You are on page 1of 23

"Mother's Day"

Araw ng mga Ina


Romans 16:13
•Maraming taon na ang nagdaan, may
isang tunay na pangyayari tungkol sa
isang ina na naglakbay sa
bulubunduking bahagi ng South
Wales, England. Dala niya ang kanyang
anak at sila ay naglakbay, ngunit
sinalubong sila ng malakas na bagyo
ng yelo.
•Sa lakas ng pag-ulan ng snow,
halos hindi na makita ng ina ang
daraanan. Dahil sa tindi ng lamig,
namatay ang babae. Noong
mahukay ang kanyang bangkay sa
ilalim ng yelo, nakita na buhay pa
rin ang kanyang anak. Hinubad
pala ng ina ang kanyang mga
•At saka niya niyakap ng mahigpit
ang bata, sa gayung paraan
nailigtas niya ang kanyang anak.
Ang batang ito ay nakilala bilang si
David Lloyd George, na sa kanyang
pagtanda ay naging prime minister
of Great Britain. Isa sa mga
dakilang leader ng Inglatera.
•Ang kabanatang 16 ng aklat ng
Roma ay talaan ng mga
mahahalagang tao sa ministeryo ni
Pablo. At isa sa kanyang binanggit
ay ang ina ni Rufo. Siya ay isang
mabuting ina para sa kanyang
anak, at gayun din kay Pablo na
nagturing sa kanya na "para na rin
•Sa buhay ng mga pastor, totoo na may
mga miembro ang ating iglesia na
inilalagay ng Diyos bilang mga "ina" sa
simbahan. Sila ay parang ina ng mga
pastor at mga deakonesa. Sila minsan
ay nagluluto, naglalaba, at
nagpaplantsa ng barong ng
manggagawa bago dumating ang
•Kung inyong itinatanong kung sino
si Rufo, siya ay anak ni Simon na
taga-Cirene. Si Simon ay ang
lalaking nagbuhat ng krus ng
Panginoong Jesus patungong
kalbaryo. Ang ina na tinutukoy ni
Pablo na para na rin niyang ina ay
asawa ni Simon taga Cirene.
•Ang kanilang pamilya ay may kaugnayan sa
nakita at naranasan ng kanilang ama. Saksi
si Simon na taga-Cirene sa pagdurusa at
kamatayan ng Panginoong Jesus. At
nasaksihan din niya ang muling pagkabuhay
ng Panginoon. At sa nasaksihan niyang ito
- siya ay naging mananampalataya.
•At ang pananampalatayang ito ay
ibinahagi niya sa kanyang asawa at
mga anak.
•Sa araw na ito, samahan natin si
Apostol Pablo na parangalan ang isang
ina. At gayun din, parangalan natin
ang mga ina, ang bawat ina ng mga
pamilya.
•I. Una, parangalan natin sila dahil
sa kanilang pagmamahal. 
•May maari bang magmahal ng
higit sa isang ina?  Mula sa
paglilihi, pagdadalantao,
panganganak, at pagpapalaki ng
anak, ang ina ang nagbubuhat ng
• Ang lahat ng ito ay ginagawa niya
hindi lamang bilang isang tungkulin,
kundi bunga ng pagmamahal sa
kanyang supling. Ang bawat nanay ay
sibol ng pagmamahal sa kanyang
pamilya. Sila ay mga balon ng
paglingap, modelo ng paglilingkod
•Ngunit madalas sila ay hindi
pinapansin. Hindi sila
napapasalamatan ng kanilang asawa
at ng mga anak. Madalas pa ngang
mapintasan dahil kulang sa alat ang
niluluto o kaya ay hindi sila nakapag-
laba agad ng uniporma ng anak na
nag-aaral.
• Sila ay madalas namumuhay na
parang katulong, kung hindi man
alipin. Naiiwan mag-isa sa tahanan,
upang maghanada ulit sa pagdating ng
kanyang pamilya upang maghain ulit
ng makakain sa hapunan. Talagang
walang katulad ang mga nanay. Pwede
bang palakpakan natin sila?
•II. Pangalawa, parangalan natin
sila sa tindi ng kanilang
impluensya sa buhay ng kanilang
mga anak.
•Alam ba ninyo na si Thomas Edison
ay hindi tinanggap sa paaralan
noong siya ay bata pa?
•Sabi ng guro niya, "Bobo ang anak ninyo
at wala na kaming magagawa para
matulungan siya." Sumagot ang ina ni
Thomas, "Hindi lamang ninyo kilala ang
aking anak, ako na lamang ang
magtuturo sa kanya." At lumaki si
Thomas Edison na isa sa masasabing
pinakamatalinong tao na nabuhay sa
mundo.
•Hindi maaring tawaran ang impluensya
ng isang ina sa kanyang mga supling.
Sinasabi na si St. Agustine ay naging
Kristiano sa impluensya ng kanyang ina.
Dahil sa kanya, naging matatag ang
theologiya ng Christian Church. Kung
ano tayo ngayon ay utang natin sa ating
mga nanay.
•III. Pangatlo, parangalan natin
sila dahil sila ang ilaw ng ating
mga tahanan.
•May kasabihan ang mga Judio. Sabi nila,
“Ang naulila ng tatay ay ulila sa ama, ngunit
ang naulila sa nanay ay para naring ulilang
lubos.” Sa sinapupunan ng nanay
nagsisimula ang buhay ng isang bata. At ang
buong pamilya ay umaasa sa patnubay at
gabay ng nanay hanggang sa paglaki ng mga
anak.
•Ang nanay ay ang bumabalansse sa
lakas at disiplina ng mga tatay.
Habang ang mga tatay ay
nagtatrabaho, ang mga nanay ang
nag-aaruga sa mga anak, nag-aayos
ng mga material at emotional na
pangangailangan ng mga anak.
•Napalaka-dilim ng isang tahanang
walang ina. Ang mga magulang
ang pinag-uugutan ng lakas ng
loob ng mga anak. Ngunti
marami ang mga kabataan na
hindi nila nakakasama ang
kanilang mga anak.
•Ang mga kabataan ay nasisikap
makakita ng pamilya sa
pamamagitan ng kanilang mga
barkada. Ngunit walang
maaring maging kapalit ang
mga magulang.
Conclusion:
•Ang bawat ina ay regalo ng
Diyos sa mundo at sa buhay ng
bawat isa sa atin. Parangalan
natin sila at pasalamatan

You might also like