You are on page 1of 3

Pangalan: Dimara, Natasha Mae B. Kurso at Seksiyon: BSA – Sec.

30

REPLEKSIYONG PAPEL TUNGKOL SA “INA”

I. INTRODUKSIYON

Ang pagkakaroon ng mga magulang ay isang biyaya at kayamanan na ipinagkaloob

sa atin ng Panginoong Diyos. Ang ating mga ina at ama ang ating mga unang guro at

tagapag-alaga noong tayo ay isinilang sa mundong ito. Sa kanila tayo unang nakadarama

ng pagmamahal, saya, inspirasyon, at motibasyon – mga bagay na hindi natin basta-bastang

makukuha sa iba. Sa kuwentong ito na isinulat ni Lourdes tungkol sa kanyang ina, makikita

kung gaano kalaki ang impluwensiya ng isang magulang sa ating buhay. Kaya naman

noong sila ay pumanaw, naging mahirap ang pinagdaanan niya. At bilang isang panganay

na lumaki ng hindi kasama ang aking ina at ama sa iisang bubong, nasaksihan ko ang

lungkot na taglay nito.

II. KONTENT

Tulad ng ina’t ama ni Lourdes, bata pa lamang ang aking mga magulang noong sila

ay pumasok sa isang relasyon. Labing-walong taong gulang palang sila noong ako’y

isinilang, kaya naman paglipas ng ilang taon na hindi sila nagkakaintindihan, nagpasya

silang tapsusin ang kanilang pagsasama. Di tulad sa mga magulang ni Lourdes na masaya

at walang patid ang kanilang pagmamahalan simula una, ang aking mga magulang ay

laging nag-aaway. Bago pa man ang digmaan, napaganda ang naging buhay ng pamilyang

Reyes dahil hindi lamang saya ang mayroon sa kanilang tahanan, kundi pati na rin ang

tagumpay. Naging magaan ang kanilang naging buhay, at ito ay dahil ang kanyang ama na
si Nicanor ay responsible at may marangal na trabaho, at higit sa lahat, mayroon silang

masipag, mabait, at mapagmahal na ina.

Hindi ko man masaksihan ang pag-iibigan ng aking mga magulang tulad ng iba,

pinagpala pa rin ako na aking naranasan ang labis na pagmamahal ng isang ina. Sa

pagbabalik-tanaw sa nakaraan, napakahirap ang pinagdaanan ng aking ina sa pagpapalaki

sa akin, dahil noong ako’y sanggol pa lamang, pinagsasabay ni ina ang kaniyang pag-aaral

at pag-aaruga. Idagdag pa ang pagiging sakitin ko pagkabata, ay labis ang sakripisyong

ginawa ni ina upang masamahan at maalagaan lamang ako sa ospital. Dala-dala niya sa

ospital ang kaniyang mga libro sa paaralan upang mag-aral tuwing may bakanteng oras.

Ilang taon ang lumipas at muling nagtatrabaho si ina sa malayo, kaya’t naiwan kami ng

aking nakababatang kapatid sa aming mga lolo't lola. Nasa ikatlong baiting ako sa

panahong ito ng nagsimula ang malaking pagbabago ng aking buhay, na katulad kay

Lourdes ay kinakailangang na niyang mas maging matapang at matatag para sa panibagong

sitwasyon ng buhay.

III. KONGKULSYON

Ang kuwento sa ina ni Lourdes ay ipinapakita na ang kapangyarihan na taglay ng

pagmamahal ng mga magulang ay walang katumbas, na maging ang sarili nilang buhay ay

handang ialay para sa kanilang mga anak. Dahil dito, tiyak na sumasang-ayon na ako sa

kasabihan nila na ang mga ina ang ilaw ng tahanan. Matapos basahin ang kwentong ito,

napagtanto ko rin na ang mga payo at mungkahi ng ating mga magulang ay may

napakalaking epekto sa ating kinabukasan. Gaya ng payo ng ama ni Lourdes sa kanya na


“tibayan ang loob,” na ito'y naging lakas niya sa pagpapatupad ng kaniyang mga pangarap,

may payo din ang aking ina bago umalis na hinding-hindi ko makakalimutan, at yun ay

ang “maging matatag para sa aming magkapatid.” Samakatuwid, kung ako ay magiging

isang ina balang-araw, nais kong ibigay sa aking mga magiging anak ang buhay na hindi

ko naranasan sa aking buhay. Tulad ng ina ni Lourdes, magagawa ko ito sa pamamagitan

ng pagkakaroon ng busilak na puso at magandang relasyon sa aking magiging asawa, na

siyang pundasyon ng ligtas, masigla, at masayang tahanan.

You might also like