You are on page 1of 3

Magandang hapon po sa ating lahat.

Tayo po ay nasa ika-labing


pitong linggo sa karaniwang panahon. Sa ating ebanghelyo ay
ipinahahayag sa atin ng Panginoon, kung paano tayo dapat
manalangin. Humingi kayo at kayoy bibigyan; humanap kayo at
kayo’y makasusumbong; kumatok at ang pinto’y bubuksan para
sa inyo. Sapagkat sa buhay ng tao laging may pagsubok, kayat
wag sumuko! Walang pagsubok na hindi natin malalampasan.
Maging matatag, manalangin at magtiwala. Hinahamon tayo ng
Panginoon, kaya ba nating patawarin ang mga taong nagkasala
sa atin? Kaya ba nating buksan ang mga taong kumakatok at
nangangailangan? Ito po ang ating pagnilayan sa pagpapatuloy
ng ating pagdiriwang.
Panginoong Hesus, sa mga pagkakataong nakakalimot kami na
maglaan ng oras at panahon upang manalangin at magtiwala sa
Iyo, Panginoon, kaawaan mo kami.
Kristo Hesus, sa mga panahong kami ay nagkulang sa paglapit
sa Iyo, mas inilaan namin an gaming oras sa mga materyal na
bagay, naging maramot kami at hirap magpatawad. Kristo,
kaawaan mo kami.
Panginoong Hesus, sa mga panahon na hindi kami nakatutulong
sa pangangailangan ng aming mga kamag anak, kaibigan at
kapwa, bigyan mo po sana kami ng lakas upang matugunan ang
bawat pagkatok ng mga nangangailangan. Panginoon, kaawaan
mo kami.
Para sa mga tagapamuno ng Inang Simbahan, nawa ay patuloy
nilang matugunan ang pangangailangan ng Sambayanan,
tulungan ang mga naliligaw upang manalangin at magtiwala sa
Diyos. Manalangin tayo!
Para sa mga tagapamuno ng Pamahalaan, nawa ay
magampanan nila ng tama ang kanilang tungkulin at bigyan mo
sila ng malinaw na pag iisip at lakas na harapin ang mga
suliranin na kaakibat ng kanilang gawain at gampanin.
Manalangin tayo!
Para sa mga maysakit at ibat ibang karamdaman, nawa ay
mayroong tao na handang magbukas ng kanilang mga kamay
upang matulungan sila at madamayan . Manalangin tayo!
Para sa mga kapatid namin na nasa bilangguan, nawa ay
matutunan nila na pagsisihan ang mga kasalanan, at bigyan sila
ng kakatagan ng loob na malampasan ang pagsubok na at
makapagpanibagong buhay. Manalangin tayo!
Para sa mga aming mga Lolo at Lola, nawa ay tumagal pa ang
kanilang buhay, madama nawa nila ang ligaya at pagmamahal
sa piling ng kanilang pamilya, nang sa gayon ay aming
matumbasan ang kanilang mga naging pagsisikap at pag aaruga.
Manalangin tayo!
Mapagmahal na Ama, maraming salamat po sa buhay,
kalakasan at mga biyayang natatanggap namin sa araw araw.
Salamat po dahil pinanatili ninyo ang kagandahan ng aming
kapaligiran, ang mayamang karagatan at masaganang
kabundukan na pinagmumulan ng aming mga kabuhayan.
Maraming salamat sa mga taong patuloy na nag aalay ng sarili
upang makinig sa Mabuting Balita. Kay Ate Chona na patuloy na
naglalaan ng kanyang oras at sarili para magturo sa aming mga
kabataan, na maging bukas ang aming kaisipan sa paglilingkod
sa kapwa at sa Inang Simbahan. Maraming salamat din p okay
Fr. Imay sa kanyang patuloy na paghahatid ng Mabuting Balita,
para sa ikaliliwanag ng aming kaisipan at maunawaan ang nais
iparating ng Ama. Higit sa lahat sa aming tinanggap na Katawan
at Dugo ni Hesukristo, nawa sa pagtanggap naming ito ng Banal
na Eukaristiya ay magsilbing daan upang higit kaming maging
bukas, maging mapagbigay, at magpatawad. Salamat din po sa
mga taong dumalo at naging bukas sa paanyaya ng Diyos na
dalawin siya sa kanyang tahanan. Sa lahat po ng ito, maraming
salamat po. Amen!

You might also like