You are on page 1of 3

Galing ako sa isang maliit na pamilya.

Ako ay si Vernus Marlou S


Resurreccion. Ipinanganak noong Abril 25, 2005 sa Mary Grace
Cebu City. Ang aking ama ay si Virgilio at ang aking ina ay si
Marilyn. Tatlo kaming magkakapatid. Ako yung ikalawa, ang
Panganay naman ay si Virnald at si Marlon yung Bunso. Salat
man sa yaman,kami ay naninirahan na mapayapa at masaya.
Kung minsan di maiwasan ang pag-aaway lalung-lalo na sa
aming magkakapatid. Sa aming munting tahanan sa Ylaya
minulat kami ng aming butihing ina na magagamit namin sa
aming hinaharap ng mabuting pag-uugali,takot sa diyos at
disiplina. Okey na sana ang pamumuhay ng aking mga magulang
dahil sa kani-kaniyang negosyo, pero naglaho lang na parang
bula ang lahat nang nag away sila nang dahil sa babae nang
aking tatay. Ginawa namin ang lahat para magkabalikan sila pero
wala eh mas nag uumapaw yung galit nang aking ina kaya ayon
tuluyan na nga silang nagkahiwalay. Yung tatay ko yung umalis
sa amin. Nag hiwalay sila Noong taong 2017. Pinagbubuntis nun
ng aking Ina ang aking bunsong kapatid na si Marlon. Pero kahit
ganoon nagpatuloy parin siya sa pagtatrabaho para maitaguyod
niya kaming magkakatid lalong-lalo na si Bunso.

Hindi ko na hahabaan pa ang storya. At kahit nagkaganoon pa


man,tuloy parin ang buhay. Heto ako ngayon nag-aaral sa
Talamban National High School. Nangangarap na sana
makapagtapos sa pag-aaral at malabanan ang anumang mga
pagsubok na dumating sa buhay.

Nagpapasalamat ako sa aking ina dahil kahit na madami siyang


problema , kahit na siya lang mag-isa yung nagtataguyod sa
amin, kahit na madami na siyang mga utang ay hindi parin siya
sumuko. Siya yung tipong ina na gagawin ang lahat para lang
maitaguyod ng maayos ang kanyang pamilya. Nagpapasalamat
din ako kay Tatay dahil kung wala siya di kami mabubuhay. Nag
papasalamat ako sa mga alaala na iniwan niya sa amin yung
tawanan, yung kulitan , yung lambingan , at higit sa lahat yung
pagmamahal.

You might also like