You are on page 1of 5

Scarlet S.

Teves PAN114 B5

KOMPREHENSIBONG PAGSUSULIT

INTRODUKSYON

Sa isang lipunan, hindi mawawala ang pagkakaroon ng hidwaan lalong lalo na kapag
iba't iba ang iyong pinaniniwalaan, kultura, pamamalakad at uri ng pamumuhay. Sa isang magkalapit na
lugar, nito lamang umusbong ang gulong nangyayari sa pagitan ng Palestine at Israel. Samu't saring mga
balita sa iba't ibang larangan ng pahayagan ang kumalat patungkol sa hidwaang ito at hindi ko
mapigilang maging kuryoso kung bakit kinakailangan pang gawing miserable ang buhay ng bawat isa.
Marahil ang hidwaang ito ay tumatalakay sa usapin ng politika, pag-aangkin ng teritoryo o ang pagkitil ng
inosenteng buhay. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, alam natin na ang hidwaang ito ay hindi lamang
nakapokus sa teritoryo, usapin na rin ito ng pagkakawala ng karapatan ng sangkatauhan. Kasama na rito
ang mga walang muwang na mga bata't paslit na walang awang pinatay pati na rin ang mga inosenteng
mamamayan na may pangarap sa buhay. Sa pagdedeklara ng Israel ng digmaan mula sa Gaza Strip
pagkatapos ng hindi pa naganap na pag-atake ng armadong Palestinian group na kung tawagin ay
Hamas, ang sangkatauhan, mula sa labas hanggang sa loob, maging sa Pilipinas, lalong lalo na sa
kapuloan ng Mindanao na pulo kung saan halos naninirahan ay ating mga kapatirang Muslim o Meranao,
ay muling nakatuon sa kung ano ang maaaring susunod at may katapusan nga ba ang kaguluhang ito.
Kung tutuusin, noon pa ito naging mainit na usapin sa kanila sapagkat may kaalaman na tayo kung ano
nga ba ang pinagmunulan ng lugar sa mga Israel, ito ay ang pinagmulan din ng kanilang sinasamba, si
Jesus Christ. Isa itong lugar na banal sapagkat sa Israel din nagsimula ang mga pangyayari na makikita sa
Bibliya. Nagawa na rin ng Israel na kontrolin ang mga maliliit na bansa noon pa man at sa tingin ko rin ay
walang sinuman ang nararapat na makararanas sa sitwasyong ito. Sa paglipas ng panahon, noong
nagkaroon ng kasundoan o kung tawagin ay Oslo Agreement, ito ay tumutukoy sa kasundoan patungkol
sa pagitan ng Gaza at Israel dahil noon pa man, sa panahon ng ika-19 siglo, marami na talagang mga
Palestinian ang nangangarap na umuwi sa kanilang sariling tinitirhan na ngayon ay tinatawag nang Israel.
Ang Oslo Agreement ay nagsisilbing usapan sa pagitan ng Israel at Palestine na ang border na ginawa
malapit sa Gaza Strip ay pinamamahalaan ng Israel. Para sa akin, masasabi kong hindi patas ang kanilang
pakikipag areglo sapagkat kung tutuusin mayroon naman talagang karapatan ang mga mamamayan na
mamuhay at higit pa roon ay nagkaroon sila ng kasunduan na sila rin mismo ang bumuwag.
Ipinagbabawal ang paglabas-masok sa kanilang teritoryo at higit sa lahat ay limitado ang mga pagkain o
pampalasang kanilang iungkat sa kanilang lugar. Ang mga mamamayang naninirahan sa Palestine ay
walang karapatan sa kahit ano, maging ang karapatan bilang tao ay hindi nabibigyan ng pansin at ang
mga karapatang pampulitika dahil nga kontrolado sila ng Israel. Naging instrumento rin upang
magkaroon ng digmaan ang Israel dahil na rin sa grupong kung tawagin ay Hamas. Sa katunayan, isa
itong organisasyon ng Palestine na kung saan pinapalawak ang kapayapaan sa kanilang lugar, na hindi
rin natin masisisi kung bakit nila nagawang maghimagsik sapagkat ginawa nila iyon iupang ipaghiganti
ang kasamaang nagawa ng mga mananakop sa kanila. May mga tagapagtaguyod ng kapayapaan sa
Palestine at ito ay naiiba sa Hamas sapagkat ordinaryong sibilyan lamang ang namamahala sa usapin ng
pag-iingat ng buhay ng mga Palestinian. At sa aking pananaw, bilang isang ordinaryong mamamayan,
walang masamang intensyon ang paghihimagsik ng Hamas, dahil dulot ito ng walang sawang
pagmamaltrato ng mga Israelitas at iyon ang kanilang naging panangga.

TALAKAY SA PAKSA

Batid kong ang bawat isa sa amin ay nagkaroon na ng kaalaman sapagkat itinalakay na
namin ito sa klase, ngunit bilang karagdagan lamang impormasyon ay nais kong bigyan ng malalim na
pagpapaliwanag patungkol sa nangyayaring gulo sa pagitan ng Israel at Palestine. Unang una, sa usapin
ni Edward Said, sa kaniyang konsepto ng Orientalismo, makikita na natin na mayroon talagang
koneksyon ang konsepto niya sa nangyayaring gulo ngayon. Lalong lalo na sa usapin ng post-kolonyal, na
kung saan sangkot ang mananakop at nasasakupan. Sa kahulugan ng konsepto ni Said, tumatalakay ito
sa pananaw ng mga Kanluranin. Hindi lamang ito tumutukoy patungkol sa sa Orient bilang ginagawan ng
pangungusap, inilalarawan, tinuturuan at pinamumunuan bagkus ito ay nangangahulugan ding
pagkakaroon ng pangingibabaw, muling pagsasaayos at pagkakaroon ng awtoridad o pagkontrol sa mga
lugar na nasasakupan ng Orient. Kung bibigyan natin ng halimbawa ang Orientalismo ni Said na labas sa
usapan ng Palestine at Israel, masasabi kong halimbawa rin nito ang stereotyping na ugali ng mga
Western sa mga Pilipino, o kahit ang ating mga kapwa Pilipino na naging dulot din ng stereotyping sa
mga taong naninirahan sa kabukiran. Sa usapin ng gulo sa pagitan ng Israel at Palestine, para sa akin,
kung sila ang ating gagawing halimbawa, ang Palestine ang nagsisilbing Orient at ang Occident naman
ang Israel. Ang Israel ay bumubuo ng sarili nilang kaisipan o pananaw mula sa Palestine, sa pamamagitan
ng kung paano sila kinontrol, kinuha ang teritoryong dapat ay sa kanila, at kung paano nililimitahan ang
kanilang kilos at galaw. Ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapalaganap
ng paglaho ng karapatan at pagkakaroon ng sariling pananaw sa bansang nais nilang sakupin, ang
Palestine. Sa usapin ng Orientalismo, pangunahing pokus talaga ang Palestine dito dahil sa tingin ko ay
sila ang mas naaapektuhan, sila ang kinakawawa at higit pa roon ay sila ang kinukunan ng karapatan na
dapat ay nararanasan nila sa kanilang pamumuhay. Nito ko lang rin nalaman batay sa diskusyon na
naganap sa klase namin sa GEC109 at mula sa aking pananaliksik, ang Palestine ay maituturing na isang
estado, ngunit hindi isang bansa. Ito ay isa lamang lugar na hindi nakikita sa mapa, kung kaya’t estado
lamang ito at hindi matatawag na bansa, na nagdudulot din na ang lugar na ito ay malaya sa karapatang
pantao, ngunit hindi tuwirang malaya mula sa kamay ng nasasakupan. Isinaad sa aklat ni Edward Said na
ang mga Kanluranin, particular na ang mga taong naninirahan sa America, ay higit na naiiba mula sa mga
lugar ng Silangan, halimbawa ay ang China, Japan at Pilipinas sapagkat sa kanila mismo nagsisimula ang
konsepto ng Orientalismo, at ang Orient na tinutukoy ni Edward Said ay ang mga Silangan mismo. Kaya
ngayon, naging dahilan marahil na hindi naging malaya ang Palestine mula sa kamay ng mga mananakop
ay dahil hindi ito nagkaroon ng maayos na pamamalakad. Naging madali para sa Israel na kontrolin sila
sapagkat wala itong pormal na mga taong mamamahala sa kanilang lugar kaya naman sa usapin ng
bayan o bansa, walang sapat na kahulugan para ating matawag na bansa ang Palestine dahil mismo sila
ay inaangkin na rin ng Israel at masasabi kong higit na masalimuot ang kanilang nararanasan. Sa usapin
ni Homi Bhaba, na Mimicry, Boundaries at Differences ay maituturing din na may ugnayan sa tunggalian
ng Palestine at Israel. Sa usapin ng Mimicry, masasabi kong ang konsepto ng Mimicry ay binubusisi ni
Homi K. Bhabha sa usapin pa rin ng kolonisasyon o kung ating tawagin ay ang epekto ng kolonisasyon sa
isang partikular na kultura na sa tingin ko rin ay may mahigpit na kaugnayan sa kaguluhang nangyayari
ngayon. Ang konsepto ng mimicry o pag mimic ay tumutukoy sa paraan ng panggagaya o pagkopya ng
isang kultura, wika, o tradisyon ng isang partikular na kolonyalista. Ito rin ay tumutukoy sa pilit na
pagbabalik o sa Ingles ay pagre- reform ng isang nawalang kultura, ngunit mapapansin pa rin ang
pagkakaiba nito. Kung bibigyan natin ng halimbawa, kapag ang isang kultura ay nade-decolonize, pilit
itong ibabalik sa dati na maaaring maibabalik naman ngunit kung papansinin mo nang mabuti ay
makikita mong may pagkakaiba nang nagaganap. Ngunit kung atin itong susuriin nang mabuti gamit ang
lente ng post-kolonyal kasabay ng kaisipan ni Homi K. Bhabha na Mimicry, masasabi kong nagkakaroon
na ng dekolonisasyon ang Palestine, hindi lamang sa usapin ng pagkawala ng kanilang kultura, ngunit sa
usapin ng kanilang pamumuhay bilang isang karaniwang tao, na kahit noon bago pa sila tuluyang
nawasak ng Israel ay ang kanilang pamumuhay ay hindi man ganoon karangya ngunit maituturing pa rin
na normal. Ngunit sa sitwasyong kanilang nararanasan ngayon, batid kong mahihirapan silang ibalik ang
dati nilang pamumuhay dahil na rin sa tuluyang pagkasira ng kanilang kinatitirhan, kabuhayan at lalong
lalo na ang kanilang karapatan bilang isang tao. At kung sakali mang nanaisin nilang balikin ang kanilang
nakasanayan na pamumuhay, nagkakaroon pa rin ito ng hadlang sa kung saan papasok dito ang usapin
ng re-membering at remembering na kaisipan ni Michel Focault. Ang nangyayari ngayon sa pagitan ng
dalawang lugar ay nagkakaroon na rin ng decolonizing process, isang proseso na kung saan nawawala
ang nakasanayan, tuluyang naglaho ang pamamalakad ng kanilang pamumuhay, pati na rin ang
pagbabalewala ng kanilang sariling identidad na dulot din ito ng kolonisasyon. Kaya sa decolonizing
process, maaaring hindi na maibabalik ang nakasanayang pamumuhay ng mga Palestinian at kung nais
nila itong ibalik ay tuluyan itong babagsak sa kung tawagin natin ay Mimicry. Sa usapin naman ng
boundaries, kung bibigyan natin ito ng kahulugan, ito ay Ang terminong Differences ay simpleng
tumutukoy lamang sa pagkakaiba. Mula sa differences ipinapakita rito ang iba't ibang natatangi ng
isang kultura, na kung saan ang bawat kultura ay nagkakaroon ng natatangi nilang pagkakaiba. Alam
naman natin kung gaano talaga naiiba ang Palestine and Israel, sa katotohanang ang Palestine ay
nabibilang sa mga Islamic countries o lugar na ang pananampalataya ay Islam samantala sa Israel, isang
Katolikong lugar na kung saan pinaniniwalaang dito nagmula ang buhay ni Jesus Christ. Bagaman
nagkakaroon ng pagkakaiba, ay hindi mawawala ang boundaries na tinutukoy ni Homi K. Bhabha sa
kaniyang kaisipan na kung saan ito rin ay nangangahulugang mga pagitan na maaaring maging hadlang
upang ang isang lipunan ay hindi tuluyang masakop ng mga dayuhan o Kanluranin. Sa aking pananaw,
konektado talaga ang lahat ng ito sa kung ano mang nangyayari sa gulong namamamagitan sa Israel at
Palestine dahil kung ating titignan ito sa lente ng post-kolonyalismo, pati na rin ang bagong historisismo
na aming natalakay sa PAN113. na kung saan ang lahat ng bagay ay may kaakibat na karanasan sa
nakaraan. Dahil dito, mas masasabi ko na noon pa man talaga ay masalimuot ang buhay na nararanasan
ng mga Palestine, mula sa kamay ng mga Israel. Kung atin itong iuugnay sa konsepto naman ni Spivak, sa
kaniyang konsepto rin ng mga subaltern classes. Ang subaltern classes, kung bibigyan natin ng
pagpapakahulugan, tumutukoy lamang ito sa mga taong nasa mababang lipunan, mga mahihirap, mga
walang boses, at higit sa lahat mga taong kung tawagin natin sa Ingles ay ‘oppressed’. Sa Pilipinas, kung
bibigyan natin ito ng halimbawa naman mula sa ating bansa, sila ang tinutukoy na mga mahihirap sa
lipunan, mga walang lakas na loob na maglahad ng kanilang mga opinyon patungkol sa kanilang mga
hinaing dahil na rin mismo ang mga nasa matataas na lipunan ay hindi rin binibigyang tuon at isinaalang
alang ang mga boses na ito. Ipagpalagay natin ang mga Palestinian bilang mga kasapi ng subaltern
classes at ang Israel ang siyang dahilan kung bakit sila nagiging ganito. Dagdagan pa natin ang isyu
patungkol sa America, na kinikilala bilang kasapi ng Kanluran, ay nasa likod din ng pagbobomba sa Gaza.
Mula sa impormasyong ito, mahihinuha natin na konektado ang lahat ng kaisipan lalong lalo na kay
Said, ang Palestine ang nagsisilbing Orient, at ang Israel ang Occident na pinamumunuan na rin ng
America bilang isang Occident. Patungkol naman sa isyu ng genocide, ang tinatawag sa isinagawa ng
mga Israelitas ay higit na hindi makatao. Sa usapin ng pagpapapatay ng higit na libong daang inosenteng
tao, pagwasak ng kanilang teritoryo na alam naman nating kanila talaga iyon. Mula sa mga kaisipang ito,
masasabi kong may koneksyon ang bawat kaisipan sa nangyayari at hindi ito dapat isawalang bahala
dahil usapin na ito ng pagiging tao, karapatan bilang tao, at ang karapatang mamuhay nang normal at
hindi ang buhay na puno ng iyak at pangamba. Hindi makatarungan ang kanilang dinaranas, pati ang
mga batang walang muwang ay nadadamay at napakasakit makita ito sa lahat ng anumang larangan ng
social media platforms. Hindi nararapat maranasan ng mga Palestinian ang nararanasan nila ngayon.

KONGKLUSYON

Bilang pagtatapos sa paksang aking naitalakay,masasabi kong ang nangyayaring gulo sa


pagitan ng Israel at Palestine ay hindi lamang tungkol sa usapin ng pag-aangkin ng teritoryo, kundi kasali
na rito ang usapin ng pag-aangkin ng kultura, pamumuhay, at karapatan bilang isang tao. Hindi
makatarungan ang sinapit ng bawat Palestinian ngayon, maging ang mga batang inosenteng
namumuhay ay nadadamay dahil sa gulong ito na hindi naman nararapat. Kagaya ng aking nabanggit,
noon pa man ay mayroon na talagang isyu sa pagitan ng dalawang magkaibang lugar ngunit
mananatiling malaking katanungan kung kailan matatapos ang gulong ito. Ang isyung ito ay palaisipan pa
rin kung kailan titigil at hihinto lalong lalo na dahil isa rin sa pinapanigan ng Israel ay mga malalaking
bansa. Ang mga Israelites ay patuloy na naglalagay ng patibong at sa kabilang banda, ang mga
Palestinian, na walang ibang sinisigaw kung hindi ang pantay na pag-asa at kapayapaan sa kanilang
isipan. Nawa'y makamit ang kalayaan at kapayapaan ang kung sino mang naaapi.

You might also like