You are on page 1of 5

MAHULAGPOS SA GAHUM: I HIGAONON NI TELESFORO SUNGKIT JR

Ipinasa ni Roxanne Jane B. Sobebe

PANIMULA

Ayon kay Said, tumutukoy ang orientalismo sa isang uri ng pagtingin sa Asya at sa Gitnang
Silangan kung saan ang parehong lugar, kasama na rin ang mga tao at kulturang nabibilang rito,
ay nakikita bilang “lugar ng romansa, mga kakaibang ninalang, nagmumultuhang alaala, at
tanawin.” Ginagawang katwiran ito ng kulturang kanluranin upang “igapos ang mga kolonyal na
subheto.” Sa madaling salita, binubura ng orientalismo ang tunay na naratibo ng mga mula Asya
at Gitnang Silangan at pinapalitan ng kanluraning pagtingin o imperyalismong pangkultura.
Ayon kay Said, “The most readily accepted designation for Orientalism is an academic one, and
indeed the label still serves in a number of academic institutions. Anyone who teaches, writes
about, or researches the Orient—and this applies whether the person is an anthropologist,
sociologist, historian, or philologist—either in its specific or its general aspects, is an Orientalist,
and what he or she does is Orientalism.” (Said, 2)

Nangangahulugan ito na kahit sinong nag-aaral tungkol sa Orient ay tatawaging Orientalist at


ang pag-aaral o kaisipang ito ay tataguriang bahagi ng Orientalismo. Kung titingnan ay kaiga-
igaya itong tinuran ni Said, ngunit siya na rin mismo ang magbibigay ng limitasyon ng
Orientalismo ayon sa pananaw ng ibang iskolar: “Compared with Oriental studies or area studies,
it is true that the term Orientalism is less preferred by specialists today, both because it is too
vague and general and because it connotes the high-handed executive attitude of nineteenth-
century and early-twentieth-century European colonialism.” (Said, 2)

Ibig sabihin nito, batid rin ni Said na ang terminong “Orientalismo” ay nakatali sa West at sa
Mananakop. Habang isinasandig nito ang sinasabing “pagkatapos ng kolonyalismo,” hindi
naman talaga ito tuluyang tumatakas mula sa kamay ng gamhum ng kolonyalismo. Nakasalpak
pa rin ang Orientalismo sa isang tila anti-imperyalistang kaisipan, ngunit sa aktwal ay kinikilala
na may magandang idinulot ang imperyalismo at kolonyalismo, tulad halimbawa ng “protesta,”
“rebolusyon,” at mga pangkulturang inobasyon at teknolohiya. Ngunit mapanganib ang ganitong
linya ng kaisipan dahil naglalaro ito sa hangganan ng tinatawag na “apologia” o “apology” ng
imperyalismo at kolonyalismo. Parang sinasabi na “Salamat na rin at nasakop tayo dahil kung
hindi ay hindi tatangos ang mga ilong natin.” Ibig lang sabihin ay napakalimitado ng ganitong
pagturan at mapanganib para sa mamamayan at iskolar at manunulat. Bukod sa apologia ito ng
imperyalismo.

POKUS AT LAYUNIN

Layunin ng papel na ito na maipahayag ang kahalagahan ng kultura ng katutubo sa pilipinas,


maibahagi ang kamalayan ng Pilipino sa pagpreserba ng yaman ng kulturang Kaling laban sa
mga mapanglinlang na dayuhan, at maibabahagi sa mambabasa ang diskriminasyong dinanas ng
mga katutubong Pilipino sa kamay ng mananakop at makapagbigay ng magandang aral at gabay
sa mga mambabasa

PANUNURI SA TULANG I HIGAONON

Ang I Higaunon ay isang tula na pinag-uusapan ang pananakop at diskriminasyong


nararanasan ng Tribong Higaonon. Ang kanilang mga paniniwala, gawi, at tribo ay hinatulan at
hindi patas na tinatrato Isang hindi makataong sistema ang kanilang naranasan, kagaya sa
sistemang napagdaan din ng ibang mga katutubo sa panahon ng mga Espanyol. Pilit na pagkuha
sa kanilang mga lupain, ng mga ginto at pagwasak sa mga nakasanayan/nakagawian upang
sundin ang utosng mga dayuhan. Para sa akin, hindi lang mga Higaonon ang nakaranas nito.
Batay sa nabasa kung salin nila Blair at Robertson ng The Philippine Islands,pinagdaanan din ng
ibang mga katutubo ang karahasan mula sa mananakop. Dinadaan nila sa dahas upang madaling
mapasunod ang mga kaawa-awang katutubo. Ang mga hindi susunod sa kanila ay pinapatay.
Nakasaad din sa aklat na nakaranas ng panliligalig ang mga kakabaihan, mga asawa at kapatid na
babae ng mga katutubo. Sapilitang pinagtatrabaho ng kakarampot na halaga o ang mas malala ay
walang ibinibigay na suweldo. Pinagkaitan ng karapatan, karapatan na makapagsalita sa kanilang
saloobin, karapatan na mamuhay ng mapayapa sa sariling bansa.

Isa rin ang isyong lumabas tungkol sa isang sikat na vlogger na si Nusseir yasin na ibinilitang
ginami lang ang tattoo artist na si wang-od para sa sariling interes nito

Ano ang kinalaman ng pag-aaral ko sa konseptong post-kolonyal ni Said at sa isyung


kinasasangkutan ng Nas Daily at Whang-Od?

Kung ang pakay ni Yassin ay ang pagpreserba o ingatan ang yaman ng kulturang Kalinga at
Pinoy, ito’y mabuti. Dahil ang kulturang Pinoy ay madalas na ipinapasa sa oral na pamamaraan,
ang kilalang paraan ng pagta-tattoo ni Whang-Od ay hindi mamamatay nang basta-basta dahil
ang Nas Academy naman ay isang online educational platform. Sa katunayan, mas maraming tao
pa ang magkakaroon ng interes dito at, higit sa lahat, hindi mawawala sa alaala ito dahil
maraming tao ang matututo sa paggawa nito. Ngunit, kung ang tanging pakay niya ay ang
paggamit nito upang lumawak ang” reach online” ng Nas Daily at Nas Academy, magkakaroon
ng komodipikasyon ang kulturang Pinoy. Maski ang mga Pinoy na subscriber at viewer ni Nuseir
ay magiging kabahagi nito. Sa lakas ba naman ng puwersang #PinoyPride o #GalingPinoy
online, hindi makakaila na malaki ang boost sa mga content ng mga influencer o vlogger tulad ni
Yassin sa mga platform tulad ng Facebook o YouTube. Kung anuman ang magiging o naging
nilalaman ng mga instructional video ng Nas Academy ukol sa “itinuro ni Whang-Od na
tradisyunal na pagta-tattoo,” masasabing buhay na buhay ang orientalismo rito. Hindi lamang
mabubura ang naratibong Kalinga o Pinoy; kikita pa si Yassin. Ironic lamang na mula Gitnang
Silangan si Nuseir Yassin. Isa siyang Palestinong lumaki at tumira sa Israel, US, Singapore, at
UAE. Dapat klaro sa kamalayan niya ang pagtatalakay ng kulturang hindi niya kinabibilangan

ANALYSIS
Ang tula ay umiikot sa mga paghihirap ng tribong Higaonon bilang kanilang pagkakakilanlan
at ang kultura ay nadungisan ng mga dayuhang kolonisador. Pinatitibay nito ang katotohanang
higit ang naidulot ng kolonisasyon negatibong epekto kaysa benepisyo sa lumad.

Sa unang saknong ng tula, isinalaysay ng tao kung paano kinukutya ng mga kolonisador ang
mga gawaing panrelihiyon ng mga Higaonon at lagyan ng label ang kanilang mga relihiyosong
pigura bilang masama sa pagsisikap na ma-convert sila sa Kristiyanismo. Ako ay tinawag mong
pagano, sabi mo ang pagano ay masamang tao. Sabi mo Christian ka at Christian mabubuting
tao. Tumawa ka lumuhod ako sa malaking bato o nagdadasal ako sa harap ng malaking puno.
Galit ka tinawagan ko si Migbaya, sabi mo my Ang Diyos ay diyablo.

Ang sumunod na saknong ay naglalarawan sa mga kolonisador sa power trip na nagresulta sa


pagkamatay at mga pang-aabuso sa mga Higaonon. Nagagalit ako na pinatay mo ang aking mga
datu, nagagalit ako na sinunog mo ang aking bahay, nagagalit ako sa iyo mahal ko, nagagalit ako
nakuha mo ang aking sakop, ngunit sabi mo dapat kong malaman ang demokrasya. Sabi mo alam
demokrasya pero ikaw ang nag-uutos sa lahat ng sinasabi mo Hindi ako nagsasalita sa iyo pilit na
nakatira ako malapit sa mga plantasyon Ginagawa Mo kaming lahat na sakop pinapatay mo ang
mga kapatid ko na hindi ka gusto

Ang huling pako sa kabaong ay kapag tinanong ng mga Higaonon ang kanilang sariling
pagkakakilanlan at lugar sa kanilang sariling lupain dahil nagbabantang ma-suffocate ito sa mga
dayuhang impluwensya ng mga kolonisador. pagan ako? Ako ganid? ako kuya?

KONKLUSYON

Sa kabuoan, Ang orientalismo ay hindi bagong konsepto. Ito ay naging bahagi ng ating sariling
madugong kasaysayan na puno ng kahirapan at paghihinagpis sa ilalim ng mga Kastila,
Amerikano, at Hapones; kaya naman, mahalaga na tayo mismo ang nakakakita nito. Mahalaga
rin na matukoy ito at tugunan dahil nakababahala ang pagtrato nang ganito sa ating sariling
kultura. Dapat maging kritikal. Karapat-dapat lamang na pakitunguhan ng may dangal at
paggalang ang kulturang Pinoy, kahit na ito ay kakaiba kumpara sa iba pang mga kultura sa iba’t
ibang panig ng mundo.Sa buhay natin mararamdaman din natin kung ano ang nararamdaman ng
persona sa panahon niya, maaari din nating harapin diskriminasyon at panghuhusga lalo na sa
ating hitsura, tribo, kultura at paniniwala. Sa panahon ngayon, marami nawawalan ng tiwala sa
sarili ang mga tao dahil sa mga taong nakapaligid sa atin na patuloy na naglalagay sa atin
pababa, marami ang dumanas ng depresyon dahil sa masamang gawaing ito. Alam nating lahat
na ang pagiging mapanghusga at discriminasyon ang pinakamasakit na mararamdaman mo, para
hindi tayo manghusga ng ibang tao dahil tayo ay nilikha ng Diyos at lahat tayo ay malayang
ipakita kung ano tayo, kung ano ang ating mga paniniwala, gawi at kultura at malayang ipakita
kung sino tayo. Ang pagiging natatangi natin ay hinding-hindi magiging batayan niyan maaari
nating pababain ang mga tao ng iba nang tama

You might also like