You are on page 1of 6

GROUP 6: Ang, Buison, Gente, Olimpayan at Velasco

“Si Tandang Basio Macunat”

I. Kasaysayan

A. Talambuhay ni Padre Miguel Lucio y Bustamante

Si Padre Miguel Lucio y Bustamante ay ipinanganak sa Espanya noong 1842 at

yumao noong 1893. Siya ay kabilang sa ordeng Franciscano. Noong ikalawang hati

ng siglo 19, siya’y nadestino sa Pilipinas at naging kura paroko sa ilang bayan ng

Luzon tulad ng Santa Cruz, Magdalena, Pakil, San Felipe de Mandaluyong, at

Tanay.

Ang ilan sa kaniyang mga akda bukod sa Tandang Basio Macunat ay:

 Benito y Rosalia (1882) – nobelang tungkol sa pag-uugali sa lipunan

 Breves Instrucciones a los Jovenes Religiosos Franciscanos destinados a

la cura de almas en Filipinas (1886) – gabay para sa mga pari


 Patnugot ng Coleccion de Refranes, Frases y Modismos Tagalos (1890) –

isang antolohiya ng mga kawikaang Tagalog na tinipon ng mga paring

Gregorio Martin at Mariano Cuadrado

B. Panahong Sinulat

Ang Tandang Basio Macunat ay ginawa isang taon pagkatapos ng Urbana at ni

Feliza noong 1864 (which means 1865 siya ginawa mga besh). Inilathala ito ng

Imprenta de Amigos del Pais sa Maynila noong 1885 at naging isa sa mga

pinakaunang nailimbag na nobela sa Pilipinas. Ngunit hindi pa ito ganap na nobela

sapagkat hindi pa nito lubos na nasasapol ang mga kumbensiyon ng nobelistikong

pagsasalaysay. Madalas nitong pinatatakbo ang kuwento sa pamamagitan ng

diskursibong paglalahad at hindi pa nito gagap ang kahalagahan ng pagsasadula ng

mga pangyayari.

II. Elemento ng Nobela

A. Mga Tauhan

a. Gervasio Macunat - siyang kausap ng isang pari na napadako sa

kanilang lugar; isang katutubong Pilipino na naniniwalang walang

mabuting maidudulot ang pagpunta sa lungsod na kanyang pinatuyanan

sa pagbabasa ng manuskrito

b. Prospero/Proper - indio na nakipagsapalaran sa Maynila upang mag-

aral subalit napariwa at nilustay ang kayamanan ng kanilang pamilya at sa

huli’y namatay sa loob ng bilangguan

c. Felicita/Pili - kapatid ni Prospero na tutol sa kanyang pagpunta sa

Maynila

d. Don Andres Baticot/Cabesang Dales - ama ni Prospero

f. Donya Maria Dimaniuala/Cabesang Angi - ina ni Prospero


g. Kura-Paroko - tutol sa nais ni Cabesang Dales na pag-aralin si Proper

sa Maynila

B. Tagpuan

a. Tanay sa Distrito ng Morong

b. Bayan nina Proper

c. Maynila

C. Banghay

a. Eksposisyon - May isang manlalakbay na napatigil sa bayan ng Tanay,

sa distrito ng Morong. Dun siya nanatili ng dalawang linggo. Isang gabi ay

biniro niya ang matanda: Kung nag-aral daw si Tandang Basio ng wikang

Kastila sa Maynila, malamang naging "directorcillo" siya ng bayan. Hindi

na niya mangangailangang bumangon nang maaga, humawak ng

kalabaw, at magdilig ng lupa upang masuporta ang kanyang pamilya.

Nagalit si Tandang Basio. Nang siya ay huminahon, ipinaliwanag niya

kung bakit siya biglang nagalit. Kwinento ni Tandang Basio ang kaniyang

nakaraan, Maliit pa lamang siya ay pinipilit na siyang pumasok sa

eskwela. Ang kahigpitan ng kaniyang magulang, at ang kaniyang guro ay

ikwinento niya. Tinuturuan siya ng mga dasal para sa iba't ibang

sitwasyon, at mga katungkulan ng taong Kristiyano. Natutunan niya

magbasa, magsulat, magkwenta, habang namumuhay ng buhay ng isang

mabuting Kristiyano. Ang mga inuugali ng mga magulang ni Gervasio ay

iginagaya lamang niya. “Ang mga tagalog, ang mga indio baga, aniya, na

humihiualay, o pinahihiualay caya sa calabao, ay ang cadalasa,i,

naguiguing masama at palamarang tauo sa Dios at sa Hari “ Ayon kay

Basio. Dito nagsimula ang kaniyang kwento tungkol sa isang pamilya.

b. Pasidhi / Pataas na Pangyayari – Ang istory’y nagsimula sa isang

pamilya sa isang bayan di natin alam ang pangalan. Si Don Andres


Baticot (Cabezang Dales) at si Doña Maria Dimaniuala ay may dalawang

anak, isang lalaking ang pangala’y Prospero (Proper) at isang babae’y

pangalang Felicitas (Pili). Sila’y relihiyoso, maawain, at lubhang

iginagalang ang bayan. Inisip ng magasawa’y paaralin si Proper sa

Maynila. Ayaw ni Pili sapagka’t baka kung ano raw ang mangyari sa

kaluluwa ni Proper. Napansin ni Pili na ang mga pumupuntang Maynila

upang mag-aral ay nag-iibang ugali. Kinonsulta ni Cabezang Dales ang

kura, at pinagpasyahan na pag-aralin si Proper sa Maynila.

c. Kasukdulan – Sa Maynila, natuklasan ni Proper ang malayong

pagkakaiba ng buhay sa Maynila kumpara sa kanilang bayan. Natuto

siyang magsugal nang hindi nalalaman ng kaniyang magulang. Oras na

para bumalik si Proper sa kaniyang bayan. Kinamusta siya sa buhay

Maynila, at kung anu-ano ang mga nagawa niya doon. Nalaman ng mga

tao na nabaon si Proper sa utang dahil sa kanyang pagsusugal. Hindi na

siya tumulong sa ama niya sa pagsasaka. Naging mabiro na rin si Proper

sa mga babae.

d. Kakalasan - Nagkasakit si Cabezang Dales at namatay. Nangako si

Proper na magpapakabait na siya at titino. Di nagtagal, nabaon muli siya

sa mga utang. Para maiwasan ni Proper ang bilangguan, ibinili ni

Cabezang Angi ang mga ariarian nila. Hindi pa rin sapat ang kanilang

pera. Ipinatapon sa Balabac si Proper, isang bilangguan. Namatay si

Proper sa bilangguan. Dahil sa lubhang kalungkutan at kahihiyan ng

kanyang pamilya, nagkasakit din sila at namatay.

e. Wakas - Sinabi ng manlalakbay na hindi karaniwang nangyayari ang

nangyari kay sa pamilya ni Andres Baticot. Ngunit pasya pa rin ni

Tandang Basio na ang mga indiyo dapat ay hindi mag-aral. Sila daw ay

nararapat mag-alaga ng mga kalabaw, at magsaka. Pagkatapos noon ay

umalis na ang manlalakbay sa bayan na tinitirhan ni Mang Tasyo.

D. POV
a. Ang POV ng istorya ay First Person Point of View at Third Person Point of

View

E. Tema

a. Ang mga indiyo daw dapat ay hindi mag-aral. Sila daw ay nararapat mag-

alaga ng mga kalabaw, at magsaka. Sapagka’t sila lamang ay maadik sa

sugal, dudumi ang ugali, mababaon sa utang, at mamamatay sa

bilangguan. Ginamit ng mga Kastila ang istoryang ito upang mapigilan ang

mga Pilipino sa nais nilang mag-aral at tumalino.

b. Mga isyung pangkasarian tulad ng:

o Sukatan ng Pagiging Mabuting Babae Ayon sa Katolisismo -


Ang magandang bigyang pansin dito ay noong mamatay si Pili ay

itinuring siyang tila santo ng kanyang mga kababayan. Ang

dahilang ito ay maiuugnay sa pagtutol niya sa pagpunta ni

Prospero sa Maynila. Siya lang ang sumang-ayon sa kagustuhan

ng kanilang kura-paroko at namuhay nang naaayon sa mga payo

nito. Parang ipinapakita lamang ng akdang ito ang hindi tahasang

pananakot ni Bustamante gamit ang relihiyon upang ang mga

Pilipino’y magpaubaya sa kagustuhan ng Simbahang Katoliko.

Inuugnay din si Pili bilang kawangis ng Banal na Birheng Maria

dahil sa kanyang pagiging masunurin at siya’y may taglay ding

kagandahan.

o Lalaki Bilang Tagapagtaguyod ng Pamilya - Sa pasya pa lang

na si Prospero ang siyang mag-aaral sa Maynila upang siyang

mag-aahon sa kanilang pamilya ay kakakitaan na ito ng paniniwala

nating mga Pilipino na ang mga lalaki dapat ang siyang may

tungkuling bumuhay sa kanilang pamilya.

o Ang Edukasyon ay Para sa Mga Lalaki Lamang - Isang

manipestasyon ng patriarkal na sistemang dala ng mga Kastila sa


panahong nailimbag ang akdang ito. Makikita ito sa pagpili kay

Proper na pumunta sa Maynila sa halip na si Pili o dili kaya’y silang

dalawa ang siyang pag-aralin.

III. Paraan ng Pag-ulat

A. Paggamit ng Powerpoint Presentation

 Maipapakita namin ang nilalaman at mga kaalaman na nakapalibot sa

Tandang Basyong Macunat ng mabuti at madali.

 Sa pagamit ng powerpoint presentation, mailalahad namin ang nais

naming maiparating sa aming mga kaklase sa isang masaya at

nakakaganyak na paraan.

 Isa rin ito sa mga pinakaepektibong paraan ng pag-uulat kaya’t ito ay

aming naisipang gawin.

B. Pagpapalaro ng “Pass the Message”

 Sa simula ng bawat paksa, magkakaroon kami ng kaunting palaro na

tinatawag na Pass the Message. May isang “mensahe” kaming ibibigay sa

unang manlalaro at ito’y ipapasa niya dapat sa kanyang ibang mga

kagrupo. Ang mensahe ay dapat na makaabot sa pinakahuling manlalaro

na siyang magsasabi sa amin na mga reporter ng mensaheng iyon. Ang

unang grupo na makapagsabi ng tama ay siyang makakakuha ng puntos.

 Pinili naming ang larong ito dahil lahat ay makakalahok. Mas madali din

nilang maiisaulo ang mga impormasyon na nais naming bigyang-diin.

You might also like