You are on page 1of 2

PEDRO SERRANO LAKTAW

Kasaysayan sa buhay ni Pedro Serrano Laktaw

Makabayang manunulat at leksikograpo, si Pédro Serráno y Laktáw ay isinilang noong 24


Oktubre 1853 sa Kupang, Bulacan kina Rosalio Serrano, isa ring leksikograpo, at Juana Laktaw. Nakuha
niya ang pagiging maestro elemental mulang Escuela Normal Superior de Maestros sa Maynila at naging
guro sa San Luis, Pampanga. Dito niya natipon ang kaalamang isinulat niyang “Folklore Pampango” na
inilathala ni Isabelo de los Reyes noong 1889. Napangasawa niya si Roberta Buison. Mula Pampanga,
lumipat siyá sa Malolos, Bulacan, pagkatapos, sa Binondo, Maynila, at naging pinunò ng isang paaralang
munisipal ng Quiapo.

Dalubhasa sa Tagalog at Español, pinakabantog na akda niya ang Diccionario Hispano-Tagalog


(1889) na pinuri ni Rizal. Dito ay nanguna siya sa paggamit ng titik K. Noong 1914, lumabas ang
Diccionario Tagalog-Hispano at kikilalanin itong awtoridad ng mga eksperto sa wika. Namatay siyá noong
22 Setyembre 1928. (GVS)

Kontribusyon sa nasabing panahon

Malaki ang naging ambag ni Pedro Serrano Laktaw sa panahon ng mga Kastila. Naging aktibo
siyá sa gawaing sibiko, kasáma nina Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce. Nagdulo ito sa pagiging kasapi
niya ng Caja de Propaganda, na may layuning magpalaganap ng impormasyon hinggil sa abuso ng mga
Español at magtanim ng mga ideang demokratiko. Naglakbay siyá sa España at nakakuha ng titulong
maestro superior sa Salamanca. Naging guro siyá ng anak ni Haring Alfonso XII, at sumikat bílang unang
Filipino na nagkaroon ng gayong pagkakataón. Sa España siyá naging Mason. Pagbalik sa Filipinas,
itinatag nilá nina Moises Salvador at Jose A. Ramos ang “Nilad,” ang kaunaunahang lohiya sa Filipinas.
Nang itatag ni Rizal ang La Liga Filipinas, si Pedro ang nahirang na sekretaryo nitó. Dahil sa mgagawaing
ito, natanggal si Pedro sa pagtuturo at nabilanggo.

Ang "Lohiyang Nilad" na kaugnay ng kilusang propaganda na may layuning magkaroon ng mga
sumusunod:

1. Pilipinong kinatawan sa korte Espanya;

2. Demokratikong pamunuan;

3. Kalayaan at karapatan ng bawat tao ;

4. Magkaroon ng mga pagbabago at reporma; at

5. Maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.

Ang ilang sa mga akda ni Pedro Serrano Laktaw ay:

1. Diccionario-Hispano Tagalo

2. Sobre La Lengua Tagala


3. Estudios Gramaticales.

You might also like