You are on page 1of 5

Wala kang katulad

Wala kang katulad


Wala kang katulad O Diyos

Sa iyong pag-ibig
at kapangyarihan
Wala kang katulad
O Diyos

Habag na di nagmamaliw
Kapayapaan bilang
mang aaliw

Sa ‘yong biyaya
at kaluwalhatian
Wala kang katulad O Diyos

Wala kang katulad


Wala kang katulad
Wala kang katulad
O Diyos

Sa ‘yong kalinga
at katapatan
Wala kang katulad
O Diyos

Awa na lalaging sariwa


Lubos at ganap
ang iyong pangunawa

Sa iyong katwiran
at kabanalan
Wala kang katulad
O Diyos

Wala kang katulad


Wala kang katulad
Wala kang katulad
O Diyos

Sa ‘yong pangako
at kabutihan
Wala kang katulad
O Diyos
Galak na di napaparam
Pumapawi ng lahat
kong agam-agam

Sa ‘yo ang papuri


at karangalan
Wala kang katulad
O Diyos

ikaw,lamang,
ang nais ng buhay ko.....

Ikaw ay mabuti bawat sandali


Sa habang buhay ay mananatili
Hindi mapapawi o maikukubli
Maging sa dilim ng gabi

Sandigang matibayang iyong pangako


Lakas at pag asa ng aking puso
Hindi na mabilang pagkakataon
Patunay ng katapatan mo

Sa dalamhati at sa kabiguan
Sa pagluha ng pusong nasugatan
Sa pagsubok na iyong pinahihintulutan
Salamat Panginoon

Sa katugunan sa aking dalangin


Sa kalakasang sau nanggagaling
Sa pagtuturo at pagtutuwid mo sa akin
Salamat Panginoon Salamat

Ikaw ay mabuti
Ikaw ay tapat
Sayo ang papuri
At pasasalamat

Jeremias 10:10
Nguni't ang Panginoon ay tunay na Dios; siya ang buhay na Dios, at walang hanggang Hari: sa kaniyang
poot ay nayayanig ang lupa, at hindi matatagalan ng mga bansa ang kaniyang galit.

Daniel 3:17
Narito, ang aming Dios na aming
pinaglilingkuran ay makapagliligtas
sa amin sa mabangis na hurnong
nagniningas; at ililigtas niya kami
sa iyong kamay, Oh hari.

Daniel 6:20
20 At nang siya'y lumapit sa yungib kay Daniel,
siya'y sumigaw ng taghoy na tinig; ang hari ay nagsalita, at nagsabi kay Daniel, Oh Daniel,

na lingkod ng buhay na Dios, ang iyo bagang


Dios na iyong pinaglilingkurang palagi ay makapagliligtas sa iyo sa mga leon?

Mateo 3:9
9 At huwag kayong mangagisip na mangagsabi sa inyong sarili, Si Abraham ang aming ama; sapagka't
sinasabi ko sa inyo, na mangyayaring makapagpalitaw ang Dios ng mga anak ni Abraham sa mga batong
ito.

Lucas 3:8
8 Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi, at huwag mangagpasimulang mangagsabi sa
inyong sarili, Si Abraham ang siya naming ama;

sapagka't sinasabi ko sa inyo, na makapagpapabangon ang Dios ng mga anak ni Abraham maging sa mga
batong ito.

Galacia 3:7
7 Talastasin nga ninyo na ang mga sa pananampalataya, ang mga yaon ay mga anak ni Abraham.
Galacia 3:9
9 Kaya't ang mga sa pananampalataya ay pinagpapala kay Abraham na may pananampalataya.

Lucas 19:9
9 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Dumating sa bahay na ito ngayon ang pagkaligtas, sapagka't siya'y anak din
naman ni Abraham.

Galacia 6:16
16 At ang lahat na mangagsisilakad ayon sa alituntuning ito, kapayapaan at kaawaan nawa ang
sumakanila, at sa Israel ng Dios.

Mga Gawa 20:32


32 At ngayo'y ipinagtatagubilin ko kayo sa Dios, at sa salita ng kaniyang biyaya, na makapagpapatibay, at
makapagbibigay sa inyo ng mana sa kasamahan ng lahat na mga pinapaging banal.

Roma 8:39
39 Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi
makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Roma 11:23
23 At sila naman, kung hindi mangagsisilagi sa di pananampalataya ay mangakakasanib: sapagka't
makapangyarihan ang Dios upang sila'y isanib na muli.
Roma 14:4
4 Sino kang humahatol sa alila ng iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo,
patatayuin siya; sapagka't makapangyarihan ang Panginoon na siya'y maitayo.

1 Corinto 10:13
13 Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa't tapat ang Dios,
na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa

inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito'y
inyong matiis.

2 Corinto 9:8
8 At maaaring gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong
laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa't mabuting gawa:

Deuteromio 16:17
17 Bawa't lalake ay magbibigay ng kaniyang kaya, ayon sa pagpapala na ibinigay sa iyo ng Panginoon
mong Dios.

Hebreo 7:25
25 Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya,
palibhasa'y laging nabubuhay siy

You might also like