You are on page 1of 3

Panahong kolonyal ng Amerikano (18981946)

Nagsimula ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos nang magsama ang dalawang bansa upang
labanan ang mga Kastila. Bilang mga magka-alyado, binigyan ng mga sundalong Pilipino ang mga
Amerikano ng mga mahahalagang impormasyon at suporta mula sa militar.[11] Ngunit, dumistansiya ang
Estados Unidos sa mga hangarin ng mga Pilipino. Hindi natuwa si Aguinaldo nang tumutol ang mga
Amerikano na suportahan ang kalayaan ng Pilipinas.[11] Nagwakas ang relasyon ng dalawang bansa at
tumaas ang tensiyon nang naging malinaw ang pakay ng mga Amerikanong manatili sa mga pulo.[11]
Digmaang Pilipino-Amerikano
Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero, 1899, matapos patayin ng dalawang
Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan.[12] Naging mas magastos at mas
marami ang namatay sa digmaang ito kaysa sa Digmaang Espanyol-Amerikano.[4] Humigit-kumulang
126,000 Amerikanong sundalo ang lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay, pati na rin ang
16,000 Pilipinong sundalo na naging kasali sa isang pambansang gerilyang kampanya na walang tiyak na
bilang ng mga kasapi.[12] Sa pagitan ng 250,000 at 1,000,000 sibilyan ang namatay dahil sa kagutuman at
sakit. Pinahirapan nila ang isa't isa.[12]
Ang kakulangan ng mga sandata ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban sa mga
Amerikano sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang gerilya.[12]
Ang Malolos, na kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga Amerikano noong 31
Marso 1899 ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang kabisera sa San
Isidro, Nueva Ecija. Si Antonio Luna, ang pinakamagaling na kumander ni Aguinaldo, ay pinatay noong
Hunyo. Dahil sa pagkamatay ni Luna at ang tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa mga
labanan sa Hilagang Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong mga hukbong gerilya sa bawat sonang militar
ang regular na hukbo noong Nobyembre 1899. Ang mga sibilyan, na naiipit sa pagitan ng mga
Amerikano at mga rebelde, ay naghirap.[12]
Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong 23 Marso 1901 at dinala sa Maynila. Nanumpa siya ng
katapatan sa Estados Unidos at nag-utos na sumuko ang kanyang mga kasama, na naging hudyat ng
katapusan ng digmaan.[12] Ngunit nagpatuloy pa rin ang mga labanan sa ilang mga bahagi ng Pilipinas,
lalo na sa Mindanao, hanggang noong 1913.[13]
Kolonya ng Estados Unidos
Tinuring ng Estados Unidos ang kanilang misyon sa Pilipinas bilang paghahanda ng mga Pilipino sa
malayang pamamahala.[14] Itinatag ang pamahalaang sibil noong 1901, na pinamahalaan ni William
Howard Taft, ang unang Amerikanong gobernador-heneral ng Pilipinas, na humalili kay Arthur
MacArthur, Jr. Ang gobernador-heneral ang naging pinuno ng Komisyon ng Pilipinas, isang kapisanan na
itinatag ng Estados Unidos na may kapangyarihang tagapagbatas at may limitadong kapangyarihang
tagapamahala. Nagpatupad ang komisyon ng batas na nagtayo ng iba't ibang mga sangay ng pamahalaan,
kasama na rin ang istilong hudisyal, serbisyong sibil at pamahalaang lokal. Itinatag ang Pambansang
Pulisya (Philippine Constabulary) upang pamahalaan ang mga natitirang kilusang lumalaban sa mga
Amerikano at nang hindi naglaon ay ginampanan rin nito ang mga responsibilidad ng Sandatahang Lakas
ng Estados Unidos. Pinasinayaan ang halal na Asamblea ng Pilipinas noong 1907 bilang ang mababang
kapulungan, samantalang ang Komisyon ng Pilipinas ang mataas na kapulungan.
Ang mga panukala ng Estados Unidos sa Pilipinas ay napalitan kasabay ng pagpapalit ng mga
administrasyon.[4] Sa mga unang taon ng kolonyang pamamahala, ayaw ng mga Amerikano na ibigay ang
karapatang pamamahala sa mga Pilipino. Ngunit, nang naging pangulo ng Estados Unidos si Woodrow
Wilson noong 1913, isang bagong panukala ang ipinagtibay na naging daan sa kalayaan ng Pilipinas. Ang
Batas Jones, na ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos noong 1916, ay naging batayan ng pagtatag ng
isang pamahalaan, nagpangako ng kalayaan at pagtatatag ng inihalal na Senado ng Pilipinas.
Naganap noong dekada 1920 ang pakikipagtulungan at mga komprontasyon ng mga Pilipino sa mga
gobernador-heneral ng Estados Unidos, depende kung kaya ng gobernador-heneral na pamahalaan ang
kolonya kasama ang tagapagbatas ng bansa. Ang mga kasapi ng kongreso ay naghangad na makamit
kaagad ang kalayaan mula sa Estados Unidos. Ipinadala sa Washington D.C. ang ilang mga misyong
pang-kalayaan. Itinatag ang serbisyong sibil na pinamahalaan ng mga Pilipino noong 1918.
Ang politika ng Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo nito sa Estados Unidos ay pinamahalaan ng
Partido Nacionalista, na itinatag noong 1907. Kahit naghangad ito ng madaliang paggawad ng kasarinlan,
naging mataas ang suporta nito sa Estados Unidos sa mga panukala nito.[15] Pinamunuan ito ni Manuel L.
Quezon, na naging pangulo ng Senado mula noong 1916 hanggang 1935.
Panahon ng KomonweltNoong 1933, ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Batas
Hare-Hawes-Cutting bilang ang Batas ng Kalayaan ng Pilipinas kahit ito ay tinutulan ni Pangulong
Herbert Hoover.[16] Kahit ang batas na ito ay binuo sa tulong ng isang komisyon mula sa Pilipinas,
tinutulan ito ng Pangulo ng Senado, si Manuel L. Quezon, dahil sa probisyon nitong manatili ang kontrol
ng Estados Unidos sa mga base militar sa bansa. Sa ilalim ng kanyang impluwensiya, tinutulan ito ng
lehislatura ng Pilipinas.[17] Noong sumunod na taon, isang bagong batas na tinawag na Batas Tydings-
McDuffie ay ipinasa ng lehislatura. Isinaad sa batas na ito ang pagtatatag ng Komonwelt ng Pilipinas na
may 10-taong mapayapang transisyon patungo sa kasarinlan. Magkakaroon ang komonwelt ng sariling
saligang-batas at magiging responsibilidad ang pamamahala sa bansa, ngunit ang ugnayang
panlabas ay responsibilidad ng Estados Unidos, at ilang mga batas ay kailangan aprubahan ng
pangulo ng Estados Unidos.[17]

Isang konstitusyon ang binuo noong 1934 na pinagtibay sa isang plebisito noong sumunod na taon.
Noong 14 Mayo 1935, isang halalan ang ginanap upang punan ang bagong tatag na posisyon ng Pangulo
ng Komonwelt na napanalunan ni Manuel L. Quezon ng Partido Nacionalista, at itinatag ang isang
Pilipinong pamahalaan na ibinase sa mga prinsipyo ng Konstitusyon ng Estados Unidos. Ang komonwelt
ay itinatag noong 1935, na mayroong malakas na sangay na tagapagpaganap, iisang sangay ng
kapulungan, ang National Assembly at ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na binubuo ng mga
Pilipino sa unang pagkakataon mula noong 1901. Noong panahon ng Komonwelt, nagpadala ang
Pilipinas ng isang halal na Resident Commissioner sa Mababang Kapulungan ng Estados Unidos (tulad ng
ginagawa ng Puerto Rico ngayon).
Naging adhikain ng bagong pamahalaan ang pagtatatag ng batayan ng tanggulang pambansa, mas
malakas na kontrol sa ekonomiya, mga reporma sa edukasyon, pagpapabuti sa transportasyon, ang
kolonisasyon ng pulo ng Mindanao at ang promosyon ng lokal na kabisera at industriyalisasyon. Ngunit
hinarap ng komonwelt ang problema sa agrikultura, ang di-tiyak na sitwasyong diplomatiko at militar sa
Timog-Silangan Asya, at hindi maliwanag na lebel ng komitment ng Estados Unidos sa panghinaharap na
Republika ng Pilipinas. Binago ang konstitusyon noong 19391940 upang ibalik ang kongresong may
dalawang kapulungan at ang pagpapahintulot ng pagtakbo muli ni Pangulong Quezon, na nagkaroon
lamang ng isang anim na taong termino.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang pagsakop ng mga Hapon

Humigit-kumulang 10,000 katao ang namatay sa Martsa ng Kamatayan sa Bataan.


Naglunsad ang bansang Hapon ng isang sorpresang pag-atake sa Clark Air Base sa Pampanga noong 8
Disyembre 1941, halos sampung oras lamang matapos ang Pag-atake sa Pearl Harbor. Ang pagbobomba
sa pamamagitan ng paggamit ng mga eroplano ay sinundan ng pagdating ng mga sundalong Hapones sa
Luzon. Ang hukbo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay pinamunuan ni Heneral Douglas
MacArthur. Dahil sa pagdami ng mga kalabang dumarating sa bansa, lumikas ang mga hukbong Pilipino
at Amerikano sa Bataan at sa pulo ng Corregidor. Ang Maynila, na idineklarang bukas na lungsod/Open
City upang maiwasan ang pagkawasak nito, ngunit naging pasaway ang mga hapones at sinalakay pa rin
ito [18] ito ay pinasok ng mga Hapones noong 2 Enero 1942[19]. Nagpatuloy ang pagtatanggol ng mga
Pilipino hanggang sa pagsuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan noong 9 Abril 1942 at
ang Corregidor noong Mayo 6. Karamihan sa 80,000 na mga preso ng digmaan na nahuli ng mga
Hapones sa Bataan ay sapilitang pinagmartsa patungo sa isang kulungang may layo ng 105 kilometro sa
Hilaga (Pampangga) . Tinatayang 10,000 mga Pilipino, 300 mga Pilipinong Intsik at 1,200 mga
Amerikano ang namatay bago makarating sa destinasyon.[20]
Sumama sina Quezon at Osmea sa mga sundalong patungong Corregidor at hindi nagtagal ay umalis sila
patungong Estados Unidos, at doon pinamahalaan ang Komonwelt.[21] Inutusan si MacArthur na pumunta
sa Australia, kung saan sinimulan niya ang planong pagbabalik sa Pilipinas.

Agad na nag-organisa ang mga awtoridad ng militar ng Hapon ng bagong estruktura ng pamahalaan sa
Pilipinas at itinatag ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas). Isinaayos nila ang
Konseho ng Estado na nagpatupad ng mga pang-sibil na batas hanggang Oktubre 1943, nang ideklara nila
ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Ang republikang nasa ilalim ng mga Hapones na pinamunuan
ni Jose P. Laurel ay hindi naging popular.[22]
Ang pagsakop ng mga Hapon sa Pilipinas ay tinutulan nang maraming aktibidad ng mga gerilya.
Lumaban ang pangkat ng militar ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa mga Hapones sa
isang digmaang gerilya at kinilalang isa itong pangkat ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos. Ang
tagumpay ng pakikipaglabang ito ay ipinakita sa katapusan ng digmaan, kung saan kontrolado lamang ng
mga Hapones ang labindalawa sa apatnapu't walong lalawigan sa bansa.[22] Ang pangunahing elemento ng
paghihimagsik sa Gitnang Luzon ay ginampanan ng Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon), na
mayroong 30,000 kasapi at ipinaabot ang kontrol sa karamihang lugar sa Luzon.[22]
Noong 8 Mayo 1942 hanggang 2 Setyembre 1945, nagsimula ang kampanya ng Labanan ng Pilipinong
Nadakpin-Muli sa Pilipinas sa ilalim ng pagsakop ng mga Hapon. Mahigit daan-libong mga Pilipino at
mga Pilipinong Intsik na kalakihan ay sumali bilang sundalo ay isang dating militar ng Hukbong Katihan
ng Komonwelt ng Pilipinas sa ilalim ng pangkat ng militar ng Estados Unidos (19351946) at ang sumali
bilang gerilya ng kumilalang pangkat ng gerilya sa buong pagbabaka at labanang ito sa Pilipinas katulad
ng Luzon, Visayas at Mindanao at lumaban sila sa mga Hapon, at bago po pagbabalik ng mga
Amerikanong sundalo sa Pilipinas noong 1944.
Dumating si Heneral Douglas MacArthur at si Pangulong Sergio Osmena kasama ang maraming mga
Pilipino at Amerikanong sundalo sa Leyte noong 20 Oktubre 1944. Maraming pang mga sundalo ang
dumating, at pinasok ng mga Magkakaalyadong sundalong Pilipino at Amerikano ang Maynila. Nagtagal
ang labanan hanggang sa pormal na pagsuko ng Hapon noong 2 Setyembre 1945. Nagdanas ang Pilipinas
ng pagkawala ng maraming buhay at malawakang pagkasira nang matapos ang digmaan. Tinatayang
isang milyong Pilipino ang namatay, at nawasak ang Maynila dahil hindi idineklara ng mga Hapones ang
Maynila bilang isang bukas na lungsod katulad ng ginawa ng mga Amerikano noong 1942.[22]
Kasama ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos si Sergio Osmena. Namatay si Quezon sa
sakit na tuberkulosis noong 1 Agosto 1944 at si Osmea ang humalili sa kanya. Kasama siya ng mga
puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte. Samantala maraming ang magkakasanib ng mga sundalong
Pilipino at Amerikano kasama ng mga kumilalang gerilya ay ipagtatanggol ng sagupaan ng pakipaglaban
sa mga Hapones ay simula ng kampanya ng labanan ng pagpapalaya sa Pilipinas. Nagsilbi siya bilang
pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong 23 Abril 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay
ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.

You might also like