You are on page 1of 2

Learning Activity Sheet

Quarter 4 - Araling Panlipunan 5 (Week 2)

Pangalan: _____________________________________________ Seksiyon: ________________

MGA PANANAW AT PANINIWALA NG MGA SULTANATO TUNGKOL SA KALAYAAN

Mahalaga sa mga Muslim na mapanatili ang kalayaan, lalo na sa aspekto ng relihiyon. Para sa kanila, ang Islam ay hindi lamang isang
relihiyon kung hindi isa ring paraan ng pamumuhay. Ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay ay umiinog sa pagsamba kay Allah. Ang
kanilang mga paniniwalang pangrelihiyon gaya ng salat o pagdarasal ng limang beses sa isang araw ay manganganib na mawala. Bukod dito,
dinatnan ng mga Espanyol ang mga Muslim na may matatag at malakas na mga sultanato at may mabuting ugnayan sa Brunei at Indonesia
kung kaya’t malakas ang loob ng mga sultan na labanan ang mga Espanyol. Kung masasailalim sila sa kapangyarihan ng mga Espanyol ay
masasayang lamang ang kaunlaran at katatagang tinatamasa ng kanilang mga sultanato at ang kalayaan nila sa paniniwala.
Higit ding katanggap-tanggap ang sultanato kaysa kolonyalismo dahil sa ilalim ng sultanato, hindi sapilitang ipinasailalim sa
kapangyarihan ng sultan ang mga dating datu at rajah. Sa halip, kinilala ang kanilang kapangyarihang mamuno sa kani-kanilang teritoryo
kasabay ng pagkilala nila sa kapangyarihan ng sultan. Sa ilalim ng kolonyalismo, tanging ang mga mananakop na Espanyol ang kikilalaning
pinakamakapangyarihang pinuno ng bansa.
Mahihinua sa talumpati ni Kudarat sa mga datu na nagpasailalim sa kapangyarihan ng mga Espanyol kung bakit hindi nila dapat
pinahintulutan ito. Sa nasabing talumpati, tinanong ni Kudarat sa mga datu kung nababatid ba nila kung ano ang ibig sabihin ng pagpapasakop
sa mga Espanyol. Hinikayat niya ang mga ito na suriin ang mga pangkat na nagpasailalim sa mga Espanyol, gaya ng mga Bisaya at mga Tagalog,
at kung paano sila inaalipin ng mga dayuhan. Ipinaliwanag niya kung paanong ang kanilang kapalaran ay matutulad sa mga nasakop na pilit
pinagtatrabaho nang walang bayad. Binalaan din niya ang mga datu na huwag magpadala sa matatamis na salita ng mga Espanyol, dahil
ibinibigay rin ng mga Espanyol ang matatamis na salita sa mga local na pinuno sa ibang bansang sinakop subalit hindi naman nila tinupad ang
kanilang pangako sa mga ito.

Mga Katangian ng Sultanato at mga Pananaw ng mga Katutubong Muslim


 Ang sultanato ay ang pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao. Higit itong malaki kaysa sa pamahaang barangay.
 Pinamumunuan ito ng sultan. Organisado ang sultanato. Ito ang tumakot sa mga Espanyol na agad sakupin ang mga Muslim sa
Mindanao.
 Matatapang ang mga Muslim. Hindi sila basta nakikipagkasundo sa mga dayuhan.
 Malaki ang pagmamahal nila sa kanilang pamahalaan at teritoryo. Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng
malaking digmaan hanggang kamatayan.
 Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.

GAWAIN 1. ABRIL 8 (LUNES)


Panuto: TAMA o MALI. Iguhit sa sagutang papel ang araw (✓) kung ang pahayag ay tama at ekis (x) kung mali.
_______ 1. Para sa mga katutubong Muslim, ang Islam ay hindi lamang isang relihiyon kung hindi isa ring paraan ng pamumuhay.
_______ 2. Anim na beses sa isang araw nagdarasal ang mga Muslim.
_______ 3. Ang mga Muslim ay may matatag at malakas na mga sultanato bago pa man dumating ang mga Espanyol.
_______ 4. Ang pang-araw-araw na pamumuhay na mga Muslim ay umiinog sa pagsamba kay Jesus.
_______ 5. Walang pagpapahalaga ang mga Muslim sa kalayaan.

GAWAIN 2. ABRIL 10 (MIYERKULES)


Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat pahayag. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ang tawag sa pamahalaan ng mga Muslim. Higit itong malaki kaysa sa pamahalaang barangay.
a. sultanato b. barangay c. gobyerno d. poblacion

2. Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Mindanao?


a. Malawak ang lugar nito. c. Walang sasakyan ang mga Espanyol patungo rito.
b. Hindi interesado ang mga Espanyol dito. d. Nagkaisa ang mga Muslim laban sa mga Espanyol

3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng mga pananaw at paniniwala ng mga Muslim tungkol sa kalayaan?
a. Matatapang ang mga Muslim. Hindi sila basta nakikipagkasundo sa mga dayuhan.
b. Malaki ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.
c. Malaki ang pagmamahal nila sa kanilang pamahalaan at teritoryo.
d. Lahat nang nabanggit

4. Ano ang ibig sabihin ng pakikipaglaban ng mga Muslim sa Espanyol?


a. Nais nitong mapalawak ang kanilang teritoryo.
b. Pagpapakita ng kanilang pagtatanggol sa kanilang kinagisnang relihiyong Islam.
c. Dahil ito ang nais ng kanilang pinuno.
d.Nais nilang maging makapangyarihan at maparami ang nasasakupan.

5. Anong katangian ang ipinamalas ng mga Pilipinong Muslim sa pakikipaglaban sa mga Espanyol?
a. Kasipagan b. Katapangan c. Katalinuhan d. Pagkakaisa
Punan ang patlang. Kompletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagtukoy sa tamang salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

6.Ang kanilang mga paniniwalang pangrelihiyon gaya ng _________ o pagdarasal ng limang beses sa isang araw ay manganganib na mawala.

7. Higit ding katanggap-tanggap ang _________________ kaysa kolonyalismo dahil sa ilalim ng sultanato, hindi sapilitang ipinasailalim sa
kapangyarihan ng sultan ang mga dating datu at rajah.

8. Mahalaga sa mga Muslim na mapanatili ang _______________, lalo na sa aspekto ng relihiyon.

9. Malaki ang pagmamahal nila sa kanilang _________________ at teritoryo. Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng
malaking digmaan hanggang kamatayan.

10. Ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay ay umiinog sa pagsamba kay _______________.

GAWAIN 3. ABRIL 11 (HUWEBES)


Panuto: Isulat ang mga dahilan ng mga Muslim sa hindi pagpapasakop sa mga Espanyol gamit ang caterpillar organizer.
Isulat ang mga kasagutan sa katawan ng caterpillar. Kung sa Kwaderno, iguhit muna bago isulat ang sagot.

5.
3. 4.
1. 2.

Mga Dahilan ng mga Muslim sa hindi


pagpapasakop sa Espanyol

You might also like