You are on page 1of 5

Mapagpalang hapon po.

Tayo ngayon ay nasa ika-18


linggo sa karaniwang panahon. Ipinagdiriwang din
natin ngayon ang Linggo ng Misyong Pilipino. Isang
mahalagang mensahe ang nais ipahatid sa atin ng
mga pagbasa at ebanghelyo ngayon, ang talikuran
at iwasan ang pagiging makasarili at sakim. Matuto
tayo kilalanin at piliin ang mga bagay na talagang
kailangang natin keysa sa mga luho lamang. Maging
responsible at pahalagahan ang mga bagay na
kaloob ng Diyos na makapaghahatid sa atin sa
kanyang kaharian. Ituring natin na ang lahat ng
bagay na meron tayo ay mula at ipinagkatiwala
lamang sa atin ng Diyos, na dapat lamang na ibahagi
natin sa iba, sapagkat itoy paraan upang
makaimpok tayo ng yaman doon sa langit at paraan
upang maipadama natin sa kapwa ang malasakit ng
Diyos. Hinahamon tayo ngayon, anong mga biyaya
ang meron tayo na maaari nating ibahagi sa iba?
Kaya ko bang ibalik ang mga handog ng Panginoon
sa akin? Magnilay po tayo!
Panginoong Hesus, ang aming buhay ay umiikot sa
pagpili, patawad sa mga panahong nabuhay kami sa
pagpili sa mga luho namin keysa sa kung ano
lamang ang aming pangangailangan. Panginoon,
kaawaan mo kami.

Kristo Hesus, ang salapi, katanyagan at


kapangyarihan ay mahalagang sangkap ng buhay
dito sa lupa, sa mga panahong narahuyo kami sa
mga bagay na ito at nakalimutan mag impok ng
kabutihan na siyang yaman na maaari namin
magamit upang marating ang kaharian mo. Kristo,
kaawaan mo kami.

Panginoong Hesus, pinagkalooban mo kami ng


talino at mga kakayahan, ngunit takot o nahihiya
kaming ibahagi ito sa iba lalo na sa pakikisangkot sa
mga gawaing pansimbahan. Panginoon, kaawaan
mo kami.
Nawa ang Simbahan sa pamamatnubay ng mga tagapamuno
nito ay huwag tumigil sa pagpapahayag ng ebanghelyo sa lahat
ng tao, dako, wika at kultura. Maikalat nawa nila ang mga aral
laban sa kasakiman at pagkamakasarili. Manalangin tayo!
Nawa ang mga naglilingkod sa Pamahalaan ay maging buhay at
mabisang kasangkapan sa pagbabago at pag unlad ng lipunan,
tulungan nawa nila yaong mga walang kakayahan at
oportunidad na makaahon mula sa kahirapan. Manalangin
tayo!
Nawa ang mga Misyonerong Pilipino ay makatagpo ng
kanlungan at mapagpalang kamay na sa kanilang mangangalaga
at magpapahalaga sa panahong na kanilang isinasagawa ang
kanilang mga misyon. Manalangin tayo!
Nawa ang mga naghihirap, pinanghihinaan ng loob, dahil sa
bigat ng kanilang mga pagsubok lalo na yaong mga biktima ng
nakaraang lindol ay huwag ipinid ang kanilang puso bagkus ay
palalimin pa nila ang kanilang pananampalataya at magtiwala
may mga mabubuting puso sa kanila ay tutulong at mag aahon
sa kalagayang meron sila ngayon. Manalangin tayo!
Nawa patuloy mong palakasin at bigyang ng malusog na
katawan ang aming kapatid na si Nanay Elevita Moral, upang
matuloy niyang matamasa ang pagmamahal mula sa kanyang
pamilya at mga anak. Manalangin tayo!
Ang araw na itoy puspos ng biyaya at mg kaloob
mula sa Iyo Ama, kayat itoy aming pinagpupuri at
ipinagpapasalamat sa Iyo. Salamat po sa iyong pag
ibig, buhay at kalakasan mula sa mga oras na kami
ay himbing at nasa iyong kalinga hanggang sa mga
oras imulat mo ang aming mga mata. Sa aral na
Mabuting balita na aming maparinggan at
nagbibigay direksyon sa buhay na meron kami
ngayon. Sa tulong at gabay ng talino na
ipinagkaloob mo sa aming Paring Gabay, upang mas
maipaabot at mas maunaawaan namin ang nais
mong iparating sa bawat isa. Sa kapayapaan at
kapakumbabaan na aming tinanggap mula sa
katawan at dugo mong handog para sa lahat, lubos
namin itong pinasasalamatan at umaasa kami na ito
ay magiging daan upang mas makilala at piliin
namin ang higit na kailangan upang magampanan
namin ang misyon na mag impok ng yaman ng puso
at kalooban na magagamit namin upang kamtin
namin ang kaharian Mo. Ito po ay aming
pinasasalamatan sa dakilang pangalan ng inyong
anak na si Hesus. Amen!
AUG 6 UMAGA PAGHUBOG HAPON ARAW NG KAPARIAN START 1PM 3PM ANG MISA

You might also like