You are on page 1of 15

COHESIVE DEVICE

O KOHESYONG
GRAMATIKAL
 Kohesyong Gramatikal
-ito ay mga salitang
ginagamit na mga salita na
nagsisilbing pananda.
-Ginagamitan ng mga
salitang panghalip.
Mga Uri ng Panandang
Kohesyong Gramatikal
 Pagpapatungkol
 Ellipsis
 Pagpapalit o Substitusyon
 Pang-ugnay
Cohesive Device/Kohesyong
Gramatikal na:
1. Pagpapatungkol
- Ito ang paggamit ng mga salitang
maaaring tumutukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-
uusapan sa pangungusap.
a. Anapora
- Ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan
bilang pananda sa pinalitang pangngalan
sa unahan.
Hal.
Si Cardo ay nagpunta sa pamilihang-bayan,
bumili siya ng isasahog sa lulutuing kare-
kare.
b. Katapora
- Ito ay panghalip na ginagamit sa unahan
bilang pananda sa pinalitang pangngalan
sa hulihan na nagdudulot ng kasabikan o
nakapupukaw ng interes ng mambabasa.
HALIMBAWA
Nakiusap ang pangulo sa kanila, pumayag
naman ang mga pulis at sundalo.
2. Substitusyon o Pagpapalit
- Paggamit ng iba’t-ibang salita o reperensiya
sa pagtukkoy sa isang bagay o kaisipan sa
halip na ulitin ang mga salitang nagamit sa
pangungusap.
Tatlong Uri:
a. Nominal- pinapalitan ay Pangngalan
b. Berbal- Pinapalitan ay pandiwa
c. Clausal- pinapalitan ay sugnay
2. Substitusyon o Pagpapalit
a. Nominal(Pangngalan)
 Ang wikang Filipino ay ang daan upang tayo ay
magkakaunawaan, kailangan lang nating pagyamanin
ang ating wikang Pambansa.
b. Berbal(Pandiwa)
 Inaayos ni Tatay ang mesa at sinimulan naman ni
kuya ang silya Salita o pangungusap na may
c. Clausal(Sugnay) buo.ang diwa
 Hindi mahabol ng mga tao ang magnanakaw at hindi
rin nagawa ng mga pulis na hulihin sila.
3. Ellipsis
- Ito ay ang pagtitipid sa pagpapahayag ng
mga salita.
- May ibinabawas na bahagi ng pangungusap
subalit inaasahang maiintindihan o
magiging malinaw pa rin sa mga
mambabasa ang pangungusap.
Hal. Tunay na kailangan ang pagbabago at
rebulusyon sa larangang ito.
4. Pang-ugnay
- Ito ang paggamit ng mga pangatnig upang
pag-ugnayin ang dalawang pahayag para higit
na maunawaan ng mambabasa o tagapakinig
ang relasyon ng mga pinag-uugnay na mga
salita sa pangungusap.
Hal. – Ang taong may mabuting kalooban ay
may takot sa Diyos at ang Diyos ay hindi
nakakalimot sa taong may mabuting gawa.
Kohesyong Leksikal
- Ito tumutukoy sa mga salitang ginagamit sa
teksto upang magkaroon ng kohesyon.
- Mga Uri:
a. Pag-uulit sa salita- paggamit ng parehong
salita sa loob ng isang pahayag.
Hal. Mahalaga sa tao ang edukasyon. Ang
edukasyon ang nag-aangat sa kanya tungo sa
Magandang buhay.
Kasingkahulugan o Sinonim
- Tumutukoy sa mga salita o parirala na
may magkatulad na kahulugan na
nakapaloob sa pangungusap.
Hal.
Ang mga kapus-palad ay mga mahihirap na
kailangan ang pagkalinga ng mga taong
mas nakaaangat sa buhay sa Lipunan.
Kasalungat o Antonim
- Tumutukoy sa mga salita o parirala na may
kabaligtaran ang pagpapakahulugan sa
nakapaloob sa pangungusap.
Hal.
Habang bata pa si Pedro, asahan mong di ito
marunong yumuko kundi parati itong
nakatingala.
Kolokasyon
- Tumutukoy sa nga salita na magkapares o
magkasama na madalas ginagamit sa
pangungusap o mga salitang may
kaugnayan sa isa’t-isa.
Halimbawa:
Kaliwa-kanan Puti-itim
Tatay-nanay Urung-sulong
Taas-baba Guro-mag-aaral
Inihanda ni:
MARGIE B. ALMOZA

You might also like