You are on page 1of 49

Gabay sa Pampagkatuto 2:

PAGSULAT NG BUOD
AT SINTESIS
BUOD
➢ isang pinaikling bersyon ng isang orihinal na
teksto, o paglalagom ng mga impormasyon,
detalye o mga pangyayari mula sa materyal o
pinanggalingan ng mga impormasyon.
➢ Ito ay nagpapahayag ng mga pangunahing
punto na madalas na ginagawa sa obhetibong
paraan at gamit ang sariling pananalita ng
manunulat; ngunit dito ay marapat na nananatili
ang diwa at mahahalagang detalye ng orihinal
na pinanggalingan.
MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA BUOD
MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA BUOD
1. May Pokus o Pangunahing Tuon. (ex. buod ng “Life”-A silent, Smart & Simple Short Film)

Ang pelikula ay tungkol sa tatlong lalaking gumamit ng iba’t ibang paraan


para makatawid sa bahang daan. Ang unang lalaki ay itinaas ang dulong bahagi
ng kanyang pantalon para hindi ito mabasa at saka lamang ibinabang muli nang
siya’y makalagpas na sa daang baha. Ang ikalawang lalaki naman ay dahan-
dahan lang na humakbang upang siya’y ‘di mabasa. Habang ang ikatlong lalaki
ay kumuha ng mga tipak na bato para ilagay sa bahang daan na nagsilbing
kanyang apakan.
2. Obhetibo. (‘Wag maglagay ng, “ang masasabi ko,’’ “sa palagay ko o sa tingin ko.”)

3. Napananatili ang orihinal na mensahe gamit ang sariling


pananalita. (Gumamit ng sariling pananalita ngunit kailangang mapanatili ang mensahe. ‘Wag ibubuod tulad ng “ang tatlong lalaki ay walang magawa kaya
nagpabalik-balik na lamang sila sa bahang daan.)
MGA KINAKAILANGAN SA PAGSULAT NG BUOD
Ayon kina Swales at Feat (1994)
1. Kailangan ang isang buod ay tumatalakay sa kabuoan ng
orihinal na teksto.
2, Kailangang nailalahad ang sulatin sa pamamaraang nyutral
o walang kinikilingan.
(Halimbawa: next slide) (Kung ang ibubuod ay tekstong argumentatibo)

3. Kailangan ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at


naisulat ito sa sariling pananalita ng gumawa.
“Nararapat na Ipagbawal ang Paninigarilyo sa Publiko”
Ayon sa World Health Organization “ ang sigarilyo ay produktong may katalinuhang
ginawa na nagbibigay ng tama lamang na dami ng nikotina upang ang gumagamit nito ay
mapanatiling sugapa habang buhay bago patayin ang tao.” At hindi makakaila na laganap sa
Pilipinas ang paninigarilyo at ito ay malaking suliranin nakinaharap ng ating bansa. Kaya
naman dapat ipagbawal paninigarilyo sa publiko dahil madaming masamang naidudulot ang
paninigarilyo. Hindi lamang sa tao kung sa kapaligiran sa ating bansa. Kahit na sabihin nilang
ito ay pamplipas oras lamang upang mawala ng panadaliang problema ay hindi pa rin ito
nakabubuti sa ating katawan.
Itong produktong ito ay binubuo ng 4,000 kemikal na nakakaapekto sa ating katawan
at sa ating isipan ( chi changkyun ). Ang mga kemikal na ito ay lason at napakapeligro para
sa gumagamit at nakakaamoy o ang third hand smoke. Isa sa mga masamang epekto nito ay
ang mataas na posibilidad na paghina ng mata ( Reyes,2017 ). Ang usok na nilikha ay
nakakapasok sa ating baga at kayang sirain ito. At malaki ang posibilidad na ikaw ay
magkakanser at mamatay ( Reyes,2017 ). Delikado rin ito sa mga nagbubuntis dahil ang
bato sa sinapupunan nito ay maaaring maging premature, mababang timbang at pwedeng
makunan ang ina ng bata ( insieme ). (back to slide 22)
Sanggunian: https://medium.com/@marleegentiles/nararapat-na-ipagbawal-ang-paninigarilyo-sa-publiko-
7e527dfdc203#:~:text=Kaya%20naman%20dapat%20ipagbawal%20paninigarilyo,ito%20nakabubuti%20sa%20ating%20katawan .
Noong namumuno si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay naglagda ng Tobacco
Regulation Act of 2003 ( RA 9211 ) kung saan may layunin na protektahan ang mga Filipino
sa mga possibleng epekto ng paninigarilyo ( Franco,2008 ). At noong ika-16 ng. Mayo noong
2017 ay naipatupad ng ating Pangulong Rodrigo Duterte ang hindi nalalayo sa RA 9211 na
Executive Order No. 26 ( EO26 ). Ito ay maganda dahil ipagbabawal ang paninigarilyo sa
publiko katulad na lamang sa mga pampublikong sakayan. Mga publiko o pribadong mga
opisina at marami pang iba. At lalaan lamang ng mga lugar kung saan pwedeng manigarilyo.
At mayroong nakapatong na parusa katulad na lamang ng pagbabayad simula 500 pesos
hanggang 10,000 pesos ( Nicholas and De vega Law Officers, 2017 )
Tunay nga nakakasama sa atin ang sigarilyo. Kung ikaw ay may malasakit sa sarili
at sa iyong paligid ay paunti-onti mo ng itigil ang paninigarilyo. Isang mabuting mamamayan
ng Pilipinas ay mayroon pake sa kanyang bayan. Nakikita naman natin na puno na tayo ng
polusyon kaya bawas bawasan na natin dahil ang paninigarilyo ah dumadagdag sa mga
polusyon at problema ng ating bansa. Kaya tama lang ipgbawal ang paninigarilyo upang
hindi na makapinsala ng iba at maagapan ang mga bilang ng mga nakakasakit at
namamatay dahil dito. At naging mahusay ang ating gobyerno dahil nakaisip at
nakapagptupad ng batas na ipagbawal ang paninigarilyo sa publiko dahil isa ito sa magiging
daan upang maitigil na rin ng iba ang paninigarilyo kung saan saan at maaaring maitigil na
rin ang kanilang bisyo kung maari. Sabay-sabay natin ang pagbabagong inaasam natin.
Umpisahan natin sa iyo.
HAKBANG SA PAGBUBUOD
1. Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga
mahahalagang punto o detalye.
2. Ilista o igrupo ang mga pangunahing ideya, ang mga
katulong na ideya at ang pangunahing paliwanag sa bawat
ideya. (Maipaliliwanag o maibibigay ang halimbawa pagkatapos matalakay ang next slide- kahulugan ng pangunahing ideya at pantulong na ideya)

I. Pangunahing Ideya/Paksa
A. Pantulong na Ideya/Kaisipan
1. Paliwanag o Halimbawa
2. Paliwanag o Halimbawa
B. Pantulong na Ideya/Kaisipan
1.Paliwanag o Halimbawa
2.Paliwanag o Halimbawa
PANGUNAHING IDEYA/PAKSA/KAISIPAN
➢ ito ay ang pangunahing tema/punto sa talata o paksa.
Kadalasang nakikita sa unahang bahagi ng talata o sa
huling bahagi ng talata.
➢ Nagpahahayag ng isang buong kaisipan sa isang talata;
naipahahayag ito sa pamamagitan ng isang
pangungusap.
PANTULONG NA KAISIPAN/ DETALYE (PNK)
➢ nagtataglay ng mahahalagang impormasyon/detalye na
sumusuporta sa pangunahing kaisipan.
➢ mga pangungusap na nagtataglay o nagbibigay-paliwanag
sa isinasaad ng pangunahing kaisipan o ideya.
Halimbawa:
Matalino si Yassie. Siya ay laging nangunguna sa kanilang
klase mula pa noong siya’y nasa elementarya hanggang sa
siya’y magkolehiyo. Mayroon siyang scholarship sa kolehiyo.
Nagtapos siya na may karangalang natanggap. Ngayon
naman, sa kanyang bar exam sa abogasya’y nangunguna pa
rin siya.
I. Matalino si Yassie.
A. Siya ay laging nangunguna sa kanilang klase mula pa noong siya’y nasa elementarya hanggang sa siya’y magkolehiyo.
1. Top 1 siya sa kanilang klase noong siya’y nasa unang grado pa lamang
2. Best in Math, Best in Spelling and Best and English din siya.
B. Mayroon siyang scholarship sa kolehiyo.
1.Paliwanag o Halimbawa
2.Paliwanag o Halimbawa
C. Nagtapos siya na may karangalang natanggap.
D. Sa bar exam sa abogasya’y nangunguna pa rin siya.
Halimbawa:
Siya ang nag-aaruga sa atin mula nang tayo ay isinilang
hanggang sa paglaki. Pinag-aaral niya tayo para sa ating
kinabukasan. Bilang ganti, dapat natin siyang mahalin at
maging mabuting anak. Ang ating ina ay sinasabing ilaw ng
tahanan.
Halimbawa:
Likas na sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng mabuting asal
at ito ay kanilang naipamamalas sa iba’t ibang pagkakataon.
Una, sila ay may mataas na paggalang sa mga nakatatanda.
Pangalawa, marunong silang makinig at sumunod sa mga
utos at payo ng mga nakatatanda. Pangatlo, tumatalima sila
sa mga patakaran o tuntunin sa kanilang paligid. At higit sa
lahat, marunong silang magpasalamat sa anumang bagay na
kanilang natatanggap.
HAKBANG SA PAGBUBUOD
3. Kung kinakailangan, ayusin ang pagkakasunod-sunod ng
mga ideya sa lohikal na paraan. (ex. transitional devices: una, ikalawa, panghuli, sa
huli, kung gayon, sa kabilang banda, dahil dito, sa katunayan, bukod dito/doon, bagaman, lalo na, sa partikular)
4. Kung gumagamit ng unang panauhan (Hal.Ako) ang awtor,
palitan ito ng kanyang apelyido, ng “ang may-akda”, o “siya.”
Halimbawa: “Ako ay sang-ayon sa pagbabawal ng
paninigarilyo sa publiko bilang estudyante at mamamayan ng
Pilipinas.”
5. Isulat ang buod.
SINTESIS
➢ mula sa salitang Griyego na ”syntithenai” na sa
Ingles ay put together o combine (Harper, 2016).
syn = kasama, magkasama
tithenai = ilagay, sama-samang ilagay

➢ paraan ng paglalagom na tumutukoy


sa pinagsama-samang mga impormasyon, mga
akda, punto, at argumento na nakapagbibigay
kaalaman at makahihikayat sa pinapanindigang
punto de bista hinggil sa isang paksa.
(ex. sintesis ng “Life”-A silent, Smart & Simple Short Film)
Ang tao ay may iba-ibang paraan sa pagreresolba ng mga problema o pagsubok sa buhay.
Panoorin sa youtube ang “Pagtakas - A Mental Health
Short Film”
TRIGGER WARNING: Contains sensitive or potentially
triggering content related to suicide. If you are struggling with
depression, suicide or mental health issues, please please
please don’t hesitate to seek help.
• https://www.youtube.com/watch?v=h6QuTJgoV64

Pagkatapos ay tingnan ang Halimbawa ng Sintesis


• https://philippineone.com/depresyon-dahan-dahang-
pumapatay-sa-ating-mga-kabataan/
Panoorin sa youtube ang “Pagtakas - A Mental Health
Short Film”
TRIGGER WARNING: Contains sensitive or potentially
triggering content related to suicide. If you are struggling with
depression, suicide or mental health issues, please please
please don’t hesitate to seek help.
• https://www.youtube.com/watch?v=h6QuTJgoV64

Pagkatapos ay tingnan ang Halimbawa ng Sintesis


• https://philippineone.com/depresyon-dahan-dahang-
pumapatay-sa-ating-mga-kabataan/
Anyo ng Sintesis:
1.Nagpapaliwanag o explanatory synthesis. Ito ang
pagbibigay linaw sa paksa sa pamamagitan ng pagbibigay
deskripsiyon o paglalarawan sa paksa upang maibigay ang
mas malinaw na kaisipan. (hal. slide 19)
2.Argumentatibo o argumentative synthesis. Ito ang
paglalahad ng mga makatotohanang impormasyon mula sa
iba’t ibang sors sa paraang lohikal upang suportahan at ilahad
ang pananaw o punto ng may akda. (hal. slide 7&8)
Uri ng Sintesis:
1. Background Sintesis. Ito ang pagsasama-sama ng
mga sanligang impormasyon ukol sa paksa, at karaniwan
itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian.

Halimbawa:
• Karaniwang Pananaliksik - pangangalap ng mga inisyal na
impormasyon ukol sa paksa (ito ang madalas na ginagawa
bago isulat ang pananaliksik ng bagong kaisipan)
Sanggunian: https://www.academia.edu/40217552/Kabanata_1_ANG_SULIRANIN_AT_SANLIGAN_NG_PAG_AARAL
Uri ng Sintesis:
2.Thesis-driven Sintesis. Ito ay halos katulad ng background
synthesis ngunit nagkakaiba lamang sila sa pagtuon,
sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng
pagpapakilala at paglalahad ng paksa, ito ay nagbibigay
ng malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin.
Halimbawa:
• Mga Sanaysay at Pananaliksik na May Tiyak na Tesis
Ang tesis ay ang sentral na ideya o pangunahing ideya ng
sulatin o susulatin.
2.Thesis-driven Sintesis

Ang bullying ay magdudulot ng malaking epekto sa mga biktima. Ang mga


batang nabu-bully ay maaaring makaranas ng pisikal at mental na issue (Mate, 2017).
Ayon pa rin kay Mate (2017) , ang anak na nabu-bully ay pwedeng magkaroon ng
depression, anxiety, nalulungkot, nagpapabago-bago ang pattern ng pakain o pagtulog,
nawawalan ng interest sa mga nakagawiang activities na nai-enjoy dati.
Ayon sa The Asian Parent, ang paulit-ulit na pambu-bully sa isang tao o bata ay
nakaliliit umano ng utak. Sa pagliliit umano ng utak, posibleng mas maging prone ang
mga batang naapektuhan nito ng depression at anxiety o mga batang nakararanas ng
pambu-bully.
Uri ng Sintesis:
3. Sintesis para sa Literatura. Ito ang pagbabalik-tanaw
o pagrebyu sa mga naisulat nang literatura ukol sa paksa.
Karaniwang isinaayos ang sulatin batay sa mga sanggunian
ngunit maaari rin namang ayusin ito batay sa paksa, at ito ay
may pagsusuri mula sa manunulat o mananaliksik.
Halimbawa:
• Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral (Review of
Related Literature)
• Rebyu sa mga Magkakaugnay na Literatura sa panitikan
(Halimbawa rin sa slide 19, nasa link: Kbanata 1: Ang suliranin at Sanligan nito)
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis
I. BAGO SUMULAT
1. Buoin ang Tesis ng Sulatin (Theis-driven
Sintesis). Kailangang tiyak ang tesis ng sulatin sapagkat ito
ang magiging pangunahing ideya ng awtput. Ilahad ito sa
pamamagitan ng buong pangungusap.
2. Humanap ng sanggunian at kunin nang organisado ang
mga tala sa bawat pinaghanguan ng impormasyon.
Isaayos ang tala. Magkaroon ng pagtatala sa bawat pahina o
sanggunian na may label (may-akda at taon inilathala
Iba't Ibang uri ng Sitasyon o Pagsisipi (Mga Pangunahing
Ginagamit)
Ang MLA (Modern Language Association) ay may pokus sa
awtor, at malimit na ginagamit sa mga paksa o kursong may
kaugnayan sa lenggwahe at humanities.
Ang CMS (Chicago Manual of Style) ay malimit na sa mga
paksa o kursong may kaugnayan sa Kasaysayan dahil
pinahahalagahan ng lubos ang pinagmulan ng ideya o
impormasyon. Madalas ito na may footnote o endnote.
Iba't Ibang uri ng Sitasyon o Pagsisipi (Mga Pangunahing
Ginagamit)
Ang APA (American Psychological Asspciation) ang
madalas na ginagamit na estilo sa akademikong pagsulat
dahil madalas na tumutukoy sa mga paksang panlipunan
(social science) at teknikal. Mas pinahahalagahan nitong estilo
ang petsa, at sa kasalukuyan, ang ginagamit na ay ang APA
7th Edition (2020).
Ang APA (American Psychological Association)

In-text citation- paglalahad ng sanggunian sa loob ng


pangungusap o sa loob mismo ng teksto.
• Naratibong Sitasyon(Narrative in-text citation)- kapag ang
pangalan ng awtor at petsa ng publikasyon ay nakapaloob
mismo sa teksto. Ang sitasyon na ito ay makikita sa unahan o
gitnang bahagi ng pangungusap.
• Sitasyong Parentetikal(Parenthetical citation)- isinasagawa sa
pamamagitan ng paglalagay ng mga impormasyong
bibliyograpikal sa loob ng parenthesis na nasa teksto mismo. Ang
sitasyon na ito ay makikita naman sa dulong bahagi ng
pangungusap.
Ang APA (American Psychological Association)

DIREKTANG SIPI
(Narrative in-text citation)
Ayon kay Dalisay (2021), “Ang buhay ay ginto.”
Ayon kay Dalisay (2021), “Ang buhay ay ginto” (p. 36).

DIREKTANG SIPI (Parenthetical citation)


“Ang buhay ay ginto” (Dalisay, 2021).
“Ang buhay ay ginto” (Dalisay, 2021, p. 36).
BUOD O PARAPHRASE (Narrative in-text citation)
Ayon kay Dalisay (2021), maituturing na parang ginto ang ating
buhay.

BUOD O PARAPHRASE (Parenthetical citation)


Ginto kung maituturing ang ating buhay (Dalisay, 2021).
Ang APA (American Psychological Association)
Sanggunian: https://www.citationmachine.net/apa
Ang APA (American Psychological Association)
Sanggunian: https://www.google.com/search?q=in-text+citationsin+both+apa+7th+referencing+guide&&tbm=isch&ved=2ahUKEwjUhKqTppT9AhUrTPUHHcNVAqkQ2-cCegQIABAA&oq=in-
text+citationsin+both+apa+7th+referencing+guide&gs_lcp=CgNpbWcQA1CZIFi55AJg6ugCaApwAHgBgAGQCIgBrS6SAQs1LjE1LjEwLjctMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEAwAEB
Ang APA (American Psychological Association)
Sanggunian: https://www.citationmachine.net/apa

Narrative in-text citation


1 awtor
Stein (2018)

Parenthetical citation
1 awtor
(Stein, 2018).
Ang APA (American Psychological Association)
Sanggunian: https://www.citationmachine.net/apa

Narrative in-text citation


2 awtor
Stein at Ford (2018)

Parenthetical citation
2 awtor
(Stein & Ford, 2018).
ampersand
Ang APA (American Psychological Association)
Sanggunian: https://www.citationmachine.net/apa

Narrative in-text citation


3 o higit pa ang awtor
Stein et al. (2018)

Parenthetical citation
3 o higit pa ang awtor
(Stein et al., 2018).
et al -salitang Latin na ang ibig sabihin
ay “at iba pa.”
Ang APA (American Psychological Association)
Sanggunian: https://www.citationmachine.net/apa

Narrative in-text citation


grupo ang awtor
World Health Organization
(WHO, 2018)

Parenthetical citation
grupo ang awtor
(World Health Organization
[WHO], 2018).
I. BAGO SUMULAT
3.Ayusin ang mga konsepto sa isang balangkas. Ito ang
pagsasaayos ng batayan ng papel gamit ang nabuong tala ng
konsepto at koneksyon. Dito nagpapasya kung paano
makahulugang pagsasama-samahin ang mga konsepto sa
ilalim ng mas malalaking tema. At ang teknik sa pagbuo ng
sintesis ay nakaayon sa bubuuing balangkas ng manunulat.
Mayroong iba’t ibang teknik sa pagbuo ng sintesis tulad
ng pagbibigay halimbawa o ilustrasyon, strawman
technique, pagbubuod, pagdadahilan, komparison at
contrast .
I. BAGO SUMULAT
Ø Pagbubuod- Pinakamadaling paraan ng pagsulat ng
sintesis kung saan nilalagom lamang ang mga impormasyon
sa sanggunian. (ex. next slide)

Ø Pagbibigay halimbawa o ilustrasyon- Tinutukoy dito ang


partikular na halimbawa o ilustrasyong ginamit sa sanggunian.
Sa paglalahad nito ay inilalagay kung sino ang nagsabi at
saan nanggaling ang impormasyon. (ex. kapatid ni Nadine at isang korean aktor)
Pagbubuod
I. BAGO SUMULAT
Ø Pagdadahilan- Sa pagsulat nito ay iniisa-isa ang dahilan
kung bakit totoo at mahalaga ang nailahad na tesis. Sa
bahaging ito ay inilalahad ang mga impormasyong
nagpapatibay sa iniharap na paniniwala.

Ø Komparison at Contrast- ito ay paraan o teknik kung


saan binibigyang-diin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
dalawa o higit pang kaisipan o ideya ukol sa paksa.
Pagdadahilan
I. BAGO SUMULAT
Ø Strawman technique- Ito ay isang di pangkaraniwang
teknik kung saan nagbibigay ang manunulat ng argumentong
kontra tesis ngunit sinusundan agad ito ng pagbibigay
kahinaan ng nasabing argumento. Sa bahaging ito ay
napapawalang-saysay ang nilahad na kontra-tesis.
Strawman technique
Tesis: Ang epekto ng maagang pagbubuntis sa kabataan ay nakasasama sa pisikal, emosyonal at mentalidad.
II. HABANG SUMUSULAT
4. Isulat ang Burador. Isulat ang sintesis gamit ang teknik na
angkop sa sulatin ngunit maaring gumamit ng iba’ ibang teknik
kung sa tingin ng manunulat ay mas epektibo ito para sa mga
mambabasa.
5. Ilista ang mga Sanggunian. Gamit ang pormat na
prineskrayb ng guro, ilista at ayusin ang mga ginamit na
sanggunian. Isang mahalagang kasanayan ang
pagbibigay ng pagkilala sa anomang akda o sinomang awtor
na pinaghanguan ng impormasyon sa ginagawang
akademikong sulatin.
II. HABANG SUMUSULAT
6. Rebisahin ang Sintesis. Basahing muli ang sintesis at
tukuyin ang mga kahinaan nito. Hanapin ang mga kamalian sa
pagsulat at higit sa lahat ang nakitang punto na dapat
baguhin.

III. PAGKATAPOS SUMULAT


7. Isulat ang Pinal na Sulatin. Pagkatapos marebisa ang
ginawang burador ay maari nang buuin ng manunulat ang
kanyang pinal na sintesis.
GAWAIN: Ilagay sa yellow paper (15 puntos).
PANUTO: Ipaliwanag ang mga sumusunod:
1. Gamit ang iyong sariling pananalita o ayon sa
iyong pagkaunawa, ano ang kahulugan ng buod?
2. Ano naman ang kahulugan ng Sintesis?
3. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng buod
at sintesis?

You might also like