AWIT 92: 1-15

1. Mabuting magpasalamat sa
Panginoon at umawit ng papuri sa
inyo, Kataas-taasang Dios.

2. Mabuting ipahayag ang inyong pag-


ibig at katapatan araw at gabi,

3. Habang tumutunog ng mga


instrumentong may kwerdas
4. Dahil pinasaya n’yo ako Panginoon,
sa pamamagitan ng inyong kahanga-
hangang mga gawa. At dahil sa inyong
ginawa, akoy umaawit sa tuwa.

5. Panginoon, kay dakila ng inyong mga


ginawa. Ang isipan ninyo’y hindi namin
kayang unawain.

6. Hindi maunawaan ng mga hangal at


matitigas ang ulo.
7. Kahit umunlad ang taong masama na
parang damong lumalago, ang
kahahantungan naman niya’y walang
hanggan kapahamakan.
8. Ngunit kayo Panginoon ay dadakilain
magpakailanman.

9. Tiyak na mamamatay ang lahat ng


kaaway niyo at mangangalat ang lahat ng
gumagawa ng masama.
10. Binigyan n’yo ako ng lakas tulad at
kagalakan.
11. Nasaksihan ko ang pagkalupig ng
aking mga kaaway, pati na ang pagdaing
ng masasama na kumakalaban sa akin.

12. Lalago ang buhay ng matuwid kagaya


ng mga palma at tataas na parang puno
ng sedro na tumutubo sa Lebanon.

13. Para siang mga punong itinanim sa


templo ng Panginoon na ating Diyos,
lumalago
14. at namumunga kahit matanda na,
berdeng- berde ang mga dahon at
nanatiling matatag.

15. Ipinakita lamang nito na ang


Panginoon, ang aking batong
kanlungan ay matuwid.
Sa kanya’y walang anumang kalikuan
na matatagpuan.”

You might also like