You are on page 1of 32

INTRODUCTION:

MAGANDANG ARAW KIDS!


KUMUSTA NA KAYO?
OKAY LANG PO! MABUTI NAMAN
KUNG GANUN, AKO ANG
MAKAKASAMA NIYO PARA SA
LESSON NIYO NGAYONG LINGGO.
nung nag daang linggo,
ang napag-aralan natin
ay alagaan ang ating
katawan.
kumain tayo ng tama
at nais din ng ating
Panginoon na gamitin
ang mga bahagi ng
katawan natin sa
paggawa ng mabuti.
Ginagawa niyo ba ito mga
bata? Opo, Praise God!
sapagkat nasisiyahan ang
Panginoon, kapag inaalagaan
natin ng maayos ang ating
katawan.
Para masimulan ang
ating panibagong
lesson, Panoorin muna
natin ang video na ito.
Natuwa ba kayo sa videong
napanuod natin? , ang
lesson natin sa linggong ito
ay pinamagatang “kaya kong
magpasalamat”.
Ang kwento ay tungkol
sa Sampung lalaking may
ketong na pinagaling ni
Jesus.
Isang araw, si Jesus
ay naglalakbay sa
Jerusalem, dumating
siya sa hangganan ng
galilea at samaria,
nang pumasok siya sa
isang nayon ay
sinalubong siya ng
sampung ketongin o mga
taong may sakit.
ang ketong ay madaling
makahawa.
Dahil sa sakit na ito, Ang mga taong
may ketong ay pinapalayas sa lugar
kung saan sila nakatira at tinatawag
din silang madumi at walang gustong
lumapit sa kanila.
Sa tingin niyo, ano kaya ang
naramdaman nila?
Malungkot po! tama
malungkot na malungkot sila.
Ngunit ng Makita ng mga taong may
ketong, na si Jesus ay parating,
tinawag nila si Jesus.

Jesus, Panginoon!
mahabag po kayo sa amin,
Tulungan niyo po kami,
Pagalingin niyo kami.
Nakita sila ni Jesus at naawa
siya sa kanila. Kaya sinabihan
Niya silang pumunta sa bayan
at ipakita ang sarili nila sa pari
Ayon sa batas na
ibinigay ng Diyos sa
mga Judio

ang pari ang magsasabi kung
,

gumaling na ang isang ketongin.


Habang papunta na sila sa bayan,
napansin ng mga lalaking
pinagaling na sila ni Jesus. Nawala
ang ketong nila.
Nagmadali ang mga lalaking tumungo sa
bayan, masayang-masaya sila. Pero
tumakbong pabalik ang isa kay Jesus, na
sumisigaw ng Papuri sa Diyos.
Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus,
ang sabi niya, salamat po Jesus,
Maraming salamat, pinagaling niyo po
ako.
Napangiti si Jesus sa masayang lalaki,
Sinabi ni Jesus, tumayo ka at umuwi
na, pinagaling ka ng iyong
pananampalataya, pero naisip Niya
yung siyam na lalaking pinagaling
Niya,
Sabi niya, Sampung lalaki ang
pinagaling ko, nasaan na ang siyam?
Nakalimutang magpasalamat kay
Jesus ang siyam na pinagaling!
Nalungkot si Jesus, kasi isa lang ang
bumalik para magbigay ng papuri at
parangal sa Diyos.
Sa kwento ay makikita natin ang kamangha-manghang
ginawa ng ating Panginoon, Pinagaling niya ang sampung
lalaking may sakit. At ang sakit na ito ay ketong na
nakakahawa.
sa tingin nyo mga bata, ilan kaya ang nakaisip na
magpasalamat kay Jesus? isa po! tama, isang lalaki lang ang
nakaisip na magpasalamat kay Jesus.
Dapat ganun din tayo, magpasalamat
din tayo Kay Jesus. Dahil patuloy niya
tayong prinuprutektahan sa sakit na
kinakarap natin ngayon.
Pwede ba yun mga bata? Opo! Amen
Ang siyam na lalaki ay hindi nakaisip na
magpasalamat kay Jesus,
nalungkot Si Jesus, dahil nakalimutan nilang
magpasalamat at hindi sila nagbigay ng papuri at
parangal sa Diyos.
Ganun din tayo, minsan ay
nakakakalimot tayong magpasalamat
kay Jesus. Kaya kapag hindi tayo
nakakapagpasalamat sa kanya,
nalulungkot din si Jesus.
Magpasalamat tayo sa ating mga magulang, sa
pamilya natin at sa mga taong tumutulong sa
atin, dahil patuloy nila tayong, sinasamahan,
minamahal at tinutulungan.
Nagagawa niyo bang magpasalamat sa kanila
mga bata? Opo! Tama yan.
Sa ating Panginoon, nagpapasalamat din ba
kayo sa kanya?
opo! Amen, Ganun din dapat tayo sa ating
Panginoon, wag nating kakalimutang
Magpasalamat sa kanya.
Dapat lang na makatanggap Siya ng maraming
maraming salamat po, galing sa atin, kasi
marami na siyang ginawa at siya ang may likha
sa atin. Mabuti ang Diyos, Pinapagaling niya
tayo kapag tayo ay may sakit, binibigyan niya
tayo ng kalakasan at Minamahal niya din tayo at
marami pa siyang kabutihan na ginawa sa buhay
natin.
Mga bata, ugaliin nating magpasalamat ,
maliit man o malaking bagay Ang
natatanggap natin, dapat ay
ipinagpapasalamat natin. Sa pamamagitan ng
pagpapasalamat, Napapasaya natin ang
Panginoon at ang mga taong tumutulong sa
atin.
Hanggang dito nalang, pero bago ang lahat
nais ko munang mag tanong sa inyo, Isulat niyo ito sa
papel at pakipituran, pagkatapos ay isend niyo ito sa
amin.
Ano-anu ang gusto niyong ipagpasalamat sa ating
Panginoon?
Bilang pagtatapos, tayo na ay manalangin
Ipikit natin ang ating mata,(prayer)

Maraming salamat mga bata sa inyong pakikinig


hanggang sa susunod. God bless sa inyong
lahat.

You might also like