You are on page 1of 9

ALAMINOS CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 11


PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Kwarter 3, Linggo 3-4, Pebrero 28-Marso 11,2022

I. Paksa: MGA COHESIVE DEVICES

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto


(F11PU-IIIb-90)
Nkakakuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang tekstong isinulat (F11EP
IIId-36)
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig F11PB– IIId – 99

III. Tuklasin:

GRAMATIKA: COHESIVE DEVICE (KOHESYONG GRAMATIKAL)

• nagpapatungkol sa mga salitang nagsisilbing pananda upang hidi gaing


paulit-ulit ang paggamit ng mga salita.
• ginagamit ang mga kohesyong gramatikal Halimbawa:
1. Sa Antipolo makikita ang Hinulugang tatak, Dito maaring magtampisaw sa malamig
na talon.
2. Ang pamilya Gonzalo ang nagmamay-ari ng naglalakihang gusali sa Makati, kanila
rin ang ilang mga naggagandahang resort sa Laguna.
3. Kung nag-aral lamang akong mabuti hawak ko na suot ko sana ang gintong medalya,
ito sana ang magbibigay sa akin ng pagkakataong pumasok sa magandang unibersidad.

Dalawang uri ng Kohesyong Gramatikal

Anapora- panghalip na ginagamit sa hulihang bahagi ng pangungusap o pahayag bilang


pamalit sa pangngalang binanggit sa unahan upang maiwasan ang pag-uulit ng pangngalan.

Halimbawa:
1. Ipinangako ng ni Aling Maria sa anak ang bagong loptop sa araw ng pasko, ngunit
nagkaroon siya ng biglang pagkakagastusan at nagamit ang perang pambili ng loptop.
2. Sa Ayala alabang nagtatrabaho si Jose, doon sila nagkakilala ng iyong anak.
3. Mahusay ang ginawang pag-awit ni Sarah G. kaya nakuha niya ang parangal.

Katapora – panghalip na ginagamit sa unahang bahagi nng pangungusap o pahayag


bilang pamalit sa pangngalang binanggit sa hulihan upang maiwasan ang pag-uulit.

1
Halimbawa:
1. Sila ang natatanging bida sa tuwing sasapit ang kapaskuhan, masasayang kabataan na
nagkakantahan ng awiting pamasko.
2. Batid niya ang kahihitnan ng kanyang ginawa, handa na si Anna na harapin ang
kanyang mga magulang.
3. Tayo ang kinikilala sa buong mundo ang pinakamahusay tumanggap ng panauhin,
tatak Pinoy ang kaugaliang ito.

Makakatulong din ang sumusunod na Cohesive devices sa pagsulat ng salaysay:

Para sa Pagpapahayag ng -kaya/kaya naman pagkat/sapagkat


dahilan o resulta ng isang pang- -dahil/dahilsa/sa mga/kay/kina -dahil
yayari o kaganapan dito/bunga nito

Pagpapahayag ng Kondisyon- -sana -kapag -basta’t -


Bunga/kinalabasan kung -sa sandaling

Pagpapahayag ng pagbabago -
Gayunman/Ganoonman/Gayunpaman
Ng Paksa o Tagpuan - Sa kabilang dako/sa isang banda
-Samantala

Pagpapahayag ng sabay na -Kaasabay nito/niyan


-Kaalinsabay niti/niyan

Kalagayan o Pangyayari

Pagpapahayag ng Pagbibigay -Sa madaling salita -kung gayon


linaw, Pagbubuod at Paglalahat -Bilang paglinaw -Samakatuwid
-Bilang pagwawakas/kongklusyon

2
Wastong Gamit ng Cohesive Device

1. Pagpapahayag ng Pagdaragdag – Halimbawa: ganoon din ,gayundin, saka, bilang


karagdagan, dagdagan pa rito
Tiyak na Halimbawa: Bilang tanda ng paggalang, nagmamano tayo sa nakakatanda sa
atin.Gayundin, sa ibang bansa sa Asya tulad ng Tsina at Hapon, naipapakita nila ang
kanilang respeto sa nakakatanda sa pamamagitan ng pagyuko.

2. Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan – Halimbawa : maliban sa/ sa mga / kay / kina/,


bukd sa / sa mga / kay / kina
Tiyak na halimbawa : Maliban kay Eric, lahat sa klase ay pinayagan na sumama sa fieldtrip.

3. Dahilan o resulta ng kaganapan o pangyayari – Halimbawa: Kaya / kaya naman / dahil,


/dahil sa / sa mga / kay / kina / sapagkat / dito / bunga nito . Tiayk na halimbawa:
Maraming krimen ang nagaganap na kinasasangkutan ng mga menor de-edad. Bunga nito,
ipinatupad ang curfew sa mga menor de-edad.

4. Kondisyon, bunga, o kinalabasan – Halimbawa:sana / kung / kapag / sa sandaling / basta’t


. Tiyak na halimbawa : Madali lang ang pagsusulit basta’t nag-aral kayo.

5. Taliwas o Salungat – Halimbawa : pero/ ngunit / sa halip / kahit (na). Tiyak na


halimbawa : Mayroong pagsusulit si Daniel bukas ngunit namasyal siya ngayon sa halip
na mag-aral.

6. Pagsang-ayon o di- pagsang-ayon- Halimbawa: kung gayon / kung ganoon / dahil dito /
samakatwid, kung kaya
Tiyak na halimbawa: Ayon sa mga Doktor, nakasasama ang paninigarilyo sa kalusugan.
Dahil dito, itinigil n ani Samuel ang paninigarilyo.

7. Pananaw – Halimbawa: ayon sa / sa mga / kay / kina / batay sa/ para sa / sa mga . Tiyak na
halimbawa : Para kay Sarah, mahalaga ang panloob na katangian bilang batayan sa pagpili
ng mga kaibigan.

8. Probabilidad, sapantaha, o paninindigan : Halimbawa: Maaari / puwede / marahil / siguro /


sigurado. Tiyak na halimbawa : Kapag hindi ka nagsesepilyo araw-araw, maaaring masira
ang iyong mga ngipin.

9. Pagbabago ng Paksa o Tagpuan- Halimbawa : gayunman / gayunpaman/ sa kabilang dako


/ banda / sa isang banda/ samantala. Tiyak na halimbawa : Ang panganay na Anak ni Mang
Teban ay masunurin at matulungin. Samantala, ang bunso niyang anak ay matigas ang ulo at
tamad.

10. Pagbibigay-linaw sa isang ideya – Halimbawa : sa madaling -salita / sabi / bilang


paglinaw / kung gayon / samakatuwid. Tiyak na halimbawa: Kung walang pagkakasundo,

3
parating may mag-aaway sa komunidad. Sa madaling slita, kailangan ng kooperasyon ng
bawat isa.

Pilipino Star Ngayon Oktubre 26, 2004

Basahin mo ang unang dalawang talata na nasa editorial na binasa nila. Alin ang mga
cohesive devices na ginamit?

Ang ito ay isang panghalip o cohesive device. Alin ang referent o pinatutungkulan nito?
Tama! Ang pag-alis ng mga doctor at nars patungong abroad.
Ang kanilang suweldo ay tumutukoy kanino?
Tama ka ulit. Sa suweldo ng mga maiiwang doktors at nars.
Kanino naman iniuugnay o pinatutungkol ang panghalip na niya? Tama
ka dyan! Kay Labor Sec. Patricia Sto. Tomas!

Basahin mong muli ang unang talata. Pansinin kung alin ang cohesive device na panghalip o
ang pangngalan o referent na nagtuturo (pointing) nang pabalik o paabante.

Sabi ni Labor Sec. Patricia Sto. Tomas kapag nagpatuloy ang pag-alis ng mga doktors at
narses patungong abroad, magiging advantage ito sa mga maiiwang doctors at narses sa
bansa sapagkat mag-iincrease ang kanilang suweldo.

Ang ito ay nagtuturo pabalik sa tinutukoy na referent o pangngalan na pag-alis ng mga


doktors at narses. Ang cohesive device ay isang anapora, kaya, ang anapora ay ang cohesive
device na nagtuturo pabalik sa naunang binanggit na pangngalan o referent.

Sa binasa mong unang pangungusap ang kanila na cohesive device ay anapora rin. Ano ang
pabalik na itinuturo na referent?

4
Tama! Ang suweldo ng maiiwang doktors at narses.

Sa talata 2, alin ang cohesive device? Tama! Ang ganyan. Alin ang referent? Ang sumunod
na pangungusap. Ang cohesive device ba na ganyan ay unang binanggit at nagtuturo nang
paabante sa referent? Tama ka dyan! Ito ay isang katapora na binanggit muna sa teksto bago
pa tukuyin ang referent. Nagtuturo nang paabante ang panghalip na ganyan sa referent o
pangyayari na “kapag nagkaroon na ng increase sa suweldo ng mga doktors at narses na
naglilingkod sa public hospital baka hindi na sila mag-abroad.”

Basahin ang isa pang halimbawa ng katapora.

Nakiusap si Sec. Sto. Tomas sa kanila at pumayag naman ang mga doktor at narses.

Ang kanila ang cohesive device. Alin ang referent na pinatutungkulan ng panghalip na kanila
na naunang binanggit? Tama! Ang mga doktor at narses

Upang matukoy at magamit mo nang wasto ang anapora at katapora, magpatuloy ka sa


pagbasa. Tumungo ka sa susunod na Gawain.

IV. Pag-isipan Natin!


Gawain 1. TUKUYIN.Panuto: Tukuyin ang cohesive device na ginamit sa
nakalahad na teksto.
Isulat sa linya kung anapora o katapora ang tinutukoy ng mga panghalip na nakasulat ng
madiin.

__________________1. “Dalhin natin siya ospital, dali! ang sigaw ng maliksing so Doris
habang pangako ang matandang lupaypay at tila wala nang buhay. Isinakay siya sa huligang
bahagi ng kotse at saka mabilis nitong pinaandar ang sasakyan patungo sa pinakamalapit na
ospital. Subalit hindi na umabot nang buhay si Lolo Jose sa pagamutan.

___________________2 Bayani ang mga taong handing tumulong sa nangangailangan kahit


walang hinihintay na kapalit o magbuwis ng buhay para sa bayan kung kinakailangan. Sila
ay mga karaniwang taong nakagagawa ng hindi pangkaraniwang kabutihan para sa iba.

___________________3. Matamis na maasim-asim ito. Ang may katigasan at kulay lilang


balat ay nagtataglay ng mapuputing hilis na paborito ng marami hindi lang dahhil sa las anito
kundi maging sa taglay na sustansiya . Hindi pangkaraniwang prutas ang mangosteen.

____________________4. Uber at Grab Taxi na nga ba ang solusyong dala ng makabagong


tknolohiya para mapadali ang paghahanap ng masasakyan? Ang mga ito ay alternatibo sa
nakasanayang de-metrong taxi.

____________________5. Malinis at sariwang hangin, isa na nga lang ba itong alaala sa


ating malalaking lungsod?

5
Gawain 2. SUBUKIN. Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Punan ang patlang ng
wastong cohesive device mula sa kahon.

Siya nila sila ito

1. Hindi __________ masisisi na umalis ng bansa. Nahihirapan ang mga doktor at nars
na kumita nang malaki.
2. Kapag tumaas na ang suweldo ng mga doktors at nars hindi na __________ iisipin
pang umalis.
3. Nagwika __________ na baka ang pasuweldo sa paalis na mga doktor ay idadagdag sa
mga maiiwan. Patuloy na nagpapaliwanag si Sec. Sto. Tomas.
4. Matutuwa __________ dahil makakakuha na ng mataas na suweldo ang mga
maiiwang doktor at narses.
5. Kapag nagpatuloy ang pag-alis ng mga doktor at narses, magiging advantageous
__________ sa mga maiiwan.

Gawain 3: BasaUnlad!
Panuto: Basahin ang sumusunod na seleksiyon hinggil sa pagiging ligtas sa paggamit ng
Internet. Sagutin ng buong husay ang gawain.

Paano Masisigurado ang Tamang Paggamit ng Internet?

Ang pagiging magulang ay hindi madali at ang pag-usbong ng teknolohiya ay dumadagdag sa hamon ng
pagiging isang magulang.

“One in five young Australian has had a negative experience online, and that can run the gamut from

cyberbullying to image-based abuse to seeing violence or hatredonline,” sabi ng eSafety Commissioner


na si Julie Inman Grant.
Ang pagbabahagi ng mga pribadong litrato ng isang tao ng walang paalam mula sa taong nasa litrato ay
tinatawag na abusong naka-base sa imahe. Maraming mga kabataan ang tumatawag sa Kids Helpline
dahil ito ay nangyari sa kanila.

Maaring nababahala din ang mga magulang sa posibilidad ng panonood ng kanilang mga anak ng mga
bastos at di angkop na video at ang pakikipag-usap ng kanilang anak sa mga di kilalang tao.

Ang Cyberbullying ay isang seryosong isyu. “For a lot of parents, when theywere growing up, they
might have experienced bullying at school, at social functions, that sort of thing. But when they got
home, home would be their safe place where they wouldn't have to deal with that anymore. Yet, for

young people, because they'realways connected, the bullying, it can feel like it never stops,” paliwanag ng
Kids Helpline counsellor na si Belinda Beaumont.

6
Una, makipag-usap sa iyong anak. Bilang isang magulang, mahalaga ang pakikipag-usap sa iyong anak
tungkol sa kaligtasan ng internet at ipaalam sa kanila na maari silang lumapit sa iyo kung sila ay may
problema. Habang nakakatuksong ipagbawal ang social media at online gaming, ayon kay Beaumont
hindi ito ang solusyon:
“What I know as a Kids Helpline counsellor is that kids are going to use it anyway, so if you try to do
that, all it's going to teach them is to be more secretive and hide things, and they're going to create their
own accounts anyway. So the best thing you can actually do, even though it's hard and it's scary, is to
trust your relationship with them and trust them to come to you when they have issues." Kung ang iyong
mga anak ay may mga nakakatandang kapatid na naiintindihan ang kahalagahan ng kaligtasan sa
paggamit ng internet, isali sila sa pag-uusap.

Pangalawa maglagay ng mga kontrol at hangganan. Maari din gawin ang paglagay ng mga kontrol sa
mga gadyet upang masubaybayan at limitahan kung ano ang maaring ma-access online, lalo na sa mga
mas batang anak.
Dapat din ay maglagay ng hangganan at mga kautusan tulad ng pagbabawal sa iyong anak na gumamit
ng gadyet sa kanilang kwarto at pagsigurado na hindi sila nag-popost ng kahit anoman na magtutukoy ng
kanilang tirahan.

Isang paraan din upang makisali sa iyong anak ay ang pakikipaglaro ng videogame kasama sila o ang
pag-download ng app na kanilang ginagamit. Magkakaroon ka ng mas mabuting pag-unawa sa
mekanismo nito at ito din ay isang oportunidad upang makapagsimula ng isang diskusyon.

At higit sa lahat kung mayroong problema ang iyong anak manatiling kalma at makinig sa kanila. “The
first thing is to keep the dialogue open. Make sure the children know that they can come to you if
something goes wrong online. That's the first thing to do, not punishing the children if they're coming
to you and have done something wrong that has led them to a situation that led them to a bit of trouble.
Just be calm about that,and let them know that you'll find help," sabi ni Jane French, executive director
ng Child Wise.
Kung ang iyong anak ay biktima ng cyberbullying o naka-base sa litratong abuso magsumbong sa
pamamagitan ng eSafety Commissioner website.

Ang eSafety Commissioner website ay isang mabuting lugar upang maghanap ng mga impormasyon
tungkol sa kaligtasan sa internet at mga payo kung paano magsisimulang makipag-usap sa iyong anak, ito
ay makukuha sa iba't-ibang wika. Maari ding mag-download ng CyberParent app na makukuha sa 17
magkaibang wika.

Sa iyong palagay makatutulong ba ang tekstong binasa sa paghubog ng iyong sarili, pamilya
at maging sa komunidad sa kung saan ka nabibilang? Ipaliwanag kung anong dulot nito sa
mga sumusunod:

Sarili_______________________________________________________________________________________
7
_______________________________________________________________________________________

Pamilya____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Komunidad_____________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Gawain 4. PALAWAKIN PA NATIN!

Ikaw ay intern sa isang advertising agency. Ang ahensiya na ito ay kinokonsider ng


Department of Tourism upang bumuo ng travel Brochure na nasusulat sa Filipino at
naglalayong umakit ng mga local na turista. Ikaw ay inatasan ng inyong agency upang
bumuo ng paglalarawan para sa magagandang tanawin: na matatagpuan sa ating lalawigan
dito sa Pangasinan na isusumite sa Department of Tourism. Ang husay sa pagkakasulat at
nakaaakit na paglalarawan sa mga nabanggit na lugar, paggamit ng angkop na datos ukol sa
lugar, at paggamit ng angkop na cohesive devices o kohesyong grammatical ang magiging
batayan sa pagpili kaya’t paghusayan mo sana para mapili ang bubuuin mong tekstong
deskriptibo. Sa bawat piraso ng bond paper ay idikit mo ang larawang mapipili mo at sa
ibaba nito ay isulat mo ang paglalarawan.

Rubrik sa Pagtataya ng Awtput


Pamantayan 4 3 2 1
Napakahusay at Nakagamit ng May kakulangan ang Kulang na kulang at
Husay ng lubhang nakaaakit mga salitang pagkakagamit ng hindi angkop ang mga
pagkakasulat at ang pagkakagamit mahuhusay at mahuhusay na salita sallitang ginamit sa
Paglalarawan ng mga salita sa nakaaakit sa sa pagsulat kaya paglalarawan kaya’t
pagsulat ng pagsulat ng naman hindi gaanong hindi ito nakaakit sa
paglalarawan paglalarawan.nakaaakit ang sinumang makabasa.
paglalarawan.
Paggamit ng Nakagamit ng Nakagamit ng Kakaunting datos na Walang nasaliksik na
angkop na Datos angkop at maraming datos n amula sa nasaliksik ang datos ang naisama at
patungkol sa datos mula pananaliksik. nagamit at karamihan pawang opinyon lang
Lugar pananaliksik. sa mga nakalahad ay ng manunulat ang
opinyon lang ng nailahad.
manunulat.

Paggamit ng Nakagamit ng Nakagamit ng Nakagamit ng ilang Hindi gumamit ng


angkop na angkop na cohesive devices cohesive devices o anumang cohesive
Cohesive Devices Cohesive devices o o kohesyong kohesyong devices o kohesyong
o Kohesyong kohesyong gramtikal sa gramatikal subalit gramatikal kaya’t
Grammatikal gramatikal na lalong pagbuo ng hindi ito sapat para walang kaayusan ang
nagbigay ng maayos paglalarawan. sa maayos na daloy daloy ng
na daloy ng ng paglalarawan. paglalarawan.
paglalarawan.

Sanggunian: • Crizel Sicat-De Laza. 2017.Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo Sa
Pananaliksik. Sta.
8
Mesa Heights,Quezon City.Rex Printing Company,INC
• Lolita T. Bandril , Voltaire M. Villanueva, Alma Tang-Bautista, Diana F. Palmes. 2016. Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik. Vibal Group Inc. 1253 Gregorio Araneta
Avenue, Quezon City, Philippines.

Inihanda nina: Iniwasto ni: Pinagtibay ni:

TERESA P. SANTOS LOVELIE V. VERCELES PhD JOSE RAMIL A. SIBUN


Guro Master Teacher I OIC-Asst. Principal II, Academics

You might also like