You are on page 1of 26

ARALING PANLIPUNAN 5 – ARALIN 1.

ABSOLUTE NA LOKASYON
• Ang GLOBO ay may iba’t ibang guhit na nasa isip lamang (imaginary
lines).

• Sinasabing nasa isip lamang ito dahil kung titingnan talaga natin ang
mundo, wala ang mga guhit na ito.

• Nilikha lamang ang mga guhit upang matukoy ang tiyak na lokasyon,
hugis, laki, at sukat ng mga lugar.

• Sadyang inilagay ang mga guhit upang higit na maunawaan ang mundo
na siyang kinakatawan nito.
MGA GUHIT LATITUD
• Ang guhit na pahalang na makikita sa globo at mapa ay tinatawag na
latitude. Ang guhit latitude ay tinatawag na parallels.
• Ang mga guhit latitude ay mga guhit na pumapalibot nang pahalang sa
globo.

• Ang latitude ay ang distansya sa pagitan ng dalawang parallel.


MGA GUHIT LONGHITUD
• Ang linyang patayo ay tinatawag na mga guhit meridian o longhitude.
• Ito ay linyang likhang-sip na tumutulong sa pagtatakda ng lokasyon sa
mga lugar sa mundo.

• Ang longtitude ay distansya sa pagitan ng dalawang meridian.


Ang
mga
meri katag
di an ang p
nang o lon arall
palita gitud el o l
n. e ay a
kalim ttitude a
itang t
ginag
ami t
TANDAAN!!!
Kun
g an
liny g pi
a, an nag-
mer g t i uusa
idia nutuk pan
n. oy a ay tu
y an ngko
gm
TANDAAN!!! ga p l sa mg
aral a
lel a
t
y t u ng k o l s a
a n n am a n a
g p i na g- uu sap la t it u d e a t
Kapag an t u ko y a y a ng
s y a , an g ti nu
mga distan
longitude.
TANDAAN!!!
EQUATOR
• Ang ekwador ay ang pabilog na guhit sa
pinakagitnang bahagi ng globo. Ito ay matatagpuan sa
zero degree ( ) latitude.

• Hinahati nito ang globo sa dalawang hatingglobo: ang


Hilagang Hatingglobo at Timog Hatingglobo.

• Ang mga guhit latitude na nasa hilaga ng ekwador ay


tinatawag na Hilagang latitud. Timog latitude naman
ang guhit na nasa timog ng ekwador.
Digri
( ) an
pabilo g gina
g a ng gamit
globo na p a n
. uka t d
ahil
TANDAAN!!!
PRIME MERIDIAN
• Ang Prime Meridian ay naghahati sa globo sa
Silangan at Kanlurang Hatingglobo.

• Ang nasasaklaw sa gawing kanan ng Prime Meridian


hanggang sa International Dateline ay ang Silangang
Hatingglobo.

• Sa kabilang panig naman, sa kaliwa ng Prime


Meridian hanggang sa International Date line ay ang
Kanlurang Hatingglobo.
INTERNATIONAL DATE LINE
• Matatagpuan ang International Date Line o IDL sa
kabilang bahagi ng globo, katapat ng Prime
Meridian.

• Tulad ng Prime Meridian, ito ay nag-uugnay sa


dalawang polo.

• Ang International Date Line ay batayan sa


pagkakaiba ng araw o petsa sa magkabilang panig ng
mundo.
Ang ekwador, Prime Meridian, International date line at iba pang
mga guhit na nasa globo at mapa ay hindi mga tunay na guhit.
Ang mga ito ay likhang-isip lamang. Inilagay ang mga ito upang
maayos na magamit ang mapa at globo.

TANDAAN!!!
IBA PANG ESPESYAL NA GUHIT
LATITUDE

TROPIC OF CANCER
• Tawag sa parallel na nasa 23 ½ degree Hilaga ng ekwador.

• Ito ang pinakahilagang hangganang naaabot ng bertikal na


sinag ng araw.
TROPIC OF CAPRICORN
• Tawag sa parallel na nasa 23 ½ degree Hilaga ng
ekwador.

• Ito ang pinakatimog na lugar na naaabot ng bertikal na


sinag ng araw.
ARCTIC CIRCLE
• Ang parallel na nasa 66 ½ degree Hilaga ng ekwador.

• Ito ang pinaka-hilagang hangganang naaabot ng palihis na


sinag ng araw.
ANTARCTIC CIRCLE
• Ang parallel na nasa 66 ½ degree Timog ng ekwador.

• Ito ang pinakatimog na hangganang naaabot ng palihis na


sinag ng araw.
Ang nasasaklaw sa pagitan ng dalawang espesyal na mga guhit na
Tropic of Cancer at Tropic of Capricorn at tinatawag na
mababang latitude o rehiyong tropical.

TANDAAN!!!
Ang rehiyon sa pagitan ng Tropiko ng Kanser at Kabilugan ng
Arktiko at tinatawag na gitnang latitude o rehiyong
katamtaman ang lamig sa hilaga.

TANDAAN!!!
Ang rehiyon sa pagitan ng Kabilugang Antarktiko at Tropiko ng
Kaprikornyo ay ang gitnang latitude o rehiyong katamtaman
ang lamig sa timog.

TANDAAN!!!
PANAHON SA IBA’T IBANG LATITUD

May iba’t ibang panahon sa iba’t ibang latitude ayon sa


posisyon ng mundo habang lumiligid ito sa araw.
PANAHON SA MABABANG LATITUD
• Nasa pagitan ng Tropic of Cancer at Tropic of Capricorn o bansa mula sa ekwador
hanggang 23 ½ degree sa hilaga at 23 ½ degree sa bahagi ng mababang latitude.

• Ang mga bansa sa lokasyon dito ay nakararanas ng klimang mainit o klimang


tropical dahil sa direktang sinag ng araw na natatanggap nito.

• Dalawa lamang ang klima dito, tag-ulan at tag-araw.

• Pilipinas, Hawaii, at Thailand ay ilan sa halimbawa ng mga bansang kabilang sa


mababang latitude na may klimang tropical.
PANAHON SA GITNANG LATITUD
• Ang mga bansa sa gitnang latitude ay nasa pagitan ng 23 ½ degree hanggang 66 ½ degree
hilaga at 23 ½ degree hanggang 66 ½ degree timog mula sa ekwador.

• Tinatawag itong TEMPERATURE ZONE.

• Palihis ang sikat ng araw kaya hindi gaanong mainit ang klima sa buong taon.

• Karamihan sa mga bansang naririto ay nakararanas ng klimang tagsibol o spring, taglamig


o winter, taglagas o autumn, at tag-init o summer.

• Estados Unidos, Japan. At Australia sa mga bansang may ganitong uri ng klima.
PANAHON SA MATAAS NA LATITUD
• Kabilang sa mataas na latitud ang mga bansang nasa pagitan ng 66 ½ degree hanggang 90
degree hilaga o Arctic Circle at 66 ½ degree hanggang 90 degree timog o Antarctic Circle.

• Kilala rin ang bahaging ito aa tawag na REHIYONG POLAR (POLAR REGIONS) at
Frigid Zone.

• Palaging nababalutan ng yelo ang mga bahagi nito.

• Sa loob ng anim na buwan ay nakikita ang araw. Sa susunod na anim na biuwan ay hindi
naman makikita ang araw o makkaranas ng dilim.

• Antarctica, Alaska at itaas na bahagi ng Canada ay may ganitong uri ng klima.

You might also like