You are on page 1of 3

Group 3: Self Determination

Mga Tauhan:

John Henry as Tessie – ina ni Larry at wala ng ginawa kung di ipamuka kay Larry ang kanyang mga binigay para lang siya’y
makapagtapos

James Andrew as Larry – Anak ni Tessie at Boy na hindi man lang maramdaman ang suporta at pag mamahal ng kanyang ina
na si Tessie

Carl John as Boy – Ama ni Larry na palagaing sinusuportahan ang lahat ng desisyon ni Larry sa buhay

Gian Kyle as Narrator

April Jay as Student

Mack Jestoni as Student

Rafael as Lazada Man & Student

JohnMark as Teacher

Script

Narrator: Isang araw si Larry ay pumasok sa eskwela upang magtake ng Exam sa pagiging isang Pampublikong Guro, Habang
papasok si larry sa kanilang destinated room siya ay pinaguusapan ng kanyang mga kasabay sa pagtatake ng exam

STUDENT:Ano naman to parang walang masyadong alam at bat pa kasi siya magtatake??!!

STUDENT:Di ko nga alam eh, Nagsasayang lang ng Oras

NARRATOR:Dumaan nalang si Larry ng parang walang narinig sa mga masasakit na salitang sinabi ng kaniyang mga kasabay

LARRY: ( kaya ko to, kahit na pa minamaliit nila ako alam ko sa sarili ko na kayang kaya ko ito. Di ako susuko sila ang
magiging inspirasyon ko para magpursigi sa aking gustong gawin at walang makakapigil sa akin)

NARRATOR: tugon ni Larry sa kaniyang isipan. At ng dumating na ang guro ay ibinigay na ang mga Paper Sheets na kanilang
sasagutan.

TEACHER: Ok Takers just do your best and Goodluck, You can start anwsering now!

LARRY: (Busy answering Test papers)

NARRATOR: pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na araw si larry ay umuwi na sa kanila upang magpahinga at para na
din makapagrelax dahil siya ay sobrang pagod na at imbis na kamustahin ng kaniyang ina si Larry ay pinagalitan ng kaniyang
ina dahil nakahilata nalang daw siya ng nakahilata

LARRY: (pupunta sa kwarto para mag pahinga)

TESSIE: (Kumakatok ang Ina) Hoy Larry Nakahilata ka nanaman wala ka ng ginawa kundi maghilata ng maghilata sana naman
tulungan mo ako dito sa gawaing bahay para naman may naitutulong ka at di kanalang panay tulog

LARRY: Ma pagod po ako, gusto ko po sana muna magpahinga(mahinhing tugon ni larry)

TESSIE:Wala akong pakielam kung gusto mo lumayas ka nalang dito para wala na akong prinoproblema(padabog at galit na
umalis ang ina)
LARRY: (Hintayin niyo po kapag ako’y nakapagtrabaho na di na po ako aasa sa inyo at di na po ako babalik sa inyo para wala
na pong pabigat sainyo at wala rin kayong proproblemahin.

NARRATOR: Pagkalipas ng ilang Buwan at Si larry ay kinakabahan upang icheck ang kaniyang Pangalan sa Listahan ng
Nakapasa sa pagiging Guro

LARRY: Lord please tulungan mo ako (paulit ulit banggit ni Larry)

NARRATOR: At nuong nakita na ni larry ang kaniyang pangalan ay dalidaling lumapit sa kaniyang Ama at Isinabi ang
magandang balita

LARRY: Paaaaa!!!!! Isa na akong Lisensyadong Guro!!! (Paiyak na sinabi ni Larry)

BOY: (Di Mawari kung matutuwa o maiiyak dahil sa halo halong emosyon) Congrats anak! Sobrang proud sayo at Sobrang
Mahal na Mahal kita tandaan mo yan Kasi ikaw lang ang nagiisang lalaki sa inyong magkakapatid. Napakagaling mo anak
paniguradong matutuwa si Mama mo nyan sayo

LARRY: Sana nga po at Matuwa si Mama (malungkot na pagkasabi ni Larry)

BOY: Mama tignan mo itong si larry oh!! Isa na syang Lisensyadong Guro!

TESSIE: Mabuti naman para may makakatulong na sakin kahit papaano sa mga bayarin

NARRATOR:Dali daling bumalik sa kwarto si Larry

LARRY: (Nakatingin sa salamin) Sabi ko sayo eh kayang kaya mo eh, basta sa lahat ng pagsubok na ating tinatahak walang
sukuan ah!, Sa lahat ng sinabi nila sayo na Hindi maganda babalik at babalik din sakanila yun balang araw at gawin mo lang
kung ano ang gusto mo , ang Galing Galing mo!! Congrats Teacher Larry!!

NARRATOR :Matapos ang 3 months na pagiging guro ni Larry, Si Larry ay nagbabalak ulit magaral upang tumaas ang
kaniyang ranko sa pagtuturo, Kinausap niya ang kaniyang ina upang tulungan siya sa kaniyang pagaaral at ito ang tugon ng
kaniyang ina

LARRY:Ma pwede ka bang makausap?

TESSIE: Ano yun? Dalian mo at madami akong ginagawa!

LARRY:ahm ganito po kasi yun nagbabalak po akong magaral ulit upang maging mataas na po ang aking ranko sa pagtuturo
at maging mataas na din po ang aking sahod, pwede po ba yung pang grocery kayo na po muna ang bahala?

TESSIE:Ano??? Wag na lang kayong kumain! Lumayas nalang kayo dito at di ko na kayo kailangan. Panay nalang problema
ang ibinibigay niyo sa akin wala na bang Bago???!!!

NARRATOR: Dali daling umalis si Larry at Umiiyak

LARRY: Bakit ba ako ginaganito ni mama??? Para nman sa kanila lahat ng aking ginagawa eh para naman sa kanila bakut
gusto kong mag aral ulit! Bakit? Bakit? Ang Unfair ng Mundo??????!!!!!

NARRATOR:Pumunta si Larry sa Paaralan na pinagtuturuan ng kaninyang ama at nagsusumbong.

LARRY: Pa Bakit Ganuon si Mama? Palagi nalang niya akong pinapagalitan parang hindi ko na ramdam pagmamahal niya
parang wala na akong kwenta sa kanya? Wala ba akong kwentang anak? Tumutulong naman ako sa mga bayarin sa bahay
ah?

Parang ipinapamuka niya kasi sa akin na Wala akong Kwenta eh

BOY: Ha??? BAKIT! Anong nangyari?

LARRY: Sinabi ko po sakaniya na gusto ko pong magaral ulit at para tumaas po akong rangko sa pagtuturo ayun isinumbat
niya na po lahat sa akin, Tama po ba yun?
BOY:Ok sige anak ako ng bahalang kumausap kay mama mo. Hindi dapat ganun ang ginawa niya sayo, Ako na din tutulong
para ikaw ay magaaral ulit. Tandaan mo yan ako na Papa mo hinding hindi kita sasaktan dahil mahap ko kayong
magkakapatid!

LARRY:Thank you po Papa!!

NARRATOR: Sabay na sila umuwi ng kaniyang Papa at nagusap usap sila dahil duon sa nangyari

BOY: Ma! Lika nga dito, Bakit mo naman ginawa iyon at ipinamuka mo na sana na siya nalang sana magtrabaho dito sa
bahay? Bakit siya lang ba ang nagiisa mong anak at siya lang ang iyong pinapagalitan? Maging patas ka naman sa kanila
hindi yung meron kang paborito!!
TESSIE:Eh sabi niya di na muna sa tutulong sa paggrogrocery eh?
BOY:Dahil lang duon? Big deal naba sayo yuon at para sabihin sakaniya lahat ng itinustos mo sakanila? Hindi dapat ganun!
Dapat suportado mo ang iyong anak sa lahat mg kaniyang gustong gawin para maging succesful siya or sila sa lahat ng
bagay! Sa susunod wag mo ng uulitin yan!
TESSIE:Nagsama nanaman ang dalawa(paalis na sinabi ng ina)
LARRY:Pa Thank you a! Salamat sa lahat ng iyong suporta, Pagdating ng araw hinding hindi kita makakalimutan Ikaw na ang
The Best pa sa The best, Salamat po!( Paiyak na sinabi ni Larry)
NARRATOR: Pagkatapos ng pangyayaring ito , hindi parin nag babago ang pakikitungo ng ina ni Larry sakanya may isang
sitwasyon Nga na??
LazMan : Tao po , Good morning Po para po kay Larry ??
TESSIE: ay wala po siya eh
LazMan: ay kaano ano niyo po siya??
TESSIE: anak ko
LazMan: baka naman po pwedeng bayaran nyo muna ito , di ko po kasi ma contact yung anak nyo busy po yata
TESSIE: ah sya sige , magkano ba ?
LazMan : 739 pesos po ma’am
TESSIE: hay jusmiyo
NARRATOR: makalipas ang ilang oras ay naka uwi na si Larry galing trabaho at pagod na pagod
TESSIE: hoy Larry hali ka nga dito may inorder ka nanaman … alam mong ako na nga nag babayad tubig kuryente internaet
natin
Pati ba naman yan pati ba naman yan idadag mo sa bayarin , ni hindi ka man lang nag iwan ng ibabayad
LARRY: (paiyak na sagot ) ma pagod na pagod ako galing trabaho , alam mo Naman na ang hirap hirap ng ginagawa namin
kahit
Minsan lang ma supportahan mo naman ako , pag pahingain mo muna ako , Hindi lang ikaw ang nahihirapan ma , pati ako
TESSIE: hayyy bahala ka sa buhay mo !
NARRATOR: Sa dulang hinihanda namin makikita natin na Hindi sinusuportahan si Larry ng kanyang ina ngunit sa kabila nito
ay Nanatiling matatag si Larry oo nahirapan si Larry pero hindi sya sumuko at patuloy parin siya sa buhay , at makikita natin
Doon ang self determination ni larry , sana’y may napulot tayong aral sa dulang inihanda namin , Hanggang dito nalang po
BOW

You might also like