You are on page 1of 120

5

Filipino
Unang Markahan

KALIPUNAN NG MGA
GAWAING PAGKATUTO

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

1
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY

Learning Activity Sheet in Filipino


(Grade 5)
COPYRIGHT PAGE
Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior
approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum
and Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational purposes and the
source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an
enhancement of supplementary work are permitted provided all original works are acknowledged and
the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes and
profit.
Consultants:
Regional Director : ESTELA L. CARIÑ O, EdD., CESO IV, DepEd R02
Assistant Regional Director : RHODA T. RAZON, EdD., CESO V
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD
OIC, Schools Division Superintendent : EDUARDO C. ESCORPISO JR, EdD, CESO
IV OIC, Assistant Schools Division Superintendent: GEORGIANN G. CARIASO,
CESE OIC, Chief Education Supervisor : MARCIAL Y. NOGUERA
Development Team
Writers: MARCUS S.LAGUINILLA JR., KENNETH VIOLA, JONILYN M. ENTELA,
EDGARDO S. AMARILLO, ENSWIDA A.HORNEDO, JEANETTE G.
MIRABUENO, ARNEL B.CAASI, LIMUEL V. CAMACHO, PREVELYN C.
MILLAN, MELONA A. GABOTERO,WELMA V. GUISANDO, IRENE C.
ADAMI, SHIRLEY B. HORTIZ, EVELYN F. COME, MA. MAYUMI N.
ACEBES, ERAIDA RINA C. MORO, JENNIFER L. VALONES, HERMINIA
ALICIA N. GECHA
Content &
Language Editor: MYRNA H. AGUDO, BERNADETTE L. VINALAY, HELEN I. RARELA,
NOVELYN D. GULOY, ROMANO C. SALAZAR, MARK-JOHN R. PRESTOZA,
JUN-JUN R. RAMOS
Illustrator: RAFAEL D.
SALAMAGOS Layout Artist: DAWN I.
VALIENTE
Focal Persons: FRED GIMENEZ, Head Teacher-I, Science Coordinator
EVANGELINE D. CASTILLO Education Program Supervisor-LR
ROMEL B. COSTALES, Education Program Supervisor-Filipino, CLMD
RIZALINO G. CARONAN, Education Program Supervisor-LR
Printed by: Curriculum and Learning Management Division
DepEd, Carig Sur, Tuguegarao City
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
1
Talaan ng Nilalaman

Page
Compentency
number
Naiuugnay ang sariling karanasan sa
.....................
napakinggang teksto. (F5PN-Ia-4) 1

Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at


panghalip sa pagtalakay tungkol sa sarili, sa
mga tao, hayop, lugar, bagay, at pangyayari sa .....................
7
paligid, sa usapan at paglalahad tungkol sa
sariling karanasan. (F4WG-Ia-e-2)

Naiuugnay ang sariling karanasan sa


.....................
napakinggang teksto. (F5PN-Ia-4) 15

Nasasagot ang mga tanong sa binasang kuwento .....................


o tekstong pang-impormasyon (F5PN-Ic-g-7 20

Nasasagot ang mga tanong sa binasang tekstong


pang-impormasyon (F5PB- I-b-5.4), (F5PB-IIi
.................... 29
3.2)

Nakasusulat ng isang pagsasalaysay. (F5PU-


.....................
IIb- f-2.1) 33

.....................
Nakasusulat ng maikling tula (F5PU-Ie-2.2) 39

Nakasusulat ng talambuhay (F5PU-IIc-2.5) .....................


46
Naipahahayag ang sariling opinyon o
reaksiyon ayon sa isang napakinggang balita, .....................
53
isyu o usapan. (F5ps-Ia-j-1)

Naisasalaysay muli ang napakinggang tekso


.....................
gamit ang sariling salita (F5P5-IIIf-h-6.6) 59

Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa


.....................
tulong ng mga pangungusap. (FSPS-IIh-c-6.2) 67

Naibibigay ang paksa ng napakinggan


.....................
kuwento/usapan (F5PN-Ic-g7) 74

Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang iisa


ang baybay ngunit magkaiba ang diin. (F5PT- .....................
81
IId-9)

Naibibigay ang kahulugan ng salitang .....................


88
pamilyar-at di-pamilyar na mga salita sa

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

2
pamamagitan ng tono o damdamin. (F5PT –
Ic.15)

Nabibigyang kahulugan ang tambalang


.....................
salita. (F5PT-IIe-4.3) 94

Nabibigyang-kahulugan ang bar graph, pie,


.....................
talahanayan at iba. (F5ED-If-g-2) 98

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

3
FILIPINO 5
Pangalan: Lebel:

Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pag-uugnay ng Karanasan sa Napakinggang Tektso

Panimula (Susing Konsepto)


Sa pag-uugnay ng karanasan sa napakinggang teksto, kinakailangang
basahin o pakinggang mabuti ang teksto upang malaman ang mga
importanteng detalye gaya ng pangunahing tauhan sa kuwento, kailan ito
naganap, saan ito nangyari, bakit ito nangyari at paano ito nangyari. Bigyang
pansin ang mga importanteng detalyeng ito upang maunawan ang tekstong
binabasa at maiugnay ito sa sariling karanasan.
Paano maiugnay ang binasa o napakinggang teksto sa sariling
karanasan? Matapos makuha ang mga importanteng detalye ng binasa o
napakinggang teksto suriin ang mga ito at ihambing sa iyong sariling
karanasan. May pagkakatulad ba ang mga ito? Alin ang magkatulad, sa
paanong paraan o aspekto ito magkatulad? Ang tauhan ba sa binasa o
napakinggan ay may kapansanan at ikaw din ay may kapansanan? Ang
pangyayari ba ay nangyari sa loob ng kanilang tahanan katulad ng
pangyayari sa buhay mo na nangyari sa loob ng tahanan?
Halimbawa:
Mula sa Teksto Sariling Karanasan Pagkakaugnay
Sina Nene at Marta ay Noong ako ay nag-  Parehas ang
pumapasok sa paaralang- aaral sa haiskul, mula sa karanasan ng
nayon. Naglalakad aming nayon papuntang mga tauhan na
lamang sila kasama ng bayan ay naglalakad para
iba pang bata. Masayang limang makapasok ng
tingnan ang langkay- kilometro umaga at paaralan.
langkay na mga batang hapon ang aking  Ang lugar ng
bukod sa aklat ay may nilalakad upang pangyayari ay sa
dalang latang pandilig, nakarating sa paaralan. Nayon o ang
dulos na panggamas ng Dala ang aking mga aklat tagpuan.
damo, at pagkaingat kuwaderno, proyekto,  Damdamin
binalot sa sinalab na bihisan sa pagpasok sa namang
dahon ng saging. paaralan at pananghalian namamayani sa
Hanggang Ikaanim na na binalot sa sinalab na mga tauhan ay
Baitang lamang sa dahon ng saging. Wala parehas na
paaralang-nayon at ang kasing haiskul sa aming masaya.
haiskul ay sa kabayanan nayon, tanging  Halos ang lahat
elementarya ng mga
lamang.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

1
pa. Bihira ang nag-aaral Sama-sama kaming pangyayari ay
sa bayan. magkakaklase at iba pang magkaugnay.
(Mula sa “Hinaing ng Isang mga mag-aaral na
Nayon” Hiyas sa Pagbasa 5, p. masayang naglalakad
47.) umulan man o umaraw.

Ang karanasan ay ang kaalaman ng isang tao na nakukuha sa


pamamagitan ng paggawa ng isang bagay o gawain o napapanood ng ibang
taong gumagawa ng isang bagay o isang gawain. Isa itong pag-aaral o
pagkatuto sa pamamagitan ng mga gawa, galaw o kilos. Ang teksto ay
anumang bagay na maaaring maging “basahin”.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naiuugnay ang sariling karanasan sa nabasang teksto. (F5PN-Ia-4)
Panuto: Upang lalong malinang ang iyong kakayahan, ang mga gawain sa
ibaba ay sadyang inihanda para sa iyo. Sagutin ito nang maayos.

Gawain 1
Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.
May Pera Sa Palayok
(Sinulat ni: Odelia S. Dalaguit)

Noong unang panahon ang mag-asawang Primitivo at Herenia Baylosis


Pastedio ay nagpalipat-lipat ng tirahan dahil sa gulong hatid ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Ang mag-asawa ay galing sa Barili, Cebu at lumipat sa Negros upang
makaiwas sa gulo. Una nilang pinuntahan ang Silay City at doon nila unang
natuklasan at nalaman kung paano gumawa ng palayok.
Di nagtagal, lumipat sila sa Malaiba, Canlaon at doon sila nakakuha
ng mga materyales para gawing palayok. Sa kalaunan lumipat naman sila
sa Sitio Pano–olan, Barangay Guadalupe,San Carlos City, Negros Occidental.

At sa wakas, dito nila natagpuan ang tamang sangkap sa paggawa ng


palayok. Ang tunay at matibay na uri ng lupa na kung tawagin ay luwad.
Kaya nakapagdesisyon ang mag-asawa na dito na sila manirahan nang
tuluyan.

Dito na nagsimula ang Pamilyang Pastedio sa kanilang hanapbuhay.


Ang paggawa ng palayok. Ang produktong ito na gawa sa luwad ay
napakatibay at malapit lang sa kanilang tinitirhan ang pinagkukunan nito.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

2
Marami ang tumangkilik sa mga produktong palayok. Ito ay may iba’t
ibang disenyo at kulay na talagang umagaw pansin sa mga mamimili.
Umabot na ito kahit saang lugar ng Negros, kaya dumami ang mga taong
naging interesado sa paggawa nito.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang Pamilyang Pastedio sa kanilang


hanapbuhay. Ito rin ang naging hanapbuhay ng iba pa nilang kamag-
anak at maging ng ibang taong nakatira dito.
Hanggang ngayon nangunguna ang lugar ng Pano-olan sa paggawa ng
matibay na palayok at naging tanyag ang pamilyang Pastedio dahil
sa kanilang produktong palayok.

Mga Tanong:

1. Matutukoy mo ba ang pinakapaksa ng kuwento?


a. Ang mag-anak na palipat-lipat ng tirahan
b. Ang mag-anak na nagsikap upang umunlad
c. Ang paggawa ng palayok
d. Ang mga sangkap ng palayok

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang di sakop ng binasa?


a. Hanggang ngayon nangunguna ang lugar ng Pano-Olan
sa paggawa ng palayok
b. Paggawa ng palayok ang hanapbuhay ng pamilya
Pastedio.
c. Nagpalipat-lipat ng tirahan ang pamilya Pastedio dahil
sa wala silang sariling bahay
d. lahat ng nabanggit

3. Sanhi ng paglipat-lipat ng lugar ng mag-anak


a. Wala silang sariling lupa
b. Dahil sa mga tsismosang kapitbahay
c. Dahil sa gulong hatid ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
d. Wala sa nabannggit

4. Sa mga sumusunod, alin ang angkop na aral mula sa kwento?


a. Ang paggawa ng palayok ay mahirap
b. Maraming pagsubok sa buhay bago makamtan ang
masaganang buhay
c. Ang paglipat-lipat sa iba’t ibang lugar ay susi sa tagumpay
d. Wala sa nabanggit

5. Bumanggit ng iyong sariling karanasan na maaaring maiugnay


mo sa kuwento?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

3
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang tula. Sumulat ng isang talata na
nagpapahayg ng iyong karanasan kaugnay sa iyong binasa. Isulat ang iyong
talata sa patlang sa ibaba ng tula.

Magtulungan Tayo
ni Aggardo, Patricia Jo C

Tayo nang maglinis ng ating bakuran


Dapat alagaan, mahalin ang kalusugan
Hirap at sakit ating maiiwasan
Kung tayo ay nagtutulungan.

Kaya nga, kumilos bata man o matanda


Huwag hintayin, sakit ay mapala
Laging isaisip, maglinis sa tuwina
Pagtutulungan ang susi para guminhawa.

Talata:

Rubrik sa Pagsulat ng Talata

Mga Puntos
Batayan 5 4 3 2 1

Anyo
 Pagsunod sa uri at anyong hinihingi o
ipinapasulat
Balarila
 Wastong gamit ng wika/salita
 Baybay, bantas, estruktura ng mga
pangungusap
Hikayat
 Paraan ng pagtalakay sa paksa
 Lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga
ideya
 Pagkakaugnay ng mga ideya

Nilalaman
 Lawak at lalim ng pagtalakay sa paksa
5- napakahusay 4- mahusay-husay
2- kailangan pang paghusayin 3- mahusay
1-nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

4
Gawain 3
Panuto: Basahing mabuti ang tyekstong “Kumilos at Magkaisa”. Batay sa
iyong karanasan, sumulat ng talata kung ano ang maaaring gawin sa mga
sumusunod na patapong bagay. Isulat ang iyong talata sa isang buong papel
at tiyaking lagyan ito ng magandang pamagat.

 lumang diyaryo
 lumang gulong
 basyong bote

Kumilos at Magkaisa
Aggardo, Patricia Jo C.
Maraming patapong bagay sa ating paligid tulad ng mga basyo ng bote,
plastic na nakatambak sa mga basurahan at looban ng ilang kabahayan. Ang
mga lumang diyaryo at maruruming damit ay nagkalat din kung minsan.
Para sa iba, ang mga ito ay basura lamang, patapon at wala ng silbi kaya
naman ang ating kapaligiran ay punong-puno ng mga kalat. pinamumugaran
tuloy ang mga ito ng mga daga at insekto.
Pinagmumulan din ang mga ito ng pagbabara ng mga daluyan ng tubig
at sanhi ng pagbaha., nakasasama din ang ilan sa mga ito. Nagiging sanhi ito
ng pagdumi at pagbaho ng hanging ating nalalanghap. Huwag na nating
hintayin ang salot na idudulot ng mga basura. Panahon na para tayo ay
kumilos at magkaisa.

Gawain 4

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na teksto at sagutin ang mga


tanong batay sa iyong karanasan.. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Sumamang manood ng parada si Julia sa Luneta. Maganda


ang panahon at maraming tao. Nagdaan ang maraming karosa
ng ibat-ibang kagawaran ng pamahalaan. Kasalukuyang
nagdaraan ang karosa ng mga artista nang biglang magkagulo
ang mga tao.

a. Para sa iyo, kapag nakakita ka ng karosa ng artista, ano


ang iyong gagawin?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

5
b. Bakit nagkagulo ang mga tao nang magdaan ang karosa ng
mga artista? Isulat ang angkop na dahilan ayon sa
karanasan?

2. Kaaarawan ng ina ni Abby kinabukasan. Isip siya nang isip


kung ano ang mainam na ihandog sa kanyang ina. Maya-maya’y
naalala niya ang malapad na abanikong anahaw na binurdahan
niya sa klase nila sa EPP. Nakangiti siyang pumasok sa silid.

Sa iyong palagay, karanasan, ano ang angkop na wakas ng


kwento?

3. Kaiba kay Abby, hindi naging problema kay Joshua ang pag-
iisip ng maireregalo sa kaarawan ng ina. Tatlong buko ng rosas
ang ilang araw na niyang inaalagaan sa kanilang halamanan.
Gabi-gabi ay binibisita niya ang mga ito upang tingnan kung
malaki na. At ganoon na lang ang tuwa niya nang makita niya
noong nagdaang gabi na malapit nang bumuka ang mga ito.
Tamang-tama ito para sa kaarawan ng ina kinabukasan.
Subalit ganoon na lamang ang lungkot niya sa nakita.

a. Matutuwa ka rin ba tulad ni Joshua kung makita mo na


bumubuka na ang mga rosas? Bakit?

b. Bakit kaya siya nalungkot kinabukasan nang magpunta sa


hardin?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

6
Rubrik sa Pagsulat ng Talata

Mga Puntos
Batayan 5 4 3 2 1

Anyo
 Pagsunod sa uri at anyong hinihingi
 Lawak at lalim ng pagtalakay
Balarila
 Wastong gamit ng wika/salita
 Paglimita sa paggamit ng mga salitang
hiram
Hikayat
 Paraan ng pagtalakay sa paksa
 Pagsunod sa tiyak na panutong
ibinigay ng guro kaugnay ng Gawain

5- napakahusay
4- mahusay-husay
3- mahusay
2- kailangan pang paghusayin
1-Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

Repleksiyon
Batay sa mga natalakay, napag-aralan mo ang kahalagahan ng
pakikinig at naiuugnay mo sa sariling karanasan. Paano mo iuugnay
ang nabasang teksto sa iyong karanasan?

Sanggunian
Mula sa Internet
Dalaguit, Odelia S. et. Al (n.d.) May Pera sa Palayok. Retrieved from
http://lrdms.deped.gov.ph/detail/18186
Mula sa Aklat
Aggardo, Patricia Jo C. et. al. (2016) Alab Filipino 5. Quezon City
Philippines, Vibal Group Inc.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

7
Pranada, Avelina A.,Mojica, Beatriz P. et. al. (2002) Sanayang Aklat sa
Filipiuno 6. Quezon City, Cultural Publisher.
Susi sa pagwawasto
Gawain 1
1. B
2. C
3. C
4. B
5. Ang sagot ay batay sa karanasan ng mag-aaral.
Gawain 2
Nakabatay sa rubriks ang pamantayan sa pagsusulat ng talata na
maiuugnay sa sariling karansan batay sa sa tekstong napakinggan.
Gawain 3
Nakabatay sa sariling opinyon at paano maiuugnay ang karanasan.

Gawain 4
Nakabatay sa rubriks ang pamantayan sa pagsagot sa mga tanong
batay sa iyong karanasan.
Inihanda nina:

MARCOS S. LAGUNILLA JR.


MA. MAYUMI N. ACEBES
Mga May-Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

8
FILIPINO 5
Pangalan: Lebel:
Seksyon: Petsa:

GAWAIN SA PAGKATUTO
Wastong Gamit ng Pangngalan at Panghalip

Panimula (Susing Konsepto)


Sa tuwing nakikipag-usap o nakikipagtalastasan tayo sa ibang tao,
madalas tayong gumagamit ng pangngalan at panghalip; upang tukuyin ang
ating sarili, mga tao, hayop, lugar, bagay, at pangyayari sa paligid, sa usapan
at paglalahad tungkol sa sariling karanasan.
Ang mga pangalang Anna, Mark, Cardo, Kim Chu, Nena, Lito, Juan ay
ilan sa mga tanging pangalan ng tao o tiyak na pangalan, ito ay tinatawag
natin na mga Pangngalang Pantangi. Kung minsan ay nakakalimutan natin
ang kanilang mga pangalan kaya’t binabanggit na lamang natin ang kanilang
kasarian, trabaho o uri. “A yung doktor”, “si teacher”, “bata”, “yung
amerikano”, “babae”, si “nanay” ay ilan sa mga ginagamit na pangalang di-
tiyak, tinatawag itong Pangngalang Pambalana.
Ang mga salitang “siya”, “ikaw”, “ako”, “sila” at iba pa ay mga salitang
Panghalip na pampalit o panghalili sa mga Pangngalan upang hindi na ito
kailangan ulit-ulitin pa.
Narito ang mga halimbawa ng panghalip.
Panghalip Panao – Humahalili sa ngalan ng tao.
Halimbawa: Ako, ko, akin, ikaw, ka, mo, iyo, siya, niya, kanya,
kita, kayo, natin, atin, ninyo, inyo, sila, nila, kanila, kami,
namin, amin, at kanila.
Panghalip Pamatlig – Humahalili sa mga pangngalang itinuturo
Halimbawa: ito, iyan, iyon, nito, niyan, noon, dito, diyan, doon,
ayan, ayun, ganire, ganito, ganyan, ganoon, narito, nariyan at
naroon.
Panghalip Panaklaw – Sumasaklaw sa kaisahan, dami o kalahatan ng
tinutukoy.
Halimbawa: isa, iba, lahat, tanan, madla, pawang, anuman,
alinman, sinuman, ilanman, kailanman,
saanman,gaanuman,magkanuman at kuwan.
Panhalip Pananong – humahalili sa pangngalan na ginagamit sa
pagtatanong.
Halimbawa: sino, ano, kanino, ilan, sinu-sino, anu-ano, alin-alin,
kani-kanino, at ilan-ilan

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

9
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pagtalakay
tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar, bagay, at pangyayari sa paligid,
sa usapan at paglalahad tungkol sa sariling karanasan. F5WG-Ia-e-2,
F5WG-If-j-3

Panuto: Upang lalong malinang ang iyong kakayahan, ang mga gawain sa
ibaba ay sadyang inihanda para sa iyo. Sagutin ito nang maayos.

Gawain 1

Panuto: Punan ang mga patlang ng tamang panghalip o pangngalan.


A. Gumamit ng iba’t ibang uri ng panghalip panao sa mga sumusunod
na salaysay.
Naranasan (1) na bang lumangoy sa dagat? (2) ay may
nakatutuwa ngunit nakakatakot na karanasan sa dagat. Namasyal
(3) roon sa dinarayong Boracay beach, (4) ang una kong
nakitang malinaw at kulay berdeng tubig na dalampasigan. Malinis at
malamig ang tubig. (5) at ang (6) mga kapatid ay masayang
nagtatampisaw sa pampang nang isang malaking alon ang dumating at
pagbalik sa dagat, (7) ay natangay sa kalaliman. Gayon na lamang
ang takot (8) . Mabuti na lamang at isa sa (9) pinsan ang
nakakita sa amin at pahilang dinala patungo sa pampang. (10) ang
kasama kong di ko malilimutan.

B. Buuin ang talata. Pumili sa kahon ng angkop na pangngalan at


punan ang mga patlang.

Kawili-wiling Kapaligiran
Talagang biyaya ng Maykapal ang kalikasan. Nalalanghap ang
(1) ng hangin. Natatanaw ang mga (2) at gulod.
Magandang tingnan ang makakapal at mapuputing (3) sa langit.
Pagnamumuo na ang ulan, matatalim ang mga (4) at parang
gumugulong ang malakas na (5) .
Pagkaraan ng ulan, ang paligid ay (6) ng kagandahan.
(7) sa langit ang binalantok na bahaghari.
Ang magandang kapaligiran ay (8) sa may mga suliranin. Si
(9) ay isang pintor. Ang paborito niyang larawan ay ang kawili-
wiling (10) .

lunas ulap bundok


Note: Practice Personapl Halyagime nue tpi ro to c ol s a t Aa l ml t i om ress o. lo kulog
kidlat larawan simoy
kapaligiran
10
Gawain 2
Panuto: Pag-aralan at kilalanin ang mga salitang may salungguhit. Isulat sa
patlang kung ito ay panghalip o pangngalan.

1. Hinabol ni Geremy ang kanilang alagang baka na


tumakbo patungo sa may kakahuyan.
2. Wow! Napakagaling namang umakyat sa puno ng niyog
ang lalaki.
3. Bumili siya ng isang tumpok ng sibuyas sa tindahan ni
Patrick.
4. Ipinagbili ni Ama ang manok sa palengke kahapon.
5. Ako ay nakikinig ng kuntento sa mga sinasabi ng aking
guro.
6. Sa panahon ngayon, dapat ay nagtutulangan tayo at
nagkakaisa para sa kabutihan ng lahat.
7. Nag-uwi ng pasalubong si Risa para sa kanyang mga
batang pamangkin.
8. Mainam kung sumali ka sa kanilang organisasyon
9. Ang aming tagumpay ay bunga ng pagsisikap.
10. Ang malinis na silid-aralan ay amin.
11. Ipinagtanggol ng mga kabataan ang inaaping pulubi.
12. Pulutin mo ang pera at ibalik mo sa may-ari.
13. Si Jose Rizal ay pambansang bayani ng Pilipinas.
14. Igalang mo ang tungkol sa relihiyon.
15. Makikinig kami sa iyong paliwanag.
Gawain 3
Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Pag-aralan natin kung paano
masusukat sa panahon ng pangangailangan ang katapatan ng isang
kaibigan.
Ang Tipaklong at ang Paruparo
Lalunio, Lydia P.et. al.

Kaylakas ng ulan!
Kaylakas din ng hangin!
May bagyo nang umagang
iyon. Nagsasayawan ang
mga puno maging ang
mga halaman at bulaklak.
“Ginaw na ginaw
na ako,” ang sabi ni
Tipaklong kay Paruparo.
“Nakalabas pa kasi ako sa
aking pinagtataguang
kahoy”.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

11
“Tiyak na giginawin ka rin kahit nakatago ka na sa kahoy. Wala
namang tumatakip sa katawan mo, a. Bakit sisisihin mo ang paglabas mo sa
iyong pinagtataguan?” ang tanong ng kanyang kaibigang Paruparo.
“Hindi nga ako mababasa kung ako ay nakakubli,” ang malumanay na
sagot ni Tipaklong.
“Hindi mo naman makikita ang ganda ng paligid kung hindi ka
lumabas sa pinagtaguan mo. Ang lamig ng hangin ay hindi mo madarama.
Hindi mo maaamoy ang halimuyak ng mga nababasang bulaklak. Ang dulas
ng mga dahon at halaman ay hindi mo mahahawakan,” ang sagot ni
Paruparo.
“Oo nga, ano?” ang sagot ni Tipaklong na may pagsang-ayon.
“Higit kang mapalad kaysa sa akin kaibigang Tipaklong,” ang sabi ni
Paruparo.
“Ang katawan mo ay mahaba. Matibay pa. Bakit giniginaw ka pa?
Samantalang ako, ang nipis-nipis ng aking katawan. Kapag nagpatuloy ang
paghihip ng malakas na hangin at pagbagsak ng malalaking tipak ng ulan,
ang pakpak ko ay matatangay,” ang sabi ni Paruparo.
“Makukulay ang mga pakpak mo ngunit may kanipisan. Hindi ba’t
takot ang ulan sa nakasisilaw mong kulay? Huwag kang mag-alala. Ang mga
pakpak mo ay hindi liliparin ng hangin,” ang sabi ni Tipaklong. “Saka, e ano
kung liparin ang mga pakpak mo? Ang mahalaga’y buhay ka.”
“Kung wala na akong ganda, aanhin ko pa ang buhay? Paano na ako
makalalapit kay Bulaklak kung wala na akong mga pakpak?” ang malungkot
na tanong ni Paruparo.
“Kung sabagay, tama ang sinasabi mo, kaibigang Paruparo. Ako man
ay natatakot na kapag hindi tumigil ang bagyo, dahil sa sobrang ginaw
mababali ang aking mga paa na kahit anong pagpigil ay ayaw huminto sa
panginginig,” ang sabi ni Tipaklong.
“Upang makaiwas tayo sa bagyong ito, ano kaya ang mabuti nating
gawin para maligtas ang ating buhay?” ang tanong ni Paruparo.
“Alam ko na, may paraan akong naisip”, ang sabi ni Tipaklong.
“Paano?” ang tanong ni Paruparo.
“Sa ilalim ka ng mga bulaklak magtago,” ang mungkahi ni Tipaklong.
“At ikaw naman, paano ka?” ang tanong ni Paruparo.
“Habang nakakapit ako at nagtatago sa sanga ng puno ay babantayan
ko ang bulaklak na pagtataguan mo para hindi malaglag,” ang sagot ni
Tipaklong.
At sabay na kumapit sa bulaklak ang magkaibigang si Paruparo at si
Tipaklong.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

12
Panuto: Itala sa kahon ang mga salitang Pangngalan at Panghalip na
ginamit sa kuwentong iyong binasa.
Pangngalan Panghalip

Gawain 4
A. Panuto: Palitan ng angkop na panghalip ang bawat pangngalan na
makikita sa bawat panaklong upang mabuo ang diwa ng kuwento.
Isulat ang iyong sagot sa patlang.
Batang Maaasahan
Mula sa LRMDS

Sabado ng umaga, maagang lumabas si Roland para maglaro.


Tumatakbo (si Roland) (1) patungo sa labas ng kanilang bahay. Sa
tarangkahan ay nabungaran (ni Roland)_(2) ang isang matandang
nakahandusay.
“Totoy, Totoy! Ako’y nadulas, tulungan mo naman (ang matanda)
(3) makatayo rito,” pagmamakaawa ng matanda kay Roland. Nilapitan
ni Roland ang matanda at inalalayan (ni Roland) (4) ito. Nakita (ni
Roland) (5) dumurugo ang tuhod ng matanda.
“Inay! Inay!” ang palahaw ni Roland. Napatakbong lumabas ng bahay
si Aling Ason at dinaluhan ang matanda. “Naku, ipagpaumanhin (ni Roland
at Aling Ason) (6) at ako’y nadulas at napatama ang (matanda)
(7) tuhod sa matutulis na bato,” paliwanag ng matandang babae.
Iniupo (ni Roland at Aling Ason) (8) ang matanda at ipinatong
ang dalawang paa nito sa mesitang nasa kanyang harapan.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

13
Ginamot ng mag-ina ang matanda at hinatid (ni Roland at Aling Ason)
(9) ito sa kanyang paroroonan. “Maraming salamat sa inyo,” sabi ng
matanda. “Wala pong anuman,” sabi naman nila. Nakangiting umuwi si
Lando at (Aling Ason) (10) ina.

B. Panuto: Basahin ang maikling usapan punan ng wastong pangngalan


o paghalip ang bawat patlang.
Nina: Kumusta ka na (1) ?

Andrei: (Hindi siya naririnig ni Andrei dahil sa earphones sa kanyang


tainga)

Nina: Andrei! Ano? Nakikinig ka na naman ng malakas na musika.

Andrei: (Nagulat)Sorry, (2) . Hindi (3) naririnig.

Nina: Mukhang nakaaaliw naman ang iyong pinakikinggan. Maaari rin ba


(4) makinig?

Andrei: Aba, Siyempre! Heto and kabila ng earphones, makinig tayong


dalawa.

Nina: Nakikinig ka pala ng musika ni Mozart. Gusto (5) pala ng


musikang klasikal.
Siya ba ang iniidolo mong mang-aawit?

Andrei: Oo naman! Nakakapagod na ang mga musikang sobrang maingay at


mabilis. Kaya naisip ko na makinig naman ng ibang klase ng musika.

Andrei: Oo, iyan ang binabalak ko.

Gawain 5
Panuto: Sa tulong ng mga panghalip at pangngalan gumawa ng isang
pangungusap tungkol sa larawan sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa
patlang
1. bata, kanya

Sagot:

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

14
2. Lino, siya

1. Tina, nila Sagot:

3. Tina, nila

Sagot:

4. krayola, kanya

Sagot:

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

15
5. Pagong, ito
Sagot:
Sagot:
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

Rubrik sa Pagsusuri ng Pangungusap


Pamantayan Puntos
Malinis at maayos ang pagkakasulat
ng pangungusap. Nagagamit ang mga
5
salitang ibinigay. Maayos ang paggamit
ng malaking titik at ng bantas.
Hindi gaanong malinis at maayos ang
pagkakasulat ng pangungusap.
Nagamit ang mga salitang ibinigay. 4
Maayos ang pagkakagamit sa malaking
titik ngunit walang bantas na ginamit.
Hindi malinis at maayos ang
pagsusulat ng pangungusap. Isa o
walang nagamit na salita ang ginamit
3
batay sa ibinigay na salita. Mali ang
gamit ng malaking titik at walang
bantas na ginamit.

Repleksiyon
Sa palagay mo, may kabutihan bang dulot ang paggamit ng panghalip
sa halip na paulit-ulit na paggamit ng pangngalan? Ipaliwanag ang sagot.

Mga Sanggunian
A. Mula sa Aklat
Aragon, Angelita L. et al. (1999). Bagong Filipino 5 sa Salita at
Gawa. JGM and S Corporation.
Lalunio, Lydia P & Ril, Francisca G. (2010). Hiyas sa Pagbasa, Sd
Publication Inc.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

16
B. Mula sa LRMDS
Panghalip Pagsunud Sunod Pdf Retrieved from LRMDS/Download

Katangian ng mga Tauhan sa Kuwento Pdf Retrived from


LRMDS/Download

Detail Retrived from LRMDS/Download

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
A. 1.mo B. 1. simoy
2. kami 2. Bundok
3. kami 3. Ulap
4. ito 4. Kidlat
5. ako 5. Kulog
6. aking 6. Larawan
7. kami 7. Palamuti
8. namin 8. Lunas
9. aming 9. Amorsolo
10. Sila 10. kapaligiran
Gawain 2
1. Pangngalan
2. Pangngalan
3. Panghalip
4. Pangngalan
5. Panghalip
6. Panghalip
7. Pangngalan
8. Panghalip
9. Panghalip
10. Panghalip
11. Pangngalan.
12.Pangngalan
13. Pangngalan
14. Panghalip
15. Panghalip

Gawain 3
Pangngalan Panghalip
ulan, hangin, bagyo, Din ,iyon, kay ako,
halamang bulaklak, aking, ka, rin,mo,
Tipaklong, Paruparu, iyong, kanyang, ano?,
kahoy, katawan,paligid, kang, akin, mong,
dahoon, tipak ng akong, nating
ulan,pakpak, sanga ng puno

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

17
Gawain 4
A.
6. Ninyo B.
1. Siya
7. Aking 1. Andrei
2. niya
8. nila 2. nina
3. Akong 3. kita
4. Niya 9. Nila
4. akong
5. Niyang 10. kanyang
5. mo
Gawain 5
Batay sa rubriks

KENNETH VIOLA
May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

18
FILIPINO 5
Pangalan: Lebel:

Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pag-unawa sa Binasang Kuwento

Panimula (Susing Konsepto)

Ang pagbabasa ay sadyang napakahalaga hindi lamang sa inyong mga


kabataan kundi maging sa mga nakatatanda. Ito ay isang daan upang ang
isipan ay maging matalas, at madadagdagan pa ang inyong kaalaman..

Sa pagbabasa, ikaw ay tila ba nakakarating sa ibang mundo sa


pamamagitan ng imahinasyon na kung saan, marami tayong natutuklasan
at napupulot na aral. Sa pamamagitan din nito ay malilinang ang inyong
kasanayan sa pagkilala sa mahahalagang parte ng isang kuwento sa
pagsasagot sa tanong na ano, kailan, saan, bakit at paano.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nasasagot ang mga tanong sa binasang kwento. (F5B-Ia-3.1)

Panuto: Upang lalong malinang ang iyong kakayahan, ang mga gawain sa
ibaba ay sadyang inihanda para sa iyo. Sagutin ito nang maayos.

Gawain 1
Basahin at unawain ang kwento. Sagutin ang mga kasunod na tanong.
Bilugan ang letra ng iyong sagot.
Si Maki Nilya at si Kom Pyuter
(sipi mula sa Hiyas sa Pagbasa p. 186)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

19
Hindi na mapigil ang agham at teknolohiya sa pagtuklas ng mga
modernong kagamitan na angkop sa uri ng pamumuhay ng tao.
Malungkot si Maki Nilya. Siya’y nasa madilim at maruming sulok, sa
ibabaw ng isang lumang mesang uuga-uga na. Marami na siyang alikabok.
Bihira na siyang gamitin ni Jon-Jon.
Dati-rati, tuwang-tuwa siya kapag umuupo na sa kanyang harap si
Jon-Jon. Mangyari, nahahawakan ni Jon-Jon ang kanyang mga letra at
bilang. Nililinis siya ng malilinis na daliri ni Jon-Jon. Pagkatapos ng mahigit
na isang oras na pagmamakinilya ni Jon-Jon ay lalo siyang natutuwa dahil
masayang- masaya ang kanyang tagapag-alaga.
“ Sige na po, Daddy. Ibili na ninyo ako ng computer. Mas madali akong
makapag-research at mas mabilis akong makapagmakinilya ng aking mga
assignment,” ang paliwanag ni Jon-Jon sa kanyang ama.
“Ano? Ipagpapalit ako ni Jon-Jon sa computer? Hindi na ba ako mahal
ni Jon-Jon? Paano na niya ako malilinis kung may computer na siya? Ano na
ang mangyayari sa akin?” Ang tanong ni Maki Nilya.
Kinabukasan, may bagong computer na si Jon-Jon. Malungkot na
malungkot si Maki Nilya. Nainggit siya nang ilagay ito sa ibabaw ng matibay
at bagong lamesa. Sinisimangutan niya si Kom Pyuter kapag nakikita niya
itong nakatingin sa kanya.
“Okey ang computer mo, Jon-Jon,” ang sabi ng kanyang Daddy.
“Mapagagaan at mapabibilis mo ang iyong mga gawain dahil madali kang
makapagbubura kung may mali kang nai-type. “Hindi pa mabubura o
mawawala ang mga impormasyong minakinilya mo.”
Madalas mag-unahan sa paggamit ng computer si Jon-Jon at ang
kanyang mga kapatid.. Nagkakaroon tuloy sila ng pagtatampuhan.
Isang araw, ibinalita sa radyo na maghapong magba-brownout sa
lugar nina Jon-Jon. Hindi makapagkompyuter si Jon-Jon. Ipapasa pa
naman niya ang kanyang report sa kanyang guro bukas ng umaga.
“Anong gagawin ko?” ang tanong niya. May naisip si Jon-Jon. Nilapitan
ni Jon-Jon si Maki Nilya at nilinis ng malambot na puting papel.
“Kailangan din kita,” Ang sabi ni Jon-Jon kay Maki Nilya. “Ikaw yata
ang unang gamit na iniregalo sa akin ni Daddy noong magtapos ako ng
Kinder. Alaagaan at gagamitin din kita lagi katulad ng computer,” ang sabi ni
Jon-Jon. Mula noon hindi na malungkot si Maki Nilya. Nginingitian na niya
si Kom Pyuter.
1. Bakit nalungkot si Maki Nilya?
a. Bihira na siyang gamitin ni Jon-Jon at puno na siya ng alikabok.
b. Inaway siya ni Kom Pyuter.
c. Nagmukha na siyang basura dahil hindi na siya kailangan ni Jon-
Jon.
d. Itatapon na siya ni Jon-Jon dahil pangit na ang hitsura nito.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

20
2. Bakit dati-rati’y tuwang –tuwa siya kapag umuupo na sa kanyang
harap si Jon-Jon?
a. Naaalagaan pa siya ni Jon-Jon at nalilinisan.
b. Nararamdaman niyang siya ay kapakipakinabang dahil ginagamit
siya ni Jon-Jon at niliinis pagkatapos siyang gamitin nito.
c. Hinahawakan ni Jon-Jon ang mga letra at bilang na nakakabit sa
kanya.
d. Nilalaro-laro ni Jon-Jon ang mga letra at bilang na nakakabit sa
kanya.

3. Ano ang pinag-uusapan ni Jon-Jon at ng kanyang Daddy?


a. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagtapon sa makinilya at pagbili
ng bagong computer.
b. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagbili ng bagong computer at
ipamigay na ang makinilya.
c. Pinag-uusapan nila na ilagay na sa bodega ang makinilya at bumili
na ng computer para mas mapadali ang kanyang gawain sa
pagreresearch at hindi na siya magbubura sa tuwing nagkakamali
siya ng naitayp.
d. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagbili ng bagong computer
dahil mas mapapadali ang kanyang gawain sa pagreresearch at
para na rin makapaglaro siya online kasama ang kanyang mga
kaibigan.

4. Ano ang naisip at nadama ni Maki Nilya nang marinig niya ang pag-
uusap ng mag-ama?
a. Nalungkot siya dahil mawawalan na siya ng silbi kay Jon-Jon at
naisip din niyang di na siya maaalagaan nito.
b. Nalungkot siya dahil naisip niyang hindi na siya gagamitin ni Jon-
Jon at itatapon na siya nito.
c. Natuwa siya dahil sa wakas ay makakapagpahinga na siya.
d. Masaya siya dahil hindi na siya pag-aagawan ng mga kapatid

5. Paano nakakatutulong ang computer sa iyo bilang mag-aaral?


a. Napapadali ng computer ang paggawa ng mga takdang aralin dahil
posibleng makakapagsearch tungkol dito at maaari na ring ipasa
ito online sa pamamagitan ng internet.
b. Ang computer na mismo ang gagawa ng takdang aralin at
panonoorin na lamang ito hanggang sa matapos.
c. Sa pamamagitan ng computer, nagkakaroon ng koneksyon sa
pagitan ng guro at mag-aaral sa mga panahong kinakailangan.
d. Lahat ng nabanggit maliban sa letrang . Isulat kung anong titik
ito.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

21
Gawain 2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan sa pamamagitan ng
pagsulat ng talata sa patlang na binubuo ng limang pangungusap. (10 puntos
bawat numero)
1. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na mabigyan ng isang
computer o laptop, paano mo ito pangangalagaan?

2. Sa iyong kuro-kuro, dapat bang mas pahalagahan ang computer at


pabayaan o itapon na ang makinilya dahil nalaos na ito at computer na
ang palaging ginagamit? Bakit?

Rubrik para sa talata


Mga 10pts 9pts 8pts 7pts
Krayterya (napakahusay) (mahusay) (di- Nangangailang
gaanong an ng tulong
mahusay)
Organisasy Napakaayos ng Maayos ang May lohikal Hindi maayos
on pagkakasunod- organisasyo na ang
sunod ng mga n at organisasyo organisasyon
ideya sa pagkakabu n ngunit ng mga ideya
kabuuan ng o ng talata hindi at walang
talata, mabisa na angkop masyadong panimula at
ang panimula na simula mabisa ang konklusyon
at malakas ang at panimula
konklusyon konklusyon at
batay sa . konklusyon
ebidensiya.
Paggamit Napakahusay Mahusay Di-gaanong Kailangang
ng Wika at dahil walang dahil mahusay baguhin dahil
Mekaniks mali sa kakaunti dahil may halos lahat ng
grammar, lamang ang karamihan pangungusap
baybay, at mali sa g mali sa ay may mali sa
gamit ng grammar, grammar, grammar,
bantas, may baybay, at baybay, at baybay, at
mayamang gamit ng gamit ng gamit ng
bokabularyo bantas bantas bantas
Presentasy Malinis at Malinis May Mahirap
on maayos ang ngunit kahirapang basahin dahil
pagkakasulat hindi lahat unawain sa hindi
ng talata ay maayos ang maayos at
ang pagkakasul malinis na
pagkakasul at ng pagkakasulat

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

22
at ng mga pangungus
pangungus ap
ap
Pamamahal Ginamit ang Ginamit Naisumite Hindi handa at
a ng oras sapat na oras at ang oras dahil hindi tapos
naipasa bago na itinakda binantayan
sumapit ang sa paggawa nng guro
napagkasundua at naibigay
ng oras ng sa tamang
pagsumite oras

Repleksiyon:
Bakit mahalaga ang masusing pang-unawa sa binasa?

Sanggunian:
Mula sa Aklat:
Lalunio, Lydia P. et.al. (1999). Hiyas sa Pagbasa Batayang Aklat para sa
Ikalimang Baitang. Quezon City: LG&M Corporation
Mula sa Internet
Duque, Lawrence B. Rubriks sa Pagsulat ng Talata. Retrieved from
https://google.com/slideshare.net
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. a 4. a
2. b 5. d (B)
3. d
Gawain 2 – tingnan ang rubriks bilang gabay.

EDGARDO S. AMARILLO
JONILYN MARIE M. ENTELA
Mga May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

23
FILIPINO 5
Pangalan: Lebel:

Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pag-unawa sa Binasang Kuwento o Tekstong Pang-impormasyon

Panimula (Susing Konsepto)

Mahalagang mapalawak ang kaalaman, sa mga bukabolaryo, at samut


saring kaalaman na sa pagbabasa ay iyong makakamtan.

Ang pagbasa sa kuwento o tekstong pang-impormasyon ay magiging


epektibo kung ito ay mauunawaan mo. May mga bagay na dapat isaalang-
alang ang isang mambabasang gaya mo, tulad ng: Tungkol saan ba ang iyong
binasa? Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? Saan at kailan naganap ang
mga pangyayari? Ano ang aral na matutunan mo sa kuwento?

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nasasagot ang mga tanong sa binasang kuwento o tekstong pang-
impormasyon (F5PN-Ic-g-7)

Panuto: Upang lalong malinang ang iyong kakayahan, ang mga gawain sa
ibaba ay sadyang inihanda para sa iyo. Sagutin ito nang maayos.

Gawain 1
Panuto: Basahin, suriin at unawain ang mga inihandang babasahin na
magpapayaman sa kaisipan upang lubos na maunawaan at masagot ang mga
katanungan sa binasang kuwento

Luisiana: Little Baguio ng Laguna


(Sipi mula sa Librong Alab Filipino 5
Batayang Aklat)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

24
Miyerkules noon, malamig na simoy ng hangin ang bumati sa akin.
Nakasakay kami ng aking mga magulang sa pampasaherong dyip patungo sa
isang bayan na kung tawagin ay “Little Baguio.” Ito ang lugar kung saan
nakita ko ang simpleng pamumuhay ng mga taong may sipag at may
mumunting pangarap. Dito, sila ay nagtatanim ng mga halamang gulay at
ang mga hayop gaya ng kalabaw at baka ay malayang nakakagala sa paligid.
Sariwang isda naman ang nananahan sa malinis na ilog.
Dito ko nakilala si Carl, isang batang kasing edad ko rin. Magkaibigan
ang aming mga magulang. Pareho kaming nasa ikalimang baitang. Pangarap
ni Carl na makatapos ng elementarya at makapag-aral sa isang paaralang
pansekondarya sa bayan, bagama’t mayroon ding mataas na paaralan sa
Little Baguio.
Ito ang bayan na ang hanging umiihip sa bawat minuto ng bawat oras
ay tila ba hangin ng Pasko.
Naaalala ko pa nang magkakilala kami ni Carl…
JJ: Kumusta ka? JJ ang pangalan ko. Ikaw?
Carl: Mabuti naman. Ako naman si Carl.
JJ: Ang sarap ng hangin dito sa lugar na ito, sariwa at
malamig. Carl: Little Baguio ang tawag namin sa lugar na ito.
JJ: Sabi ko nga sa tatay at nanay ko, gusto kong manatili na lamang
kami rito.
Carl: Paano ang pag-aaral mo sa bayan?
JJ: Lilipat na lamang ako rito sa Paaralang Elementarya ng San
Buenaventura.
Carl: Aba mabuti kung ganoon. Sana maging kamag-aral
kita. JJ: Sana nga, maraming salamat, Carl.
Tinawag na Little Baguio ang bayan ng Luisiana sa lalawigan ng
Laguna sapagkat tulad ng Lungsod ng Baguio ito ay mataas at may
mababang temperatura. Matatagpuan ito sa bulubundukin ng Sierra Madre.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ang sagot sa patlang.

1. Ano-ano ang makikita sa Little Baguio?


a. Mga batang naglalaro sa kalsada, at magagandang bahay
b. Ang simpleng pamumuhay ng mga taong may sipag at
mumunting pangarap.
c. Nagtatanim ng sariwang gulay at ang mga hayop na nakatali sa
paligid.
d. Sariwang isda ang itinitinda sa mga tindahan.
2. Ano ang maaaring maramdaman ni JJ kung papayag ang mga
magulang niyang maiwan na sila sa lugar nina Carl?
a. Masaya dahil makakaalis na siya sa paaralan niya sa bayan
b. Masaya dahil natupad ang nais niya na maiwan sa lugar kung
saan malamig ang klima at maaari pa niyang maging kamag-
aral si Carl.
c. Masaya dahil araw-araw na siyang makapaliligo sa malamig na
batis.
d. Masaya dahil matagal na niyang pangarap ang manirahan sa
bayan ng Little Baguio.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

25
3. Magiging daan kaya sa matiwasay na pamumuhay kung
maninirahan na sa lalawigan sina JJ? Bakit?
a. Oo, dahil nais naman niyang doon na manirahan.
b. Hindi, dahil wala naman siyang gaanong kakilala sa lugar at
malayo pa sa mga magagandang pasyalan tulad ng Mall.
c. Oo, dahil magiging magkamag-aral sila ni Carl at araw-araw pa
silang makapaglalaro at makapamamasyal ng magkasama.
d. Hindi, dahil wala doon ang hanapbuhay ng kanyang mga
magulang.

4. Bakit kaya nasabi ng awtor ang pahayag na “Ito ang baryo na ang
hangin na umiihip
sa bawat minuto ng bawat oras ay tila ba hangin ng Pasko?”
a. Dahil ito ay tulad ng Baguio na mababa at may mataas na
temperature.
b. Dahil tulad ng Lungsod ng Baguio ito ay mataas at may
mababang temperature.
c. Dahil malamig ang hangin at matatagpuan sa bulubundukin ng
Sierra Madre.
d. Dahil ito ay isang lugar na may simpleng pamumuhay ang mga
taong nakatira rito, sariwa ang hangin at magaganda ang
tanawin.

5. Bakit gusto ni JJ na manatili na lamang sa baryo nila Carl?


a. Para doon na lamang mag-aral dahil maganda ang paaralan
doon.
b. Para lagi silang makasama si Carl sa paglilibot at paglalaro.
c. Para maging magkamag-aral silang dalawa mula elementarya
hanggang sekondarya.
d. Para laging maramdaman ang sarap ng sariwang hangin at
malamig na klima.

Gawain 2
Panuto: Ngayon naman, basahin nang tahimik ang seleksyon. Sagutin ang
mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

Galing ng Pinoy, Hinangaan sa Hollywood!


(Sipi mula sa Phil Iri 2012-2013)
Isul

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

26
Malaking karangalan ang iniuwi nina Jed Madela at Rizza Novales sa
Pilipinas nang magwagi sila ng napakaraming medalya at tropeo sa World
Championships of the Performing Arts noong 2005. Ginanap sa Hollywood,
California na sinalihan ng mahigit sa 51 bansa at 1000 kalahok.
Talagang napakagaling nila. Kahit biglaan ang pag-eensayo, hindi ito
nakabawas sa napakahusay na pag-awit nila ng kanilang mga piyesa. Maging
ang kanilang mga katunggali ay natuwa nang humakot sila ng maraming
parangal. Nakakuha si Jed ng apat na ginto mula sa kategoryang Pop,
Broadway, Original at Gospel na dahilan ng pagkakatanghal sa kanya bilang
Grand World Champion, Over-all Vocals Champion at Over-all Male Vocals
Champion. Nakamit naman ni Rizza ang titulong Over-all Female Vocals
Champion dahil sa tatlong medalyang ginto na napanalunan niya mula sa
kategoryang Pop, Broadway, Original, at pilak naman sa R&B.
Silang dalawa rin ang itinanghal na Over-all Duet World Champion,
dahil sa gintong medalyang napanalunan nila mula sa kategoryang Pop na
nilahukan naman ng 250 kalahok mula sa Timog Africa at 150 mula sa
Estados Unidos.
Pinatunayan nina Jed at Rizza na talagang maipagmamalaki ang
talentong Pinoy sa mundo!

Mga Tanong:
1. Anong paligsahan ang pinagwagian nina Jed Madella at Rizza Novales?
a. American Idol
b. Britain Got Talent
c. Asian Song Festival
d. World Championships of the Performing Arts
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi napanalunan ni Jed Madella?
a. Grand World Champion
b. Over-All Male Dancer Champion
c. Over-all Vocals Champion
d. Over-all Male Vocals Champion
3. Bakit kaya sina Jed at Rizza ang itinanghal na Over-all Duet World
Champion?
a. Bagay silang kumanta ng solo.
b. Nagpapaligsahan silang dalawa sa pag-awit.
c. Silang dalawa ang pinakamagaling na mang-aawit.
d. Lagi silang nagkukuwentuhan bago umawit.
4. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkapanalo ni Jed Madella sa halos lahat ng
kategorya ng paligsahan sa pag-awit?
a. Ipinanganak na isang mang-aawit si Jed.
b. Kaya ni Jed umawit ng kahit na anong uri ng awit.
c. Pinaghusay nila ang kanilang performance sa kompetisyon.
d. Lahat ay tama.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

27
5. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkapanalo nina Jed at Rizza?
a. Hindi gaanong nakapag-ensayo sina Jed at Rizza.
b. Namimili ng awit na kakantahin sina Jed at Rizza.
c. Walang suporta ang pamahalaan sa pagsali nila sa paligsahan.
d. Napakahusay ng ginawang pag-awit nina Jed at Rizza sa kompetisyon.
6. Bilang isang Pilipino, ano ang iyong nararamdaman para kina Jed at
Rizza?
a. Naiinggit ako sa kanila
b. Karapat-dapat na ikarangal natin sila.
c. Nasasabik akong makita sila.
d. Naaawa ako sa kanila dahil wala silang nakuhang suporta sa
pamahalaan.
7. Ano ang pinatunayan nina Jed at Rizza sa kanilang pagkapanalo?
a. Sadyang magagaling ang mga Pilipino.
b. Libangan ng mga Pilipino ang pag-awit.
c. Maraming Pilipino ang marunong kumanta.
d. Mahilig sumali sa mga paligsahan ang mga Pilipino.

Gawain 3
Panuto: Sa gawaing ito ay katuwang ang mga magulang. Babasahin nila ang
sanaysay at pagkatapos ay ipasagot ang mga katanungan tungkol dito sa
paraang pasulat o tuwirang pagsagot ng mga bata. Nakalakip dito ang
maaaring sagot ng mga bata.

Kabataan: Katuwang Ka sa Malinis na Kapaligiran


(Sipi mula sa Phil-Iri 2017-2018)

Binasa ni Emma ang ginawa niyang takdang-araling sanaysay na may


pamagat na “Kabataan: Katuwang ka sa Malinis na Kapaligiran”.
Ang nakakalat na basura ay suliranin ng bawat mamamayan lalo na
sa siksikang lugar gaya ng mga lungsod. Ang mga basurang ito sa paligid ang
nakapipinsala sa kapaligiran at kalusugan.
Bilang kabataan at mag-aaral, malaki ang maitutulong natin upang
ang hangaring luminis ang ating kapaligiran ay matupad. Ilan sa mga maaari
nating gawin ay ang paggamit ng mga materyales at mga kagamitang
maaring i-recycle. Paggamit ng bahaging likuran ng papel na wala pang sulat.
Ang mga

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

28
papel naman na di na magagamit pa ay maaaring ipunin upang maipagbili o
gawing pambalot.
Sa tahanan, ang paghihiwalay ng mga basurang nabubulok sa di
nabubulok ay isang epektibong paraan upang makagawa tayo ng pataba sa
pamamagitan ng composting. Ang mga damit nating di na ginagamit ay
maaaring ipamigay sa mga kapus-palad na tao o kung di na maaaring isuot,
gawing basahan ang mga ito. Ang pagpapaalala sa mga nakatatanda na kung
maaari ay tigilan na nila ang paninigarilyo at pagsisiga upang mabawasan
ang mga usok na ikinakalat sa paligid ay makatutulong din upang
mabawasan ang dumi o hanging-polusyon.
Sadyang marami pa tayong magagawa bilang kabataan kung
susubukan lang natin. Kayang-kaya nating pagandahin ang ating paligid
kung gugustuhin natin.
Matapos mabasa ni Emma ang kanyang sanaysay, isang malakas na
palakpak ang kanyang tinanggap mula sa kanyang mga kaklase at guro.

Mga tanong:
 Batay sa binasa, kaninong suliranin ang mga nakakalat na basura?

 Bumanggit ng mga nakapipinsala sa ating kapaligiran at


kalusugan?

 Saan sa palagay mo maaaring gamitin ang mga basurang


nabubulok?

 Bakit kaya kinakailangang magtulungan tayo sa pagbabawas ng


basura?

 Kung hindi ka tutulong sa pagpapanatiling malinis ng kapaligiran


sa inyong paaralan, ano kaya ang maaaring mangyari?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

29
 Ano ang maaari mong gawin sa mga batang nagkakalat ng basura
sa simbahan?

 Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran?

 Sa loob ng silid-aralan, anong lugar dito ang kinakailangang linisin


o baguhin o pagandahin? Paano mo ito gagawin?

Repleksiyon

Sa mga binasa at sinagutang mga gawain, napatunayan mo na kayang-


kaya mong sagutan ng may wasto at maaayos na pagpapakita ng kaalaman
na kapag ninais ng isang batang katulad mo ay walang alinlangan na
malalagpasan mo ang ano mang gawain para sa baitang na iyong
kinabibilangan.
Ngayon naman sa pagtatapos ng gawain na ito ay magsulat ka ng iyong
mga natutunan.

Mga Sangunian

Mula sa Aklat
Agarrado, Francia, Guerrero III, at Cruz Gojo, (2016) Alab Filipino 5

Phil-iri 2013

Phil-iri 2017

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 Gawain 2
1. b 1. d
2. b 2. b
3. d 3. b
4. b 4. c
5. d 5. d
6. b
7. a

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

30
Gawain 3
1. Sa bawat mamamayan
2. Basura
3. Sa pagcocompost/paggawa ng pataba
4. Dahil nakapipinsala sa kalusugan at kapaligiran ang basura
 Upang hindi imaging marumi ang paligid
 Upang magandang tingnan ang kumunidad
 (Tanggapin ang iba pang katulad na sagot)
5. Dadami ang mga kabataang nagkakalat
 Di ako matututo ng kalinisan
 Lalong dudumi ang paligid
 (Tanggapin ang iba pang katulad na sagot)
6. Payuhan sila
 Pagsabihan sila na huwag magkalat
 Sasawayin sila
 Isumbong sa nakatatanda o awtoridad
 (Tanggapin ang iba pang katulad na sagot)

7. Pagwawalis ng paligid
 Pagtatapon mg basura sa basurahan
 Paggamit ng bagay na maaari pang gamitin
 (Tanggapin ang iba pang katulad na sagot)

8. Lagayan ng basura, gagawan ng takip


 Pudpod na walis tingting, gagawa ng bago sa pagkuha ng dahon ng
niyog
 Sirang silya, kukumpunuhin
 (Tanggapin ang iba pang katulad na sagot)

MA. MAYUMI N. ACEBES


EDGARDO S. AMARILLO
JONILYN MARIE M. ENTELA
Mga May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

31
FILIPINO 5
Pangalan: Lebel:
Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pag-unawa sa Binasang Tektstong Pang-impormasyon

Panimula (Susing Konsepto)

Tulad ng nasabi sa naunang aralin, mahalaga talaga ang pagbabasa ng


tekstong pang-impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iyong
kasanayang pang-wika tulad ng pagpapalawak ng iyong bokabularyo.,
pagtatala, pagtukoy sa mahahalagang detalye, pagsusuri sa mga
impormasyon at pagpapakahulugan sa mga salita o ideya.

Ano ang tekstong Pang-impormasyon? Ang teksto o babasahing pang-


impormasyon ay nagbibigay ng tiyak na impormasyon kaugnay sa isang tao,
bagay, lugar o pangyayari. Ipinapahayag niya ang mahahalagang
impormasyon tungkol sa paksang tinatalakay. Karaniwan itong sumasagot
sa tanong na Ano? Sino? at paano?

Sa iyong pagbabasa, isaalang-alang mo lagi ang mga sumusunod:


Tungkol saan ba ang iyong binasa o ano ito? Sino-sino ang mga tauhan sa
kuwento? Paano ito nangyari? Saan at kailan naganap ang mga pangyayari?
Ano ang aral na matutunan mo sa kuwento?
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nasasagot ang mga tanong sa binasang tekstong pang-impormasyon (F5PB-
I-b-5.4), (F5PB-IIi 3.2)
Panuto: Upang lalong malinang ang iyong kakayahan, ang mga gawain sa
ibaba ay sadyang inihanda para sa iyo. Sagutin ito nang maayos.
Gawain 1
Panuto: Basahin ang balita at sagutin ang mga kasunod tanong. Bilugan ang
titik na iyong sagot.
Mga Gumaling sa COVID-19 sa Nueva Ecija, 26 na

LUNGSOD NG CABANATUAN, Mayo 5 (PIA)—Tumungtong na sa 26


ang kabuuang bilang aga mga gumaling na pasyente ng corona virus disease
o COVID-19 sa Nueva Ecija.
Ito ay batay sa naging pag-uulat ng Nueva Ecija Inter-agency Task
Force ngayong araw, Mayo 5. Pahayag ni NE IATF Spokesperson Father
Arnold Abelardo, kabilang sa mga gumaling ay ang apat na pasyente mula sa
lungsod ng Cabanatuan.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

32
Sila ay sina Patient No. 4, 63 taong gulang sa barangay Santa Arcadia,
Patient No. 11 na 25 taong gulang na mayroong travel history sa France at
Taguig at si Patient No. 25, 52 taong gulang mula sa barangay Bonifacio.
Kasama din sa mga bagong nadagdag na mga gumaling ay ang nars
mula sa bayan ng Rizal, at tig-isang pasyenteng residente ng mga bayang
Cuyapo, Quezon at San Isidro.
Paalala ni Abelardo sa lahat ay manatili lamang sa mga tahanan,
parating maghugas ng kamay at magpalakas ng katawan at doblehin ang
pag-iingat lalo ngayong mabagal ang pagdating ng mga resulta ng laboratory
test dahil sa dami ng mga sinusuring pasyente.
Para naman aniya sa mga gumaling na ay patuloy pa ding maging
maingat upang masigurong hindi manumbalik ang naturang sakit.
(CLJD/CCN- PIA 3)
Mga Tanong:
1. Patungkol saan ang balita?
a. Ang balita ay tungkol sa pasyenteng gumaling mula sa sakit na
COVID-19 sa Nueva Ecija.
b. Ang balita ay tungkol sa pasyenteng gumaling mula sa sakit na
COVID-19 sa Nueva Viscaya.
c. Ang balita ay tungkol sa mga taong nagkasakit ng COVID-19 sa
buong Plipinas.
d. Ang balita ay tungkol sa mga taong gumaling sa sakit na COVID-
19 sa buong Pilipinas.
2. Ayon sa balita, ilan ang mga pasyenteng gumaling na sa lugar na
nabanggit?
a. 25
b. 63
c. 26
d. 11
3. Sa palagay mo, maaari pa bang manumbalik ang sakit na COVID -19
sa sinumang tinamaan na nito?
a. Opo, kapag nakipagkaibigan sila sa mga taong may ubo at sipon.
b. Opo, kapag namasyal sila sa bukid at naligo sa dagat.
c. Opo, kapag sila ay lumabas ng bahay na walang face mask at
may nakasalimuhang may sintomas ng COVID at nahawakan
nila ang kanilang mukha nang hindi naghuhugas o nagsanitize
ng kamay.
d. Hindi po dahil isang beses lang maaaring tamaan ng COVID-19
ang bawat tao sa mundo.
4. Sang-ayon ka ba sa sabi-sabing matatanda lamang ang tinatamaan ng
sakit na COVID-19? Bakit?
a. Hindi po dahil bata man o matanda ay maaaring tamaan ng sakit
na ito lalo na kung sila ay hindi naghuhugas ng kamay at may
mahinang pangangatawan.
b. Hindi po dahil lahat ng matitigas ang ulo ng mga bata kaya
maaari din silang tamaan ng sakit na COVID-19

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

33
c. Opo dahil hindi pa tinamaan ng sakit na ito ang ate at kuya ko
na nasa hayskul.
d. Opo dahil mahina na ang kanilang pangangatawan at may
mahinang katawan lang tinatamaan ng sakit na ito.
5. Bakit kailangan nating sumunod sa patakaran na inilunsad ng ating
pamahalaan ukol sa COVID-19?
a. Kailangan nating sumunod upang ang lahat ay maging maayos
ang kalagayan at hindi na maghirap.
b. Kailangan nating sumunod upang hindi tayo tamaan ng sakit at
maiwasan ang patuloy na pagkalat ng sakit na COVId-19.
c. Kailangan nating sumunod upang tayo ay manat malakas at
matatag.
d. Lahat ng nabanggit.

Gawain 2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa pamamagitan ng
pagsulat ng isang talata na binubuo ng limang pangungusap.Isulat ang
iyong talata sa isang buong papel.
1. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong upang maiwasan ang
pagkalat ng COVID-19?
2. Ano-anong hakbangin ang gagawin mo upang maiwasan mong maging
isa sa mga biktima ng sakit na ito?

Rubrik para sa Talata


Mga 10pts 9pts 8pts 7pts
Krayterya (napakahusay) (mahusay) (di-gaanong Nangangailanga
mahusay) n ng tulong
Organisasyo Napakaayos ng Maayos ang May lohikal Hindi maayos
n pagkakasunod- organisasyo na ang
sunod ng mga n at organisasyo organisasyon ng
ideya sa pagkakabuo n ngunit mga ideya at
kabuuan ng ng talatana hindi walang
talata, mabisa angkop na masyadong panimula at
ang panimula at simula at mabisa ang konklusyon
malakas ang konklusyon. panimula at
konklusyon konklusyon
batay sa
ebidensiya.
Paggamit ng Napakahusay Mahusay Di-gaanong Kailangan
Wika at dahil walang mali dahil mahusay baguhin dahil
Mekaniks sa grammar, kakaunti dahil halos lahat ng
baybay, at gamit lamang ang kakaunti pangungusap ay
ng bantas, may mali sa lamang ang may mali sa
mayamang grammar, mali sa grammar,
vocabulary baybay, at grammar, baybay, at gamit
gamit ng baybay, at ng bantas
bantas

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

34
gamit ng
bantas

Presentasyo Malinis at Malinis May Mahirap basahin


n maayos ang ngunit hindi kahirapang dahil sa hindi
pagkakasulat ng lahat ay unawain ang maayos at
talata maayos ang pagkakasula malinis na
pagkakasula t ng pagkakasulat
t ng mga pangungusa
pangungusa p
p
Pamamahala Ginamit ang Ginamit ang Naisumite Hindi handa at
ng oras sapat na oras at oras na dahil hindi tapos
naipasa bago itinakda sa binantayan
sumapit ang paggawa at nng guro
napagkasunduan naibigay sa
g oras ng tamang oras
pagsumite

Repleksiyon
Paano nakatutulong ang masusing pang-unawa sa binasang tekstong pang-
impormasyon?

Sanggunian:
Mula sa Internet:
Nagano, Camille (2020) Mga gumaling sa COVID-19 sa Nueva Ecija, 26 na.
Retrieved from http://iorbitnews.com

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
e. a 2. c 3. c 4a 5. b
Gawain 2 – tingnan ang rubriks bilang gabay.

EDGARDO S. AMARILLO
JONILYN MARIE M. ENTELA
May Mga-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

35
FILIPINO 5
Pangalan: Lebel:
Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pasulat na Pagsasalaysay

Panimula (Susing Konsepto)


Tayong lahat ay may kanya-kanyang kuwentong binalik-balikan.
Minsan nais man natin itong ibahagi sa ating kapwa ngunit dahil tayo ay may
pagkamahiyain hindi natin ito naibabahagi nang pasalita. Kaya ngayon bakit
di natin isulat ito?
Ikaw, anong pangyayari sa iyong buhay ang di mo malilimutan?
Maaari mo nang isulat upang maibahagi ito. Ngunit hindi lahat ng manunulat
ay nagtatagumpay sa pagsusulat sapagkat ito ay isang napakalaking hamon
sa atin maging sa mga mag-aaral na tulad mo. Ang pagsusulat ay hindi
lamang nakapokus sa pamamaraan ng pagsulat. Kasama ang pag-iisip,
pagtatalakay, pagbabasa, pagpaplano, pagsusulat at pag-eedit hanggang sa
paglathala.
Ang paksa na iyong mapag-aaralan sa gawaing ito ay ang pagsulat o
pagbubuo ng isang pagsasalaysay. At siguradong ikaw ay mawiwili sa
pagpatuloy sa gawaing ito pagkat ito ay tungkol sa bahagi ng iyong buhay o
ng ibang tao.
Tandaan na sa pagsasalaysay, ang layunin mo ay ihayag ng sunod-
sunod ang mga pangyayari kaya narito ang mga batayan upang maging
mabisa ang iyong pagsasalaysay.
1. Ang pinakamahalagang batayan sa pagsasalaysay ay ang iyong sariling
karanasan dahil madali mong mailahad ng pakuwento ang nais mong
maiparating sa iyong mambabasa o tagapakinig dahil naranasan mo
ito.
2. Batay sa Likhang-isip o ang iyong imahinasyon. Ang mga pangyayari
na iyong isinasalaysay ay bunga lamang ng iyong imahinasyon o
likhang-isip. Dito ay malaya mong napaglalakbay ang iyong
imahinasyon upang mabuo ang nais mong mangyari sa iyong
kuwento.
3. Ibatay ang iyong pagsasalaysay sa iyong nakita o nasaksihan. Sa
pamamagitan nito ay malinaw mong nailalahad ang iyong nakita o
nasaksihang pangyayari.
4. Ang pagsasalaysay ay maaring ibatay sa iyong nabasa, ngunit ito ay
maaaring maging mahaba kung ang binasa mong kuwento ay mahaba.
5. Batay sa iyong narinig o napakinggang pangyayari. Maaaring bumuo
ng pagsasalaysay batay sa iyong narinig o napakinggang pangyayari,
kinakailangang matalas ang iyong pandinig upang maging angkop ang
iyong isasalaysay.

36
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

37
Sa pagsusulat ng pagsasalaysay, isaalang-alang din ang iyong
tauhan, tagpuan, panahon, suliranin at ang banghay o ang mga bahaging
simula, pataas na pangyayari, kasukdulan, pababang pangyayari at wakas
nito.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nakasusulat ng isang pagsasalaysay. (F5PU-IIb-f-2.1)
Panuto: Upang lalong malinang ang iyong kakayahan, ang mga gawain sa
ibaba ay sadyang inihanda para sa iyo. Sagutin ito nang maayos.
Gawain 1
Panuto: Basahin, suriin, at unawain ang mga naihandang gawain na
magtuturo o gagabay sa iyo kung paano ang pagsulat ng isang pagsasalaysay.
Ang Aming Ina
Ni: Enswida C. Argonza

Malaki ang aming pamilya, Siyam kaming magkakapatid.


Simple at tahimik ang aming pamumuhay nang walang ano-ano ay
dumating ang isang dagok na sumubok sa aming katatagan lalo na sa aming
Nana Ines. Nagkasakit ang aming Tata Miguel at namatay. Isang malaking
kawalan ito sa aming pamilya lalo na sa aming ina pagkat kami ay maliliit pa
na kanilang mga anak.
Palibhasa ang aming ina ay isang matatag na babae, masipag at
marunong sa buhay hindi niya kami pinaampon.
Ipinagpatuloy niya ang pagsasaka sa aming bukid at tumanggap pa
siya ng iba pang pagkakakitaan tulad ng paglalabandera, pagluluto ng
kakanin, pananahi ng basahan at pangongontrata ng mga lilinisin na mga
kabukiran ng ibang tao.
Malaki ang naitulong sa aming ina ng kanyang pagiging matatag at
mapamaraan. At dahil narin sa basbas ng Panginoon nagpatuloy ang daloy
ng grasya. Umunlad ang aming pamilya. Siya ay naglaan ng kinakailangang
gabay namin, at naitawid niya ang pag-aaral naming siyam na magkakapatid.
Ang bawat isa sa amin ay nakapagtapos na sa aming kanya-kanyang kurso.
Kita sa mga ngiti ng aming ina ang kaligayahan dahil nakapagtapos
kaming mga anak niya. Ngayon kontento na siyang namumuhay sa kanyang
tahanan na napaliligiran ng kanyang mga inaalagaang orkidyas at rosas.
Isa pang simbolo ng kanyang kagalakan ay ang aming mga larawan
nang kami ay nagsipagtapos sa pag-aaral. Masinop itong nakahanay sa
dingding ng kanyang sala.
Siya ang aming inang nagdanas ng maraming hirap na di sumuko.
Inang puspos ng pangangalaga sa aming mga anak niya.
Gaano man ito ka istrikta, tunay nga na di ko kayang ipagpalit sa iba
ang aming Nana Ines.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

38
Naunawaan mo ba ang kuwentong iyong binasa? Ngayon naman
ay subukin natin ang talas ng inyong memorya at lawak ng iyong pang-
unawa. Sagutin ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.
Sagutin:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
a. Nana Ines
b. ako
c. mag-anak
2. Saan naganap ang kuwento?
a. sa dalampasigan
b. sa tahanan
c. sa paaralan
3. Ano ang naging malaking dagok na naganap sa buhay ng mag-
anak?
a. Nawalan ng trabaho si Nana Ines
b. Nakapagtapos ang mga anak.
c. Nagkasakit at namatay si Tata Miguel
4. Ano ang damdaming pumapaimbabaw sa may-akda habang
isinusulat ito?
a. Masayang isinusulat ang kuwento
b. Puno ng galit sa mundo.
c. Isinulat na maypagmamahal at paghanga.
5. Papaano naitawid ni Nana Ines ang pag-aaral ng kanyang mga
anak?
a. Si Nana Ines ay nag-abroad.
b. Si Nana Ines ay nagsaka at naglabandera.
c. Si Nana Ines ay pumasok na katulong.
6. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Nana Ines, hindi mo rin ba
ipaampon sa mayayamang kamag-anak ang iyong mga anak?
Bakit?

7. Anong katangian ang hinahangaan mo sa kanya? Bakit?

Gawain 2
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari upang mabuo ang kuwento.
Isulat ang bilang 1-5 sa patlang
a. Nag-aalaga ng orkidya at rosas si Nana Ines.
b. Nakapagtapos sa kolehiyo ang mga anak.
c. Nagbenta ng kakanin at naglabandera.
d. Namatay Si Tata Miguel.
e. Nagkasakit si Tata Miguel

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

39
Gawain 3
Panuto: Basahin ang talambuhay ni Marcelo H. Del Pilar at gawan ng
balangkas
Si Marcelo H. Del Pilar ay isa sa mga dakilang bayani ng bansa.
Isinilang siya sa Cupang, San Nicolas, Bulacan noong Agosto 30, 1850. Noong
1869, natigil ang kanyang pag-aaral dahil sa nagkagalit sila ng kura sa
simbahan ng San Miguel, Maynila. Ngunit nagpatuloy siya ng pag-aaral at
nagtapos bilang abogado noong 1880.
Itinatag niya ang pahayagang “Diyaryong Tagalog” noong 1882. Dito
ay inilathala niya ang mga puna sa hindi mabuting gawain at pamamalakad
ng pamahalaan. Bunga nito pinaratangan siya ng mga Espanyol ng ibat ibang
kasalanan. Bilang paghihiganti ng mga prayle at upang maiwasan niya ang
binabalak na pagpapatapon sa kanya, napilitan siyang maglakbay sa espanya
noong 1888. Noong una’y maginhawa ang buhay niya sa Espanya ngunit
nang lumaon ay naghirap, nagutom at nagkasakit.
Binawian siya ng buhay noong ika-4 ng Hulyo 1896 sa Espanya.
Panuto: Punan ang timeline upang makabuo ng isang balangkas.
1850 1869 1880 1882 1888 1896

Gawain 4
Gawain 4
Panuto: Masdan ang mga larawan at bumuo ng maikling kuwento o
pagsasalaysay ukol dito. (Larawan ng isang mamamayan na nakikiisa sa
pagsuporta sa mga frontliners ngayon sa panahon ng Covid 19)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

39
Gawain 5
Panuto: Bilang isang mag-aaral sa ikalimang baitang na nakasama na sa
mga gawaing pangkapaligiran tulad coastal clean-up o clean and green
program. Ibahagi ang iyong karanasan at sumulat ng isang talata tungkol
dito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na katanungan.

1. Anong gawaing pangkapaligiran ang nilahukan mo?


2. Ano ang layunin ng gawaing iyon.
3. Saan at kailan iyon ginanap?
4. Ano-ano ang mga ginawa ninyo?
5. Ano ang naramdaman mo habang ginagawa ito?
6. Ano ang mahalagang aral ang natutuhan mo sa gawaing iyon?
7. Lalahok ka pa ba uli sa mga gawaing tulad niyon? Bakit?

Rubrik sa Pagsusuri ng isang Pagsasalaysay


Krayterya Napakahus Mahusay Katamtam Papaunlad Nangangai
ay 10 8 an 3 langan ng
6 gabay
2
Paglalahad Napakahus Mahusay na Inilahad May Nangangail
ng paksa ay na inilahad ang ang paksa papaunlad angang
inilahad ang paksa sa na paunlarin
paksa sa sa katamtama kasanayan ang
pamamagita pamamagita ng sa pagsulat kasanayan
n ng n at may pamamaraa ayon sa sa
pagiging pagkamalik n ng paglalahad pagsulat.
malikhaing hain sa pagsulat ng paksa
ng pagsulat pagsulat nang may
nito. nito. pagtatangk
a sa
pagiging
malikhain.
Nilalaman Naisulat Naisulat Naisulat Naisulat Hindi
ang ang ang ang naisulat
katawan katawan katawan katawan ang
ayon sa mga ayon sa ayon sa ayon sa katawan
suportang dalawang isang ideya magkaibang ayon sa
ideya na ideya na na ideya na paksang
tumutugon tumutugon tumutugon tumutugon dapat
sa kabuuan sa kabuuan sa bahagi sa kabuuan talakayin
ng kuwento ng kuwento ng kuwento ng kuwento
batay batay sa batay sa batay sa
sa isyung isyung isyung
isyung tinatalakay. tinatalakay. tinatalakay.
tinatalakay.
Transisyon Nakapaglah Nakapaglah Katamtama Papaunlad Nangangail
ng talata ad ng ad ng ng ang angan ng
katangi- transisyong nakapaglah pagkakalah gabay sa
tanging talata ayon ad ng ad ng pagsulat
transisyong sa tunguhin transisyong ng

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

40
talata ayon ng buong talata ayon transisyong transisyon
sa tunguhin sanaysay sa talata. g talata.
ng buong tunguhin
sanaysay. ng buong
sanaysay.
Konklusyo Naisuma Naisuma Katamtama Papaunlad Hindi
n ang ang ng naisuma ang naisuma
sanaysay sanaysay ang pagkakasu ang buong
ayon sa ayon sa sanaysay ma ng sanaysay
pangkabuu tiyak na ayon sa buong
ang kaisipan/ kaisipan/ sanaysay
kaisipan/ mensahe ng mensaheng
mensahe ng istorya. istorya.
istorya.

Repleksiyon
Ano nga ba ang pagsasalaysay?

Pagkatapos magawa ang gawain, ano ang iyong mga natutunan?


Paano nga ba nabubuo ang isang pagsasalaysay?

Mga Sanggunian:
Mula Aklat
Lorna B. Castillo & Jennifer F. Dichoso (2017),Yamang Filipino 6.Sta.Mesa
Heights, Quezon City.

Susi sa pagwawasto
Gawain 1
1. a
2. b
3. c
4. c
5. b
6.
7.
Gawain 2
5 a.
4 b.
3 c.
2 d.
1 e.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

41
Gawain 3
1850 1869 1880 1882 1888 1893

Isinilang Natigil Nagtapos Itinatag Naglakbay Binawian


siya sa siya sa bilang ang sa ng buhay
Cupang, kanyang manananggol Diaryong Espanya. sa
San pag- Tagalog Espanya.
Nicolas aaral.
Bulacan.

Gawain 4 at 5 – Ito ay nakabatay sa sariling ekspresyon , kaalaman at


pahayag ng mga mag-aaral.

JENNIFER L. VALONES
ENSWIDA H.
HORNEDO
Mga May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

42
FILIPINO 5
Pangalan: Lebel:

Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pagsulat ng Maikling Tula

Panimula (Susing Konsepto)

Ang tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang


paggamit ng wika sa iba’t ibang estilo pagpapahayag ng magagandang
kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod. Ito ay nagtataglay
ng mga sangkap na ikinaiiba nito sa ibang anyo ng akdang pampanitikan. Sa
inyong pagbabasa ng tula, mahalagang mabatid ang mga sangkap na ito.
Hindi lamang upang mabigyan ng lubusang pag-unawa ang tula kundi upang
higit na mapahalagahan mo. Ang tatlong mahahalagang sangkap nito ay ang
tugma, tono at indayog.
Ang tugma ay ang pagkakaroon ng magkasing tunog na salita sa dulo
ng taludtod. Ang tono naman ay ang damdamin na nais palitawin ng makata
sa kanyang tula. At ang indayog ay ang ritmo o ang masasabing katulad ng
melodiya sa awitin.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nakasusulat ng maikling tula (F5PU-Ie-2.2)

Panuto: Upang lalong malinang ang iyong kakayahan, ang mga gawain sa
ibaba ay sadyang inihanda para sa iyo. Sagutin ito nang maayos.
Gawain 1
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga inihandang gawain sa
pagpapayaman sa inyong kaalaman sa tula. Sagutin ito ng may
katapatan.Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.
Pangunahing Pangangailangan
Akda ni Rejulius Masaganda Villenes
Kailangan natin ang pagkain
Pampalakas na gabi at kanin
Pampalaki ang karne at gatas
Pampalusog ang gulay at prutas.

Kasuotan din ang kailangan


Panlalaki at pambabae man
Sweater, dyaket para sa tag-ulan
Sando at short kung tag-init naman.
Kailangan natin ang tirahan
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

43
Semento o yari sa kawayan
Proteksyon sa init at sa ulan
Ng pamilya na nagmamahalan

Naunawaan mo ba ang ideyang nakapaloob sa tulang binasa? Subukin


natin ang iyong kakayahan. Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano–ano ang mga pagkaing pampalakas, pamapalaki at pampalusog


ng ating katawan?

2. Ano ang kailangan natin na pamproteksyon sa init at ulan?

3. Bakit masasabing isang kayamanan ng pamilya ang malusog na


katawan?

Gawain 2
Panuto: Makatutulong ang pag-unawa sa binabasa kung natatandaan mo
ang mga detalye ng teksto. Ito ang mga salitang nagbibigay-kahulugan sa
pangungusap, saknong, o talataan. Tingnan natin kung pagkatapos mong
basahin ang tula ay may natatandaan ka.
A. Punan ang nawawalang salita ang patlang upang mabuo ang saknong.
Nasa kahon ang mga pagpipiliang salita.
Kailangan natin ang 1.
Pampalakas na gabi at 2.
Pampalaki ang karne at 3.
Pampalusog ang gulay at 4.
Kasuotan din ang 5.
Panlalaki at pambabae 6.
Sweater, dyaket para sa 7.
Sando at short kung tag-init 8.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

44
Napansin mo ba ang mga pagpipiliang salita sa kahon? Iyan ang
mga huling salita sa bawat taludturan. Magkakasintunog hindi ba?
Magkakatugma ang tawag diyan. Tingnan natin kung matutukoy mo ang
magkakatugmang salita.

B. Bilugan ang mga salitang magkatugma sa bawat bilang.

1. kawayan, langgam, bayan


2. gatas, patatas, itlog
3. tulya, matanda, silya
4. maganda, matanda, mayumi
5. matalas, pantas, matatas
6. mahinhin, masayahin, matalino
7. karne, kawan, katawan
8. sili, kabute, pili
9. bata, matanda, pata
10. sako, baso, barako

Marami ka bang natutunan sa nakaraang gawain? Kulayan ang lebel ng wifi


batay sa inyong kaalaman.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

45
Gawain 3
Panuto: Palawakin pa natin at payabungin ang iyong kaalaman. Basahin at
unawain ang inihandang tula.
Ang Aking Guro
Ni: Rosilin Deferia Biñas

May hinahangaan ako sa aking mga guro,


Kinalulugdan ko’y ganda niya’t talino,
Kapag siya na ang nagtuturo,
Ina ko ang sa isipa’y naglalaro.

Kapag mag aaral ay nagsisipag-away,


Ililibot niya mga matang mapupungay,
At sa tinig na malambing at malumanay,
Lahat ay tumatahimik sa kanyang pagsaway

Ang guro ko’y lubhang maunawain


Kaya kinahulugan ng aking damdamin
At tuloy sa ina ko’y naihahambing
Na walang sawang nagmamahal sa akin.

Kapag ang mga magulang ay tapat sa tungkulin


Tulad din ng gurong may dakilang adhikain,
Sinong mag aaral ang makakaatim,
Lumiko pa sa maling landasin?

Ang mag aaral sa guro’y may tiwala,


Lalo’t ang guro’y totoong matiyaga,
Gurong matalino, masipag at masigla,
Sa kabataang tulad ko’y isang halimbawa.

Ikaw ang gurong pumapatnubay,


Upang marating ang tagumpay’
Sa buhay ko’y pangaral mo’y gabay,
Sa tuwid na landas sa aki’y aakay.

A. Itala sa bawat kahon sa ibaba ang mga salitang magkasingtunog sa


hulihan ng bawat taludtod.
Unang saknong

Ikalawang saknong

Ikatlong saknong

Ikaapat na saknong

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

46
B. Ibigay ang kasing kahulugan ng mga sumusunod na mga salita.
Pagkatapos ay gamitin ang bawat isa sa pangungusap.

1. Kinalulugdan =

2. Malumanay =

3. Matiyaga =

4. Tuwid =

C. Unawain at sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang nais ipahayag ng naglalahad sa kanyang tula?

2. Saan inihahalintulad ng naglalahad ang kanyang guro?

3. Ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng guro at ng ina.

4. Sa iyong palagay, ano ang maaring epekto sa mag aaral kung nagiging
idolo nila ang kanilang guro?

Gawain 4
Panuto: Bukod sa isang ina, kanino pa maaring ihambing ang isang guro?

Saknong ng Tugma
Tula
Una
Ikalawa
Ikatlo
Ikaapat
Ikalima
Ikaanim

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

47
Gawain 5

Panuto: Ngayon, subukin na natin ang iyong mga natutunan. Sumulat ng


maikling tula batay sa rubriks na ibinigay. Ang tula ay binubuo ng dalawang
saknong na may tig-aapat na taludtod sa bawat saknong.

Rubriks sa Pagsulat ng Tula


(Malayang taludturan)

15 10 5
Pagkakabuo Angkop at wasto May iilang salitang Walang
ang mga salitang ginamit na hindi kaugnayan at
ginamit sa pagbuo. angkop at wasto. hindi wasto ang
mga salitang
ginamit.
Nilalaman Mabisang Hindi gaano Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag ng nang mabisa ang
mensahe ng tula. mabisa ang nilalaman ng
mensahe ng tula. tula.

Repleksiyon
Nag-enjoy ka ba sa ginawang gawain? Naging madali ba ito para sa
inyo? Bilugan ang angkop na emoticons nagpapahayag ng inyong damdamin.

Matapos kong sagutan ang mga gawain , natutunan ko na

Mga Sanggunian

Mula sa Aklat
Perez, Flory B. et al (2000). Bituin Interaktibong aklat sa Filipino para sa
Elementarya. Lungzod ng Quezon.

Lalunio, Lydia P..,Ph.D., Ril, Francisca G. at Villafuerte, Patrocino V. ( 2007).


Hiyas sa Pagbasa 5.Lungzod ng Quezon: LG &M Corporation

Agarrado, Patricia Jo C. et al. Alab Filipino , Batayang Aklat sa Filipino Grade


5. Lungzod ng Quezon.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

48
Susi sa pagwasto:

Gawain 1
1. gabi at kanin / karne at gatas / gulay at prutas
2. sweeter at dyaket / sando at short
3. sariling kasagutan/opinion ng mag-aaral

Gawain 2
A. B.
1. pagkain 1. kawayan-bayan 9. bata-pata
2. kanin 2. gatas-patatas 10. sako-barako
3. gatas 3. tulya-silya
4. prutas 4. maganda-matanda
5. kailangan 5. matalas – pantas
6. man 6. mahinhin – masayahin
7. tag-ulan 7. katawan-kawan
8. nama 8. sili-pili

Gawain 3

A.
Unang saknong –ako, ko, mundo, tao
Ikalawang taludtod – papahalagahan, hiram, ilalaan, iparamdam
Ikatlong taludtod – ako, ko, Pilipino, ko
Ikaapat na taludtod – mamamatay, aaray, magpupugay, buhay

B.
1. Kinalulugdan – tinatangi
2. Malumanay – mahinahon
3. Matiyaga- masigasig
4. Uwid – deretso

A.
1. Ang kanyang paghanga sa kanyang guro.
2. Inihahalintulad sa isang ina.
3. Ina Pagkakatulad Guro
Tapat sa tungkulin maunawain May dakilang
adhikain
Maganda matiyaga
Matalino
maunawain
mapagmahal
5. Magkakaiba ang sagot ayon sa palagay ng bata.
6. Ilaw, aklat

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

49
Gawain 4
Saknong ng Tugma
Tula
Una Guro, talino, naguturo, naglalaro
Ikalawa Nag aaway, mapupungay, malumanay, pagsawa
Ikatlo Maunawain, damdamin, naihahambing, akin
Ikaapat Tngkulin, adhikain, makakaatim, landasin
Ikalima Tiwala, mattiyaga, masigla, halimbawa
Ikaanim Pumapatnubay, tagumpay, gabay, aakay

Gawain 5
Iba-iba ang mabubuong tula ng mag-aaral at ang pamantayan ng grado ay
nakabatay sa rubriks.

JENNIFER L. VALONES
JEANETTE G. MIRABUENO
Mga May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

50
FILIPINO 5
Pangalan: Lebel:
Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pagsulat ng Talambuhay

Panimula (Susing Konsepto)

Ang talambuhay ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng


kasaysayan ng buhay ng isang tao. Bagaman maaring iugnay ang nilalaman
nito sa mga pangyayaring humubog sa kasaysayan ng mga lahi o lipunan,
nahahangganan ang sakop nito ng kapanganakan at kamatayan ng paksa
nito. Ito ay dahil ang pangunahing tuon ng talambuhay ay ang paksa nitong
tao, na siyang higit na binibigyang-pansin kaysa iba pang mga bagay.

Mahahalagang tala o impormasyon sa isang talambuhay:

 Petsa at pook ng kapanganakan


 Pamilya, magulang, kapatid
 Paaralang pinapasukan, kursong pinag-aralan
 Mahalagang karanasan
 Mahalagang nagampanan

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng talambuhay:

 Gumamit ng pangungusap na maikli, wasto at angkop sa lebel ng


babasa.
 Iwasan ang maligoy na pananalita
 Isulat ng maayos na may wastong palugit at indensyon.
 Kung ang isusulat ay pansariling talambuhay gumamit ng panghalip
sa unang panauhan. Kung talambuhay ng ibang tao, gumamit ng
pananaw at panghalip sa ikatlong panauhan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nakasusulat ng talambuhay (F5PU-IIc-2.5)
Panuto: Upang lalong malinang ang iyong kakayahan, ang mga gawain sa
ibaba ay sadyang inihanda para sa iyo. Sagutin ito nang maayos.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

51
Gawain 1
Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng talambuhay na sinulat ng ibang
tao.
Talambuhay ni Francisco Balagtas
Isinilang si Francisco Balagtas sa Panginay, Bigaa (ngayo’y Balagtas),
Bulacan noong Abril 12, 1788. Ang mga magulang niya ay sina Juan Balagtas
at Juana de la Cruz. Kilala rin siya sa pangalang Francisco Baltazar o Kikong
Balagtas. Ang kanyang asawa ay si Juana Tiambeng taga Orion, Bataan at
nagkaroon ng pitong anak.
Bata pa si Kikong Balagtas ay mahilig na talaga siya sa kalikasan tulad
ng pagmamasid sa mga luntiang kapaligiran, pakikinig sa mga pagaspas ng
mga dahon at awit ng mga ibon. Mahilig din siyang magkumpara ng mga
bituin sa mga alitaptap at apoy na nagmumula sa pagpapanday ng kanyang
ama, at ang tunog ng sapatos ng mga kabayo na para sa kanya ay inihambing
niya sa musika.
Sa murang edad, hindi kaila kay Kiko ang mga pagmamalupit ng mga
Espanyol sa mga kababayan niyang Pilipino. Hindi siya mapakali sa
nararamdaman na may hindi magandang nangyayari sa kanyang bayan
ngunit di niya ito lubos na maunawaan. Hanggang sa nasubukan niyang
umibig sa pamamagitan ni Celia. Ngunit ang pag-iibigang ito ang nagbigay ng
gulo sa kanyang buhay. Siya ay ipinakulong ng walang kasalanan at
katarungan ng kanyang karibal na Espanyol na isang cacique o may mataas
na katungkulan sa bayan noong panahon ng kastila. Doon niya naunawaan
ang mga nangyayari at nararamdaman ng kanyang mga kababayan. At dahil
dito, isinulat niya ang kanyang tula na “Florante at Laura”. Ito ang kanyang
obra maestro, na nagbubulgar sa mga pang-aabuso at pagmamalupit ng mga
Espanyol sa mga Pilipino. Ang tulang ito ay naglalarawan kung ano ang
tunay na nangyayari sa kanyang bayan, at mga aral sa pang-araw-araw na
buhay, sa katarungan, sa pagmamahal, paggalang sa mga nakakatanda, sa
sipag at tiyaga, sa disiplina at sa kabayanihan. At dahil sa tanyag na tula,
pinangalanan siyang “Hari ng Makatang Pilipino.” Si Francisco Balagtas ay
namatay noong Pebrero 20, 1862.
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng
tamang sagot.

1. Kailan isinilang si Francisco Baltazar?


a. April 10, 1788
b. April 10, 1789
c. April 10, 1878
d. April 10, 1879
2. Sino ang napangasawa ni Francisco Baltazar?
a. Juana Hermosa
b. Juana Perez
c. Juana Tiambeng
d. Juana Concepcion

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

52
3. Ano ang pamagat ng Obra Maestro na sinulat ni Francisco
na naglalaman ng mga pang-aabuso ng mga Espanyol laban
sa mga Pilipino?
a. Ibong Adarna
b. Noli Me Tangere
c. Mi Ultino Adios
d. Florante at Laura

4. Bakit nakulong si Francisco Baltazar?


a. Ipinakulong ng walang kasalanan at katarungan ng kanyang
karibal na Espanyol at may mataas na katungkulan sa
bayan
b. Nagnakaw siya ng mga mamahaling alahas sa mayamang
Espanyol
c. Nakarating sa mga Espanyol ang pagsulat niya ng kanyang
Obra Maestra
d. Naparatangan siyang nanakit ng mga kawal na Espanyol

5. Bakit itinuturing na “Hari ng mga Makata” si Francisco


Baltazar?
a. Naging sikat siyang mandudula sa mga tanghalan
b. Dahil sa katanyagan at magandang hangarin ng kanyang
Obra Maestra
c. Naging tulisan siya laban sa mga Espanyol
d. Dahil sa pagkakaroon niya ng maraming Obra Maestra
Gawain 2
Panuto: Ang katangian ng bawat tauhan sa kuwento ay makikilala sa
pamamagitan ng anyo, kilos, at ugali. Makikilala ang mga katangian ng
tauhan sa tulong ng mga salitang naglalarawan.
A. Piliin at bilugan sa pangkat ng mga salitang naglalarawan ang mga
katangian ni Francisco Baltazar.

mapagmahal matalino malakas ang loob malambing


mapusok masipag mapagmasid
makabayan
malikhain may disiplina mambabatas
mayaman

B. Ilarawan si Francisco Baltazar sa sariling pangungusap gamit ang mga


napiling salita sa tsart.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

53
Gawain 3

A. Panuto: Ikaw ay bubuo ng maikling talambuhay, buuin ang dayagram sa


ibaba upang maibigay ang mga pangunahing detalye na kakailanganin
mo. Isulat sa mga kahon ang mga gawaing naisagawa mo na bilang isang
bata na mabuti o kapaki-pakinabang at maituturing na katangian ng
isang munting bayani.

Mga Katangian ng Isang Bayani

Maka-Diyos Makatao

Makabayan Makakalikasan

B. Panuto: Batay sa isinulat sa kahon, sumulat ng isang kathang binubuo


ng apat na talata na naglalarawan ng mga katangian ng isang batang
maituturing na munting bayani. Lagyan ng pamagat ang iyong isinulat.
Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot.

Rubric sa Pagsulat ng isang Talambuhay


Krayterya Napakahusay Mahusay Katamtaman Papaunlad Nangangail
10 8 6 3 angan ng
gabay 2
Introduksiy Nakapanghihika nakalahad sa nakalahad sa Hindi malinaw Hindi
on yat ang introduksiyon introduksiyo ang nakita sa
introduksiyon. ang n ang introduksiyon ginawang
Malinaw na pangunahing pangunahing at ang sanaysay
nakalahad ang paksa gayundin paksa subalit pangunahing
pangunahing ang panlahat na hindi sapat paksa. Hindi
paksa gayundin ang rin nakalahad

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

54
ang panlahat na pagtanaw ukol pagpapaliwa ang panlahat
pagtanaw ukol dito. nag ukol na
dito. dito. pagpapaliwana
g ukol dito.

Diskusyon Makabuluhan Bawat talata ay May Hindi Hindi


ang bawat talata may sapat na kakulangan nadebelop ang nakita sa
dahil sa husay detalye sa detalye mga ginawang
na pangunahing sanaysay
pagpapaliwanag ideya
at pagtalakay
tungkol sa
paksa.
Organisasy Lohikal at Naipakita ang Lohikal ang Walang Hindi
on ng mga mahusay ang debelopment ng pagkakaayos patunay na nakita sa
ideya pagkakasunud- mga talata ng mga talata organisado ang ginawang
sunod ng mga subalit hindi subalit ang pagkakalahad sanaysay
ideya. Gumamit makinis ang mga ideya ay ng sanaysay.
din ng mga pagkakalahad. hindi ganap
transisyunal na na
pantulong tungo nadebelop.
sa kalinawan ng
mga ideya.
Konklusyon Nakapanghaha Naipakikita ang Hindi ganap Maykakulanga Hindi
mon ang pangkalahatang na naipakita n at walang nakita sa
konklusyon at palagay o pasya ang pokus ang ginawang
naipapakita ang tungkol sa pangkalahata konklusyon. sanaysay
pangkalahatang paksa batay sa ng palagay o
palagay o paksa mga katibayan pasya
batay sa at mga tungkol sa
katibayan at katwirang inisa- paksa batay
mga katwirang isa sa bahaging sa mga
inisa-isa sa gitna. katibayan at
bahaging gitna. mga
katwirang
inisa-isa sa
bahaging
gitna.
Mekaniks Walang Halos walang Maraming Napakarami at Hindi
pagkakamali sda pagkakamali sa pagkakamali nakagugulo nakita sa
mga bantas, mga bantas, sa mga ang mga ginawang
kapitalisasyon kapitalisasyon bantas, pagkakamali sanaysay
at pagbabaybay at pagbabaybay kapitalisasyo sa mga bantas,
n at kapitalisasyon
pagbabaybay at
pagbabaybay.
Gamit Walang Halos walang Maraming Napakarami at Hindi
pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali nakagugulo nakita sa
estruktura ng estruktura ng sa estruktura ang ginawang
mga mga ng mga pagkakamali sanaysay
pangungusap at pangungusap at pangungusap sa estruktura
gamit ng mga gamit ng mga at gamit ng ng mga
salita salita mga salita pangungusap
at gamit ng
mga salita

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

55
Repleksiyon

Matapos kong sagutan ang mga gawain, natutunan ko na

Mga Sanggunian
Mula Aklat
Agarrado, Patricia Jo C. et al. Alab Filipino, Batayang Aklat sa
Filipino Grade 5. Lungzod ng Quezon.

Mula Internet
Medina, Lorelyn. (n.d.) Illustration of a Filipipino Kid Holding the
Philippine Flag retrieved from https//www.123rf.com
Susi sa Pagwasto

Gawain 1
1. a
2. c
3. d
4. a
5. b
Gawain 2
1. mapagmahal
2. matalino
3. malakas ang loob
4. makabayan
5. mapagmasid
6. may disiplina
7. malikhain
Gawain 3
Nakabatay sa rubriks ang pamantayan sa nabuong talambuhay ng
mag-aaral

JENNIFER L. VALONES
JEANETTE G. MIRABUENO
Mga May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

56
FILIPINO 5
Pangalan: Lebel:

Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Opinyon o Reaksiyon

Panimula (Susing Konsepto)


Ang pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon sa isang
napakinggang isyu o balita ay napakahalaga. At sa araling ito ating
matututunan kung paaano magbigay o magpahayag ng sariling opinyon.
Ang reaksyon ay ang damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon,
pagsalungat, pagkatuwa, pagkalungkot o pagkadismaya matapos makita,
malaman, marinig o mapanood ang isang bagay na may halaga sa isang
organismo kagaya ng tao.
Halimbawa ng mga sitwasyon at posibleng reaksyon:
1. nanalo sa lotto - tuwa at galak
2. namatayan - pagkalungkot
3. natalo sa sugal - pagkadismaya,panghihinayang, pagsisisi
4. promosyon sa trabaho - tiwala sa sarili, kumpyansa
5. sinigawan - pagkabigla
Ang opinyon ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring
totoo pero puwedeng pasubalian ng iba. Ito rin ay isang tao o pangkat na
maaaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba. Ito rin ay isang
paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong
kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento. Maaaring gamitan ito
ng mga sumusunod na salita; sa aking palagay, sa tingin ko, sa pakiwari,
kung ako ang tatanungin, para sa akin at iba pa.
Halimbawa:
1. Sa aking palagay, mahalaga sa isang pamilya ang regular o
araw-araw na pagdarasal.
2. Kung ako ang tatanungin, dapat tayong sumunod sa
alituntunin ng paaralan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksiyon ayon sa isang napakinggang
balita, isyu o usapan. (F5ps-Ia-j-1)
Panuto: Upang lalong malinang ang iyong kakayahan, ang mga gawain sa
ibaba ay sadyang inihanda para sa iyo. Sagutin ito nang maayos.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

57
Gawain 1
Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang naihandang mga gawain na
nagpapayaman sa pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksiyon.

Paano Mapananatili ang Mental Health sa Gitna ng Stress Dulot ng


COVID-19?
ni Jamil Santos/LBG, GMA News
(GMA News TV)

Ngayong nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong


Luzon, hamon sa atin na panatilihing malusog ang ating isipan lalo pa't mas
lumalala ang banta ng COVID-19 at dumarami ang mga tao na nagkakaroon
nito.
Paano nga ba natin mapangangalagaan ang ating mental health?
Sa "Sumbungan ng Bayan" ipinaliwanag ni Prof. Nephtaly Botor ng
Department of Human and Family Development Studies ng UPLB College of
Human Ecology na normal lang na makaramdam ng lungkot, pagkabalisa,
pangamba, pagkalito, takot o galit ngayong nahaharap ang bansa sa krisis.
Ipinayo niyang makipag-usap sa mga taong pinagkakatiwalaan tulad
ng pamilya at panatilihin ang koneksiyon sa kanila sa pamamagitan ng
tawag, text, e-mail o social media.
Kung patuloy na nababahala, makipag-usap sa mental health professionals
o propesyunal na grupo o ahensiya na naghahatid ng online support o lider
ng komunidad.
Maging updated sa mga balita tungkol sa COVID-19 pero mangalap
lamang ng mga impormasyong makatutulong sa krisis at tiyakin ang
kredibilidad ng mga impormasyon. Iwasan ding manood ng mga coverage na
lubhang nakababalisa. Gamitin din ang oras sa tahanan para sa mga hobby
na hindi nagagawa at siguruhing hindi lang online activities ang ginagawa.

Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa binasa. Para sa bilang 1-3,
bilugan ang titik ng pinakawastong sagot at para sa bilang 4-5, ibabatay sa
rubriks ang iyong puntos.

1. Tungkol saan ang balita/artikulong binasa?


a. Pagsisimula ng COVID 19 sa Pilipinas
b. Patungkol sa Mental Health
c. Pagsugpo sa COVID -19

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

58
2. Sa binasang balita, may payo ito sa tamang paraan upang alagaan ang
ating Mental Health.
Alin sa sumusunod ang hindi nabanggit na payo mula sa balita?
a. Pakikipag-usap sa ibang tao patungkol sa iyong nadarama
patungkol sa COVID 19.
b. Pagkakaroon ng panibagong libangan sa tahanan.
c. Panonood ng balitang nakababalisa.

3. Ano-ano kaya ang suliranin ng isang taong may Mental Health problem?
a. Walang gana at laging takot
b. Nawawalan ng pag-asa
c. a at b

4. Bilang isang mag-aaral, paano mo aalagaan ang iyong Mental Health sa


gitna ng
COVID-19 pandemic? Magtala ng mga paraan.

5. Ano-ano pa ang nais mong maidagdag sa mga payo na nasa balita?


Magtala ng mga payo.

Rubrik sa pagbibigay ng puntos para sa bilang 4 at 5.

3 Puntos 2 Puntos 1 Puntos


3 at mahigit pang
Dalawang paraan/ Isang paraan/ payo
paraan/payo ang
payo ang naitala. lamang ang naitala.
naitala.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

59
Gawain 2
Panuto: Pagtapatin ang Hanay A at Hanay B.

Ang HANAY A ay tumutukoy sa mga payo na dapat sundin upang tayo


ay maprotektahan sa Corona virus. Hanapin sa HANAY B kung bakit ito
kinakailangang gawin.
Hanay B
Hanay A
1. Kapag kontaminado na ang kamay,
a. Hugasan nang madalas ang naililipat ang virus sa mata, ilong at
iyong mga kamay. bibig at maaaring pumasok sa
katawan at magdulot ng sakit.

b. Iwasan ang paghawak sa 2. Naiiwasan ang pagkalat ng mga


iyong mata, ilong at bibig. virus at mikrobyo sa iba. Ang
paggamit ng loob ng siko o tisyu at
hindi ng iyong kamay sa pag-ubo o
pagbahing, naiiwasan ang paglipat
c. Takpan ang iyong bibig kapag ng kontaminadong droplet sa
umuubo at bumabahing. iyong kamay. Dahil dito,
napipigilan ang paglipat ng virus sa
tao o bagay.
d. Iwasan ang matatao na lugar
3. Ang pananatili sa loob ng bahay at
at malapit na
hindi pagpunta sa trabaho o iba
pakikisalamuha sa taong pang lugar ay nakapagpapagaling
may lagnat o ubo. nang mas mabilis at maiiwasan ang
pagkalat ng sakit sa ibang tao.

e. Kung ikaw ay may lagnat, 4. Namamatay ang mga virus na


maaaring nasa iyong
ubo at hirap sa pag-hinga,
kontaminadong kamay kasama na
magpakonsulta agad, ngunit ang bagong corona virus, sa
tawagan mo muna ang health pamamagitan ng paghuhugas ng
authorities. kamay gamit ang sabon at tubig o
paggamit ng hand sanitizer na may
alkohol.

5. Ang virus ay kumakalat sa


pamamagitan ng droplet na
lumabas mula sa bibig o ilong
kapag umubo o bumahing ang
isang tao. Sa pag-iwas sa mga
matataong lugar, nilalayo mo ang
iyong sarili (nang hindi bababa sa
1 metro) mula sa mga taong
maaaring may COVID-19 o
sinumang may iba pang
nakahahawang sakit.

60
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

61
Nasiyahan ka ba sa gawain? Naging madali ba ito para sa iyo?
Bilugan ang angkop na emoticons na nagpapahayag ng iyong damdamin.

Gawain 3
Panuto: Nais kong malaman kung ano-ano ang nagawa o gagawin mo pa
lamang na paraan upang labanan ang Covid-19. Ihayag mo ang iyong
opinyon sa tulong ng graphic organizer na nasa ibaba. Isulat ang iyong tugon
sa mga bilog.

sarili
________________
________________
________________
_____________

pamilya eskwelahan
_______________
LABANAN
ANG ________________
_______________ ________________
_______________ COVID 19
________________
_____________ ______________

kapwa tao
________________
________________
________________
________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

62
Rubri sa Pagsulat ng Opinyon

Kraytirya 5 4 3 2 1
Nilalaman
Pagsunod sa uri ng anyong hinihingi
Balarila
Wastong gamit ng wika
(Paglimita sa paggamit ng mga salitang hiram)
Hikayat
Pagsunod sa tiyak na panutong ibinigay ng guro
kaugnay sa
Gawain

5 Puntos - Pinakamahusay
4 na Puntos- Mahusay
3 Puntos - Katanggap-tanggap
2 Puntos - Mapaghuhusayan pa
1 Puntos - Nangangailangan ng pantulong na pagsasanay

Gawain 4
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kasunod na teksto at pagkatapos
ay sagutin ang naihandang mga gawain. Ito ay makatutulong sa iyo bilang
isang mag-aaral upang lalo mong maintindihan ang nangyayari ngayon sa
mundong ating ginagalawan.

Ang Sakit na Corona Virus 2019 (COVID-19)


Ang sakit na Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ay isang sakit sa
paghinga ng mga tao na sanhi ng bagong virus. Maaari itong kumalat mula
sa bawat tao.
Dahil ito ay bagong virus, mayroon pa tayong hindi alam ngunit
natututo naman tayo tungkol sa COVID 19 sa bawat araw.
Mga Sintomas:
Ang mga taong kumpirmadong may impeksiyon ng COVID 19 ay
nagkaroon ng banayad hanggang malubhang sakit sa paghinga na may
sintomas na:
 Lagnat
 Ubo
 Hirap sa paghinga
Ang mga taong may banayad na COVID 19 ay maaaring manatili sa
bahay habang sila ay may sakit. Dapat nilang bawasan ang mga aktibidad sa
labas ng kanilang bahay, maliban sa pagkuha ng medikal na pangangalaga.
Tawagan ang kanilang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan
kung kailangan nilang humingi ng medikal na pangangalaga.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

63
Protektahan natin ang ating mga sarili at ang ating komunidad.
Ang pinakamainam na paraan upang protektahan ang iyong sarili mula sa
COVID 19 ay gawin ang parehong mga bagay na iyong ginagawa upang
protektahan ang iyong sarili mula sa sipon at trangkaso:

 Hugasan ang mga kamay nang madalas gamit ang sabon at tubig
 Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit.
 Magtakip kapag umubo
 Linisin at disimpektahan ang ibabaw ng mga bagay na madalas na
hinahawakan.
Mag-ingat kung saan ka kumukuha ng impormasyon tungkol sa COVID 19.
Ang mga pangako na “lunas” o garantisadong paraan upang maiwasan ang
COVID 19 ay hindi totoo dahil hanggang ngayon ay wala pang natuklasang
gamot para dito.
Panuto: Gamitin ang iyong malawak na imahinasyon sa gawaing ito. Kung
ikaw ay bibigyan ng pagkakataon upang maipahayag ang iyong opinyon o
reaksiyon sa iyong binasa, paano mo ito mailalarawan sa pamamagitan ng
isang poster?

Rubrik sa Paggawa ng Poster


Natatamong
Pamantayan Indikador Puntos
Puntos
Naipakita at 21-25
naipaliwanag nang
Nilalaman maayos ang ugnayan
ng lahat ng konsepto
sa paggawa ng poster.
Maliwanag at angkop 16-20
Kaangkupan ng ang mensahe sa
Konsepto paglalarawan ng
konsepto.
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa 11-15
(Originality) paggawa ng poster.
Malinis at maayos ang 6-10
Kabuuang
kabuuang
Presentasyon
presentasyon.
Gumamit ng tamang 1-5
kombinasyon ng kulay
Pagkamalikhain
upang maipahayag ang
(Creativity)
nilalaman, konsepto at
mensahe.
Kabuuan

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

64
Gawain 5
Panuto: Basahin at suriin ang slogan na nasa loob ng kahon. Sa pamamagitan
ng mga gabay na tanong na nakatala sa ibaba, bumuo ng talata na nagsasaad
ng iyong opinyon tungkol dito.
Mga gabay na tanong:
1. Paano natin maiiwasan ang patuloy na pagkalat ng corona virus?
2. Ano-ano sa palagay mo ang mga dapat gawin o sundin upang hindi
tayo mahawaan ng ganitong katinding virus?

Manatiling lahat sa ating mga tahanan upang maiwasan ang patuloy


na pagkalat ng corona virus

Rubrik sa Pagbuo ng Talata

Mga Mga Puntos


Kraytirya 1 2 3 4
Mahusay ang
pagkakasunod
Hindi May lohikal
Maayos ang -sunod ng
organisado na
organisasyo mga ideya sa
ang mga organisasyo
n at kabuuan ng
ideya at n ngunit
Organisasyo pagkakabuo talata, mabisa
walang hindi
n ng talata at ang panimula
panimula masyadong
may angkop at malakas
gayundin mabisa ang
na simula at ang
ang panimula at
konklusyon. konklusyon
konklusyon. konklusyon.
batay sa
ebidensiya.
May
nabuong Maraming May
Naibigay nang
mga kakulangan kaunting
buong husay
pangungusa sa kakulangan
Nillaman ang hinihingi
p ngunit nilalaman ang
ng takdang
walang ng ginawang nilalaman
paksa.
kaugnayan talata. na naisulat.
sa paksa.
Gawain 6
Panuto: Sa gawaing ito, ipahahayag mo ang iyong reaksiyon o opinyon sa
mapipili mong sitwasyon na nasa ibaba . Alin sa dalawang sitwasyon ang
mas pabor sa iyo at bakit? Isulat ang iyong reaksyon o opinyon sa isang
malinis na papel.
 Una
“Vaccine muna bago ang pasukan”
 Pangalawa
“Pasukan sa Agosto 24 kahit wala pang naiimbentong vaccine”

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

65
Rubriks sa Pagbibigay ng Opinyon o Reaksiyon

Mga Puntos
Mga Batayan
5 3 1
Naibigay nang May kaunting
Maraming
buong husay kakulangan ang
kakulangan sa
Nilalaman ang hinihingi nilalaman sa
nilalaman na
ng takdang hinihingi ng
ipinakita.
paksa. paksa.
Buong husay at Di gaanong
Mahusay na
malikhaing naipaliwang ang
naiulat at
Presentasyon naiulat at opinyon.
naipaliwanag
naipaliwanag Nangangailangan
ang opinyon.
ang opinyon. ng paggabay.
Natapos ang
gawain nang Natapos ang
buong husay sa gawain ngunit Di natapos ang
Takdang Oras
loob ng lumagpas sa gawain.
itinakdang takdang oras.
oras.

R e ple ks iy on
Kumusta kaya ang ginawa ko?

Ano ang magandang nagawa ko?

Ginawa ko bang lahat ang aking makakaya?

Ano ang hindi nakatulong sa akin?

Paano ako higit na


matututo?

Ano ang makatutulong upang ako ay matuto nang husto?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

66
Mga Sanggunian

Mula sa Internet:
Santos, Jamil et. al (n.d) BalimtambayanRetrieved
fromwww.gmanetwork.com/news/balitang bayan
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. B
2. C
3. C
Gawain 2
1. D
2. A
3. B
4. E
5. C
Gawain 3
Batay sa rubrik

Gawain 4
Batay sa rubrik

Gawain 5
Batay sa rubrik

Gawain 6
Batay sa rubrik

PREVELYN C. MILLAN
MELONA A. GABOTERO
Mga May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

67
FILIPINO 5
Pangalan: Lebel:

Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pagsasalaysay na Muli ng Napakingang Teksto

Panimula (Susing Konsepto)

Naranasan mo ba na basahan ng kwento ng magulang mo bago ka


matulog? O ang makinig ng kwento habang kayo ay nasa hapag-kainan
kasama ng buong pamilya? Kung ang sagot mo ay oo, nasubukan mo ba na
ikuwentong muli ang iyong napakinggan kuwento/teksto sa iyong kalaro o
kamag-aral?
Ang pagsasalaysay ng kuwentong napakinggan ay isang kakayahan
na dapat linangin ng tulad mong mag-aaral. Napakalaki ang gampanin ng
sariling wika sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa gawaing ito masusuri mo kung gaano ang iyong kaalaman sa pag-
gamit ng sariling wika at kung papaano mo ito mapahahalagahan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naisasalaysay muli ang napakinggang tekso gamit ang sariling salita (F5P5-
IIIf-h-6.6)
Panuto: Upang lalong malinang ang iyong kakayahan, ang mga gawain sa
ibaba ay sadyang inihanda para sa iyo. Sagutin ito nang maayos.
Gawain 1
Panuto: Pakinggan ang kuwentong babasahin ni nanay. Sagutin ang tanong
pagkatapos basahin ng iyong nanay.
Ang Punong Ginto
Isang magsasaka ang nakaisip na alisin ang kamalasang inaakala
niyang maaaring dumating sa kanyang bukid sanhi ng nakita niyang itim na
uwak. Habang maraming tao ang nagkakagulo sa kanilang bakuran, isa sa
mga ito ang nakatisod ng isang matandang nakaupo sa lusong. Ilan sa mga
lalaking naroon ang nagtangkang tumulong sa kanya. Subali’t sinenyasan
niya silang lumayo at nakangiti niyang sinabi: “Huwag ninyo akong
hawakan. Hayaan na ninyo ako. Bigyan na lamang ninyo ako ng pagkain at
pagkatapos ay takpan ninyo ako ng sako. Pagkatapos ng tatlong araw ay may
tutubong puno sa kinalalagyan ko. Huwag ninyong gagalawin ang puno
maliban sa kanyang bunga. Pag nasunod ninyo ito ay habang buhay kayong
magkakaroon ng kaligayahan.”

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

68
Sinunod ng mga tao ang sinabi ng matanda at nagkatotoong lahat ang
sinabi nito. May tumubo ngang puno sa lugar na kanyang kinaroroonan
subali’t mahiwaga ang punong tumubo. Ito’y isang puno ng ginto. Nang
Makita ito ng mga tao bawat isa sa kanila ay nag-agawan sa pagtaga sa puno
hanggang sa ang puno ay mabuwal. Sa pagkakabuwal ng puno, bumuka ang
lupa at kinain ang punong ginto.
Isang tinig ang narinig ng lahat. “Hindi ninyo sinunod ang sabi kong
bunga lamang ang inyong gagalawin at hindi ang ibang bahagi ng puno. Kaya
ang ipinangako kong walang hanggang kaligayahan ay naglaho na rin. Kung
ibig ninyo ng ginto, kayo’y maghuhukay at maghahanap nito sa ilalim ng
lupa.”

Buhat noon naghukay na ang mga tao sa paghahanap ng ginto.

Naunawaan mo ba ang tekstong iyong napakinggan? Subukin natin


ang iyong kakayahan. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang paksa ng kuwento ni nanay? Isulat ito sa mga patlang


sa ibaba.

2. Isulat sa sariling pangungusap ang kuwentong iyong


napakinggan.

3. Anong magandang aral ang iyong napulot sa napakinggang


teksto? Pangatwiranan ang iyong sagot. Isulat ito sa mga patlang
sa ibaba.

Gawain 2
Makatutulong ang pag-unawa sa napakinggan kung natatandaan mo
ang mga detalye ng teksto. Ito ang mga salitang nagbibigay-kahulugan sa
bawat pangungusap. Alamin natin kung natatandaan mo ang mga detalye sa
tekstong napakinggan.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

69
Panuto: Punan ang mga nawawalang salita upang mabuo ang detalye sa
pangungusap.
1. Nais ng isang magsasaka na alisin ang isang dahil
sa paniniwalang ito ay magdadala ng kamalasan sa kanyang bukid.

2. Natisod ang isang matandang lalaki at nang siya ay


tutulungan, sinabi nito na hayaan na lang siya at humiling ng
at takpan na lamang siya ng .

3. Laking gulat ng mga tao dahil nagkatotoo lahat ang sinabi ng


matanda. May tumubo ngang puno na hindi pangkaraniwan. Ito ay
.

4. Dahil sa pag-aagawan ng mga tao, ang puno ay


.

5. Hindi ninyo sinunod ang aking bilin. Kung ibig ninyo ng ginto, kayo
ay
.
Marami ka bang natutunan sa nakaraang gawain? Kulayan ang lebel
batay sa iyong naging kaalaman.

Gawain 3
Palawakin pa natin at payabungin ang iyong kaalaman. Pakinggan at
unawain ang inihandang teksto.
Panuto: Pakinggan ang sumusunod na talatang babasahin ng inyong nanay
at sagutin nang wasto ang kanyang itatanong tungkol dito. Isulat ang sagot
sa tanong sa mga patlang sa ibaba ng talata.
Mga Sinaunang Katutubo
Sa Mindoro ang mga sinaunag katutubo ay pinaghalong Bisaya,
Mangyan, at Tagalog. Ang mga Mangyan ay taga-bundok na nakatira sa
kaingin. Nagtatanim sila ng kamote, saging at mais. May mga 50,000
Mangyan sa Mindoro. Sa kubol na yari sa kugon at bilugang kahoy sila
tumitira. Takot sila sa mga taga-kapatagan. Nakabahag lamang sila. Wala
silang relihiyong kinikilala. Ang sinasamba nila ay ang mga ispiritung sa
puno at sapa nakatira.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

70
1. Ano-anong mahahalagang detalye o impormasyon ang nakuha mo sa
talatang napakinggan?

2. Isaayos ang mga inpormasyong batay sa talatang napakinggan ayon sa


pagkakasunod-sunod nito. Maaaring gamitin ang mga titik na A
hanggang E.

1. Ang sinasamba nila ay ang mga ispiritung sa puno at sapa


nakatira.
2. Sa Mindoro ang mga katutubo ay pinaghalong Bisaya,
Mangyan at tagalog.
3. Takot sila sa mga taga-kapatagan.
4. Nagtatanim sila ng mga kamote, saging, at mais.
5. Ang mga mangyan ay mga taga-bundok na nakatira sa
kaingin.

3. Isalaysay muli ang talatang napakinggan. Isulat ito sa mga patlang sa


ibaba.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

71
Gawain 4
Pagkuha ng wasto sa Mensaheng napakinggan

Panuto: Pakinggan ang mensaheng babasahin ng iyong Nanay at isulat sa


patlang ang wastong kasagutan sa tanong na nasa ibaba.

Mensahe

Minamahal kong mga kababayan, bilang Alkalde ng bayan, binabati ko


ang mga mamamayan ng Malabon sa kanilang ipinakitang pakikiisa at
pakikipagtulungan sa proyektong inilunsad ng pamahalaang bayan tungkol
sa kalinisan. Dahil sa kanilang ipinakitang pakikiisa at pakikipagtulungan,
naging matagumpay ang ating proyekto. Ang lahat ng sulok ng bawat
pamayanan sa ating bayan ay naging malinis at maganda. Ngayon,
ikinararangal na natin itong ipakita sa kanino mang dayuhang
nagsisipagsadya sa ating bansa.

a. Ano ang sinasabi ng mensahe?

b. Sagutin ang mga tanong kung ito ay nagsasaad ng TAMA o MALI batay
sa tekstong napakinggan.
1. Ang nagbigay ng mensahe ay ang Kapitan ng Barangay.
2. Ang proyektong inilunsad ay tungkol sa SPORTS.
3. Hindi natapos ang proyekto dahil hindi nagkaisa ang
mamamayan.
4. Ang lahat ng sulok ng pamayanan ng bayan ay malinis at
maganda.
5. Binabati ng Alkalde ng bayan ang mamamayan ng Bulacan.

Gawain 5
Panuto: Ngayon, muli nating subukin ang iyong kasanayan sa pakikinig.
Ilagay sa patlang ang iyong sagot.

Malakas na nagbabasa ng balita sa pahayagan ang Ate Edith mo. Pinakinggan


mo siya at ganito ang narinig mo:
“May paligsahan sa paglulutong gaganapin sa Mercedes Food Center.
Ang lahat ng ina ng tahanan ay inaanyayaang lumahok sa paligsahang ito na
gaganapin sa ika-12 na Mayo 1985. Ang sinumang magwawagi sa paligsahan
ay magtatamo ng malaki at maraming gantimpala.”

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

72
1. Sasabihin mo sa nanay mo ang narinig mong balita. Paano mo ito
ibibigay nang wasto at maayos?

2. Ibigay ang mga detalye na sumasagot sa mga tanong na Sino, Ano,


Saan, Kailan, at Bakit, batay sa napakinggang balita.
1. Sino?
2. Ano?
3. Saan?
4. Kailan?
5. Bakit?

Repleksiyon
Nasiyahan ka ba sa ginawang gawain? Naging madali ba ito para sa
iyo? Bilugan ang angkop na emoticons nagpapahayag ng iyong damdamin.

Matapos kong sagutan ang mga gawain , natutunan ko na

Mga Sanggunian
Lorenza V. Abellera, Filipino Sanayang Aklat Diwang Makabansa

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
a. Ang paksa – Ito ay tumatalakay sa pagiging gahaman/ganid sa
kayaman ng mga mamamayan ng bayan na iyon batay sa alamat ng
ginto.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

73
b. Sa isang bukid, nagkakagulo ang mga tao dahil sa isang maitim
na uwak na kanilang nakita. Pinaniniwalaan nila na ito ay
magdadala ng kamalasan sa kanilang lugar. Dahil dito, hindi nila
namalayan ang isang matandang lalaki na kanilang natisod.
Ito pala ang magbibigay sa kanila ng puno ng ginto subalit nagbilin
ang matanda na huwag galawin ang puno maliban sa bunga nito.
Hindi nila sinunod ang matanda. Pinag-agawan nila ang ginto na
bunga ng puno hanggang sa ito ang mabuwal at kinain ng lupa.
Mula noon. Ang ginto ay makukuha lang kung sila ay maghuhukay
at mahahanap lang sa ilalim ng lupa.
c. Magpasalamat at makuntento sa biyayang natamo. Huwag
maging matakaw sa kayamanan.

Gawain 2
1. isang maitim na uwak
2. pagkain at takpan ng sako
3. puno ng ginto
4. nabuwal at kinain ng puno
5. kayo ay maghuhukay at maghahanap ng ginto sa ilalim ng lupa

Gawain 3
6. Ang mga mangyan sa Mindoro ay pinaghalong Bisaya, Mangyan at
Tagalog. Sila ay nakatira sa bundok at nagkaingin ng kamote,
saging, at mais. Sa mga kubol na yari sa kugon sila karaniwang
tumitira at bahag lamang ang kanilang damit. Ang sinasamba nila
ay mga ispiritu sa sapa at puno

7. 1. E
2. A
3. D
4. C
5. B

3.

(3puntos) (4puntos) (5puntos)


Hindi gaanong Katamtamang Mahusay na
naisalaysay ang naisalaysay sa sariling naisalaysay sa sariling
napakinggang teksto sa pangungusap gamit pangungusap gamit
sariling pangungusap ang wastong gamit ng ang wastong gamit ng
ngunit may kaayusan mga salita nang may mga salita nang may
at tamang bantas kaayusan at tamang kaayusan at tamang
bantas bantas

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

74
Gawain 4
e. Binabati ng Alkalde ang mamamayan ng Malabon dahilan sa
kanilang ipinamalas na pakikiisa at pagtutulungan upang
mapagtagumpayan ang inilunsad na proyekto tungkol sa kalinisan.
Ang bayang Malabon ay hindi ikahihiyang dayuhin ng mga taga-
ibang bansa.
f. 1. mali
2. mali
3. mali
4. tama
5. mali

Gawain 5
1. May paligsahan sa pagluluto at ito ay gaganapin sa Mercedes Food
Center. Ang mga nanay ay maaaring sumali. Ito ay gaganapin sa
May 12, 1985 at ang mananalo ay may makakatanggap ng malaking
papremyo.
2. Sino? - mga nanay ay maaaring sumali
Ano? -Paligsahan sa pagluluto
Saan? –Mercedes Food Center
Kalian? – May 12, 1985
Bakit? – maaaring makatanggap ng gantimpala

JENNIFER L. VALONES
ARNEL BONGAR CAASI
Mga May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

75
FILIPINO 5
Pangalan : Lebel:

Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pagsasalaysay muli ng Napakinggang Teksto sa Tulong ng mga
Pangungusap

Panimula (Susing Konsepto)

Ang pakikinig ay isang mabisang paraan upang lubos na maunawaan


at makuha ang isang impormasyon. Ito rin ang nagiging daan upang ang
bawat isa ay magkakaunawaan. Kinakailangan ang higit konsentrasyon sa
pag-unawa.

Sa pakikinig sa teksto na binabasa ng iba o naririnig ay nakakagawa


tayo ng iba’t-ibang uri ng pangungusap. Upang mapabuti ang pakikinig,
ihanda ang sarili. Magkaroon ng hangaring makinig. Iwasan ang agad-agad
na panghuhusga. Hintayin ang pagkakataong magsalita. Huwag pansinin ang
mga abala. Maging mapanur sa pakikinig.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng mga pangungusap.
(FSPS-IIh-c-6.2)

Panuto: Upang lalong malinang ang iyong kakayahan, ang mga gawain sa
ibaba ay sadyang inihanda para sa iyo. Sagutin ito nang maayos.

Gawain 1

Panuto: Pakinggan ang maikling kuwentong babasahin ng iyong magulang o


kasama sa bahay. Pagkatapos mong pakinggan ang kuwento sagutin
ang sumusunod na mga tanong ng isang pangungusap. Isulat ang
sagot sa patlang.

Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko

Mayaman at komportableng pamumuhay ang kinalakihan ni Stella,


ang nag-iisang anak ng mag-asawang Don Manuel at Señ ora Faustina. Ngunit
ni minsan ay hindi inabuso ng dalaga ang pagiging anak-mayaman niya.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

76
Sa katunayan, ibang iba si Stella at malapit ang loob nito sa mga bata
sa bahay-ampunan. Isang araw, ikinuwento niya sa dalawang kaibigan ang
totoong dahilan kung bakit ganun niya kamahal ang mga bata

1. Sino si Stella?

2. Sino-sino ang kaniyang mga magulang?

3. Sino ang malapit kay Stella?

4. Inaabuso ba ni Stella ang kanyang pagiging mayaman? Patunayan.

5. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit malapit si Stella sa mga


bata sa bahay ampunan?

Gawain 2

Panuto: Ipabasa sa magulang o kasama sa bahay ang tekstong “Pitong


Hakbang Upang Makaiwas sa COVID-19”

“Pitong Hakbang Upang Makaiwas sa COVID-19”

1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay

Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na
may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.

Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga
bagay na maaaring kontaminado. Maaaring hindi natin mamalayan na
maghawakan natin ng ating mukha, at mailipat ang virus sa ating mata, ilong
at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa
ating kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa
pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit
ng hand sanitizer na may alkohol.

2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig

Maging mapagmatyag sa hinahawakan ng iyong kamay at iwasan ang


paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

77
Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha
ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata,
ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot ng sakit.

3. Magtakip ng bibig kapag umubo o bumahing.

Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, ay sumusunod sa tamang


respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit
ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit
na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.

Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na
droplet mula sa ilong at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong
ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa
paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa pag-ubo o
pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong
kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay.

4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong


may lagnat o ubo

Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60 pataas o
may dati nang karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at
baga o kanser. Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa
iyo at sa kung sinumang may lagnat o ubo.

Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet


na lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao.
Sa pag-iwas sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi
bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinumang
may iba pang may sakit.

5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit

Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at


ubo lang.

Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba


pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit
sa ibang tao.

6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad


– ngunit tawagan mo muna ang health authorities

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

78
Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta
ng maaga – kung kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para
masabihan ka kung saan ka pupunta.

Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay


sayo, ikaw ay maituturo sa tamang health facility, at maiwasan mong
makahawa sa iba.

7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad

Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa


mapagkakatiwalaang awtoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula
sa maaasahang mga tagapagsalita – ang Department of Health, World
Health Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay alam
ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa
lagnat at tuyong ubo.

Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa


pinakabagong impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong
lugar. Sila ang mas nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay
sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili.

Panuto: Pagkatapos pakinggan ang teksto, Sagutin ang mga tanong sa


pamamagitan ng sariling pangungusap.

1. Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand


sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.

Bakit?
.

2. Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi


namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang
paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.

Bakit?
.

3. Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, ay sumusunod sa


tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig
at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o babahing. Agad na
itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng
kamay

Bakit?
.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

79
4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa
taong may lagnat o ubo.

Bakit?
.

5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat


at ubo lang.

Bakit?
.

6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta


agad – ngunit tawagan mo muna ang health authorities

Bakit?
.

7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad

Bakit?
.

Gawain 3

Panuto: Pakinggan ang talatang babasahin ng iyong magulang o kasama sa


bahay. Pagkatapos, muling isalalasay ang iyong napakinggan sa
pamamagitan ng pagbuo ng talata.

Pamilya

Ang pamilya ay isang salita na naglalarawan sa grupo ng mga tao na


mayroong iisang biyolohikal na pinanggalingan. Ayon sa ekonomiks at sa
kasaysayan, ang pamilya ay tumutukoy sa pinakamaliit at
pinakapangunahing yunit na bumubuo sa isang komunidad o lipunan. Ito ay
madalas na binubuo ng mga magulang, anak, at kung minsan ay pati ng mga
apo at iba pang kamag anak.
Dahil ang pamilya ang nagsisilbing pundasyon sa pagkakabuo ng isang
lipunan, mahalaga na mapanatiling maayos ang isang pamilya. Sila ang
nagpapatuloy at nagtataguyod sa kabutihan ng bawat miyembro nito at
maging ng bawat miyembro ng isang lipunan.

Ang pamilya ay isang salita na naglalarawan sa grupo ng mga tao


. Ayon sa ekonomiks at
sa kasaysayan, ang pamilya ay tumutukoy sa
. Ito ay madalas na binubuo ng mga
at iba pang kamag-anak.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

80
Dahil ang pamilya ang nagsisilbing , mahalaga
na mapanatiling maayos ang isang pamilya. sila ang nagpapatuloy at
nagtataguyod sa kabutihan ng bawat miyembro nito at maging ng
.

Gawain 4
Panuto:Makinig ng balita sa radyo o telebisyon.Sumulat ng limang
pangungusap batay sa iyong napakinggang balita.

Gawain 5
Panuto: Ano ang mga patalastas na memoryado mo na dahil lagi mo itong
naririnig? Pumili sa mga ito at gawing talata ang mga nabanggit sa
palatalastas upang makaagaw ng atensiyon. Isulat ito sa kahon.

Rubrik sa Pagpupuntos

Rubrik sa Pagsulat ng Talata/Pangungusap

Batayan Mga Puntos


5 4 3 2 1
Nilalaman
3. Pagsunod sa uri at anyong
hinihingi
4. Lawak at ilalim ng pagtatalakay
Balarila
 Wastong gamit ng wika
 Paglimita sa paggamit ng mga
salitang hiram

Hikayat
c. Paraan ng pagtalakay sa paksa

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

81
d. Pagsunod sa tiyak na panutong
ibinigay ng guro kaugnay ng
Gawain

Repleksiyon

Mga Sanggunian:

A. Aklat
Agardo, Patricia Jo.,Franca, Maricar C.,Gojo Cruz,Genaro R.
Alab Filipino 5 (Batayang Aklat)
Alab Filipino 5 (Manwal ng Guro)

B. Internet
www.google.com
https://www.who.int/philippines/news
brainy.ph

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. Si Stella ay isang mabait at nag-iisang anak ng mag-asawang Don
Manuel at Señ ora Faustina.
2. Sina Don Manuel at Señ ora Faustina
3. Ang mga bata sa bahay-ampunan
4. Hindi, dahil malapit ang loob nito sa mga bata sa bahay-ampunan.
5. Dahil wala siyang kapatid
(Tanggapin ang iba pang katulad na sagot)

Gawain 2

1. Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga
bagay na maaaring kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan
na maghawak natin ng ating mukha, nailipat na ang virus sa mata,
ilong at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na
maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong
coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang
sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol.
2. Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng
mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa
mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot ng
sakit.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

82
3. Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na
droplet mula sa ilong at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng
iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo
sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa
pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong
droplet sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa
tao o bagay.
4. Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na
lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao.
Sa pag-iwas sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng
hindi bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may COVID-19
o sinumang may iba pang may sakit.
5. Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba
pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng
sakit sa ibang tao.
6. Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay
sayo, ikaw ay maituro sa tamang health facility, at maiwasan mong
makahawa sa iba.
7. Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa
pinakabagong impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa
iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam kung anong tamang payo na
dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang
kanilang sarili.

Gawain 3
1. na mayroong iisang biyolohikal na pinanggalingan.
2. tumutukoy sa pinakamaliit at pinakapangunahing yunit na bumubuo
sa isang komunidad o lipunan.
3. mga magulang, anak, at kung minsan ay pati ng mga apo at iba pang
kamag anak.
4. sa pagkakabuo ng isang lipunan, mahalaga na mapanatiling maayos
ang isang pamilya.
5. ng isang lipunan
Gawain 4
Batay sa sagot ng mag-aaral
Gawain 5
Batay sa sagot ng mag-aaral

JENNIFER L. VALONES
LIMUEL V. CAMACHO
Mga May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

83
FILIPINO 5
Pangalan: Lebel:

Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Paksa ng Kuwento o Usapan

Panimula (Susing Konsepto)


Bakit mahalaga ang pakikinig/ pagsasalita? Ang pakikinig nang
mabuti sa agsasalita ay bagay na napakahalaga upang maulit at
mabigyang- kahulugan ang mga pahayag; damdamin ng tagapagsalita
ayon sa tono, diin, bilis, at intonasyon; usapan upang makapagpahayag
ng sariling pananaw at damdamin tungkol sa isang paksa.
Bawat katha ay nagtataglay ng isang pangunahing diwa. Ito ay ang
paksang tinatalakay sa buong babasahin. Ang pagsagot sa mga tanong
ay nakatutulong sa pagkuha ng pangunahing diwa sa talata/kwento.

Ang pangunahing diwa ay maaaring isa sa mga pangungusap ng


talata. paksang pangungusap ang tawag sa pangungusap na nagsasabi
ng pangunahing diwa ng talata. May pangunahing diwa ang bawat
talata. Ang ibang talata ay may paksang pangungusap. Ang paksang
pangungusap ay maaaring nasa unahan, gitna, o hulihan ng talata.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naibibigay ang paksa ng napakinggan kuwento/usapan (F5PN-Ic-g7)

Panuto: Upang lalong malinang ang iyong kakayahan, ang mga gawain sa
ibaba ay sadyang inihanda para sa iyo. Sagutin ito nang maayos.
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang paksa nito.

A. Pagpapaunawa

Matalino si Jose Rizal. Natuto siyang


bumasa sa gulang na tatlong taon.
Nagtapos siya ng edukasyong
elementarya at sekundarya na
nangunguna sa klase. Marami siyang
kursong natapos. Nag-aaral siya ng
madisina, pagpipinta paglililok at
pagsusulat. Naging matagumpay siya sa
kursong ito.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

84
1. Ano ang pinag-uusapan sa buong talata?

2. Saang bahagi ng talata makikita ang pagtukoy kay Jose Rizal na


siya ay matalino?

3. Ano ang pamagat ng talata?

Gawain 2

Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga sumusunod na


katanungan sa ibaba. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan. 2 Ito ay
noong kumalat ang balita na hinuli at ibinilango ng
mga Espanyol si Jose Rizal. 3Kaya’t nang gabi ng
Hulyo 7, 1892 nagpulong sina Andres Bonifacio,
Deodato Arellano, Valentin Diaz, Ladislao Diwa at
Jose Dizon. 4Nagkasundo sila na gumawa ng paraan
upang lumaya ang Pilipinas. 5Nilagdaan nila ang
kasunduan ng sarili nilang dugo.

1. Ano ang sinasabi ng talata?


a) Kung ano ang Katipunan
b) Kung paano natatag ang Katipunan
c) Mga gawain ng Katipunero
d) Kung bakit hinuli si Jose Rizal

2. Alin ang paksang pangungusap ng talata?


a) Pangungusap 1
b) Pangungusap 2
c) Pangungusap 3
d) Pangungusap 4

3. Saan matatagpuan ang paksang pangungusap?


a) Unahan
b) Gitna
c) Hulihan
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

85
4. Ano ang tinutukoy ng talata?
a) Dahilan ng pagpupulong noong gabi ng Hulyo 7, 1892
b) Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan
c) Paglagda ng kasunduan gamit ang sarili nilang dugo
d) Paggawa ng paraan para lumaya ang Pilipinas sa mga Espanyol

5. Alin ang paksang pangungusap ng talata?


a) Itinatag ni Andress Bonifacio ang Katipunan.
b) Pagpupulong noong Hulyo 7, 1892.
c) Napagkasunduan na gumawa ng paraan para makalaya sa
Espanyol.
d) Hinuli at ibinilanggo si Jose Rizal ng mga Espanyol.

Gawain 3
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang pinapahayag ng talata. Ibigay
ang tamang sagot sa susunod na katanungan.

Mahirap ang magulang ni Andres Bonifacio.


Hindi siya nakapag- aral. Maaga siyang
naulila. Siya ang nagpalaki at nag-aruga sa
kanyang mga kapatid. Ngunit sa sariling
pagsisikap natuto siyang bumasa at sumulat.
Tinuruan muna siyang bumasa ng kanyang
ate. Napaunlad niya ang kaalamang ito.
Nakakabasa siya at nakakasulat siya gaya ng
natapos sa paaralan.

1. Ano ang pinag-uusapan sa talata?

Sagot:

2. Bakit nagsikap siyang matutong bumasa at sumulat?

Sagot:

3. Paano siya natuto?

Sagot:

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

86
4. Alin ngayon ang paksang pangungusap?

Sagot:

5. Saang bahagi ng talata ito matatagpuan?

Sagot:

Gawain 4
Panuto: Basahin ang mga teksto sa ibaba at ibigay ang angkop na
pamagat nito.

1. Ang Puerto Prinsesa ang kapital ng Palawan. Dati itong kilala sa


pangalang Puero de la Asuncion. Ito ang pangunahing sentro ng
kalakalan sa lalawigan dahil sa lokasyon nito. Mayroon ditong
paliparan at daungan ng mga barko na regular na may biyaheng
Maynila at sa malalaking pulo sa lalawigan. Sa kasalukuyan, ang
Puerto Prinsesa ay isang paboritong pasyalan ng mga turista.
Sanggunian: Likha 5, Wika at Pagbasa p. 319

Sagot:

2. Makagagawa ka ng keso mula sa gatas ng kalabaw, baka, o


kambing. Asinan ang gatas, pakuluin nang tatlumpong minuto
habang hinahalo at pagkatapos ay hayaan munang lumamig ng
mga sampung oras. Magkakaroon ito ng mga buo-buong bahagi
na siyang babalutin sa murang dahon. Ngayon, may kesong puting
napakadaling gawin.
Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino p.136-137

Sagot:

3. Ang puto-bumbong, bukod sa kilalang pagkaing Pinoy ay kabilang


din sa tradisyon ng Paskong Pilipino. Ito ay kulay lila/ube at
kakaning gawa sa giniling na malagkit na bigas. Isa ito sa mga
pinaka-popular na pagkaing mabibili tuwing sasapit ang panahon
ng kapaskuhan.
Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino p.136-137

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

87
Sagot:

Gawain 5
Panuto: Sumulat ng talata tungkol sa karanasan sa pandemic issue na
kinakaharap ng buong mundo sa kasalukuyan. Paksa: “Covid 19” (Isulat
sa malinis na papel)
Mga gabay sa pagawa ng talata:
1. Ano ang Covid 19? Bakit ito tinawag na Covid 19?
2. Saang lugar ba ito nagsimula?
3. Bakit kinakailangan sumunod sa mga protocols/guidelines ng
DOH at LGUs.?
4. Ano–ano ang mga naging epekto nito sa normal na buhay ng
mga tao?
5. May naidulot bang kabutihan sa iyo ang ECQ o GCQ na
ipinatupad ng lokal na pamahalaan?
6. Sapat ba ang tulong naibinigay ng gobyerno sa mga
apektadong kinabibilangan mo?
7. Handa ka na bang harapin ang New Normal sa pag-aaral mo
ngayong pasukan?

Rubrik sa Pagsulat ng Talatang Nagsasalaysay


Mga Puntos
Mga Batayan
5 4 3 2 1

Nilalaman
Lahat ng pahayag ay
maliwanag, tama, at
ayon sa paksa.

Mga detalye
Sapat ang detalye at
angkop ang mga salita o
pangungusap

Pagbabaybay
Wasto ang baybay ng
mga salita, bantas, at
anyo ng mga
pangungusap at ng
talata

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

88
Pamantayan
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katangap tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

Repleksiyon:
Ano sa palagay mo ang nakapagbigay sa iyo ng ideya upang matukoy ang
paksa /pamagat ng iyong nabasang teksto?
Sagot:

.
Mga Sanggunian
A. Aklat
Pagdiriwang ng Wikang Filipino V, Pagbasa pp.53-55, CG p.66
LRMDS modyul, F5PN-Ic-g-7
Alab Filipino Manual ng Guro
Yamang Filipino k-12 2017 edition
Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino p.136-137

B. Journal
Patricia Jo C. Agarrado,Maricar L. Francia, Perfecto R. Guerrero, III,
Genaro R. Gojo Cruz Alab Filipino (Manual ng Guro
Yvette Faith O. Baculi LRMDS modyul, F5PN-Ic-g-7
Pagdiriwang ng Wikang Filipino V, Pagbasa pp.53-55 CG p.66
Emilia L. Banlaygas, Eleonor D. Antonio, Sheryl D. Antonio, Evangeline
M. Dallo
Yamang Filipino K-12 2017 edition
Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino p.136-137 St. Mary’s Corp

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. Ang mga pangungusap sa buong talata ay nagsasabi tungkol
sa katalinuhan ni Jose Rizal.
2. Sa unahan
3. Matalino si Jose Rizal

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

89
Gawain 2
1. b
2. a
3. a
4. a
5. a
Gawain 3
1. Paano nagtapos sa pag-aral si Andres Bonifacio
2. Para makapagtapos sa pag aaral.
3. Tinuruan muna siya ng ate niya.
4. Natutong magbasa at sumulat si Andres Bonifacio sa sariling
pagsisikap
5. Gitna
Gawain 4
1. Ang Pwerto Prinsesa ang Kapital ng Palawan.
2. Makakagawa ka ng keso mula sa keso ng kalabaw, baka, o
kambing.
3. Ang puto bumbong ay isa sa pinakapopular na pagkaing
mabibili tuwing sasapit ang panahon ng kapaskuhan.

Gawain 5
“Covid 19” Malayang pagbibigay ng sariling opiniyon.

WELMA V. GUISANDO
IRENE C. ADAMI
Mga May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

90
FILIPINO 5
Pangalan: Lebel:

Sekyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita: Tono, Paglalarawan,
Kayarian ng mga Salitang Iisa ang Baybay ngunit Magkaiba ang Diin

Panimula (Susing Konsepto)

Alam mo ba na napakayaman sa salita ang Filipino? Dahil dito, hindi


kataka-taka kung magkaroon ito ng mga salitang iisa ang baybay ngunit
magkaiba ang bigkas at kahulugan. Pansinin ang diin ng pagbigkas sa mga
pantig na nakasulat nang pahilig.
basa – basâ sama – samâ pako –
pakô

Mabigkas mo kaya nang wasto ang mga salitang nabanggit? Maibigay


mo kaya ang kahulugan ng bawat isa?
Ang wastong pagbabasa ng salita ay makatutulong upang mapag-iba
ang kahulugan ng mga salitang iisa ang baybay. Alalahanin mo lamang sa
pagbabasa ang wastong tono, diin, haba at antala upang maipabatid ang
wastong mensaheng nais ipabatid ng bawat salitang binibigkas. Malaki rin
ang naitutulong nito upang malaman mo ang wastong kahulugan ng mga
salita.
Halimbawa:

Ang / * / ay pagpapahaba ng pantig. Ang / ˆ/ ay impit na tunog.


Bigkasin mo ang mga sumusunod na salita at pag-aralan ang pagkakaiba ng
kanilang kahulugan.
Salita Kahulugan

pi * to - sipol

pitô - bilang na susunod sa anim

sa * ya - mahabang damit ng mga babae

sayâ - tuwa

Nakita mo ba ang pagkakaiba sa kahulugan ng salitang iisa ang baybay


dahil sa magkaiba ang pagbigkas sa mga ito? Ngayong araw, ito ang iyong
nakatakdang gawain, ang pagbibigay kahulugan sa mga salitang iisa ang
baybay ngunit magkaiba ang diin.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

91
Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba
ang diin.
(F5PT-IId-9)

Panuto: Upang lalong malinang ang iyong kakayahan, ang mga gawain sa
ibaba ay sadyang inihanda para sa iyo. Sagutin ito nang maayos.
Gawain 1.
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Bigkasin nang wasto (may diin) ang
mga pantig na nakalimbag nang pahilig. Ibigay ang kahulugan ng mga salita.
1. Puno ng bunga ng mangga ang sisidlan mula sa puno ng mangga sa
likod bahay.
2. Kaawa-awang bata, hindi pa niya bata ang ganyan kabigat na
gawain, ang magsibak ng kahoy.
3. Napasarap ang kain ko ng ginataang gabi kina Juan kaya’t hindi ko
namalayang gabi na pala at kailangan ko nang umuwi.
Sagot: Salita Kahulugan
1.

2.

3.

Gawain 2

Panuto: Basahin ang mga pares ng salita sa bawat bilang at ibigay ang
kahulugan ng mga ito. Bigyan diin ang pantig na nakasulat ng pahilig.

Salita Kahulugan

1. ha pon

Ha pon

2. bu hay

bu hay

3. ta la

ta la

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

92
4. si kat

si kat

5. bu ko

bu ko

Gawain 3

Panuto: Bigyan kahulugan ang mga salitang nakasalungguhit sa mga


pangungusap. Piliin ang sagot sa kahon

Pagpipiilian

kagustuhan nagtuturo ng kinalalagyan alanganin kaunti


pag-alis mula sa itaas bahagi ng mukha
marahil isang uri ng hayop
hinto upang

1. Nagmamadali akong lumabas sa aming tarangkahan, “Para!” ang sabi


ko sa tricycle na paparating.
Kahulugan:

2. Usapan kasi namin ng aking mga barkada na daanan ko sila ngayong


umaga para maglaro ng basketbol.
Kahulugan:

3. Nakawala ang pinastol kong baka kaya pinagalitan ako ng aking tatay.
Kahulugan:

4. Galit na galit si tatay pinauuwi niya ako. Hindi na ako nag-atubili pa


at sumunod na rin dahil baka mapalo pa ako.
Kahulugan:

5. Umakyat ako sa puno sa likod ng aming bahay upang mamitas ng


bunga nito ngunit wala pa akong nakuha dinig ko na ang sigaw ni
nanay. “Baba!” ang sabi sa akin.
Kahulugan:

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

93
6. Nag-aalala kasi si Nanay, baka daw sumabit ang aking baba sa sanga
ng puno.
Kahulugan:

7. Bigla akong napaisip ng nakakatakot na sitwasyon, nasa ilang pa


naman akong lugar.
Kahulugan:

8. Pagkaraan ng ilang minuto, ay dumating na rin ang aking sundo.


Kahulugan:

9. Mukhang napunta ako sa lugar na hindi ako pamilyar,


pinakiramdaman ko ang lahat ng nasa aking paligid.
Kahulugan:

10. Gutom na gutom na ako, hindi ko na mapigilan ang nasa kong


makakain ng paborito kong bibingka.
Kahulugan:

Gawain 4.
Panuto: Pumili ng tatlong (3) salita na binigyan mo ng kahulugan sa Gawain
3 at gamitin mo ito sa pagbuo ng sarili mong pangungusap. Isaalang-alang
ang kahulugan ng bawat salita upang maging maayos at wasto ang isusulat
na mga pangungusap.
1.

2.

3.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

94
Rubrik:
Lagyan ng tsek (/) ang espasyo na naglalarawan kung paano mo
ginawa ang gawain.
1 - Nangangailangan ng tulong
2 - May kaunting kahusayan
3 – Mahusay

Rubrik sa Pagsulat ng Pangungusap

Mga Gawain 1 2 3
1. Buo ang diwa ng bawat pangungusap na
isinulat ko.
2. Gumamit ako ng malaking titik sa
unang titik ng simula at mga
pangngalan sa pangungusap.
3. Wasto ang pagkakasulat ko ng bawat
titik ng mga salita.
4. Wasto ang bantas na ginamit ko sa lahat
ng mga isinulat na pangungusap.
5. Malinis, maayos, at walang bura ang
mga isinulat kong pangungusap.

Repleksiyon

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag sa ibaba.


Sa araling ito, ang nakatulong sa akin upang matukoy ko ang wastong
kahulugan ng mga salitang may iisa ang baybay ngunit magkaiba ang
kahulugan ay

.
Mahalaga na lagi kong isaalang-alang sa pagbibigay kahulugan sa mga
salitang

Mga Sanggunian:
Aragon, Angelita L., Zenaida S. Badua, Clotilde A. Madera. Bagong Filipino
4. 1999. p. 105
Banlaygas, Emilia L., Eleanor D. Antonio, Shery D. Antonio, Evangeline
M. Dallo. Yamang Filipino 4. 2017. p. 69

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

95
Lalunio, Lydia P., Francisca G. Ril, Ma. Victoria A. Gugol, Patrocinio
V. Villafuerte. Hiyas sa Pagbasa 4. 2010. p. 39

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. umaapaw ang laman, sagad, kargado
katawan ng kahoy mula sa ugat
2. musmos, paslit
kaya, tagal,
agwanta
3. uri ng halamang ugat
magdamag, kasalungat ng araw
Gawain 2
1. oras pagkatapos ng tanghali, kasalungat ng umaga
lahi ng tao karaniwan tawag sa mga taga Japan
2. pananatili sa daigdig na kumikilos o lumalaki, estado o kalagayan
masigla, hindi patay,gising
3. makinang at malaking bituin, estrelya
listahan, ulat, katitikan
4. paglabas o paglitaw ng liwanag ng araw o
buwan kilala, tanyag, popular, bantog
5. murang niyog, ubod ng bulaklak, biyas ng kawayan
bisto, huli (nabisto, nahuli)
Gawain 3
1. hinto
2. upang
3. isang uri ng hayop
4. marahil
5. pag-alis mula sa itaas
6. bahagi ng mukha
7. alanganin
8. kaunti
9. nagtuturo sa kinalalagyan
10. Kagustuhan

SHIRLEY B. HORTIZ
EVELYN F. COME
HERMINIA ALICIA N. GECHA
Mga May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

96
FILIPINO 5
Pangalan: Lebel:

Sekyon: Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO
Pagkilala sa Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita
sa Pamamagitan ng Tono at Damdamin

Panimula (Susing Konsepto)


Mahilig ka bang magbasa? Ang pagbabasa kasi ay nakatutulong upang
lumawak ang iyong talasalitaan. Ngunit sa pagbabasa ay hindi maiiwasang
may mga salita kang hindi naiintindihan hindi ba? Ano ang ginagawa mo
kapag may mga salitang pamilyar at di-pamilyar kang nababasa at hindi mo
alam ang kahulugan nito? Kapag nagbabasa ng mga talata, sanaysay,
kuwento, tula at iba pa ay nararapat malaman ang kahulugan ng mga
salitang pamilyar at di-pamilyar upang lubos na maunawaan ang binasa.

Isa sa paraan upang malaman ang kahulugan ng mga pamilyar at di-


pamilyar na salita ay sa pamamagitan ng tono o damdamin.

Ano ang pamilyar at di-pamilyar na salita? Ang pamilyar na salita ay


tumutukoy sa mga salitang madalas mong nakikita o ginagamit sa pagbabasa
at pagpapahayag samantalang ang di-pamilyar na salita ay yaong mga
salitang ginagamit bilang simbolismo, matatalinhaga o idyomatiko
nabibilang sa pinakamataas na antas ng wika – pampanitikan.

Ano naman ang tono o damdamin? Paano ito nakatutulong sa


pagbibigay kahulugan sa pamilyar at di-pamilyar na mga salita?

Tono – tumutukoy sa saloobin ng may-akda ukol sa salita o paksang


kaniyang isinulat. Ang tono ay maaaring masaya, malungkot, mapagbiro,
mapanudyo o seryoso.

Damdamin – tumutukoy sa saloobing nalilikha ng mambabasa sa


salita o teksto. Ito ay maaaring tuwa, lungkot, galit, pagkainis, takot,
paghanga, pag-ibig, pagkagulat, pagtataka, pag-asa, kawalang pag-asa,
katapangan, pangamba, at iba pang emosyon at damdamin.

Halimbawa:
Nakangiting nagtatampisaw sa tubig ang bata.
Ano ang tono at damdaming masasalamin sa pahayag?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

97
tono – masaya
damdamin - tuwa

Kasanayang Pampagkatuto

Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar-at di-pamilyar na mga


salita sa pamamagitan ng tono o damdamin. (F5PT – Ic.15)

Panuto: Upang lalong malinang ang iyong kakayahan, ang mga gawain sa
ibaba ay sadyang inihanda para sa iyo. Sagutin ito nang maayos.
Gawain 1
Panuto: Suriin ang mga larawan sa bawat bilang at ibigay ang damdaming
ipinapakita nito.

Larawan Damdamin

1.

2.

3.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

98
4.

5.

Gawain 2
Panuto: Ibigay ang tono at damdamin ng bawat salita o parirala

1 pag-asa ng bayan
tagapagmana ng kulturang mayaman
magiting at marangal
malaya

Sagot:
tono damdamin

2. walang silbi
pabaya sa pag-aaral
tamad

Sagot:
tono damdamin
3. urong-sulong
walang mapuntahan
nag-iisa
iniwan

Sagot:
tono damdamin

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

99
Gawain 3
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang nasalungguhitan at ang tono at
damdamin ng bawat salita o parirala.
Pamilyar na Salita

1. pag-ibig ayon sa isang awit:


hindi basta-bastang napapalitan
tunay
walang pagdududa
habang-buhay

Kahulugan ng salitang pag-ibig

tono damdamin

2. tiwala ayon sa isang awit:


mahirap ibalik kapag nawala na
hindi madaling ayusin
hindi maaaring palitan
nawawala ng hindi namamalayan

Kahulugan ng salitang tiwala

tono damdamin

Di-pamilyar na Salita

3. Mula sa awiting “Maskara” ng bandang Eraserheads


“Kung may problema ka
Magsuot ng maskara
Takpan mo ang iyong mata
Buong mundo’y mag-iiba.”

Kahulugan ng salitang maskara

tono damdamin

4. Mula sa awiting “At Tayo’y Dahon” ng Bandang Asin


“Tayo’y mga dahon lamang
Ng isang matatag na puno
Iisa ang ating pinanggalingan
Hindi pareho sa pagtubo

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

100
Maaaring ika’y isang dahong masigla
Ako nama’y dahong nalalanta na
Pareho tayong mahuhulog sa lupa
Kaibigan, “wag ikabahala.”

Kahulugan ng salitang dahoon

tono damdamin

Repleksiyon

Gabay na tanong:
Madali bang tukuyin ang tono at damdamin ng mga salita o parirala?
Ano ang nakatulong sa iyo upang magawa ito?

Ang pagtukoy ba sa tono o damdamin ng salita o teksto ay nakatulong


upang maunawaan mo at maibigay ang kahulugan ng mga pamilyar at di-
pamilyar na salita? Bakit?

Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong maisagawa ang mga Gawaing


nakalaan para sa araw na ito? Bakit?

Mga Sanggunian:
A. Aklat
Aragon, Angelita L., Zenaida S. Badua. Bagong Filipino 4. 1999. p. 2

B. Internet
(https://www.slideshare.net/n)
Downloaded Material - FILIPINO GRADE 5 K-12 ALAB FILIPINO 1ST QUARTER
WEEK 3 ni: Hercules Valenzuela

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

101
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. malungkot
2. masaya
3. malungkot
4. galit
5. natutuwa

Gawain 2
Tono Damdamin
1. masaya tuwa/saya
2. nagagalit galit
3. malungkot lungkot/pag-aalangan

Gawain 3
1. Kahulugan: pagsinta, pagmamahal, paggiliw
tono: masaya
damdamin: tuwa/saya
2. Kahulugan: paniniwala
tono: seryoso
damdamin: lungkot
3. Kahulugan: pagtago ng damdamin o ekspresyon ng mukha
tono: masaya
damdamin: pag-asa o lakas ng loob
4. Kahulugan: taong iba iba ang katangian o pagkakaiba
tono: malungkot, nababahala
damdamin: lungkot, pagkabahala

SHIRLEY B. HORTIZ
EVELYN F. COME
HERMINIA ALICIA N. GECHA
Mga May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

102
FILIPINO 5
Pangalan: Lebel:

Sekyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pamilyar at Di- Pamilyar na Salita: Kahulugan ng Tambalang Salita

Panimula (Susing Konsepto)

Paano mo ba nalalaman ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-


pamilyar sa iyo? Maaring ang sagot mo ay sa tulong ng diksiyonaryo o kaya’y
sa pamamagitan ng context clues at iba pang pamamaraan. Tama, tama ka
sa iyong mga binanggit. Alam mo bang sa araw na ito ay may gawaing
nakalaan para sa iyo kaugnay ng pagbibigay kahulugan sa mga tambalang
salita?

Naaalala mo pa ba ang mga tambalang salita? Ang tambalang salita ay


binubuo ng dalawang salitang magkaiba o mahigit pang salita na pinagsama
upang makabuo ng isang salita. Minsan, ang pinagtatambal na salita ay
nananatili ang literal na kahulugan ng bawat salita. May pagkakataon ding
ang literal na kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal ay nawawala at
nagkakaroon na ng ibang kahulugan.

Katuturan ng Tambalang Salita

May mga tambalang salita na taglay ang kahulugan ng dalawang salita.


Gitling ang ipinapalit sa mga kataga o salitang nawawala sa pagitan ng
dalawang salita.

Halimbawa: dalagang-bukid – dalagang tagabukid

May mga tambalang salita na nawawala ang sariling kahulugan ng


pinagtambal na mga salita. Nagkakaroon ito ng ibang kahulugan.

Halimbawa: dalagangbukid - isda (isang uri ng isda)


kapitbahay - katabing bahay, kasunod na bahay
hampaslupa - walang hanapbuhay

Ginigitlingan rin ang tambalang salita kung ang unang salita ay


nagtatapos sa katinig at ang ikalawang salita ay nagsisimula sa patinig.

Halimbawa: madaling-araw -mag-uumaga na


tubig-alat -tubig sa dagat, maalat na tubig

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

103
Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nabibigyang kahulugan ang tambalang salita. (F5PT-IIe-4.3)


Panuto: Upang lalong malinang ang iyong kakayahan, ang mga gawain sa
ibaba ay sadyang inihanda para sa iyo. Sagutin ito nang maayos.
Gawain 1.
Panuto: Pamilyar ka siguro sa larong 4 Pics One Word di ba? Ang laro naman
natin ngayon ay tatawagin nating 2 Pics One Word. May dalawang larawan
kang makikita sa bawat bilang, pagsamahin ito upang makabuo ng
tambalang salita at pagkatapos mong buuin ay subukan mong ibigay ang
kahulugan ng nabuo mong salita.

Larawan 1 Larawan 2 Nabuong Salita


Kahulugan

1.

2.

3.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

104
Gawain 2.
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng may
salungguhit na tambalang salita.

1. Bukang-liwayway na nang umuwi ang mga mangingisda galing sa


magdamag na pangingisda sa laot
Kahulugan
2. Makulay ang lumabas na bahaghari matapos umambon at sumikat
ang araw.
Kahulugan

3. Masarap matulog si Marlon, parang hipong-tulog kaya madalas siya’y


kinakailangang gisingin pa.
Kahulugan

4. Tahimik sa paligid at kahit boses-ipis si Marian ay maririnig pa rin


siya. Kahulugan

5. Hindi na talaga magbabago si Jojie, labas-masok na mga siya sa


bilangguan patuloy pa rin siya sa kaniyang masamang bisyo at gawain.
Kahulugan

Gawain 3.
Panuto: Buuin ang mga tambalang salita na nasa Hanay A at B.
Pagdugtungin ito ng guhit. Pagkatapos, ibigay ang kahulugan ng nabuong
tambalang salita at gamitin ito sa sariling pangungusap.

Hanay A Hanay B
1. kapit A. pinggan
2. balitang B. mamon
3. di makabasag C. tuko
4. pusong D. pugad
5. naniningalang E. kutsero

Sagot:
Nabuong Salita Kahulugan
1.
2.
3.
4.
5.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

105
Sariling Pangungusap
1.

2.

3.

4.

5.

Rubrik:
Lagyan ng tsek (/) ang espasyo na naglalarawan kung paano mo ginawa ang
gawain.

1 - Nangangailangan ng tulong
2 - May kaunting kahusayan
3 - Mahusay

Rubrik sa Pagsulat ng Pangungusap


Mga Gawain 1 2 3
1. Buo ang diwa ng bawat pangungusap na
isinulat ko.
2. Gumamit ako ng malaking titik sa
unang titik ng simula at mga
pangngalan sa pangungusap.
3. Wasto ang pagkakasulat ko ng bawat
titik ng mga salita.
4. Wasto ang bantas na ginamit ko sa lahat
ng mga isinulat na pangungusap.
5. Malinis, maayos, at walang bura ang
mga isinulat kong pangungusap.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

106
Repleksiyon
Panuto: Sagutin ang katanungan sa ibaba batay sa hinihinging
impormasyon.

Ano ang pinakamahalagang kasanayan ang natutunan mo sa mga


gawaing iyong isinakatuparan?

Ano ang tambalang salita?

Napayaman ba ng mga gawain ang iyong kaalaman sa pagbibigay kahulugan


sa mga tambalang salita?

Mga Sanggunian
Banlaygas, Emilia L., Eleanor D. Antonio, Shery D. Antonio, Evangeline
M. Dallo. Yamang Filipino 4. 2017. p. 25
Belvez, Paz M. Landas sa Pagbasa 6. 2008. pp. 119-120
Lalunio, Lydia P., Francisca G. Ril, Ma. Victoria A. Gugol, Patrocinio
V. Villafuerte. Hiyas sa Pagbasa 4. 2010. pp.53, 59, 71, 102-103,
121

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. batang kalye o batang lansangan
2. balat-sibuyas
3. lakad-pagong
Gawain 2
Tambalang Salita Kahulugan
1. bukang-liwayway umaga, magliliwanag na
2. bahaghari nakabalantok sa langit na may iba’t
ibang kulay
3. hipong-tulog mahimbing ang tulog

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

107
4. boses-ipis mahina ang boses,
5. labas-masok pabalik-balik

Gawain 3
Nabuong Tambalang Salita Kahulugan
1. kapit-tuko mahigpit ang kapit
2. balitang kutsero tsismis, sabi-sabi, walang
katotohanan
3. di makabasag pinggan walang kibo, tahimik
4. pusong mamon madaling lumambot
5. naniningalang-pugad nanliligaw

SHIRLEY B. HORTIZ
EVELYN F. COME
HERMINIA ALICIA N. GECHA
Mga May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

108
FILIPINO 5
Pangalan: Lebel:

Sekyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pagbibigay-kahulugan sa Bar Graph, Pie Graph at Talahanayan

Panimula (Susing Konsepto)

Araw-araw ba ay may baon ka na pera? Saan-saan mo ginagamit ang


iyong baong pera? Marunong ka bang mag-budget? Paano mo mapagkakasya
ang iyong pera sa isang araw? Mayroon ka bang naitatabi sa araw-araw?
Magkano?
Ang daming tanong na kailangan mong sagutin di ba? Mahirap sagutin
dahil wala kang nakahandang batayan ng iyong isasagot.
Alam mo ba na may paraan upang madali mong masagot ang mga ito?
Ito ay sa pamamagitan ng graph o mga talahanayan. Ano nga ba ang graph
at talahanayan?
Ang graph at talahanayan ay representasyon ng mahahalagang tala. Sa
pamamagitan ng mga ito ay nakikita agad ang mga mahahalagang datos
upang masagot ang mga mahahalagang detalye kaugnay ng isang paksa o
kaalaman, mga kagamitan sila sa pagkatuto na naglalahad ng mga baga-
bagay na maaaring pag-ugnayin upang mabuo ang isang kaisipan. May iba’t
ibang uri ng graph tulad ng sumusunod:

1. Line Graph – Ito ay nagpapakita ng pagbabago sa halaga o dami o


nagpapakita ng mahahalagang impormasyon o datos sa pamamagitan
ng linya.
Halimbawa:

Bilang ng Reproduksyon ng E. Coli Bacteria


sa loob ng sampung oras
Bilang ng E.Coli
Bacteria

Oras

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

109
2. Bar Graph – Ito ay nagpapakita ng paghahambing ng dami sa
pamamagitan ng paggamit ng bar.
Halimbawa:

3. Pictograph – Ito rin ay graph na naghahambing ng dami sa tulong ng


mga larawan.
Halimbawa:

Bilang ng Nakaing Kendi

Edmund ֍֍֍֍
Howell ֍֍
Gael ֍֍֍֍֍
Markus ֍֍֍
Lonilyn ֍֍֍֍֍֍

Kada ֍ ay Katumbas ng Dalawang Kendi

4. Circle o Pie Graph – Ito ay nagpapakita ng ugnayan ng mga bahagi ng


isang kabuuan.
Halimbawa:

Sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga nilalaman ng graph at mga


talahanayan ay madali mong masuri ang mga impormasyong taglay ng mga
ito at dahil dito ay maibibigay mo ang kahulugan ng mga ito.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

110
Kasanayang Pamgpagkatuto at Koda
Nabibigyang-kahulugan ang bar graph, pie, talahanayan at iba. (F5ED-If-g-
2)

Panuto: Upang lalong malinang ang iyong kakayahan, ang mga gawain sa
ibaba ay sadyang inihanda para sa iyo. Sagutin ito nang maayos.
Gawain 1
Ang Kasanayang Pampagkatuto na ito ay nakadisenyo na Gawain para sa
dalawang araw. Basahin at sundin ang mga panuto sa bawat gawain ng hindi
malihis sa tama

Panuto: Pag-aralan ang nilalaman ng Pie Graph at sagutin ang mga tanong
kaugnay dito.

Lingguhang Badyet ni Maica sa Pagpasok sa Paaralan


Kagmitan sa
Ipon 10% Paaralan 15%
(50.00) (75.00)
Transportasyon
25%
(125.00) Pagkain sa Paaralan
30%
Bayarin sa Paaralan (150.00)
20%
(100.00)
Kagamitan sa Paaralan 15% Pagkain sa Paaralan 30% Bayarin sa Paaralan 20%
Transportasyon 25% Ipon 10%

1. Tungkol saan ang pie graph?


Sagot:

2. Aling bahagi ang may pinakamalaking pinagkakagastusan ni Maica?


Sagot:

3. Aling bahagi naman ang may pinakamaliit na pinagkakagastusan ni


Maica?
Sagot:

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

111
4. Magkano ang baon ni Maica sa loob ng isang Linggo?
Sagot:

5. Mayroon bang natitipid si Maica mula sa kaniyang baon sa loob ng isang


Linggo? Magkano?
Sagot:

Gawain 2
Panuto: Pag-aralan ang nilalaman ng bar graph sa ibaba at sagutin ang mga
katanungan kaugnay nito.

Marka sa Pagsusulit sa Filipino ng Baitang 5


100
95
95
90
Markang Nakuha

90 87
85 85
85
80
80
75
70
Eva Evelyn Ester Ezra Eden Edward
Mga Mag-aaral

1. Tungkol saan ang bar graph?


Sagot:

2. Sino ang may pinakamataas na nakuhang marka sa pagsusulit?


Sagot:

3. Sino ang may pinakamababang marka na nakuha? Ilan ito?


Sagot:

4. Sino-sino ang mga mag-aaral na nakakuha ng parehas na marka?.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

112
Sagot:

5. Ano ang nais ipakahulugan ng bar graph na ito?


Sagot:

Gawain 3
Panuto: Pag-aralan ang detalyeng nais ipakita ng line graph sa ibaba at
sagutin ang mga tanong kaugnay nito.

Presyo ng Talong sa Pamilihang Bayan bawat Buwan


120
Presyo ng bawat kilo ng Talong

100 100
80 80
70
60 60
kada buwan

40 40
20 20 20
0
MAYO HUNYO HULYO AGOSTO SETYEMBRE OKTUBRE NOBYEMBRE
Buwan

1. Tungkol saan ang line graph?


Sagot:

2. Ano-anong datos ang makikita sa graph?


Sagot:

3. Magkano ang presyo ng talong noong Mayo?


Sagot:

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

113
4. Aling buwan ang nakapagtala ng pinakamataas na presyo ng talong bawat
kilo?
Sagot:

5. Aling buwan ang may pinakamababa o pinakamurang presyo ng talong?


Sagot:

6. Ano ang mapapansin sa presyo ng talong kada buwan?


Sagot:

Repleksiyon
Bilang pagwawakas sa mga gawain, pag-isipan ang iyong natutunan sa
araling ito. Tapusin ang mga pahayag sa ibaba.

Napagtanto ko sa araling ito na

Nasanay ako

Ibig ko pang

Mga Sanggunian

A. Aklat
Banlaygas, Emilia L., Eleanor D. Antonio, Shery D. Antonio, Evangeline
M. Dallo. Yamang Filipino 4. 2017. pp. 224-225
Belvez, Paz M. Landas sa Pagbasa 6. 2008. pp. 194-195

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

114
Lalunio, Lydia P., Francisca G. Ril, Ma. Victoria A. Gugol, Patrocinio
V. Villafuerte. Hiyas sa Pagbasa 4. 2010. pp. 194-195, 205, 210
B. Internet
Pinterest

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. Lingguhang Badyet ni Maica sa Pagpasok sa Paaralan
2. Pagkain sa Paaralan
3. sa ipon
4. P500.00
5. Opo, ito ay P50.00

Gawain 2
1. Marka sa Pagsusulit sa Filipino ng Baitang 5
2. Eden
3. Edward
4. Eva at Ezra
5. Lahat ng mag-aaral ay nakakuha ng mataas o pasadong marka.

Gawain 3

1. Presyo ng Talong sa Pamilihang Bayan kada Buwan


2. halaga o presyo ng talong kada buwan at tala ng mga buwan
3. P20.00
4. Nobyembre
5. Mayo at Hunyo
6. Sa bawat buwan mula Hunyo ay pataas ng pataas ang presyo ng
talong.

SHIRLEY B. HORTIZ
EVELYN F. COME
HERMINIA ALICIA N. GECHA
Mga May-akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

115

You might also like