You are on page 1of 113

Emilio Aguinaldo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Para sa munisipalidad, silipin ang Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite. Para sa alay o handog,
pumunta sa aginaldo.

Emilio Aguinaldo

Unang Pangulo ng Pilipinas


Unang Pangulo ng Unang Republika
Diktador ng Pamahalaang Diktadorial
Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo

Punong Ministro

Apolinario Mabini (1899)


Pedro Paterno (1899)

Pangalawang

Mariano Trias (1897)

Pangulo
Sinundan si

Bagong Tatag

Sinundan ni

(pinawalang bisa mula 1901-1935)

Wesley Merritt (Gobernador-Heneral,


1901)
Manuel Quezon (Pangulo, 1935)

Kapanganakan

22 Marso 1869
Cavite El Viejo (ngayong
, Cavite, Pilipinas

Kawit)

Kamatayan

6 Pebrero 1964
Lungsod Quezon, Pilipinas

Partidong politikal

Paksiyong Magdalo ng Katipunan (18971901)

National Socialist Party(1935)


Asawa

(1) Hilaria del Rosario


(2) Maria Agoncillo

Hanapbuhay
Relihiyon

Militar, Guro,Rebolusyonaryo, Politiko


Katoliko
signature = Aguinaldo Sig.png

Si Emilio Aguinaldo y Famy[1] (22 Marso 18696 Pebrero 1964) ay isang Pilipinong heneral,
politiko at pinuno ng kalayaan, ay ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (20 Enero
18991 Abril 1901). Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan
niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados
Unidosang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang
unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang
baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang
maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang
pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng
mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon.
Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow
tiehanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang
pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng
kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.[1][2]Siya rin ang pinakabatang
pangulo ng Pilipinas.
Mga nilalaman

1 Kabataan

2 Rebolusyong Pilipino

3 Biak-na-Bato

4 Deklarasyon ng Kalayaan, Diktadura, at Gobyernong Rebolusyonaryo

5 Pangulo
o

5.1 Administrasyon at Gabinete

5.2 Polisyang Panloob

5.2.1 Piskalya

5.2.2 Edukasyon

5.2.3 Lokal na gobyerno

5.2.4 Pagbabago sa Konstitusyon

5.2.5 Pederasyong Bisaya


5.3 Polisiyang Panlabas

5.3.1 Mga Nakakulong na Espanyol

5.3.2 Digmaang Pilipino-Amerikano

6 Mga sanggunian

7 Mga kaugnay na artikulo

8 Mga panlabas na kawing

Kabataan[baguhin

| baguhin ang batayan]

Si Emilio Aguinaldo y Famy ay isang Pilipinong heneral, politiko, at lider ng rebolusyon laban
sa Espanya at Estados Unidos. Ipinanganak siya sa Cavite el Viejo, Cavite noong 22 Marso
1869 kina Carlos Aguinaldo y Jamir at Trinidad Famy y Valero (1820-1916) Si Don Carlos ay
isang gobernadorcillo at dahil may lahi siyang Tsino, Tagalog at Mestizo, nagkaroon sila ng
yaman at kapangyarihan. Bilang bata, nakatanggap siya ng edukasyon mula sa isa niyang lola
at maya-mayang nag-aral ng elementarya sa paaralang elementarya ng Cavite el Viejo noong
1880. Pagkatapos, nag-aral naman siya ng sekundarya sa Colegio de San Juan de Letran,
ngunit, tumigil siya noong nasa ikatlong taon na siya para tulungan ang kanyang nabiyudang ina
na patakbuhin ang kanilang bukid. Sa edad na 28, si Miong ay naging cabeza de barangay sa
Binakayan, ang pinakaprogresibong barrio sa Cavite el Viejo. Hinawakan ang posisyon na ito ng
8 taon. Noong 1893, ipinasa ang Maura Law na ibinago ang sistema ng lokal na gobyerno,
binago nito ang tawag na gobernadorcillo sa capitan municipal. Kaya noong 1895, si Aguinaldo
ang pinakaunang taga-Cavite el Viejo na tinawag na capitan municipal..

Rebolusyong Pilipino[baguhin

| baguhin ang batayan]

Noong 1894, sumali siya sa Katipunan o ang K.K.K., isang sikretong organisasyon na
pinamumunuan ni Andres Bonifacio, at dedikado itong organisasyon upang maitaboy ang
manlulupig na Kastila at makamit ang kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng dahas. Ginamit
niya ang nom de guerre na Magdalo, para kay Maria Magdalena. Ang kanyang sangay ng
Katipunan na pinamumunuan ng pinsan niya na si Baldomero Aguinaldo ay tinawag ding
Magdalo.
Nagsimula ang Rebolusyon sa San Juan del Monte (siyang lungsod ng San Juan, Metro
Manila). Ngunit sa simula ay hindi sumali ang sangay ni Aguinaldo dahil sa kakulangan ng
armas, na isa sa mga dahilan ng pagkatalo ni Bonifacio sa Pinaglabanan. Habang napilitan sina
Bonifacio na gumamit ng gerilya para makilaban, nanalo sina Aguinaldo sa iba't ibang laban na
nakapagtaboy ng mga Espanyol ng panandalian.
Noong 17 Pebrero 1897, natalo nina Aguinaldo at ilang Katipunero ang puwersa na
pinamumunuan ni Gobernador-Heneral Camilo de Polavieja sa Labanan sa Tulay ng Zapote sa
Cavite. Si Heneral Edilberto Evangelista, inhinyerong sibil, rebolusyonaryo, at tagatayo ng
trintsera, ay namatay sa labanang ito. Ang probinsiya ng Cavite ay naging importanteng
lokasyon ng Rebolusyon at dito rin nakanalo ang Magdalo ng marami laban sa Espanya.
Ngunit, lalong nagkaroon ng malaking agwat ang dalawang kampo sa Katipunan, ang Magdalo
at Magdiwang. Dahil dito, napilitan si Bonifacio na mamagitan sa dalawang kampo. Naisip ng
Magdalo na magtayo ng sarili nilang gobyerno. Si Bonifacio, kahit para sa kanya na ang
Katipunan ay gobyernong ganap, pinayagan niya at pinamunuan rin ang isang halalan na
sinimulan sa Kumbensiyong Tejeros sa Tejeros, Cavite noong 22 Marso 1897. Nawala rito ang
pamumuno niya kay Aguinaldo, at naboto bilang Ministro ng Interyor. Ito ay kinwestyon ni Daniel
Tirona, na sinasabing hindi raw nararapat ito kay Bonifacio dahil siya ay hindi nakapagtapos sa
pag-aaral. Nagalit si Bonifacio (nilabas ang kanyang baril at binaril na sana si Tirona kung hindi
lang siya tumigil) at dineklarang null at di-wasto ang kumbensiyon. Napilitan si Bonifacio na
bumalik sa Morong, Rizal
Hindi na kinilala ni Bonifacio ang gobyernong pinamumunuan ni Aguinaldo at sinimulang ibalik
ang kanyang awtoridad, pinagbintangan ang paksiyon ni Aguinaldo ng pagtataksil at nagbibigay
ng utos na taliwas sa mga utos ni Aguinaldo. Sa utos ni Aguinaldo, hinuli si Bonifacio at ang
kanyang mga kapatid at sa isang mock trial, nahatulan ng pagtataksil at nasintensiyahan ng
kamatayan. Pagkatapos ng pag-aalanganin, naisip niyang tanggalin ang hatol, ngunit
pagkatapos makumbinse ni Heneral Manuel Noriel, Pangulo ng Konseho ng Digmaan, at iba pa,
binalik ni Aguinaldo ang hatol. Pinatay ang magkapatid na Andres at Procorpio sa pamamagitan
ng firing squad noong 10 Mayo 1897 sa Bundok Hulog na malapit ng apat na kilometro kanluran
ng Maragondon, Cavite.

Biak-na-Bato[baguhin

| baguhin ang batayan]

Habang tumitindi ang tensiyon, napilitan sina Aguinaldo na lumikas papunta sa mga bundok.
Dito pinirmahan niya ang Kasunduan ng Biak-na-bato. Isusuko ni Aguinaldo ang kanyang
gobyerno at itigil ang digmaan kapalit ng $800,000 (Mehikano) bilang kapalit. Pinirmahan ito
noong Disyembre 14 at 15, 1897. Noong Disyembre 23, umalis sila sa Pilipinas papuntang Hong
Kong para lumikas. Ang dala nilang $400,000 (unang installment) ay dineposito sa mga bangko
sa Hong Kong. Dito, inayos ni Aguinaldo ang gobyerno at tinawag niyang Kataas-taasang
Konseho ng Bayan.
Isang rebolusyonaryong heneral, si Francisco Makabulos, ay nagtatag ng Komiteng
Ehekutibong Sentral na siyang naging pamahalaan habang wala sina Aguinaldo. Kahit pumirma

si Aguinaldo, tuloy pa rin ang paghuli ng mga Kastila sa mga Pilipinong sumama sa rebolusyon.
Dahil dito, nagsimula muli ang rebolusyon.
Noong Abril 1898, nagkaroon ng digmaan sa gitna ng Espanya at Estados Unidos. Sa Labanan
sa Look ng Maynila, nanalo ang American Asiatic Squadron na pinamumunuan ni Commodore
George Dewey at nasakop ang Maynila. Si Dewey ang nagbigay ng transportasyon kay
Aguinaldo pabalik ng Pilipinas. Bumalik bigla si Aguinaldo sa kanyang posisyon at linusob ang
Manila.

Deklarasyon ng Kalayaan, Diktadura, at Gobyernong


Rebolusyonaryo[baguhin | baguhin ang batayan]
Pagkatapos ng pagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano, bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas
noong 19 Mayo 1898.
Noong Mayo 24, dineklara niya na siya ang lider ng buong militar at nagtatag ng gobyernong
diktaturyal na siya bilang diktador.
Noong Hunyo 12, dineklara ang Kalayaan ng Pilipinas sa bahay ng mga Aguinaldo sa Cavite el
Viejo, at binasa ang Batas na Nagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas. Ito ay sinulat sa baybay
Kastila ni Ambrosio Rianzares Bautista, isang kapamilya ni Jose Rizal, na siya ring bumasa.
Noong Hunyo 18, dineklara niya sa pamamagitan ng dekrito ang opisyal na pagtatag ng
kanyang diktadurya. Noong Hunyo 23, dineklara naman niya ang gobyerno na rebolusyonaryo
at hindi na diktadurya, siya pa rin bilang pangulo.

Pangulo[baguhin

| baguhin ang batayan]

Itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas sa Konstitusyon ng Malolos noong 21 Enero 1899
sa Malolos, Bulacan at nagtagal hanggang nahuli si Aguinaldo sa Palanan, Isabelang
mga Amerikano noong 1 Marso 1901.

Administrasyon at Gabinete[baguhin | baguhin ang batayan]


Nagkaroon ng dalawang gabinete si Pangulong Aguinaldo na siyang dahilan ng kanyang
pamumuno sa pamamagitan ng mga dekrito.

Tanggapan

Pangalan

Pangulo
Pangalawang Pangulo
Punong Ministro

Emilio Aguinaldo
Mariano Tras
Apolinario Mabini
Pedro Paterno

Ministro ng Pananalapi

Mariano Tras
Hugo Ilagan
Teodoro Sandico
Severino de las Alas
Baldomero Aguinaldo
Mariano Trias
Gracio Gonzaga
Apolinario Mabini
Felipe Buencamino

Ministro ng Interyor
Ministro ng Pandigmaan
Ministro ng Kagalingan
Ministro ng Ugnayang Panlabas

Ministro ng Pampublikong Kautusan


Ministro ng Pagawaing Bayan at Komunikasyon
Ministro ng Pagsasaka, Industriya at Kalakalan

Aguedo Velarde
Mximo Paterno
Len Mara Guerrero

Polisyang Panloob[baguhin | baguhin ang batayan]


Piskalya[baguhin | baguhin ang batayan]
Nagpagpatuloy ang mga sesyon ng Kongreso ng Malolos at maraming nagawa na maganda.
Pinagpatuloy muna ang sistemang piskalya ng mga Kastila, pati rin sa sistema ng pagsingil ng
buwis, hindi kasama ang sabong at iba pang katuwaan. Binabaan ang buwis sa digmaan at ang
boluntaryong donasyon ay hiningi. Inayos rin ang sistema ng adwana. Binuksan ang
pambansang pautang.
Edukasyon[baguhin | baguhin ang batayan]
Pinabukas kaagad ang mga paaralang elementarya. Ito ay ginawang sapilitan. Si Enrique
Mendiola ay nagbukas ng Instituto de Burgos at pinili ang direktor nito ng Direktor ng
Pampublikong Instruksiyon. Nagbigay ng kurso na agrikultura, pagtilingin, at komersiya, pati rin
ang kursong A.B. ang unibersidad.
Isang dekrito ang nagbigay oras para buksan ang Universidad Literaria. Ang unibersidad naman
na ito ay nagbigay ng kursong medisina, siruhiya, dispensaryo, at notaryo publiko. Ang pangulo
ang pipili ng propesor na siyang pipili ng rektor. Ang unang rektor ay si Joaqun Gonzales.
Sinundan siya ni Len Mara Guererro.
Lokal na gobyerno[baguhin | baguhin ang batayan]
Sinunod ng Pangulo ang payo ni Apolinario Mabini at naglabas ng dalawang dekrito, isa noong
Hunyo 18 at isa naman sa ika-20 para ayusin ang sistema ng gobyerno sa mga probinsiya at
bayan. Nakasulat dito na kahit napilitan siya na maging diktador, gusto niya na kasama ang mga
pinakanararapat na maging opisyal na sila rin ay may tiwala galing sa kanilang kababayan.
Sa mga dekritong ito, ang mga lalaking 21 taon pataas ay dapat maghalal ng isang Konseho
Popular na binubuo ng isang Pangulo, Ikalawang Pangulo, Kapitan ng Barrio, Delegado ng
Katarungan, Rehistrado Sibil, Delegado ng Pulis at Panloob na Kaayusan, at Delegado ng
Buwis at Pagmamay-ari. Kinukumpirma ng gobyerno ang mga opisyal na ito.
Ang mga opisyal na inihalal ng Presidente at nakumpirma sa parehong paraan ay: isang
Gobernador at tatlong konsehal kasama ang residente ng munisipyo ng probinsiya at
ang Provincial Council. Gayundin, ang mga kumander probinsiya militar ay ibinigay para sa
bawat isa sa singil ng mga sundalo ng mga Manggagawa para sa pambansang hukbo.
Pagbabago sa Konstitusyon[baguhin | baguhin ang batayan]
Dahil na rin sa abala, dahil sa ikalimang artikulo ng Konstitusyon ng Malolos na nagtatakda ng
paghihiwalay ng Simbahan at Estado, si Punong Ministro Apolinario Mabini ay nagbigay ng
suspensiyon ng artikulo hanggang magkaroon muli ng Kumbensiyong Konstitusyonal. Ang mga
lugar na kailangan ng pari ay binibigyan ng suporta. Ito ay pinagtibay noong ika-23 ng
Disyembre at naging ika-100 na artikulo na transisyunal ng Konstitusyon.
Pederasyong Bisaya[baguhin | baguhin ang batayan]
Para mapatunayan ang pagkakaisa ng Republika, ginawang presidente ng Pederasyong Bisaya
si Raymundo Melliza sa loob ng dalawang taon, pagkatapos manumpa ng katapatan sa Unang
Republika at pagkilala kay Aguinaldo bilang pangulo.

Polisiyang Panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Nakakulong na Espanyol[baguhin | baguhin ang batayan]


Pinalaya ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang mga Espanyol na nakakulong sa pamamagitan
ng executive clemency pagkatapos itatag ang Republika. Pinayagan din niya sila na
magtrabaho sa Pilipinas.
Digmaang Pilipino-Amerikano[baguhin | baguhin ang batayan]
Noong 4 Pebrero 1899, binaril ng isang Amerikanong sundalo ang isang Pilipino. Ito ang dahilan
kaya nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano at nagsimula ang labanan sa gitna ng mga
sundalong Amerikano at mga Pilipinong para sa kalayaan. Ang mas malakas na armas ng mga
Amerikano ay nagpaalis ng mga Pilipino sa mga lungsod at kailangan maglipat ng lugar ng
Gobyernong Malolos.
Lumikas si Pangulong Aguinaldo papuntang Hilagang Luzon habang hinahabol ng mga
Amerikano. Noong 2 Hunyo 1899, nakatanggap ng telegrama si Heneral Antonio Luna, isa sa
mga kaagaw ng pangulo at magaling na heneral, at nagtanong kung pwede sila magkita sa
Kumbento ng Simbahan sa Cabanatuan. Ngunit, tinaksil siya ni Aguinaldo dahil ipinapatay siya
ng mga tauhan ng pangulo matapos malaman na wala ang pangulo sa kumbento (Hunyo 5).
Nilibing siya sa simbahan at walang imbestigasyong naganap. Hindi nahuli ang pumatay.
Pagkamatay ni Luna, nagkaroon na ng kapangyarihan ang pangulo sa buong militar. Dahil wala
na ang kagalingan ni Luna, natalo ng natalo ang militar. Noong Nobyembre 1899, nakaabot na
sina Aguinaldo sa Palanan, Isabela. Nagkaroon ng labanan sa Tirad Pass na pinamunuan ni
Heneral Gregorio del Pilar para matago ang pangulo. Ngunit, natalo sila sa pwersa ng mga
Amerikano at namatay pa si del Pilar at 52 sa 60 na kasama ni del Pilar.
Halos pagkatapos ng dalawang taon, nahuli si Pangulong Aguinaldo ng mga Amerikano sa
pamumuno ni Heneral Frederick Funston sa pamamagitan ng pagkukunwari na sila'y mga
nahuling Amerikano ng mga Macabebe Scouts na silang nagturo ng lokasyon ni Aguinaldo.

Manuel L. Quezon
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Manuel L. Quezon

Ika-2 Pangulo ng Pilipinas


Unang Pangulo ng Komonwelt
Panunungkulan
15 Nobyembre 1935 1 Agosto 1944
Pangalawang

Sergio Osmea

Pangulo
Sinundan si

Emilio Aguinaldo (position


restored. 1935)

Sinundan ni

Kapanganakan

Jose P. Laurel

19 Agosto 1878
Baler, Aurora

Kamatayan

1 Agosto 1944
Saranac Lake, New York,Estados
Unidos

Partidong polit
ikal

Coalicin Nacionalista(1935
1938); Nacionalista Party 1938

1944
Asawa

Aurora Aragon

Hanapbuhay

Abogado

Relihiyon

Katoliko

Si Manuel Luis Quezon y Molina[1] (19 Agosto 1878 1 Agosto 1944) ay ang
ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (15 Nobyembre 1935 1 Agosto 1944). Siya ang
kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon
ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga
kapisanang internasyunal).

Manuel L. Quezon

Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora)


noong 19 Agosto 1878. Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M. Quezon. Anak siya nina Lucio
Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de
San Juan de Letran noong 1893.[1] Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga
Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang
Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito.
Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos. [1]

Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan
ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan
nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa
Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang
Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay
ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon
nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.[1]
Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong
1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng
bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang
nahalal noong 1941.[1]
Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
tumakas siya papuntangAustralya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang
ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa. [1]
Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin Country, New
York noong 1 Agosto 1944 sa edad na 66.[1] Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National
Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at
inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.
Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan
ng Quezon.Siya rin ay tinawag bilang 'Ama ng Wikang Pambansa'
Mga nilalaman
[itago]

1 Talambuhay
o

1.1 Maagang buhay

1.2 Kongreso

1.2.1 Kinatawan

1.2.2 Senado
1.3 Bilang Pangulo

1.3.1 Unang Termino

1.3.1.1 Ekonomiya

1.3.1.2 Pambansang wika

1.3.1.3 Karapatang pagboto ng mga kababaihan

1.3.1.4 1940 plebisito


1.3.2 Ikalawang termino

1.3.2.1 Pananakop ng mga Hapones at pagkakatapon ni Quezon sa

Estados Unidos
1.4 Kamatayan

2 Sipi

3 Mga sanggunian

4 Silipin din

Talambuhay
Maagang buhay
Si Quezon ay ipinanganak sa Baler sa distrito ng El Principe. Ang kanyang mga magulang ang mga
Espanyol na sina Lucio Quezn at Mara Dolores Molina. Ang kanyang ama ay isang guro ng
panimulang baitang mula sa Paco, Maynila at isang retiradong sarhento ng hukbong Espanyol
samantalang ang kanyang ina ay isang guro ng panimulang baitang sa kanilang bayan.
Siya ay nag-aral sa mga panimulang baitang sa mga libreng pampublikong paaralan na itinatatag ng
mga Espanyol sa Pilipinas sa kanyang bayan. Siya ay nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran
sa mataas na paaralan. Noong 1898, ang kanyang ama at kapatid na si Pedro ay tinambangan at
pinaslang habang pauwi sa Baler mula Nueva Ecija. Noong 1899, si Quezon ay huminto sa kanyang
pag-aaral ng batas sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila upang sumali sa pakikibaka para sa
kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo. Noong
Digmaang Pilipino-Amerikano, siya ay isang ayuda-de-campo kay Aguinaldo. Siya ay umakyat sa
ranggong Major at lumaban sa Bataan. Pagkatapos niyang sumuko noong 1900, si Quezon ay
bumalik sa unibersidad upang tapusin ang kanyang pag-aaral at nakapasa sa mga eksaminasyon
sa batas noong 1903 na naging ikaapat sa mga kumuha nito.
Siya ay nagtrabaho bilang isang clerk at surveyor. Siya ay pumasok sa serbisyong pampamahalaan
bilang hinirang na piskal ng Mindoro at kalaunan ng Tayabas. Siya ay naging konsehal at nahalal na
gobernador ng Tayabas noong 1906.

Pinakasalan ni Quezon ang kanyang unang pinsan na si Aurora Aragon noong 17 Disyembre 1918.
Sila ay may apat na anak.

Kongreso
Kinatawan
Si Quezon ay nahalal sa unang Asembleyang Pilipino noong 1907 na kalaunang naging Kapulungan
ng mga Kinatawan ng Pilipinas. Siya ay naglingkod na majority floor leader at chairman of the
committee sa mga apropriasyon. Mula 19091916, siya ay nagsilbing isa sa dalawang mga
komisyoner sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados. Siya ay naglobby para sa pagpasa ng
mga kinatawan ng Estados Unidos ng Philippine Autonomy Act o Jones Law.
Senado
Si Quezon ay bumalik sa Maynila noong 1916 at tumakbo at nahalal sa Senado ng Pilipinas. Siya ay
kalauanng naging Pangulo ng Senado sa 19 taon hanggang 1935. Pinamunuan niya ang unang
Indendiyenteng Misyon sa Kongreso ng Estados Unidos]] noong 1919 na nagpasa ng Batas
Tydings-McDuffie noong 1934. Noong 1922, siya ay naging pinuno ng Partido Nacionalista.

Bilang Pangulo
Talaksan:Manuel Quezon first inauguration.jpg|thumb|300px|Inaugurasyon ni Manuel L. Quezon
bilang pangulo noong 15 Nobyembre 1935. Noong 1935, Si Quezon ay tumakbo at nahalal na
pangulo ng Pilipinas. Nakamit niya ang 68% laban kina Emilio Aguinaldo at Gregorio Aglipay. Siya
ang ikalawang pangulo ng Pilipinas pagkatapos ni Aguinaldo.
Unang Termino
Ekonomiya
Ang kondisyon sa ekonomiya ng Pilipinas na nasa ilalim ng Estados Unidos ay matatag. Ang
kalakalang pandayuhan ay umabot sa kasagsagang 400 milyong piso. Ang pagluluwas ng mga
pananim ay maganda maliban sa tabako. Ang halaga ng mga inululuwas ng Pilipinas ay umabot ng
320,896,000 piso na pinakamataas simula 1929. Ang mga kinita ng pamahalaan ay umabot ng
76,675,000 piso noong 1936 mula 65,000,000 piso ng nakaraang taon. Ang produksiyon ng ginto ay
tumaas ng mga 37% at ang bakal sa halos 100% samantalang ang produksiyon ng semento ay
lumaki ng 14%. Ang National Economic Council ay nilikha ng batas. Ito ay nagpapayo sa
pamahalaan sa mga tanong na pang-ekonomiya at pangsalapi kabilang ang pagtataguyod ng mga
industriya, dibersipikasyon ng mga pananim, mga taripa, pagbubuwis at pagbuo ng programang
pangekonomiya.
Pambansang wika
Ang isang probsiyon sa kontitusyong ipinatupad ni Quezon ang tanong hinggil sa pambansang wika
ng Pilipinas. Pagkatapos ng isang taong pag-aaral, ang Surian ng Wikang Pambansa na itinatag

noong 1936 ay nagrekomiyendang ang wikang Tagalog ang gawing basehan ng pambansang wika.
Ang mungkahing ito ay mahusay na tinanggap sa kabila ng pagiging katutubong Bisaya ng unang
direktor nitong si Jaime C. de Veyra. Noong Disyembre 1938, si Quezon ay naglabas ng
proklamasyon na nagpapatibay sa konsitusyong ginawa ng Surian at naghahayag na mangyayari
ang pagtangap ng pambansang wika sa dalawang taon mula nito.
Karapatang pagboto ng mga kababaihan
Sinimulan ni Quezon ang karapatang pagboto ng mga kababaihan. Ang 1935 konstitusyon ay nagaatas na ang karapatan ay maipagkakaloob kapag ang hindi kaunti sa 300,000 ay aayon sa
plebisito. Ang pamahalaan ni Quezon ay nagutos ng isang plebisito noong 3 Abril 1937. Ang
kinalabasan ng plebisito ay pag-ayon ng 447,725 laban sa pagtutol na 44,307
1940 plebisito
Kasabay ng mga lokal na halalan noong 1940, ang isa pang plebisito ay idinaos upang pagtibayin
ang iminungkahing mga susog sa Konstitusyon hinggil sa pagpapanumbalik ng lehislaturang
bikamera, ang termino ng pangulo na itatakda sa apat na taon na may isang muling paghalal at ang
pagtatatag ng independiyenteng Komisyon sa Halalan. Ang mga susog ay pinagtibay at sina
Speaker Jose Yulo at Assemblyman Dominador Tan ay tumungo sa Estados Unidos upang kunin
ang pagpapatibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt na ibinigay nito noong 2 Disyembre 1940.
Pagkatapos ng dalawang araw, ito ay prinoklama ni Quezon.
Ikalawang termino
Si Quezon ay ipinagbawal ng konstitusyon na muling tumakbo sa halalan ng pagkapangulo.
Gayunpaman, ang mga susog noong 1940 ay pinagtibay na pumapayag sa kanyang muling
pagtakbo. Siya ay tumakbo at nahalal sa halalan ng pagkapangulo noong 1941 na may halos 82
porsiyento laban kay Juan Sumulong.
Pananakop ng mga Hapones at pagkakatapon ni Quezon sa Estados Unidos
Pagkatapos ng pasimula ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas noong 8 Disyembre 1941, sina
Heneral Douglas MacArthur at Quezon ay lumikas sa Bataan noong 24 Disyembre 1941. Si Quezon
ay pinayuhan ni Macarthur na lumikas sa Corregidor kung saan isinagawa ang kanyang
inaugurasyon bilang Pangulo ng Pilipinas noong 30 Disyembre 1941. Ang mga Hapones ay
pumasok sa siyudad ng Maynila noong 2 Enero 1942 at itinatag ito bilang kabisera. Buong nasakop
ng Hapon ang Pilipinas noong 6 Mayo 1942 pagkatapos ng Labanan ng Corregidor. Pagkatapos ay
lumikas si Quezon sa Bisayas at Mindanao at sa pag-anyaya ng pamahalaan ng Estados Unidos ay
lumikas siya sa Australia at pagkatapos ay sa Estados Unidos. Sa Estados Unidos ay itinatag niya
ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas na nasa pagkakatapon na may mga headquarter
sa Washington, D.C.. Doon ay nagsilbi siyang kasapi ng Pacific War Council at lumagda sa
deklarasyon ng United Nations laban sa mga kapangyarihang Aksis. Kanya ring isinulat ang
kanyang sariling talambuhay.

Binuwag ni Heneral Masaharu Homma ang Komonwelt ng Pilipinas at itinatag ang Komisyong
Tagapagpaganap ng Pilipinas bilang nangangalagang pamahalaan na si Jorge B. Vargas ang unang
chairman noong Enero 1942. Ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas ay
binuo ng Proklamasyon bilang 109 ng Komisyong Tagapagpaganap noong 8 Disyembre 1942 na
nagbabawal sa lahat ng mga umiiral na partidong pampolitika at paglikha ng mga bagong alyansang
pamahalaan. Bago ang pagbuo ng komisyon, ang Pilipinas ay binigyan ng Hapon ng opsiyon na
isailalim ang Pilipinas sa diktadurya ni Artemio Ricarte na ibinalik ng mga Hapones mula
saYokohama. Ito ay hindi tinanggap ng Komisyon na nagpasyang gawing republika ang Pilipinas. Sa
unang pagdalaw sa Pilipinas ni Punong Ministro Hideki Tj noong 6 Mayo 1943 ay nangako siyang
ibabalik ang kalayaan ng Pilipinas bilang bahagi ng Pan-Asyanismo nito o Asya para sa Asyano. Ito
ay nagtulak sa KALIBAPI na lumikha ng komiteng paghahanda para sa kalayaan ng Pilipinas noong
19 Hunyo 1943. Ang isang draptong konstitusyon ay binuo ng komisyon na binubuo ng 20 kasapi
mula sa KALIBAPI. Ito ay pinamunuan ni Jose P. Laurel na nagtanghal ng draptong konstitusyon
noong Setyemre 4,1943 at pagkatapos ng 3 araw ay pinagtibay ng pangakalahatang asemblea ng
KALIBAPI. Noong 20 Setyembre 1943, hinalal ng mga pangkat na kinatawan ng KALIBAPI sa mga
probinsiya at siyudad mula sa kanilang sarili ang 54 kasapi ng Pambansang Asemblea ng Pilipinas
na may 54 gobernador at mga alkalde ng lungsod bilang mga kasaping ex-oficio. Pagkatapos ng 3
araw, ang sesyon ng Pambansang Asemblea ay humalal kina Jose P. Laurel bilang Pangulo ng
Republika ng Pilipinas at Benigno S. Aquino bilang unang speaker nito. Itinaas nina Aguinaldo at
Ricarte ang watawat ng Pilipinas.
Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935, ang termino ni Manuel L. Quezon bilang pangulo ay
magwawakas noong 30 Disyembre 1943 at ang pangalawang Pangulo na siSergio Osmea ang
automatikong halili sa kanya. Ito ay ipinaalam ni Osmea kay Quezon ngunit naniwala si Quezon na
hindi matalinong ipatupad ang tadhanang ito ng Saligang Batas dahil sa mga kasalukuyang
sirkunstansiya ng pamahalaan ng Pilipinas. Hindi ito tinanggap ni Osmena at hiniling ang opinyon ni
U.S. Attorney General Homer Cummings na umayon kay Osmea. Gayunpaman, ito ay hindi
tinanggap ni Quezon at hiniling niya kay Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos na
magbigay ng desisyon ngunit ito'y tumangging manghimasok at sa halip ay ipinayong ito ay lutasin
ng mga opisyal ng pamahalaang Komonwelt ni Quezon. Pagkatapos ng pagpupulong, hiniling ni
Osmena sa Kongreso ng Estados Unidos na suspindihin muna ang pagpapatupad ng tadhana ng
1935 Saligang Batas ng Pilipinas sa paghalili ng pangulo hanggang pagkatapos mapalaya ang
Pilipinas mula sa mga Hapones. Ito ay inayunan ni Quezon at ng kanyang Gabinete. Ang panukala
ay pinagtibay ng Senado ng Estados Unidos at mga Kinatawan ng Estados Unidos noong 10
Nobyembre 1943.

Kamatayan
Si Quezon ay nagkasakit ng tuberkolosis at gumugol ng kanyang huling taon sa cottage sa Saranac
Lake sa New York kung saan siya namatay noong 1 Agosto 1944. Siya ay inilibing sa Arlington
National Cemetery sa Estados Unidos. Ang kanyang katawan ay kalaunang muling inilibing sa
Sementeryong Norte sa Maynila noong 17 Hulyo 1946 bago inilipat sa Quezon Memorial
Circle noong 19 Agosto 1979.

Sipi

Si Quezon ay nahirang na residenteng komisyoner ng Pilipinas sa Kapulungan ng mga Kinatawan


ng Estados Unidos noong 1909-1916. Kanyang masiglang ipinaglaban ang pagkakamit ng kalayaan
ng Pilipinas mula sa pamamahala ng Estados Unidos at nagkaroon ng mahalagang papel sa
pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Batas Jones noong 1916 na nagkakaloob ng kalayaan
ng Pilipinas mula sa Estados Unidos.
Sinambit ni Quezon na:

Mas nanaisin kong magkaroon ng bansa na pinapatakbong tulad ng

Jose P. Laurel

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Para sa ibang gamit, tingnan ang Jose Laurel (paglilinaw).

Jose Paciano Laurel

Ika-3 Pangulo ng Pilipinas


Unang Pangulo ng Ikalawang Republika
Panunungkulan

Oktubre 14, 1943 Agosto 17, 1945


Pangulo

Manuel L. Quezon (1941-1944)


Sergio Osmea (1944-1946)

Sinundan si

Sergio Osmea

Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman ng Pilipinas


Panunungkulan
Pebrero 29, 1936 Pebrero 5, 1942
Sinundan si

George A. Malcolm

Sinundan ni

Wala[1]

Kapanganakan

Marso 9, 1891
Tanauan, Batangas

Kamatayan

Nobyembre 6, 1959
Maynila

Partidong politikal

Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong


Pilipinas(KALIBAPI)[2]

Asawa

Pacencia Hidalgo

Hanapbuhay

Abogado

Relihiyon

Katoliko

Lagda

Si Jos Paciano Laurel y Garca (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay ang


ikatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas(Oktubre 14, 1943-Agosto 17, 1945) sa ilalim ng
mga Hapon mula 1943 hanggang 1945.
Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at
Jacoba Garcia. Nagtapos siya ngabogasya sa U.P. noong 1915.
Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging
Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang

Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng
Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo
ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng
mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan
ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel
sa grabeng atake sa puso at istrok.
Mga nilalaman
[itago]

1 Talambuhay
o

1.1 Maagang buhay

1.2 Serbisyong publiko

1.3 Senado

1.4 Bilang Pangulo

1.5 Pagbuwag ng Rehime ni Laurel

1.6 Pagkatapos ng Pagkapangulo


2 Mga sanggunian

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]


Maagang buhay[baguhin | baguhin ang batayan]
Si Jos Paciano Laurel y Garca ay ipinanganak noong Marso 9, 1891 sa bayan
ng Tanauan, Batangas. Ang kanyang ama ay sina Sotero Laurel, Sr. na isang opisyal ng
pamahalaang rebolusyonaryo ni Emilio Aguinaldo at lumagda sa Saligang Batas ng
Malolos noong 1898. Ang kanyang ina ay si Jacoba Garca. Habang isang tinedyer, si Jose
Laurel ay kinasuhan ng pagtatangkang pagpatay ng katunggaling manliligaw ng kanyang
kasintahan gamit ang isang kutsilyo. Habang nag-aaral, nangatwiran siya para sa kanyang sarili
at napawalang sala. Nagtapos siya ng batas sa Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Batas
noong 1915 kung saan siya nag-aral sa ilalim ni Dekano George A. Malcolm na kanyang
hinalinhan sa Korte Suprema ng Pilipinas. Nakamit niya ang Master of Laws degree mula sa
Unibersidad ng Santo Tomas noong 1919 at pagkatapos ay pumasok sa Yale Law School kung
saan siya nagtapos ng Doktorado ng Batas.
Noong 1911 ay pinakasalan niya si Pacencia Hidalgo at nagkaroon sila ng 9 na anak.

Serbisyong publiko[baguhin | baguhin ang batayan]


Habang isang estudyante, si Laurel ay pumasok na isang mensahero ng Bureau of Forestry
bilang isang clerk sa Komite ng Kodigo na inatasang magkodigo ng mga batas ng Pilipinas. Sa
kanyang pagbalik mula sa Yale, siya ay hinirang na Pangalang Kalihim ng Kagawarang Panloob
at pagkatapos ay itinaas bilang Kalihim ng Kagawaran ng Panloob noong 1922. Sa posisyong,

palagi nakikipag-alitan sa Gobernador Heneral ng Estados Unidos na si Leonard Wood sa


Pilipinas. Noong 1923, si Laurel ay nagbitiw kasama ng ilang mga kasapi ng gabinete ng
pamahalaan ni Wood.

Senado[baguhin | baguhin ang batayan]


Si Laurel ay nahalal na kasapi ng Senado ng Pilipinas noong 1925. Siya ay nagsilbi ng isang
termino bago matalo sa muling pagtakbo sa halalan noong 1931 kay Claro M. Recto. Siya ay
bumalik sa pagsasanay na pampribado ng batas ngunit noong 1934 ay muling nahalalal sa
opisinang pampubliko bilang delegado ng Kombensiyang Konstitusyonal ng 1935. Kanyang
inisponsoran ang mga probisyon ng Panukalang Batas ng mga Karapatan. Pagkatapos ng
pagpapatibay ng Saligan Batas ng Pilipinas ng 1935 at pagkakatatag ng Komonwelt ng
Pilipinas, si Laurel ay nahirang na kasamang mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas noong
Pebrero 29, 1936.

Bilang Pangulo[baguhin | baguhin ang batayan]


Nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas, si Pangulong Manuel L. Quezon ay tumakas
sa Bataan at pagkatapos ay sa Estados Unidos upang itatag ang isang pamahalaan sa
pagkakatapon. Si Laurel ay may malapit na kaugnayan sa mga opisyal na Hapones. Ang
kanyang anak ay pinag-aral sa Imperial Military Academy in Tokyo at si Laurel ay tumanggap ng
isang honoraryong doktorado mula sa Unibersidad ng Tokyo. Si Laurel ang isa sa mga opisyal
ng Komonwelt ng Pilipinas na inutusan ng Hukbong Imperyal na Hapones na bumuo ng isang
probisyonal na pamahalaan nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas. Si Laurel ay nakipagtulungan
sa mga Hapones at dahil sa kanyang pagiging kilalang bumabatikos sa pamamahala ng
Estados Unidos sa Pilipinas, si Laurel ay nagsilbi sa ilang mga matataas na posisyon sa
pamahalaang Hapones sa Pilipinas noong 1942-1943. Noong 1943, siya ay binaril ng mga
gerilyang Pilipino habang naglalaro ng golf sa Wack Wack Golf at Country Club ngunit siya ay
gumaling. Nang taong iyon, siya ay pinili ng Pambansang ilalim ng impluwensiya ng Hapon na
magsilbi bilang Pangulo ng Pilipinas.
Dahil sa kaugnayan ng pamahalaan ni Laurel sa Hapon, ang malaking bahagi ng populasyong
Pilipino ay aktibong sumalungat sa kanyang pagkapangulo na sumuporta naman sa ipinatapong
pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon sa Estados Unidos.
Noong Setyembre 21, 1944, idineklara ni Laurel ang Martial Law na nagdedeklara ng pag-iral ng
digmaan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos at Nagkakaisang Kaharian. Ito ay nagkaroon
ng epekto noong Setyembre 23,1944 ng alas diyes ng umaga.

Pagbuwag ng Rehime ni Laurel[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong Hulyo 26, 1945 ang Potsdam Declaration ay nagbigay ng isang ultimatum
sa Hapon upang sumuko o maharap sa isang buong pagkalipol. Tumangging tanggapin ng
Hapon ang alok. Noong Agosto 6,1945, ang isang bombang atomiko ay ibinagsak ng Estados
Unidos sa Hiroshima kung saan napahamak ang mga mamamayan nito. Pagkatapos ng 2 araw,
ang Unyong Sobyet ay nagdeklara ng digmaan laban sa Hapon. Nang sumunod na araw, ang
ikalawang bombang atomiko ay ibinagsak sa Nagasaki. Ang Hapon ay walang kondisyong
sumuko sa Kapangyarihang Alyado noong Agosto 15,1946. Mula Abril 1945, si Pangulong
Laurel kasama ng kanyang pamilya at kasapi ng Gabineteng si Camilo Osas, Speaker Benigno
Aquino, Sr., Gen. Tomas Capinpin, at embahador Jorge B. Vargas ay lumikas sa Hapon. Noong
Agosto 17,1944 mula sa kanyang tirahan sa Nara, Hapon ay inilabas ni Laurel ang isang
Ehekutibong Proklamasyong na nagdedeklara ng pagkabuwag ng kanyang rehime.

Pagkatapos ng Pagkapangulo[baguhin | baguhin ang batayan]


Nang sumuko ang mga pwersang Hapones noong Agosto 15,1945, inutos ni Gen. Douglas
MacArthur na dakipin si Laurel para sa pakikipagtulungan nito sa mga Hapones. Noong 1946, si

Laurel ay sinampahan ng 132 bilang ng kasong pagtataksil. Gayunpaman, siya ay hindi


kailanman nilitis dahil sa amnestiyang ipinagkaloob ni Pangulong Manuel Roxas noong 1948. Si
Laurel ay tumakbo sa 1949 halalan ng pagkaPangulo laban kay Elpidio Quirino ngunit natalo.
Si Laurel ay namatay noong Nobyembre 6, 1959, sa Lourdes Hospital sa Maynila mula sa atake
sa puso at stroke. Siya ay inilibing sa Tanuan.

Sergio Osmea
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sergio Osmena)

Sergio Osmea

Ika-4 na Pangulo ng Pilipinas


ikalawang Pangulo ng Komenwelt
Panunungkulan
1 Agosto 1944 28 Mayo 1946
Sinundan si

Jose P. Laurel

Sinundan ni

Manuel Roxas

Ika-2 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas

Unang Pangalawang Pangulo ng Komenwelt


Panunungkulan
15 Nobyembre 1935 1 Agosto 1944
Pangulo

Manuel L. Quezon

Sinundan si

Wala[1]

Sinundan ni

Wala[2]

Kapanganakan

9 Setyembre 1878
Lungsod ng Cebu, Cebu

Kamatayan

19 Oktubre 1961 (edad 83)


Lungsod Quezon

Partidong politikal

Nacionalista Party

Asawa

Esperanza Limjap

Hanapbuhay
Relihiyon

Manananggol
Romano Katoliko

Lagda

Si Sergio Osmea (9 Setyembre 1878 19 Oktubre 1961), higit na kilala ngayon bilang Sergio
Osmea, Sr. ang ikalawangpangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (1 Agosto 1944 28 Mayo 1946).
Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmea Jr. at lolo nina Senador Sergio Osmea III, John
Osmena, dating Gobernador Lito Osmena ng Cebu at Mayor Tomas Osmena.
Isinilang siya noong 9 Setyembre 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmea ay nanguna sa mga
nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa
Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya
si Manuel L. Quezon.
Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmea. Ipinadala siya ng
lokal na liderato ng Cebupara ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900,
naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia.
Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan ay
muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan
ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa
lamang ang kanilang natapos. Si Osmea ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar.

Dalawamput limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at


pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng
lalawigan.
Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina
noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang
ispiker ng asemblea, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador siya
mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong 1923-1933.
Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmea-Roxas), isa sa mga misyong ipinadala
sa Estados Unidos para ikampanya ang kasarinlan ng Pilipinas. Nahalal siyang pangalawang
pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezon na tumungo
sa Estados Unidos at doon itinatag ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas kung siya nagsilbing
pangalawang pangulo ni Quezon. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong 1 Agosto 1944
at si Osmea ang humalili sa kanyang Pangulo. Kasama niya si Heneral Douglas MacArthur at mga
puwersang Amerikano gayundin ng Pilipinong Heneral na si Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P.
Romulo na dumating sa Leyte noong 20 Oktubre 1944. Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano
ang Pilipinas mula sa mga Hapones, nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon
ng halalan noong 23 Abril 1946. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.
Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa Cebu. Si Sergio Osmena ay
namatay noong 19 Oktubre 1961.
Mga nilalaman
[itago]

1 Talambuhay
o

1.1 Maagang buhay

1.2 Kongreso

1.2.1 Kinatawan

1.2.2 Senado

1.3 Misyong OsRox

1.4 Pangalawang Pangulo

1.4.1 Pananakop ng mga Hapones at pagkakatapon ng pamahalaang


Komonwelt ni Quezon sa Estados Unidos

1.4.2 Pagbuwag ng komonwelt at pagtatag ng Ikalawang Republika


1.5 Bilang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na nasa Estados Unidos

1.6 Pagbalik sa Pilipinas

1.7 1946 halalan ng pagka-Pangulo

1.8 Kamatayan
2 Talababa

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]


Maagang buhay[baguhin | baguhin ang batayan]
Si Sergio Osmea ay ipinanganak sa Cebu. Ang kanyang ama ay isang mayamang negosyante na
si Don Pedro Lee Gotiaoco at ang kanyang ina ay si Juana Osmea y Suico na iniulat na 14 taong
gulang lamang ng ipanganak si Sergio Osmea. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Colegio de
San Carlos noong 1892. Siya ay nag-aral sa Maynila sa San Juan de Letran College kung saan niya
unang nakilala sina Manuel L. Quezon na kanyang kaklase at sina Juan Sumulong at Emilio Jacinto.
Kumuha siya ng kursong batasa sa Unibersidad ng Santo Tomas at naging ikalawa sa
eksaminasyon ng batas noong 1903. Siya ay naglingkod na katulong sa digmaan ni Heneral Emilio
Aguinaldo bilang courier at mamamahayag. Noong 1900 ay itinatag niya ang pahayagan El Nuevo
Da sa Cebu na tumagal ng 3 taon. Noong 1904, ang pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos ay
humirang sa kanya bilang gobernador ng Cebu. Pinakasalan niya si Estefania Chiong Veloso noong
10 Abril 1901 at nagkaroon sila ng 10 anak.

Kongreso[baguhin | baguhin ang batayan]


Kinatawan[baguhin | baguhin ang batayan]
Habang nagsisilbing gobernador, tumakbo siya sa halalan ng unang Asembleang Pilipino noong
1907 at nahalal na speaker nito. Siya ay naglingkod sa mababang kapulungan hanggang 1922.
Itinatag niya kasama ni Manuel L. Quezon ang Partidong Nacionalista upang hadlangan ang Partido
Federalista ng mga politikong taga Maynila.
Senado[baguhin | baguhin ang batayan]
Noong 1922 ay nahalal si Osmea sa Senado. Siya ay tumungo sa Estados Unidos bilang bahagi
ng Misyong OsRox noong 1933 upang makuha ang pagpasa ng panukalang batas ng kalayaang
HareHawesCutting na pinalitan ng Batas Tydings-McDuffie noong 1934.

Misyong OsRox[baguhin | baguhin ang batayan]


Si Osmea kasama ni Manuel Roxas ay nanguna sa isang kampanya na tinatawag na misyong
OsRox (1931) para sa pagkilala ng Estados Unidos ng kalayaan ng Pilipinas at pamumuno sa sarili
ng Pilipinas. Nakamit ng misyong OsRox ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Hare
HawesCutting Act na nangangakong magbibigay ng kalayaan sa Pilipinas pagkalipas ng 10 taon
ngunit ito ay itinakwil ng Senado ng Pilipinas sa panghihimok ni Manuel L. Quezon. Si Quezon ay
nanguna sa isang misyon noong 1934 upang makuha ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos
ng Batas TydingsMcDuffie na pinagtibay ng Senado ng Pilipinas.

Pangalawang Pangulo[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong 1924, sina Quezon at Osmea at nagkasundo at nagsanib sa Partido Nacionalista
Consolidado laban sa oposisyong Partido Democrata ngunit ang Partido Nacionalista ay
nagkawatak watak noong 1934. Muling nagkasundo sina Quezon at Osmea at tumakbo at nanalo

sa 1935 halalan ng pagkapangulo. Si Quezon ay ipinagbawal ng konstitusyon na muling pagtakbo


sa halalan ng pagkapangulo. Gayunpaman, ang mga susog noong 1940 ay pinagtibay na
pumapayag sa kanyang muling pagtakbo. Siya ay tumakbo at nahalal sa halalan ng pagkapangulo
noong 1941 na may halos 82 porsiyento laban kay Juan Sumulong. Si Osmea ay muling nahalal na
pangalawang pangulo.
Pananakop ng mga Hapones at pagkakatapon ng pamahalaang Komonwelt ni Quezon sa
Estados Unidos[baguhin | baguhin ang batayan]
Pagkatapos ng pasimula ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas noong 8 Disyembre 1941, sina
Heneral Douglas MacArthur at Quezon ay lumikas sa Bataan noong 24 Disyembre 1941. Si Quezon
ay pinayuhan ni Macarthur na lumikas sa Corregidor kung saan isinagawa ang kanyang
inaugurasyon bilang Pangulo ng Pilipinas noong 30 Disyembre 1941. Ang mga Hapones ay
pumasok sa siyudad ng Maynila noong 2 Enero 1942 at itinatag ito bilang kabisera. Buong nasakop
ng Hapon ang Pilipinas noong 6 Mayo 1942 pagkatapos ng Labanan ng Corregidor. Pagkatapos ay
lumikas si Quezon sa Bisayas at Mindanao at sa pag-anyaya ng pamahalaan ng Estados Unidos ay
lumikas siya sa Australia at pagkatapos ay sa Estados Unidos. Sa Estados Unidos ay itinatag niya
ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas na nasa pagkakatapon na may mga headquarter
saWashington, D.C.. Si Osmea ay nanatiling pangalawang pangulo sa pagkakatapon ng
Komonwelt ng Pilipinas sa Estados Unidos.
Pagbuwag ng komonwelt at pagtatag ng Ikalawang Republika[baguhin | baguhin ang

batayan]
Binuwag ni Heneral Masaharu Homma ang Komonwelt ng Pilipinas ni Quezon at itinatag ang
Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas bilang nangangalagang pamahalaan na siJose B.
Vargas ang unang chairman noong Enero 1942. Ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa
Bagong Pilipinas ay binuo ng Proklamasyon bilang 109 ng Komisyong Tagapagpaganap noong 8
Disyembre 1942 na nagbabawal sa lahat ng mga umiiral na partidong pampolitika at paglikha ng
mga bagong alyansang pamahalaan. Bago ang pagbuo ng komisyon, ang Pilipinas ay binigyan ng
Hapon ng opsiyon na isailalim ang Pilipinas sa diktadurya ni Artemio Ricarte na ibinalik ng mga
Hapones mula sa Yokohama. Ito ay hindi tinanggap ng Komisyon na nagpasyang gawing republika
ang Pilipinas. Sa unang pagdalaw sa Pilipinas ni Punong Ministro Hideki Tojo noong 6 Mayo 1943 ay
nangako siyang ibabalik ang kalayaan ng Pilipinas bilang bahagi ng Pan-Asyanismo nito o Asya
para sa Asyano. Ito ay nagtulak sa KALIBAPI na lumikha ng komiteng paghahanda para sa
kalayaan ng Pilipinas noong 19 Hunyo 1943. Ang isang draptong konstitusyon ay binuo ng komisyon
na binubuo ng 20 kasapi mula sa KALIBAPI. Ito ay pinamunuan ni Jose P. Laurel na nagtanghal ng
draptong konstitusyon noong Setyemre 4,1943 at pagkatapos ng 3 araw ay pinagtibay ng
pangakalahatang asemblea ng KALIBAPI. Noong 20 Setyembre 1943, hinalal ng mga pangkat na
kinatawan ng KALIBAPI sa mga probinsiya at siyudad mula sa kanilang sarili ang 54 kasapi ng
Pambansang Asemblea ng Pilipinas na may 54 gobernador at mga alkalde ng lungsod bilang mga
kasaping ex-oficio. Pagkatapos ng 3 araw, ang sesyon ng Pambansang Asemblea ay humalal
kina Jose P. Laurel bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at Benigno S. Aquino Sr. bilang unang
speaker nito ngunit walang kinikilalang pangalawang pangulo.

Bilang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na nasa Estados


Unidos[baguhin | baguhin ang batayan]
Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935, ang termino ni Manuel L. Quezon bilang pangulo ay
magwawakas noong 30 Disyembre 1943 at ang pangalawang Pangulo ang automatikong halili sa
kanya. Ito ay ipinaalam ni Osmea kay Quezon ngunit naniwala si Quezon na hindi matalinong
ipatupad ang tadhanang ito ng Saligang Batas dahil sa mga kasalukuyang sirkunstansiya ng
pamahalaan ng Pilipinas. Hindi ito tinanggap ni Osmena at hiniling ang opinyon ni U.S. Attorney
General Homer Cummings na umayon kay Osmea. Gayunpaman, ito ay hindi tinanggap ni Quezon
at hiniling niya kay Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos na magbigay ng desisyon

ngunit ito'y tumangging manghimasok at sa halip ay ipinayong ito ay lutasin ng mga opisyal ng
pamahalaang Komonwelt ni Quezon. Pagkatapos ng pagpupulong, hiniling ni Osmena saKongreso
ng Estados Unidos na suspindihin muna ang pagpapatupad ng tadhana ng 1935 Saligang Batas ng
Pilipinas sa paghalili ng pangulo hanggang pagkatapos mapalaya ang Pilipinas mula sa mga
Hapones. Ito ay inayunan ni Quezon at ng kanyang Gabinete. Ang panukala ay pinagtibay ng
Senado ng Estados Unidos at mga Kinatawan ng Estados Unidos noong 10 Nobyembre 1943.
Si Osmea ang naging Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na nasa Estados Unidos pagkatapos
mamatay ni Quezon noong 1 Agosto 1944.

Pagbalik sa Pilipinas[baguhin | baguhin ang batayan]

Sina Lieutenant General George Kenney, Lieutenant General Richard K. Sutherland, Pangulong Sergio Osmea at
Heneral Douglas MacArthur sa Leyte.

Si Osmea ay bumalik sa Pilipinas kasama ni Heneral Douglas MacArthur at ng mga puwersang


Amerikano noong 20 Oktubre 1944. Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Maynila mula sa
mga Hapones, ibinigay ni Heneral MacArthur ang pamahalaan ng Pilipinas kay Osmea bilang
Pangulo noong 27 Pebrero 1945 sa Malacaang.

1946 halalan ng pagka-Pangulo[baguhin | baguhin ang batayan]


Pagkatapos ibalik ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas noong 1945, tumawag ang mga
senador na sina Manuel Roxas, Elpidio Quirino at mga kaalyado nila para sa isang halalan ng
pagkapangulo, ikalawang pangulo at mga kasapi ng Kongreso ng Pilipinas. Pinagtibay ng Kongreso
ng Estados Unidos ang halalan para sa 23 Abril 1946.
Ang tatlong pangkat ay lumahok sa halalan: Ang pangkat konserbatibo nina Osmea at Eulogio
Rodriguez ng partido Nacionalista, angpartido Liberal nina Roxas at Quirino na galing sa partidong
Nacionalista at ang Partido Modernista ni Hilario Moncado.
Natalo si Osmea kay Manuel Roxas sa halalan ng pagkapangulo.

Kamatayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Libingan ni Osmea saSementeryong Norte sa Maynila.

Pagkatapos matalo sa halalan, si Osmea ay bumalik sa kanyang tahanan sa Cebu. Siya ay


namatay noong 19 Oktubre 1961 sa edad na 83 sa Veteran's Memorial Hospital sa Quezon City.
Siya ay inilibing sa Sementeryong Norte sa Maynila.

Manuel Roxas
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Manuel Roxas

Ika-5 Pangulo ng Pilipinas


Ikatlong Pangulo ng Komonwelt
Unang Pangulo ng Ikatlong Republika
Panunungkulan
28 Mayo 1946 (bilang Pangulo ng Komonwelt); 4 Hulyo 1946,
(bilang Pangulo ng Ikatlong Republika) 15 Abril 1948
Pangalawang Pangulo

Elpidio Quirino

Sinundan si

Sergio Osmena

Sinundan ni

Elpidio Quirino

Kapanganakan

1 Enero 1892
Capiz (ngayon ay Lungsod
Roxas), Capiz

Kamatayan

15 Abril 1948
Clark Air Base, Angeles,Pampanga

Partidong politikal

Nacionalista (19191945)
Partido Liberal (19451948)

Asawa

Trinidad de Leon

Hanapbuhay

Abogado

Relihiyon

Katoliko

Si Manuel Acua Roxas (1 Enero 1892 15 Abril 1948) ay isang politiko sa Pilipinas. Siya ay ang
ikalimang Pangulo ngRepublika ng Pilipinas (28 Mayo 1946 15 Abril 1948).
Isinilang si Roxas noong 1 Enero 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay
mamatay,ng lalawigang Capiz ngayon ay lalawigang Roxas. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna
ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of
the Philippines)noong 1912 at naging topnatcher sa Bar. Nag-umpisa siya sa politika bilang piskal
panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L.
Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging
speaker. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa
National Assembly, nagsilbi (19381941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong
Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga
Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng
mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon.
Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthur kasama kay
pangulong Sergio Osmena kasama ng mga Pilipinong heneral na galing sa Sandatahang Lakas ng
Pilipinas na sina heneral Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romuloat ibinalik ang kanyang
nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay
sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo
noong 23 Abril 1946 laban kaySergio Osmea. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga
nakipagtulungan sa mga Hapon. Noong 15 Abril 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay
namatay, habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados
Unidos saClark Air Base wala na ito sa kasalukuyan. Siya ay sinundan ni Pangulong Elpidio Quirino.
Mga nilalaman
[itago]

1 Talambuhay
o

1.1 Maagang buhay

1.2 Gobernador ng Capiz

1.3 Kinatawan

1.4 Misyong OsRox

1.5 Senado

1.6 Iba pang mga hinawakang posisyon sa pamahalaan

1.7 Panahong Hapones

1.8 Pangulo ng Pilipinas

1.9 Kamatayan

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]


Maagang buhay[baguhin | baguhin ang batayan]
Si Roxas ay ipinanganak noong 1 Enero 1892 sa Capiz kina Gerardo Roxas, Sr. at Rosario Acua.
Ang kanyang ama ay pinatay ng mga Kastilang guardia civil bago pa ipangank si Manuel. Siya ay
nagtapos sa Mataas na Paaralan ng Maynila (ngayong Mataas na Paaralan ng Araullo) noong 1909.
Siya ay nag-aral ng batas sa isang pribadong paaralang itinatag ni George A. Malcolm na unang
dekano ng Kolehiyo ng Abugasya ng Unibersidad ng Pilipinas. Sa ikalawang taon ay pumasok siya
sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan siya nagtapos na balediktoryan at nakakuha ng
pinakamataas na markang 92% sa bar examination noong 1913.

Gobernador ng Capiz[baguhin | baguhin ang batayan]


Sinimulan ni Roxas ang kanyang karerang pampolitika noong 1917 bilang kasapi ng konsehong
pangmunisipyo ng Capiz (ngayong Lungsod ng Roxas). Siya ay nahalal na gobernador ng Capiz
mula 1919 hanggang 1921.

Kinatawan[baguhin | baguhin ang batayan]


Si Roxas ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas noong 1922 at nanungkulan
bilang Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa 12 taon. Siya ay naging kasapi ng Philippine
Council of State. Noong 1923, si Roxas at pangulo ng senado na si Manuel L. Quezon ay nagbitiw
sa Council of State nang simulang i-veto ni Gobernador-Heneral Leonard Wood ang mga
panukalang batas na ipinasa ng lehislatura ng Pilipinas.

Misyong OsRox[baguhin | baguhin ang batayan]


Si Roxas kasama ni Sergio Osmea ay nanguna sa isang kampanya na tinatawag na misyong
OsRox (1931) para sa pagkilala ng Estados Unidos ng kalayaan ng Pilipinas at pamumuno sa sarili
ng Pilipinas. Nakamit ng misyong OsRox ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Hare
HawesCutting Act na nangangakong magbibigay ng kalayaan sa Pilipinas pagkalipas ng 10 taon
ngunit ito ay itinakwil ng Senado ng Pilipinas sa panghihimok ni Manuel L. Quezon. Si Quezon ay
nanguna sa isang misyon noong 1934 upang makuha ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos
ng Batas TydingsMcDuffie na pinagtibay ng Senado ng Pilipinas.

Senado[baguhin | baguhin ang batayan]


Siya ay nahalal sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit ang Kongreso ng Pilipino ay hindi natipon
hanggang pagkatapos lamang na mapalaya ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapones
noong 1945. Nang matipon ang Kongreso noong 1945, si hinalal ng Kongreso na nahalal noong
1941 bilang pangulo ng Senado.

Iba pang mga hinawakang posisyon sa pamahalaan[baguhin | baguhin ang


batayan]
Siya ay kasapi ng Kombensiyong Konstitusyonal mula 1934 hanggang 1935 na lumikha ng Saligang
Batas ng Pilipinas ng 1935 sa ilalim ng Tydings-McDuffie Act. Siya ay naglingkod na kalihim ng
Pananalapi mula 19381940, Tagapangasiwa ng National Economic Council, Tagapangsiwa ng
National Development Company at iba pa, Brigadier General in the USAFFE.

Panahong Hapones[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Roxas ay nanungkulan sa pamahalaan ng Ikalawang
Republika ng Pilipinas ni Jose P. Laurel sa ilalim ng Hapon bilang direktor ng ahensiya ng paglilikom
ng mga suplay ng kanin para sa hukbong Hapones. Siya ay naging kasapi ng komiteng gumawa ng
drapto ng Saligang Batas ng Ikalawang Republika sa ilalim ng Hapon.
Gayunpaman, si Roxas ay pinaghihinalaan ng mga Hapones na nakikipagtulungan sa mga gerilyang
laban sa Hapon at nagsagawa ng lihim na paniniktik kay Roxas sa kabila ng kautusan ni
Heneral Homma na malapit kay Roxas na itigil ang paniniktik nila kay Roxas.
Noong 1945, si Roxas kasama ng ibang mga kasapi ng gabinete ng Ikalawang Republika ay dinakip
ni Heneral Douglas MacArthur. Si Roxas ay pinalaya, pinatawad at ibinalik ni MacArthur sa
ranggong brigadier heneral sa General Headquarters ng Hukbong Amerikano sa seksiyong
intelihensiya samantalang ang ibang nadakip na sina Jose Yulo,Antonio delas Alas, Quintin
Paredes at Teofilo Sison ay ibinilanggo upang litisin dahil sa pakikipagsabwatan sa mga Hapones.
Inangkin ni MacArthur na si Roxas ay inosente at tumulong sa kilusang gerilyang laban sa Hapon.
Noong 1948, pinatawad ni pangulong Roxas ang mga dinakip na sinasabing kasabwat ng mga
Hapones.
Noong 1946 halalan ng pagkapangulo, hiniling ni Roxas ang suporta ng Hukbalahap (Hukbong
Bayan Laban sa Hapon) ngunit dahil sa paniniwalang si Roxas ay nakipagtulungan sa mga Hapones
at malapit na nauugnay sa mga mayayamang nagmamay-ari ng lupain, kanilang sinuportahan
si Sergio Osmea. Pagkatapos manalo ni Roxas sa halalan, noong 1948, kanyang inihayag ang
parehong PKM at Hukbalahap na mga "ilegal na organisasyon" at inutos ang pagdakip ng mga
kasapi nito dahil sa "pagpapabagsak ng pamahalaan sa pamamagitan ng dahas" at "pagtatatag ng
kanilang sariling pamahalaan sa tulong ng dahas at takot".

Pangulo ng Pilipinas[baguhin | baguhin ang batayan]


Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapones,
ang Komonwelt ng Pilipinas ay ibinalik sa Pilipinas noong 27 Pebrero 1945 kung saan Pangulo
si Sergio Osmea.
Nanalo si Roxas sa 1946 halalan ng pagkapangulo noong 23 Abril 1946 na may 54 porsiyento ng
kabuuang boto laban kina Sergio Osmea ng partido Nacionalista at Hilario Moncada ng partido
Modernista. Si Roxas ay tumakbo sa ilalim ng Partido Liberal na kanyang itinatag pagkatapos
humiwalay sa Partido Nacionalista. Si Roxas ay nagsilbing pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas mula
28 Mayo 1946 hanggang 4 Hulyo 1946 nang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa Estados
Unidos.

Noong 21 Hunyo 1946, si Roxas ay humarap sa Kongreso ng Estados Unidos upang himukin ang
pagpasa ng dalawang batas na ipinasa ng Kongreso ng Estados Noong 30 Abril 1946: ang Batas
TydingsMcDuffie at ang Bell Trade Act na parehong ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos.

Inaugurasyon ni Roxas bilang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas noong 4 Hulyo 1946 sa Independence
Grandstand (ngayong Quirino Grandstand) sa Maynila.

Sa araw na inilunsad ang Ikatlong Republika ng Pilipinas at kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados
Unidos noong 4 Hulyo 1946, si Roxas ay nanumpa bilang unang Pangulo ng bagong Ikatlong
Republika sa Luneta, Maynila. Ang okasyon ay dinaluhan ng mga 3,000 dignitaryo kabilang ang
Commissioner to the Philippines at kauna-unahang embahador ng Estados Unidos sa Pilipinas Paul
McNutt, HeneralDouglas MacArthur galing sa Tokyo, United States Postmaster General Robert E.
Hannegan, isang delegasyon mula sa Kongreso ng Estados Unidos na pinangunahan ni
Senador Millard Tydings (may akda ng Batas TydingsMcDuffie) at Kinatawan C. Jasper Bell (may
akda ng Bell Trade Act) at dating Civil Governor-General Francis Burton Harrison. Ito ay dinaluhan
ng mga 300,000 katao na nakasaksi sa pagbaba ng pambansang watawat ng Estados Unidos at
pagtataas ng pambansang watawat ng Pilipinas.
Si Roxas ang nanungkulang Pangulo ng Pilipinas hanggang sa kanyang kamatayan noong 15 Abril
1948.

Kamatayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Libingan ni Roxas sa Sementeryong Norte sa Maynila.

Si Roxas ay namatay noong 15 Abril 1948 sa atake sa puso sa tahanan ni Major General E.L.
Eubank sa Clark Field, Pampangapagkatapos manalumpati sa harap ng Sandatahang
Panghimpapawid ng Estados Unidos. Dahil hindi pa tapos ang termino ni Roxas, siya ay hinalinhan
ng Pangalawang Pangulong si Elpidio Quirino.

Elpidio Quirino
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Elpidio Quirino

Ika-6 na Pangulo ng Pilipinas


Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika
Panunungkulan
18 Abril 1948 (halal 30 Disyembre 1949) 30 Disyembre 1953
Pangulo

Manuel Roxas

Pangalawang Pangulo

Fernando Lopez (1949-1953)

Sinundan si

Manuel Roxas

Sinundan ni

Ramon Magsaysay

Ika-3 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas


Ikalawang Pangalawang Pangulo ng Komenwelt
Unang Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika
Panunungkulan
28 Mayo 1946 17 Abril 1948
Sinundan si

Sergio Osmea[1]

Sinundan ni

Fernando Lopez[2]

Kalihim ng Ugnayang Labas


Panunungkulan
16 Setyembre 1946 17 Abril 1948
Sinundan si

Naibalik[3]

Sinundan ni

Joaquin Miguel Elizalde

Kapanganakan

16 Nobyembre 1890
Vigan, Ilocos Sur

Kamatayan

29 Pebrero 1956
Lungsod ng Quezon

Partidong politikal

Liberal

Hanapbuhay

Abogado

Relihiyon

Katoliko

Si Elpidio Rivera Quirino (16 Nobyembre 189029 Pebrero 1956) ay isang politiko at ang ikaanim
na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (17 Abril 1948-30 Disyembre 1953).
Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur noong 16 Nobyembre 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria
Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong
1915.
Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong
1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel
Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong 17 Abril
1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang
komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli
niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.
Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake
sa puso noong 29 Pebrero 1956 sa gulang na 66.
Mga nilalaman
[itago]

1 Talambuhay

1.1 Maagang buhay

1.2 Kongreso
1.2.1 Kinatawan

1.2.2 Senado

1.3 Misyong pang-Kalayaan ng Pilipinas

1.4 Ikalawang Digmaang Pandaigdig

1.5 Pangalawang Pangulo

1.6 Pangulo

1.6.1 Ekonomiya

1.6.2 Mga pakikipagugnayan

1.6.3 Akusasyon ng korupsiyon at tangkang impeachment


1.7 Kamatayan
2 Sanggunian

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]


Maagang buhay[baguhin | baguhin ang batayan]
Si Elipidio Quirino ay ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur kina Don Mariano Quirino ng Caoayan, Ilocos
Sur at Doa Gregoria Mendoza Rivera ng Agoo, La Union. Siya ay nag-aral sa Caoayan sa
elemantarya, sa Vigan High School sa sekundarya at pagkatapos ay tumungo sa Maynila bilang
junior computer technician sa Bureau of Lands at property clerk sa departamentong kapulisan ng
Maynila. Nagtapos siya sa Manila High School noong 1911 at nakapasa sa pagsusulit ng serbisyong
sibil. Noong 1915, siya ay nagtapos ng abugasya sa Unibersidad ng Pilipinas at nakapasok sa bar.

Kongreso[baguhin | baguhin ang batayan]


Kinatawan[baguhin | baguhin ang batayan]
Si Quirino ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1919 hanggang 1925.
Senado[baguhin | baguhin ang batayan]
Siya ay nahalal na Senador mula 1925 hanggang 1931 bilang kinatawan ng Unang Distritong
Senatoryal. Siya ay naglingkod bilang kalihim ng pananalapi at ng Interyol ng Komonwelt ng
Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Quirino ay muling nahalal sa Senado ngunit

hindi nakapaglingkod hanggang 1945. Pagkatapos ng Ikalawang digmaang pandaigdig, si Quirino


ay inilagay na Senate President pro tempore.

Misyong pang-Kalayaan ng Pilipinas[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong 1934, si Quirino ay kasapi ng misyong pangkalayaan ng Pilipinas sa Washington, D.C., na
pinamunuan ni Manuel L. Quezon. Nakamit nito ang pagpasa ng Kongreso ng Estados
Unidos ng Batas TydingsMcDuffie.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong pananakop ng Hapones sa Pilipinas, siya ay naging pinuno ng isang paghihimagsik laban sa
mga Hapones ngunit siya ay nabihag at ipinabilanggo. Ang kanyang asawang si Alicia Syquia at
tatlo sa kanilang anak ay pinatay ng mga Hapones.

Pangalawang Pangulo[baguhin | baguhin ang batayan]


Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapones,
ang Komonwelt ng Pilipinas ay ibinalik sa Pilipinas noong 27 Pebrero 1945 kung saan Pangulo
si Sergio Osmea. Noong Disyembre 1945, ang House Insular Affairs ng Kongreso ng Estados
Unidos ay nagpasa ng isang resolusyon na nagtatakda sa halalang hindi pagkatapos ng Abril 30.
Si Manuel Roxas ay tumakbo sa ilalim ng Partido Liberal na kanyang itinatag pagkatapos humiwalay
sa Partido Nacionalista. Si Quirino ay napiling kasamang tatakbo ni Roxas. Nanalo sina Roxas at
Quirino sa 1946 halalan ng pagkapangulo at pangalawang pangulo noong 23 Abril 1946. Si Quirino
ay nahirang na Secretary of Foreign Affairs.

Pangulo[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Elpidio Quirino sa tabi ng kabaong ni Manuel Roxas noong 1948

Inaugurasyon ni Elpidio Quirino bilang Pangulo ng Pilipinas noong Abril 17, 1948 sa Council of State Room,
Executive Building, Malacaang.

Si Manuel Roxas ay namatay noong 15 Abril 1948 sa atake sa puso sa tahanan ni Major General
E.L. Eubank sa Clark Field, Pampanga pagkatapos manalumpati sa harap ng Sandatahang
Panghimpapawid ng Estados Unidos. Dahil hindi pa tapos ang termino ni Roxas, siya ay hinalinhan
ng Pangalawang Pangulong si Elpidio Quirino noong Abril 17, 1948. Nang sumunod na taon, si
Quirino ay tumakbo sa ilalim ng partido Liberal at nahalal na Pangulo para sa apat na taong termino.

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]


Sa ilalim ng termino ni Quirino, nagkaroon ng kahanga-hangang rekonstruksiyon ng ekonomiya
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pangkalahatang paglago ng ekonomiya na 9.43 %
at lumaking tulong pang ekonomiya mula sa Estados Unidos. Sa ilalim ni Quirino, maraming mga
pabrika ang naitatag na nagpataas ng antas ng pagkakaroon ng trabaho at nagbigay sa bansa ng
unang imprastrukturang industriyal. Sa pamamagitan ng mahigpit na mga patakaran ng pagtitipid,
nagawa niyang patatagin ang piso at balansehin ang budget. Pinalawig ni Quirino ang mga
sistemang irigasyon, ipinatayo ang mga plantang hydroelectric sa talong Maria Cristina at Bulacan
upang lutasin ang problema sa kuryente sa Luzon, pinabuti ang mga lansangan, itinatag ang bangko
sentral at pagbabangkong rural na nagpapautang sa mga magsasaka at negosyante. Nilikha ni
Quirino ang Social Security Commission at ng President's Action Committee on Social Amelioration
na nangangasiwa sa pagbibigay ng tulong, pautang, at kaginhawaan sa mga mahihirap na
mamamayan. Ang kanyang programa ay kinabibilangan ng insurance para sa kawalang trabaho,
pagtanda, aksidente at kapansanan, kalusugan, pang-ina at pagpapaginhawa ng estado.
Nabigo si Quirino na lutasin ang pagiging hindi pantay sa lupain at kayamanan lalo nasa mga
malalayong pook na rural. Ang problemang ito ang paktor na nagtulak sa paghihimagsik
ng Hukbalahap.
Mga pakikipagugnayan[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang pamahalaan ni Quirino ay nakipagpayapaan sa Hapon at ang Kasunduang Mutuwal ng
Pagtatanggol sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ay pinagtibay noong 1951. Sa ilalim ni
Quirino, ang pamahalaan ay naharap sa malubhang banta ng Hukbalahap na orihinal na hukbong
gerilyang laban sa Hapon. Ang pakikipagkasundo ni Qurino sa pinuno nitong si Luis Taruc ay nasira
noong 1948. Hinirang ni Quirino ang kalihim ng pagtatanggol na si Ramon Magsaysay na sugpuin
ang paghihimagsik na naisagawa sa pamamagitan ng labis na karahasan at pangako ng reporma sa
lupain.
Akusasyon ng korupsiyon at tangkang impeachment[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang administrasyon ni Quirino ay nabahiran ng malawakang korupsiyon. Ang halalan ng
pagkapangulo noong 1949 na kanyang napalunan ay isa sa mga hindi malinis na halalan sa
kasayayan ng Pilipinas. Siya ang kauna-unahang nakaupong pangulo ng Pilipinas na
tinangkang iimpeach at inakusahan ng paggamit ng mga pondong pampamahalaan upang ipaayos
at bumili ng mga kasangkapan para sa Malacaang, nepotismo at pagpuslit ng diamante. Ang
impeachment ay itinakwil ng komiteng pangkongreso dahil sa kawalan ng paktuwal at legal na
basehan. Ang korupsiyon ang nagtulak kay Ramon Magsaysay na kumalas sa partido Liberal at
tumakbo laban kay Quirino sa 1953 halalan ng pagkapangulo sa ilalim ng partido Nacionalista.

Kamatayan[baguhin | baguhin ang batayan]


Pagkatapos matalo kay Ramon Magsaysay sa 1953 halalan ng pagkapangulo, si Quirino ay
nagretiro mula sa politika noong 1953. Siya ay namatay noong Pebrero 29, 1956 sa atake sa puso.
Siya ay inilibing sa Manila South Cemetery sa Makati.

Ramon Magsaysay
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Ramon Magsaysay

Ika-7 Pangulo ng Pilipinas


Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika
Panunungkulan
30 Disyembre 1953 17 Marso 1957
Pangalawang

Carlos P. Garca

Pangulo
Sinundan si

Elpidio Quirino

Sinundan ni

Carlos P. Garca

Kapanganakan

31 Agosto 1907
Iba, Zambales

Kamatayan

17 Marso 1957
Bundok. Manunggal,Balamban, Cebu

Partidong politikal
Asawa
Mga anak

Partidong Nasyonalista
Luz Banzon
Teresita, Milagros, Ramon Magsaysay

Jr.
Hanapbuhay

Inhinyero

Relihiyon

Katoliko

Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramn "Monching" Magsaysay[1] (31 Agosto 1907 17 Marso
1957) ay ang ikapitongPangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957).
Si Magsaysay ay isinilang sa Castillejos, Zambales noong 31 Agosto 1907 kina Exequiel Magsaysay
at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College.
Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang
Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang
Amerikano at Pilipino ang Zambales noong 26 Enero 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng
Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na
lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksiyon ng 1953,
tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika. Ang kanyang pangalawang pangulo ay
si Carlos P. Garcia.
Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang
nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo
ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si
Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".
Siya ay tinawag na "Kampeon ng mga Masa" at ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil
ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Winakasan niya ang korupsiyon sa
pamahalaan at pinatalsik ang mga inkompetenteng heneral.
Nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong
kanyang sinasakyan sa Bundok Manunggal sa Balamban, Cebu noong 17 Marso 1957.
Mga nilalaman
[itago]

1 Talambuhay
o

1.1 Maagang buhay

1.2 Ikalawang Digmaang Pandaigdig

1.3 Kapulungan ng mga Kinatawan

1.4 Kalihim ng Pagtatanggol sa ilalim ni Elpidio Quirino

1.5 Pangulo

1.5.1 Ekonomiya

1.6 Kamatayan
2 Sanggunian

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]


Maagang buhay[baguhin | baguhin ang batayan]
Ramon Magsaysay bago ang 1927

Si Ramon Magsaysay ay ipinanganak sa Iba, Zambales sa panday na si Exequiel Magsaysay at


gurong si Perfecta del Fierro. Siya ay nag-aral sa Zambales Academy sa sekundarya at Unibersidad
ng Pilipinas sa kolehiyo sa kursong pre-inhenyerya. Lumipat siya sa Institute of Commerce sa Jose
Rizal College (19281932) at nakapagtapos ng kursong Komersiyo. Nagtrabaho siya bilang tsuper
habang nag-aaral. Siya ay nagtrabaho bilang mekaniko ng Try Tran Bus Company sa Maynila at
kalaunang naging manager nito. Sa opisina ng Try Tran na nakilala niya ang kanyang asawang
si Luz Banzon na kumukuha ng kabayaran para sa kompanya ng bus na ipinagbili ng ama ni
Banzon sa Try Tran. Sila ay ikinasal noong Hunyo 10, 1933.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig[baguhin | baguhin ang batayan]


Sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sumali si Magsaysay sa motor pool ng ika-31
Dibisyong impanterya ng Hukbo ng Pilipinas bilang kapitan. Pagkatapos ng pagbagsak ng
Bataan noong 1942, inorganisa niya ang Puwersang Gerilya ng kanluraning Luzon na lumaban sa
mga Hapones. Nanatili siya sa ranggong kapitan nang mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas
noong 1945 bagaman pinangasiwaan niya ang mga 12,000 katao. Tumanggi siyang itaas ang
kanyang ranggo ngunit ginawa siyang isang major ng mga Amerikano. Sa wakas ng digmaan,
hinirang siyang Militaryong Gobernador ng Zambales noong Pebrero 4, 1945. Pagkatapos ng
dalawang buwan, ang administrasyong panglalawigan ay inilipat sa sibilyang Gobernador.

Kapulungan ng mga Kinatawan[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong Abril 23, 1946, si Magsaysay ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng
Pilipinas bilang Independiyente. Noong 1948, pinili siya ni Pangulong Manuel Roxas upang pumunta
sa Washington, Estados Unidos bilang Chairman Chairman of the Committee on Guerilla Affairs
upang makatulong sa pagpasa ngRogers Bill na nagbibigay ng mga benepisyon sa mga beteranong
Pilipino sa digmaan. Muli siyang nahalal na kinatawan noong 1948 at naging Chairman ng House
National Defense Committee.

Kalihim ng Pagtatanggol sa ilalim ni Elpidio Quirino[baguhin | baguhin ang


batayan]
Noong Agosto 31, 1950, si Magsaysay ay hinirang ni Pangulong Elpidio Quirino na maging Kalihim
ng Pambansang pagtatanggol matapos alukin ni Magsaysay si Quirino na labanan ang mga
gerilyang komunista gamit ang kanyang mga karanasan sa labanang gerilya noong Digmaan.
Pinaigting ni Magsaysay ang kanyang pakikidigma laban sa mgaHukbalahap na naging isa sa
pinakamatagumpay na kampanyang anti-gerilya sa modernong kasaysayan. Ang tagumpay nito ay
sinasabing sanhi sa isang bahagi ng mga hindi kombensiyonal na pamamaraang ginamit ni
Magsaysay. Ginamit niya ang mga sundalo ng Hukbo ng Pilipinas upang mamahagi ng mga relief
good at iba pang mga tulong sa mga malalayong pook sa probinsiya. Nagtayo ang hukbo ng mga
paaralan, mga ospital, mga bahay pansakahan para sa mga mahihirap na mamamayan. Nag-alok si
Magsaysay ng kapatawaran, paggamot medikal at libreng lupain sa kagubatan ng Mindanao sa
sinumang rebelde na susuko. Habang ang opinyong maganda ng publiko sa hukbo ng Pilipinas ay
tumataas, ang bilang ng Hukbalahap ay bumabagsak. Bago ni Magsaysay, ang mga mamamayan
sa mga mga malalayong pook na rural ay walang tiwala sa mga sundalo ng Hukbo ng Pilipinas,

ngunit sa ilalim ni Magsaysay ay nagsimulang igalang at hangaan ng mga mamamayan ang mga
sundalo. Noong mga 1952, ang karamihan ng mga pinunong rebelde ay nabihag o napatay na.
Noong mga 1953, naniwala si Quirino na ang banta ng Hukbalahap ay nakontrol na at si Magsaysay
ay nagiging labis na makapangyarihan sa politika. Nakatagpo si Magsaysay ng panghihimasok at
panghaharang ng Pangulong Quirino at mga tagapayo nito sa takot na baka matalo sila sa susunod
na halalan ng pagkapangulo. Sa panahong ito ay wala pang intensiyon si Magsaysay na tumakbo
bilang pangulo ngunit hinikayat mula sa ibat ibang panig ng lipunan. Kalaunan siyang nahikayat na
ang pagtakbo sa pagkapangulo ang paraan upang maipagpatuloy ang kanyang pakikipaglaban sa
komunismo. Naniwala si Magsaysay na ang tiwaling administrasyon ni Quirino ang nagsasanhi ng
pagsiklab ng mga gerilyang komunista. Nagbitiw si Magsaysay bilang kalihim ng pagtatanggol ni
Quirino noong Pebrero 28, 1953 at naging kandidato para sa pagkapangulo ng Partido Nacionalista.

Pangulo[baguhin | baguhin ang batayan]

Inaugurasyon nina Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia bilang Pangulo at Ikalawang Pangulo noong Disyembre
30, 1953, Independence Grandstand (ngayong Quirino Grandstand)

Nanalo si Ramon Magsaysay sa 1953 halalan ng pagkapangulo laban sa nakaupong pangulong


si Elpidio Quirino. Siya ay nanumpa na suot ang Barong Tagalog na kauna-unahang pangulo ng
Pilipinas na gumawa nito. Binuksan niya ang mga bakod ng Malacang sa mga ordinaryong
mamamayan.
Buong nilinis ni Magsaysay ang hukbo ng Pilipinas, winakasan ang korupsiyon at pinatalsik ang mga
walang kakayahang heneral. Ang mga espesyal na unit na anti-gerilya ay nilikha laban sa mga
naghihimagsik. Ang susi sa tagumpay ni Magsaysay ang kanyang pakikitungo sa mga ordinaryong
mamamayan. Mahigpit niyang ipinatupad ang disiplina ng mga hukbo sa kanilang pakikitungo sa
mga magsasaka.
Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]
Bilang Pangulo, nilinang niya ang malapit na pakikipagugnayang ekonomiko at panseguridad ng
Pilipinas sa Estados Unidos. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay 7.13 %.
Dahil sa malubhang pagiging hindi pantay ng pamamahagi ng mga lupain at kayamanan sa mga
mahihirap na mamamayan, nagpakilala siya ng mga reporma sa lupain ngunit ang mga ito ay
patuloy na hinaharang mga konserbatibong kasapi ngKongreso ng Pilipinas na may-ari ng mga
lupain na kumakatawan sa kanilang pansariling interes.
Gayunpaman, nagawang makakuha ni Magsaysay ng mga tirahang lupain para sa mga walang
tahanang magsasaka, nagawang pabagsakin ang presyo ng mga bilihin at nagawang hatiin ang
mga malalaking estadong lupain.

Kamatayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Bundok Manunggal na pinagbagsakan ng eroplanong sinasakyan ni Magsaysay.

Libingan ni Magsaysay sa Sementeryo Norte sa Maynila.

Noong Marso 16, 1957, nilisan ni Magsaysay ang Cebu kung saan siya nagsalita sa tatlong mga
institusyon ng edukasyon. Nang kinagabihan ng mga ala una ng madaling araw, sumakay siya sa
eroplano ng pangulo na "Mt. Pinatubo" na isang C-47 pabalik sa Maynila. Nang kinaumagahan nang
Marso 17, ang kanyang eroplano ay iniulat na nawawala. Nang katanghalian, iniulat na ang kanyang
eroplano ay bumagsak sa Bundok Manunggal sa Cebu at ang 26 sa 27 pasahero at crew ay
namatay. Ang tanging nakaligtas ang mamamahayag na si Nstor Mata.
Ang tinatayang 2 milyong katao ay dumalo sa paglilibing kay Magsaysay noong Marso 22, 1957.
Hinalinhan siya ni Pangalawang Pangulo si Carlos Garcia bilang Pangulo.

Carlos P. Garcia
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Carlos P. Garcia

Ika-8 Pangulo ng Pilipinas


Ika-apat na Pangulo ng Ikatlong Republika
Panunungkulan
23 Marso 1957 (halal 30 Disyembre 1957) 30 Disyembre 1961
Pangulo

Ramon Magsaysay

Pangalawang Pangulo

Diosdado Macapagal

Sinundan si

Ramon Magsaysay

Sinundan ni

Diosdado Macapagal

Ika-5 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas


Ikatlong Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika
Panunungkulan
30 Disyembre 1953 18 Marso 1957
Sinundan si

Fernando Lopez

Sinundan ni

Wala[1]

Kapanganakan

4 Nobyembre 1896
Talibon, Bohol

Kamatayan

14 Hunyo 1971
Talibon, Bohol

Partidong politikal

Nacionalista Party

Asawa

Leonila Dimataga

Hanapbuhay

Abogado

Relihiyon

Katoliko

Si Carlos Polistico Garcia (4 Nobyembre 1896 - 14 Hunyo 1971) ay isang Pilipinong makata at
politiko at ang ikawalong Pangulong Republika ng Pilipinas (23 Marso 195730 Disyembre 1961).
Naging pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete niRamon Magsaysay si Garcia. Nanumpa
siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si Garcia kanyang pagpapatupad ng
patakarang "Pilipino Muna" ("Filipino First").
Mga nilalaman
[itago]

1 Talambuhay
o

1.1 Maagang buhay

1.2 Kapulungan ng mga Kinatawan

1.3 Gobernador ng Bohol

1.4 Senado

1.5 Panahong Hapones

1.6 Pangalawang Pangulo

1.7 Pangulo

1.7.1 Ekonomiya

1.8 1961 halalan ng pagkaPangulo

1.9 Kamatayan
2 Mga sanggunian

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]


Maagang buhay[baguhin | baguhin ang batayan]
Isinilang si Garcia noong 4 Nobyembre 1896 sa bayan ng Talibon, Bohol. Ang kaniyang mga
magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Pamantasang
Silliman sa Lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law
School at nakapasok sa bar noong 1923 sa Maynila.
Iniwan niya pagsasanay ng abugasya at naging guro ng highschool.

Kapulungan ng mga Kinatawan[baguhin | baguhin ang batayan]


Una niyang pinasok ang politika noong 1926 bilang kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan at
naglingkod hanggang 1932.

Gobernador ng Bohol[baguhin | baguhin ang batayan]


Nagsilbi si Garcia bilang gobernador ng Bohol mula 1932 hanggang 1941.

Senado[baguhin | baguhin ang batayan]


Nahalal siya sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit hindi nakapaglingkod dahil sa pananakop ng
mga Hapones noong Disyembre 1941. Ipinagpatuloy niya ang paglilingkod bilang Senador nang
mapalaya ang Pilipinas sa pananakop ng mga Hapones noong 1945. Siya ay nanungkulan mula
1945 hanggang 1953. Tumungo si Garcia Estados Unidos upang ilobby ang kabayaran para pinsala
sa digmaan ng Pilipinas. Siya ay nagsilbi ring delegado ng bagong nabuong United Nations sa San
Francisco. Sa Senado, siya ay naging pinuno ng minorya at namuno sa mga impluwensiyal na
komite hingil sa pamahalaan, hukbo, katarungan at ugnayang pandayuhan ng Pilipinas.

Panahong Hapones[baguhin | baguhin ang batayan]


Pagkatapos sumuko ang mga Amerikano sa mga Hapones noong Mayo 1942, si Garcia ay
pinahanap ng mga autoridad na Hapones upang hulihin dahil sa kanyang pagtangging sumali sa
pananakop ng mga Hapones. Siya ay sumali sa puwersang gerilyang laban sa Hapon sa Bohol
hanggang sa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pangalawang Pangulo[baguhin | baguhin ang batayan]

Inaugurasyon nina Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia bilang Pangulo at Ikalawang Pangulo noong Disyembre
30, 1953, Independence Grandstand (ngayong Quirino Grandstand)

Noong Nobyembre 1953, si Garcia ay nahalal na Pangalawang Pangulo kasama ni Ramon


Magsaysay bilang Pangulo ng Pilipinas. Sa ilalim ni Magsaysay, si Garcia ay naging Kalihim ng
ugnayang pandayuhan. Bilang kalihim nito, nilikha niya ang kasunduang kapayapaan sa Hapones at
nakipagayos para sa pagbabayad nito sa digmaan. Dumalo si Garcia sa Komperensiyang Geneva
hinggil sa mga bagay na Asyano. Kanyang inatake ang mga komunista at sinuportahan ang mga
patakarang Amerikano sa buong Silangan. Sa Pilipinas, patuloy niyang binuo ang mga patakarang
pandayuhan at nangasiwa sa Southeast Asia Treaty Organization (SEATO) Conference noong 1954
na nagresulta sa walong kasaping alyansang panghukbo upang pigilan ang paglawak ng
komunismo.

Pangulo[baguhin | baguhin ang batayan]

Inaugurasyon ni Carlos P. Garcia bilang Pangulo ng Pilipinas sa kamatayan ni Ramon Magsaysay.

Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Ramon Magsaysay sa
isang aksidente sa eroplano.
Nagwagi siya sa halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957. Upang makuha ang
pagkapanalo sa 1957 halalan, pinili niya si Diosdado Macapagal mula sa oposisyong Partido
Liberal na maging kasamang tatakbo bilang pangalawang pangulo.
Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]
Bilang Pangulo, nagpanatili siya ng isang striktong programa ng paghihigpit upang maalis ang
korupsiyon. Sinikap niyang pigilan ang yumayabong na itim na pamilihan at sinikap na pagsiglahin
ang ekonomiya. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay nasa 4.54 %. Kanyang ipinatupad ang
patakarang "Pilipino Muna" upang wakasan ang pananaig ng mga dayuhan sa ekonomiya ng
Pilipinas. Ang lahat ng mga imbestor na dayuhan na karamihan ay mga Amerikano ay nilimitahan sa
kaunti sa 51 porsiyentong interes sa mga kompanyang domestiko. Sinimulan rin niya ang paglayo
sa buong pagsalalay sa Estados Unidos bilang guarantor ng seguridad ng Pilipinas at naghanap ng
bagong orientasyon tungo sa ibang mga bansang Asyano. Ang mga patakarang ito ay hindi
nagustuhan ng mga Amerikano. Sinikap rin ni Garcia na buhayin ang mga katutubong sining
pangkultura upang pagtibayin ang pagkakakilanlang pambansa ng mga Pilipino.
Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng
Estados Unidos upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na base militar ng
Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya
ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman
ng mga Amerikano siDiosdado Macapagal upang manalo sa halalan noong 1961.

1961 halalan ng pagkaPangulo[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong 1961, sa gitna ng isang bumagal na ekonomiya at mga alegasyon ng korupsiyon, si Garcia
ay natalo sa halalan ng pagkapangulo sa kanyang pangalawang pangulong siDiosdado Macapagal.
Pagkatapos ng pagkatalo, siya ay nagretiro na sa pultika ngunit noong 1971 ay hinikayat siya
ni Ferdinand Marcos na mamuno sa isang bagong kumbensiyong konstitusyonal na lilikha
ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973 ngunit namatay siya bago pa makuha ang posisyon.

Kamatayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Libingan ni Carlos P. Garcia saLibingan ng mga Bayani

Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang politiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa
kanyang diyalektong Boholano. Namatay siya sa atake sa puso noong 14 Hunyo 1971 sa edad na
75.

Diosdado Macapagal
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Diosdado Macapagal

Ika-9 na Pangulo ng Pilipinas


Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika
Panunungkulan

30 Disyembre 1961 Disymbre 30, 1965


Pangulo

Carlos P. Garcia

Pangalawang Pangulo

Emmanuel Pelaez

Sinundan si

Carlos P. Garcia

Sinundan ni

Ferdinand Marcos

Ika-6 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas


Ika-apat na Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika
Panunungkulan
30 Disyembre 1957 30 Disyembre 1961
Sinundan si

Wala[1]

Sinundan ni

Emmanuel Pelaez

Kapanganakan

28 Setyembre 1910
Lubao, Pampanga

Kamatayan

21 Abril 1997
Lungsod ng Makati

Partidong politikal
Asawa

Partidong Liberal
(1) Purita dela Rosa
(2) Evangelina Macaraeg

Hanapbuhay
Relihiyon

Manananggol
Katoliko

Si Diosdado Pangan Macapagal (28 Setyembre 1910 - 21 Abril 1997) ang ikasiyam na pangulo ng
Pilipinas (30 Disyembre 1961 - 30 Disyembre 1965) at ay ang ikasiyam na Pangulo ng Republika ng
Pilipinas (30 Disyembre 1961-30 Disyembre 1965). Ama siya ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging
pangulo rin.
Mga nilalaman
[itago]

1 Talambuhay

2 Sariling buhay

3 Edukasyon

4 Kamatayan

5 Mga kawing na panlabas

6 Mga sanggunian

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]


Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" dahil anak siya ng isang
mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong 28 Setyembre 1910
kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa isang tahanan at pumailalim sa
pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Doktor sa mga Batas mula sa
Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa politika. Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa,
embahador ng Pilipinas sa Cambo at siya ay presidente.

Sariling buhay[baguhin | baguhin ang batayan]


Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging pangalawang
asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal-Arroyo, ang dating Pangulo ng
Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo Macapagal , at Diosdado Macapagal, Jr.

Edukasyon[baguhin | baguhin ang batayan]


Nagtapos siya ng elementarya mula sa Mababang Paaralan ng Lubao at ng sekondarya mula sa
Mataas na Paaralan ng Pampanga. Nagtapos siya ng kolehiyo mula sama University of Sto.Tomas.
Nagkamit siya ng degri sa larangan ng Abogasya. Nagkamit din siya ng pagka-Doktor ng Batas na
Sibil at Doktor ng Ekonomiya.
Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal siya sa
Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural
(Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law).
Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at
Republika ng Pilipinas (US-RP Mutual Defense Treaty). Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo
noong 1957 at naging Pangulo noong 1961. Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang
Panlupang Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan.
Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa Programang Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol
ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi
(retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang Panglupa. Bilang dagdag, kabilang din sa
kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw
ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang pag-aangkin sa Sabah (opisyal na iniharap
noong 22 Hunyo 1962), at sa pagbubuo ng Maphilindo sa Kasunduang Maynila.
Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging pangulo
ng Senado si Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal katulad ni Macapagal. Subalit nagkaroon ng

hidwaan sina Marcos at Macapagal. Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang
kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965. Tinalo ni Marcos si
Macapagal sa halalang iyon. Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensiyong Konstitusyonal noong
1971.

Kamatayan[baguhin | baguhin ang batayan]


Namatay siya dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa Sentrong Pangkalusugan ng
Makati (Makati Medical Center) sa Lungsod ng Makati, noong 21 Abril 1997, sa edad na 86. Inilibing
siya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Maynila.

Ferdinand Marcos
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Ferdinand Marcos

Ika-10 Pangulo ng Pilipinas


Ika-anim na Pangulo ng Ikatlong Republika
Unang Pangulo ng Ika-apat na Republika
Panunungkulan
30 Disyembre 1965 25 Pebrero 1986
Punong Ministro
Pangalawang

Cesar Virata (19811986)


Fernando Lopez (19651973)

Pangulo

Arturo Tolentino (1986)

Sinundan si

Diosdado Macapagal

Sinundan ni

Corazon C. Aquino

Punong Ministro ng Pilipinas


Panunungkulan
12 Hunyo 1978 30 Hunyo 1981
Sinundan ni

Cesar Virata

Assemblyman
Panunungkulan
12 Hunyo 1978 30 Hunyo 1981

Kapanganakan

11 Setyembre 1917
Sarrat, Ilocos Norte,Pilipinas

Kamatayan

28 Setyembre 1989 (edad 72)


Honolulu, Hawaii,
Estados Unidos

Partidong politikal

Partido Liberal (19461965)


Partido Nacionalista(19651978)
Kilusang Bagong Lipunan(1978
1986)

Asawa
Mga anak

Imelda Romualdez
Imee Marcos
Ferdinand Marcos, Jr.
Irene Marcos

Hanapbuhay

Tagapagtanggol

Relihiyon

Aglipayan

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (11 Setyembre 1917 28 Setyembre 1989) ay ang ika10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 Disyembre 1965 25 Pebrero 1986. Siya ay isang
abogado at nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1949 hanggang
1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas
noong 1965 para sa apat na taong termino. Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang
paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health
center at mga eskwela. Kanyang napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at
noong 1969 ay muling nahalal bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman,
ang kasikatan ni Marcos bilang pangulo ay bumagsak sa kanyang ikalawang termino. Ang
pagbatikos kay Marcos sa kanyang ikalawang termino ay nagmula sa panlilinlang sa kanyang 1969
kampanya at talamak nakorupsiyon sa pamahalaan.[1] Nagkaroon din ng isang pangkalahatang
kawalang kasiyahan ng mga mamamayan dahil ang populasyon ay patuloy na mabilis na lumalago
kesa sa ekonomiya na nagsanhi ng mas mataas na kahirapan at karahasan. AngNPA ay nabuo
noong 1969 at ang MNLF ay nakipaglaban para sa pakikipaghiwalay sa Pilipinas ng Muslim
Mindanao. Sinamantala ni Marcos ang mga ito at ang ibang mga insidente gaya ng mga
pagpoprotesta ng mga manggagawa at mga estudyante at pambobomba sa mga iba't ibang lugar sa
bansa upang lumikha ng isang kapaligiran ng krisis at takot na kanyang kalaunang ginamit upang
pangatwiranan ang kanyang pagpapataw ng Batas Militar o Martial Law. Sa panahong ito, ang
popularidad ni Senador Benigno Aquino Jr. at ng oposisyong Partido Liberal ay mabilis na lumago.
Sinisi ni Marcos ang mga komunista para sa nakakahinalang pambobomba ng rally ng partido
Liberal sa Plaza Miranda noong 21 Agosto 1971. Ang isang isinagawang pagtatangkang pagpaslang
sa kalihim ng pagtatanggol ni Marcos na si Juan Ponce Enrile ang isang dahilang ibinigay ni Marcos
upang ipataw ang Martial Law ngunit ito ay kalaunang inamin ni Enrile na peke. Noong 23
Setyembre 1972 ay idineklara ni Ferdinand Marcos ang Batas Militar o Martial Law at binuwag
ang Kongreso ng Pilipinas na nag-aalis ng tungkulin sa mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng
Batas Militar, nagkaroon ng kapangyarihang lehislatibo o paggawa ng batas si Marcos. Noong 1973,
pinalitan ang Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 ng isang bagong Saligang Batas at si Marcos ay
nagmungkahi ng mga amiyenda sa bagong Saligang Batas na pinagtibay noong 1976 na nagbibigay
sa kanya ng kapangyarihan na magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihan sa ilalim ng
1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga kapangyarihang ipinagkaloob sa Pangulo at Punong
Ministro ng 1973 Saligang Batas gayundin ng mga kapangyarihang paggawa ng batas hanggang sa
iangat ang Batas Militar. Sa ilalim ng Batas Militar ipinabilanggo ni Marcos ang mga 30,000
politikong oposisyon, mga bumabatikos na mamamahayag at mga aktibista kabilang si
Senador Benigno "Ninoy" Aquino. Mula 1973, ginawang pag-aari ng pamahalaan ni Marcos ang
mga pribadong negosyo at naging pag-aari ni Marcos o ibinigay sa kanyang mga crony o kamaganak.[2] Itinatag ni Marcos ang kapitalismong crony at mga monopolyo sa mga mahahalagang

industriya gaya ng buko, tabako, saging, pagmamanupaktura, asukal at iba pa na nagbigay ng


malaking pakinabang sa kanyang mga crony. Si Marcos ay mabigat naumutang sa dayuhan na
umabot ng 28 bilyong dolyar noong mapatalsik si Marcos noong Pebrero 1986 mula kaunti sa 2
bilyong dolyar noong maluklok si Marcos bilang pangulo noong 1965. [3][4] Kanyang hinirang ang mga
opiser ng militar upang mangasiwa sa ilang mga korporasyon at inutos niyang kontrolin ng militar
ang lahat ng mga pampublikong utilidad at media. [2] Ang mga hukumang sibilyan ay inalisan ni
Marcos ng kapangyarihan at autonomiya.[2] Ang mga sahod ng mamamayan ay nangalahati at ang
pambansang sahod ng Pilipinas na hinahawakan lamang ng pinakamayamang 10 porsiyento ng
populasyon ng Pilipinas ay tumaas mula 27 % to 37%.[2] Ang kritiko ni Marcos na si Benigno Aquino,
Jr. ay natagpuang nagkasala ng hukumang militar ng pagpapabagsak ng pamahalaan ni Marcos
noong 1977 at hinatulan ng parusang kamatayan. Nagkaroon ng sakit sa puso si Aquino habang
nakabilanggo at pinili ni Aquino na tumungo sa Estados Unidos sa halip na gamutin ng mga doktor
na nag-atubiling masangkot sa kontrobersiya. Upang makamit ni Marcos ang pag-endorso
ng Papa na dumalaw noong Pebrero 1981 atSimbahang Katoliko sa kanyang rehime, inangat ni
Marcos ang Martial law noong 17 Enero 1981 bagaman ang lahat ng mga kautusan at atas na
inilabas noong Martial Law ay nanatiling may bisa. Ang isang bagong halalan ay idinaos noong 1981
kung saan nanalo si Marcos ng isa pang anim na taong termino bilang pangulo. Pagkatapos ng
tatlong taon, bumalik si Ninoy Aquino sa Pilipinas noong 21 Agosto 1983 kung saan siya pinaslang
sa ng paliparan na kalaunang tinawag na Ninoy Aquino Intenational Airport. Natagpuan ng
komisyong hinirang ni Marcos na ang sabawatang militar ang nasa likod ng pagpaslang kay Ninoy
ngunit mga nasangkot na kasapi ng militar kasama si Fabian Ver ay pinawalang sala sa isang
paglilitis ng pamahalaan ni Marcos. Ang kamatayan ni Aquino ang nagtulak sa kanyang balong
si Corazon Aquino na tumakbo sa 1986 snap election laban kay Marcos. Ang mga iniulat na
pandaraya ng kampo ni Marcos sa 1986 halalan at mga karahasan ay humantong sa pagbibitiw ng
kalihim ng pagtatanggol na si Juan Ponce Enrile at military vice-chief of staff Fidel Ramos. Ito ay
humantong sa Himagsikang People Powerna nilahukan ng mula isang milyon hanggang 3 milyong
katao noong 1986 dahil sa kawalan ng pagtitiwala ng mga mamamayan sa pamumuno ni Marcos.
Ito ay nagtulak kay Ferdinand Marcos at kanyang pamilya na lumikas sa Hawaii, Estados
Unidos kung saan siya namatay noong 1989. Sinasabing mula 5 bilyon hanggang 10 bilyong dolyar
ang nakamkam ni Marcos mula sa kabang yaman ng Pilipinas sa 20 taon niyang panunungkulan. [5]
[6]

Ang mga 4 bilyong dolyar lamang ang nagawang mabawi ng pamahalaan ng Pilipinas kabilang

ang $684 milyon na itinago ni Marcos sa mga Swiss bank account.[7]


Mga nilalaman
[itago]

1 Talambuhay
o

1.1 Bilang isang sundalo

1.2 Karera sa kongreso

1.2.1 Kinatawan

1.2.2 Senado
1.3 Personal

2 Bilang Pangulo ng Pilipinas


o

2.1 Unang termino (19651969)

2.2 Ikalawang termino (19691981)

2.2.1 Ang pagbomba sa Liwasang Miranda


3 Pagpataw ni Marcos ng Batas militar

3.1 Ang Saligang Batas ng 1973

3.2 Punong Ministro

3.3 Bagong Lipunan

3.4 Ikatlong termino (19811986)

3.4.1 Mga akusasyon ng korupsiyon at pagtatangkang impeachment kay Marcos


4 Pagpapatalsik sa kapangyarihan

4.1 Pagpaslang kay Ninoy Aquino

4.2 Snap Election

4.3 Himagsikang People power

4.4 Dalawang inaugurasyon ng pangulo

4.5 Paglisan ng pamilya Marcos mula Pilipinas tungo sa Hawaii

5 Kamatayan

6 Legasiya ng pamumuno ni Marcos

7 Ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Marcos (19651986)


o

7.1 Kapitalismong crony at pagtatag ng mga monopolyo

7.2 Kahirapan at hindi pantay na sahod

8 Mga paglilitis laban sa pamilya Marcos

9 Mga nabawing kayamanan ng pamilya Marcos


o

9.1 Mga inaangking pinagmulan ng kayamanan ni Marcos

10 Mga panlabas na kawing

11 Mga sanggunian

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]


Si Marcos ay isinilang noong 11 Setyembre 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte.Si Don Mariano R. Marcos
at Donya Josefa Edralin ang kaniyang magulang.Mayroong siyang tatlong kapatid, si Dr. Pacifico,
Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama ay naging kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si
Donya Josefa naman ay isang dating guro sa kanilang bayan. Limang taong gulang lamang siya
nang pumasok sa elementarya sa Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas siya kumuha
ng Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude noong Marso 1939. Siya ay iskolar sa buong panahon
ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kilala siya sa campus dahil sa
sinasabing kahusayan sa debate at pagtatalumpati at maging sa larangan ng palakasan tulad ng
swimming, boxing, at wrestling ay kinilala siya. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian, ang
opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Pilipinas. Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar
exams nang matalo ang kanyang ama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo
ditong si Julio Nalundasan ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang
napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya, nahatulan
pa rin siya ng labimpitong taong pagkabilanggo. Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher
sa bar exams at nang maging ganap na abogado ay hiniling niya sa Kataas-taasang Hukuman na
payagan siyang ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya at pinayagan siya ng Korte
Suprema at napawalang sala.

Bilang isang sundalo[baguhin | baguhin ang batayan]


Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, inaangkin ni Marcos na sumapi siya sa United
States Army Forces in the Far East bilang Intelligence Adviser Officer o Meydor ng Ika-21 Dibisyon
ng Hukbong Lakad. Inangkin ni Marcos na siya ay lumaban sa pagtatanggol ng Bataan laban sa
mga Hapones at naging isa sa mga biktima ngMartsa ng Kamatayan sa Bataan. Inangkin niyang
siya ay kinulong at pinalaya ng mga Hapones sa Capas ngunit siya ay muling dinakip, kinulong at
pinahirapan sa Kuta Santiago sa Intramuros, Maynila. Kanyang inangking siya ay nakatakas at
nagtatag ng kilusang gerilya sa Hilagang Luzon na tinatawag na "Maharlika". Kanya ring inangkin na
siya ay isa sa mga magagaling na pinuno ng mga gerilya sa Luzon at ang kanyang diumanoy
pinakahanga-hangang katapangawang-gawa ay sa Labanan ng Pasong Bessang at tumulong sa
pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikanong lumaban sa Hapon. Gayunpaman, sa paulit-ulit
na imbestigasyon ng United States Army, walang natagpuang basehan ang mga imbestigador sa
pag-aangkin ni Marcos ng kanyang inaangking kabayanihan sa mga operasyong militar laban sa
mga pwersang Hapones mula 1942 hanggang 1944.[8] Dalawang beses na humiling si Marcos sa
U.S. Army ng opisyal na pagkilala ng pag-iral ng kanyang kilusang gerilyang "Maharlika" upang
makatanggap ng mga benepisyo at nakaraang sahod ngunit sa pagitan ng 1945 at 1948, ang iba't
ibang opiser ng U.S. Army ay tumakwil sa mga paghiling na ito na tumatawag sa mga pag-aangkin
ni Marcos na "pandaraya" at "hangal". Ang mga imbestigador ng U.S. Army ay nagbigay konklusyon
na ang inaangkin ni Marcos na kilusang "Maharlika" ay isang pekeng kathang isip at "walang gayong
unit ang kailanman umiral" bilang isang organisasyong gerilya noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.[8] Ang mahusay na nadokumentong paglalantad ni Col. Bonifacio Gillego ng mga
pekeng medalya ni Marcos ay nagresulta sa pagpapasara ni Marcos ng pahayagang naglimbag nito
at pagkakabilango ng tagapaglimbag nito.[9][10]

Karera sa kongreso[baguhin | baguhin ang batayan]


Nang pagkalooban ng Estados Unidos ang Pilipinas ng kalayaan noong 4 Hulyo 1946,
ang Kongreso ng Pilipinas ay itinatag. Pagkaraan ng digmaan at pagtatag ng Republika ng Pilipinas
noong 1948, hinirang ni Pangulong Manuel Roxas si Marcos bilang special technical assistant. Sa
parehong taon ay tumakbo si Marcos sa kongreso at nahalal ng dalawang beses. Sa gitna ng
kanyang ikatlong termino bilang kinatawan, siya ay tumakbo sa Senado.
Kinatawan[baguhin | baguhin ang batayan]
Si Marcos ay tumakbo at dalawang beses na nahalal bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng
Ilocos Norte noong 1949 hanggang 1959 at nagsilbi bilang minority floor leader sa isang punto at
umasal na temporaryong Pangulo ng Partido Liberal noong 1957. Siya ay pinangalanang chairman
ng House Committee on Commerce and Industry and member of the Defense Committee na
pinamunuan ni Ramon Magsaysay. Sa ikatlong pagkakataon ay nahalal siyang kinatawan noong
1957.

Senado[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong 1959, si Marcos ay tumakbo sa Senado at nagkamit ng pinakamataas na bilang ng mga
boto. Siya ay isang kasapi ng Senado mula 1959 hanggang 1965 na nagsilbing pangulo ng Senado
mula 1959 hanggang 1965. Siya ang minority floor leader, 1960; ehekutibong bise-presidente, LP
19541961 at presidente ng partidong Liberal 19611964.

Personal[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Unang Pamilya


Mula sa kaliwa:Imee, Irene, Pangulong Marcos,ang Unang Ginang, at si Bongbong.

Sa pamamagitan ng kongresistang si Daniel Romualdez na pinsan ni Imelda ay nakilala ni


Ferdinand si Imelda na naging Miss Leyte. Si Imelda ay ginawaran ng pamagat na "Muse of Manila"
ng alkalde ng Maynila na si Arsenio Lacson pagkatapos ng pagprotesta ni Imelda sa kanyang
pagkatalo sa patimpalak na "Miss Manila". Ikinasal sina Ferdinand at Imelda sa Huwes noong 1
Mayo 1954. Nagkaroon sila ng tatlong anak: sina Imee, Bongbong at Irene. Si Marcos ay may isa
pang anak na babae na si Analisa Hegyesi sa modelong si Evelin Hegyesi.[11][12] Iniulat na si
Ferdinand Marcos ay nagkaroon ng lihim na relasyon sa artistang Amerikana na si Dovie Beams na
dumating sa Pilipinas noong 1968 upang gumanap sa isang pelikulang tungkol kay Marcos. Ito ay
iniulat na nagdulot ng isang eskandalo kay Marcos dahil sa tape na nirecord ni Beams ng kanyang
pakikipagsiping kay Marcos[13][14][15][16] na isinahimpapawid ng mga estudyanteng nagpoprotesta sa
estasyon ng radyo ng Unibersidad ng Pilipinas ng higit sa isang linggo. [17] [18]

Bilang Pangulo ng Pilipinas[baguhin | baguhin ang batayan]


Matagal na panahong naging kasapi si Marcos ng Partido Liberal . Hiningi niya ang nominasyon ng
partido bilang kandidato sa pagka-pangulo noong 1964, ngunit ang kasalukuyang pangulo na
si Diosdado Macapagal ang pinili ng partido. Tumiwalag si Marcos sa Partido Liberal at lumipat siya
sa Partido Nacionalista, kung saan nakuha niya ang kanilang nominasyon. Nanalo siya halalan
noong 19 Nobyembre 1965 na may 3,861,324 boto laban sa 3,187,752 boto ni Macapagal.

Unang termino (19651969)[baguhin | baguhin ang batayan]

30 Disyembre 1965- Panunumpa ni G. Ferdinand Edralin Marcos bilang ika-10 na Pangulo ng Republika ng
Pilipinas.

Noong 30 Disyembre 1965, nanumpa si Ferdinand Edralin Marcos bilang ika-6 na Pangulo ng
Republika ng Pilipinas.
Ang kanyang unang termino ay minarkahan ng papalaking industriyalisasyon at paglikha ng mga
imprastruktura sa buong bansa gaya ng North Luzon Expressway at the Maharlika Highway. Ito ay
ginawa ni Marcos sa pamamagitan ng paghirang ng isang gabinete na karamihang binubuo ng mga
teknokrata at pagpapalaki ng pagpopondo sa Hukbong Sandatahan at pagpapakilos sa mga ito sa
pagtulong sa konstruksiyon. Sinimulan ni Marcos ang pagpapatayo ng mga lansangan, tulay,
paaralan, at mga health center na sinasabing nagbigay ng mga benepisyong pork barrel para sa
kanyang mga kaibigan.[19]Ang produksiyon ng kanin ay nasa kasagsagan nito na humantong sa
pagiging sapat ng kanin sa bansa at nagawang makapagluwas ng kanin na nagkakahalagang 7
milyong dolyar. Ito ay nangyari dahil sa tulong ng mga pundasyongRockefeller at Ford Foundations
na dinala ni Marcos ang Rebolusyong Berde sa Pilipinas. Itinatag ng mga pundasyong Rockeller at
Ford ang International Rice Research Institute sa Los Baos, Laguna kung saan direktor ang
Amerikanong si Dr. Robert Chandler at pangunahing rice breeder ang Amerikanong si Dr. Henry
Beachell. Ang isang nalikhang uri ng kanin o bigas ni Dr. Beachell ang IR8 na tinawag na miracle
rice na gumawa sa Pilipinas at iba pang bansa na sapat sa kanin sa mga panahong ito. [20]
Sa kanyang unang termino ay nakatanggap si Marcos ng malaking tulong pang-ekonomiya at pangsalapi mula sa Estados Unidos.[19] Kanyang pinaikli ang kasunduan ng mga baseng militar ng
Estados Unidos sa Pilipinas mula 99 taon hanggang 25 taon. Noong Oktubre 1966, sa Pilipinas
idinaos ang isang summit ng mga pitong bansa upang talakayin ang papalalang problema sa
Vietnam. Hiniling ni Marcos sa Kongreso na magpadala ng mga sundalo sa Timog Vietnam. Nang
imungkahi ng pangulong Diosdado Macapagal noong 19641965 na magpadala ng mga sundalo sa
Vietnam, si Marcos ang nanguna sa pagsalungat sa planong pagpapadala ng mga sundalo sa
Vietnam sa parehong mga kadahilanang legal at moral. Sa kabila ng mga pagsalungat laban sa
plano ni Marcos, nagawa niyang makamit ang pagpayag ng Kongreso at ang pamahalaan ay

nagpadala ng higit sa 10,000 mga sundalong Pilipino sa Vietnam sa ilalim ng PHILCAG (Philippine
Civic Action Group). Kanyang nilagdaan ang Investment Incentives Act of 1967 at responsable sa
pagsasabatas ng Decentralization Act na nagbibigay kapangyarihan sa mga pinuno ng mga lokal na
pamahalaan na humirang ng mga pinuno ng opisyal na binayaran ng mga pondong lokal. Sa
panahong ito na nabuo ang organisasyong pangrehiyon na ASEAN na lalaban sa bantang
komunista sa rehiyon.

Ikalawang termino (19691981)[baguhin | baguhin ang batayan]

30 Disyembre 1969 - Pasinaya sa Pangalawang termino ni Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Noong 1969, si Marcos ay muling naihalal bilang Pangulo ng Pilipinas para sa isa pang apat na
taong termino laban sa 11 mga kandidato. Ang halalang ito ay nabahiran ng malaking karahasan,
pagbili ng boto at pandaraya sa panig ni Marcos[21][22]at ginamit ni Marcos ang 50 milyong dolyar ng
kabang yaman ng Pilipinas upang pondohan ang kanyang kampanya. [23] Ang ikalawang termino ni
Marcos ay minarkhan ng kaguluhan sa ekonomiya na dulot ng mga parehong panloob at panlabas
na mga paktor. Noong 1969, ang Pilipinas ay nakaranas ng isang mas mataas na rate
ng implasyon at debaluwasyon ng piso. Sa karagdagan, ang pagbabawas ng mga bansang Arabo
ng produksiyon ng langis bilang tugon sa tulong sa Israel ng mga hukbong Kanluranin sa alitang
Arabo-Israel ay nagresulta sa mataas na mga presyo ng langis sa buong mundo. Sa panahong ito
nang ang mga imprastruktura ng Pilipinas gayundin ang mga pananim at mga sakahang hayop ay
nasalanta ng mga kadalasang natural na kalamidad at sinamahan ng mga panloob at panlabas na
pwersang ekonomiko na humantong sa walang kontrol na pagtaas ng mga presyo sa mga
pangunahing komoditad.
Noong 1969, ang New People's Army ay nagsagawa ng mga pananalakay, bumaling sa mga
pagdukot at lumahok sa iba't ibang mga insidenteng marahas na pumaslang sa 404 katao. Ang
karahasan sa pamayanan sa Mindanao ay humantong sa 100,000 refugee, pagsunog ng mga
bahay at kamatayan sa mga daan daang Kristiyano at Muslim sa Cotabato at Lanao. Ang karahasan
ay nakapagbigay pansin sa atensiyong internasyonal at simpatiya mula sa Organization of Islamic
Conference (OIC) gayundin ang ibang mga bansang Mulsim tulad ng Libya na nagbigay ng
pagsasanay militar at lohistika sa mga rebeldeng Moro. Ang sesesyonismong Muslim ang isa sa

mga dahilan sa pagdedeklara ni Marcos ng martial law. Noong 3 Marso 1970 nag-aklas ang mga
nagmamaneho ng pampublikong jeep ng Maynila at mga karatig-pook. Ang dahilan ay upang
tuligsain ang pangingikil ng mga pulis at upang hilinging pagtibayin ng lupon ng Palingkurang-Bayan
ang pagtataas ng 5 sentimo sa pamasahe ng jeep. Noong Marso 2324, 1970, ang mga estudyante
at mga pasahero ay nagdaos ng isang demonstrasyon na tumututol sa pagkataas ng bayad sa jeep
at bus.
Ang mga estudyante ay nagkaroon ng sunod sunod na demonstrasyon na sa simula ay bilang
protesta laban sa pagtaas ng matrikula at ibang bayarin sa paaralan ngunit hindi naglaon ay
humihiling ng mga reporma sa pamahalaan. Noong 26 Enero 1970, sa araw ng pagbubukas ng
regular na sesyon sa Kongreso, ang Pambansang Pagkakaisa ng mga Mag-aaral na
pinamumunuan ni Edgar Jopson ay nagdaos ng malaking demonstrasyon sa labas ng Kongreso
upang ipahayag ang kanilang petisyon para sa pagdaraos ng isang Kumbensiyong
Konstitusyonal ng taong 1971 na humantong sa mga kaguluhan sa pagitan ng kapulisan at mga
estudyante. Noong 30 Enero 1971 sa tinaguriang "Labanan sa Mendiola" o "First Quarter Storm" o
Sigaw ng Unang Sikapat ay nagdaos ng panibagong demonstrasyon ang mga aktibistang
estudyante kung saan nasawi ang apat na demonstrador at maraming nasugatan. Ang mga
estudyante ay nagtungo sa Malacanang pagkatapos magtungo sa Kongreso at pinagpilitang
makapasok sa loob ng Malacanang. Naghagis sila ng mga pillbox at mga sariling-gawang bomba
(Molotov) sa bakuran ng Palasyo. Ito ay humantong sa isang labanan sa pagitan ng mga aktibistang
estudyante at bantay ng seguridad ng Malacanag na tumagal hanggang makalipas ng hatinggabi.
Nang sumunod na araw, ipinahayag ni Marcos sa radyo at telebisyon na ang mga pangayayari sa
Mendiola ay isang panghihimagsik na may layuning pabagsakin ang kanyang pamahalaan.
Ang pagbomba sa Liwasang Miranda[baguhin | baguhin ang batayan]
Nagdaos ang oposisyong Partido Liberal ng rally ng pangangampanya sa Plaza Miranda sa Quiapo,
Maynila noong 21 Agosto 1971 na dinaluhan ng mga 4,000 katao upang ipakilala ang mga
kandidato ng Partido Liberal para sa Senado at mga kandidato para sa Maynila mula PunongLungsod hanggang sa mga konsehal. Nang mag-iika-9:00 ng gabi, ang dalawang granada ay
inihagis sa entablado at magkasunod na sumabog. Malubhang nasugatan sina Jovito
Salonga, Sergio Osmea, Jr., John Henry Osmea, Senador Gerardo Roxas, Kinatawan Ramon
Mitra, Ramon Bagatsing, Senador Eva Estrada Kalaw, Kinatawan Eddie Ilarde, Martin Isidro at iba
pa. Siyam na katao ang nasawi kabilang ang potograpo ng pahayagang Manila Times na si Ben
Roxas at 95 na katao ang nasugatan. Sa simula, ang Pangulong Marcos ang itinuturong siyang may
pakana nito ngunit makalipas ang ilang taon ay idiniin ni Major General Victor Corpus si Jose Maria
Sison at sa pinamumunuan niyang kilusan na Partido Komunista ng Pilipinas bilang may utak nito
ngunit ito ay itinatanggi ni Sison. Sinisi rin ni Marcos ang mga komunista sa balak na pagpapahina
ng kanyang pamahalaan at ilang oras pagkaraan ng pagpapasabog ay ipinalabas ng Pangulong
Marcos ang Proklamasyon Bilang 889 na sumususpindi sa pribelihiyo ng writ of habeas corpus.

Noong 7 Enero 1972 ganap na binawi ni Pangulong Marcos ang kautusang nagsususpindi sa
pribelehiyo ng writ of habeas corpus.[24]

Pagpataw ni Marcos ng Batas militar[baguhin | baguhin ang batayan]


Hindi naglaon pagkaraang bawiin ni Marcos ang pagsususpinde ng habeas corpus, ang kapayapaan
sa bansa ay lumubha ng lumubha. Nagkaroon ng mga pagpapasabog sa mga iba't ibang lugar sa
bansa kabilang sa Greater Manila Terminal Food Market, Malacaang Palace, Joe's Department
Store sa may Kalye Carriedo sa Quiapo, MWSS pipelines sa San Juan, Cabugao sa Ilocos Sur, mga
gusaling Manila City Hall, Quezon City Hall, at Court of Industrial Relations, embahada ng Estados
Unidos, at iba pa. Ang mga pambobomba ay sinisi ng administrasyon ni Marcos sa mga
komunistang grupo.

21 Setyembre 1972- Ipinahahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar sa isang pagbabalita sa
himpapawid.

Dahil sa lumalalang suliranin sa kapayapaan at kaayusan sa bansa, isinailalim ni Pangulong Marcos


ang buong bansa sa Batas Militar (Martial Law) sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1081 noong 22
Setyembre 1972 na kanyang nilagdaan noong 21 Setyembre 1972. Kalaunang inamin ni Marcos na
nilagdaan na niya ang Proklamasyon Bilang 1081 noong 17 Setyembre 1972. Nagpalabas din ang
Pangulo ng mga kautusan at atas upang maisakatuparan at magawa ang layunin ng Batas Militar.
Kabilang sa mga kautusan ni Marcos ay: "kanyang pangangasiwaan ang buong pamahalaan ng
Pilipinas kabilang ang mga ahensiya at mga instrumentalidad at sasanayin ang lahat ng mga
kapangyarihan sa kanyang opisina kabilang ang kanyang papel bilang Commander-in-Chief
ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas." Tinuligsa ng mga kritiko ang mga dahilang inilahad ni Marcos
na nagbibigay-katwiran sa pagpataw ng Batas Militar. Kanilang inakusahan si Marcos ng mismong
paglikha ng mga kaguluhan upang magkaroon ng dahilan sa pagpataw Batas Militar at mapanatili
ang sarili sa kapangyarihan. Ang isang dahilang ibinigay ni Marcos sa pagpataw ng Martial Law ang
sinasabing pananambang sa Kalihim ng Pagtatanggol ni Marcos na si Juan Ponce Enrile na
inangking pinaulanan ng mga bala sa kanyang sasakyan ngunit milagrosong hindi nasugatan.
Kalaunang inamin ni Enrile noong Himagsikang People Power na ito ay peke na isinagawa ng

kanyang mga tauhan.[25]Inamin rin ng isang kasapi ng Klaseng '40 ng PMA na ang kanyang malapit
na kamag-anak na isa sa mga diputado ni Heneral Fabian Ver sa Presidential Security Unit ay nagorganisa sa ilang mga pambobomba sa bansa upang hikayatin ang mga tao na may krisis ng
kaguluhan at ang demokrasya ay hindi gumagana. [25] Ang opiser na ito ay itinaas ni Marcos bilang
Heneral mga ilang araw bago ang pagdedeklara ng Batas Militar.[25]
Sa bisa ng General Order No. 1, inutos ni Marcos ang pagdakip at pagpapabilanggo sa mga
sumusunod na politiko at mamamahayag na bumabatikos kay Marcos: ito ay kinabibilangan nina
kinatawan Roque Ablan, Jr. at Rafael Aquino, mga Senador na sina Benigno Aquino, Jr., Jose W.
Diokno at Ramon Mitra, Jr., mga Gobernador na sina Rolando Puzon at Lino Bocalan, dating
Senador Francisco Rodrigo, mga delagado sa Kumbensiyon Konstitusyonal na sina Napoleon
Rama, Enrique Voltaire Garcia, II, Teofisto Guingona, Jr., Bren Guiao, Alejandro Lichauco, Jose
Nolledo, Jose Concepcion, Jr., at Jose Mari Velez, mga mamamahayag na sina Joaquin "Chino"
Roces, Maximo Soliven, Teodoro Locsin, Sr., Amando Doronilla, Renato Constantino, at Luis
Mauricio. Pinatalsik rin ni Marcos ang ilang mga kawani ng tanggapan ng pamahalaan sa bisa ng
Presidential Decree No. 1 o ang "Integrated Reorganization Plan". Tanging ang pahayagang Daily
Express at mga estasyon ng pamahalaan ang pinahintulutang magpatuloy ng kanilang operasyong
pamamahayag. Kalauna'y pinahintulutan ding magbukas ang pahayagang Manila Bulletin Today (na
pag-aari ng Hans Menzi na malapit kay Marcos), mga estasyon ng Radio Philippine Network at
Intercontinental Broadcasting Corporation na pag-aari ng crony ni Marcos na si Roberto Benedicto,
at ang estasyon ng Republic Broadcasting System na kilala sa tawag na GMA Networks, na ang isa
sa mga nagmamay-ari ay si Gilberto Duavit na malapit sa Pangulong Marcos. Binuwag rin ni Marcos
angKongreso ng Pilipinas at naalisan ng tungkulin ang mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng
Batas Militar, nagkaroon si Marcos bilang Pangulo ng bansa ng kapangyarihanglehislatibo o
paggawa ng batas. Gumawa siya ng mga Kautusang Pampanguluhan (Presidential Decree),
Kautusang Pangkalahatan (General Order) at Liham Pagpapatupad (Letter of Instruction). Ang mga
ito ang mangangasiwa sa Pamahalaan at lahat ng mga sibilyang kapangyarihan. Ang Kautusang
Pampanguluhan ay may bisa at lakas tulad ng mga batas na ipinapalabas ng dating Kongreso.
Bukod tangi ang pagpapairal ng Batas Militar sa Pilipinas. Hindi tulad ng ibang mga bansa na
nagpapairal ng Batas Militar. Hindi ang hukbo ang nangangasiwa sa pamahalaan kundi ang mga
pinunong sibilyan rin.

Ang Saligang Batas ng 1973[baguhin | baguhin ang batayan]


Pangunahing lathalain: Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973
Iminungkahi ang pagpapalit ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 sa kadahilanang binuo ito
habang ang Pilipinas ay kolonya pa ng Estados Unidos at kaya ay gawa ng impluwensiyang
Amerikano at hindi na napapanahon ang mga tadhana nito sa paglutas ng mga suliranin at
pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. Pinagtibay ng Kongreso noong 24 Agosto
1970 ang Batas Republika Bilang 6132 na nanawagan para sa isang Kumbensiyong Konstitusyonal

sa taong 1971 at ginanap noong 10 Nobyembre 1970 ang halalan ng 320 delegado sa
Kumbensiyong Konstitusyonal. Ang Kumbensiyong Konstitusyonal ay nagtipun-tipon noong unang
araw ng Hunyo 1971 ngunit bago matapos ang Kumbensiyon ay idineklara ni Marcos ang Batas
Militar noong Setyembre 1972 at ipinabilanggo ang ilang mga delegadong laban kay Marcos. Noong
19 Mayo 1972, binunyag ng delegadong si Eduardo Quintero (na dating embahador ng Pilipinas sa
United Nations mula sa Leyte) ang panunuhol ng 11,150 ng isang pangkat upang impluwensiyahan
ang kanyang pagboto sa panukala sa Kumbensiyon ng nagbabawal sa muling pagtakbo sa halalan
ng Pangulo at nagbabawal sa asawa ng pangulo na tumakbo bilang pangulo. Tinukoy ni Quintero na
ang pangkat na nanuhol ay kinabibilangan ng 12 delegado mula sa Samar-Leyte kasama
nina Imelda Marcos at Paz Mate na asawa ni Rep. Artemio Mate ng Leyte.
Ang balangkas ng mungkahing bagong Saligang Batas ay pinagtibay noong 29 Nobyembre 1972.
Kabilang sa mga tadhana ng binuong Saligang Batas ang pagpapalit ng sistema ng pamahalaan
mula sa pampanguluhan (presidential) patungo sa parlamentaryan kung saan ang Pangulo ang
siyang kakatawan sa pamumuno ng estado, angPunong Ministro ng Pilipinas na inihalal ng
Pambansang Asembleya ang gaganap ng kapangyarihang pampamahalaan kasama ng kanyang
Gabinete, at ang isang Pambansang Asembleya na binubuo ng isang kapulungan (unicameral) ang
may kapangyarihan sa paggawa ng batas.
Nagpalabas si Marcos ng Kautusuan pamapanguluhan 73 noong 30 Nobyembre 1972 na
nagtatakda ng plebisito na idadaos sa 15 Enero 1973 upang pagbotohan ang iminungkahing
Saligang Batas. Nagpalabas si Marcos ng isang kautusang pampanguluhan 86 na lumilikha sa
bawat baryo ng mga munisipyo o bayan at sa bawat distrito sa mga lungsod ng mga Asembleya ng
mga mamamayan o Citizen Assemblies upang palakihin ang saligan ng paglahok ng mga
mamamayan sa isang pamamaraang demokratiko. Noong Enero 1015, 1973, pinagtibay ng mga
Asembleya ang Saligang Batas. Nagkabisa ang bagong saligang Batas noong 17 Enero 1973 sa
pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 1102 ni Marcos na may botong pabor na 14,976,561 at
botong pagtutol na 743,869. Ang balidad ng pagpapatibay ng 1973 Saligang Batas ay tinutulan sa
ilang mga kasong isinampa sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Kabilang sa mga puntong
itinaas laban sa balidad ng pagpapatibay nito ang: ang pagboto ay sa pamamagitan ng bibig
samantalang ang artikulo 15 ng Saligang Batas ay nag-aatas ng pagboto, ang mga bilang ng
pagboto na binanggit sa proklamasyon 1102 ay nilikha nina Benjamin Romualdez samantalang ang
mga komisyoner ng COMELEC na tumangging lumahok sa proseso ng pandaraya ay pinaalis, at
walang malayang ekspresyon ang mga tao dahil sa klima ng takot na nalikha ng Batas Militar. Ang
petisyong kumukwestiyon sa balidad nito ay ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman sa botong 6-4.
[26]

Ayon sa mga probisyong paglipat ng Saligang Batas, dapat tipunin agad ni Marcos ang Interim
Pambansang Asemblea sa pagpapatibay ng 1973 Saligang Batas at ang Asembleang ito ay dapat
namang humirang ng interim Pangulo at interim Punong Ministro. Gayunpaman, ito ay hindi ginawa

ni Marcos at sinuspinde ni Marcos ang pagpapatupad ng 1973 Saligang Batas sa kadahilanang may
panahon ng emerhensiya at kinailangan niyang ipagpatuloy ang Batas Militar.[26] Sa halip, si Marcos
ay nagmungkahi ng mga amiyenda sa isang reperendum noong 16 Oktubre 1976 na pinagtibay
noong 1976 na kinabibilangan ng mga tadhanang: paghalili ng Interim Batasang Pambansa sa
Interim Pambansang Asemblea, na ang kasalukuyang Pangulo ay magpapatuloy na magsanay ng
mga kapangyarihan sa ilalim ng 1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga kapangyarihang
ipinagkaloob sa Pangulo ng Pilipinas at Punong Ministro ng Pilipinas ng 1973 Saligang Batas, at ang
Pangulo ay magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihang paggawa ng batas hanggang sa
iangat ang Batas Militar.

Punong Ministro[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong 7 Abril 1978, idinaos ang unang halalan para sa Batasang Pambansa kung saan nakuha ng
partido ni Marcos ang 152 ng 165 upuan nito na gumawa kay Ferdinand Marcos na Punong Ministro
ng Pilipinas mula 1978 hanggang 1981. Inakusahan ng oposisyon si Marcos ng pandaraya sa
pagbilang ng mga balota.[27]

Bagong Lipunan[baguhin | baguhin ang batayan]


Mga ilang buwan bago ipahayag ang Batas Militar, tinunton ng Pangulo ang sakit ng bayan sa
pagkakaroon ng isang "lipunang may karamdaman." Ang bagay na ito'y kanyang ibinibintang sa mga
pangkating makapangyarihan na kanyang tinaguriang oligarkiya (kapangyarihan sa pamahalaang
nasa kamay ng iilang tao) at mga maka-Maoistang Komunistang naghahangad ba ibagsak ang
pamahalaan sa pamamagitan ng subersiyon at paggamit ng karahasan. Upang mabago ang di
umano'y mga di kanais-nais na naging dahilan ng mga paghihirap, paghihikaos at kriminalidad sa
bansa, isinulong ni Marcos ang pagtatag ng isang bagong uri ng pamumuhay na kapaki-pakinabang
hindi lamang sa mga taumbayan kundi sa bansa at sa buong mundo. Ito ang simula ng Bagong
Lipunan - isang lipunan na binubuo ng mga bagong Pilipino. Sa pagpapatupad ng Bagong Lipunan,
kinumpiska ni Marcos ang mga negosyo ng "oligarkiyang Tsino at Espanyol" ngunit ang mga ito ay
napunta naman sa mga kasapi ng pamilya Marcos at mga malapit na kaibigan na gumamit ritong
mga pronta upang pagtataguan ng mga nakuha nila sa korupsiyon. Itinatag ni Marcos ang
"kapitalismong crony" kung saan malaking nakinabang ang kanyang mga crony ni Marcos na naging
bagong oligarkiya.[28][29] Sa ilalim ng Martial Law, ginawang pambansa o pag-aari ng pamahalaan ni
Marcos ang mga pribadong malalaking korporasyon gaya ng PLDT, PAL (Philippine Airlines),
Meralco, Fortune Tobacco, San Miguel Corporation at iba pa na naging mga pag-aari ng mga
pamilyang Marcos at Romualdez.[30] Sinasabing ang PAL o Philippine Airlines ay ginawang
pribadong sasakyan para kay Imelda Marcos at mga kaibigan niya para sa kanilang mga
pagshoshopping sa New York at Europa.[31] Ang mga monopolyo sa mga mahahalagang industriya
ay itinatag ni Marcos gaya ng buko, tabako, saging, pagmamanupaktura, asukal at iba pa. Ang mga
magsasaka ng asukal at buko ay napilitan lamang magbenta ng kanilang mga produkto sa mga
monopolyong itinatag ni Marcos sa mas mababang presyo kesa sa presyong pandaigdigan. Sa

pagitan ng 1972 at 1976, pinalaki ni Marcos ang sukat ng militar mula 65,000 hanggang 270,000
katao. Ang mga opiser ng militar ay inilagay niya sa lupon ng mga korporasyon at inutos niyang
kontrolin ng militar ang lahat ng mga pampublikong utilidad at media.[2] Napapaloob ang mga
programa ng reporma ng pamahalaan sa salitang "PLEDGES" na ang ibig sabihin ay: P-eace and
Order (Kapayapaan at Kaayusan); Land Reform (Reporma sa Lupa);Economic Development
(Kaunlaran sa Kabuhayan);D development of moral values Government Reforms (Mga Pagbabago
sa Pamahalaan); Educational Reforms (Mga Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon); Social
Services (Serbisyong Panlipunan). Noong Oktubre, 1972, isang buwan makaraan ipahayag ang
Batas Militar, nagpalabas ng Kautusang Pampanguluhan Bilang 27 (Presidential Decree No. 27) si
Marcos kung saan ang mga magsasaka, sa halip na kasam lamang sila ng may-ari ng bukid, ay
magmamay-ari na ng bahagi ng bukid. Kung wala pa silang salaping ibabayad, tutulungan sila ng
Land Bank of the Philippines na magbabayad ng kaukulang halaga sa may-ari ng lupa at sa bangko
naman magbabayad ang mga magsasaka. Ang isa pang paraan upang mabigyan ng lupa ang mga
magsasakang walang sariling lupain ang pagpapadala sa kanila sa mga pook gaya ng Nueva
Vizcaya, Southern Leyte, Lanao del Sur, Davao del Sur, at Sultan Kudarat na kanilang sasakahin at
ang bawat magsasaka ay bibigyan doon ng anim na ektaryang lupa. Pahihiramin sila ng salapi para
sa kanilang sinasakang bukid na babayaran sa loob ng tatlong taon. Nang mapatalsik si Marcos
noong Pebrero 1986, ang 50,000 hanggang 70,000 hektarya lamang ng lupain ang naipamahagi sa
mga maliliit na magsasaka mula sa 10.3 milyong hektarya ng pribadong lupain at mula sa 17
milyong hektarya ng lupaing pampubliko.[32]
Kabilang sa mga palatuntunang ipinatupad ng administrasyon ni Marcos ang Masagana 99 na
naglalayong maging masagana ang ani ng mga magsasaka ng kanin at makaani ng 99 na kabang
palay o higit pa sa bawat ektaryang taniman. Upang matamo ito, pinatupad ang paggamit ng mga uri
ng bigas o kanin na may mataas na ani na nilikha ngInternational Rice Research Institute. Ang mga
magsasaka ay tutulungan na umutang ng salapi sa bangko na pambili ng mga binhi gayundin ng
mga kailangang pataba at pesticide upang mapataas ang ani nito. Ang Masagana 99 ay gumawa sa
Pilipinas na sapat sa kanin sa mga simulang taon ng pagpapatupad nito ngunit nabigong palakihin
ang real na sahod ng pagsasaka dahil ang pagtaas ng kabuuang suplay ay nagpasidhi sa pagpiga
ng gastos-presyo na nag-alis ng mga nilayong tubo sa pagsasaka ng kanin. [33]; ang Masaganang
Maisan na nauukol sa pagtatanim ng puting mais, dilaw na mais, batad at balatong sa 43 lalawigan;
ang Gulayan sa Kalusugan na naglalayong paramihin ang mga tanim na gulay; Biyayang
Dagat o Blue Revolution na naglalayong ang mga mangingisda ay makauutang ng pera at upang
mapabuti ang kanilang hanapbuhay at upang mabayaran naman ng mangingisda ang kanilang
inutang, ang pamahalaan ni Marcos ay nagsagawa ng hakbang upang maging higit na malaganap
ang mapagdadalhan ng mga nahuli ng mga mangingisdang ito. Kasama rin sa programa ng
Biyayang Dagat ang pananaliksik at pinalawak na paglilingkod, pagbibinhi at pagpapaunlad ng
palaisdaan, pagsasalata at paglalagay ng mga tinggalan ng huling isda at pagpapalawak ng
pamilihan. Kabilang rin sa mga palatuntunan ng pamahalaan ang pagdaragdag ng produksiyon ng

mga pananim na nailuluwas at naipagbibili sa loob ng bansa. Pinarami rin ang produksiyon ng mga
sumusunod na pang-komersiyong produktong ramie, goma, abaka at bulak. Isa sa pinakamalaking
pinanggagalingan ng kuwartang pumapasok noon sa bansa ang pagmimina ng tanso, ginto, nickel,
carbon at iba pa at unti-unti ring umunlad ang industriyang pang-elektroniks sa Pilipinas. Ang mga
bagay na yari sa kamay ay siyang bumubuo ng malaking bahagi ng mga produkto ng Cottage
Industries na kinabibilangan ng mga produktong mga bag at maletang balat, patis, ceramics,
burdadong mga damit, sumbrerong buntal, muwebles na nara, mga kaldero, mga lamparang yari sa
tela at kapis, gitara, banig, telang hablon, at mga produktong yari sa tanso na galing-Marawi. Noong
mga maagang 1980, ipinakilala ni Marcos ang golden kuhol sa Pilipinas upang dagdagan ang
protina ng populasyon ngunit kalaunang naging mga peste para sa magsasaka sa mga taniman ng
kanin.[34]

Ikatlong termino (19811986)[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong 16 Hunyo 1981 anim na buwan pagkatapos na alisin ang martial law, ang unang halalan sa
pagkapangulo ay idinaos para sa isang anim na taong termino. Gaya ng inaasahan, si Marcos ay
tumakbo at nanalo sa isang malaking pagkapanalo laban sa iba pang mga kandiato. Ang mga
pangunahing partidong oposisyon na United Nationalists Democratic Organizations (UNIDO) na
isang koalisyon ng mga partido at LABAN ay bumoykot sa halalang ito bilang tanda ng
pagpoprotesta sa mga halalan noong 1978 para sa isang interim na Batasang Pambansa na
kanilang kinondena bilang pandaraya. Sa ikatlong termino ni Marcos, ang kanyang kalusugan ay
mabilis na bumagsak sanhi ng mga karamdaman sa bato na kadalasang inilalarawan bilang lupus
erythematosus. Ang rehimeng Marcos ay sensitibo sa publisidad ng kanyang kondisyon. Ang isang
doktor ngMalacanang na si Potenciano Baccay na nagsaad na sa mga panahong ito ay sumailalim
si Marcos sa isang transplant ng bato ay kalaunang dinukot at natagpuang pinatay.[35]Maraming mga
tao ang nagtatanong kung may kakayahan pa siyang mamuno dahil sa kanyang malalang sakit at
papalaking kaguluhan sa politika.[36]
Mga akusasyon ng korupsiyon at pagtatangkang impeachment kay
Marcos[baguhin | baguhin ang batayan]
Si Ferdinand Marcos at ang kanyang asawang si Imelda Marcos at mga crony ay inakusahan ng
korupsiyon at pagnanakaw ng mga bilyong bilyong dolyar mula sa kabang yaman ng Pilipinas.
[37]

Kabilang sa inilalarawang maluhong pamumuhay ni Imelda ay kinabibilangan ng limang milyong

dolyar na mga pagshoshopping sa New York, Rome at Copenhagen noong 1983 at pagpapadala ng
isang eroplano upang pulutin ang mga puting buhangin ng Australia para sa isang bagong beach
resort. Bumili siya ng ilang mga ari-arian sa Manhattan noong mga 1980 kabilang ang $51-million
Crown Building, ang Woolworth Building (40 Wall Street) at ang $60-milyong Herald Centre.[38][39] Ang
kanyang New York real estate ay kalaunang binawi ng pamahalaan at ipinagbili kasama ng
karamihan ng kanyang mga alahas at karamihan ng kanyang 175 pirasong koleksiyon ng sining na
kinabibilangan ng mga sining nina Michelangelo, Botticelli, at Canaletto. Kanyang sinagot ang mga

pagbatikos ng kanyang maluhong pamumuhay sa pag-aangking kanyang "katungkulan" na maging


"isang uri ng liwanag, isang bituwin na magbigay [sa mahihirap] ng mga gabay." [6][40][41][42][43][44]
Noong 13 Agosto 1985, ang 56 Assemblymen ay lumagda ng isang resolusyon na tumatawag
sa impeachment ni Marcos para sa inaakusang paglilihis nito ng tulong na pang-salapi ng Estados
Unidos sa Pilipinas para sa pansariling gamit.[45] Kanilang binanggit ang paglalantad noong Hulyo
1985 ng San Jose Mercury News ng multimilyong dolyar na mga pamumuhunan at pag-aari ng
pamilya Marcos sa Estados Unidos. Kabilang sa mga ari-ariang sinasabing nalikom ng pamilyang
Marcos ang Crown Building, Lindenmere Estate, at isang bilang mga matitirhang mga aparment sa
New Jersey at New York, isang shopping center sa New York, mga mansion sa London, Rome at
Honolulu, ang Helen Knudsen Estate sa Hawaii at tatlong mga condominium sa San Francisco,
California.[46]
Kabilang sa mga kaso ng korupsiyon na inakusa kay Ferdinand Marcos ang: pagnanakaw o paglihis
nito ng 800,000 troy ounces ng ginto mula sa mga reserba ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa
sariling paggamit,[47] pagtanggap ng mga kickback ng higit 53 milyong US dolyar sa mga kontrata
mula sa mga 7 kompanyang Hapones,[47]pagkomberte ng 27 milyong dolyar mula sa PNB para sa
sariling paggamit, at pagbili ng higit sa 52 milyong pisong halaga ng mga bagay sa mga Duty Free
Shop sa Pilipinas upang makaiwas sa pagbabayad ng buwis. [47] Ninakawan rin ni Marcos ang mga
pondong tulong pananalapi ng Estados Unidos at mga kabayarang reparasyon para sa digmaan ng
mga Hapones.[47]
Si Marcos ay inakusahan ng pagtanggap ng mga kickback mula sa kontrata ng Bataan nuclear
power plant.[2] Ang crony ni Marcos na si Herminio Disini ay kinasuhan ngSandiganbayan noong
2004 dahil sa umano'y pagkuha ng mga suhol na 18 milyong dolyar kapalit ng paggamit ng kanyang
impluwensiya upang ibigay ang kontrata ng pagtatayo ng Bataan nuclear power plant para sa mga
kompanyang Amerikano na Burns and Roe at Westinghouse Electrical Corp. [2][48]
Sina Marcos, Danding Cojuangco, Juan Ponce Enrile at Lobregat ay nagsabwatan upang buwisan
ang mga magsasaka ng buko sa tinatawag na Coco Levy Fund Scam. Ang nalikom na buwis na
nagkakahalagang P9.7 bilyong piso ay ginamit para sa pansariling kapakinabangan.

Pagpapatalsik sa kapangyarihan[baguhin | baguhin ang batayan]


Pagpaslang kay Ninoy Aquino[baguhin | baguhin ang batayan]

Pagpatay kay Ninoy Aquino

Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino noong 1983 ang kalaunang naging katalista na humantong sa
pagpapatalsik kay Marcos. Ang partidong oposisyon ay sumisi kay Marcos ngunit ang iba ay sumisi
sa militar at kay Imelda. Noong 21 Agosto 1983 pagkatapos ng isang tatlong taong pagkakatapon
sa Estados Unidos, si Ninoy ay pinaslang habang bumababa sa isang
pangkalakalan (commercial)na paglipad sa Manila International Airport na kalaunang
pinangalanang Ninoy Aquino International Airport bilang pagpaparangal kay Ninoy.[49] Ang kanyang
asasinasyon ay nagpagulat at nagpagalit sa maraming mga Pilipino na nawalan ng pagtitiwala sa
administrasyon ni Marcos. Ang pangyayaring ito ay karagdagan pang humantong sa mga
pagsusupetsa sa pamahalaan na nagtulak sa hindi pakikipagtulungan ng mga Pilipino na kalaunang
humantong sa isang buong sibil na hindi pagsunod.[50] Ito ay nagpauga sa pamahalaan ni Marcos na
lumalala na sa panahong ito dahil sa papalalang kalusugan ni Marcos. Ang asasinasyon ni Ninoy
Aquino ay nagsanhi sa ekonomiya ng Pilipinas na karagdagang lumala at ang pamahalaan ng
Pilipinas ay karagdagang lumubog sa pagkakautang. Sa wakas ng 1983, ang bansa ay
naging bangkarote, ang piso ay dumanas ng debaluasyon ng 21% at ang ekonomiya ng Pilipinas ay
umurong ng 6.8% noong 1984 at muling umurong ng 3.8% noong 1985.

[51]

Noong 1984, si Marcos ay humirang ng isang komisyon na pinangunahan ni Chief Justice Enrique
Fernando upang maglunsad ng isang imbestigasyon sa pagpatay kay Ninoy. Si Kardinal Sin ay
inanyahan na sumali sa komisyon na ito ngunit tumanggi at naghayag ng kanyang mga pagdududa
sa bersiyon ng militar na si Rolando Galman ang pumaslang at ang komisyong ito ay gumuho. Ang
pamahalaan ni Marcos ay lumikha ng isang reenactment video ng kanilang bersiyon ng pangyayari
na ipinalabas sa telebisyon na nagpapakitang si Galman ay nakatago sa ilalim ng hagdan at bumaril
kay Ninoy sa tarmac at pagkatapos ay binaril naman ng mga sundalo si Galman.
Sumunod na hinirang ni Marcos ang kanyang kaibigan at retiradong hukom na si Corazon Agrava
upang mamuno sa iasng may limang kasaping komisyon upang mag-imbestiga sa asasinasyon. Ang
komisyong ito ay naglabas ng isang malaki at maliit na mga ulat noong Oktubre 1984. Ang parehong
mga ulat ay umaayon na ang asasinasyon ni Ninoy ay isang pakikipagsabwatang militar.
Gayunpaman, ang mga parehong mga ulat ay hindi umayon sa mga aktuwal na tao o mga bilang ng
nasasangkot dito. Ang maliit na ulat ay nagpapawalang sala kay General Fabian Ver at nagpangalan

lamang ng pitong mga kasangkot. Ang malaking ulat ay nagpangalan ng 26 kasangkot kabilang si
Gen. Ver. Ang malaking ulat ay humantong sa mga pagkakaso sa mga pinangalanang kasabwat.
Ang paglilitis ng mga ito ay nagsimula noong 22 Pebrero 1985 ngunit naging maliwanag na pinili ng
tagapaglitis na hindi pansinin ang mga natuklasan ng komisyon ni Agrava at nagpapatuloy ayon sa
kuwento ng militar. Dahil dito, may papalaking mga protesta at pagtawag sa pagbibitiw ni Marcos.
Noong 2 Disyembre 1985, ang lahat ng mga nasakdal kabilang si Ver ay napawalang sala sa
pagpatay kay Ninoy.[51] Noong 1990, hinatulan ng Korte Suprema ng Pilipinas ang isang heneral at
15 pang mga sundalo sa pagpatay kay Ninoy at hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo. Ang
mga ito ay kabilang sa mga 1000 sundalong nagbigay seguridad kay Ninoy sa kanyang pagdating
sa bansa.[52]. Batay sa mga testigong sina Rebecca Quijano, Jessie Barcelona at iba pa, nakita
nilang ang sundalong si C1C Rogelio Moreno na nasa likod ni Ninoy habang bumaba sa hagdan ng
eroplano si Ninoy ang bumaril sa batok ni Ninoy. Ito ay umaayon sa autopsiya kay Ninoy na ang
bala ay pumasok mula itaas ng mastoid ng bungo at lumabas sa mababang panga na
nagpapakitang ang pagbaril ay ginawang mas mataas sa ulo ni Ninoy.

Snap Election[baguhin | baguhin ang batayan]


Simula 1983 pagkatapos ng pagpaslang kay Ninoy, ang mga opisyal ng pamahalaan ng Estados
Unidos ay hindi na sumuporta sa rehime ni Marcos[53] at naghanap sila ng mga paraan upang
mapatalsik na si Marcos sa kapangyarihan.[53] Sa mukha ng papalalang kawalang kasiyahan ng mga
mamamayang Pilipino, pinatawag ni Marcos ang isang Snap election noong 3 Nobyembre 1985 na
may natitira pang higit sa isang taon sa kanyang termino. Ang snap election ay tinawag para sa 17
Enero 1986 at pagkatapos ay nilipat sa 7 Pebrero 1986. Pinili ni Marcos si Arturo Tolentino na
kasamang tatakbo sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) samantalang ang balo ni
Ninoy na si Corazon Aquino ay naghayag ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo noong 3
Disyembre 1985 kasama ni Salvador Laurel sa ilalim ng partidong United Opposition (UNIDO) na
sinuportahan ng oposisyon ni Marcos.[54][55] Sa snap election na idinaos noong 7 Pebrero 1986, ang
mga insidente ng pandaraya, pagbili ng mga boto, pananakot at karahasan ay iniulat gayundin ang
pakikialam sa mga election return. Ang Commission on Elections (COMELEC) tally board ay
nagpapakita na si Marcos ang nangunguna samantalang ang National Citizen's Movement for the
Free Elections (NAMFREL) ay nagpapakitang si Corazon Aquino ang nangunguna sa isang
komportableng margin. Idenaklara ng opisyal na canvasser na COMELEC si Ferdinand Marcos na
nanalo sa halalan. Sa huling tally ng COMELEC, si Marcos ay nagkamit ng 10,807,197 boto laban
sa 9,291,761 boto ni Aquino. Gayunpaman, sa final tally ng National Movement for Free
Elections (NAMFREL), si Aquino ay nagkamit ng 7,835,070 boto laban sa 7,053,068 ni Marcos.
[56]

Ang mga 29 mangggawa ng komputer ay lumayas sa tabulation center na nagpoprotesta sa

pakikiaalam sa mga resulta ng halalan na pumapabor kay Marcos.[51] Ang oposisyonistang dating
Gobernador na si Evelio Javier ng Antique ay pinaslang sa harap ng kapitolyo ng lalawigan kung
saan idinadaos ang pagka-canvass ng mga boto. Ang mga pangunahing suspek ang mga sariling
bantay ng isang lokal na pinuno ng Kilusang Bagong Lipunan. Ang Catholic Bishops' Conference of

the Philippines (CBCP) ay naglabas ng isang pahayag na kumokondena sa halalan bilang


pandaraya. Ang Senado ng Estados Unidos ay nagpasa rin ng isang resolusyon na kumokondena
sa halalan. Ang Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan ay naglabas ng pahayag na
tumatawag sa mga ulat ng pandaraya na "nakakabagabag".[57] Bilang tugon sa mga protesta, inihyag
ng COMELEC na si Marcos ay nanalo ng 53 porsiyento ng mga boto laban kay Aquino. Ito ay
sinalungat ng NAMFREL na si Aquino ay nanalo ng 52 porsiyento ng mga boto laban kay Marcos. [58]
Noong Pebrero 15, si Marcos ang inihayag ng COMELEC at Batasang Pambansa bilang nanalo sa
gitna ng kontrobersiya. Ang lahat ng mga 50 oposisyong kasapi ng Parliamento ay lumayas sa
pagpoprotesta. Tumangging tanggapin ng maraming Pilipino ang resulta ng halalan na naghahayag
na si Aquino ang tunay na nanalo. Ang parehong "mga nanalo" sa pagkapangulo na sina Aquino at
Marcos ay nanumpa bilang mga pangulo sa dalawang magkaibang mga lugar. Si Aquino ay
tumawag ng mga strike at pagboboykot ng mga mamamayang Pilipino laban sa mga negosyo at
media na pag-aari ng mga crony ni Marcos. Dahil dito, ang mga bangko, korporasyon at mga media
ng mga crony ni Marcos ay matinding tinamaan at ang kanilang mga bahagi sa stock market ay
bumagsak.

Himagsikang People power[baguhin | baguhin ang batayan]


Dahil sa mga iregularidad sa halalan, ang Reform the Armed Forces Movement ay naglunsad ng
isang pagtatangkang coup d'eta laban kay Marcos. Ang simulang plano ay salakayin
ang Malacanang Palace at dakpin si Marcos. Ang ibang mga unit ng military ay kokontrol sa mga
stratehikong pasilidad gaya ng NAIA, mga baseng militar, mga himpilan ng radyo at telebisyon, ang
GHQAFP sa Camp Aguinaldo, at mga highway junctions upang limitahan ang mga kontra-opensibo
ng mga loyalistang hukbo ni Marcos. Si Lt. Col. Gregorio Honasan ang mangunguna sa pangkat na
sasalakay sa Malacanang Palace. Gayunpaman, nang malaman ni Marcos ang tungkol pagbabalak
na ito, kanyang inutos ang pagdakip sa mga pinuno nito [59] at itinanghal sa lokal at internasyonal na
press ang ilan sa mga nadakip na mga nagtatangkang magpatalsik kay Marcos na sina Maj.Saulito
Aromin and Maj. Edgardo Doromal.[60][61]
Dahil sa banta ng kanilang nalalapit na pagkakabilanggo, nagpasya sina Enrile at mga kapwa
nagbabalak laban kay Marcos na humingi ng tulong AFP Vice Chief of Staff Lt. GenFidel Ramos na
hepe rin ng Philippine Constabulary (ngayong Philippine National Police). Si Ramos ay pumayag na
magbitiw sa kanyang posisyon at suportahan ang mga nagbabalak laban kay Marcos. Noong mga
6:30 pm noong 22 Pebrero 1986, sina Enrile at Ramos ay nagdaos ng isang pagpupulong ng press
sa Camp Aguinaldo kung saan nila inihayag ang kanilang pagbibitiw sa kanilang mga posisyon sa
Gabinete ni Marcos at pag-urong ng kanilang suporta sa pamahalaan ni Marcos. Mismong si Marcos
ay kalaunang nagsagawa ng mga pagpupulong ng balita na tumatawag kina Enrile at Ramos na
sumuko na humihikayat sa kanilang "itigil ang kaestupiduhang ito". [62] Sa isang mensaheng
isinahimpapawid sa Radio Veritas noong mga alas 9 ng gabi, hinimok ni Kardinal Sin ang mga
Pilipino na tulungan ang mga pinunong rebelde sa pamamagitan ng pagpunta sa seksiyon ng EDSA

sa pagitan ng Camp Crame at Aguinaldo at pagbibigay ng suportang emosyonal, mga pagkain at iba
pang mga suplay. Maraming mga tao, pari at madre ang tumungo sa EDSA. [62][63]
Sa kasagsagan ng rebolusyong People Power, inihayag ni Juan Ponce Enrile na ang pananambang
sa kanya ay pineke upang magkaroon ng dahilan si Marcos sa pagpapataw ng martial law.[64]

Sa kasagsagan ng People Power Revolution, ang tinatayang isa hanggang tatlong milyong mga tao ang pumuno
saEDSA mula Ortigas Avenue hanggang saCubao. Ang nasa larawan ang area sa interseksiyon ng EDSA at Boni
Serrano Avenue sa pagitan ng Camp Crame at Camp Aguinaldo, Pebrero 1986

Sa bukang liwayway ng linggo, ang mga hukbo ng pamahalaan ni Marcos ay dumating upang
patumbahin ang pangunahing transmitter ng Radio Veritas na pumutol sa pagsasahimpapawid sa
mga taong nasa probinsiya. Ang himpilan ay nilipat sa isang standby transmitter na may isang
limitadong saklaw ng pagsasahimpapawid.[63] Ang himpilan ay pinuntirya ni Marcos dahil ito ay
naging mahalagang kasangkapan ng pakikipagtalastasan para sa pagsuporta ng mga mamamayan
sa mga rebelde na nagbibigay alam sa kanila sa mga pagkilos ng hukbo ni Marcos at paghahatid ng
mga mensahe para sa pagkain, gamot at mga suplay.[62]
Ang mga tao ay patuloy pa ring tumungo sa EDSA hanggang sa lumobo sa mga daan daang libong
hindi armadong mga sibilyan. Ang mood sa mga lansangan ay aktuwal na masaya na marami ay
nagdadala ng kanilang mga buong pamilya. Ang mga mang-aawit ay nag-aliw sa mga tao, ang mga
pari at madre ay nanguna sa mga prayer vigil at mga tao ay nagtayo ng mga barikada at makeshift
na mga bag ng buhangin, mga puno at mga sasakyan sa ilang mga lugar sa kahabaan ng EDSA.
Saanman, ang mga tao ay nakikinig sa Radio Veritas sa kanilang mga radyo. Ang ilang mga pangkat
ay umaawit ng Bayan Ko[65] na mula pa 1980 ay naging makabayang antema ng oposisyon.
Kadalasang ipinapakita ng mga tao ang tandang LABAN[66] na may nabuong "L" sa kanilang hinlalaki
at hintuturo. Pagkatapos ng tanghalian noong Pebrero 23, nagpasya sina Ramos at Enrile na
palakasin ang kanilang mga posisyon. Tumawid si Enrile sa EDSA mula Camp
Aguinaldo hanggang Camp Crame sa gitna ng mga paghihiwayan ng mga tao.[62]Sa gitnang
katanghalian, ang Radio Veritas ay naghatid ng mga ulat ng pagmamasa ng mga Marine malapit sa
mga kampo sa silangan at mga tangkeng LVT-5 na papalapit mula hilaga at silangan. Ang isang
kontinhente ng mga Marin na may mga tangke at mga armoradong van na pinangunahan ni

Brigadier General Artemio Tadiar ay pinahinto sa kahabaan ng Ortigas Avenue mga 2 km mula sa
mga kampo ng mga sampung mga libong mga tao.[67] Ang mga madreng humahawak ng mga
rosaryo ay lumuhod sa harapan ng mga tangke at ang mga babae ay naghawak hawak upang
harangin ang mga hukbo.[68] Hiniling ni Tadiar sa mga tao na padaanin sila ngunit hindi gumalaw ang
mga tao. Sa huli, ang mga hukbo ni Marcos ay umurong nang walang pagpapaputok ng baril na
nangyari.[62] Sa gabi, ang standby transmitter ng Radio Veritas ay nabigo. Sa sandaling pagkatapos
ng hating gabi, nagawa ng mga staff na pumunta sa isa pang himplian upang simulan ang
pagsasahimpapawid mula sa isang lihim na lokasyon sa ilalim ng pangalang "Radyo Bandido". Sa
bukang liwayway ng Lunes, 24 Pebrero 1986, ang unang mga malalang pagsagupa sa mga hukbo
ng pamahalaan ay nangyari. Ang mga marine na nagmamartsa mula sa Libis sa silangan ay
naghagis ng mga tear gas sa mga demonstrador na mabilis na kumalat. Ang ilang mga marine ay
pumasok naman at humawak sa silangang panig ng Camp Aguinaldo. [62] Kalauna, ang mga
helicopter ng ika-15 Strike Wing ng Philippine Air Force na pinangunahan ni Col. Antonio Sotelo ay
inutusan mula sa Sangley Point, Cavite na tumungo sa Camp Crame. [69] Sa lihim, ang squadron ay
dumipekto at sa halip na pagsalakay sa Camp Crame ay lumapag rito na may mga naghahiyawang
mga tao at yumayakap sa mga piloto at mga crew nito. Ang isang helicopter na Bell 214 na piniloto
ni Mahjor Major Deo Cruz ng ika-25 Helicopter Wing at mga Sikorsky S-76 gunship na piniloto ni
Colonel Charles Hotchkiss ng ika-20 Air Commando Squadron ay mas maagang sumali sa mga
rebelde sa himpapawid. Ang presensiya ng mga helicopter ay nagpalakas sa morale nina Ramos at
Enrile na patuloy na humihikayat sa kanilang mga kapwa sundalo na sumali sa kilusan. [62] Sa
katanghalian, si Corazon Aquino ay dumating sa base kung saan sina Enrile, Ramos, at mga RAM
officer at mga tao ay naghihintay.[69]
Samantala, ang Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan ay nabahala na baka atakihin at
patayin ni Marcos ang mga nagpoprotesta na masasaksihan sa telebisyon ng buong mundo.
Naglabas ng pahayag ang administrasyon ni Reagan na kung gagamit si Marcos ng dahas ay
"magsasanhi ito ng hindi masabing pinsala sa ugnayan sa pagitan ng ating dalawang pamahalaan.
[53]

Sa mga parehong oras, nakatanggap si June Keithley ng mga ulat na nilisan ni Marcos ang
Malacanang Palace at isinahimpapawid ito sa mga tao sa EDSA. Ang mga tao ay nagdiwang at
kahit sina Ramos at Enrile ay lumabas mula sa Crame upang harapin ang mga tao. Gayunpaman,
ang pagdiriwang ay panandalian dahil kalaunang lumabas si Marcos sa telebisyong kinokontrol ng
pamahalaan na Channel 4,[70] na nagdedeklarang hindi siya magbibitiw sa pagkapangulo.
Pinagpalagay na ang maling ulat ay isang kalkuladong pagkilos laban kay Marcos upang humikayat
ng masa maraming mga depeksiyon.[62] Sa pagsasahimpapawid na ito, ang Channel 4 ay biglaang
naglaho sa himpapawid. Binihag isang kontinhente ng mga rebelde sa ilalim ni Col. Mariano
Santiago ang himpilian. Ang Channel 4 ay naibalik sa ere sa katanghalian na naghahayg si Orly
Punzalan na ang "Channel 4 ay muling nasa himpapawid upang paglingkuran ang mga tao". Sa

mga panahong ito, ang mga tao sa EDSA ay lumobo na sa higit sa isang milyon. [62] Ang
pagsasahimpapawid na ito ang itinuturing na pagbabalik ng ABS-CBN sa ere dahil ito ang unang
beses na ang mga dating empleyado ay nasa loob ng complex nito pagkatapos ng 14 taong
pagsasara nito ni Marcos noong martial law. Sa huling katanghalian, ang mga helicopter ng rebelde
ay sumalakay sa Villamor Airbase na nagwawasak sa mga ari-ariang panghimpapawid ng pangulo.
Ang isa pang helicopter ay tumungo sa Malacanang Palace na nagpatama ng isang rocket at
nagsanhi ng maliit na pinsala. Kalaunan, ang karamihan ng mga opiser na nagtapos sa Philippine
Military Academy (PMA) ay dumipekto sa pamahalaan ni Marcos. Ang karamihan ng mga
Sandatahang Hukbo ay lumipat na sa kabilang panig. [62]

Dalawang inaugurasyon ng pangulo[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon ng saguypaan sa
pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. May mga sniper na bumabaril sa mga
rebeldeng sundalo. Subalit patuloy na sinugod ng mga rebeldeng sundalo ang estasyon ng Channel
9, na nasa hindi kalayuan ng Channel 4.

Nanumpa si Corazon Aquinobilang Pangulo ng Pilipinas sa Club Filipino, San Juan noong 25 Pebrero 1986

Maya-maya lamang ay nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas sa isang
seremonya sa Club Filipino sa Greenhills, isang kilometro mula sa Kampo Crame. Pinasumpa si
Aquino ni Senior Associate Justice Claudio Teehankee, at pinasumpa naman si Laurel bilang
Pangalawang Pangulo ni Justice Abad Santos. Hawak ni Aurora Aquino, nanay ni Ninoy Aquino, ang
bibliang ginamit sa panunumpa ni Aquino. Kasama sa seremonya si Ramos, na na-promote bilang
Heneral, si Enrile at ang iba pang mga politiko. Nasa labas ang maraming mga taga-suporta ni
Aquino, na karamihan ay naka-dilaw bilang pagpapakita ng kanilang suporta. Matapos ang
panunumpa ni Aquino ay kumanta sila ng Bayan Ko.
Samantala, nanumpa naman si Marcos sa Malacanang Palace. Nandoon ang ilan sa kanyang mga
taga-suporta na sumisigaw ng "Marcos! Marcos! Marcos pa rin!" Ang panunumpa ay ginawa ni
Marcos sa balkonahe ng palasyo ng Malacanang na isinahimpapawid ng IBC-13 at GMA-7.
[62]

Walang mga inanyayahang mga dayuhang dignitaryo ang dumalo sa seremonyang ito sa

kadahilang pangseguridad. Ang mag-asawang Marcos ay lumabas sa balkonahe sa harap ng mga


3000 loyalistang KBL na nagsisigawan kina Marcos na "Dakpin ang mga Ahas!". [71] Pagkatapos ng

panunumpa ay mabilis na umalis ang mag-asawa sa labas ng Palasyong Malacanang. Naputol ang
pagbrodkast nito noong kubkubin ng mga rebeldeng sundalo ang mga nalalabing mga estasyon.
Marami ding mga demonstrador ang nagmasa sa mga barikada sa kahabaan ng Mendiola, hindi
kalayuan mula sa Malakanyang, ngunit hinarang sila doon ng mga loyalistang mga sundalo.
Maraming mga demonstrador ang nagalit, ngunit inawat sila ng mga pari na nakiusap na huwag
maging marahas.[62]

Paglisan ng pamilya Marcos mula Pilipinas tungo sa Hawaii [baguhin | baguhin


ang batayan]
Ang Pangulong Ronald Reagan ay naglabas ng isang pagsusumamo kay Marcos na magbitiw
na: Ang mga pagtatangka na patagalin ang buhay ng kasalukuyang rehime sa pamamagitan ng
dahas ay walang kabuluhan. Ang lunas sa krisis na ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng
isang mapayapang paglipat sa isang bagong pamahalaan.".[53]Binasa ni Marcos ang mensahe ni
Reagan noong alas 3 ng madaling araw (oras ng Maynila) at agad na tinawagan ni Marcos ang
Senador ng Estados Unidos na si Paul Laxalt, para humingi ng payo mula kay Reagan.
[71]

Iminungkahi ni Marcos kay Laxalt ang pagsasalo ng kapangyarihan kay Aquino o manunungkulan

bilang nakakatandang tagapayo ni Aquino.[53] Tumawag si Laxalt kay Marcos ng alas singko.
Tinanong ni Marcos kay Laxalt na Senador, ano sa tingin mo? Dapat na ba akong magbitiw?".
[53]

Sumagot si Laxalt na "I think you should cut and cut cleanly. I think the time has come. (Sa tingin

ko dapat mo nang putulin at putulin ng malinis. Sa tingin ko dumating na ang panahon)" na siyang
kinalungkot ni Marcos. Bandang hapon, kinausap ni Marcos si Enrile para sa kanyang ligtas na
paglisan kasama ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaalyado gaya ni General Ver. Sa hating
gabi, dinala ng U.S. Airforce HH-3E Rescue helicopter ang pamilya ni Marcos sa Clark Airbase
Pampanga mga 83 kilometrong hilaga ng Maynila bago sumakay sa mga eroplanong US Air
Force DC-9 Medivac at C-141B patungo sa Andersen Air Force Base sa Guam, at papunta naman
sa Hickam Air Force Base sa Hawaii kung saan dumating si Marcos noong 26 Pebrero 1986. [62]
Marami ang nagsisaya sa paglisan ni Marcos. Napasok na rin ng mga demonstrador ang Palasyo ng
Malakanyang, na matagal na ipinagkait sa mga ordinaryong mamamayan sa nakaraang dekada.
Maliban sa mga naganap na nakawan, marami din ang nagsilibot sa loob ng isang lugar kung saan
binago ang kasaysayan ng bansa.
Maging ang buong mundo ay nagsaya. Ayon kay Bob Simon, isang tagapagbalita ng CBS na isang
estasyon sa Amerika, ang nagsabi "We Americans like to think we taught the Filipinos democracy;
well, tonight they are teaching the world." ("Gusto naming mga Amerikano na isipin na kami ang
nagturo sa Pilipinas ng demokrasya, ngunit ngayong gabi tinuturuan nila ang buong mundo.")
Kabilang sa mga bagay na itinala ng bagong pamahalaan ng Pilipinas na naiwan ng pamilyang
Marcos sa Malacanang Palace nang lumikas ito patungo sa Hawaii ang 15 mink coat, 65 parasol,
508 mga gown, 888 handbag at 71 pares ng mga sunglass at mga 1,060 pares ng sapatos. [72] Iniulat

na nang tumakas si Marcos, natuklasan ng mga ahente ng U.S. Customs ang 24 maleta ng mga
brick na ginto at diamanteng hiyas na itinago sa mga diaper bag. Ang mga sertipiko ng gintong
bullion na nagkakahalaga ng mga bilyong dolyar ay sinasabing kasama sa mga ari-ariang personal
na dinala ni Marcos at kanyang pamilya at mga crony nang bigyan sila ng ligtas na daanan ng
administrasyong Reagan patungong Hawaii.

Kamatayan[baguhin | baguhin ang batayan]


Pagkalipas ng tatlong taon, namatay siya noong 28 Setyembre 1989 sa Honolulu, Hawaii sa edad
na 72 sa cardiac arrest matapos ng matagal na pakikipaglaban sa mga karamdaman ng bato, baga
at puso.[73]
Ang bangkay ni Marcos ay inuwi sa Pilipinas noong 1993 at nakatanghal sa isang mausoleo sa
Batac, Ilocos Norte. Hiniling ng pamilya Marcos na ilibing si Marcos sa Libingan ng mga
Bayani ngunit ito ay sinalungat ng maraming mga politiko at mga biktima ng mga karapatang
pantao ni Marcos.

Legasiya ng pamumuno ni Marcos[baguhin | baguhin ang batayan]


Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagbabayad pa rin ng interes sa mga utang
pandayuhan ng bansa na natamo noong panahon ng administrasyong Marcos hanggang sa 2025.
Nang maging Pangulo si Marcos noong 1965, ang utang na pandayuhan ng Pilipinas ay mababa sa
dalawang bilyong dolyar. Nang mapatalsik si Marcos noong 1986, ang utang na pandayuhan ng
Pilipinas ay umabot ng 28 bilyong dolyar.[3][4] Ayon sa mga ulat, ang 33% ng mga utang pandayuhan
na katumbas ng 8 bilyong dolyar ay napunta sa bulsa ni Marcos at kanyang mga crony.[4] Noong
1975, ang 57% ng mga pamilyang Pilipino ay iniulat na mahirap. [4]
Ang isang ulat noong 2007 ng United Nations Office on Drugs and Crime at World Bank ay
nagtantiya na may halagang $US 5 bilyon hanggang $US 10 bilyon ang mga aria-ariang kinuha ni
Ferdinand Marcos mula sa bansang Pilipinas.[74] Sinasabing ang anak ni Marcos na si Irene Marcos
Araneta ay may Swiss bank account na naglamaman ng US $13.2 bilyon na ni-launder at nilipat sa
mga iba't ibang account sa mga bansang gaya ng Luxembourg, British Virgin Islands, Liechtenstein.
[75][76]

Noong 8 Abril 2013, iniulat na ang anak ni Marcos na si Imee Marcos ay may mga sikretong

offshore trust at isang offshore company sa British Virgin Islands na hindi niya idineklara sa
kanyang SALN.[77]
Noong 2004, si Ferdinand Marcos ay inilagay ng Transparency International na ikalawang
pinakakurakot na pinuno sa buong mundo.[78]
Hindi kailanman kinilala o hiningan ng patawad ng mga kasapi ng pamilya Marcos ang mga
nagawang atrosidad at paglabag ng mga karapatang pantao ni Ferdinand Marcos. [79]Inangkin
ni Imelda Marcos na ang dapat humingi ng tawad ay ang pamahalaan ng Pilipinas at hindi ang

kanyang pamilya.[80] Ayon kay Human Rights (CHR) Chairperson Loretta Ann Rosales, ang
pagpapatibay ng US Court Appeals sa kasong contempt laban sa pamilya Marcos ay kabayaran
para sa "walang hiyang kayabangan" ni Bongbong at kanyang ina na hindi humingi ng tawad para
sa pagnanakaw at pagpatay noong rehime ni Marcos.[81] Ang hatol na $353.6 milyon contempt laban
sa pamilya Marcos ay para sa paglabag ng pamilya Marcos sa injunction na nagbabawal sa
kanilang ubusin ang ari-arian ng pamilya Marcos na ibabayad sa mga biktima ni Marcos. [81]
Ang mga kinatawan ng Akbayan ay naghain ng resolusyon sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng
Pilipinas na mandatoryong ituro sa mga estudyante ang mga atrosidad ng Batas Militar ni Marcos sa
lahat ng mga antas ng edukasyon upang "bigyan ang mga tao ng lahat ng mga kasangkapan upang
matukoy ang katotohanan mula sa mga kasinungalingan". Hiniling ng Akbayan sa
Pangulong Noynoy Aquino na suportahan ang kanilang resolusyon "upang salungatin ang
agresibong kampanya [ng mga loyalista ni Marcos] na baguhin ang kasaysayan at itransporma ang
brutal na diktador sa isang mabuting pinuno."[79] Ang resolusyon ng Akbayan ay sinusuportahan ng
Commission on Human Rights (CHR), National Youth Commission (NYC), mga iba't ibang pangkat
ng kabataan at mga propesor ng kasaysayan.[79]
Isa sa pag-aangkin ng mga loyalista ni Marcos ay ang Pilipinas ay isang mayaman o napakaunlad
na bansa noong panahon ni Marcos. Gayunpaman, ito ay sinasalungat ng mga ebidensiya. Nang
mapatalsik si Marcos noong Pebrero 1986, ang halaga ng piso ay bumagsak ng higit sa 400
porsiyento, ang Pilipinas ay nabaon sa 28 bilyong dolyar na utang sa dayuhan, may tumaas na
implasyon at ang kahirapan at korupsiyon ay laganap.[82][83]
Inangkin ni Bongbong Marcos na kung hindi daw napatalsik ang kanyang ama sa kapangyarihan ay
naging Singapore na daw sana ang Pilipinas ngayon.[84]
Gayunpaman, ayon sa mismong unang Punong Ministro ng Singapore na si Lee Kuan Yew na
namuno sa parehong panahon ng pamumuno ni Marcos mula 1959 hanggang 1990: Ang kaibahan
[ng Pilipinas sa Singapore] ang kultura ng mga Pilipino. Ito ay isang malambot, mapagpatawad na
kultura. Sa Pilipinas lamang na ang isang pinunong tulad ni Ferdinand Marcos na nagnakaw sa
kanyang bansa sa loob ng 20 taon ay itinuturing pa rin para sa isang pambansang paglibing. Ang
hindi malaking halaga ng mga ninakaw ni Macos ay nagawang nabawi ngunit ang kanyang asawa
at mga anak ay pinayagang makabalik at lumahok sa politika. Kanilang sinuportahan ang nanalong
mga kandidato sa pangulo at kongreso gamit ang kanilang malalaking mga mapagkukunan at
muling bumalik sa politika at lipunan pagkatapos ng 1998 halalan na nagbalik kay Joseph Estrada.[85]
[86]

Ayon kay Lee Kuan Yew, dahil walang nang nagpapautang na dayuhan kay Marcos pagkatapos ng
pagpatay kay Ninoy at dahil sa hindi magawang mabayaran ni Marcos ang mga interest sa $25
bilyon dolyar utang sa dayuhan ng Pilipinas, ipinadala ni Marcos ang kanyang kalihim na si Bobby
Ongpin kay Lee upang umutang ng $300-500 milyong upang mabayaran ang mga interes ng utang

ng Pilipinas. Ayon kay Lee, tumingin siya ng diretso sa mata ni Marcos at sinabing "Hindi namin
kailanman makikitang maibabalik ang salapi...Ang kailangan ay isang matatag at malusog na pinuno
at hindi mas maraming mga utang".[85] Ayon din kay Lee, sa $25 bilyong dolyar na utang ni Marcos
sa dayuhan, ang 8 bilyong dolyar ay ipinautang ng mga bangko ng Singapore. [85]

Ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Marcos (1965


1986)[baguhin | baguhin ang batayan]
Bago maluklok si Marcos bilang Pangulo noong mga 19511965, ang Penn World Tables ay nagulat ng real na paglago sa GDP kada kapita na may aberaheng 3.5%. Sa ilalim ng rehimeng Marcos
(19651986), ang taunang aberaheng paglago sa GDP ay 1.4% lamang. Ayon sa ilang sanggunian,
ang taunang GDP ng Pilipinas mula 1976 hanggang 1986 ay 1.8% lamang. [87] Sa 20 taong
pamumuno ni Marcos, ang GNP kada tao ng Pilipinas ay lumago lamang mula $495 hanggang $540
na halos walang pag-usadsamantalang ang GNP kada tao ng Timog Korea sa parehong panahon
ay lumago mula $330 hanggang $2,345 dahil sa naging pamumuno ni Park Chung-hee .[88] Iniulat ng
World Bank na ang Pilipinas ay isa sa pinakamayamang ekonomiya sa Asya noong mga 1950 bago
ang pagluklok ni Marcos bilang Pangulo, na ikalawa sa Hapon ngunit naging isa sa pinakamahirap
na bansa sa Asya ngayon.[89][90] Ang mga taon ng maling pangangasiwa sa ekonomiya at pababagobagong kondisyon sa politika noong rehimeng Marcos ang nag-ambag sa bumagal na pag-unlad ng
ekonomiya ng Pilipinas.[90] Sa ilalim ni Ferdinand Marcos nang ang ekonomiya ng Pilipinas
ay kauna-unahang nakaranas ngnegatibong pag-unlad mula 1984.[91] Ang implasyon ay nasa 65%.
[91]

Ang opisyal na palitan ng piso-dolyar noong 1965 ay 3.90 piso kada dolyar ngunit bumagsak sa

19.030 piso kada dolyar noong 1985.[92] Sa halip na paunlarin ang ekonomiya, pinalawig ni Marcos
ang papel ng mga renta sa ekonomiya. [93]
Ang ekonomiya ng Pilipinas ay nasadlak sa krisis pang-ekonomiya noong mga 1970 dahil sa
sinasabing paggastos ni Marcos ng mga pondong pampamahalaan sa kanyang muling pagtakbo
bilang Pangulo.[94] Dahil hindi mabayaran ng administrasyon ni Marcos ang utang pandayuhan ng
bansa, siya ay nakipag-ayos sa IMF na pabagsakin ang halaga ng piso sa 6.40 kada US dolyar.[94]
Noong mga 1970, ang pangkalahatang pagtaas sa mundo ng mga presyo ng hilaw na materyal ay
nakatulong sa ekonomiya. Napanatili ng pagmamanupaktura ang 6 porsiyentong rate ng paglago
noong mga huling 1960 ngunit mababa sa ekonomiya sa kabuuan. Ang pagluluwas ng mga
produkto ay lumago rin. Sa ilalim ni Marcos ang mga pagluluwas ng produktong kahoy ang isa sa
mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa. Ang kaunting pansin ay binigay sa mga
epektong pangkapaligiran ng pagkakalbo ng mga kagubatan. Noong mga maagang 1980, ang
industriya ay gumuho dahil ang karamihan sa mga kagubatan ay naubos na. [95] Sa tulong ng mga
PundasyognRockefeller at Ford ay dinala ni Marcos ang Rebolusyong Berde sa Pilipinas. Itinatag ng
mga pundasyong Rockeller at Ford ang International Rice Research Institute sa Los Baos,
Laguna kung saan direktor ang Amerikanong si Dr. Robert Chandler at pangunahing rice breeder

ang Amerikanong si Dr. Henry Beachell. Ang isang nalikhang uri ng bigas o kanin ni Dr. Beachell ang
IR8 na gumawa sa Pilipinas at ibang bansa sa Asya na sapat sa kanin sa mga panahong ito.
Gayunpaman, upang mapataas ang produksiyon ng kaning ito, kailangang lapatan ng mga input na
pataba at pesticide na sobrang mahal para sa mga mahihirap na magsasaka. Ang Rebolusyong
Berde ay binatikos ng ilan dahil sa nakikitang matataas na mga tubo para sa mga transnasyonal
korporasyon na nagbebenta ng mga input ngunit pangkalahatang mapanganib sa mga maliit na
magsasaka na kadalasang natutulak sa mga pagkakautang at kahirapan. [96] Dahil dito, iniulat na ang
bilang ng mga magsasakang-nangungutang na may mabuting katayuan sa ilalim ng Masagana 99
ay bumagsak sa 80,000 noong mga 19771978 mula 800,000 noong 1973. [97] Noong 2006, ang mga
utang ng mga magsasaka na hindi pa rin nababayaran sa ilalim ng Masagana 99 ay 5.5 bilyon.
[98]

Ang 20 porsiyento ng mga utang ay siningil pa rin sa ilalim ni Arroyo sa mga umutang na

magsasaka.[98]
Ang mga kapital na dayuhan ay inanyayahan ni Marcos na mamuhunan sa ilang mga proyektong
industriyal. Ang mga dayuhan ay inalukhan ng mga pabuyang eksempsiyon sa buwis at pribilehiyo
ng paglalabas ng kanilang mga kinita sa kanilang salaping dayuhan. Ang isa sa mga
pinakamahalagang programa pang ekonomiya ni Marcos ang Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran na
naglalayong itaguyod ang pag-unlad sa ekonomiya ng mga barangay sa pamamagitan ng
paghikayat sa mga ito na magsagawa ng kanilang mga proyektong pangkabuhayan.
Ang pampublikong sektor ay gumampan ng mas malaking papel sa ekonomiya noong mga 1970
dahil sa paggastos ng pamahalaan sa GNP ng mga 40 porsiyento. [94] Upang suportahan ang
ekonomiya, si Marcos ay mabigat na umutang sa dayuhan.[11] Nang maging Pangulo si Marcos
noong 1965, ang utang na pandayuhan ng Pilipinas ay mababa sa dalawang bilyong dolyar. Nang
mapatalsik si Marcos noong Pebrero 1986, ang utang na pandayuhan ng Pilipinas ay umabot ng 28
bilyong dolyar. Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagbabayad pa rin ng interes sa
mga utang pandayuhan ng bansa na natamo noong panahon ng administrasyong Marcos hanggang
sa 2025.[3]Ayon sa mga ulat, ang 33% ng mga utang pandayuhan na katumbas ng 8 bilyong dolyar
ay napunta sa bulsa ni Marcos at kanyang mga crony.[4]
Sa kabila ng agresibong mga patakarang pangungutang at paggasta ng pamahalaan ni Marcos, ang
Pilipinas ay nahuhuli sa mga iba pang bansa sa Timog Silangang Asya sa rate ng paglago ng GDP
kada capita. Ang karamihan ng utang na ito ay ginugol ni Marcos sa pagtatayo at pagpapabuti ng
imprastruktura at pagtataguyod ng turismo. Ang turismo ay tumaas na nag-ambag sa paglago ng
ekonomiya. Ang karamihan ng mga turistang ito ay mga balikbayang Pilipino na bumalik sa ilalim ng
Balikbayan Program na inilunsad noong 1973. Ang isa pang pangunahing pinagkunan ng paglago
ng ekonomiya ang mga remittance ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa (OFW) na
naghanap at nakatagpo ng trabaho sa Gitnang Silangan, Singapore at Hong Kong dahil hindi
makahanap ng mga trabaho sa sariling bansa ay.[99] Ang pagluluwas ng mga manggagawang
Pilipino sa ibang bansa ay isang patakaran ni Marcos noong 1974. [100]

Inutos ni Marcos ang isang pagbawas sa mga paggasta ng pamahalaan at gumamit ng isang bahagi
ng mga naipon upang pondohan ang Sariling Sikap na isang programang pangkabuhayang kanyang
itinatag noong 1984. Gayunpaman, ang ekonomiya ng Pilipinas ay nakaranas ng isang negatibong
paglago mula 1984 at patuloy na bumagsak sa kabila ng mga pagsisikap ng administrasyon. Ang
kabiguang ito ay sanhi ng kaguluhang sibil, ang talamak na korupsiyon sa loob ng pamahalaan ni
Marcos at kawalan ng kredibilidad ni Marcos. Mismong nilihis ni Marcos ang malalaking bahagi ng
salapi ng pamahalaan para sa mga pondong pangangampanya ng kanyang partido.
Mula 1972 hanggang 1980, ang produksiyon sa agrikultura ay bumagsak ng mga 30%. [101]

Kapitalismong crony at pagtatag ng mga monopolyo[baguhin | baguhin ang


batayan]
Sa pagpapatupad ng Bagong Lipunan, kinumpiska ni Marcos ang mga negosyo ng "oligarkiyang
Tsino at Espanyol" ngunit ang mga ito ay napunta naman sa mga kasapi ng pamilya Marcos at mga
malapit na kaibigan na gumamit ritong mga pronta upang pagtataguan ng mga nakuha nila sa
korupsiyon.[2] Itinatag ni Marcos ang "kapitalismong crony" kung saan malaking nakinabang ang
kanyang mga crony ni Marcos na naging bagong oligarkiya.[28][29] Sa ilalim ng Martial Law, ginawang
pambansa o pag-aari ng pamahalaanni Marcos ang mga pribadong malalaking korporasyon gaya
ng PLDT, PAL (Philippine Airlines), Meralco, Fortune Tobacco, San Miguel Corporation at iba pa na
naging mga pag-aari ng pamilyang Marcos.[8][30][31] Ang mga monopolyo sa ilang mga mahahalagang
industriya ay nilikha ni Marcos at inilagay sa kontrol ng kanyang mga crony gaya ng industriyang
buko sa ilalim nina Eduardo Cojuangco, Jr. at Juan Ponce Enrile, industriya ng tobacco sa ilalim
ni Lucio Tan,[102] industriya ng saging sa ilalim ni Antonio Floirendo, industriya ng asukal sa ilalim
ni Roberto Benedicto at pagmamanupaktura sa ilalim nina Herminio Disini at Ricardo Silverio.
[103]

Ang pagtatag ni Marcos ng mga monopolyo ang malalang nagpalumpo sa ekonomiya ng

Pilipinas.[94] Ang mga magsasaka ng asukal at buko ay napilitan lamang magbenta ng kanilang mga
produkto sa mga monopolyong itinatag ni Marcos sa mas mababang presyo kesa sa presyong
pandaigdigan. Ang mga opiser ng militar ay inilagay ni Marcos sa lupon ng mga korporasyon at
inutos niyang kontrolin ng militar ang lahat ng mga pampublikong utilidad at media. [2]
Pagkatapos ideklara ni Marcos ang Martial law noong 1972, siya ay nangakong magpapatupad mga
repormang agrarian. Gayunpaman, ang mga reporma ng lupain na ito ay malaking nagsilbi upang
pahinain ang mga kalaban sa lupain ni Marcos at hindi paliitin ang kawalang pantay sa mga lugar
rural.[104][105]

Kahirapan at hindi pantay na sahod[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang kawalang trabaho sa bansa ay lumobo mula 6.30% noong 1972 hanggang 12.55% noong 1985.
Ang kawalang pantay sa sahod noong Martial law ay lumago dahil ang pinakamahirap na 60
porsiyento ng bansa ay kumukuha lamang ng 22.5 porsiyento ng sahod ng bansa noong 1980 na
mababa mula sa 25 porsiyento noong 1970 samantalang ang pinakamayamang 10 porsiyento ng

populasyon ay kumukuha ng mas malaking bahagi ng sahod ng bansa na 41.7 porsiyento noong
1980 na tumaas mula 37.1 porsiyento noong 1970. Ang mga trend na ito ay kasabay ng mga
akusasyon ng cronyismo sa administrasyong Marcos dahil ang administrasyon ay nahaharap sa
mga tanong ng pagpapabor sa ilang mga kompanya na malapit kay Marcos. [106] Ayon sa Family
Income and Expenditure Survey na isinagawa 1965 hanggang 1985, ang insidensiya ng kahirapan
sa Pilipinas ay tumaas mula 41 porsiyento noong 1965 hanggang 58.9 porsiyento noong 1985.
[107]

Ito ay maituturo sa mas mas mababang real na mga sahod pang-agrikultura at mas mababang

mga sahod para sa wala at may kasanayang mga manggagawa. Ang real na mga sahod pangagrikultura ay bumagsak ng mga 25 porsiyento mula sa kanilang 1961 lebel samantalang ang mga
real na sahod para sa mga wala at may kasanayang trabahador ay nabawasan ng mga 1/3 ng
kanilang 1962 lebel.

Mga paglilitis laban sa pamilya Marcos[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong 1995, ang mga 10,000 Pilipino ay nanalo sa isang U.S. class-action lawsuit na inihain laban
sa estado ni Marcos. Sila ay ginawaran ng kabayaran sa pinsala na $1.96 bilyong dolyar ng Federal
District Court of Honolulu, Hawaii para sa mga paglabag sa karapatang pantao noong Martial Law.
[108]

Ang mga kaso ay inihain ng mga biktima o mga nabubuhay nilang mga kamag-anak sa

pagpapahirap, pagpatay at mga paglaho ng mga ito. [109][110] Kabilang sa mga nanalo ang mga
pamilya ng mga biktimang sina Liliosa Hilao na ginahasa at pinahirapan at pinatay ng militar dahil sa
pagbatikos sa administrasyong Marcos at ng estudyanteng si Archimedes Trajano na pinahirapan at
pinatay ng militar sa ilalim ni Fabian Ver dahil lang sa pagtatanong kay Imee Marcos sa isang bukas
na forum noong 1977.[111][112]
Sa pag-apela ni Imelda Marcos sa hatol ng hukuman, pinagtibay ng United States Court of Appeals
for the Ninth Circuit ang hatol laban kay Marcos at pabor sa mga biktima ni Marcos. Dahil wala pang
nakukuhang pondo upang ipagkaloob sa mga biktima ang hatol, ito ay ipinagkaloob ng hukuman
mula sa mga pondo ng pamilya Marcos sa mga Swiss bank accounts sa pamamagitan ng mga
sangay sa California ng mga Swiss bank.[2] Kalaunang pumasok ang mga biktima ni Marcos sa isang
kasunduang kompromiso sa pamilya Marcos para sa 150 milyong dolyar na settlement. [2] Noong
1995, sina PCGG chairman Gunigundo at abogado ng SELDA (Samahan ng mga Ex-Detainees
Laban sa Detensiyon at Aresto) na si Robert Swift ay lumagda sa isang memorandum of agreement
para sa isang kompromiso sa administrasyong Fidel Ramos na tatanggap ng 100 milyong dolyar
kapalit ng pagbawi ng class action na posibleng nagkakaloob sa pamilya Marcos ng imunidad mula
sa mga hinaharap na demanda laban sa kanila. Ang kasunduang ito ay kinundena ng SELDA bilang
ilegal at imoral na nagtulak kay Ramos na huwag nang lagdaan ang kasunduan. [2] Noong Marso
1997, pinagtibay ng Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos ang desisyon ng Court of Appeals
laban kay Marcos at pabor sa mga biktima ni Marcos.[2]

Inilalagay ng mga grupong Human rights ang bilang ng mga biktima ng ekstrahudisyal na
pagpatay sa ilalim ng martial law ni Marcos sa 1500 katao. Ayon as Karapatan, ang mga rekord ay
nagpapakitang ang 759 katao ay hindi boluntaryong naglaho (ang kanilang mga katawan ay hindi
kailanman natagpuan). Ayon sa historyan ng militar na si Alfred McCoy may 3,257 ekstrahudisyal na
pagpatay, 35,000 biktima ng mga pagpapahirap at 70,000 mga nabilanggo noong mga panahon ng
pamumuno ni Marcos.[113][114]

Mga nabawing kayamanan ng pamilya Marcos [baguhin | baguhin ang


batayan]
Noong 2003, idineklara ng Korte Suprema ng Pilipinas na ang anumang kayamanan ni Ferdinand
Marcos na labis sa kanyang kabuuang legal na kinita na $304,000 bilang Pangulo ng Pilipinas mula
1965 hanggang 1986 ay ipagpapalagay na kayamanang nakuha mula sa masama.[115]
Nagawang mabawi ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na itinatag noong
1986 ang 164 bilyong piso ($US 4 bilyong dolyar) na kinuha ni Marcos kabilang ang mga alahas
gaya ng isang 150-carat ruby at isang diamanteng tiara, mga daang milyong mga dolyar na itinago
sa mga Swiss bank account at mga prime real estate.[6][116][117]
Noong 2003, ibinalik ng pamahalaan ng Switzerland sa pamahalaan ng Pilipinas[118] ang US$684
milyon (o 8 bilyong piso) ng kayamanan ni Marcos na nakatago sa mga Swiss account. [7][11][119] Ang
salaping ito ay ibabayad sa mga biktima ni Marcos noong martial law.[120]
Noong 1968, ginamit ni Ferdinand at Imelda ang mga alias na William Saunders at Jane Ryan
upang buksan ang kanilang unang Swiss bank account sa Zurich, Switzerland, na may balanseng
$950,000 noong Marso 1968 nang ang sahod ni Marcos bilang Pangulo ng Pilipinas ay $5,600
lamang.[121]
Noong Pebrero 2014, nabawi ng pamahalaan ng Pilipinas ang higit 29 milyong dolyar o mga 1.3
bilyon mula sa mga natitirang salapi ni Ferdinand Marcos na nakatago sa mga mga Swiss account
sa Singapore.[115]
Hinahanap pa ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga 150 painting ng mga tanyag na maestro at
pintor na nalikom ng pamilya Marcos na naglaho pagkatapos mapatalsik ang pamilya Marcos sa
Pilipinas noong Pebrero 1986.
Noong Enero 2014, ang dating sekretarya ni Imelda Marcos na si Vilma Bautista ay hinatulan ng
dalawa hanggang anim na taong pagkakabilanggo sa New York dahil sa pakikipagsabwatan sa
pagbebenta ng painting ni Claude Monet na Le Bassin aux Nymphas sa London gallery sa
halagang $28 milyon.[122] Ang painting ay naglaho mula sa konsulado ng Pilipinas sa Manhattan,
New York City pagkatapos mapatalsik ang mga Marcos noong 1986.[123]

Mga inaangking pinagmulan ng kayamanan ni Marcos[baguhin | baguhin ang


batayan]

Noong 1992, inangkin ni Imelda Marcos na ang kayamanan ni Ferdinand Marcos ay mula sa Ginto
ni Yamashita[124] ngunit ito ay hindi pinaniniwalaan ng mga imbestigador. Ayon sa imbestigador na si
Minoru Fukumitsu na naglingkod sa staff ni Heneral Douglas MacArthur, nagsagawa siya ng
lubusang imbestigasyon sa ginto ni Yamashita ngunit walang siyang nahanap na ebidensiyang ito ay
umiral.[125][126] Inembistagahan ni Fukumitsu ang mga 200 Hapones na opiser at mga lalakeng
naglingkod sa ilalim ni Tomoyuki Yamashita.[125] Pinaniniwalaan ng ilan na inimbento lang ni Marcos
ang kuwento na nakamit nito ang ginto ni Yamashita upang itago ang pagnanakaw nito sa mga
reserbang ginto ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ayon sa pamahalaan ng Pilipinas, ang 800,000 troy
ounce ng reserbang ginto ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay ninakaw o nilihis ni Marcos para sa
pansariling paggamit.[47] Noong 2006, inangkin naman ni Imelda na ang kayamanan ng kanyang
asawa ay mula sa pagiging gold trader nito at inangking nagkamit ito ng 7,500 tonelada ng ginto
noong mga 1950.[127] Gayunpaman, walang record ang BIR na ang pamilya Marcos ay nagdeklara o
nagbayad ng buwis sa mga inangking ari-ariang ito. Ayon naman kay Imelda noong 1998, nalikom ni
Ferdinand Marcos bilang gold trader ang 1,000 toneladang ginto habang isang "gerilya" noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig at nakalikom ng 4,000 toneladang ginto noong mga 1970. Inangkin
ni Imelda na bumili si Ferdinand ng ginto sa halagang 17 dolyar kada ounce at ipinagbili ito ng 31
dolyar kada ounce.[128] Ang pag-aangking ito ni Imelda ay kinutya ng mga eksperto ng ginto sa
Pilipinas at ibang bansa. Ayon sa mga eksperto ng ginto, ang 4,000 tonelada ng ginto ay
kumakatawan sa output ng ginto ng Timog Aprika sa loob ng 10 taon at sa Pilipinas sa loob ng 100
taon. Ayon sa Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas na si Gabriel C. Singson hinggil sa pagaangkin ni Imelda, "Magiging katatawanan lamang tayo ng buong mundo".[128]

Corazon Aquino
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Corazon C. Aquino

Ika-11 Pangulo ng Pilipinas


Ikalawang Pangulo ng Ika-apat na Republika
Unang Pangulo ng Ikalimang Republika
Panunungkulan
25 Pebrero 1986 30 Hunyo 1992
Punong Ministro
Pangalawang

Salvador H. Laurel[1]
Salvador H. Laurel

Pangulo
Sinundan si

Ferdinand E. Marcos

Sinundan ni

Fidel V. Ramos

Kapanganakan

25 Enero 1933
Paniqui, Pilipinas

Kamatayan

1 Agosto 2009 (edad 76)


Makati

Partidong politikal

United Nationalists Democratic


Organizations(UNIDO)/Lakas ng Bayan

(LABAN)/Liberal
Asawa

Benigno Aquino, Jr.

Hanapbuhay

Inang Bahay, Politiko

Relihiyon

Katoliko

Si Mara Corazn Sumulong Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang Mara Corazn Sumulong


Cojuangco) (25 Enero 1933 1 Agosto 2009[2]) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang
ikalabing-isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng naluklok sa nasabing
pwesto (25 Pebrero 1986 30 Hunyo 1992). Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa
pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya
sa Tarlac kina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at
nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. ,
ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating PangulongFerdinand E. Marcos.
Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA)
noong 25 Pebrero 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris
Aquino at ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III. Pumanaw siya noong 1
Agosto 2009 at inlibing noong ika-5 ng Agosto.
Mga nilalaman
[itago]

1 Talambuhay
o

1.1 Pagpaslang sa kanyang asawang si Ninoy sa paliparan

1.2 Snap election

1.3 Himagsikang People power

1.4 Dalawang inaugurasyon ng pangulo

1.5 Paglisan ng pamilya Marcos sa Pilipinas

2 Bilang Pangulo
o

2.1 Ekonomiya

3 Kamatayan

4 Tingnan din

5 Mga sanggunian

6 Mga panlabas na kawing

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]


Si Mara Corazn "Cory" Sumulong Cojuangco ay ipinanganak noong 25 Enero 1933 sa Paniqui,
Tarlac at ikaapat na anak nina Jos Cojuangco, Sr. at Demetria Sumulong. Ang kanyang mga
kapatid ay sina Pedro, Josephine, Teresita, Jose, Jr. at Maria Paz. Ang kanyang ama ay isang
kilalang negosyante sa Tarlac at politiko at apo sa tuhod ni Melecio Cojuangco na kasapi
ng Kongreso ng Malolos. Ang kanyang ina ay mula sa maimpluwensiya sa politikang pamilyang
Sumlong ng Rizal. Ang isang kasapi ng kanilang angkang si Juan Sumulong ay tumakbo laban
kay Manuel L. Quezon noong 1941. Si Aquino ay nagtapos sa St. Scholastica's College sa Maynila
sa kanyang elemetaryang edukasyon at lumipat sa Assumption Convent sa unang taon ng mataas
na paaralan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang kolehiyo dito. Siya ay tumungo sa Mount Saint Vincent
sa New York City kung saan nagmajor sa Matematika at Wikang Pranses. Siya ay nagboluntero
para sa pangangampanya ni U.S. Republican presidential candidate Thomas Dewey laban sa
Pangulo ng Estados Unidos Harry S. Truman noong 1948 halalang Pagkapangulo. Pagkatapos ng
kolehiyo ay bumalik sa Pilipinas upang mag-aral ng Batas sa Far Eastern University na pag-aari ng
mga in-law ng kanyang kapatid na si Josephine Reyes. Siya ay nag-aral ng isang taon. Pinakasalan
niya si Sen. Ninoy Aquinona anak ng dating Ispiker na si Benigno S. Aquino, Sr.. Sila ay nagkaroon
ng limang anak: Mara Elena (ipinanganak noong 18 Agosto 1955), Aurora Corazn (ipinanganak
noong 27 Disyembre 1957), Benigno Simeon III (ipinanganak noong 8 Pebrero 1960), Victoria Elisa
(ipinanganak noong 27 Oktubre 1961) at Kristina Bernadette (ipinanganak noong 14 Pebrero 1971).
Ang kanyang asawang si Ninoy Aquino ay kasapi ng Partido Liberal at naging pinakabatang
gobernador sa bansa at kalaunang pinakabatang senador sa Senado ng Pilipinasnoong 1967. Si
Corazon ay nanatiling isang may bahay sa buong karera sa politika ng kanyang asawa. Si Ninoy ay
naging isang nangungunang kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Si Ninoy ay pinaniniwalang
malakas na kandidato laban kay Marcos sa halalan ng pagkapangulo noong 1973. Dahil
ipinagbabawal sa Saligang batas ng Pilipinas ang ikatlong termino para kay Marcos, nagdeklara
ng Martial Law sa Marcos noong 21 Setyembre 1972 at binuwag ang Saligang Batas ng 1935 na
nagpatagal sa kanyang pagluklok sa pagkapangulo. Dahil sa Martial Law, si Ninoy ang isa sa mga
bumabatikos na ipinabilanggo ni Marcos at hinatulan ng kamatayan. Noong 1978, nagpasyang
tumakbo si Ninoy sa 1978 halalan ng Batasang Pambansa. Noong 1980, dahil sa pamamagitan ni
Pangulong Jimmy Carter ng Estados Unidos, pinayagan ni Marcos si Ninoy na tumungo sa Estados
Unidos kung saan siya nagpagamot para sa kanyang karamdaman sa puso habang nasa
bilangguan. Ang pamilya Aquino ay tumira sa Boston. Noong 21 Agosto 1983, nagpasya si Ninoy na
bumalik sa Pilipinas nang hindi kasama ang kanyang pamilya.

Pagpaslang sa kanyang asawang si Ninoy sa paliparan[baguhin | baguhin ang


batayan]

Pagpatay kay Ninoy Aquino

Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino noong 1983 ang kalaunang naging katalista na humantong sa
pagpapatalsik kay Marcos. Ang partidong oposisyon ay sumisi kay Marcos ngunit ang iba ay sumisi
sa militar at kay Imelda. Noong 21 Agosto 1983 pagkatapos ng isang tatlong taong pagkakatapon
sa Estados Unidos, si Ninoy ay pinaslang habang bumababa sa isang
pangkalakalan (commercial) na paglipad sa Manila International Airport na kalaunang
pinangalanang Ninoy Aquino International Airport bilang pagpaparangal kay Ninoy.[3] Ang kanyang
asasinasyon ay nagpagulat at nagpagalit sa maraming mga Pilipino na nawalan ng pagtitiwala sa
administrasyon ni Marcos. Ang pangyayaring ito ay karagdagan pang humantong sa mga
pagsusupetsa sa pamahalaan na nagtulak sa hindi pakikipagtulungan ng mga Pilipino na kalaunang
humantong sa isang buong sibil na hindi pagsunod.[4] Ito ay nagpauga sa pamahalaan ni Marcos na
lumalala na sa panahong ito dahil sa papalalang kalusugan ni Marcos. Ang asasinasyon ni Ninoy
Aquino ay nagsanhi sa ekonomiya ng Pilipinas na karagdagang lumala at ang pamahalaan ng
Pilipinas ay karagdagang lumubog sa pagkakautang. Sa wakas ng 1983, ang bansa ay
nagingbangkarote, ang piso ay dumanas ng debaluasyon ng 21% at ang ekonomiya ng Pilipinas ay
umurong ng 6.8% noong 1984 at muling umurong ng 3.8% noong 1985. [5]
Noong 1984, si Marcos ay humirang ng isang komisyon na pinangunahan ni Chief Justice Enrique
Fernando upang maglunsad ng isang imbestigasyon sa pagpatay kay Ninoy. Si Kardinal Sin ay
inanyahan na sumali sa komisyon na ito ngunit tumanggi at naghayag ng kanyang mga pagdududa
sa bersiyon ng militar na si Rolando Galman ang pumaslang at ang komisyong ito ay gumuho.
Sumunod na hinirang ni Marcos ang kanyang kaibigan at retiradong hukom na si Corazon Agrava
upang mamuno sa iasng may limang kasaping komisyon upang mag-imbestiga sa asasinasyon. Ang
komisyong ito ay naglabas ng isang malaki at maliit na mga ulat noong Oktubre 1984. Ang parehong
mga ulat ay umaayon na ang asasinasyon ni Ninoy ay isang pakikipagsabwatang militar.
Gayunpaman, ang mga parehong mga ulat ay hindi umayon sa mga aktuwal na tao o mga bilang ng
nasasangkot dito. Ang maliit na ulat ay nagpapawalang sala kay General Fabian Ver at nagpangalan
lamang ng pitong mga kasangkot. Ang malaking ulat ay nagpangalan ng 26 kasangkot kabilang si
Gen. Ver. Ang malaking ulat ay humantong sa mga pagkakaso sa mga pinangalanang kasabwat.
Ang paglilitis ng mga ito ay nagsimula noong 22 Pebrero 1985 ngunit naging maliwanag na pinili ng
tagapaglitis na hindi pansinin ang mga natuklasan ng komisyon ni Agrava at nagpapatuloy ayon sa
kuwento ng militar. Dahil dito, may papalaking mga protesta at pagtawag sa pagbibitiw ni Marcos.
Noong 2 Disyembre 1985, ang lahat ng mga nasakdal kabilang si Ver ay napawalang sala sa
pagpatay kay Ninoy.[5] Noong 1990, hinatulan ng Korte Suprema ng Pilipinas ang isang heneral at 15
pang mga sundalo sa pagpatay kay Ninoy at hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo. Ang
mga ito ay kabilang sa mga 1000 sundalong nagbigay seguridad kay Ninoy sa kanyang pagdating
sa bansa.[6].

Snap election[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong mga 1984, ang malapit na personal na kaalyado ni Marcos na si Pangulong Ronald
Reagan ng Estados Unidos ay nagsimulang maglayo ng kanyang sarili sa rehimeng Marcos na
kanyang malakas na sinuportahan gayundin ng mga nakaraang pangulo ng Estados Unidos kahit pa
pagkatapos ideklara ni Marcos ang martial law. Ang tulong na mga milyong milyong dolyar ng
Estados Unidos ang sumuporta sa pamumuno ni Marcos sa paglipas ng mga taon. [7] Sa mukha ng
papalalang kawalang kasiyahan ng mga mamamayang Pilipino at dahil sa pagpipilit ng kaalyadong
Estados Unidos, pinatawag ni Marcos ang isang Snap election noong 3 Nobyembre 1985 na may
natitira pang higit sa isang taon sa kanyang termino. Ang snap election ay tinawag para sa 17 Enero
1986 at pagkatapos ay nilipat sa 7 Pebrero 1986. Pinili ni Marcos si Arturo Tolentino na kasamang
tatakbo sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) samantalang ang biyuda ni Ninoy na
si Corazon Aquino ay naghayag ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo noong 3 Disyembre 1985
kasama ni Salvador Laurel sa ilalim ng partidong United Opposition (UNIDO) na sinuportahan ng
oposisyon ni Marcos.[8][9] Sa snap election na idinaos noong 7 Pebrero 1986, ang mga insidente ng
pandaraya, pagbili ng mga boto, pananakot at karahasan ay iniulat gayundin ang pakikialam sa mga
election return. Ang Commission on Elections (COMELEC) tally board ay nagpapakita na si Marcos
ang nangunguna samantalang ang National Citizen's Movement for the Free Elections (NAMFREL)
ay nagpapakitang si Corazon Aquino ang nangunguna sa isang komportableng margin. Idenaklara
ng opisyal na canvasser na COMELEC si Ferdinand Marcos na nanalo sa halalan. Sa huling tally ng
COMELEC, si Marcos ay nagkamit ng 10,807,197 boto laban sa 9,291,761 boto ni Aquino.
Gayunpaman, sa final tally ng National Movement for Free Elections (NAMFREL), si Aquino ay
nagkamit ng 7,835,070 boto laban sa 7,053,068 ni Marcos.[10] Ang mga 29 mangggawa ng komputer
ay lumayas sa tabulation center na nagpoprotesta sa pakikiaalam sa mga resulta ng halalan na
pumapabor kay Marcos. Ang oposisyonistang dating Gobernador na si Evelio Javier ng Antique ay
pinaslang sa harap ng kapitolyo ng lalawigan kung saan idinadaos ang pagka-canvass ng mga boto.
Ang mga pangunahing suspek ang mga sariling bantay ng isang lokal na pinuno ng Kilusang
Bagong Lipunan. Ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ay naglabas ng isang
pahayag na kumokondena sa halalan bilang pandaraya. Ang Senado ng Estados Unidos ay
nagpasa rin ng isang resolusyon na kumokondena sa halalan. Ang Pangulo ng Estados Unidos na si
Ronald Reagan ay naglabas ng pahayag na tumatawag sa mga ulat ng pandaraya na
"nakakabagabag".[11] Bilang tugon sa mga protesta, inihyag ng COMELEC na si Marcos ay nanalo
ng 53 porsiyento ng mga boto laban kay Aquino. Ito ay sinalungat ng NAMFREL na si Aquino ay
nanalo ng 52 porsiyento ng mga boto laban kay Marcos.[12]
Noong Pebrero 15, si Marcos ang inihayag ng COMELEC at Batasang Pambansa bilang nanalo sa
gitna ng kontrobersiya. Ang lahat ng mga 50 oposisyong kasapi ng Parliamento ay lumayas sa
pagpoprotesta. Tumangging tanggapin ng maraming Pilipino ang resulta ng halalan na naghahayag
na si Aquino ang tunay na nanalo. Ang parehong "mga nanalo" sa pagkapangulo na sina Aquino at
Marcos ay nanumpa bilang mga pangulo sa dalawang magkaibang mga lugar. Si Aquino ay
tumawag ng mga strike at pagboboykot ng mga mamamayang Pilipino laban sa mga negosyo at
media na pag-aari ng mga crony ni Marcos. Dahil dito, ang mga bangko, korporasyon at mga media
ng mga crony ni Marcos ay matinding tinamaan at ang kanilang mga bahagi sa stock market ay
bumagsak.

Himagsikang People power[baguhin | baguhin ang batayan]


Dahil sa mga iregularidad sa halalan, ang Reform the Armed Forces Movement ay naglunsad ng
isang pagtatangkang coup d'etat laban kay Marcos. Ang simulang plano ay salakayin
ang Malacanang Palace at dakpin si Marcos. Ang ibang mga unit ng military ay kokontrol sa mga
stratehikong pasilidad gaya ng NAIA, mga baseng militar, mga himpilan ng radyo at telebisyon, ang
GHQAFP sa Camp Aguinaldo, at mga highway junctions upang limitahan ang mga kontra-opensibo
ng mga loyalistang hukbo ni Marcos. Si Lt. Col. Gregorio Honasan ang mangunguna sa pangkat na
sasalakay sa Malacanang Palace. Gayunpaman, nang malaman ni Marcos ang tungkol pagbabalak
na ito, kanyang inutos ang pagdakip sa mga pinuno nito [13] at itinanghal sa lokal at internasyonal na

press ang ilan sa mga nadakip na mga nagtatangkang magpatalsik kay Marcos na sina Maj.Saulito
Aromin and Maj. Edgardo Doromal.[14][15]
Dahil sa banta ng kanilang nalalapit na pagkakabilanggo, nagpasya sina Enrile at mga kapwa
nagbabalak laban kay Marcos na humingi ng tulong AFP Vice Chief of Staff Lt. GenFidel Ramos na
hepe rin ng Philippine Constabulary (ngayong Philippine National Police). Si Ramos ay pumayag na
magbitiw sa kanyang posisyon at suportahan ang mga nagbabalak laban kay Marcos. Noong mga
6:30 pm noong 22 Pebrero 1986, sina Enrile at Ramos ay nagdaos ng isang pagpupulong ng press
sa Camp Aguinaldo kung saan nila inihayag ang kanilang pagbibitiw sa kanilang mga posisyon sa
Gabinete ni Marcos at pag-urong ng kanilang suporta sa pamahalaan ni Marcos. Mismong si Marcos
ay kalaunang nagsagawa ng mga pagpupulong ng balita na tumatawag kina Enrile at Ramos na
sumuko na humihikayat sa kanilang "itigil ang kaestupiduhang ito". [16] Sa isang mensaheng
isinahimpapawid sa Radio Veritas noong mga alas 9 ng gabi, hinimok ni Kardinal Sin ang mga
Pilipino na tulungan ang mga pinunong rebelde sa pamamagitan ng pagpunta sa seksiyon ng EDSA
sa pagitan ng Camp Crame at Aguinaldo at pagbibigay ng suportang emosyonal, mga pagkain at iba
pang mga suplay. Maraming mga tao, pari at madre ang tumungo sa EDSA. [16][17]
Sa kasagsagan ng rebolusyong People Power, inihayag ni Juan Ponce Enrile na ang pananambang
sa kanya ay pineke upang magkaroon ng dahilan si Marcos sa pagpapataw ng martial law.[18]

Sa kasagsagan ng People Power Revolution, ang tinatantiyang isa hanggang tatlong milyong mga tao ang pumuno
sa EDSA mula Ortigas Avenue hanggang sa Cubao. Ang nasa larawan ang area sa interseksiyon ng EDSA at Boni
Serrano Avenue sa pagitan ng Camp Crame at Camp Aguinaldo, Pebrero 1986

Sa bukang liwayway ng linggo, ang mga hukbo ng pamahalaan ni Marcos ay dumating upang
patumbahin ang pangunahing transmitter ng Radio Veritas na pumutol sa pagsasahimpapawid sa
mga taong nasa probinsiya. Ang himpilan ay nilipat sa isang standby transmitter na may isang
limitadong saklaw ng pagsasahimpapawid.[17] Ang himpilan ay pinuntirya ni Marcos dahil ito ay
naging mahalagang kasangkapan ng pakikipagtalastasan para sa pagsuporta ng mga mamamayan
sa mga rebelde na nagbibigay alam sa kanila sa mga pagkilos ng hukbo ni Marcos at paghahatid ng
mga mensahe para sa pagkain, gamot at mga suplay.[16]
Ang mga tao ay patuloy pa ring tumungo sa EDSA hanggang sa lumobo sa mga daan daang libong
hindi armadong mga sibilyan. Ang mood sa mga lansangan ay aktuwal na masaya na marami ay
nagdadala ng kanilang mga buong pamilya. Ang mga mang-aawit ay nag-aliw sa mga tao, ang mga
pari at madre ay nanguna sa mga prayer vigil at mga tao ay nagtayo ng mga barikada at makeshift
na mga bag ng buhangin, mga puno at mga sasakyan sa ilang mga lugar sa kahabaan ng EDSA.
Saanman, ang mga tao ay nakikinig sa Radio Veritas sa kanilang mga radyo. Ang ilang mga pangkat
ay umaawit ng Bayan Ko[19] na mula pa 1980 ay naging makabayang antema ng oposisyon.
Kadalasang ipinapakita ng mga tao ang tandang LABAN[20] na may nabuong "L" sa kanilang hinlalaki
at hintuturo. Pagkatapos ng tanghalian noong Pebrero 23, nagpasya sina Ramos at Enrile na
palakasin ang kanilang mga posisyon. Tumawid si Enrile sa EDSA mula Camp
Aguinaldo hanggang Camp Crame sa gitna ng mga paghihiwayan ng mga tao.[16]Sa gitnang

katanghalian, ang Radio Veritas ay naghatid ng mga ulat ng pagmamasa ng mga Marine malapit sa
mga kampo sa silangan at mga tangkeng LVT-5 na papalapit mula hilaga at silangan. Ang isang
kontinhente ng mga Marin na may mga tangke at mga armoradong van na pinangunahan ni
Brigadier General Artemio Tadiar ay pinahinto sa kahabaan ng Ortigas Avenue mga 2 km mula sa
mga kampo ng mga sampung mga libong mga tao.[21] Ang mga madreng humahawak ng mga
rosaryo ay lumuhod sa harapan ng mga tangke at ang mga babae ay naghawak hawak upang
harangin ang mga hukbo.[22] Hiniling ni Tadiar sa mga tao na padaanin sila ngunit hindi gumalaw ang
mga tao. Sa huli, ang mga hukbo ni Marcos ay umurong nang walang pagpapaputok ng baril na
nangyari.[16] Sa gabi, ang standby transmitter ng Radio Veritas ay nabigo. Sa sandaling pagkatapos
ng hating gabi, nagawa ng mga staff na pumunta sa isa pang himplian upang simulan ang
pagsasahimpapawid mula sa isang lihim na lokasyon sa ilalim ng pangalang "Radyo Bandido". Sa
bukang liwayway ng Lunes, 24 Pebrero 1986, ang unang mga malalang pagsagupa sa mga hukbo
ng pamahalaan ay nangyari. Ang mga marine na nagmamartsa mula sa Libis sa silangan ay
naghagis ng mga tear gas sa mga demonstrador na mabilis na kumalat. Ang ilang mga marine ay
pumasok naman at humawak sa silangang panig ng Camp Aguinaldo. [16] Kalauna, ang mga
helicopter ng ika-15 Strike Wing ng Philippine Air Force na pinangunahan ni Col. Antonio Sotelo ay
inutusan mula sa Sangley Point, Cavite na tumungo sa Camp Crame. [23] Sa lihim, ang squadron ay
dumipekto at sa halip na pagsalakay sa Camp Crame ay lumapag rito na may mga naghahiyawang
mga tao at yumayakap sa mga piloto at mga crew nito. Ang isang helicopter na Bell 214 na piniloto
ni Mahjor Major Deo Cruz ng ika-25 Helicopter Wing at mga Sikorsky S-76 gunship na piniloto ni
Colonel Charles Hotchkiss ng ika-20 Air Commando Squadron ay mas maagang sumali sa mga
rebelde sa himpapawid. Ang presensiya ng mga helicopter ay nagpalakas sa morale nina Ramos at
Enrile na patuloy na humihikayat sa kanilang mga kapwa sundalo na sumali sa kilusan. [16] Sa
katanghalian, si Corazon Aquino ay dumating sa base kung saan sina Enrile, Ramos, at mga RAM
officer at mga tao ay naghihintay.[23]
Sa mga parehong oras, nakatanggap si June Keithley ng mga ulat na nilisan ni Marcos ang
Malacanang Palace at isinahimpapawid ito sa mga tao sa EDSA. Ang mga tao ay nagdiwang at
kahit sina Ramos at Enrile ay lumabas mula sa Crame upang harapin ang mga tao. Gayunpaman,
ang pagdiriwang ay panandalian dahil kalaunang lumabas si Marcos sa telebisyong kinokontrol ng
pamahalaan na Channel 4,[24] na nagdedeklarang hindi siya magbibitiw sa pagkapangulo.
Pinagpalagay na ang maling ulat ay isang kalkuladong pagkilos laban kay Marcos upang humikayat
ng masa maraming mga depeksiyon.[16] Sa pagsasahimpapawid na ito, ang Channel 4 ay biglaang
naglaho sa himpapawid. Binihag isang kontinhente ng mga rebelde sa ilalim ni Col. Mariano
Santiago ang himpilian. Ang Channel 4 ay naibalik sa ere sa katanghalian na naghahayg si Orly
Punzalan na ang "Channel 4 ay muling nasa himpapawid upang paglingkuran ang mga tao". Sa
mga panahong ito, ang mga tao sa EDSA ay lumobo na sa higit sa isang milyon. [16] Ang
pagsasahimpapawid na ito ang itinuturing na pagbabalik ng ABS-CBN sa ere dahil ito ang unang
beses na ang mga dating empleyado ay nasa loob ng complex nito pagkatapos ng 14 taong
pagsasara nito ni Marcos noong martial law. Sa huling katanghalian, ang mga helicopter ng rebelde
ay sumalakay sa Villamor Airbase na nagwawasak sa mga ari-ariang panghimpapawid ng pangulo.
Ang isa pang helicopter ay tumungo sa Malacanang Palace na nagpatama ng isang rocket at
nagsanhi ng maliit na pinsala. Kalaunan, ang karamihan ng mga opiser na nagtapos sa Philippine
Military Academy (PMA) ay dumipekto sa pamahalaan ni Marcos. Ang karamihan ng mga
Sandatahang Hukbo ay lumipat na sa kabilang panig. [16]

Dalawang inaugurasyon ng pangulo[baguhin | baguhin ang batayan]

Nanumpa si Corazon Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas sa Club Filipino, San Juan noong 25 Pebrero 1986

Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon ng sagupaan sa
pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. May mga sniper na bumabaril sa mga
rebeldeng sundalo. Subalit patuloy na sinugod ng mga rebeldeng sundalo ang estasyon ng Channel
9, na nasa hindi kalayuan ng Channel 4.
Maya-maya lamang ay nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas sa isang
seremonya sa Club Filipino sa Greenhills, isang kilometro mula sa Kampo Crame. Pinasumpa si
Aquino ni Senior Associate Justice Claudio Teehankee, at pinasumpa naman si Laurel bilang
Pangalawang Pangulo ni Justice Abad Santos. Hawak ni Aurora Aquino, nanay ni Ninoy Aquino, ang
bibliang ginamit sa panunumpa ni Aquino. Kasama sa seremonya si Ramos, na na-promote bilang
Heneral, si Enrile at ang iba pang mga politiko. Nasa labas ang maraming mga taga-suporta ni
Aquino, na karamihan ay naka-dilaw bilang pagpapakita ng kanilang suporta. Matapos ang
panunumpa ni Aquino ay kumanta sila ng Bayan Ko.
Samantala, nanumpa naman si Marcos sa Malacanang Palace. Nandoon ang ilan sa kanyang mga
taga-suporta na sumisigaw ng "Marcos! Marcos! Marcos pa rin!" Ang panunumpa ay ginawa ni
Marcos sa balkonahe ng palasyo ng Malacanang na isinahimpapawid ng IBC-13 at GMA-7.
[16]
Walang mga inanyayahang mga dayuhang dignitaryo ang dumalo sa seremonyang ito sa
kadahilang pangseguridad. Ang mag-asawang Marcos ay lumabas sa balkonahe sa harap ng mga
3000 loyalistang KBL na nagsisigawan kina Marcos na "Dakpin ang mga Ahas!". [25] Pagkatapos ng
panunumpa ay mabilis na umalis ang mag-asawa sa labas ng Palasyong Malacanang. Naputol ang
pagbrodkast nito noong kubkubin ng mga rebeldeng sundalo ang mga nalalabing mga estasyon.
Marami ding mga demonstrador ang nagmasa sa mga barikada sa kahabaan ng Mendiola, hindi
kalayuan mula sa Malakanyang, ngunit hinarang sila doon ng mga loyalistang mga sundalo.
Maraming mga demonstrador ang nagalit, ngunit inawat sila ng mga pari na nakiusap na huwag
maging marahas.[16]

Paglisan ng pamilya Marcos sa Pilipinas[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong alas-tres ng hapon ng Lunes (EST), kinausap ni Marcos ang Senador ng Estados Unidos na
si Paul Laxalt, para humingi ng payo mula sa White House.[25] Pinayuhan siya ni Laxalt ng "cut and
cut cleanly", na siyang kinalungkot ni Marcos. Bandang hapon, kinausap ni Marcos si Enrile para sa
kanyang ligtas na paglisan kasama ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaalyado gaya ni
General Ver. Sa hating gabi, dinala ng U.S. Airforce HH-3E Rescue helicopter ang pamilya ni
Marcos sa Clark Airbase Pampanga mga 83 kilometrong hilaga ng Maynila bago sumakay sa mga
eroplanong US Air Force DC-9 Medivac at C-141B patungo sa Andersen Air Force Base sa Guam,
at papunta naman sa Hickam Air Force Base sa Hawaii kung saan dumating si Marcos noong 26
Pebrero 1986.[16]
Marami ang nagsisaya sa paglisan ni Marcos. Napasok na rin ng mga demonstrador ang Palasyo ng
Malakanyang, na matagal na ipinagkait sa mga ordinaryong mamamayan sa nakaraang dekada.
Maliban sa mga naganap na nakawan, marami din ang nagsilibot sa loob ng isang lugar kung saan
binago ang kasaysayan ng bansa.

Maging ang buong mundo ay nagsaya. Ayon kay Bob Simon, isang tagapagbalita ng CBS na isang
estasyon sa Amerika, ang nagsabi "We Americans like to think we taught the Filipinos democracy;
well, tonight they are teaching the world." ("Gusto naming mga Amerikano na isipin na kami ang
nagturo sa Pilipinas ng demokrasya, ngunit ngayong gabi tinuturuan nila ang buong mundo.")

Bilang Pangulo[baguhin | baguhin ang batayan]


Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]
Sa pagluklok ni Corazon Aquino bilang pangulo, agad niyang tinugunan ang utang pandayuhang 28
bilyong dolyar na nalikom ng nakaraang pangulong si Ferdinand Marcos na masamang dumungis sa
katayuang internasyonal na kredito ng Pilipinas. Binayaran ng administrasyong Aquino ang 4 bilyong
dolyar ng 28 bilyong utang ng Pilipinas sa dayuhan ngunit humiram rin ang administrasyong Aquino
ng 9 bilyon na nagpataas ng utang ng Pilipinas ng 5 bilyong dolyar. Sa ilalim ng pamumuno ni
Aquino mula 1986 hanggang 1992, ang aberaheng paglago ng GDP ay 3.4 porsiyento.[26] Noong
1989, ang administrasyong Aquino ay pinautang ng IMF ng 1.3 bilyong dolyar sa kondisyong ang
liberasyon ng ekonomiya ay ipagpapatuloy nito at pagsasapribado ng mga pribadong
industriyang ginawang pag-aari ng pamahalaan ni Marcos. Ang ekonomiya ay lumago ng 3.4
porsiyento sa kanyang unang taon sa opisina ngunit ang pagtatangkang coup noong 1989 ay
nagsanhi ng pagtigil ng paglago nito. Ang paglago ng ekonomiya ay may aberaheng paglago na 3.4
porsiyento sa buong anim na taon ng pamumuno ni Aquino. Ang mga 50 porsiyento ng populasyon
ay nasa sa ilalim ng linya ng kahirapan na sinasabing pagbuti mula 1985 nang ang halos 60
porsiyento ay nasa ilalim ng kahirapan.[27] Hindi rin nalutas ang pagiging hindi pantay ng sahod ng
mamamayan. Sa huling taon ni Aquino, ang implasyon ay nasa 17 porsiyento at ang kawalang
trabaho ay 10 porsiyento. Sinikap ni Aquino na kalasin ang mga cartel, mga monopolyo at
mga oligopolyo ng mga industriya na itinatag ng mga crony ni Marcos lalo na sa mga industriyang
buko at asukal.[27] Noong 1986, nangako si Aquino ng isang reporma sa lupain. Bago ng pagluklok ni
Aquino, ang halos 20 porsiyento ng populasyon ay nagmamay-ari ng 80 porsiyento ng lupain.
[27]
Noong 1988 ay nilagdaan ni Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Program na ipinasa
ng Kongreso ng Pilipinas na pinanaigan ng mga kasaping mambabatas nitong nagmamayari ng mga
lupain.[27] Ang batas ay nagbabahagi ng mga lupain sa mga manggagawang magsasaka mula sa
mga may ari ng lupain na babayaran ng pamahalaan ngunit pumapayag rin sa mga may ari ng
lupain na magpanatili ng hindi higit sa 5 hektarya ng kanilang lupain. Sinasabing ang batas na ito ay
kumikiling sa mga may ari ng lupain gaya ng opsiyong pagbabahagi ng stock na pumapayag sa mga
may ari ng lupain na makaiwas sa pagbebenta ng kanilang lupain at sa halip ay magbabahagi ng
stock sa kanilang mga manggagawa sa loob ng 30 taon. Ito ay nag-iwan pa rin sa mga may ari ng
mga malalaking pribadong lupain at kanilang mga pamilya na may kontrol ng kanilang lupain.
Ang Hacienda Luisita na isang 4,435-hektaryang lupain na pagmamayari ng pamilya ni Corazon
Aquino sa Tarlac ay hindi ipinamahagi sa mga manggagawa nito ngunit namahagi lamang ng stock
sa mga manggawa nito. Marami ring mga may ari ng lupain ay sumunggab sa pagkakataon na
ipagbili ang mga hindi kanais nais nilang lupain sa pamahalaan sa labis na mataas na halaga.
Inangkin ng mga administrador ni Aquino na nailipat nila ang halos isang milyong hektarya ng lupain
mula 1998 hanggang 1992 ngunit ang kalahati nito ay mula sa hindi produktibong lupain at kaunti ng
2 porsiyento nito ang inaatas. Nabigo ang pamahalaan ni Aquino na makaakit ng pamumuhanang
pandayuhan sa panahon ng pagsulong ng mga nito sa Timog Silangang Asya.[27] Ang mga karatig na
bansa ay lumago mula sa mga pamumuhanang ito samantalang ang Pilipinas ay nanatiling
matamlay. Sinasabing ang Pilipinas ay nalampasan ng mga pamumuhunang pandayuhan dahil sa
kawalang katiyakan ng politika sa Pilipinas gayundin sa mga naglilimitang mga regulasyon ng
pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa pamumuhunang pandayuhan. [27] Sa ilalim ni Aquino, ang mga
sistema ng korupsiyon ng nakaraang administrasyon ni Ferdinand Marcos ay hindi rin nasugpo at
ang cronyismo, padrino at paboritismo ay nananatiling nasa lugar.[28]

Kamatayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Libingan ni Cory sa tabi ng kanyang asawang si Ninoy.

Noong 24 Marso 2008, napabalita na mayroong kanser sa kolon (cancer sa colon), isang sakit
sa bituka, ang dating pangulo. Siya ay namatay noong 1 Agosto 2009 sa sakit na ito sa edad na 75.
[29][30]

Fidel V. Ramos
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Fidel Ramos)

Fidel V. Ramos

Ika-12 Pangulo ng Pilipinas


Ikalawang Pangulo ng Ikalimang Republika
Panunungkulan
30 Hunyo 1992 30 Hunyo 1998

Pangalawang Pangulo

Joseph Ejercito Estrada

Sinundan si

Corazon C. Aquino

Sinundan ni

Joseph Ejercito Estrada

Kapanganakan
Partidong politikal
Asawa
Hanapbuhay
Relihiyon

18 Marso 1928 (86 taong gulang)


Lakas-Christian Muslim Democrats
Amelita Martinez
Militar
United Methodist

Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak 18 Marso 1928) ay ang ikalabingdalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Hunyo 1992 30 Hunyo 1998).
Sa ilalim ni Ferdinand Marcos, siya ay inatasan na maging pinuno ng Philippine Constabulary noong
1972, hepe ng Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas
noong 1981.
Sa ilalim ni Corazon Aquino, siya ay nagsilbing chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at
kalaunang Kalihim ng Pambansang Pagtatanggol.
Siya ay nahalal na Pangulo ng Pilipinas noong 1992.
Mga nilalaman
[itago]

1 Talambuhay

2 Karerang militar

3 Himagsikang People power

4 Chief of Staff ng Sandatahang Lakas at Kalihim ng Pambansang Pagtatanggol

5 Bilang Pangulo (19921998)


o

5.1 Ekonomiya
6 Sanggunian

7 Mga panlabas na kawing

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]


Isinilang siya noong 18 Marso 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina
Narciso Ramos at Angela Valdez.
Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng
masteral ng civil engineering saUniversity of Illinois, Masters in Business Administration
sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry training at kursong Special
Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia.
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ng Sandatahang
Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam. Naging tanyag siya sa
pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong tumalo sa pwersang komunista ng
mga Tsino sa Labanan sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at parangal na natanggap niya
bilang sundalo ang Philippine Legion of Honor, ang Gold Cross, ang Philippine Military Merit Medal,
ang United States Legion of Merit, ang French Legion of Honor at ang U.S. Military Academy
Distinguished Award.
Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na babae.

Karerang militar[baguhin | baguhin ang batayan]


Sa ilalim ni Ferdinand Marcos na ikalawang pinsan ni Ramos, si Ramos ang namuno sa Philippine
Constabulary o PC na sa panahong ito ay ang pangunahing serbisyo ng Sandatahang Lakas ng
Pilipinas na nagsisilbing pambansang kapulisan noong 1972 nang ipataw ni Marcos ang Martial
Law. Ito sumusugpo sa komunismo at mga kaguluhan sa bansa. Sinasabing si Ramos bilang chief
ng PC at isa sa mga nagpapatupad ng Martial Law ay responsable sa pagdakip ng mga kalabang
pampolitika ni Marcos, mga aktibista, mga nagpoprotesta, mga komunista at mediang bumabatikos
kay Marcos. Gayunpaman, sinasabing siniguro ni Ramos na mapoprotektahan ang mga karapatan
ng mga nabilanggo sa ilalim ng Martial Law.
Si Ramos ay naging kandidato bilang bagong Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
noong 1981 ngunit pinili ni Marcos si Fabian Ver na maging chief of staff nito. Si Ramos ay hinirang
na vice-chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas noong 1982. Si Ramos ay naging acting
chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas noong 1985 ngunit si Ver ay muling ibinalik bilang
chief of staff matapos na mapawalang sala ito sa kaso ng pagpatay kay Ninoy Aquino.

Himagsikang People power[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong 22 Pebrero 1986, si Ramos kasama ni Enrile ay nagprotesta laban sa sinasabing pandaraya
ni Ferdinand Marcos sa snap election laban kay Corazon Aquino. Kanilang inurong ang kanilang
pagsuporta kay Marcos at sumuporta kay Corazon Aquino. Ang pamilya Marcos ay napilitang
lumikas sa Hawaii, Estados Unidos dahil sa 1986 people power at si Aquino ang naging pangulo ng
bansa.

Chief of Staff ng Sandatahang Lakas at Kalihim ng Pambansang


Pagtatanggol[baguhin | baguhin ang batayan]
Sa ilalim ni Aquino, si Ramos ay hinirang na Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Siya
ay kalaunang hinirang ni Aquino na Kalihim ng Pambansang Pagtatanggol. Sa panahong ito,
hinawakan ni Ramos ang mga operasyong militar na sumugpo sa 9 na pagtatangkang coup laban
sa pamahalaan ni Aquino.

Bilang Pangulo (19921998)[baguhin | baguhin ang batayan]


Si Ramos ay tumakbo at nagwagi sa 1992 halalan ng pagkapangulo.

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]


Ipinatupad ni Pangulong Fidel Ramos ang inatas ng IMF-World Bank na programang repormang
tinatawag na "Philippines 2000" na naglalayong baguhin ang ekonomiyang batay sa agrarian tungo
sa isang industriyal na pinapatakbo ng pamilihan.[1] Sa ilalim ng pamumuno ni Ramos mula 1992
hanggang 1998, ang aberaheng paglago ng GDP ay 3.1 porsiyento.[2] Tinangka ng administrasyong
Ramos na akitin ang pamumuhunan ng mga dayuhan sa pamamagitan ng mga reporma sa batas at
piskal na nagpapanatili sa mga sahod na mababa at nagpapalawig ng sonang nagpoproseso ng
pagluluwas. Ang mga kasuotan at elektronics ay bumubuo ng 50 porsiyento ng mga pagluluwas ng
Pilipinas. Binuwag ni Ramos ang mga monopolyo at ginawang pribado ang mga mahahalagang
industriya. Gaya ni Corazon Aquino, umutang si Ramos mula sa IMF upang bayaran ang utang
pandayuhan ng Pilipinas. Sinasabing ang paglago ng utang pandayuhan ng Pilipinas ay kawalang
kakayahan ng pamahalaan na lumikom ng mga buwis at ang Pilipinas ay may pinakamataas na rate
ng pagtakas sa pagbabayad ng buwis sa Asya. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay nakasalalay pa rin sa
4.2 milyong mga OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa na nagpapadala ng kanilang sahod sa
Pilipinas. Ang mas maraming mga Pilipino ay nagtatrabaho sa ibang bansa kesa sa buong sektor ng
pagmamanupaktura sa Pilipinas. Noong 1996, ang GNP rate ay 7.2 porsiyento at ang GDP at 5.2
porsiyento. Ang implasyon ay bumagsak sa 5.9 porsiyento mula sa 9.1 porsiyento noong 1995.
Ang Krisis Pinansiyal sa Silangang Asya noong 1997 ay muling nagpabagal ng pag-unlad ng
Pilipinas. Ang deficit ng Pilipinas noong 1998 ay umabot ng P49.981 bilyong mula sa surplus na
P1.564 bilyon noong 1997. Ang piso ay bumagsak sa P40.89 kada dolyar mula P29.47 kada dolyar.

Joseph Estrada
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Joseph Ejercito Estrada)

Joseph Ejercito Estrada

Ika-13 Pangulo ng Pilipinas


Ikatlong Pangulo ng Ikalimang Republika
Panunungkulan
30 Hunyo 1998 20 Enero 2001
Pangalawang Pangulo

Gloria Macapagal-Arroyo

Sinundan si

Fidel V. Ramos

Sinundan ni

Gloria Macapagal-Arroyo

Ika-11 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas


Ikalawang Pangalawang Pangulo ng Ikalimang Republika
Panunungkulan
30 Hunyo 1992 30 Hunyo 1998
Sinundan si

Salvador H. Laurel

Sinundan ni

Gloria Macapagal-Arroyo

Kapanganakan

19 Abril 1937 (77 taong gulang)


Tondo, Manila

Partidong politikal
Asawa
Hanapbuhay
Relihiyon

Partido ng Masang Pilipino(PMP)


Luisa Pimentel
Aktor
Katoliko

Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak 19 Abril 1937), na mas kilala bilang Joseph Ejercito
Estrada, o Erap[1] ang ika-13 Pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001. Siya ay nahalal na
Mayor o Alkalde ng Maynila noong 13 Mayo 2013.
Siya ay isang dating aktor at nagsilbi bilang alkalde ng San Juan, senador at pangalawang pangulo
bago naging pangulo ng Pilipinas noong 1998. Siya ay napatalsik sa pagkapangulo noong 2001
matapos akusahan ng korupsiyon na humantong saimpeachment at pagpoprotesta ng mga tao sa
tinatawag na "EDSA II". Siya ay nahatulang nagkasala sa kaso ng pandarambongat nahatulan
ng Reclusion perpetua. Siya ay humiling ng kapatawaran at pinatawad ni Gloria Arroyo noong 2007.
Mga nilalaman
[itago]

1 Talambuhay

2 Alkalde ng San Juan

3 Senado

4 Pangalawang Pangulo

5 Bilang pangulo (19982001)


o

5.1 Ekonomiya
6 Akusasyon ng korupsiyon

6.1 Pag-aresto kay Estrada

6.2 Pagsasakdal kay Estrada sa mga kasong pandarambong at perjury

6.3 Hatol kay Estrada sa kaso ng pandarambong

7 2010 halalan ng pagka-Pangulo

8 2013 halalan ng pagka-alkalde ng Maynila

9 Mga pelikula

10 Talababa

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]


Si Joseph Estrada ay ipinanganak noong 19 Abril 1937 sa Tondo, Maynila kina Emilio Ejercito, Sr.,
na isang inhinyero at Maria Marcelo. Siya ay pinatalsik sa kanyang mga pag-aaral na pang-primarya
sa Ateneo de Manila University at kalaunang pumasok sa kursong inhinyerya sa Mapua Institute of
Technology. Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang
Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula, karamihan sa
mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel ng
mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang ilan sa
pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula. Si Estrada ay
nagpakasal kay Dr Lusa "Loi" Pimentel Estrada at nagkaroon ng 3 anak: sina Jinggoy Estrada,
alkalde ng San Juan (19922001) at Senador (2004), Jackie Ejercito (na ikinasal kay Beaver Lopez
na anak ng Meralco chairman Manuel Lopez) at Jude Ejercito. Si Estrada ay may lima pang ibang
mga anak sa ibang mga babae: sina JV Ejercito, Jojo Ejercito sa dating modelong si Joy Rowena, si
Jerika, Jake at Jacob Ejercito sa dating aktres na si Laarni Enriquez. Si Estrada ay kapatid ng aktor
na si George Estregan at tiyuhin ng aktor na si Gary Estrada.

Alkalde ng San Juan[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong 1968, si Estrada ay tumakbo sa halalan ng pagka-alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila.
Siya ay natalo kay Dr. Braulio Sto. Domingo. Gayunpaman, si Estrada ay pinroklamang nagwagi
matapos niyang magsampa ng protestang elektoral. Si Estrada ay nagsilbing alkalde ng 16 na taon.
Noong 1977, pinarangalan siya bilang "Outstanding Mayor and Foremost Nationalist" ng InterProvincial Information Service at ng sumunod na taon bilang "Most Outstanding Metro Manila
Mayor" ng Philippines Princetone Poll.
Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C. Aquino bilang pangulo
ng Pilipinas pagkaraang napatalsik Ferdinand E. Marcos sa pwesto noong 25 Pebrero 1986 sa
pamamagitan ng People Power Revolution.

Senado[baguhin | baguhin ang batayan]


Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na nahalal
sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Sa 24 kandidato para sa senado, si Estrada ang ika16 kandidatong may pinakamataas na boto.
Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural Development, and Public
Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on Health, Natural Resources and
Urban Planning. Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa agrikultura,
mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta sa kalabaw. Noong 1989,
tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa Three Outstanding Senators of the Year.

Bilang senador, bumoto siyang tapusin na ang Kasunduang baseng militar ng Estados Unidos at
Pilipinas na nagresulta sa pag-alis ng mga Amerikanong servicemen sa Clark Air Base sa
Pampanga at Subic Naval Base sa Zambales.

Pangalawang Pangulo[baguhin | baguhin ang batayan]


Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Presidente ang kaniyang popularidad
bilang aktor noong halalan ng Pangalawang Panguluhan noong 1992. Siya ay nagwaging
pangalawang pangulo ngunit ang kanyang running mate na si Danding Cojuangco ay natalo sa
pagkapangulo kay Fidel Ramos. Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang
Komisyon Laban sa Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997.

Bilang pangulo (19982001)[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ng Makabayang Masang
Pilipino (LAMMP). Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% ng lahat ng boto. Ang kanyang
islogan sa kanyang panganampanya ang "Erap Para sa Mahirap". Sa kanyang talumpati sa
inaugurasyon noong 30 Hunyo 1998, isinaad ni Estrada:

Ngayon pa lamang, ang mga kamag-anak ko ay nilalapitan na ng kung sinu-sino.

Binabalaan ko sila: ang kanilang inilalapit ay ebidensiyang gagamitin ko sa pag-u

Sa aking administrasyon, walang kaibigan, walang kumpare, walang kamag-anak

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong 1998, sinubukan ni Pangulong Estrada na ipagpatuloy ang reporma ng nakaraang
Pangulong si Fidel Ramos. Sa ilalim ng pamumuno ni Estrada mula 1998 hanggang 2000, ang
aberaheng paglago ng GDP ay 2.9 porsiyento.[3] Ang administrasyong Estrada ay inakusahan
ng cronyism, korupsiyon at inkompetensiya na nagdulot ng kawalang pagtitiwala ng mga imbestor
na dayuhan. Ito ay karagdagang napinsala nang sa kanyang ikalawang taon, si Estrada ay
inakusahan ng paggamit ng impluwensiya niya sa imbestigasyon ng isang kaibigang nasangkot sa
pagmamanipula ng stock market. Ang mga kaguluhan gaya ng mga pambobomba, mga pagdukot,
mga klima at iba pa ay nag-ambag sa mga problema sa ekonomiya. Tungo sa dulo ng
administrasyon ni Estrada, ang deficit ay dumoble sa 100 bilyong dolyar mula 49 bilyong dolyar
noong 1998. Gayunpaman, ang rate ng GNP noong 1999 ay tumaas sa 3.6 porsiyento mula 0.1
porsiyento noong 1998 at ang rate ng paglago ng GDP ay 3.2 porsiyento mula sa -0.5 porsiyento
noong 1998. Ang utang ng bansa ay umabot sa 2.1 trilyong piso noong 1999. Ang utang sa loob ng
bansa ay P986.7 bilyong piso samantalang ang utang sa mga dayuhan ay umabot sa US$52.2
bilyong dolyar. Ang impeachment ni Estrada dahil sa korupsiyon at ang ang kanyang pag-alis sa
puwesto ay nagdulot ng mababang pag-unlad.

Akusasyon ng korupsiyon[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong Oktubre 2000, ibinunyag ng malapit na kaibigan ni Estrada na si Chavit Singson, na kanyang
personal na ibinigay kay Pangulong Estrada ang P400 milyong kabayaran para sa jueteng gayundin
ang P180 milyon mula sa subsidiya ng presyo ng pamahalaan para sa kooperatibang marketing ng
mga magsasaka ng tabako. Ito ay humantong sa paghahain ng impeachment laban kay Estrada
noong 13 Nobyembre 2000. Sina Rep. Heherson Alvarez, Teodoro Casio at Teresita Quintos Deles
ay naghain ng reklamo laban kay Estrada sa mga sumusunod na kadahilanan [4]:panunuhol,
pagtanggap ng jueteng payola ng P10 milyon kada buwan mula sa mga jueteng lord, pagkuha ng

P130 milyon mula sa buwis ng tabako na sinasabing para sa mga gastusin ng halalang
pagkapangulo noong 1998,direktang paglahok sa negosyong real estate ng kanyang pamilya na
nagtayo ng mga 36 townhouse sa Vermont Park Executive Village, Antipolo City, panunumpa sa
kanyang SALN na may mga negosyong interes pampamliya sa tatlo lamang mga kompanya
bagaman ayon sa rekord ng gobyerno ay isa siyang shareholder, ang kanyang asawa, mga kerida at
kanilang mga anak sa 59 ibang mga kompanya, pagtatangkang ipawalang sala si Dante Tan na
kaibigan ni Estrada mula sa mga akusasyon ng insider trading at manipulasyon ng presyo ng stock
ng Best World Gaming, pagtatakip sa sinasabing mga pang-aabuso ng kanyang dalawang anak na
lalake na sina Jinggoy Estrada na nakipag-away sa mga doktor sa isang hospital emergency room
at Jude Estrada na nagpalipad ng eroplano ng pamahalaan sa Cagayan de Oro at umalis ng hindi
nagbayad sa kanyang mga hotel at restaurant bill, paghirang sa kanyang pinsang si Cecilia Ejercito
de Castro bilang presidential assistant bagaman inangking hindi niya siya kilala sa kasagsagan ng
1998 textbook scandal, paghirang sa "higit sa isang daang mga kumpare bilang mga presidential
adviser, mga consultants at mga assistant", mabilis na lumagong mga ari-arian sa mga negosyo ng
kanyang pamilya, mismong sumali sa negosyo at kanyang pamilya at mga kaibigan, paglabas ng
P100 milyon sa charity sweepstakes funds sa iasng foundation sa address ng kanyang tahanan,
paglabag sa panunumpa sa opisina nang magkaloob siya ng mga ini-smuggle na luxury van sa mga
kasapi ng kanyang gabinete at paglabag sa isang 1994 desisyon ng korte suprema sa pamamagitan
ng pahirang kina Ramon Cardenas, Magdangal Elma, Robert Aventajado, Ric Tan Legada,
Gaudencio Mendoza, at Raul de Guzman sa maraming mga posisyon sa gobyerno. Ang
impeachment court ay pinangasiwaan ng punong mahistradong Hilario Davide, Jr.. si Estrada ay
nagplead ng "hindi guilty" at umupa kina dating punong mahistradong Andres Narvasa at Estelito
Mendoza bilang kanyang mga abogado. Sa impeachment kay Estrada noong Disyembre 22,
si Clarissa Ocampo na senior vice president ng Equitable PCI Bank ay nagpatotoo na si Estrada ay
may layong isang talampkan mula sa kanya nang lagdaan ni Estrada ang ang mga dokumentong
"Jose Velarde" na kinasasangkutan ng P500 milyong kasunduang pamumuhunan sa kanilang
bangko noong Pebrero 2000. Ang unang envelope na binuksan ng tribunal ng nakaraang buwan ay
naglalaman ng mga bank record ng Jose Velarde account na kinabibilangan ng isang isang trust
account na pinatotohanan ni Ocampo. Sa impeachment court, ang Senado ay bumoto ng 1110 na
huwag buksan ang ikalawang envelope na naglalaman ng mga detalye ng mga account ni Jose
Velarde sa EquitablePCI Bank. Noong 2001, tinukoy ni Internal Revenue Deputy Commissioner
Lilian Hefti ang Jose Velarde bilang bahagi ng mga ari-arian ni Joseph Estrada(aka Jose Velarde at
Kelvin Garcia).[5] Natuklasan rin ang P1.107 bilyon sa cash at mga ari-arian sa isa pang "Jose
Velarde" account sa Banco de Oro.[5] Inangkin rin ng Wellex Group Inc. (TWGI) na pag-aari ni
William Gatchalian na si Estrada ang tunay na may-ari ng Jose Velarde account. [6]
Mga senador na bumoto para buksan
ang ikalawang envelope

Mga senador na bumoto laban sa pagbukas


ng ikalawang envelope

1. Rodolfo Biazon

1. Robert Jaworski, Sr.

2. Renato Cayetano

2. Blas Ople

3. Franklin Drilon

3. Juan Ponce-Enrile

4. Juan Flavier

4. Vicente "Tito" Sotto III

5. Teofisto Guingona, Jr.

5. Anna Dominique "Nikki" Coseteng

6. Loren Legarda

6. John Henry Osmea

7. Ramon Magsaysay, Jr.

7. Gregorio "Gringo" Honasan

8. Sergio Osmea III

8. Teresa "Tessie" Aquino-Oreta

9. Aquilino Pimentel, Jr.

9. Ramon Revilla, Sr.

10. Raul Roco

10. Francisco "Kit" Tatad


11. Miriam Defensor-Santiago

Pagkatapos ng boto laban sa pagbukas ng ikalawang envelope, si Sen. Aquilino Pimentel, Jr. ay
nagbitiw bilang pangulo ng Senado at lumayas kasama ng mga 9 na senador ng oposisyon at mga
11 prosecutor. Ang mga pangyayaring ito ay humantong sa 3 araw na pagpoprotesta ng mga tao. Sa
makasaysayang EDSA Shrine na lugar ng 1986 People Power na nagpatalsik kay Ferdinand
Marcos, ang mga daan daang tao ay nag-rally na humihiling kay Estrada na magbitiw. Ang mga
estudyente, mga propesyonal at iba't ibang mga pangkat sibiko ay sumali sa tinatawag na "EDSA II".
Ang bilang ng mga nagpoprotesta ay lumago mula sa daan daan hanggang libo libo sa ilang mga
araw. Ang mga rally ay idinaos rin ng sabay sa mga probinsiya sa Visayas at Mindanao. Noong 19
Enero 2001, ang Hepe ng Armed Forces of the Philippines na si Angelo Reyes ay sumali sa mga
pagtitipon sa EDSA na naghahayag na ang 113,000 kasapi ng Armed Forces of the Philippines ay
nag-uurong ng kanilang suporta kay Estrada. Noong Enero 20,100, ang balita ay dumating sa mga
nagtipong mga tao sa EDSA na si Estrada ay nagbitiw na. Pagkatapos ng pagdedeklara ng Korte
Suprema na bakante na ang upuan ng pangulo, pinanumpa ni Chief Justice Hilario Davide ang
kahalili ni Estrada ayon sa konstitusyon na si Gloria Macapagal-Arroyo bilang pangulo ng Pilipinas.
Pagkatapos nito, inangkin ni Estrada na siya ay kumuha ng isang leave of absence mula sa
pagkapangulo noong 20 Enero 2001 at nilisan ng temporaryo ang Malacaang.
Noong Pebrero 2001, ang ikalawang envelope ay binuksan ng Senado na nagpapakita ng kaunting
higit sa P1 bilyong deposito ni Estrada sa Equitable PCI Bank sa ilalim ng pangalang "Jose Velarde"
at isang liham mula sa kanyang crony si Jaime DiChaves na nag-angking siya si Velarde. [7] Ang mga
dokumento sa ikalawang envelope ay nagpapakita na ang 27 tseke na nagkakahalaga ng P175
million ay winithdraw mula sa Allied Bank head office branch account ng isang "Kelvin Garcia" na isa
pang pekeng pangalang ginamit ni Estrada at diniposito sa "Jose Velarde" account. [8] Ang 9 sa mga
tseke para kay "Kelvin Garcia" ay may kabuuang P10 milyon, lima para sa P5 milyon at tatlo para sa
P20 milyon. Noong 2002, nagpatotoo si Manuel Curato, head of legal services sa Equitable
PCIBank na nilagdaam ni Estrada ang pangalang "Jose Velarde" ng mga 15 beses sa mga anim na
iba't ibang dokumento ng bangko sa Malacaang Guest House "hindi bilang isang guarantor ngunit
ang prinsipal na tagpagpautang".[9] Inamin ni Estrada na kanyang nilagdaan ang "Jose Velarde"
account sa Equitable-PCI Bank na nagkakahalagang 3.2 bilyong piso ngunit itinangging pag-aari
niya ito.[10] Kinumpirma rin ni Estrada ang patotoo ni Ocampo na siya ay "may layong isang
talampakan" mula kay Ocampo nang kanyang lagdaan ang mga dokumento ng bangko bilang "Jose
Velarde" noong 4 Pebrero 2000 at ito ay nangyari sa Malacanang Guest House at nasaksihan nina
Manuel Curato, chief of staff, Aprodicio Laquian at abogadong si Fernando Chua. [10]Inangkin ni
Estrada na kanyang nilagdaan ang mga dokumento ng bangko bilang guarantor para sa isang 500

milyong utang na kinukuha ni William Gatchalian mula kay Jaime DiChaves. [8] Nagpatotoo sina
Ocampo at Curato na naglagda si Estrada bilang Jose Velarde sa ilalim ng mga nakaprintang
salitang "the principal(s) by" sa Investment Management Agreement (IMA) ng bangko. [8] Hindi
sinalungat ni Jaime diChaves ang desisyon ng korte na si Estrada ang may-ari ng Jose Velarde
account.[11]

Pag-aresto kay Estrada[baguhin | baguhin ang batayan]


Si Estrada ay dinakip noong 25 Abril 2001 sa kanyang bahay sa San Juan sa kaso
ng pandarambong na inihain sa kanya ng Sandiganbayan. Sa pagkaalaam ng mga tagasuporta ni
Estrada ng pagdakip na ito, sila ay tumungo sa EDSA na humihiling sa kanyang pagpapalaya at
pagbabalik sa pagkapangulo. Noong 1 Mayo 2001, ang mga nagpoprotestang pro-Estrada ay
pumunta sa Malacanang na sumisigaw ng "EDSA III". Ang karahasan ay sumiklab sa pagitan ng
kapulisan at mga nagpoprotestang pro-Estrada na nagtulak sa pamahalaan na magdeklara ng isang
State of Rebellion. Nagawang sugpuin ng militar ang paghihimagsik. Ang marami sa mga
tagasuporta ni Estrada ay dinakip kabilang ang mga politikong sinasabing humikayat ng kaguluhan.
Si Estrada ay gumugol ng 6 na taon sa pagkakabilanggo, una sa Veterans Memorial Medical Center,
pagkatapos ay sa Camp Capinpin sa Tanay at sa huli ay sa kanyang Tanay rest house.

Pagsasakdal kay Estrada sa mga kasong pandarambong at


perjury[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang paglilitis ni Estrada ay naantala dahil ang kanyang mga abogado ay naghain ng petisyon na
kanselahin ang paglilitis. Noong 10 Hulyo 2001, mga ilang oras bago ang panibagong skedyul ng
kanyang pagsasakdal sa Sandiganbayan, ang kanyang mga abogado ay nagharin ng mosyon sa
Korte Suprema upang ideklara na ang paglilitis sa Sandiganbayan ay hindi konstitusyonal. Dahil
hindi nakapagpasa ang Korte Supre ng hatol sa mosyon sa panahon ng pagdinig sa
Sandiganbayan, si Estrada ay sinakdal sa mga kaso ng pandarambong at perjury sa kabila ng
kanyang pagtanggi na pumasok sa isang plea dahil hindi niya kinilala ang autoridad ng korte. Ang
kanyang kapwa-inakusahang sina Jinggoy Estrada at abogadong si Eduardo Serapio ay tumanggi
ring pumasok sa isang plea at kaya ang Korte ay nagpasok ng isang plea na "hindi guilty" sa lahat
ng akusado. Noong 19 Nobyembre 2001, ang Korte Suprema ay nagpasa ng hatol na ang R.A.
7080 o Plunder Law na inamiyendahan ng R.A. 7659 ay konstitusyonal at kaya ay nagbabasura sa
kawalan ng merito ng petisyon ni Estrada na ang batas ay hindi konstitusyonal.

Hatol kay Estrada sa kaso ng pandarambong[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong 7 Setyembre 2007, ang korteng anti-korupsiyon ng Sandiganbayan na pinangunahan ni
Teresita De Castro ay naghayag na ang korte ay magpopromulga ng isan ghatol sa Setyembre 12
Setyembre 2007 para sa 6 na taong paglilitis sa mga kasong pandarambong kay Estrada. Ang mga
hatol ay ibababa rin sa kanyang dalawang kapwa akusado. Noong 12 Setyembre 2007, pinawalang
kaso ng Sandiganbayan si Estrada sa mga kaso ng perjury para sa hindi niya pagdedeklara ng
kanyang katayuang pinansiyal sa kanyang SALN. Gayunpaman, siya ay hinatulang "nagkasala ng
lagpas sa makatwirang pagdududa" para sa kaso ng pandarambong na gumagawa sa kanyang
unang pangulo ng Pilipinas na nahatulan ng gayong krimen. Si Estrada ay hinatulan ng reclusion
perpetua at walang katapusang diskwalipikasyon sa pagtakbo sa halalan ng opisinang pampubliko.
Isinaalang-alang ng korte ang 6 na taong pagkabilanggo ni Estrada bilang panahong pinagsilbihan
ngunit hindi maliwanag kung siya ay karapat dapat sa parole. Nagpasya rin ang korteng anti-graft
ang pagsuko ng kanyang mga bank account sa gobyerno na nagkakahalagang 542 milyon piso
kabilang ang mga interes, ang kanyang mga Jose Velarde account na nagkakahalagang 189
milyong pisa kabilang ang mga interest, ang Boracay mansion sa New Manila, Quezon City. Si
Estrada ay napawalang sala sa kaso ng perjury para sa hindi totoong pagdedeklara ng
kanyang SALN habang siya ay pangulo. Sina Jinggoy at Serapio ay napawalang sala. Ang isa pang
akusadong si Charlie "Atong" Ang ay nahatulan ng hanggang 6 na taon sa bilanggo at nasa

probasyon mula Marso 2007, Ang ibang mga kapwa akusadong sina Yolanda Ricaforte, Jaime
Dichaves, Alma Alfaro, Eleuterio Tan, at Delia Rajas ay nakakalaya pa rin at hindi nasakdal.

2010 halalan ng pagka-Pangulo[baguhin | baguhin ang batayan]


Pangunahing lathalain: Halalan para sa Pagkapangulo ng Pilipinas, 2010
Noong 2010, si Estrada ay tumakbo sa halalan ng pagka-Pangulo at nagkamit ng ikalawang
pinakamataas na boto na 9,487,837 o 26.25% ng kabuuang boto. Bago ng halalan, naghain ng
magkakahiwalay na mga petisyon ang mga abogadong sina Ely Pamatong, Evelio Formento at Mary
Lou Estrada na naghahangad na idiskwalipika si Estrada sa halalan ngunit ibinasura ng COMELEC
"dahil sa kawalan ng merito". Ayon sa mga petisyon, si Estrada ay pinagbabawalan tumakbo sa
halalan ng pagkapangulo dahil sa pagbabawal ng Saligang Batas ng Pilipinas sa mga dating
pangulo na muling tumakbo sa halalan ng pagkapangulo.

2013 halalan ng pagka-alkalde ng Maynila[baguhin | baguhin ang


batayan]
Si Estrada ay tumakbo at nagwagi sa halalang pagka-alkalde o mayor ng Maynila laban sa
nakaupong Alkaldeng si Alfredo Lim noong 13 Mayo 2013. Siya ay nagkamit ng 343,993 boto laban
sa 308,544 boto ni Lim. Bago ng halalan, naghain ang abogado ni Lim na si Alicia Risos-Vidal ng
petisyon na naghahangad idiskwalipika si Estrada sa pagtakbo sa halalan dahil sa kanyang
kombiksiyon sa kaso ng pandarambong at parusang habang buhay na pagkabilanggo at dahil ang
pagpapatawad ni Gloria Macapagal-Arroyo kay Estrada ay hindi nagbabalik ng kanyang mga
karapatan sa muling pagtakbo sa pampublikong opisina. Ang petisyon ay ibinasura ng COMELEC.

Gloria Macapagal-Arroyo
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Gloria Arroyo)

Gloria Macapagal-Arroyo

Ika-14 na Pangulo ng Pilipinas


Ika-apat na Pangulo ng Ikalimang Republika
Panunungkulan
20 Enero 2001 30 Hunyo 2010
Pangulo

Joseph Ejercito Estrada

Pangalawang Pangulo

Teofisto Guingona (20012004)


Noli de Castro (20042010)

Sinundan si

Joseph Ejercito Estrada

Sinundan ni

Noynoy Aquino

Ika-12 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas


Ikatlong Pangalawang Pangulo ng Ikalimang Republika
Panunungkulan
30 Hunyo 1998 20 Enero 2001
Sinundan si

Joseph Ejercito Estrada

Sinundan ni

Teofisto Guingona

Kinatawan ng Ikalawang Distrito ngPampanga


Kasalukuyan
Panunungkulan
30 Hunyo 2010
Sinundan si

Kapanganakan

Mikey Arroyo

5 Abril 1947 (67 taong gulang)


San Juan, Rizal

Partidong politikal
Asawa
Hanapbuhay
Relihiyon

Lakas-KAMPI-CMD
Jose Miguel Arroyo
Ekonomista
Katoliko

Lagda

Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong
5 Abril 1947) ay ang ikalabing-apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (20 Enero 2001 30
Hunyo 2010). Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong
si Diosdado Macapagal.
Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod
bilang pangalawang kalihim atundersecretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pagtalaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992
hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph
Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng
korupsiyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng
Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad at sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa
Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa pamamagitan ng tinatawag
ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang demonstrasyon sa lansangan ng EDSA,
ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng
politika, negosyo, militar at ni Obispo Jaime Kardinal Sin ngSimbahang Katoliko [1]. Si Arroyo ay
pinanumpa bilang Pangulo ng noon ay Punong Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong 20 Enero
2001 sa gitna ng lipon ng mga tao ng EDSA II, ilang oras bago nilisan ni Estrada ang Palasyo ng
Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang pangulo sa loob ng anim na taon noong
kontrobersiyal na eleksiyon ng Pilipinas noong Mayo 2004, at nanumpa noon 30 Hunyo 2004.
Mga nilalaman
[itago]

1 Talambuhay

2 Senado

3 Ikalawang pangulo

4 Bilang Pangulo
o

4.1 2001-2004

4.2 2004-2010

4.3 Ekonomiya

4.4 Mga kontrobersiyang kinasangkutan

4.4.1 Jose Pidal scandal

4.4.2 Hello Garci scandal

4.4.3 Fertilizer fund scam

4.4.4 NBN-ZTE scandal

4.4.5 Pagsabotahe ng 2007 halalan

4.4.6 Le Cirque scandal


4.5 Lotto scandal

5 Kapulungan ng Kinatawan

6 Pagdakip at pagsasampa ng kasong korupsiyon

7 Mga panlabas na kawing

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]


Isinilang siya bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal sa amang politikong si Diosdado
Macapagal at sa asawa nitong siEvangelina Macaraeg-Macapagal. Kapatid siya nina Dr. Diosdado
"Boboy" Macapagal, Jr at Cielo Macapagal-Salgado. Una siyang nanirahan sa Lubao,
Pampanga kasama ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid mula sa unang asawa ng
kanyang ama.[2] Sa gulang na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa kanyang nanay
sa Lungsod ng Iligan.[3] Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati ang kanyang panahon
sa Mindanao at Maynila hanggang siya ay maging 11 gulang.[3] Matatas siyang manalita ng
Ingles, Tagalog, Kastila at iba pang wikang Pilipino, gaya ng Kapampangan, Ilokano at Sebwano.
Noong 1961, nang si Arroyo ay 14 taon gulang, nahalal ang ama niya bilang pangulo ng Pilipinas.
Lumipat ang kanilang pamilya sa Palasyo ng Malacaang. Isang bayan ang isinunod sa kanyang
pangalan, ang Gloria, Oriental Mindoro. Nag-aral siya saDalubhasaang Asuncion para sa kanyang
mababa at mataas na pag-aaral, at nakapagtapos ng valedictorian noong 1964. Nag-aral siya
pagkatapos noon sa Walsh School of Foreign Service ng Pamantasan Georgetown sa Washington
D.C. kung saan naging kamag-aral niya ang magiging pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton.
[4]
Natamo niya ang kanyang antas sa Batsilyer sa Sining ng Ekonomiks mula sa Dalubhasaang
Asuncion, at nakapagtapos bilang magna cum laude noong 1968.
Noong 1968, kinasal si Arroyo sa abogado at negosyanteng si Jose Miguel Arroyo ng Binalbagan,
Negros Occidental, na nakilala niya noong siya ay dalagita pa.[2] Nagkaroon sila ng tatlong anak,
sina Juan Miguel (ipinanganak 1969), Evangelina Lourdes (ipinanganak 1971) at Diosdado Ignacio
Jose Mara (ipinanganak 1974). Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at nakuha ang Master sa Antas ng
Ekonomiks sa Pamantasang Ateneo de Manila (1978) at Antas Doktoral sa Ekonomiks mula

sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman noong 1985.[5] Mula 1977 hanggang 1987, nagturo siya sa
ilang mga paaralan, kabilang na ang Unibersidad ng Pilipinas at sa Pamantasang Ateneo de Manila.
Naging tagapangulo rin siya ng Kagawaran ng Ekonomiks ng Dalubhasaang Asuncion.
Noong 1987, inanyayahan siya ni Pangulong Corazon Aquino na sumali sa pamahalaan
bilang Assistant Secretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Itinaas ang ang kanyang
posisyon bilang Undersecretary dalawang taon makalipas. Bilang kasabay na Tagapamahala
ng Garments and Textile Export Board, napalawig ni Arroyo ang industriya ng pananamit noong
huling bahagi ng dekada 80.

Senado[baguhin | baguhin ang batayan]


Si Arroyo ay tumakbo sa halalan ng Senado noong 1992 at nagwagi para sa 3 taong termino. Ayon
sa Saligang Batas ng 1987, ang una lamang 12 kandidatong may pinakamataas na boto ang
magsisilbi para sa 6 na taong termino ngunit si Arroyo ang ika-13 kandidatong may pinakamataas na
boto. Si Arroyo ay muling tumakbo sa senado noong 1995 at nakakuha ng pinakamataas na boto na
halos 16 milyong boto.[6]
Bilang mambabatas, naghain si Arroyo ng 400 mga saligang batas at naging may-akda o tumulong
sa pagtaguyod ng 55 mga batas noong kanyang panunungkulan niya bilang senador, kabilang na
ang Anti-Sexual Harassment Law, Indigenous People's Rights Law, at ang Export Development Act.
[2]

Ang 1995 Mining Act, na nagpapahintulot ng 100 % pag-aari ng mga banyaga sa mga kumpanyan
ng pagmimina sa Pilipinas, ay binatikos ng mga grupong makakaliwa.

Ikalawang pangulo[baguhin | baguhin ang batayan]


Naisipan ni Arroyo na tumakbo sa halalan ng pagkapangulo noong 1998 ngunit nahikayat siya ni
dating Pangulong Fidel Ramos at iba pang mga pinuno ng partidong Lakas-CMD na tumakbo na
lamang bilang ikalawang pangulo o bise presidente bilang running mate ni Jose de Venecia, Jr.[7]. Si
de Venecia ay natalo kay Joseph Estrada bilang pangulo ngunit si Arroyo ay nagwaging
pangalawang pangulo na may higit sa dalawang ulit na nakuhang boto ng running mate ni Estrada
na si Senador Edgardo Angara.[8]
Nagsimula ang kanyang termino bilang Ikalawang Pangulo noong 30 Hunyo 1998. Siya ang kaunaunahang babaeng Ikalawang Pangulo sa kasaysayan ng Pilipinas. Itinilaga siya ni Estrada sa
gabinete bilang Kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad.[7]
Nagbitiw si Arroyo sa gabinete noong Oktubre 2000, umang lumayo kay Pangulong Estrada, na
inakusahan ng korupsiyon ng dati nitong kaalyadong si Chavit Singson, ang Gobernador ng
lalawigan ng Ilocos Sur.[9] Inisyal siyang tumanggi sa mga kaalyado na magsalita laban kay Estrada,
[10]
subalit lumaon ay sumama sa panawagang magbitiw si Estrada. [9]

Bilang Pangulo[baguhin | baguhin ang batayan]


2001-2004[baguhin | baguhin ang batayan]
Noong 20 Enero 2001, pagkatapos ng ilang araw ng kaguluhang pampolitika at mga malawakang
pagpoprotestang tumatawag sa pagbibitiw ni Pangulong Joseph Estrada dahil sa mga akusasyon
ng korupsiyon, inihayag ng Kataastaasang Hukuman na bakante na ang posisyon ng pagkapangulo.
Noong kinahapunan din nang araw na iyon, ay nanumpa si Arroyo bilang Pangulo ng Pilipinas sa
pamamagitan ni Punong Hukom na si Hillario Davide , Jr.[9]
Matapos ang ilang linggo, nagsampa ng kaso si Estrada na naghahamon ng batayang legal hinggil
sa pagkapangulo ni Arroyo at pinipilit na siya ang nananatiling pangulo ayon sa batas, ngunit

dinagdag niya na hindi niya kukunin muli ang kanyang posisyon.[11]. Noong 2 Marso 2001,
ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ay nagpalabas ng desisyon na nagsasabing si Estrada
ay nagbitiw sa pagkapangulo at iniwan niya ang kanyang pwesto.[9]

2004-2010[baguhin | baguhin ang batayan]


Pangunahing lathalain: Hello Garci scandal
Si Arroyo ay tumakbo at nagwagi sa halalan ng pagka-Pangulo noong 2004 ngunit ang halalang ito
ay sinasabing nabahiran ng pandaraya sa panig ni Arroyo batay sa wiretapped recording ng usapan
sa telepono sa pagitan nina Arroyo at opisyal ng COMELEC na si Garcillano noong canvassing ng
2004 halalan sa pagkapangulo.
ed

Resulta ng 2004 halalan ng pagkapangulo

Resulta
Kandidato

Partido
Mga botong nakuha

Gloria Macapagal-Arroyo

Lakas (K-4)

12,905,808

39.99%

Fernando Poe, Jr.

KNP

11,782,232

36.51%

Panfilo Lacson

LDP (Aquino wing)

3,510,080

10.88%

Raul Roco

Aksyon

2,082,762

6.45%

Eddie Villanueva

Bangon

1,988,218

6.16%

Kabuuang balidong boto

32,269,100

96.30%

Kabuuang hindi balidong boto

1,240,992

3.70%

Kabuuang turnout

33,510,092

76.34%

Mga rehistradong botante

43.895,324

100.00%

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]


Dahil sa pagkakaroon ng Master degree at doktoral sa ekonomiks, itinuon ni Arroyo ang kanyang
pagkapangulo sa Ekonomiya ng Pilipinas. Sa ilalim ng pamumuno ni Arroyo mula 2001 hanggang
2010, ang pangkaraniwang paglago ng GDP ng Pilipinas ay 4.7%.[12] Ito ay higit na mataas kung
ihahambing sa pamumuno ng kanyang mga kahalinhinan,Corazon Aquino (3.8%), Fidel
Ramos (3.7%), at kay Joseph Estrada (3.7%).[13] Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa
pinakamabilis nitong antas sa loob ng nakaraang tatlong dekada noong 2007, na may pagtaas
ng real GDP na 7%.[14] Isa ang ekonomiya ng Pilipinas ang nakaiwas sa epekto ng pandaigdigang
krisis pinansiyal ng 2008, na higit na mabuti kaysa sa mga karatig bansa nito dahil sa sa mababang
pagtuon sa mga kalakal na iniluluwas at mataas na padala ng mga OFW na mula sa apat hanggang
limang milyon, at ang papaunlad na industriya ng BPO. [15] Ang paghawak ni Arroyo sa ekonomiya ng
Pilipinas ay umani ng papuri mula kay dating Pangulo ng Estados Unidos Bill Clinton, na sinabing
ang mga "mahihirap na desisyon" ang nagpabalik sigla sa ekonomiya ng Pilipinas. [16] Sa kabila ng
paglago, nanatili ang kahirapan dahil sa mataas na antas ng paglaki ng populasyon at hindi pantaypantay na pagbabahagi ng kita sa mamamayan. [17] Noong 2004, ang ekonomiya ng Pilipinas ay
lumago ng 6.1%, na nalampasan ang estima ng pamahalaan. Noong 2005, ang Pisong Pilipino ay
nag-appreciate ng 6% ang pinakamabilis sa rehiyon ng Asya. Ngunit, ang pana-panahong pagtaas
ng halaga ng langis ay nagpapabagsak ng estima ng pamahalaan kada taon. Noong 2006, ang
ekonomiya ay nagpakita ng 5.4% na pag-unlad, ngunit ang mga bagyong dumaan ang nagpabagsak
sa sektor ng ekonomiya. Noong Pebrero 2007, nagtala ang merkado ng saping-puhunan ng
pinakamataas na puntos sa kasaysayan at nasa 33 kada isang Dolyarang Piso. Pagkatapos ng
pagbagal ng paglago sa 3.8% noong 2008 at 1.1% noong 2009, ang real taon-sa-taong paglago ng
GDP ay umahon sa 7.6% noong 2010. Ang paglago ay bumagal noong 2011 sa 3.7 % . Ang
mga remittance ng mga OFW ay nasa rate na taunang paglagong 8% at patuloy na bumubuo ng
mga 10% ng GDP. ANg taunang paglago ng GDP ay may averaheng 4.6% sa loob ng nakaraang
dekada ngunit nangangailangan ng isang mas mataas na pinanatiling landas ng paglago sa
ekonomiya na hindi bababa sa 7%-8% kada sa karamihan ng mga pagtatantiya upang makasulong
sa pagpapagaan ng kahirapan sa taunang paglago ng populasyon ng Pilipinas na isa sa may
pinakamataas na populasyon sa Asya. Ang bahagi ng populasyon na mahirap ay tumaas mula
24.9% hanggang 26.5% sa pagitan ng 2003 at 2009 na katumbas ng karagdagang 3.3 milyong mga
mahihirap na Pilipino.[17]

Mga kontrobersiyang kinasangkutan[baguhin | baguhin ang batayan]


Jose Pidal scandal[baguhin | baguhin ang batayan]
Inakusahan ni Senador Panfilo Lacson noong 2003 ang asawa ni Arroyo na si Mike
Arroyo ng money laundering ng mga 260 milyong piso gamit ang mga bank account sa ilalim ng
pangalang Jose Pidal na sinasabing mula sa mga kontribusyon sa pangangampanya ni Gloria .
Hello Garci scandal[baguhin | baguhin ang batayan]
Pangunahing lathalain: Hello Garci scandal
Si Arroyo ay inakusahan ng pandaraya ng 2004 halalan para sa pagka-Pangulo. Ayon sa dating
diputadong direktor ng NBI na si Samuel Ong, ang isang wiretapped recording ng usapan sa pagitan
ni Arroyo at opisyal ng COMELEC na si Virgilio Garcillano o Garci ay nagpapatunay ng pandaraya ni
Arroyo upang manalo ng 1 milyong boto laban sa kandidatong si Fernando Poe. Noong 27 Hunyo
2005, inamin ni Arroyo na nakipag-usap siya sa opisyal ng COMELEC na inaangkin itong isang

"pagkabigo sa paghatol". Ang kontrobersiyang Hello Garci ang naging saligan ng


kasong impeachment na inihain laban kay Arroyo noong 2005 ngunit nabigo. Ang isa pang
impeachment ay inihain laban kay Arroyo noong 2006 ngunit natalo sa pagboto sa Kapulungan ng
mga Kinatawan ng Pilipinas.
Fertilizer fund scam[baguhin | baguhin ang batayan]
Pangunahing lathalain: Fertilizer Fund scam
Sinasabing ang pondo ng Department of Agriculture (DA) na P728 milyong piso na inilaan para sa
pagbili ng mga fertilizer para sa mga magsasaka ay ginamit para sa pangangampanya ni Arroyo sa
kanyang muling pagtakbo sa pagkapangulo noong 2004.
NBN-ZTE scandal[baguhin | baguhin ang batayan]
Pangunahing lathalain: NBN-ZTE Scandal
Si Arroyo ay inakusahan ng pag-abuso sa kapangyarihan sa pagtulak ng pagpapatibay ng
iminungkahing kontrata ng Tsinong ZTE Corp upang itayo ang proyektong National Broadband
Network sa Pilipinas sa sobrang taas na presyong $329 milyong dolyar o 13 bilyong piso. Ang
kontrata ay nilagdaan ni Transportation and Communications Secretary Leandro Mendoza at ZTE
vice president Yu Yong noong 21 Abril 2007, sa Boao, China na nasaksikhan mismo ni Arroyo. Ang
proyektong ito ay isang pambansang network ng komunikasyon para sa mga pasilidad na landline,
cellular at broadband internet para sa paggamit ng mga ahensiya ng pamahalaan. Ang deal sa ZTE
Corp ay sinasabing nangyari nang walang public bidding.Si COMELEC Chairman Benjamin Abalos,
Sr. ay inakusahan ng pagtanggap ng salapi at mga babae kapalit ng pag-aproba ng kasunduan sa
ZTE Corp. Si Jose Joey de Venecia III na namumuno sa Amsterdam Holdings, Inc. na isa sa
natalong bidder sa kasunduang NBN at anak ni dating Ispiker na si Jose de Venecia, Jr. ay
nagpatotoo na kasama niya si Abalos sa Tsina at narinig niyang si Abalos ay "humingi ng pera" mula
sa mga opisyal ng ZTE. Si Joey de Venecia III ay nagpatotoo rin na ang asawa ni Gloria na si Mike
Arroyo ang misteryong tao na nagtulak para pagtibayin ang labis na mataas na presyong kontrata sa
ZTE. Isinaad ni De Venecia na ang kontrata na $329 milyong dolar sa ZTE ay sobrang mataas na
presyo ng mga $130 milyong dolar pagkatapos na humingi si Abalos ng mga iba't ibang kickback at
mga advance para sa proyekto. Isinaad rin ni De Venecia na binalaan ni Abalos na ipapapatay siya
ni Abalos kung hindi siya umurong sa proyekto. Isinaad rin ni Joey de Venecia III na nangako si
Abalo kay Mike Arroyo ng 70 milyong dolyar na kickback mula sa proyektong NBN. Ang dating
direktong henral ng NEDA na si Romulo Neri ay nagpatotoo sa Senate hearing na inalukan siya ni
Abalos ng 200 milyong piso upang aprubahan ang proyekto. Sinabi rin ni De Venecia na tinanong ni
Gloria si Neri kung bakit hindi niya tinanggap angsuhol na 200 milyong piso ni Abalos upang
iendorso ang proyektong NBN sa ZTE Corp, Ayon sa pagsisiyast ng mga opsiyal na dokumentong
isinumite sa Senate blue ribbon committee, ang proyektong NBN-ZTE ay sobrang taas ang presyo
ng halos 8 bilyong piso (US $197 milyon). Isinaad ng mga eksperto na ang presyo ng ZTE na $329
milyong dolyar o 13 bilyong piso ay magkakahalaga lamang ng 132 milyong dolyar kung ihahambing
sa mga kompanyang gaya ng PLDT, Smart Communications, Globe Telecoms o Digitel. Noong 4
Pebrero 2008, bumoto ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na patalsikin bilang Isipiker
si Jose de Venecia Jr. na sinasabing kabayaran para sa pagdawit ng kanyang anak kay Mike Arroyo
sa NBN-ZTE scandal. Inakusahan ng whistleblower na si Jun Lozada si Mike Arroyo na mastermind
sa kasunduan sa ZTE Corp para sa proyektong NBN. Pinatotohanan ni Lozada na si Abalos ay
humingi ng mga kickback para sa kontrata sa ZTE Corp.
Pagsabotahe ng 2007 halalan[baguhin | baguhin ang batayan]
Noong 2007 halalan, sinasabing inutos ni Arroyo kay gobernador Andal Ampatuan, Sr. na
masegurong ang tatlong kandidato ng oposisyon na sina Benigno S. Aquino III, Panfilo Lacson,
at Alan Peter Cayetano ay makakuha ng sero boto sa Maguindanao. Ito ang tanging probinsiya sa
Pilipinas na nagbigay ng 12-0 pagkapanalo sa Team Unity ni Arroyo. Inamin ni Zaldy Ampatuan na
gobernador ng ARMM na inutos ni Arroyo na ilipat ang boto ng 3 kandidato ng oposisyon kay Juan

Miguel Zubiri na nagbitiw bilang senador noong 3 Agosto 2011. Inamin rin ni Ampatuan na ang
kanyang ama ay tumanggap ng suhol mula kay Mike Arroyo noong 2007 halalan. Noong 2011, ang
dating supervisor ng halalan sa Maguindanao noong 2007 na si Lintang Bedol ay umamin sa
nangyaring pandaraya noong 2007 halalan. Ayon kay Bedol, ang mga pekeng balota at mga election
return ay dinala mula sa Maynila at ang dating COMELEC chair na si Benjamin Abalos at mga
Comelec commissioner Nicodemo Ferrer at Rene Sarmiento ay nagpunta sa General Santos
City upang i-authenticate ang mga pekeng election return para sa mga iba't ibang bayan sa
Maguindano.
Le Cirque scandal[baguhin | baguhin ang batayan]
Iniulat ng New York Post noong 2009 na si Gloria Macapagal-Arroyo ay gumastos ng $20,000 sa Le
Cirque para sa isang hapunan kasama ng kanyang delegasyon habang dumadalaw sa Estados
Unidos.[18] Si Arroyo ay iniulat na nag-order ng mga mamahaling wine, steak at lobster.

Lotto scandal[baguhin | baguhin ang batayan]


Si Arroyo ay inakusahan ng paglipat ng mga pondo ng pambansang lotto na nagkakahalagang 366
milyon para sa pansariling paggamit.[19]

Kapulungan ng Kinatawan[baguhin | baguhin ang batayan]


Si Arroyo ay tumakbo at nahalal na kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga noong 2010
halalan.

Pagdakip at pagsasampa ng kasong


korupsiyon[baguhin | baguhin ang batayan]
Si Arroyo ay dinakip sa St. Luke's Medical Center sa Taguig noong 18 Nobyembre 2011 pagkatapos
sampahan ng kaso para sa pagsabotahe ng halalan noong 2007 ng COMELEC.
Si Arroyo ay inilipat sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City noong 9 Disyembre 2011.
Si Arroyo ay pinalaya pagpagkatapos magpiyansa noong 25 Hulyo 2012. Si Arroyo ay muling
dinakip pagkatapos sampahan ng kasong pandarambong ng 366 milyong pisong pondo ng
pambansang lotto upang pondohan ang kanyang pangangampanya.

Benigno Aquino III


Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Benigno S. Aquino III

Ika-15 Pangulo ng Pilipinas


Ikalimang Pangulo ng Ikalimang Republika
Kasalukuyan
Panunungkulan
30 Hunyo 2010
Pangalawang

Jejomar Binay

Pangulo
Sinundan si

Gloria Macapagal-Arroyo

Senador ng Pilipinas
Panunungkulan
30 Hunyo 2007 30 Hunyo 2010

Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Lalawigan ng Tarlac


Panunungkulan

30 Hunyo 1998 30 Hunyo 2007


Sinundan si

Jose Yap

Sinundan ni

Jose Yap

Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal


Panunungkulan
30 Hunyo 2010 9 Hulyo 2010
Sinundan si

Ronaldo Puno

Sinundan ni

Jesse Robredo

Kapanganakan

8 Pebrero 1960 (54 taong gulang)


Maynila, Pilipinas

Kabansaan
Partidong politikal

Pilipino
Partido Liberal (1998 hanggang
kasalukuyan)

Kamag-anak

Benigno Aquino, Jr. (Ama)


Corazon Aquino (Ina)
Maria Elena "Ballsy" Cruz (Ate)
Aurora Corazon "Pinky" Abellada
(Ate)
Victoria Eliza "Viel" Dee (Nakabatang
Kapatid)
Kristina Bernadette "Kris"
Yap (Bunsong Kapatid)

Alma mater

Pamantasang Ateneo de Manila

Hanapbuhay

Ekonomista, Politiko

Propesyon

Ekonomista, Serbisyo sibil

Relihiyon

Katoliko Romano

Websayt

www.noynoy.ph/

Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III (ipinanganak noong 8 Pebrero 1960) higit na kilala sa
palayaw na Noynoy Aquinoo sa tawag na P-Noy ay ang ika-15 Pangulo ng Republika ng
Pilipinas (30 Hunyo 2010 hanggang kasulukuyan).
Mga nilalaman
[itago]

1 Talambuhay
1.1 Kongreso

1.1.1 Kinatawan

1.1.2 Senador
2 Pagiging Pangulo ng Pilipinas (2010)

2.1 Ekonomiya

3 Personal na buhay

4 Sanggunian

5 Mga kanunu-nunuan

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]


Ipinanganak sa Maynila, natapos ni Aquino ang kanyang Batsilyer sa Sining na Dalubhasa
sa Ekonomiks mula sa Pamantasang Ateneo de Manila noong 1981, at sumama sa kanyang
pamilya nang ipatapon ng pamahalaang Marcos ang mga ito sa Estados Unidos. Bumalik siya sa
Pilipinas noong 1983 pagkatapos ang pagpaslang sa kanyang ama at humawak ng ilang mga
posisyon sa pribadong sektor. Noong 1998, nahalal siya bilang Kinatawan ng ika-2 Distrito ng
lalawigan ng Tarlac.
Siya ang ika-apat na henerasyon ng mga politiko sa kanilang pamilya: ang kanyang lolo sa tuhod,
si Servillano "Mianong" Aquino, ay naglingkod bilang delegado sa Kapulungan ng Malolos; ang
kanyang lolo, si Benigno Aquino, Sr., ay naglingkod bilang Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan
ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula noong 1943 hanggang 1944; at ang kanyang mga magulang
na sina dating Pangulong Corazon Aquino at Senador Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. Kasapi si Aquino
ng Partido Liberal ng Pilipinas.[1]
Si Aquino ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na binata at wala pang anak. Dating kasintahan
ni Aquino si Shalani Soledad, isang konsehal sa lungsod ng Valenzuela at pamangkin ni dating

senador Francisco Tatad.[2][3][4] Noong Nobyembre 2010, kinumpirma ni Aquino na naghiwalay na sila
ni Soledad.[5] Dati niya ring sinuyo si Korina Sanchez,[2][6] Bernadette Sembrano,[2] atLiz Uy.[5][7]

Kongreso[baguhin | baguhin ang batayan]


Kinatawan[baguhin | baguhin ang batayan]
Si Aquino ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas noong 1998 bilang kinatawan
ng ikalawang distrito ng Tarlac. Siya ay muling nahalal noong 2001 at 2004 at nagsilbing kinatawan
hanggang 2007. Dahil sa limitasyon ng termino, hindi na siya makakatakbong muli sa halalan ng
kinatawan.
Senador[baguhin | baguhin ang batayan]
Si Aquino ay tumakbo at nahalal sa Senado noong 2007. Siya ang ikaanim na pinakamataas na
nakuhang boto sa mga 37 kandidato para sa 12 bakanteng upuan ng senado.

Pagiging Pangulo ng Pilipinas (2010)[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Noynoy Aquino habang inihahalal bilang Pangulong-halal ng Pilipinas niSenador Juan Ponce
Enrile at KongresistaProspero Nograles sa Batasang Pambansa,Lungsod Quezon noong 9 Hunyo 2010.

Pagkatapos ng kamatayan ng kanyang inang si Corazon Aquino noong 1 Agosto 2009, maraming
mga tao ang tumawag kay Noynoy upang tumakbo sa halalan ng pagkapangulo kabilang ang
Noynoy Aquino for President Movement (NAPM) na kampanya sa buong bansa upang lumikom ng 1
milyong lagda upang hikayatin si Aquino na tumakbo sa halalan ng pagkapangulo. Bago nito noong
26 Nobyembre 2008, hinalal ng partido Liberal si Mar Roxas bilang pangulo ng partido at standardbearer ng partido para sa halalan ng pagkapangulo sa darating na 2010 halalan ng pagkapangulo.
Dahil sa malakas na pagsuporta kay Noynoy bilang kandidato ng partido Liberal para sa
pagkapangulo, inihayag ni Mar Roxas noong 1 Setyembre 2009 na aatras na siya bilang kandidato
ng pagkapangulo ng partido at inihayag ang kanyang suporta sa pagtakbo ni Noynoy.
Tumakbo at nagwagi si Aquino sa halalang Pagka-pangulo noong 2010 at nakakuha ng 15,208,678
na boto. Noong 9 Hunyo 2010, naiproklama na si Noynoy bilangPangulo ng Pilipinas kasama
si Jejomar Binay bilang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Sila ay naiproklama sa Batasang
Pambansa, Quezon City, Kongreso ng Pilipinas.[8]

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]


Sa ilalim ng pamumuno ni Noynoy Aquino, ang rate ng paglago ng GDP ng Pilipinas noong 2012 ay
6.8 porsiyento na sinasabing ikalawang pinakamataas sa Asya. Ang Fitch Ratings ay nagtaas ng
Pilipinas sa "BBB-" with a stable outlook na unang pagkakataong ang Pilipinas ay nakatanggap ng
gayong katayuan ng grado ng pamumuhunan sa Pilipinas. Itinaas rin ng World Economic Forum ang
Pilipinas sa 10 punto sa itaas na kalahati ng ranggong pagiging kompetetibo nitong pandaigdigan sa
unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga pagbuti sa ekonomiya ay sinasabing
sanhi ng mga hakbang na isinasagawa ni Noynoy upang pataasin ang pagiging bukas ng
pamahalaan at sugpuin ang korupsiyon na muling nagbigay ng pagtitiwalang internasyonal sa

ekonomiya ng Pilipinas. Gayunpaman, sinasabing ang mga mayayamang pamilya lamang ang
nakinabang at nakikinabang sa pagbuti ng ekonomiya. Ang pagiging hindi pantay ng sahod sa
pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa Pilipinas ay nananatiling mataas. Noong 2012, isinaad
ng Forbes Asia na ang magkakasamang kayamanan ng 40 pinakamayamang pamilya sa Pilipinas
ay lumago ng $13 bilyong dolyar noong 2010 hanggang 2011 sa $47.4 bilyon na pagtaas na 37.9
porsiyento. Ang pagtaas sa kayamanan ng mga pamilyang ito ay katumbas ng 76.5 porsiyento ng
kabuuang pagtaas ng GDP ng Pilipinas sa panahong ito. Ang hindi pantay na sahod ng mga
mamamayang Pilipino ang pinakamataas sa Asya. Sa Thailand, ang kayamanan ng 40 mga
mayayamang pamilya ay tumaas lamang ng 25 porsiyento sa 2012 samantalang sa Malaysia ay 3.7
porsiyento at sa Hapon ay 2.8 porsiyento lamang.
Noong 2013, ang rate ng paglago ng GDP ay 7.2 porsiyento mula 6.8 posiyento noong 2012 na ang
pinakamalakas na dalawang taon ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas mula noong 1950. [9] Ayon
sa SWS Poll, ang kawalang trabaho sa Pilipinas ay tumaas mula 21.7 porsiyento (9.6 milyong katao)
noong Setyembre 2013 sa 27.5 porsiyento (12.1 milyong katao) noong Disyembre 2013.

Personal na buhay[baguhin | baguhin ang batayan]


Si Aquino ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na binata at wala pang anak. Dating kasintahan
ni Aquino si Shalani Soledad, isang konsehal sa lungsod ng Valenzuela at pamangkin ni dating
senador Francisco Tatad.[2][3][4] Noong Nobyembre 2010, kinumpirma ni Aquino na naghiwalay na sila
ni Soledad.[5] Dati niya ring sinuyo si Korina Sanchez,[2][6] Bernadette Sembrano,[2], Grace Lee at Liz
Uy.[5][7]
Mahilig si Aquino sa pamamaril (shooting) at bilyar,[10][11] subalit sa kasalukuyan, ang paglalaro ng
mga video game ang kanyang nagiging libangan dahil hindi na niya magawa ang dati niyang mga
libangan.[12] Mahilig siya sa kasaysayan,[10][11] at mahilig makinig ng mga musika.[11][12] Hindi umiinom
ng mga alak si Aquino,[13] subalit siya ay naninigarilyo, at umaming nakauubos siya ng hanggang sa
tatlong pakete ng sigarilyo sa isang araw.[14] Noong kampanya para sa pagkapangulo, ipinangako
niya na ititigil niya ang paninigarilyo kapag siya ay nanalo sa halalan. [15] Subalit, napagpasiyahan
niyang hindi niya ititigil ang paninigarilyo, at sinabing maninigarilyo lang siya sa "tamang" panahon.
[16][17]

You might also like