You are on page 1of 1

Pangalan: Estrella, Zarina M.

Baitang at Pangkat: STEM 11-A R. FAVILA

MAGULANG

Paano nga ba natin sila napapahalagahan bilang mga magulang? Madalas sila'y nahihirapan,
nagsasakripisyo para sa ating pangangailangan, nariyang nagpapakahirap sa trabaho makuha
lang ang ating mga gusto, nag-aalaga at nagmamahal sa'tin sa panahon na kailangan natin ng
masasandalan, sabi nga ng marami ay isusubo nalang ng ating mga magulang ay minamabuti
nilang ibigay nalang sa atin ganon mag aruga ang ating mga magulang.

Minsa'y 'di man natin nakikita, sila'y nag iinda na ng mga karamdaman dulot ng katandaan, pero
sasambitin sa atin na "hindi, ayos pa ako" ngunit alam nating hindi. Minsan iniisip ko at
inilalagay ko sa imahinasyon ko na paano pala kung wala akong mga magulang? Masaya at buo
pa rin kaya ako? At kung sino ang nag aalaga at nagpapa-aral sa akin, wala akong ibang naiisip
na gagawa sa akin ng mga ganon kundi ang aking Nanay at Tatay, hindi ko lubos maisip ang
kalagayan ko ngayon kung wala sila sa tabi ko. Maraming beses man na sila ay ating nasasaktan
sa ating mga nasasabi dulot ng bugso ng damdamin ay sa huli't huli, sila ang nagpalaki, nag-
aaruga at unang nagmahal sa atin.

Hindi man natin alintana ang pagmamahal nila sa atin, makikita natin iyon sa mga pag aalala,
pag aaruga at sa kung papaano nila tayo dinidisiplina para mapabuti ang landas na ating
tatahakin. Kung madalas man tayo ay nasasabihan ng masasakit, dahil gusto nila na lumaki tayo
na may disiplina, pagrespeto at pagpapahalaga sa kung anong meron tayo. Tayo ang
pinaghuhugutan nila ng lakas upang magsikap para mabuhay tayo, tayong mga anak nila ang
kasiyahan nila, pagod ay nawawala sa t'wing tayo'y masaya, at nakaka tanggap ng parangal,
kasiyahan nilang makita tayong may pag galang, kasiyahan nila na sumusunod tayo sa kanilang
mga payo at pangaral.

Habang tayo'y lumalaki at nagkakaisip, hindi natin namamalayan na sila'y nadaragdagan din ng
edad. Kaya habang kapiling sila ay ipadama ang pagmamahal na dapat nilang madama.
Magpasalamat dahil sila ang ibinigay ng Ama na nag-aalala sa tuwing tayo at may sakit,
nalulungkot at nagagalit, dahil hindi habang buhay ay nandiyan sila para sumuporta sa mga
kasiyahan at kalungkutan ng ating buhay.

You might also like