You are on page 1of 5

SKIT SCRIPT

Scene 1: TIME MANAGEMENT


Si Paul ay naatasang pangunahan ang kaniyang mga ka-klase at naatasan siya bilang mayor.
Marami ang umaasa sa kaniya sa kanilang classroom dahil nakikita nila ang kaniyang
dedikasyon sa kaniyang posisyon. Pero dumating and isang araw na kailangan niyang mamili
kung uunahin niya ba ang mga gawain sa paaralan o ang paggawa ng gawain na para sa
Panginoon.
Yana: Good morning students! Who is your class mayor?
Paul: (raises a hand)
Yana: Anong plano niyo this coming Saturday para sa school fair?
Paul: Po? (Stutters) A-ah, ma’am, mage-excuse po sana ako na hindi ako makakasama sa event
kasi mayroon po kaming activity sa church.
Yana: Ipapa-alala ko lang, mister Esguerra na ikaw ang naatasan para gumawa sa mga bagay na
ito.
Paul: (nag-iwas ng tingin)

Kinagabihan, nag-pray si Paul kung ano ang dapat niyang sabihin sa guro nila para i-excuse ang
kaniyang sarili. Pagkatapos niyang mag-pray ay nabasa niya sa Bible Acts 5:29. Pinanghawakan
niya ang verse na iyon at naki-usap siya sa guro.
Paul: Magandang umaga po, ma’am. Makiki-usap po sana ako na hin—
Yana: Sige, hindi kita o-obligahin sa ngayon. But don’t expect too much on me. Kung hindi ka
maasahan sa ganitong mga bagay, huwag ka ring umasang bibigyan kita ng mataas na grado.
Paul: Pasensiya na po talaga. (silence)

After a week, binigyan ni Yana si Paul ng maraming activities dahil naiinis pa rin siya sa
pagtanggi nito sa activity nila. Pero lahat ‘yon ay natapos ni Paul. Sa mga quizzes ay siya rin ang
nangunguna o kaya ay laging pasado ang mga scores.
Classmate 1: Pa’nong nangyaring pasado ang score mo kung maraming binibigay si ma’am
sa’yo na tasks?
Classmates 2: Oo nga, mayroon ka bang time para mag-review?
Paul: Natutunan ko kasing ayusin ang mga priorities ko. Inuuna ko muna si Lord sa lahat ng
bagay at lahat ng iba pa ay magkakasunod-sunod na.
Classmate 1: Ang galing naman.
Paul: Salamat kay Lord. (by God’s Grace)

Sa youth fellowship nila ay nag-testimony si Paul sa paggawa ng Panginoon sa buhay niya. Na


ang pinanghawakan niyang verse ay Acts 5:29—Then Peter and the other apostles answered and
said, We ought to obey God rather than men. Nag-iba ang tingin ng guro sa kaniya at unti-unti
niyang nakita ang devotion ni Paul at pinapayagan na niya itong mag-excuse sa mga events na
kailangan siya sa kanilang simbahan.

Scene 2: TIKTOK INFLUENCE


Sinimulan ni Princess ang araw niya sa pamamagitan ng pagdedevotion. Nabasa niya sa
kaniyang Bibliya na 1 Corinthians 10:31—Whether therefore ye eat or drink, or whatsoever ye
do, do all to the glory of God. Humingi siya ng wisdom at discernment sa Panginoon patungkol
sa sinasabi ng verse na iyon.
Mayroon bakanteng oras sa klase nina Princess kaya maingay ang paligid. Ang iba niyang mga
ka-klase ay hindi magkamayaw sa kanilang ginagawa habang siya ay naka-upo lang at nanood sa
mga ito. Mayroong isang grupo malapit sa kaniyang harapan ang nag-uusap patungkol sa mga
na-usong mga sayaw ngayon.
Classmate 1: Uy, Nakita mo na ba ‘yong bagong trend sa TikTok na sayaw ngayon?
Classmate 2: Alin do’n?
Classmate 3: ‘Yong kay Marian Rivera ba?
Classmate 1: ‘Yon nga! Gusto kong sayawin ‘yon. Video’han niyo ako!
Classmate 2: Ano ba ‘yan? Bakit ikaw lang? Isama mo kami.
Classmate 3: Sayawin nalang natin na group.
Classmate 1: Sige na nga, tara!
Classmate 2: Kaninong phone?
Classmate 3: Sa’kin nalang. Uy, Princess Sali ka sa’min! Dali!
Princess: Hindi, ayoko. Hindi ako sumasayaw dahil hindi pwede ‘yon sa amin.
Classmate 2: Asus! Ang dami mo namang reklamo! Para namang may makakita sa’yo.
Princess: Hindi nga ako nakikita ng tao pero nakikita ako ng Panginoon. Malaswa ang mga
sinasayaw ninyo, hindi ‘yon nakaka-puri sa Panginoon.
Classmate 3: Ano namang mali kung sumayaw ka? Tayo-tayo lang naman dito, e. Walang
magsusumbong sa’yo.
Princess: Kahit na. Ayoko pa rin.
Classmate 1: Ang KJ mo naman. Nakakasira ng mood. Tayo na nga lang.
Classmate 2: Oo nga, hayaan na natin siya.

Lingid sa kaalaman ni Princess may isang ka-klase siya na nago-observe sa kaniya doon sa sulok
at tinitignan ang bawat ginagawa niya.
Shenade: Princess, nakita kitang inaaya ng mga ka-klase natin na sumayaw. Bakit hindi ka
sumama?
Princess: Ayokong sumayaw ‘saka bawal ‘yon sa’min.
Shenade: Ganoon ba? Pansin ko nga kada may activities tayo na tungkol sa sayaw hindi ka
nakikisali.
Princess: ‘Yon kasi ang sinasabi ng Bible at ‘yon ang sinusunod ko.
Shenade: Bakit naman? E, wala namang nakakakita sa’yo dito sa school?
Princess: Kahit hindi ako nakikita ng pastor ko o sino man sa church naming, nakikita naman
ako ni Lord. Nahihiya ako kung masusuway ko Siya.
Shenade: (silence)
Princess: Ba’t ka lumapit sa’kin e sinabihan akong KJ ng mga kaibigan mo?
Shenade: Na-curious kasi ako sa pinaninindigan mo.

Simula noon, laging maraming katanungan si Shenade tungkol sa pananampalataya ni Princess.


Kaya halos lagi ng kanilang oras ay magkasama sila. Sa kagustuhan ni Princess na ma-akay si
Shenade ay sinubukan niyang imbitahin ito sa simbahan nila at pumayag naman si Shenade.
Doon, may nagbahagi ng kaligtasan kay Shenade at nalaman niya ang katotohanan. Doon niya
naintindihan ang pinaninindigang pananampalataya ni Princess. Sila ang magkasama sa
pagbabahagi ng paggawa ng Panginoon sa buhay nila.

Scene 3: Devotion
Pagka-uwi galing school ay pagod na pagod ang estudyante dahil sa mga activities na ginagawa
nila sa paaralan, sa sobrang antok na nararamdaman niya ay natulog agad siya ng hindi pa
nakapag-basa ng Bible. Hindi na din siya naka gawa ng takdang aralin dahil umaasa ito na
magagawa niya ito kinaumagahan.
*kinaumagahan
Gumising ng maaga ang estudyante dahil gagawa siya ng kanyang takdang aralin, ngunit iniisip
niya na kulang ang oras para sa kanyang paggawa kaya’t inuna niya ang takdang-aralin kaysa sa
pagbabasa ng Bible.
Pumasok siya sa paaralan na hindi filled ng Holy Spirit, kung kaya’t hindi niya ma-kontrol ang
kanyang sarili at galit na galit siya sa mga bagay-bagay.
(Always remember: Matthew 6:33)

Scene 5: lesson against God


Bilang isang Kristiyano na may paninindigan sa Panginoon*
Araw-araw ay sumasabak tayo sa laban ng mundo, katulad ng ating paniniwala sa Diyos ay
marami ang kumokontra.
Binabasa natin ang ating Bibliya at dahil doon ay naniniwala tayo na si God ang naglikha sa atin,
ngunit dahil maami rin ang hindi naniniwala sa Panginoon, naniniwala sila sa inaaral nila noong
unang panahon na nagmula sa unggoy ang mga tao. Dahil malakas ang hatak ng mundo ay
pinaniniwalaan nila ang kanilang mga guro.

Scene: nahihiya mag-pray sa crowded place


*First day of school
Nagpakilala ang isang estudyante sa buong classroom ngunit hindi niya sinabi na siya ay isang
kristiyano, maraming nawili sa kanya dahil sa ipinapakita niyang kabutihang loob sa bawat isa.
Student 1: uy tara kain tayo sa labas!
Kristiyano: ahhh, sige total wala naman akong kasama dito sa room.
*pumasok sa isang sikat na kainan kung kaya’t maraming naglalabas-pasok doon.
Nagsimula ng kumain ang kanyang mga kasama ngunit hindi pa siya nagsisimulang kumain.
Nanalangin nalang siya sa kanyang isipan ngunit saglit lang ito.
Hindi alam ng mga kaibigan niya na isa siyang anak ng Panginoon, dahil ikinakahiya niya ito sa
harap ng maraming tao.
Tandan lagi natin ang nasa Bibliya na kung ikakahiya natin ang Panginoon ay ikakahiya rin Niya
tayo pagdating natin sa Kanyang Kaharian.
TEACHER: Goodmorning students, may performance task kau ngayun sa Mapeh! Sasayaw kau,
alam niyo malaking percentage ang performance task guys so need nio itong gawin!!!
LHESTER: hahh pano kaya un? Ehhh bawal saamin ang sasayaw! Ma iintindihan kaya ni maam
un?(isip)

*KINAUSAP ANG TEACHER*

LHESTER: ma'am Good morning po! Makikiusap po sana ako na di nalang po ako sasayaw kase
bawal po saamin ma'am! Sana maintindihan niyo po!!!
TEACHER: ay hindi pwede! Saan ko kukunin ang ibbgy kong grade kung di mo gagawin ung
performance task na binigay ko sainyo???(galit)
LHESTER: pano kaya yun ? Sasayaw kaya ako o hindi?

*NAG PRAY*

LHESTER: di ako sasayaw! Paninindigan ko ang paniniwala ko!!

*1 WEEK LATER*

TEACHER: lahat kau may matataas na grade sa performance task nio pero si Lhester hindi! Di
siya sumayaw!

*AFTER THE SY*

ADVISER: Gusto niyo naba malaman kung sino ang 1st honor niyo dito sa room??
STUDENTS: opo ma'am! Sino po?
ADVISER: ang first honor ay si....... LHESTER!!!

You might also like