You are on page 1of 2

Si Andrs Bonifacio (Nobyembre 30, 1863 - Mayo 10, 1897) ay siyang namuno sa

rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na


lumaban sa pananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa.
Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tundo, Maynila. Ang kanyang
magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalia de Castro. Siya ay nagsimulang
mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmea sa Melsic subalit siya'y maagang
nahinto sa pag-aaral. Bagamat siya'y nahinto sa pag-aaral, marunong siyang
bumasa at sumulat, at dalubhasa na rin sa pagsasalita sa wikang Kastila.
Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at
pamaypay na gawa sa papel de japon. Nagtrabaho din siya bilang clerk, sales agent
at bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal
at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini.
Bagamat mahirap ay mahilig bumasa at sumulat ng mga bagay na may kabuluhan
lalo na kung ito ay tungkol sa himagsikan at digmaan. Siya ay may diwa ng
paghihimagsik. Siya rin ay nagnais na magbangon ng pamahalaang malaya na
naging daan upang kanyang maitatag ang Katipunan na kakatawan sa himagsikan
at upang maging wasto at panatag sa kanyang itinatag. Noong 1892, matapos
dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang Katipunan o
kilala rin bilang "Kataastasan,Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng
Bayan" (KKK), isang lihim na kapisanang mapanghimagsik, na di naglaon ay naging
sentro ng hukbong Pilipinong mapanghimagsik. Kasama ni Bonifacio ay sina
Valentin Diaz, Deodato Arellano (bayaw ni Marcelo H. del Pilar), Teodoro Plata
(bayaw ni Bonifacio), Ladislao Diwa, at ilang mangagawa ang pagtatag ng
Katipunan sa Calle Azcarraga (ngayon ay Avenida Claro M. Recto) malapit sa Calle
Candelaria (ngayon ay Kalye Elcano).
Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon"
sa Pilipinas. Si Bonifacio at ang kanyang mga kasamahan sa Katipunan ay may
isang layunin na marahil ay siyang naging dahilan upang ang kanilang pakikidigma
ay maging matagumpay.
Sa Katipunan, "Supremo" ang kanyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang
Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulong Hari ng Katagalugan".
Dito rin niya nakilala si Gregoria de Jesus na tinawag niyang Lakambini. Noong
Agosto 23, 1896, sa maliit na baryo ng Pugad Lawin (ngayo'y Bahay Toro, Project 8,
Lungsod Quezon) sa Balintawak ay tinipon nya ang mga Katipunero at isa isa'y
pinunit ang kanilang mga cedula.
Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa Tejeros, Cavite, sa kahilingan
ng mga Katipunerong Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lamang. Nanalo
sa pagka-pangulo si Emilio Aguinaldo, Lider ng Katipunang Magdalo at ang Supremo
ay naihalal sa mababang posisyong Tagapangasiwa ng Panloob (Interior Director).
Nang sinubukan ng mga miyembro ng lupon ng mga Magdalo na kuwistiyunin ang
kakayahan ni Andrs Bonifacio, idineklara ni Bonifacio na walang bisa ang naganap
na eleksyon dahilan sa pandaraya sa botohan ng mga Magdalo. Dahil dito,
kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil. Ipinahuli at ipinapatay ni
Aguinaldo sa kanyang mga tauhan. Iniutos kay Mariano Noriel na ibigay ang hatol sa
isang selyadong sobre kay Lazaro Makapagal. Iniutos ang pagbaril kay Bonifacio
kasama ang kanyang kapatid na lalaki na si Procopio Bonifacio noong ika-10 ng

Mayo, 1897 malapit sa Bundok Nagpatong (o Bundok Buntis). Hanggang ngayon,


hindi pa rin natatagpuan ang labi niya.

You might also like