You are on page 1of 2

Gender Roles sa Pilipinas

Panahong Pre-Kolonyal

Ang mga datos pang-kasaysayan ay nagpapakita na ang kababaihan sa Pilipinas noon maging ito man ay kabilang sa
pinakamataas na uri o sa uring timawa, ay pagmamay-ari ng mga lalaki. Patunay nito ang pagkakaroon ng mga binukot at
pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay mga babae na itinatago sa mata ng publiko.

Itinuturing silang prinsesa. Hindi sila pinapayagang umapak sa lupa at hindi pinapayagang makita ng kalalakihan hanggang sa
magdalaga. Ito ay isang kultural na kasanayan sa Panay.

Bago dumating ang mga Espanyol, ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa
subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki.
Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatan na tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.

Paano naman winawakasan ang pagkakatali sa kasal noon? Bagamat kapwa pinapayagan noon ang babae at lalaki na
hiwalayan ang kanilang asawa, mayroon pa ring makikitang pagkiling sa mga lalaki. Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang
kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa pahahon ng kanilang
pagsasama. Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kanyang asawa, wala siyang makukuhang anumang
pag-aari.

Base mga kaso na naobserbahan mo Dr. Lordes Lapuz, binanggit niya bilang konklusyon sa kanyang aklat na A Study of
Psychopathology and Filipino Marriages in Crises na:

Filipinas are brought up to fear men and some never escape the feelings of inferiority that upbringing creates.

Idinagdag pa ni Emelda Driscoll (2011) na sa loob ng pamilya, ang mga Pilipina ay lumalaking tinitingnan bilang siyang
pinagmumulan ng kapangyarihan sa pamilya.

Panahon ng Espanyol

Inilarawan naman ni Emelina Ragaza Garcia, sumulat ng akdang Position of Women in the Philippines, ang posisyon ng
kababaihan sa Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol:

Reared and trained primarily for motherhood or for the religious life, her education principally undertaken under the
supervision of priests and nuns. Being economically dependent on her men folk, she had to be subservient to them. Held out
as an example was the diffident, chaste, and half-educated woman, whose all-consuming preoccupation was to save her soul
from perdition and her body from the clutches of the devil incarnate in man. (Garcia,)

Makikita mula sa pag-aaral ni Garcia na limitado pa rin ang karapatang taglay ng kababaihan sa panahon ng mga Espanyol.
Ito ay dahil sa sistemang legal na dinala ng mga Espanyol sa bansa ay nakabatay sa kanilang batas na tinitingnan ang
kababaihan na mas mababa kaysa sa kalalakihan.

Ngunit sa Panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina ring nagpakita ng kanilang kabayanihan gaya ni Gabriela Silang. Nang
mamatay ang kanyang asawang si Diego Silang, nag-alsa siya upang labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol. Gayundin, sa
panahon ng Rebolusyon ng 1896, may mga Katipunera tulad nina Marina Dizon na tumulong sa adhikain ng mga katipunero
na labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.
Panahon ng Amerikano

Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas. Sa
pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming
kababaihan ang nakapag-aral.

Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan. Ang isyu
ng pagboto ng kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang espesyal na plebesito na ginanap noong Abril 30,
1937. 90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan. Ito ang simula ng pakikilahok ng
kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika.

Panahon ng Hapones

Dumating ang mga Hapones sa bansa sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kababaihan sa panahong ito ay
kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga Hapones.
Ang kababaihan na nagpapatuloy ng kanilang karera na dahilan ng kanilang pag-iwan sa tahanan ay hindi ligtas sa ganitong
gawain.
Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga gawaing-bahay.

Kasalukuyang Panahon

Sa kasalukuyan, marami nang pagkilos at batas ang isinusulong upang mapagkalooban ng pantay na karapatan sa trabaho at
lipunan ang mga babae, lalaki at LGBT.

You might also like