You are on page 1of 17

11

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Ikatlong Markahan
Modyul 3

Gamit ng Cohesive Devices o


Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng
Tekstong Deskriptibo
Panimula
Ang modyul na ito ay tatalakay sa paksang “Kohesyong Gramatikal o
Cohesive Device na kinakailangan upang mapahusay ang pagkakahabi ng tekstong
deskriptibo.

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang
teksto ( F11WG-111c-90 )

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na:

• natatalakay at nasusuri ang mg pangunahing cohesive device o


kohesyong gramatikal
• nagagamit sa wastong pangungusap ang mga cohesive device
• nakakasulat ng maikling tekstong naglalarawan gamit ang cohesive
device o kohesyong gramatikal

Subukin

A. Basahin ang mga pangungusap kung ang mga ito ay naglalahad


nang wastong kaalaman o maling pahayag. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Ang cohesive device o kohesyong gramatikal ay mga salitang nagsisisilbing


pananda upang hindi paulit-ulit ang mga salita.
a. Tama b. Mali
2. Ang kohesyong gramatikal ay mga salitang tulad ng pangngalan at pandiwa
na naghahawing sa mga salita, parirala at sugnay.
a. Tama b. Mali
3. Kinakailangan ang paggamit ng cohesive device upang maging mas mahusay
ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo.
a. Tama b. Mali
4. Anapora ang tawag sa panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pamalit
sa panghalip na nasa unahan.
a. Tama b. Mali

5. Katapora ang tawag sa mga panghalip na matatagpuan sa unahan bilang


pamalit sa pangngalang nasa hulihan.
a. Tama b. Mali

1
6. Ang pang-ugnay ay nagpapahayag ng matinding damdamin.
a. Tama b. Mali

7. Ang reiterasyon at kolokasyon ay ang dalawang uri ng kohesyong leksikal.


a. Tama b. Mali

8. Ang limang pangunahing cohesive device o kohesyong gramatikal ay ang


sumusunod: pandiwa, pautos, pakiusap at padamdam.
a. Tama b. Mali

9. Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o


iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang
orihinal na pinagmulan ng larawan.
a. Tama b. Mali

10. Substitusyon ang tawag sa paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na


muling ulitin ang salita.
a. Tama b. Mali

Gamit ng Cohesive Devices o


Aralin Kohesyong Gramatikal sa
Pagsulat ng Tekstong
3 Deskriptibo

Alamin

Upang mas mahusay ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo bilang bahagi


ng iba pang uri ng teksto, kinakailangan ang paggamit ng mga cohesive device o
kohesyong gramatikal. Ang mga ito kasi ay mahalaga sa pagbibigay ng mas malinaw
at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto.

2
Balikan

Napag-alaman natin sa nakaraang modyul na ang tekstong deskriptibo ay


may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon, at iba
pa. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo
at maglarawan ng isang partikular na karanasan. Dagdag pa, nagbibigay ang sulatin
na ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang masining na
pagpapahayag.

Tuklasin

Palitan ng wastong panghalip ang salitang nakakahon. Pumili ng iyong sagot mula
sa mga salita sa ibaba.

ako siya sila kayo kami

_____ 1. Si Karl ay isang mabait na bata.

Ang pangalan ko
_____ 2. ay si Charles Joshua.

_____ 3. Sina Raden at Raven ay magkakapatid.

Si Allan at ako
_____ 4. ay maliligo sa dagat.

_____ 5. Ikaw at si Yvonne ay maglilinis ng silid-aklatan.

_____ 6. Si Pedro at Maria ay parehong guro.

Si Alexander at ako
_____ 7. ay magtatanim sa bukid.

3
Suriin/Talakayin

Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal


Ano nga ba ito?

❖ Ang kohesyong gramatikal ay mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi


paulit-ulit ang mga salita.
❖ Ito ay mga salitang tulad ng panghalip at pang-ugnay na nagkakawing sa mga
salita, parirala at sugnay.
❖ Nakakabagot na mabasa at marinig ang mga salitang paulit-ulit na ginagamit
sa isang texto o pahayag.
❖ Maiiwasan na pagbanggit na pag-uulit kung gagamit tayo ng panghalip tulad
ng siya, sila, tayo, kanila, kaniya, ito, iyan, iyon, dito, doon, diyan ,at iba pa.

Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong


Deskriptibo

Upang maging mas mahusay ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo


bilang bahagi ng iba pang uri ng teksto o kaya’y maging mas malinaw ang anomang
uri ng tekstong susulatin, kinakailangan ang paggamit ng cohesive device o
kohesyong gramatikal. Ang mga ito kasi ay mahalaga sa pagbibigay ng mas malinaw
at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto. Ang mga teksto ay hindi lang
basta binubuo ng magkakahiwalay na pangungusap, parirala, o sugnay, bagkus
ang mga ito ay binubuo ng magkakaugnay na kaisipan kaya’t kinakailangan ang
mga salitang magbibigay kohesyon upang higit na lumitaw ang kabuluhan at
kahulugan ng bawat bahagi nito.
Ang limang pangunahing cohesive device o kohesyong gramatikal ay ang
sumusunod: reperensiya ( reference ), substitusyon ( substitution ), ellipsis, pang-
ugnay at leksikal.

1. Reperensiya ( Reference ) – Ito ang paggamit ng mga salitang maaring tumukoy


o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong
maging anapora ( kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung sino
ang tinutukoy )o kaya’y katapora ( kung nauna ang panghalip at malalaman lang
kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto ).
Anapora- panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pamalit sa pangngalang
nasa unahan.
Halimbawa:
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting
kaibigan.
( Ang “ Ito “ sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa “ aso “ na
nasa unang pangungusap. Kailangnag balikan ang unang pangungsap
upang malaman ang tinutukoy na panghalip na “ ito “.

Katapora – mga panghalip na matatagpuan sa unahan ng pangungusap bilang


pamalit sa pangngalang nasa hulihan.
Halimbawa:
Siya ay hindi karapat-dapat sa aking apelido. Si Juan ay kahiya-hiya.

4
( Ang “ siya” sa unang pangungusap ay tumutukoy kay “Juan “.

2. Substitusyon ( Substitution ) – Paggamit ng ibang salitang papalit sa halip na


muling ulitin ang salita.
Halimbawa:
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
( Ang salitang “ aklat “ sa unang pangungusap ay napalitan ng
ng salitang “ bago” sa ikalawang pangungusap. Ang dalawang salita
ay parehong tumutukoy sa iisang bagay, ang aklat.

3. Ellipsis- May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang


maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil
makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng
nawalang salita.

Halimbawa:
Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
( Nawala ang salitang “ bumili “ gayundin ang salitang “ aklat” para sa
bahagi ni Rina subalit naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad ni
Gina, siya ay bumili rin ng tatlong aklat dahil nakalahad na ito sa
unang bahagi.

4. Pang-ugnay – Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng “ at “ sa pag-uugnay ng


sugnay sa sugmay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa
pamamagitan nito ay higit na mauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang
relasyon sa pagitan ng mga pinag-uugnay.
Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang
mga anak ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga
magulang.

5. Kohesyong Leksikal – Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang


magkaroon ng kohesyon. Maaari itong mauri sa dalawa: ang reiterasyon at ang
kolokasyon.

a. Reiterasyon- Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses.


maari itong mauri sa tatlo: pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay –
kahulugan.
(1) Pag-uulit o repetisyon – Maraming bata ang hindi nakapasok sa
paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang
pa lang.
(2) Pag-iisa- Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito
ay talong, sitaw, kalabasa, at amplaya.
(3) Pagbibigay-kahulugan – Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula
sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay
naisasantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-
kainan.

b. Kolokasyon- Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may


kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa.
Maari magkapareha o maari ding magkasalungat.

5
Halimbawa:
nanay – tatay guro- mag-aaral hilaga –timog
doctor- pasyente puti-itim maliit-malaki

Isaisip

Tandaan:
Ang cohesive devices o kohesyong gramatikal ay mga salitang nagsisilbing
pananda upang hindi paulit-ulit ang mga salita. Ito ay mga salitang tulad ng
panghalip at pang-ugnay na nagkakawing sa mga salita, parirala at sugnay

Isagawa

Sumulat ng limang pangungusap hinggil sa eksena na nagaganap sa loob ng


iyong tahanan. Gamitan ang mga pahayag ng may kohesyong gramatikal na
Anapora at Katapora.

( NOTE : Isumite . Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksiyon at


bilang ng modyul.

6
Pagyamanin/ Karagdagang Gawain

Gawain 1: Natutukoy ang cohesive device na ginamit sa nakalahad na teksto.


Anapora ang reperensiya kung kailangang bumalik sa teksto upang
malaman kung ano o sino ang tinutukoy; katapora naman kung
nauna ang panghalip at malalalaman lang kung sino o ano ang
tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto. Isulat sa linya
kung anapora o katapora ang tinutukoy ng mga panghalip na
nakasulat nang madiin. Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.
Lagyan din ng pangalan at pangkat at bilang ng modyul.

__________________1. “ Dalhin natin siya sa ospital, dali!” ang sigaw ng maliksing si


Doris habang pangko ang matandang lupaypay at tila wala
nang buhay. Isinakay siya sa hulihang bahagi ng kotse at
saka mabilis nitong pinaandar ang sasakyan patungo sa
pinakamalapit na ospital. Subalit hindi na umabot nang
buhay si Lolo Jose sa pagamutan.
_________________ 2. Bayani ang mga taong handang tumulong sa
nagangailangan kahit walang hinihintay na kapalit. Sila ay
mga karaniwang tao lamang na walang hinahangad kundi
ang makagawa ng kabutihan para sa iba.
_________________ 3. Matamis na maasim-asim ito. Ang may katigasan at kulay
lilang balat ay nagtataglay ng mapuputing hilis na paborito
ng marami hindi lang dahil sa lasa nito kundi maging sa
taglay na sustansiya. Hindi pangkaraniwang prutas ang
mangosteen.
_________________ 4. Uber at Grab Taxi na nga ba ang solusyong dala ng
makabagong teknolohiya para mapadali ang paghahanap
ng masasakyan? Ang mga ito ay alternatibo sa
nakasanayang de-metrong taxi.
_________________ 5. Malinis at sariwang hangin, isa na nga lang ba itong alaala
sa ating malalaking lungsod?

Gawain II: Maganda pa rin ang buhay sa kabila ng mga pagsubok at hindi
magagandang pangyayari sa paligid. Piliin mong hanapin ang
kagandahang ito. Gamit ang cohesive device o kohesyong gramatikal,
bumuo ka ng tekstong deskriptibong maglalarawan sa mabubuti o
positibong katangian ng iyong sarili, pamilya, komunidad, bansa , at
daigdig. Bilugan ang cohesive device o kohesyong gramatikal na
ginamit sa bawat bilang.

1. Sa iyong sarili

__________________________________________________________________________________

7
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Sa iyong pamilya

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3. Sa iyong komunidad

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Sa ating bansa

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

5. Sa ating daigdig

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Tayahin

A. Basahin ang mga pahayag. Punan ng wastong cohesive device o


kohesyong gramatikal ang patlang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
( NOTE : Isumite . Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksiyon at
bilang ng modyul. )

1. Matutuwa ________ dahil higit na pinagbubuti ang kurikulum para sa mga mag-
aaral.
a. sina b. ka c. kaniya

8
2. Nagwika _________ na “ Kabataan ang Pag-asa ng Bayan,” ipinaliwanag ni Jose
Rizal ang tungkuling ginagampanan ng mga kabataan sa lipunan.
a. si b. ikaw c. siya

3. Ang pagmamahal ng guro sa kaniyang mag-aaral ay hindi mapasusubalian.


_________ ay taglay niya hanggang kamatayan.
a. Kina b. Iyan c. Kanya

4. Maraming natutuhan ang mga kabataan gamit ang ICT. ___________ nila
nakukuha ang mga mahahalagang impormasyong kailangan sa pag-aaral.
a. Doon b. Dini c. Kayo

5. Sa panahon ng _________ pag-aaral, matinding pagsusunog ng kilay ang


kailangan upang makamit ng mga mag-aaral ang inaasam na diploma.
a. kanilang b. nilang c. aming

B. Basahin ang mga pangungusap kung ang mga ito ay naglalahad


nang wastong kaalaman o maling pahayag. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Kinakailangan ang paggamit ng cohesive device upang maging mas mahusay


ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo.
b. Tama b. Mali

2. Katapora ang tawag sa mga panghalip na matatagpuan sa unahan bilang


pamalit sa pangngalang nasa hulihan.
b. Tama b. Mali

3. Substitusyon ang tawag sa paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na


muling ulitin ang salita.
b. Tama b. Mali

4. Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o


iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang
orihinal na pinagmulan ng larawan.
b. Tama b. Mali

5. Ang limang pangunahing cohesive device o kohesyong gramatikal ay ang


sumusunod: pandiwa, pautos, pakiusap at padamdam.
b. Tama b. Mali

9
10
Sanggunuian:
Dayag, Alma et al. Pinagyamang Pluma “ Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananliksik . Quezon City, Philippines, Phoenix Book Store. 2016
De Laza , Crizel Sicat et al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Manila, Philippines, Rex Book Store. 2016

Mga Ibang Sanggunian::


Alternative Delivery Mode (ADM ) Modyul

https:/// www.google .com/search

https:/// brainly.com

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

12
13
14

You might also like