You are on page 1of 4

LEARNING ACTIVITY SHEET

ARALING PANLIPUNAN 3
Ikatlong Markahan, Ikalawang Linggo

Pangalan: ___________________________________________________ Petsa: ____________________


Baitang at Seksyon: ________________________

Impluwensya ng Klima at Lokasyon sa Pagbuo at Paghubog ng Pamumuhay sa Isang Lugar

Panimula/Batayang Impormasyon:

Mga Salik Heograpikal na Nakaiimpluwensiya sa Pagbuo at Paghubog ng Uri ng Pamumuhay sa Rehiyon


Ang heograpiya o katangiang pisikal ng isang lugar ang karaniwang nakaiimpluwensya sa kung anong
paraan ng pamumuhay ang nalilinang ng mamamayan at anong uri ng kabuhayan ang nabubuo na siyang
pinagkukunan ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao. Dalawa sa mga salik heograpikal ang
bibigyang pansin sa modyul na ito, ang klima at ang lokasyon ng isang lugar. Tunghayan, suriin at matuto sa
mga ito.
A. Klima Bilang Salik Pang Heograpikal
Ang klima ay tumutukoy sa pangmatagalang kalagayan ng atmospera o hangin na nakapaligid sa
daigdig na nararanasan sa isang partikular na lugar o rehiyon.
Malaki ang papel na ginagampanan ng klima sa paghubog ng uri ng pamumuhay at kabuhayan ng mga tao. Ito
ang isa sa nagiging basehan sa kung anong uri ng pananim ang maaaring payabungin, uri ng tahanan na
maaaring ipagawa, kasuotan at maging sa kung anong uri ng trabaho ang papasukan.
Ano ang klima sa iyong lalawigan ngayon? Tag-ulan ba o tag-araw? Giniginaw ka ba o naiinitan? Halina
at ating tuklasin ang tungkol sa klima bilang isang salik na nakaiimpluwensiya sa pagbuo at paghubog ng uri
ng pamumuhay sa mamamayan ng ating rehiyon.

Klima sa Gitnang Luzon


May pagkakaiba sa uri ng klima ang mga lalawigan sa Gitnang Luzon ayon sa pagpatak ng ulan sa rehiyon.

Ang lalawigan ng Aurora ay halos maulan sa buong taon. Ito ay dahil sa nakaharap ang lalawigan sa Dagat
Pilipinas at Karagatang Pasipiko kung kaya’t madalas itong daanan ng bagyo. Samantala, sa mga lalawigan ng
Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija, maikli ang tag-init at walang tiyak na panahon ng tag-ulan. Magsinghaba
naman ang tag-araw at tag-ulan sa mga lalawigan ng Bataan, Tarlac at Zambales.
Dahil ang Gitnang Luzon ay malapit sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas, Dagat Pilipinas at Karagatang Pasipiko,
nakararanas ito ng mainit na temperatura.
Malaki ang kinalaman ng klima sa pamumuhay ng mga tao. Nakaiimpluwensiya ang mga ito sa uri ng pananim
na naaani, uri ng pananamit at pagpili ng trabaho o hanapbuhay.
Ilan sa mga halimbawa ng mga produktong naaani sa mga lalawigan na nakabatay sa klima ay ang mga
sumusunod:
Ang mga Lalawigan ng Rehiyon III at ang mga Produkto at Kabuhayan na Mayroon ang mga Ito Dulot ng
Lokasyon ng mga Lalawigan.

LALAWIGAN KABUHAYAN
AURORA Pinagkukunan ng mga produktong kahoy tulad ng tabla at poste.
BATAAN Tanyag sa malalaking deposito ng copper.
May mga palaisdaan.
Gumagawa rin ng asin at bagoong.
BULACAN May mga palaisdaan.
May industriya ng baboy.
Gumagawa rin ng mga alahas.
Paggawa ng kutsilyo, itak, bakya at paso.
NUEVA ECIJA Nangunguna sa produksyon ng palay sa buong Pilipinas.
PAMPANGA May mga palaisdaan.
Gumagawa ng mga inukit na kagamitan at muwebles.
TARLAC Pagsasaka
Produksiyon ng asukal.
ZAMBALES Mayaman naman ang lalawigan sa Chromite.
Sagana sa troso at mataba ang lupa na taniman ng mga gulay at prutas.
May mga palaisdaan.

Tunay nga na malaki ang impluwensya ng lokasyon at klima sa pagbuo at paghubog ng pamumuhay sa ating
rehiyon.

Learning Competency: Naipaliliwanag ang kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo at paghubog ng uri ng


pamumuhay ng mga lalawigan at rehiyon. AP3PKR- IIIa-2

GAWAIN I
Panuto: Piliin ang kaugnay na pisikal na katangian ng isang lugar na inilalarawan ng bawat aspekto ng
kultura. Maaaring maraming beses gamitin ang pagpipilian. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon sa ibaba.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

a. Itaas ng bundok c. Tabing dagat


b. Lungsod d. Kapatagan
_________ 1. Maagang nagigising ang mga tao sa pagpunta sa bukid.

_________ 2. Mabilis ang kilos ng mga tao papunta sa opisina.

_________ 3. Malaking bahagi ng produkto ay nanggagaling sa pangingisda.

_________ 4. Karamihan sa mga awit at kuwento ay ukol sa pangangalaga sa kagubatan.

_________ 5. May mga awit na patungkol sa pagsasaka.

GAWAIN 2
Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ang nilalaman ng pahayag ay wasto at isulat naman ang Mali kung hindi
wasto ang pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.

_______ 1. Malaki ang papel na ginagampanan ng klima sa pagpili ng pananim ng mga magsasaka sa mga
lalawigan ng Rehiyon III.

_______ 2. Pagtatanim ang pinakapangunahing pinagkukunan ng pagkakakitaan ng mamamayan sa mga


lalawigan ng Nueva Ecija, Pampanga at Zambales.

_______ 3. Ang klimang nararanasan sa Rehiyon III ay magkakapareho sa dami ng ulan na nararanasan ng
bawat lalawigan.

_______ 4. Naiimpluwensyahan ng lokasyon ng isang lugar ang uri ng kabuhayan ng mamamayan nito.

_______ 5. Karaniwang pagsasaka ang kabuhayan ng mga lalawigan ng Zambales, Bataan at Aurora dahil
malapit ang mga lokasyon ng mga ito sa dagat.

GAWAIN 3
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isaayos ang ginulong mga letra upang makabuo ng salita base sa
hinihingi ng bawat aytem. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

_______________ 1. Ito tumutukoy sa pangmatagalang kalagayan ng atmospera o hangin na nakapaligid sa


daigdig na nararanasan sa isang partikular na lugar o rehiyon. (AKILM)
_______________ 2. Ang lalawigang ito sa Rehiyon III ay nakaharap sa Dagat Pilipinas at Karagatang Pasipiko
kung kaya’t madalas itong daanan ng bagyo. (RAAOUR)
_______________ 3. Maliban sa palay, ito rin ang isa sa kalimitang pananim at pinagkakakitaan ng
mamamayan sa mga lugar sa Rehiyon III na halos buong taon ang tag-araw. (SIAM)
______________ 4. Maliban sa tubo, ito rin ang pinakaangkop na pananim para sa mga lugar sa Rehiyon III na
higit ang panahon ng tag-ulan kaysa tag-araw. (GINYO)
_______________ 5. Ito ang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga lalawigan sa Rehiyon III na malapit sa mga
bulubunduking lugar tulad ng Zambales. (MMAPGIIAN)

Prepared by: Analiza J. Ison


Subject Teacher
09158650323

You might also like