You are on page 1of 2

Janine Mykha B. Nanteza BS Psychology 2102 Ang Super na, SUPER pa!

Huwag makakalimot ha Ito ang mga katagang madalas na banggitin ng aking Nanay (Lola) at Tatay (Lolo). Nababakas sa kanyang mukha ang pagkatakot na baka dumating ang panahon na makalimutan na sila ng kanilang mga pinakamamahal na apo. Kahit naman sinong Lolo at Lola ay ganuon ang mararamdaman. Isa ito sa mga dahilan kung bakit mahal na mahal ko ang aking Nanay at Tatay. Sobra silang magmahal sa mga apo. Maalaga. Mabait at Mapagmahal. Sa panig ng aking Mama, tanging ang Lola ko na lamang ang buhay. Ngunit may kinagisnan pa rin akong Lolo na tinuring kaming mga tunay na apo. Sa katunayan, malaki na ako ng malaman kong matagal nang sumakabilangbuhay ang aking tunay na Lolo. Sa sobrang pagmamahal niya sa amin, parang sa kanya din kami nagmula at mahal na mahal din naman naming siya bilang tunay na Lolo. Isang ulirang asawa, ama at Lolo. Kasangga ko siya mula pagkabata at siyang nagsilbing ama sakin habang nasa ibang bansa ang aking Papa upang magtrabaho. Takbuhan ko sa tuwing akoy malungkot. At kahit may edad na ay naghahanap-buhay pa rin. Iyan ang aking Tatay Danny! Isang SUPER LOLO. Ang aking Nanay Linda naman ay kaiba sa aking Tatay Danny. Strikta siya. Disciplinarian. Organisado. Madalas niya kaming pinapagalitan dahil sa aming kakulitang taglay. Pero mabait yan ha at masipag pa! Isa syang mapagmahal na asawa, ina, at Lola. Isang SUPER LOLA na walang sawang nagmamahal sa kanyang mga apo. Wala man silang naging ambag para sa lipunan, ang simpleng ngiti at kalinga nila para sa mga nangangailangan ay sapat nang dahilan para ipagmalaki ko sila sa buong mundo. Sapat nang dahilan ang pagmamahal nila sa

amin para ipagpasalamat ko sa Panginoon na isa ako sa mga naging apo nila. Sapat nang dahilan ito para araw-araw kong ipagpasalamat sa Kanyang nabuhay akong mayroon akong Nanay Linda at Tatay Danny na Super na, SUPER pa!

You might also like