You are on page 1of 20

Kasaysayan ng Pilipinas

Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan
ng mga tulay na lupa 30,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang

Marso 16,1521. Nagtayo pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ngHomonhon, sa timog-silangan ng Samar.

1565 ekspedisyon ni Miguel Lpez de Legazpi , at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-Hilaga
hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang syudad
(town) sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonyalisasyon ng Espanya na nagtagal ng tatlong siglo.

Abril ng 1896 Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya, na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa
proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas.

Disyembre ng 1899Nagsimula ang kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas noong, kasama
ang limitadong lokal na pamamahala noong 1905.
1935 Ang parsyal na pagsasarili ay iginawad sa paghahanda sa isang ganap ng kalayaan mula sa Estados
Unidos noong 1945.

1945 ay naantala ang 10-taong transisyon mula sa komonwelt patungo sa isang soberanyang bansa dahil sa
pagsakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Hulyo 1946. iginawad lamang sa Pilipinas ang ganap na kalayaan.


1950 at 1960 Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas, ngunit nagkaroon ng kaguluhan noong mga huling taon ng
dekada 1960 at mga unang taon ng dekada 1970 laban sa mapang-aping diktatoryal ni Pangulong Ferdinand
Marcos.
1972 nagdeklara ng batas militar Dahil sa malapit na relasyon ng Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald
Reagan kay Pangulong Marcos, sinuportahan pa rin siya ng Estados Unidos kahit na kilala ang kanyang
administrasyon sa malawak na kurapsyon at pang-aabuso ng mga tao.

1986 nagkaroon ng mapayapang Rebolusyon sa EDSA ang nagpatalsik kay Marcos (na tumakas
sa Hawai'i lulan ng isang helikopter na pag-aari ng militar ng Estados Unidos, kung saan siya nanatili
hanggang sa siya'y mamatay) at ang nagbalik ng demokrasya sa bansa. Ngunit nang nagsimula ang panahong
iyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pulitika at humina angekonomiya ng bansa.

1 Unang Kasaysayan

2 Pamumuno ng Espanya (1521-1898)

2.1 Mga unang expedisyon ng Espanya

2.2 Kolonya ng Espanya

2.3 Pagbagsak ng pamumuno ng Espanya

3 Panahong kolonyal ng Amerikano (1898-1946)

3.1 Digmaang Pilipino-Amerikano

3.2 Kolonya ng Estados Unidos

3.3 Panahon ng Komonwelt

3.4 Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang pagsakop ng mga Hapon

4 Malayang Pilipinas at ang Ikatlong Republika (1946-1972)

4.1 Pamamamahala ni Manuel Roxas (1946-1948)

4.2 Pamamamahala ni Elpidio Quirino (1948-1953)

4.3 Pamamamahala ni Ramon Magsaysay (1953-1957)

4.4 Pamamamahala ni Carlos Garcia (1957-1961)

4.5 Pamamamahala ni Diosdado Macapagal (1961-1965)

5 Pamumuno ni Ferdinand Marcos(1965-1986)

5.1 Batas Militar

5.2 Ikaapat na Republika

6 Ikalimang Republika (1986-kasalukuyan)

6.1 Pamamamahala ni Corazon Aquino (1986-1992)

6.2 Pamamamahala ni Fidel V. Ramos (1992-1998)

6.3 Pamamamahala ni Joseph Estrada (1998-2001)

6.4 Pamamamahala ni Gloria Macapagal-Arroyo (2001-2010)

7 Mga sanggunian

8 Mga kawing panlabas

Unang Kasaysayan

Mga Negrito, Indones at Malay ang mga prinsipal na mamamayan ng Pilipinas.[1] Naganap pa ang iba
pangmigrasyon sa pamamagitan ng pagbiyahe sa tubig at nangyari sa loob ng ilang libong taon. [1]
Naging laganap ang sosyal at pulitikal na organisasyon ngpopulasyon sa mga pulo. Ang
mga magsasaka lamang ngHilagang Luzon ang nagkaroon ng konsepto ng teritoryalismo.[1] Ang simpleng yunit
ng pamahalaan ay ang barangay, na isang grupong pinamunuan ng isangdatu. Sa isang barangay, ang mga
sosyal na dibisyon ay ang mga maharlika, kung saan kasama ang datu; ang mga timawa; at ang mga alipin.

Maraming kategorya ang mga alipin: ang mga magsasakang walang lupa; ang mga timawang nawalan ng
kalayaan dahil sa pagkakautang o parusa sa krimen at ang mga bihag ng digmaan.[1]
Dinala ang Islam ng mga mangangalakal at mga misyonaryo mula sa Indonesia.[2] Noong ika-16 dantaon,
matatag na ang Islam sa Sulu at lumaganap ito mula sa Mindanao; nakarating ito sa Maynila noong 1565.
[1]

Kahit kumalat ang Islam sa Luzon, ang pagsamba pa rin sa mga anito ang relihiyon ng karamihan sa mga

pulo ng Pilipinas. Dinala ng mga Muslim ang pulitikal na konsepto ng mga estadong pinamunuan ng
mga raha at sultan. Ngunit ang mga konsepto ng mga Muslim at ng mga magsasaka ng Hilagang Luzon ng
teritoryalismo ay hindi lumaganap sa ibang lugar.[1] Nang makarating ang mga Kastila noong ika-16 dantaon,
karamihan sa humigit-kumulang na 500,000 katao ay nanirahan sa mga panirahang barangay.[1]

Pamumuno ng Espanya (1521-1898)[baguhin]


Pangunahing lathalain: Kasaysayan ng Pilipinas sa Panahon ng Pamumuno ng Espanya

Mga unang expedisyon ng Espanya[baguhin]

Ferdinand Magellan na nakarating sa Pilipinas noong 1521.

16 Marso 1521 pagdating ng expedisyon sa Pilipinas ng mga Espaol na pinamunuan ng Portuges na


si Ferdinand Magellan.

1543 ang mga sumunod na ekspedisyon ang ipinadala ng Espanya sa Pilipinas na pinamunuan ni Ruy Lpez
de Villalobos ang isang ekspedisyon patungo sa mga pulo at pinagalang Las Islas Felipinas (mula sa pangalan

ni Felipe II ng Espanya) ang mga pulo ng Samar at Leyte. Hindi nagtagal, ibinigay ang pangalang ito sa buong
arkipelago.
Taong 1565 permanenteng nanirahan sa Pilipinas na pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi sa Cebu mula
sa Mexico. Ang pamumuno ng mga Espanyol ay naitatag sa mga maliliit na malayang pamayanan na walang
alam sa pamahalaang sentralisado.

Noong 1821, Ang Pilipinas ay naging lalawigan ng Nueva Espanya nang makamit ng Mexico ang kalayaan sa
pakikipaglaban sa mga Muslim. At nagging sanhi ng pagdami ng Katoliko sa Pilipinas.

Noong1792, Ang pamamahala ng Espanya sa Pilipinas ay sandaling naputol nang salakayin ng


mga Ingles ang Maynila na naging sanhi ng pagpasok ng Espanya sa Digmaan ng Pitong Taon.

Noong 1764, ang Kasunduan sa Paris ng 1763 ang nagbalik sa pamamahala ng mga Kastila at nilisan ng mga
Ingles ang bansa
Noong 1871, itinatag ni Gobernador-Heneral Jose Basco y Vargas ang Economic Society of Friends of the
Country. Noong panahong iyon, ang Pilipinas ay direktang pinamamahalaan ng Espanya. Ang mga kaganapan
sa loob at labas ng bansa ay nakatulong sa pagdadala ng mga bagong kaisipan sa Pilipinas.

Noong 1869, Ang pagbubukas ng Kanal Suez ay nagpaikli ng panahon ng paglalayag patungong Espanya..

Noong 1882, Itinatag ng mga illustrado ang Kilusang Propaganda. ang pagbabalik ng representasyon ng
Pilipinas sa Kongreso ng Espanya (Spanish Cortes

Noong 1892, itinatag ni Andrs Bonifacio ang Kataastaasang, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng
Bayan(KKK) na naging layunin ang pagkakamit ng kalayaan sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga
Kastila. Si Bonifacio ang naging supremo (pinuno) nito.

Mula 1899 hanggang 1901Emilio Aguinaldo, Pangulong ng Pilipinas.


noong 30 Disyembre 1896, Nagsimula ang rebolusyon noong 1896. Napagkamalan si Jose Rizal na siya ang
nagpasimula ng rebolusyon na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Noong 10 Mayo 1897 Ang alitan sa pagitan ni Bonifacio at Aguinaldo ang nagdulot sa pagpatay kay Bonifacio
ng mga sundalo ni Aguinaldo.

noong 1898, Nagsimula ang Digmaang Espanyol-Amerikano nang pasabugin ang USS Maine at lumubog sa
daungan ng Havana.

19 Mayo 1898 matalo ni Commodore George Dewey ang mga Espanyol sa Maynila, inimbitahan niya na
bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas

Noong 12 Hunyo 1898, ipinahayag ni Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite, na nagtatag
ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ng unang demokratikong konstitusyon ngAsya.[4]
Taong 1899-1913 Nagrebelde ang Unang Republika ng Pilipinas laban sa okupasyon ng Estados Unidos, na
nagdulot ng pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano

Panahong kolonyal ng Amerikano (1898-1946)[baguhin]

noong Pebrero, 1899, Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano matapos patayin ng dalawang
Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan.

noong 31 Marso 1899, Ang Malolos, na kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga
Amerikano ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang kabisera sa San
Isidro, Nueva Ecija.

noong Hunyo 1899, Si Antonio Luna, ang pinakamagaling nakumander ni Aguinaldo, ay pinatay.

noong Nobyembre 1899pinalitan ng di-sentralisadong mga hukbong gerilya sa bawat sonang militar ang
regular na hukbo sa Hilagang Luzon.
noong 23 Marso 1901 Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela at dinala sa Maynila. Nanumpa siya ng
katapatan sa Estados Unidos at nag-utos na sumuko ang kanyang mga kasama, na naging hudyat ng
katapusan ng digmaan.[12] Ngunit nagpatuloy pa rin ang mga labanan sa ilang mga bahagi ng Pilipinas, lalo
na sa Mindanao, hanggang noong 1913. [13]

Kolonya ng Estados Unidos[baguhin]


Tinuring ng Estados Unidos ang kanilang misyon sa Pilipinas bilang paghahanda ng mga Pilipino sa
malayang pamamahala.[14] Itinatag ang pamahalaang sibil noong 1901, na pinamahalaan ni William
Howard Taft, ang unang Amerikanong gobernador-heneral ng Pilipinas, na humalili kay Arthur MacArthur,
Jr. Ang gobernador-heneral ang naging pinuno ng Komisyon ng Pilipinas, isang kapisanan na itinatag ng
Estados Unidos na may kapangyarihang tagapagbatas at may limitadong kapangyarihang tagapamahala.
Nagpatupad ang komisyon ng batas na nagtayo ng iba't ibang mga sangay ng pamahalaan, kasama na rin
ang istilong hudisyal, serbisyong sibil at pamahalaang lokal. Itinatag ang Pambansang Pulisya (Philippine
Constabulary) upang pamahalaan ang mga natitirang kilusang lumalaban sa mga Amerikano at nang hindi
naglaon ay ginampanan rin nito ang mga responsibilidad ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos.
Pinasinayaan ang halal na Asamblea ng Pilipinas noong 1907 bilang ang mababang kapulungan,
samantalang ang Komisyon ng Pilipinas ang mataas na kapulungan.
Ang mga panukala ng Estados Unidos sa Pilipinas ay napalitan kasabay ng pagpapalit ng mga
administrasyon.[4] Sa mga unang taon ng kolonyang pamamahala, ayaw ng mga Amerikano na ibigay ang
karapatang pamamahala sa mga Pilipino. Ngunit, nang naging pangulo ng Estados Unidos si Woodrow
Wilson noong 1913, isang bagong panukala ang ipinagtibay na naging daan sa kalayaan ng Pilipinas.
Ang Batas Jones, na ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos noong 1916, ay naging batayan ng pagtatag
ng isang pamahalaan, nagpangako ng kalayaan at pagtatatag ng inihalal na Senado ng Pilipinas.
Naganap noong dekada 1920 ang pakikipagtulungan at mga komprontasyon ng mga Pilipino sa mga
gobernador-heneral ng Estados Unidos, depende kung kaya ng gobernador-heneral na pamahalaan ang
kolonya kasama ang tagapagbatas ng bansa. Ang mga kasapi ng kongreso ay naghangad na makamit

kaagad ang kalayaan mula sa Estados Unidos. Ipinadala sa Washington D.C. ang ilang mga misyong
pang-kalayaan. Itinatag ang serbisyong sibil na pinamahalaan ng mga Pilipino noong 1918.
Ang pulitika ng Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo nito sa Estados Unidos ay pinamahalaan
ng Partido Nacionalista, na itinatag noong 1907. Kahit naghangad ito ng madaliang paggawad ng
kasarinlan, naging mataas ang suporta nito sa Estados Unidos sa mga panukala nito. [15] Pinamunuan ito
ni Manuel L. Quezon, na naging pangulo ng Senado mula noong 1916 hanggang 1935.

Panahon ng Komonwelt[baguhin]
Pangunahing artikulo: Komonwelt ng Pilipinas

Manuel L. Quezon, pangulo ng Komonwelt kasama si Franklin D. Roosevelt, pangulo ng Estados


Unidossa Washington, D.C..

Noong 1933, ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Batas Hare-Hawes-Cutting bilang ang
Batas ng Kalayaan ng Pilipinas kahit ito ay tinutulan ni Pangulong Herbert Hoover.[16] Kahit ang batas
na ito ay binuo sa tulong ng isang komisyon mula sa Pilipinas, tinutulan ito ng Pangulo ng Senado,
si Manuel L. Quezon, dahil sa probisyon nitong manatili ang kontrol ng Estados Unidos sa mga base
militar sa bansa. Sa ilalim ng kanyang impluwensya, tinutulan ito ng lehislatura ng Pilipinas. [17] Noong
sumunod na taon, isang bagong batas na tinawag na Batas Tydings-McDuffie ay ipinasa ng
lehislatura. Isinaad sa batas na ito ang pagtatatag ngKomonwelt ng Pilipinas na may 10-taong
mapayapang transisyon patungo sa kasarinlan. Magkakaroon ang komonwelt ng sariling saligangbatas at magiging responsibilidad ang pamamahala sa bansa, ngunit ang ugnayang panlabas ay
responsibilidad ng Estados Unidos, at ilang mga batas ay kailangan aprubahan ng pangulo ng
Estados Unidos.[17]

Manuel Quezon, Pangulong ng Pilipinas mula 1935 hanggang 1944.

Isang konstitusyon ang binuo noong 1934 na pinagtibay sa isang plebisito noong sumunod na taon.
Noong 14 Mayo 1935, isang halalan ang ginanap upang punan ang bagong tatag na posisyon ng
Pangulo ng Komonwelt na napanalunan ni Manuel L. Quezon ng Partido Nacionalista, at itinatag ang
isang Pilipinong pamahalaan na ibinase sa mga prinsipyo ng Konstitusyon ng Estados Unidos. Ang
komonwelt ay itinatag noong 1935, na mayroong malakas na sangay na tagapagpaganap, iisang
sangay ng kapulungan, ang National Assembly at ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na
binubuo ng mga Pilipino sa unang pagkakataon mula noong 1901. Noong panahon ng Komonwelt,
nagpadala ang Pilipinas ng isang halal na Resident Commissioner sa Mababang Kapulungan ng
Estados Unidos (tulad ng ginagawa ng Puerto Rico ngayon).
Naging adhikain ng bagong pamahalaan ang pagtatatag ng batayan ng tanggulang pambansa, mas
malakas na kontrol sa ekonomiya, mga reporma sa edukasyon, pagpapabuti sa transportasyon, ang
kolonisasyon ng pulo ng Mindanao at ang promosyon ng lokal na kabisera at industriyalisasyon.
Ngunit hinarap ng komonwelt ang problema sa agrikultura, ang di-tiyak na sitwasyong diplomatiko at
militar sa Timog-Silangan Asya, at hindi maliwanag na lebel ng komitment ng Estados Unidos sa
panghinaharap na Republika ng Pilipinas. Binago ang konstitusyon noong 1939-1940 upang ibalik
ang kongresong may dalawang kapulungan at ang pagpapahintulot ng pagtakbo muli ni Pangulong
Quezon, na nagkaroon lamang ng isang anim na taong termino.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang pagsakop ng mga


Hapon[baguhin]
Pangunang Artikulo: Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas (1941-1945)

Humigit-kumulang 10,000 katao ang namatay sa Martsa ng Kamatayan sa Bataan.

Naglunsad ang bansang Hapon ng isang sorpresang pag-atake sa Clark Air Base sa
Pampanganoong 8 Disyembre 1941, halos sampung oras lamang matapos ang Pag-atake sa Pearl
Harbor. Ang pagbobomba sa pamamagitan ng paggamit ng mga eroplano ay sinundan ng pagdating
ng mga sundalong Hapones sa Luzon. Ang hukbo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay
pinamunuan ni Heneral Douglas MacArthur. Dahil sa pagdami ng mga kalabang dumarating sa
bansa, lumikas ang mga hukbong Pilipino at Amerikano sa Bataan at sa pulo ng Corregidor. Ang
Maynila, na idineklarang bukas na lungsod/Open City upang maiwasan ang pagkawasak nito, ngunit
naging pasaway ang mga hapones at sinalakay pa rin ito

[18]

ito ay pinasok ng mga Hapones noong 2

Enero 1942[19]. Nagpatuloy ang pagtatanggol ng mga Pilipino hanggang sa pagsuko ng mga
sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan noong 9 Abril 1942 at ang Corregidor noong Mayo 6.
Karamihan sa 80,000 na mga preso ng digmaan na nahuli ng mga Hapones sa Bataan ay
sapilitang pinagmartsa patungo sa isang kulungang may layo ng 105 kilometro sa Hilaga
(Pampangga) . Tinatayang 10,000 mga Pilipino, 300 mga Pilipinong Intsik at 1,200 mga Amerikano
ang namatay bago makarating sa destinasyon.[20]
Sumama sina Quezon at Osmea sa mga sundalong patungong Corregidor at hindi nagtagal ay
umalis sila patungong Estados Unidos, at doon pinamahalaan ang Komonwelt. [21] Inutusan si
MacArthur na pumunta sa Australia, kung saan sinimulan niya ang planong pagbabalik sa Pilipinas.

Jose P. Laurel, Pangulong ng Pilipinas mula 1943 hanggang 1945.

Agad na nag-organisa ang mga awtoridad ng militar ng Hapon ng bagong estruktura ng pamahalaan
sa Pilipinas at itinatag ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas). Isinaayos nila
ang Konseho ng Estado na nagpatupad ng mga pang-sibil na batas hanggang Oktubre 1943, nang

ideklara nila ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Ang republikang nasa ilalim ng mga Hapones
na pinamunuan ni Jose P. Laurel ay hindi naging popular.[22]
Ang pagsakop ng mga Hapon sa Pilipinas ay tinutulan nang maraming aktibidad ng mga gerilya.
Lumaban ang pangkat ng militar ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa mga Hapones sa
isang digmaang gerilya at kinilalang isa itong pangkat ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos. Ang
tagumpay ng pakikipaglabang ito ay ipinakita sa katapusan ng digmaan, kung saan kontrolado
lamang ng mga Hapones ang labindalawa sa apatnapu't walong lalawigan sa bansa. [22] Ang
pangunahing elemento ng paghihimagsik sa Gitnang Luzon ay ginampanan ng Hukbalahap (Hukbong
Bayan Laban sa Hapon), na mayroong 30,000 kasapi at ipinaabot ang kontrol sa karamihang lugar sa
Luzon.[22]
Noong 8 Mayo 1942 hanggang 2 Setyembre 1945, nagsimula ang kampanya ng Labanan ng
Pilipinong Nadakpin-Muli sa Pilipinas sa ilalim ng pagsakop ng mga Hapon. Mahigit daan-libong mga
Pilipino at mga Pilipinong Intsik na kalakihan ay sumali bilang sundalo ay isang dating militar
ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa ilalim ng pangkat ng militar ng Estados Unidos
(1935-1946) at ang sumali bilang gerilya ng kumilalang pangkat ng gerilya sa buong pagbabaka at
labanang ito sa Pilipinas katulad ng Luzon, Visayas at Mindanao at lumaban sila sa mga Hapon, at
bago po pagbabalik ng mga Amerikanong sundalo sa Pilipinas noong 1944.
Dumating si Heneral Douglas MacArthur at si Pangulong Sergio Osmena kasama ang maraming mga
Pilipino at Amerikanong sundalo sa Leyte noong 20 Oktubre 1944. Maraming pang mga sundalo ang
dumating, at pinasok ng mga Magkakaalyadong sundalong Pilipino at Amerikano ang Maynila.
Nagtagal ang labanan hanggang sa pormal na pagsuko ng Hapon noong 2 Setyembre 1945.
Nagdanas ang Pilipinas ng pagkawala ng maraming buhay at malawakang pagkasira nang matapos
ang digmaan. Tinatayang isang milyong Pilipino ang namatay, at nawasak ang Maynila dahil hindi
idineklara ng mga Hapones ang Maynila bilang isang bukas na lungsod katulad ng ginawa ng mga
Amerikano noong 1942.[22]

Sergio Osmena, Pangulong ng Pilipinas mula 1944 hanggang 1946.

Kasama ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos si Sergio Osmena. Namatay si Quezon
sa sakit na tuberkulosis noong 1 Agosto 1944 at si Osmea ang humalili sa kanya. Kasama siya ng

mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte. Samantala maraming ang magkakasanib ng mga
sundalong Pilipino at Amerikano kasama ng mga kumilalang gerilya ay ipagtatanggol ng sagupaan ng
pakipaglaban sa mga Hapones ay simula ng kampanya ng labanan ng pagpapalaya sa Pilipinas.
Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong 23 Abril 1946.
Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo,
ngunit natalo kay Manuel Roxas.

Malayang Pilipinas at ang Ikatlong Republika (1946-1972)[baguhin]


Pangunahing artikulo: Kasaysayan ng Pilipinas (19461972)

Pamamamahala ni Manuel Roxas (1946-1948)[baguhin]


Nagkaroon ng halalan noong 1946, na nagluklok kay Manuel Roxas bilang unang pangulo ng
malayang Pilipinas. Ibinalik ng Estados Unidos ang soberanya ng Pilipinas noong 4 Hulyo 1946.
[4]

Ngunit ang ekonomiya ng Pilipinas ay nanatiling umaasa sa ekonomiya ng Estados Unidos,

ayon kay Paul McNutt, isang mataas na komisyoner ng Estados Unidos.[23] Ang Philippine Trade
Act, na ipinagtibay bilang isang kondisyon upang makatanggap ng perang gagamitin sa
rehabilitasyon mula sa digmaan ang Pilipinas mula sa Estados Unidos, [24] ay lalong nagpalala sa
relasyon ng dalawang bansa sa probisyon itong itali ang ekonomiya ng dalawang bansa. Isang
kasunduan na militar ang nilagdaan noong 1947 na nagtakda sa Estados Unidos ng 99-taong
pag-uupa sa mga piling base militar sa bansa (binawasan ito ng 25 taon noong 1967).

Pamamamahala ni Elpidio Quirino (1948-1953)[baguhin]

Elpidio Quirino, Pangulong ng Pilipinas mula 1948 hanggang 1953.

Pinatawad ng administrasyon ni Roxas ang mga taong nakipagtulungan sa mga Hapones noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maliban sa mga taong gumawa ng mga marahas na krimen.
Namatay si Roxas dahil saatake sa puso at tubercolosis noong Abril 1948, at humalili ang
pangalawang pangulo, si Elpidio Quirino, sa posisyon ng presidente. Tumakbo siya sa
pagkapangulo noong 1949. Natalo ni Quirino si Jose P. Laurel at nakamit niya ang apat na taong
termino. Iniwan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Pilipinas na sira-sira at nawalan ng
moral. Ang muling pagbangon ng bansa ay naguluhan dahil sa mga aktibidad ng mga
gerilyangHukbalahap ("Huks") na naging kalaban ng bagong pamahalaan ng Pilipinas. Ang mga

panukala ng pamahalaan sa mga Huk ay parehong naging pang-negosasyon at pang-supresyon.


Ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, siRamon Magsaysay ay nagsimula ng kampanya upang
matalo ang mga rebelde sa pamamagitan ng militar at para makuha na rin ang suporta ng
pamahalaan mula sa mga mamamayan. Unti-unting kumunti ang kampanya ng mga Huk noong
dekada 1950's, at tuluyang nagwakas ito sa walang kundisyon na pagsuko ni Luis Taruc, pinuno
ng mga Huk noong Mayo 1954.

Pamamamahala ni Ramon Magsaysay (1953-1957)[baguhin]

Ramon Magsaysay, Pangulong ng Pilipinas mula 1953 hanggang 1957.

Suportado ng Estados Unidos, nahalal si Magsaysay sa pagkapangulo noong 1953 dahil sa


popularidad niya sa mga tao. Ipinangako niya ang reporma sa ekonomiya, at napaunlad niya
ang reporma sa lupa sa pamamagitan ng pagtaguyod sa paglipat ng tirahan ng mga mahihirap
na tao sa Katolikong hilaga patungo sa mga tradisyonal na mga lugar ng mga Muslim. Kahit
nakatulong ito sa pagbabawas ng populasyon sa Hilaga, tumaas ang tensiyong pang-relihiyon.
[25]

Ngunit naging popular pa rin siya sa mga mamamayan, at ang kanyang pagkamatay sa

pagbagsak ng kanyang eroplano noong Marso 1957 ay nagdulot ng kalungkutan sa maraming


mga Pilipino.

Pamamamahala ni Carlos Garcia (1957-1961)[baguhin]

Carlos Garcia, Pangulong ng Pilipinas mula 1957 hanggang 1961.

Humalili si Carlos P. Garcia sa posisyon ng pangulo matapos ang pagkamatay ni Magsaysay, at


nahalal rin siya sa apat na taong termino noong Nobyembre ng taon ding iyon. Ipinatupad niya
ang patakarang "Pilipino Muna", na nagbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na malinang ang
ekonomiya ng bansa.[26] Nakipag-ugnayan si Garcia sa Estados Unidos ukol sa pagsasauli ang

mga Amerikanong base militar sa Pilipinas. Ngunit nawala ang popularidad ng kanyang
administrasyon dahil sa mga isyu ng kurapsyon sa mga sumunod na taon. [27]

Pamamamahala ni Diosdado Macapagal (1961-1965)[baguhin]

Diosdado Macapagal, Pangulong ng Pilipinas mula 1961 hanggang 1965.

Nahalal si Diosdado Macapagal sa pagkapangulo noong halalan ng 1961. Ang panukalang


banyaga ni Macapagal ay humingi ng mas malapit na relasyon sa mga kalapit na mga bansa,
partikular na ang Malaya (ngayo'y Malaysia) at Indonesia.[25] Ang pakikipag-negosasyon niya sa
Estados Unidos ukol sa mga karapatan sa mga base militar ay nagdulot ng negatibong
damdamin sa mga Amerikano.[25] Binago niya ang Araw ng Kalayaan mula sa Hulyo 4 na pinalitan
ng Hunyo 12, upang gunitain ang araw na idineklara ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng bansa
mula sa Espanya noong 1898.
Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal nagpatuloy sa pagtaas ang
halaga ng bilihin, ngunit naisagawa niyang kahit paano'y mapanatili ang mababang halaga
ng bigas at mais. Gayunpama'y ang pagpupuslit ng mga kalakal na ipinagbabayad sa adwana'y
laganap pa rin tulad ng dati. Si Macapagal sa kanyang sarili'y isang taong matapat, ngunit
ipinapalagy ng mga taong siya'y mahina at hindi nababagay sa kanyang tungkulin, o kaya'y
kinukunsinti niya ang katiwalian at kasamaang ginagawa ng mga taong malapit sa kanya o may
lakas sa kanyang tanggapan.
Tangi sa pampalagiang suliranin na pangkabuhayan at pampamahalaan ang lumigalig sa
kanyang pangasiwaan.

Pamumuno ni Ferdinand Marcos(1965-1986)[baguhin]

Ferdinand Marcos, pangulo ng Pilipinas mula 1965 hanggang 1986.

Ang isa pang subyang sa panig ni Macapagal ay ang Pangulo ng Senado na si Ferdinand
Marcos, isang kapwa Liberal. Sinasabing upang matamo ang pagtulong ni Marcos sa halalan
noong 1961, lihim na nakipagkasundo si Macapagal kay Marcos na hindi siya tatakbong muli
para sa reeleksiyon sa halalan ng taong 1965. Ngunit habang lumalapit ang halalan ng taong
1965, napatunayang masugit si Macapagal sa pagkandidato.
Sa pagkabigo ng pag-asa ni Marcos sa pagiging kandidato ng Partido Liberal sa pagkapangulo,
at sa dahilang naanyayahang sumama sa Partido Nacionalista at samantalahin ang pagkakataon
sa Kumbensiyon ng mga Nacionalista'y iniwan niya ang Partido Liberal at sumapi sa
Nacionalista. Nagwagi si Marcos sa Kumbensiyon at naging opisyal na kandidato sa pagkaPangulo.
Sa una niyang termino, naglunsad si Marcos ng iba't ibang mga proyekto at nagtaas ng
koleksiyon ng buwis na nakatulong sa pag-unlad ng bansa noong dekada '70. Dahil rin sa pagutang niya at sa tulong pang-ekonomiya na nanggaling sa Estados Unidos, mas maraming mga
daan ang naitayo ng kanyang administrasyon kaysa sa lahat ng daan na naitayo ng mga
nakalipas na pangulo at mas maraming mga paaralan kaysa sa nakalipas na administrasyon.
[28]

Nahalal muli si Marcos bilang pangulo noong 1969, na naging unang pangulo ng malayang

Pilipinas na natamo ang ikalawang termino.


Hinarangan ng mga kalaban ni Marcos ang kinailangang lehislasyon para maisakatuparan ang
kanyang mga plano. Dahil dito, nawala ang positibong damdamin sa kanyang ikalawang termino
at bumagal ang pag-unlad ng kabuhayan.[29] Dumami ang krimen at pagsuway ng mga sibilyan sa
batas. Binuo ng Partido Komunista ng Pilipinas ang Bagong Hukbong Bayan. Nagpatuloy ang
pakikipaglaban ng Moro Islamic Liberation Front para sa kalayaan ng Mindanao. Ang isang
pagsabog sa pagtitipon ng Partido Liberalkung saan idineklara ang kanilang kandidato para sa
Senado noong 21 Agosto 1971 ang nagdulot ng pagsuspinde ni Marcos sa writ of habeas corpus,
na ibinalik niya noong 11 Enero 1972 matapos ang mga protesta ng publiko.

Batas Militar[baguhin]
Tingnan din: Estratehiya ng tensiyon.

23 Setyembre 1972 - Ipinahahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar sa isang
pagbabalita sa himpapawid.

Dahil sa kawalan ng respeto sa batas at ang banta ng rebelyon ng mga Komunista,


idineklara ni Marcos ang batas militar noong 21 Setyembre 1972 sa bisa ng Proklamasyon
Blg. 1081. Tinanggal ni Marcos ang kalayaan ng pamamahayag at iba pang karapatan ng
mga mamamayan, ipinasara ang Kongreso at ang mga kompanya ng pamamahayag, at
iniutos ang pag-aresto sa mga pinuno ng oposisyon at mga aktibidad ng mga militante,
kasama na ang kanyang pinakamalaking mga kritiko, si Senador Benigno Aquino, Jr.,
Senador Jovito Salonga at Senador Jose Diokno.[30] Ang deklarasyon ng batas militar ay
tinanggap ng karamihan, dahil sa problemang panlipunang dinaranas ng Pilipinas. [31] Malaki
ang binaba ng bilang ng krimen matapos isakatuparan ang curfew.[32] Maraming mga
kalaban sa pulitika ang napilitang umalis ng bansa.
Isang konstitusyonal na kumbensiyon, na itinatag noong 1970 upang palitan ang SaligangBatas ng 1935, ay nagpatuloy sa pagbuo ng bagong saligang-batas matapos ang
deklarasyon ng batas militar. Nagkaroon ng bisa ang bagong konstitusyon noong 1973, na
binago ang istilo ng pamahalaan mula sapampanguluhan na naging parlamentaryo at
nagpahintulot kay Marcos na manatili siya sa kapangyarihan matapos ang 1973.
Ayon kay Marcos, ang batas militar ang simula nang pagbubuo ng Bagong Lipunan na
ibinase sa mga kahalagahang panlipunan at pampulitika. [33] Lumakas ang ekonomiya noong
dekada 1970s, na nagkaroon ng sobrang salapi para sa budyet at pangangalakal. Tumaas
ang Kabuuang Pambansang Produkto mula sa 55 bilyong piso noong 1972 na naging 193
bilyong piso noong 1980. Lumaki ang kita ng pamahalaan sa turismo. Ngunit nakilahok si
Marcos, ang kanyang mga kroni at ang kanyang maybahay, si Imelda Romualdez-Marcos sa
paggawa ng kurapsyon.[34] Sa pamumuno ni Nailah Ingco at Joanna Bayabao.

Ikaapat na Republika[baguhin]
Upang palubagin ang Simbahang Katolika bago ang pagbisita ng Santo Papa, si Papa Juan
Pablo II,[35] opisyal na ipinatigil ni Marcos ang batas militar noong 17 Enero 1981. Ngunit,
pinanatili niya ang kapangyarihan ng pamahalaan sa paghuli at pagkulong. Ang kurapsyon at
ang kaguluhan sa lipunan ang naging sanhi ng pagbagal ng pag-unlad ng ekonomiya sa
ilalim ni Marcos, na humina ang kalusugan dahil sa lupus.
Binoykot ng oposisyon ng halalan noong 1981, kung saan lumaban si Marcos at ang
retiradong heneral na si Alejo Santos.[30] Nanalo si Marcos ng 16 milyong boto, na
pinahintulutan siyang manungkulan ng anim na taon. Nahalal ang Kalihim ng Pananalapi,
si Cesar Virata bilang Punong Ministro ng Batasang Pambansa.
Noong 1983, napatay ang pinuno ng oposisyon, si Benigno Aquino, Jr. sa Pandaigdigang
Paliparan ng Maynila sa kanyang pagbalik sa Pilipinas matapos ang mahabang panahon ng
pananatili sa ibang bansa. Nagdulot ito ng pagtutol sa pamumuno ni Marcos at ang serye ng
mga pangyayari, kasama ang pag-aalala ng Estados Unidos, na nagsanhi ng halalan
noong Pebrero 1986.[36] Nagkaisa ang oposisyon sa biyuda ni Aquino, si Corazon Aquino.
Idineklara ng Komisyon ng Eleksiyon (Comelec), ang opisyal na tagabilang ng resulta ng
halalan, ang pagkapanalo ni Marcos. Ngunit malaki ang pagkakaiba nito sa bilang
ng Namfrel, isang pinagkakatiwalaang tagabantay ng halalan. Tinutulan ni Corazon
Aquino at ng kanyang mga tagasuporta ang maling resulta ng halalan. Hindi rin kinilala ng
mga dayuhang tagamasid, kasama ang delegasyon ng Estados Unidos, ang opisyal na
resulta.[36] Binawi ni Hen. Fidel Ramos at Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Juan Ponce
Enrile, ang suporta nila kay Marcos. Napatalsik si Marcos sa isang mapayapang
demonstrasyon, tinatawag na Rebolusyon sa EDSA ng 1986at ang paghalili ni Corazon
Aquino bilang pangulo noong 25 Pebrero 1986.

Ikalimang Republika (1986-kasalukuyan)[baguhin]


Pamamamahala ni Corazon Aquino (1986-1992)[baguhin]

Corazon Cojuangco-Aquino, Pangulong ng Pilipinas mula 1986 hanggang 1992.

Bumuo kaagad si Corazon Aquino ng isang rebolusyonaryong pamahalaan para maging


normal ang sitwasyon, na naging batayan ang transisyonal na Freedom Constitution.
[37]

Isang bagong saligang-batas ang ipinagtibay noong Pebrero 1987.[38] Ipinagbawal ng

konstitusyong ito ang pagdedeklara ng batas military, pagtatatag ng mga nagsasariling


rehiyon sa Cordillera at sa Timog Mindanao at ang pagbabalik ng istilong pampanguluhan ng
pamahalaan at ang Kongresong may dalawang kapulungan. [39] Umunlad ang bansa sa
pamamagitan ng pagtatatag muli ng mga demokratikong institusyon at respeto sa mga
mamamayan, ngunit naging mahina ang pagbangon ng bansa sa administrasyong Aquino
dahil sa mga kudeta ng mga di-apektadong mga kasapi ng militar.[40] Ang paglakas ng
ekonomiya ay hinadlangan ng serye ng mga kalamidad, kasama na ang pagsabog
ngBulkang Pinatubo noong 1991 na nagdulot ng pagkamatay ng 700 katao at ang
pagkawala ng mga tirahan ng 200,000 na katao. [41]
Noong 1991, ibinasura ng Senado ang kasunduang nagpapahintulot sa pananatili ng mga
base militar ng Estados Unidos sa loob ng sampung taon. Isinauli ng mga Amerikano sa
pamahalaan ang Clark Air Base sa Pampanganoong Nobyembre ng taong iyon, at ang Subic
Bay Naval Base sa Zambales noong Disyembre 1992, na nagtapos sa halos isang siglo ng
pamamalagi ng militar ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Namatay si Corazon Aquino noong 1 Agosto 2009 sa Makati medical center sa lungsod ng
makati sa kadahilanang Colon Cancer.

Pamamamahala ni Fidel V. Ramos (1992-1998)[baguhin]

Fidel Ramos, Pangulong ng Pilipinas mula 1992 hanggang 1998.

Noong 1992, nagwagi sa halalan ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Fidel Ramos, na
inendorso ni Pangulong Aquino, na may 23.6% lamang ng kabuuang boto sa pagitan ng
pitong kandidato. Sa mga unang taon ng kanyang termino, idineklara niya na mataas niyang
prayoridad ang nasyonal na rekonsilyasyon at gumawa siya ng koalisyon upang
makabangon sa mga hidwaan ng administrasyong Aquino.[39] Ginawa niyang legal
angPartidong Komunista at nakipag-negosasyon sa mga ito, sa mga rebeldeng Muslim at

mga rebeldeng militar upang kumbinsihin sila na itigil ang kanilang mga kampanya laban sa
pamahalaan. Noong Hunyo 1994, nilagdaan niya ang amnestiyang nagpapatawad sa mga
rebeldeng pangkat, at mga Pilipinong militar at mga pulis na kinasuhan ng krimen habang
nakikipaglaban sa mga rebelde. Noong Oktubre 1995, nilagdaan ng pamahalaan ang
kasunduang nagtatapos sa kaguluhang rebelde. Isang kasunduang pang-kapayapaan ang
nilagdaan ng pamahalaan at ng Moro National Liberation Front (MNLF), isang pangkat ng
mga rebeldeng naghahangad na maging malayang bansa ang Mindanao, noong 1996, na
nagtapos sa pakikipaglaban na nagtagal ng 24 taon. Ngunit ipinagpatuloy ng humiwalay na
pangkat ng MNLF, ang Moro Islamic Liberation Front ang pakikipaglaban. Maraming mga
malalaking protesta ang kumontra sa pagsisikap ng mga taong sumuporta kay Ramos na
susugan ang batas upang magkaroon siya ng pagkakataong tumakbo muli para sa
ikalawang termino, na naging sanhi ng hindi pagtakbo muli ni Ramos sa halalan. [42]

Pamamamahala ni Joseph Estrada (1998-2001)[baguhin]

Joseph Estrada, Pangulong ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001.

Nanalo si Joseph Estrada, isang dating aktor at naging bise pangulong ni Ramos, sa halalan
ng pagka-Pangulo noong 1998. Ipinangako niya sa kanyang kampanya ang pagtulong sa
mga mahihirap at paunlarin ang sektor ng agrikultura sa bansa. Naging popular siya sa mga
mahihirap.[43] Noong panahon ng krisis na pinansyal sa Asyana nagsimula noong 1997, ang
pamamahala ni Estrada ay nagdulot ng mas malalang kahirapan sa ekonomiya. Maraming
Pilipino ang nawalan ng trabaho, lumaki ang kakulangan sa badyet at bumaba ang halaga
ng piso. Ngunit nakabangon ang kabuhayan ng bansa ngunit mas mabagal ito kumpara sa
mga kalapit-bansa nito.
Sa loob ng isang taon ng kanyang eleksiyon, nawala ang popularidad ni Estrada dahil sa
mga akusasyon ng kronyismo at kurapsyon, at ang pagkabigo na masolusyonan ang mga
suliranin sa kahirapan.[34] Noong Oktubre 2000, inakusahan si Estrada na tumatanggap siya
ng pera mula sa sugal. Siya ay isinakdal ng Mababang Kapulungan, ngunit ang kanyang
paglilitis sa Senado ay hindi natuloy nang iboto ng senado na huwag eksaminahin ang tala

sa bangko ng pangulo. Bilang sagot, nagkaroon ng mga demonstrasyon na naghingi sa pagalis ni Estrada. Dahil sa mga rally, ang resignasyon ng mga kalihim at ang pagkawala ng
suporta ng sandatahang lakas, umalis si Estrada sa opisina noong 20 Enero 2001.

Pamamamahala ni Gloria Macapagal-Arroyo (2001-2010)


[baguhin]

Gloria Macapagal-Arroyo, Pangulo ng Pilipinas mula 2001 hanggang 2010.

Humalili si Bise Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (ang anak ni Pangulong Diosdado


Macapagal) sa posisyon ng Pangulo sa araw ng kanyang paglisan. Tinatayang hindi lehitimo
ang pag-upo ni Ginang Arroyo sa pwesto dahil hindi pa tapos ang paghahatol sa kaso ng
nakaraang pangulong Estrada. Naging mas lehitimo ang kanyang pag-upo sa halalan
pagkalipas ng apat na buwan, kung saan nanalo ang kanyang koalisyon sa karamihan ng
mga posisyon.[34] Ang unang termino ni Arroyo ay nagkaroon ng hating pulitika ng mga
koalisyon at isang kudeta sa Maynila noong Hulyo 2003 na naging sanhi ng pag-deklara niya
ng isang buwang pambansang state of rebellion.[34]
Sinabi ni Arroyo noong Disyembre 2002 na hindi siya tatakbo sa halalan noong 2004 ngunit
binago niya ang kanyang desisyon noong Oktubre 2003 at nagdesisyong sumali sa halalan.
[34]

Siya ay muling nahalal at isinalin sa puwesto para sa kanyang anim na taong termino

noong 30 Hunyo 2004. Noong 2005, isang tape na naglalaman ng isang usapan ay lumabas
na naglalaman ng usapan ni Arroyo at isang opisyal ng halalan kung saan inutusan ni Arroyo
ang opisyal na itaas ang bilang ng kanyang mga boto upang manatili siya sa puwesto.
[44]

Nagdulot ito ng mga protesta na humihingi sa pagbaba ni Arroyo sa puwesto. Inamin niya

na kinausap niya ang isang opisyal ng halalan, ngunit tinatwa niya ang mga alegayon ng
pandaraya at hindi siya bumaba sa puwesto.[44]Hindi nagtagumpay ang mga planong
pagpapatalsik sa pangulo noong taong iyon.
__________________________________________________________________________

You might also like