You are on page 1of 4

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN V

Pangalan ________________________ Antas_______ Markahan: Ikatlo Linggo: 8

I. MELC/Pinakamahalagang Kasanayang Pagkatuto


Napahahalagahan ang mga katutubong Pilipinong lumaban upang mapanatili
ang kanilang kasarinlan. (Muslim)
II. Pangkalahatang Ideyang
Matindi ang pagtutol ng mga Muslim sa kapangyarihan ng Espanya kaya
sinasabing hindi sila kailanman napasailalim nito. Hindi nasakop ang mga Muslim sa
Mindanao dahil ipinakita nila ang pagkakaisa. Naging matatag at malakas ang
sultanatong itinatag ng mga Muslim. Nagkabuklod buklod sila sa iisang paniniwala,
kultura, at lahi kung kaya nagawa nilang mapigil ang mga hukbong ipinadala ng mga
Espanyol. Bukod pa dito naging balakid sa mga Espanyol ang maalab na paniniwala ng
mga Muslim sa kanilang relihiyon at kultura. Ang paniniwala ng mga Muslim sa
relihiyong islam ay mahalagang salik sa pakakaroon nila ng diwa ng pagkakaisa at ng
determinasyong huwag magpasailalaim sa kaaway ng mga dayuhan at huwag kilalanin
ang relihiyong Kistiyanismo. Ang pagmamahal sa kanilang bayang tinubuan ay maingat
na binantayan at ipinagtanggol laban sa mga kaaway.
Ang labanan ng mga Muslim sa Mindanao laban sa mga Kristiyanong Espanyol
ay tinawag na Digmaang Moro. Ang konseptong Moro ay iniuugnay noong una sa mga
barbaro bilang mapanira at mapangwasak. Ang Moro ay nakilala bilang “madirigmang
Muslim”. Sila ang nagtaguyod ng paniniwalang Islam na nangangahulugang ganap na
pagsuko ng sarili kay Allah na kanilang Diyos. Naniniwala din sila kay Mohammad
bilang propeta. Ang pakikipalaban nila upang ipagtanggol ang kanilang paniniwala
laban sa ano mang paniniwala ay itinuturing na banal na digmaan na tinatawag na
Jihad. Ang matinding paniniwalang ito ng mga Muslim ay bagay na nagpahirap sa mga
kolonyalista na sila ay lupigin at sakupin.
Maliban dito, maituturing na organisado ang pamahalaan ng mga Muslim. Ang
kanilang pamahalaan ay tinatawag na sultanato na pinamumunuan ng sultan.
Mahigpit na ipinaiiral ang kanilang mga batas kung saan nakapaloob ang mga kautusan
sa kanilang banal na aklat na Koran. Ang sino mang lilitisin ay isasailalim sa kanilang
batasan na tinatawag na Sharia/Shariya.
Ayon sa mga yugto ng digmaang Moro, ipinamalas nila ang kanilang bigkis na
paniniwala. Ang likas na katapangan nila ay hinubog ng kanilang kultura at paniniwala.
Ipinakita rin ng mga Moro ang pagpapahalaga sa kanilang teritoryo na buong tapang
nilang ipinagtanggol laban sa mga kaaway. Handa silang ibuwis ang kanilang buhay
upang mabantayan at maipagtanggol ang kanilang territoryo.
Isang patunay na kung may pagkakaisa sa iisang diwa at layunin, ang pakikibaka
para sa minimithing kalayaan ay makakamtan.

III. Mga Gawain


Gawain 1: PUSUAN MO! Pusuan ang buong larawan sa loob ng kahon
kung ito ay nagpapakita ng katatagan at pagpapahalaga ng mga Muslim sa
kanilang kultura at kalayaan.

1 2 3
. . .

6
4 5 .
. .

7 8 9
. . .
Gawain 2 : Pagtanggap o Di- Pagtanggap
Panuto: Isulat ang P bago ang bilang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pagtanggap ng mga katutubong Muslim sa pananakop ng mga Kastila at DP
naman kapag nagpapakita ng pagtutol.

_______1. Ang matinding paniniwala ng mga Muslim kay Allah ang nagpahirap sa mga
kolonyalista upang sila ay lupigin at sakupin.
_______2. Marami ang nagpabinyag na Muslim sa Sulu at Maguindanao ng
kristiyanismo.
_______ 3. Naganap ang digmaang Moro sa pagitan ng katutubong Muslim at ng mga
Kastila o Espanyol.
_______ 4. Ipinamalas ng mga Moro ang katapangan sa pamumuno ng mga magigiting
na sultan.
_______ 5. Nahirapan ang mga Espanyol na makuha ang mga lugar ng Sulu at
Maguindanao.
_______ 6. Hindi nanghingi ng ano mang tulong mula sa mga kapuwa Muslim sa mga
kaaratig-bansa ang Moro.
_______ 7. Naharap ang digmaang Moro sa anim na yugto.
_______ 8. Lumagda ng kasunduan ang katutubong Muslim pagkatapos ng sila’y
matalo sa digmaang Moro.
_______ 9. Hindi nagpadaig ang mga Muslim, sa halip buong tapang at may
pagkakaisa nilang nilabanan ang mga Espanyol.
_______ 10. May mga pamayanan at kutang itinayo sa Zamboanga ngunit nabigong
masakop ang buong Mindanao lalo na sa mga lugar na laganap ang
relihiyong Islam.

Gawain 3: DUGTUNGAN MO! (5 puntos)


Dugtungan ang pangungusap upang mabuo ang pahayag.

Napatunayan ng mga katutubong Muslim ang pagpapahalaga sa


kanilang kalayaan sa pamamagitan ng . . . . . .
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________________________________
IV- SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1 - Larawang may PUSO bilang 2, 3, 5, 7, 9

Gawain 2
1. DP 6. DP
2. P 7. DP
3. DP 8. P
4. DP 9. DP
5. DP 10. DP

Gawain 3
Inaasahang kasagutan: pagkakaisa at pagbubuklod sa iisang paniniwala, kultura
at lahi
(Tanggapin ang iba pang kasagutan)

V- SANGGUNIAN:
Pagbuo ng Pilipinas Bilang Nasyon – Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan 5 pahina 235-240
CultureEducation.com.ph
Maguindanaoriley.ph
Orbcfamily.org
wordpress.com

Inihanda ni:

HILDA S. LITANA
Layon Elementary School
SDO Ligao City

You might also like