You are on page 1of 2

Pagninilay

Sa pagbasa na ito, muli kong naalala ang pagmamahal ng Diyos sa akin. Dahil sa kaniyang pagmamahal,
ibinigay Niya kayo sa akin, aking mga minamahal na mga mag-aaral, magulang, katrabaho, pamilya, at
kaibigan.
Sa hirap ng buhay, minsan nakakalimutan kong mayroon pa lang mas mahalagang pagtuunan ng pansin.
Lalo na sa mga panahon na pakiramdam ko hindi ko na alam ang gagawin, iniisip ko na lang ang mga
bagay at biyaya na mayroon ako, at ang mga kaya kong ibahagi para makatulong at maisakatuparan ang
misyon ko sa araw-araw. Gaya ng pananampalataya ng mga taga Tesalonica, nagpapasalamat din ako sa
lahat ng ng mga biyayang nakakamtan ko. At isa na doon ang maging parte ng buhay ninyo.

Lagi akong nagpapasalamat sa Kaniya dahil dinala Niya ako dito sa Our Lady of Hope at nakilala ko
kayong lahat. Mapalad ako na naging bahagi na rin ng buhay ko ang apat na Core Values nito-
pananampalataya, pagpapagal at pagtitiis dahil sa pagmamahal, at ang palaging pagkakaroon ng pag-asa
sa araw-araw.

Kaya nais kong tandaan niyo rin na mahal tayong lahat ng Diyos. Huwag tayong tumigil sa
pagpapasalamat sa Kaniya at sa mga taong ginagawa niyang instrumento upang maibigay at maipadama
ang Kaniyng dakilang pagmamahal.

You might also like