You are on page 1of 3

Magandang hapon po.

Ipinagdiriwang natin ngayon ang


Kapistahan ng Kristong Hari. Ang isang hari sa ating
pagkakaunawa ay makapangyarihan, mayaman, at may aliping
sa kanya ay nagsisilbi. Ngunit sa ating ebanghelyo, ang Haring
tinutukoy ay walang makamundong kapangyarihan, walang pag
aari, walang alipin. Sapagkat si Hesus na ating Hari ay higit na
makapangyarihan sa lahat, ngunit may pusong bukas upang
magmahal, may awa at handang magpatawad. Siya ay Hari na
nagbibigay ng pag asa, kapahingahan at katotohanan.
Hinahamon tayo ng Mabuting Balita, masasabi mo bang may
pananalig ka na si Hesus ang Kinikilala mong Hari? Na si Hesus
ang naghahari sa iyong buhay? Handa ka ba na ibahagi ang
mensahe ni Kristong Hari sa iyong kapwa? Kapag nadama ng
ating kapwa ang pagmamahal ni Kristo sa pamamagitan ng ating
mga gawa, tunay nga na si Kristo ay naghahari sa ating buhay at
puso. Magnilay po tayo.

Panginoong Hesus, ikaw ang Hari ng Katotohanan at


Buhay. Patawarin mo nawa ang aming isipan, salita, o
gawa na nakasakit sa aming kapwa. Panginoon, kaawaan
mo kami!
Panginoong Hesus, ikaw ang Hari ng Kabanalan at
Biyaya. Patawarin mo ang aming mga kasalanang
materiyalismo, kasakiman, at kapalaluan. Kristo, kaawaan
mo kami!
Panginoong Hesus, ikaw ang Hari ng Katarungan, Pag-
ibig, at Kapayapaan. Patawarin mo ang aming mga
pagiging dimakatarungan, pagkamuhi, at kapusukan.
Panginoon, kaawaan mo kami!
Kristo, aming Banal na pastol, tipunin mo sa iisang kawan
ng Simbahang iyong itinatag, ang iyong mga tagasunod
buhat sa bawat bayan. Manalangin tayo!
Kristo, aming Tagapagligtas, gabayan mo ang Santo Papa
sa kanyang misyong pagalingin ang mga maysakit,
hanapin ang mga naliligaw at palakasin ang mga
nanghihina. Manalangin tayo!
Kristo, hukom ng lahat ng tao, ilagay mo nawa kami sa
iyong kanan, upang manahin namin ang Kahariang
inihanda na para sa amin sa pagsisimula pa man ng
mundo. Manalangin tayo!
Kristo, Prinsipe ng Kapayapaan, lipulin ang mga sandata
ng digmaan, at turuan ang mga taong mamuhay nang
maayos, at nang may pag-galang at pakikipagtulungan sa
isa’t isa. Manalangin tayo!
Kristo, na una sa mga yumao, ihatid mo nawa ang lahat
ng namatay na nananalig sa iyong awa sa kaluwalhatian
ng muling pagkabuhay. Manalangin tayo!
Dakilang Hari, lubos at taos puso po ang aming
pasasalamat sa walang pagmaliw mong paghahari sa
aming buhay. Sa pagbibigay mo sa aming ng mga biyaya,
kabuhayan at buhay na may pag asa. Parang ilog na
patuloy na umaagos at dumadaloy ang iyong pag ibig sa
lahat ng iyong mga nilikha. Salamat sapagkat
ipinapadama mo sa amin ang lakas ng iyong
kapangyarihan na di kami matitinag basta kami ay
nakakapit sa iyo at ikaw ang naghahari sa lahat ng aming
mga gawa at salita. Salamat sa katawan at dugo ni Hesus,
ang Hari na nag alay ng sarili para sa amin, sa
pagtanggap namin ng kanyang katawan nawa ay manatili
siya at di lumisan kalian man upang ang aming katauhan
ay si Hesus ang masilayan. Salamat sa aming butihing
Pari Fr. Sunny ang ehemplo ng isang tunay na
paglilingkod. Sa lahat po ng mga taong aming kasama
ngayon. Salamat po Ama. Amen.

You might also like