You are on page 1of 9

Si Emilio Aguinaldo (Emilio Famy Aguinaldo, Sr) ay isang rebolusyonaryong Filipino, politiko, at isang lider ng militar na kinikilala

bilang opisyal na unang Pangulo ng Pilipinas (1899-1901) at unang presidente ng isang konstitusyunal na republika sa Asya.
Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling taon ng Rebolusyong Pilipino (1896-
1898), at pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol-Amerikano (1898), at sa wakas ay laban sa Estados Unidos sa panahon ng
Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1901) . Siya ay nahuli sa Palanan, Isabela ng pwersang Amerikano noong Marso 23, 1901,
dahilan upang magtapos ang kanyang pagkapangulo.

Noong 1935, tumakbo si Aguinaldo sa pagkapangulo ng Philippine Commonwealth subalit siya ay natalo ni Manuel Quezon.
Matapos sumalakay ang mga Hapones sa Pilipinas noong 1941, nakipagtulungan siya sa mga bagong pinuno at umapila pa sa
radyo para sa pagsuko ng mga pwersa ng Amerikano at Pilipino sa Bataan. Siya ay naaresto bilang isang tagatulong ng mga
Hapones matapos ang mga Amerikano ay bumalik ngunit sa kalaunan ay napalaya sa isang pangkalahatang amnestiya.

Noong 1935, tumakbo si Aguinaldo sa pagkapangulo ng Philippine Commonwealth subalit siya ay natalo ni Manuel Quezon.
Matapos sumalakay ang mga Hapones sa Pilipinas noong 1941, nakipagtulungan siya sa mga bagong pinuno at umapila pa sa
radyo para sa pagsuko ng mga pwersa ng Amerikano at Pilipino sa Bataan. Siya ay naaresto bilang isang tagatulong ng mga
Hapones matapos ang mga Amerikano ay bumalik ngunit sa kalaunan ay napalaya sa isang pangkalahatang amnestiya.

Si Emilio Aguinaldo ay ipinanganak noong Marso 22, 1869 sa Cavite el Viejo (kilala ngayon sa tawag na Kawit, Cavite). Ang mga
magulang niya na sina Carlos Jamir Aguinaldo at Trinidad Famy Aguinaldo ay mag-asawang mestizo Tagalog-Tsino at may kaya sa
buhay. Ang kanyang ama ay ang inatasang gobernadorcillo ng komunidad (munisipal na gobernador) sa administrasyon ng
Espanyol kolonyal. Nag-aral si Aguinaldo sa Colegio de San Juan de Letran ngunit ay hindi niya nagawang tapusin ito dahil sa
pagsiklab ng kolera noong 1882. Si Emilio ay naging "Cabeza de Barangay" ng Binakayan, isang punong baryo ng Cavite el Viejo
noong siya ay 17 taong gulang lamang upang maiwasan ang pagiging sapilitang kawal.

Noong 1895 ipinatupad ang Maura Law para sa bagong tatag na lokal na pamahalaan. Sa edad na 25, si Aguinaldo ay naging
unang "gobernadorcillo capitan municipal" (Municipal Gobernador-Captain) ng Cavite el Viejo habang nasa business trip sa
Mindoro.

Noong Enero 1, 1896, pinakasalan niya si Hilaria del Rosario (1877-1921), ito ay ang kanyang ikatlong asawa. Sila ay may limang
anak: sina Carmen Aguinaldo-Melencio, Emilio "Jun" R. Aguinaldo Jr, Maria Aguinaldo-Poblete, Cristina Aguinaldo-Linggo, at
Miguel Aguinaldo. Si Hilaria ay namatay sa sakit na ketong noong Marso 6, 1921 sa edad na 44. Siyam na taon ang nakalipas,
noong Hulyo 14, 1930, pinakasalan ni Aguinaldo si Maria Agoncillo sa Barasoain Church. Namatay si Maria Agoncillo noong Mayo
29, 1963, isang taon bago si Aguinaldo mismo ay namayapa rin noong Pebrero 6, 1964.
Talambuhay ni Emilio Aguinaldo
Hindi madali ang maging Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas at mamuno sa rebolusyon laban sa
Espanya at Estados Unidos pero 'yan ang ginawa ni Heneral Emilio Aguinaldo.

Si Emilio ay ipinanganak noong Marso 22, 1869 sa Kawit, Cavite. Anak siya ni Don Carlos Aguinaldo at Dona
Trinidad Famy.

Nasa ikatlong taon lang siya ng mataas na paaralan sa Colegio de San Juan de Letran nang mamatay ang
kaniyang ama kaya huminto siya sa pag-aaral at namahala sa kanilang malawak na pataniman.

Upang hindi manilbihan bilang katu-katulong ng mga sundalong Espanyol, nanungkulan siya bilang Cabeza de
Barangay. Gulat ang mga taong nasasakupan niya. Mahusay kasi siyang mamuno.

Nang ipatupad ang Batas Maura, si Emilio ang unang napiling maging Capitan Municipal ng Kawit noong
Enero, 1895. Bilang pinunong katipunero ng Cavite ay namahala si Emilio upang makuha sa mga kamay ng
mga Kastila ang mga bayang Kawit, Imus at Bacoor sa lalawigang ito. Sa sobrang galit ng mga Espanyol sa
matapang na Caviteno, lagi nila itong inaabangan upang ikulong sa piitan. Subalit laging nakaiiwas si Emilio.

Sa kumbensiyon ng mga katipunero sa Tejeros noong Marso, 1897 ay nagkalaban ang grupong Magdalo ni
Emilio Aguinaldo at ang grupong Magdiwang ni Andres Bonifacio. Bagamat wala roon si Emilio ay nahalal itong
pangulo.

Bilang bagong presidente ng katipunan, nagdesisyon si Emilio na ilipat ang Punong Tanggapan niya una sa
Batangas at ikalawa sa Bulacan kung saan itinayo niya ang Pamahalaang Rebolusyonaryo sa Biak na Bato.

Sa pagkakaroon ng giyera sa Cuba ay lito ang isipan ng mga Kastila kahit napakarami nitong sundalo. May
laban na sa Pilipinas, may laban pa sa Cuba.

Sa pakikipag-usap ni Pedro Paterno, emisaryo ng mga Espanyol, ay inihain kay Emilio ang Pact of Biak na
Bato. Sa kasunduan, bibigyan ng pangkalahatang amnestiya ang lahat ng rebolusyonaryo; hahandugan ng
P800,000 ang pamunuan at P900,000 ang mga Pilipinong sinalanta ng digmaan. Kasama ng mga piling
tauhan, naging exile si Aguinaldo sa Hongkong. Namalagi siya roon ng 3 buwan lamang.

Tamang-tamang nagsisimula na noon ang digmaang Kastila-Amerikano. Sa Amerika pumanig si Emilio. Nang
magbalik sa Pilipinas ay iprinoklama niya ang kalayaan sa Kawit, Cavite. Nakuha niya ang simpatiya ng
maraming rebolusyonaryo at ang mga probinsiya ay hawak na ng mga sundalong Pilipino. Tanging ang
Maynila ang sakop pa rin ng mga Kastila. Nang mapaligiran nina Emilio ang Maynila ay napilay ang mga
Kastila. Susuko na sana ang mga Kastila nang utusan ng Espanya ang mga sundalo nito na sumuko hindi sa
mga Pilipino kung hindi sa mga Amerikano.

Sa panlalansi ng Amerika, ang digmaang pinanalunan sana ni Emilio ay nawalang parang bula.

Nagsimula na ang labanang Pilipino-Amerikano. Sa hirap na dinanas ni Emilio, naging matatag pa rin siya.
Naitindig niya ang Revolutionary Congress at naipasulat ang Konstitusyon sa Malolos subalit sumang-ayon
ang Espanya sa Treaty of Paris na ibigay ang Pilipinas sa mga Amerikano sa halagang 20 milyong dolyar.
Hindi inaasahan ng mga Amerikano na higit na malaking halaga ang pinsalang magagawa ni Emilio sa pag-
aalsa.
Humigit kumulang sa 75,000 sundalong Amerikano ang ipinadala sa Pilipinas. Maraming namatay na Pilipino.
Marami ring namatay na mga Amerikano. Tindig bayani si Emilio. Palipatlipat siya ng lalawigan kayakap ang
pamahalaang rebolusyonaryo. Nakubkob siya ng mga Amerikano sa pamumuno ni General Funston sa
Palanan, Isabela noong Septiyembre, 1900.

Ang Chief Justice of the Supreme Court na si Cayetano Arellano ang nakiusap kay Emilio na makipagtulungan
sa mga Amerikano. Napahinuhod ang dakilang lider kaya nanawagan siya sa lahat ng rebolusyonaryo na
magsisuko alang-alang sa pangkalahatang kapayapaan.

Ang lubos na katuwaan ni Emilio ay naganap noong 1962 nang ipahayag ng Pangulo ng Pilipinas na ang
Hunyo 12, 1898 ay tunay na Araw ng Kalayaang dapat ipagdiwang ng mga Pilipino sapagkat sa araw na ito
nanindigan si Emilio Aguinaldo na tayo ay ganap nang malaya bilang isang bansa.

Namatay si Emilio Aguinaldo noong Pebrero 6, 1964. Matagal din siyang biniyayaang mabuhay upang
makitang ganap ang bunga ng kaniyang ipinakipaglaban sa larangan ng digmaan.

Pinoy Edition © 2019 - All rights reserved.

Source: https://www.pinoyedition.com/talambuhay-ng-mga-bayani/emilio-aguinaldo/

Emilio Aguinaldo

Si
Emilio Aguinaldo y Famy
ay isang Pilipinongheneral, pulitiko, at lider ng rebolusyon laban saEspanya
at Estados Unidos. Ipinanganak siyasaCavite el Viejo, Cavite noong Marso
22, 1869kina Carlos Aguinaldo y Jamir at Trinidad Famy yValero (1820-
1916) Si Don Carlos ayisang
gobernadorcillo
at dahil may lahi siyang Tsino,Tagalog at Mestizo, nagkaroon sila ng yaman
atkapangyarihan. Bilang bata, nakatanggap siya ng edukasyon mula sa
isaniyang lola at maya-mayang nag-aral ng elementarya sa paaralangelementarya
ng Cavite el Viejo noong 1880. Pagkatapos, nag-aral namansiya ng sekundarya sa
Colegio de San Juan de Letran, ngunit, tumigil siyanoong nasa ikatlong taon na siya
para tulungan ang kanyang nabiyudang inana patakbuhin ang kanilang bukid. Sa
edad na 28, si
Miong
aynaging
cabeza de barangay
sa Binakayan, ang pinakaprogresibong barrio saCavite el Viejo. Hinawakan ang
posisyon na ito ng 8 taon. Noong 1893,ipinasa ang Maura Law na ibinago ang
sistema ng lokal na gobyerno, binagonito ang tawag na
gobernadorcillo sa capitan municipal
. Kaya noong 1895, siAguinaldo ang pinakaunang taga-Cavite del Viejo na tinawag
na capitanmunicipal
.Rebolusyong PilipinoNoong 1894, sumali siya sa Katipunan o ang K.K.K., isang
sikretongorganisasyon na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, at dedikado
itongorganisasyon upang maitaboy ang manlulupig na Kastila at makamit
angkalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng dahas. Ginamit niya ang
nom deguerre na Magdalo, para kay Maria Magdalena. Ang kanyang sangay
ngKatipunan na pinamumunuan ng pinsan niya na si Baldomero Aguinaldo
aytinawag ding Magdalo.Nagsimula ang Rebolusyon sa San Juan del Monte (siyang
lungsod ng SanJuan, Metro Manila]]. Ngunit sa simula ay hindi sumali ang sangay
niAguinaldo dahil sa kakulangan ng armas, na isa sa mga dahilan ng pagkataloni
Bonifacio sa Pinaglabanan. Habang napilitan sina Bonifacio na gumamit nggerilya
para makilaban, nanalo sina Aguinaldo sa iba't ibang laban nanakapagtaboy ng mga
Espanyol ng panandalian.Noong Pebrero 17, 1897, natalo nina Aguinaldo at ilang
Katipunero angpuwersa na pinamumunuan ni Gobernador-Heneral Camilo de
Polavieja saLabanan sa Tulay ng Zapote sa Cavite. Si Heneral Edilberto
Evangelista,inhinyerong sibil, rebolusyonaryo, at tagatayo ng trintsera, ay namatay
salabanang ito. Ang probinsya ng Cavite ay naging importanteng lokasyon
ngRebolusyon at dito rin nakanalo ang Magdalo ng marami laban sa
Espanya.Ngunit, lalong nagkaroon ng malaking agwat ang dalawang kampo
saKatipunan, ang Magdalo at Magdiwang. Dahil dito, napilitan si Bonifacio
namamagitan sa dalawang kampo. Naisip ng Magdalo na magtayo ng sarilinilang
gobyerno. Si Bonifacio, kahit para sa kanya na ang Katipunan aygobyernong ganap,
pinayagan niya at pinamunuan rin ang isang halalan nasinimulan sa Kumbensyong
Tejeros sa Tejeros, Cavite noong Marso 22,1897. Nawala rito ang pamumuno niya
kay Aguinaldo, at naboto bilangMinistro ng Interyor. Ito ay kinwestyon ni Daniel
Tirona, na sinasabing hindiraw nararapat ito kay Bonifacio dahil siya ay hindi
nakapagtapos sa pag-aaral. Nagalit si Bonifacio (nilabas ang kanyang baril at binaril
na sana siTirona kung hindi lang siya tumigil) at dineklarang
null
at di-wasto angkumbensyon. Napilitan si Bonifacio na bumalik sa Morong,
RizalHindi na kinilala ni Bonifacio ang gobyernong pinamumunuan ni Aguinaldo
atsinimulang ibalik ang kanyang awtoridad, pinagbintangan ang paksyon
niAguinaldo ng pagtataksil at nagbibigay ng utos na taliwas sa mga utos
niAguinaldo. Sa utos ni Aguinaldo, hinuli si Bonifacio at ang kanyang mgakapatid at
sa isang
mock trial
, nahatulan ng pagtataksil at nasintensyahanng kamatayan. Pagkatapos ng pag-
aalanganin, naisip niyang tanggalin anghatol, ngunit pagkatapos makumbinse ni
Heneral Manuel Noriel, Pangulo ngKonseho ng Digmaan, at iba pa, binalik ni
Aguinaldo ang hatol. Pinatay angmagkapatid na Andres at Procorpio sa
pamamagitan ng
firing squad
noongMayo 10, 1897 sa Bundok Hulog na malapit ng apat na kilometro kanluranng
Maragondon, Cavite.Biak-na-BatoHabang tumitindi ang tensyon, napilitan sina
Aguinaldo na lumikas papuntasa mga bundok. Dito pinirmahan niya ang Kasunduan
ng Biak-na-bato.Isusuko ni Aguinaldo ang kanyang gobyerno at itigil ang digmaan
kapalit ng$800,000 (Mehikano) bilang kapalit. Pinirmahan ito noong Disyembre 14
at15, 1897. Noong Disyembre 23, umalis sila sa Pilipinas papuntang HongKong
para lumikas. Ang dala nilang $400,000 (unang
installment
) aydineposito sa mga bangko sa Hong Kong. Dito, inayos ni Aguinaldo
anggobyerno at tinawag niyang
Kataas-taasang Konseho ng Bayan
.Isang rebolusyonaryong heneral, si Francisco Makabulos, ay nagtatag ngKomiteng
Ehekutibong Sentral na siyang naging pamahalaan habang walasina Aguinaldo.
Kahit pumirma si Aguinaldo, tuloy pa rin ang paghuli ng mgaKastila sa mga
Pilipinong sumama sa rebolusyon. Dahil dito, nagsimula muliang rebolusyon.Noong
Abril 1898, nagkaroon ng digmaan sa gitna ng Espanya at EstadosUnidos. Sa
Labanan sa Look ng Maynila, nanalo ang
American Asiatic Squadron
na pinamumunuan ni Commodore George Dewey at nasakop angMaynila. Si Dewey
ang nagbigay ng transportasyon kay Aguinaldo pabalik ngPilipinas. Bumalik bigla si
Aguinaldo sa kanyang posisyon at linusob angMaynila.Deklarasyon ng Kalayaan,
Diktadura, at Gobyernong RebolusyonaryoPagkatapos ng pagsimula ng Digmaang
Espanyol-Amerikano, bumalik siAguinaldo sa Pilipinas noong Mayo 19, 1898.

Noong Mayo 24, dineklara niya na siya ang lider ng buong militar atnagtatag ng
gobyernong diktaturyal na siya bilang diktador.Noong Hunyo 12, dineklara ang
Kalayaan ng Pilipinas sa bahay ng mgaAguinaldo sa Cavite el Viejo, at binasa ang
Batas na Nagpapahayag ngKalayaan ng Pilipinas. Ito ay sinulat sa baybay Kastila ni
Ambrosio RianzaresBautista, isang kapamilya ni Jose Rizal, na siya ring
bumasa.Noong Hunyo 18, dineklara niya sa pamamagitan ng dekrito ang opisyal
napagtatag ng kanyang diktadurya. Noong Hunyo 23, dineklara naman niyaang
gobyerno na rebolusyonaryo at hindi na diktadurya, siya pa rin
bilangpangulo.PanguloItinatag ang Unang Republika ng Pilipinas sa Konstitusyon ng
Malolos noongEnero 21, 1899 sa Malolos, Bulacan at nagtagal hanggang nahuli
siAguinaldo sa Palanan, Isabela ng mga Amerikanonoong Marso 1, 1901
Noong 2012, humakot ng parangal ang biopic film na pinamagatang El Presidente
tungkol sa buhay ni Emilio Aguinaldo, ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Ngunit bukod sa pagigng pangulo, maraming katangian si Emilio Aguinaldo. Isa rin
siyang bayani, heneral, politico, ama, atbp. at nabuhay sa ilalim ng iba’t ibang
rehimen at panahon ng ating kasaysayan bilang mga Pilipino. Mahalaga ang papel
na kanyang ginampanan noong rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya at ang
sumunod na Philippine – American War.

1869
Isinilang si Emilio Aguinaldi y Famy noong ika 23 ng Marso 1869 sa Cavite Viejo, (
kasalukuyang Kawit) walong taon ang lumipas matapos isilang si Rizal. Mistisohing
intsik ang mga magulang ni Emilio, na may 8 anak, at ang ika 7 ay si Emilio. May
kaya ang pamilya Aguinaldo. Sa katunayan nahirang na Gobernadorcillo ang Ama ni
Emilio na si Carlos sa kanilang komunidad. Naging Cabeza de Baangaynaman si
Emilio noong siya’y 17 taong gulang lamang. At noong 1895 sa edad na 25 naging
Kapitan Municipal si Emilio ng Cavite Viejo.

Dalawa ang naging asawa ni Emilio: si Hilaria del Rosario (1877 -1921) na nagbigay
sa kanya ng limang mga anak; ang pangalawang asawa niya ay si Maria Agoncillo
na kanyang pinakasalan sa Simbahan ng Barasoain noong 1930, maraming taon na
ang lumipas simula nang magsimula ang rebolusyong pumutok noong mga huling
taon bago mag 1900, na siya namang simula ng pag- iral ng panahon ng mga
Amerikano sa Pilipinas.

1894
Unang nagtagpo ang landas nina Aguinaldo at Bonifacio noong 1894 nang sumali si
Emilio sa Katipunan, ang sekretong organisasyong pinamunuan ni Bonifacio na
naglalayong patalsikin ang mga kastila sa pamamagitan ng armadong pagkilos.
Bilang Katipunero, ginamit ni Aguinaldo ang alyas na Magdalo.

1896
Di naglaon, natuklasan ng mga Kastila ang Katipunan. Sinimulan ni Bonifacio ang
unang putok ng rebolusyon noong Agosto ng taong 1896 sa San Juan Del Monte sa
Maynila. Hindi pa nagsanib pwersa sina Aguinaldo at Bonifacio at talo si Andres sa
mga unang laban niya sa Kastila. Tagumpay naman ang pwersa ni Aguinaldo sa
Cavite at pansamantalang napaalis ang mga dayuhan sa kanilang lugar.
1897
Nagkaroon ng alitan ang pangkat ni Aguinaldo at Bonifacio nang panghihimasukan
na ni Bonifacio ang mga kaganapan sa Cavite. Noong mga panahong iyon, binalak
magtayo ng mga tinagurinag rebelde sa Cavite ng isang pamahalaang
rebolusyonaryo bukod sa Katipunan. Dahil sa takbo ng mga pangyayaring ito,
nagpasiya si Bonifacio na pangunahan ang isang convention sa Cavite noong
Marso ng taong 1897. Pagkatapos ng halalan , naiproklama ang Unang Republika
ng Pilipinas na pinamunuan ni Presidente Aguinaldo. Naging Director of the
Interior naman si Bonifacio na mariing tinuligsa ni Daniel Tironang kumuwestyon sa
kwalipikasyon ni Bonifacio para sa naturang posisyon. Dito nagalit si Bonifacio.
Ayon sa kanya, siya ang pasimuno ng pagtitipong iyon at bilang Pangulo ng
Katipunan idinedeklara niya na walang bisa ang lahat ng naganap sa kumbensyong
iyon.

Hindi tinangkilik ni Bonifacio ang pamahalaang rebolusyonaryo ni Aguinaldo.


Tinangka niyang ibalik ang kanyang awtoridad sa pamamagitan ng pag-akusa sa
grupo ni Aguinaldo sa salang pagtataksil at sa pagpapalabas ng mga utos ng hindi
pagsunod sa mga order ni Aguinaldo. Dahil dito minarapat ni Aguinaldo na litisin si
Bonifacio at ang kanyang kapatid. Matapos ang isang mock trial naparatangan sa
salang pagtatraydor o treason si Bonifacio. Nagdalawang isip si Aguinaldong
ipapatay si Bonfacio ngunit na kumbinsi rin siya nina HeneraL Noriel atbpang
opisyal ng pamahalaan. Binaril si Bonifacio sa bulubundukin ng Maragondon Cavite
noong Mayo ng taong 1897.

Noong araw na pinaslang si Bonifacio, lumusob ang mga Kastila na siyang naging
dahilan ng pag atras ng pwersa ni Aguinaldo hanggang sa Biak na Bato, Bulacan.
Doon itinatag ni Emilio ang kanyang permanenteng headquarters. Sa pagsapit ng
Hunyo, napagpasiya si Aguinaldong magkaroon ng pamahalaang republika na may
batayang saligang batas kahalintulad ng sa Cuba. Muling nahirang si Aguinaldo
bilang pangulo.

Tinangkang ayusin ng mga Kastila sa pamumuno ng Gobernador Heneral Fernando


Promo de Rivera ang hidwaang Kastila at rebolusyonaryong Pilipino sa buwan ng
Marso 1897. At simula Agosto hanggang Disyembre, namagitan ang abogadong si
Pedro Paterno. Noong ika 14 at 15 ng Disyembre, pumayag si Aguinaldo na itigil na
ang labanan sa halagang $800,000 na perang mexicano bilang bayad sa mga
pinsalang dulot ng digmaan. Nagtungo sina Aguinaldo at iba pang mga opisyal sa
Hong Kong upang kunin ang unang kalahating bahagi ng bayad. Sa Hong Kong
muling tinipon ni Aguinaldo ang kanyang pamahalaang rebolusyonaryo at tinawag
itong Kataas taasang Konseho ng Bayan.

1898
Noong Abril ng 1898 sumiklab ang Digmaang Espanya – Amerika. Ang
pamosong Battle of Manila Bayay nangyari noong buwan ng Mayo. Tinalo
ni Commodore George Dewey ang mga Kastila . Nakabalik si Aguinaldo mula Hong
Kong lulan ng isa sa mga barko ng Amerikano. At sa pagbalik muling pinamunuaan
niya ang pwersang rebolusyonaryo na siyang pumaligid sa Maynila.

Noong mga buwan ng Mayo patungong Hunyo, dumaan sa pagka diktadoryal na


pamahalaan hanggang sa muling rebolusyonaryo ang pamahalaan ni Aguinaldo na
naging diktador at muling naging pangulo.

Itinatag ng mga Amerikano ang pamahalaang military sa Pilipinas noong Agosto an


pinamunuan ni Major General Wesley Merritt na siyang kauna-unahang Military
governor na Amerikano.

1899
Isang gabi sa buwan ng Pebrero nabaril ng isang Amerikano ang isang Pilipino na
naging dahilan upang magsimula ang Phil- Am War. Nagsimula ang labanan sa
Maynila kung saan naging matagumpay ang mga Amerikano dahil sa lakas ng mga
sandata ng mga ito. Napilitang umatras si Aguinaldo patungong hilagang Luzon.

1901
Buwan nang Marso nang mahuli si Aguinlado sa headquarters niya sa Isabela.
Nanumpa ang Heneral sa bansang Amerika noong Abril na siyang pagtatapos sa
Unang Republika at pagkilala sa pagsakop ng Estados Unidos sa Polipnas.

1935
Noong panahon ng Amerikano, sinuportahahn ni Aguinaldo ang iba’t ibang mga
grupong naglalayon na makamtan ang kasarinlan. Tumulong din siya sa mga
beterano upang makamtan ang kanilang pensyon at makabili ng hulugang lupain
mula sa pamahalaan. Itinatag niya ang Asociacion de los Veteranos o Association of
Veterans of the Revolution. Maraming taon ding nawala sa serbisyo publiko si
Aguinado. Tumakbo siya sa pagka pangulo noong 1935 ngunit natalo laban kay ML
Quezon.

1942
Noong panahon ng Hapon, kinampihan niya ang mga hapon tulad ng ginawa ni
Heneral A Ricarte na di kailanman sumumpa sa mga Amerikano. Dahil dito inaresto
si Aguinaldo pagbalik ng mga Amerikano sa Pilipinas ngunit pinakwalan din sa bisa
ng isang presidential amnesty. 77 na ang edad ni Aguinaldo nang kinilala ng
Amerika ang kasarinlan ng Pilipinas sa Treaty of Manila.

1950
Nakapagsilbi pa si Aguinaldo noong 1950 sa pamahalaang Quirino bilang miyembro
ng Council of State. Tuluyan na siyang nagretiro pagkatapos noon at ibinuhos na
lang ang kanyang oras sa mga beteranong sundalo.

1953
Ginawaran siya ng parangal ng UP noong 1953 ng Doctor of Laws, Honoris Causa.

1962
Inabutan pa Emilio Aguinaldo ang pamahalaang Macapagal noong 1962 nang ilipat
ng Pangulo ang pagdiriwang ng Independence Day mula July 4 sa June 12 , na
siyang araw noong ideklara niya ang ating kasarinlan noong 1898, may 64 taon na
ang nakalipas. Pinilit ni Aguinaldong lisanin ang pagkakalatay niya sa kama ng
karamdaman upang makasali sa pagdiriwang ng araw independensya.

1964
Pumanaw si Aguinaldo sa edad na 94 noong ika 6 ng Pebrero taong 1964 sa isang
ospital sa Quezon City. Bago siya mamatay, ibinagay niya ang kanyang mga lupain
at mansion sa pamahalaan.

You might also like