You are on page 1of 15

COHESIVE

DEVICES
(KOHESIYONG GRAMATIKAL)
Ang mga ito ay ginagamit upang pag-ugnayin o pagtaliin sa isang teksto ang
mga salita, parirala, pangungusap o sugnay sa mga tiyak na paraan upang
maging malinaw ang pahayag. Upang maging mahusay ang pagkakahabi ng
tekstong deskriptibo bilang bahagi ng iba pang uri ng teksto o kaya ay mas
malinaw ang anumang uri ng tekstong susulatin, kinakailangan ang paggamit
ng cohesive device o kohesiyong gramatikal. Ang mga ito kasi ay mahalaga sa
pagbibigay ng mas malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang
teksto.

Ang mga panghalip ay isang paraan na maaaring gamitin upang iugnay sa


pangngalan o reference na binabanggit sa teksto.
LIMANG
PANGUNAHING
COHESIVE DEVICES
O KOHESIYONG
GRAMATIKAL
1. REPERENSIYA (REFERENCE)
Ito ang paggamit ng mga salitang maaring tumutukoy o maging reprensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.

Anapora (kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy)
Halimbawa:
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan.

Katapora (kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang
pagbabasa ng teksto.
Halimbawa:
Siya ang nagbigay sa akin ng inspirasyon na bumangon sa umaga. Ang mga matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa
aking pagdating ay sapat na para mapawi sa kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ang aking puso. Siya ay si
Anna ang aking bunsong na mag-iisang taong gulang pa lamang.
Sina Rizal at Bonifacio ang mga bayaning Pilipino.

Sila ay matapang at magiting.

Ito ang nagbibigay ng liwanag sa kadiliman ng gabi

ang bilog na buwan.


2. SUBSTITUSYON
( SUBSTITUTION )
Paggamit ng ibang salitang pampalit sa halip na muling ulitin ang
salita.

Halimbawa:
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
3. ELLIPSIS
May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang
maiintindihan o maging malinaw pa rin sa mga mambabasa ang
pangungusap dahil makakatulong ang naunang pahayag para
matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.

Halimbawa:
Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
Uminom ng gatas si bunso ng isang beses

samantalang si Kuya ay tatlong beses.


4. PANG-UGNAY
Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay,
parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay
higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng
mga pinag-ugnay.

Pang-angkop – Katagang nag-uugnay sa panuring at tinuringan.


Narito ang mga halimbawa:
na, ng, g
Halimbawa:
Masarap na pagkain, Batang Malusog, Mahinahong Kausap
 Pang-ukol – Ang tawag sa kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan sa iba pang
salita sa pangungusap.
Narito ang mga halimbawa:
ng, ni, nina, kay, kina, laban sa, laban kay, ayon sa, ayon kay, para sa, para kay,
alinsunod sa, alinsunod kay, hinggil sa, hinggil kay, tungkol sa, tungkol kay
Halimbawa:
Alinsunod sa batas, bawal ang paggamit ng dinamita sa pangingisda.

Pangatnig – Ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita,


parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
 Narito ang ilan sa mga halimbawa:
 at, pati, nang, bago, habang, upang, sakali, kaya, kung gayon at iba pa.
Halimbawa:
Mag-aral ka nang mabuti upang magkaroon ka ng mataas na marka.
5. KOHESIYONG LEKSIKAL
Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng
kohesyon. Maari itong mauri sa dalawa: ang reiterasyon at ang
kolokasyon.

a. Reiterasyon – Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang


ilang beses. Maari itong mauri sa tatlo: pag-uulit o repetisyon,pag-
iisa-isa at pagbibigay-kahulugan.
Mga Halimbawa:
➢ Pag-uulit o repetisyon
Maraming mga bata ang hindi nakapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay
nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.

➢ Pag-iisa-isa
Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong,
sitaw, kalabasa at ampalaya.

➢ Pagbibigay kahulugan
Marami sa mga batang mangagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukkha.
Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang
naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
B. Kolokasyon – Higit na mapalilitaw ang kahulugan ng isang salita kung
ito ay kasama ng iba pang salita. May mga salitang nagsasama-samang
palagi sa isang konstruksyon at mayroon namang nagsasama-sama
paminsan-minsan.

Halimbawa:
Buwig ng saging
Kawan ng ibon
trono ng hari
Marangyang piging
basag-ulo

You might also like