You are on page 1of 35

GAMIT NG COHESIVE

DEVICES
Cohesive Device O Kohesyong
Gramatikal
ay tumutukoy sa mga salitang panghalip. Ito
ang mga panandang salita na ginagamit
upang hindi gamitin na paulit-ulit ang
pangngalan. Ang paggamit ng panghalip ay
tinatawag na pagpapatungkol.
Halimbawa:

Ito, dito, doon, iyon-


Ginagamit ang mga ito bilang
pamalit sa lugar, bagay o hayop.
Halimbawa:

Sila, Siya, tayo, kanila, kaniya-


Ginagamit naman ito bilang pamalit
sa tao o hayop.
Ang Pagpapatungkol ay
paggamit ng mga panghalip upang
humalili sa pangngalan. Ito ay may
dalawang uri ang Anapora at
Katapora
Dalawang uri:
1. ANAPORA
2.KATAPORA
ANAPORA
Ito ay mga panghalip na
ginagamit sa hulihan
bilang pamalit sa
pangngalang nasa unahan.
Halimbawa:

Maunawain si Joseph sa
mahihirap kaya’t siya ay
minamahal naman ng
kanyang kapwa.
Sa halimbawang nabanggit ang
pangngalang Joseph ay pinalitan ng
panghalip na siya.

Ito ay ginawa upang mas kaaya ayang


basahin o pakinggan ang pangungusap
kaysa kung hindi papalitan ang
pangngalang Joseph.
(Maunawain si Joseph sa mahihirap
kaya’t si Joseph ay minamahal naman
ng kanyang kapwa.)

Mapapansin na ang salitang ginamit


na panghalip ay nasa hulihan at ang
salitang pinalitan at
pinatutungkulaay nasa unahan.
KATAPORA
Ito naman ay mga
panghalip na matatagpuan
sa unahan ng pangungusap
bilang pamalit sa
pangngalang nasa
hulihan..
Halimbawa:

Siya ay nagpunta sa bangko. Si Mr.


Santos ay may malaking deposito ng
pera dito.

Ito ay mas kaaya aya sa halip na:


(Si Mr. Santos ay nagpunta sa bangko. Si
Mr. Santos ay may malaking deposito ng
pera dito.
Mapapansin na ang panghalip na
ginamit ay nauuna kaysa sa salitang
pinalitan at ang pinatutungkulan ay
nasa hulihan.
Alin ang Anapora at Katapora?

Natutukoy at nagagamit nang wasto ang


mga cohesive devices o ties na:
• Anapora , ang ties na nagtuturo pabalik sa
naunang binanggit na kinauukulan o
referent.
• Katapora , ito naman ang ties na binanggit
na muna bago pa tukuyin ang referent.
Basahin ang usapan.
Nagkakaunawaan kaya sila? Bakit?
Nagkakaunawaan ang nag-
uusap dahil gumagamit sila ng
cohesive devices na
nakapagpapalinaw sa ugnayan
ng mga salita, parirala,
pangungusap sa isang teksto:
ang anapora at katapora.
Ang isang gamit ng cohesive device ay ang
pagpapahayag ng pagdaragdag na madalas
makita sa unahang pangungusap bagama’t
makikita rin sa gitna ng pangungusap bilang
pang-ugnay sa dalawang sugnay.

Halimbawa: ganoon din, gayun din,

May pagdaragdag din sa tulong ng: at/at


saka, hindi lamang, pati na.
Ano ang cohesive devices?
Ang mga ito ay ginagamit upang
pag-ugnayin o pagtaliin sa isang
teksto ang mga salita, parirala,
pangungusap o sugnay sa mga
tiyak na paraan upang maging
malinaw ang pahayag.
Ang mga panghalip ay isang
paraan na maaaring gamitin
upang iugnay sa pangngalan o
referent na binabanggit sa
teksto.
Basahin ang unang dalawang
talata na nasa editorial na
binasa nila.

Alin ang mga cohesive devices


na ginamit?
Exodus ng mga doctors at nurses 1 Sabi ni
Labor Sec. Patricia Sto. Tomas kapag
nagpatuloy ang pag-alis ng mga doctors at
nurses patungong abroad, magiging
advantage ito sa mga maiiwang doctors at
nurses sa bansa sapagkat mag-iincrease
ang kanilang sweldo. Ibig niyang sabihin
yung mga sinusweldo ng mga nakatakdang
magabroad ay maidadagdag sa mga
maiiwang doctors at nurses.
Ang salitang “ito’’ay isang panghalip
o cohesive device.

Alin ang referent o pinatutungkulan


nito?

Tama! Ang pag-alis ng mga doctor at


nars patungong abroad.
Ang kanilang suweldo ay tumutukoy kanino?

Tama ka ulit. Sa suweldo ng mga maiiwang


doktors at nars.

Kanino naman iniuugnay o pinatutungkol ang


panghalip na niya?

Tama ka dyan! Kay Labor Sec. Patricia Sto.


Tomas!
Panuto: Punan ng angkop na
panghalip ang mga patlang mula
sa ibinigay na pagpipilian sa loob
ng panaklong.
1. Habang _____ (siya, sila, kanila,
kayo, tayo) ay nagtutulungan
upang mapabagal ang pagkalat ng
sakit na coronavirus. Ang iba
naman ay hindi sumusunod sa
pagsusuot ng face mask at hindi
alintana ang nakaabang na
panganib sa kanilang kalusugan
2. Ang mga pekeng produkto na
umaangkin na may kakayahang
gamutin, mag lunas o pigilan ang
COVID-19 ay hindi sinuri ng FDA
para sa kaligtasan at pagiging
epektibo; _____ (dito, doon, ito,
nito) ay maaaring maging
mapanganib sa iyo at sa iyong
pamilya.
3. Ang Maynila ang may
pinakamalaking porsiyento ng
naitalang kaso ng mga namatay
dahil sa covid-19. _____ (doon,
dito, rito ito) sa lugar naranasan
ng maraming pamilya ang
paghihirap dahil sa pandemya.
4. Maraming Doktor at Narses ang
nagbuwis ng buhay dahil sa covid-
19. _____ (sina, sila, kanila, tayo)
ang matatawag na tunay na bayani
dahil sa kanilang pagmamahal sa
mga tao at sa kanilang tungkulin.
5. Kahit na may mga pagsisiyasat
para sa bakuna sa COVID-19 at
mga pagaaral sa pagsusuring
medikal, ang mga produktong
_____ (ito, rito, kayo, sila) ay hindi
pa ganap na subok para sa
kaligtasan o pagiging epektibo, o
nakakatanggap ng ganap na pag-
apruba mula sa FDA. Ito ang
ikinababahala ng marami.
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung
anong uri ng cohesive device
nabibilang ang bawat
pangungusap. Isulat sa kahon ang
angkop na sagot.

You might also like