You are on page 1of 1

Paksa: Gender Roles sa Pilipinas

GENDER ROLES
- Ang itinakdang mga pamantayan na tinatanggap ng karamihan bilang basehan ng pagiging babae o
lalaki.
GENDER ROLES SA PILIPINAS SA IBA’T IBANG PANAHON
PANAHONG PRE-KOLONYAL
 Ang mga kababaihan sa Pilipinas noon, maging ito man ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa uring
TIMAWA, ay pagmamay-ari ng mga lalaki.
- Halimbawa na ang mga BINUKOT o ang mga babaeng itinatago sa mata ng publiko. Itinuturing
silang prinsesa.
BOXER CODEX
 Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa.
- Maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong may
kasamang ibang lalaki.
 Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng
pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya.
- Subalit kapag ang magnanais na hiwalayan ang kanyang asawa, wala siyang makukuhang
anumang pag-aari.
PANAHON NG MGA ESPANYOL
 “Filipinas are brought up to fear men and some never escape the feelings of inferiority that upbringing
creates.” – Dr. Lordes Lapuz (A study of Psychopathology and Filipino Marriages in Crises)
 Ayon kay Emelda Driscoll (2011), “Sa loob ng pamilya, ang mga Pilipina ay lumalaking tinitingnan
bilang siyang pinagmumulan ng kapangyarihan sa pamilya.”
 Ayon kay Emelina Ragaza Garcia – Position of Women in the Philippines, makikita mula sa pag-aaral
ni Garcia na limited pa rin ang karapatang taglay ng kababaihan sa panahon ng mga Espanyol. Ito ay
dahil sa sistemang legal na dinala ng mga Espanyol sa bansa ay nakabatay sa kanilang batas na
tinitingnan ang kababaihan na mas mababa kaysa sa kalalakihan.
PANAHON NG MGA AMERIKANO
 Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o
mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral.
 Ang isyu ng pagboto ng kabbaihan sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang plebesito na
ginanap noong Abril 30, 1937. 90% ng mga bumuto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa pagboto ng
kababaihan.
PANAHON NG MGA HAPONES
 Dumating ang mga Hapones sa bansa sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang
kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga Hapones.
 Ang kababaihan na nagpapatuloy ng kanilang karera na dahilan ng kanilang pag-iwan sa tahanan ay
hindi ligtas sa ganitong gawain.
PANAHON NG KASALUKUYAN
 Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga gawaing-bahay. Sa
kasalukuyan, marami nang pagkilos at batas ang isinusulong upang mapagkalooban ng pantay na
karapatan sa trabaho at lipunan ang mga babae, lalaki at LGBT.

You might also like