You are on page 1of 40

MGA ARALIN SA WIKA

BAITANG 8
Lyn Vincent J. Balatero, EdD
Head Teacher III
Lower Tamugan National High School
Nabibigyang kahulugan ang talinghaga,
eupimistiko o masining na pahayag…

Talinghaga
- mga ekspresyong may malalim na salita o
may hindi tiyak na kahulugan
- sinasalamin nito ang kagandahan at
pagkamalikhain ng wikang Filipino
Matatalinghagang pahayag na maaaring nasa
anyong sawikain o idyoma, kasabihan o
salawikain

Sawikain o idyoma – talinghagang pahayag na hindi


tiyak ang kahulugang ibinibigay sapagkat may
tagong kahulugan ito patungkol sa iba’t ibang bagay

Halimbawa:
ibaon sa hukay – kalimutan

kapilas ng puso - asawa


Kasabihan o Salawikain – pahayag na nagbibigay
ng payo o nagsasaad ng katotohanan.

Halimbawa:
Ang kaginhawahan ay nasa kasiyahan, at wala sa
kasaganahan.

Kung hindi ukol, hindi bubukol


EUPIMISTIKO - mga salitang pampalubag
loob o pampalumay upang ito ay hindi
masamang pakinggan o basahin

- pumapalit sa matatalim o masyadong


bulgar at malaswang mga salita upang
mapagaan ang masasakit na realidad ng buhay
Halimbawa:

Tungkol sa pagkamatay:
-sumakabilang-buhay
-pantay na ang mga paa
-kinuha ng Diyos
-yumao
-pumanaw
Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa

1. Paghahawig o Pagtutulad
- Ang mga bagay na magkatulad ay
pinaghahambing upang mapalitaw ang
kanilang mga tiyak na katangian.

Halimbawa:
Ang kaniyang buhay ay maihahalintulad sa
bukas na aklat.
Pagbibigay-katuturan o Depinisyon

- Ito ay mga bagay o kaisipan na kailangang


higit na masaklaw ng pagpapaliwanag. Ang
kaurian, kaantasan at kaibahan ng mga
salitang ito ay binibigyang-diin sa
pagbibigay ng depinisyon.

Halimbawa:
Ang Covid-19 ay isang nakahahawang sakit na
kumalat sa buong mundo.
Pagsusuri

-Ito ay pagpapaliwanag na hindi lamang ng


mga bahagi ng kabuoan ng isang bagay kundi
pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito
sa isa’t isa.

Halimbawa:
Ayon sa mga eksperto ang Covid-19 ay sakit
na mapanganib lalo na sa mga taong mayroong
inindang karamdman tulad ng diabetes,
tuberculosis at iba pa.
Pagsulat ng Talata

Ang aking ama ay isang karpentiro. Mababa man


ang suweldo niya at minsan lamang siya nakauuwi
sa isang buwan ay amin siyang ipinagmamalaki. Si
Nanay naman ang nag-aalaga sa amin. Kahit
masakit kami sa ulo minsan ay hindi pa rin niya
kami pinababayaan. Kaming magkakapatid minsan
ay magulo at nag-aaway subalit mahal pa rin namin
ang isa’t isa ganoon din ang aming mga magulang.
Suriin:

1. Magkakaugnay at maayos ba ang pagkabubuo ng


mga pangungusap sa talata? Ipaliwanag ang sagot.
2. Nagpapahayag ba ng sariling palagay o kaisipan?
Anong kaisipan ang ipinapahayag?
3. Nagpapakita ba ng simula, gitna at wakas?
Tukuyin.
Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga

Sanhi Bunga
dahil/sa kaya/naman
kasi dulot nito
sapagkat kaya

Halimbawa:
- Masaya si Aling Glenda dahil mababait ang
kaniyang mga anak.

- Masikip na ang lumang sapatos ni Mabel kaya


bumili siya ng bago.
Pahayag sa Pag-aayos ng Datos

- Ginagamit upang mas madaling masundan ng


mga mambabasa ang daloy ng pagtalakay at mabilis
ang pag-unawa nito. Ginagamitan ng una, ikalawa,
ikatlo at iba pa, sumunod, pagkatapos, sa puntong
ito, kasabay nito, sa kabuoan at marami pang iba.
Halimbawa:

Hakbang ng Pananliksik:
Una ay ang pagpili ng paksa.
Ikalawa, ipahayag ang iyong layunin sa nasabing
gawain.
Isusunod mo ang paggawa ng isang balangkas na
temporaryo.
Pagkatapos nito ay magkakaroon ka ng paghahanda
ng bibliograpiya.
Hakbang ng Pananalksik:

Sa puntong ito magsimula kang mangalap ng datos.


At kasabay nito ay maaari kang gumawa na ng
konseptong papel, burador, at pagrebisa ng
ginawang burador.
Sa kabuoan, maari kang sumulat na ng pinal na
kopya ng ginawang pananaliksik.
Pangunahin at Pantulong na Kaisipan

Kaisipan – naglalarawan ng mga nais ibahagi ng


isang tao ukol sa isang paksa na maaaring ideya,
konsepto, pananaw o ideolohiya.
2 uri ng Kaisipan:

a. Pangunahin – tumutukoy sa mga nais sabihin at


ipaunawa ng sumusulat tungkol sa paksa,
maaaring nasa unahan o huling bahagi ng teksto

b. Pantulong – nagbibigay-linaw sa pangunahing


kaisipan upang maunawaan ito nang lubos,
maaaring petsa, pangalan, lugar, paglalarawan,
datos at istatistika
Halimbawa:

Ang kamatis na napagkamalang gulay ay isa


palang masustansiyang prutas na nagtataglay ng
Bitamina A at C. Ayon sa mga dalubhasa, ang
madalas na pagkain nito ay nakatutulong upang
makaiwas sa kanser sa tiyan. Ugaliing kumain nito
para sa maayos na paglaki at maibsan ang mga
paghihirap sa pagtunaw.
Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag
ng Opinyon

Pagsang-ayon – pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o


pakikibagay sa isang pahayag o ideya at
ginagamitan ng mga salitang nasa pang-abay na
panang-ayon

Halimbawa:
1. Opo, asahan mo ang aking pagdalo.
2. Sadyang malaki ang ipinagbago mo.
3. Sige, tutulongan kitang maglilinis ng silid.
Pagsalungat – pagtutol, pagtanggi, pagtaliwas,
pagkontra sa isang bagay o ideya

Halimbawa:
1. Ayaw kong maniniwala sa mga taong nagsasabi
na mas maganda ang buhay sa ngayon kaysa
noon.
2. Maling-mali talaga ang mga pagbabago kung
nakapipinsala na sa karamihan.
Denotatibo/Konotatibo

Denotatibo-literal na pagpapakahulugan at
makkikita sa diksyunaryo

Halimbawa:
1. Nakapapaso sa balat ang sikat ng araw sa
sobrang init.
sikat-nagbibigay init at liwanag sa daigdig

2. Ang sarap pagmasdan ng dapit-hapon sa


dalampasigan.
dapit-hapon-paglubog na ang araw
Konotatibo – may patago na kahulugan,
pagpapakahulugang nakabatay sa kung paano
ginamit ang salita sa pangungusap

Halimbawa:
1. Sa iyong pagdating ay muling sumikat ang araw
sa aking puso.
sumikat-nagmahal uli, muling umibig

2. Sa ating buhay ay hindi natin mapipigilan ang


pagsapit ng dapit-hapon.
dapit-hapon-pagtanda
Salita Denotatibo Konotatibo
Apoy mainit at gina- matinding
gamit sa paglu- damdamin
luto at sa tungo sa tao,
industriya bagay at
pangyayari
Salita Denotatibo Konotatibo

Mahangin sitwasyon/ taong ma-


lugar kung yabang/
saan malaki ang
malakas ulo
ang ihip
ng hangin
Paraan ng Pagpapahayag

1. Pag-iisa-isa - paraan ng paglalahad ng isang


kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan ng
maayos na paghahanay ng mga pangyayari ayon
sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Madalas
ding gamitin ito sa mga pagsusulit na obhekatibo
(enumerasyon) kapag ang proseso o mga
hakbang ang hinihingi sa mga aytem. May
pagkakataon na ang ayos ng mga detalye o ang
pagkakasunod-sunod nito ay maaring
magkapalitan na hindi mababago ang kahulugan.
Halimbawa:

Karaniwang Sintomas ng Tuberculosis:

- Lagnat na kadalasang nararamdaman kung


tanghali.
- Pag-ubo na tumatagal ng dalawang (2) lingo o
higit pa.
- Pambihirang pagppawis lalo na kung gabi.
- Minsan may pag-ubo na may kasamang dugo.
- Walang ganang kumain o pangangayat.
2. Paghahambing at Pagsasalungatan – ginagamit ang
paraan na ito sa paghahambing ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga bagay-bagay

Halimbawa:
Magkatulad (ka, magka, ga, sing, kasing, magsing..)
- Kahawig ni Lara si Mara.

Di-magkatulad
Mga uri – pasahol, palamang, katamtaman
1. Lalo siyang tumangkad nang uminom siya ng bitamina
kaysa noong hindi pa siya uminom.
2. Di-hamak na mas matangkad si Lea kaysa kay Nico.
3. Medyo nahihirapan ako sa pag-aaral ngayon kaysa noon.
3. Pagsusuri – Sa paraang ito sinusuri ang mga salik o
bagay-bagay na makaaapekto sa isang sitwasyon at ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga ito. Ito rin ay proseso ng
paghihimay ng isang paksa nang makatanggap ng isang
mainam na pagkaunawa rito.

Halimbawa ng Mapanuring mga Tanong:


1. Ano ang masasabi mo sa pamagat/layunin ng
manunulat?
2. Para kanino ba ang tekstong binasa? Bakit?
3. Ano ang nais ipabatid ng manunulat?
4. Ano-ano ang mga detalyeng sumusuporta na totoo ang
kniyang sinabi?
5. Ano ang mga termino, konsepto at kaisipan/pananaw?
6. Paano sinimulan ang teksto? Paano ito nagtapos?
4. Sanhi at Bunga

5. Pagbibigay halimbawa - ito’y nagpapatibay ng


isang paglalahad. Sa pamamagitan ng
pagbibigay ng halimbawa ay madaling
makumbinsi o mahikayat ang mambabasa o
nakikinig.
Lingo/Termino ng Multimedia

Halimbawa:
Tetchie -taong eksperto sa teknolohiya
email – Sistema ng magkakabit ng mga dokumento
na makukuha sa internet
Youtube- isang website na nagbibigay ng mga bidyu
Balbal, Kolokyal, Banyaga

Balbal – (slang) Noon ay hindi tinatanggap ng


matatanda at mga may pinag-aaralan dahil hindi
raw magandang pakinggan, tinatawag din itong
salitang kanto o salitang kalye.

Halimbawa:
Pormal Balbal
sigarilyo yosi
baliw praning
security guard sikyo
Kolokyal – mga salitang ginagamit sa pang-araw-
araw na pakikipagtalastasan ngunit may
kagaspangan bagama’t may anyong repinado at
malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita

Halimbawa:
Pormal Kolokyal
nasaan nasan
saan san
tayo na tana
Banyaga-mga salitang mula sa ibang wika,
karamihan ay pangalang tiyak, wika, teknikal,
pang-Agham at mga wikang salin sa wikang
Filipino

Halimbawa:
Vincent
Filipino
Staff
Chlorophytes
Balintataw
Mga Salitang Ginagamit sa Radio Broadcasting

airwaves – midyum na dinadaanan ng signal ng


radyo
feedback – nakaiiritang tunog
playlist – opisyal na talaan ng kantang patugtugin
ng isang estasyon
sign on – oras na ang estasyon ng radio ay
magsisimula sa pagbroadcast nito
mixing – pagtitimpla at pagtiyak ng tamag balance
ng tunog
rating – tantiya ng dami ng tagapakinig
Angkop na Ekspresyon sa Pagpapahayag ng
Konsepto ng Pananaw (ayon, batay, sang-ayon,
sa akala)

-ipinahihiwatig ng mga ekspresyong ito ang iniisip


at sinasabi, maaaring pag-iiba o pagbabago ng
paksa o pananaw, maging ang pinaniniwalaan ng
isang tao, higit na magiging makahulugan kapag
pinag-ugnay o pinagsama, nagpapahayag ng
relasyon o kaugnayan
Halimbawa:

1. Ayon sa DOH bawal lumabas ang walang


facemask.
2. Batay sa patakaran ng gobyerno nararapat na
panatilihin ang tamang distansiya kapag nasa
publikong mga lugar.
3. Sang-ayon sa “Commission on Education” ang
pag-alis ng Filipino bilang asignatura ay nakasaad
sa General Education Curriculum ng 2016.
4. Sa akala ng iba ang pagtatrabaho abroad ay
madali.
Hudyat ng Kaugnayang Lohikal (dahilan-bunga,
paraan-resulta)

Halimbawa (dahilan-bunga_
1. Bunga ng katamaran ang kaniyang nararanasang
kahirapan.

Halimbawa (paraan-resulta)
1. Sa galing niyang sumayaw, marami ang kaniyang
napahanga.
Mga Salitang Ginagamit sa Mundo ng Pelikula

Halimbawa:
1. lights camera action – hudyat na magsisimula na
ang pag-arte o ang pagkuha ng eksena
2. cut – salitang ginagamit ng deriktor kung hindi
nasisiyahan sa pag-arte o may eksenang hindi
maayos ang pagganap o pagkagawa
Naibibigay ang kahulugan ng tayutay at simbolo

Simbolo- mga salita na kapag binanggit sa isang


pampanitikan tulad halimbawa ng tulang nag-iiwan ng
iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa
Halimbawa:
Ang puti ay sumisimbolo sa kalinisan at kadalisayan
samantalang ang pula nama ay sumisimbolo sa
katapanagan at pagmamahal.
Ang isip
ay parang itak
sa hasa tumatalas.

Maraming Salamat!!!

You might also like