You are on page 1of 18

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

PAARALANG GWADWADO
MASTER NG ARTES SA FILIPINO/MAF

______________________________________________________________________

Isang pangangailangan sa asignaturang Paglinag ng Filipino at Pahambing na Pag-


aaral ng mga Pangunahing Wika sa Pilipinas (MAF 601)

Ipinasa Ni:

G. Ferlan V. Pedrozo

Ipinasa Kay:

Prof. Jenalyn Lai

Ika-15 ng Hunyo, 2019

Pagtanaw sa mga Terminolohiyang gamit sa Bahay na Bato ng mga Taga-


Visayas: Pagkilala sa Kasaysayan at Wika
Ferlan V. Pedrozo

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Abstrak

Sa pagbuo ng tahanan, laging magkasangkot ang ariktektura at inhenyeriya.


Ayon kay Karman (1909) “scientist investigate that which already is; engineers create
that which never been” ito ay nagpapatunay na ang inhenyeriya ay paglalapat ng
agham upang matugunan ang pangangailangan ng sangkatauhan. Layunin ng pag-
aaral na ito na maibalangkas ang mga terminolohiya na ginamit sa pagbuo ng Bahay na
Bato at pagsipat na rin sa kasaysayan nito at ang wikang madalas ginagamit sa
pagbuo.

Mga Susing Salita

Bahay na Bato, Visayas, terminolohiya, inhenyeriya, kasaysayan, wika

Ayon kay Abraham Maslow (1970) sa kanyang teorya na “Hierarchy of Need”


kinakailangan ng tao ay mga sumusunod na pangangailangan upang mabuhay. Isa sa
nabanggit ay pisyolohikal na pangangailan na may malaking bahagi sa kanyang
dayaram. Ito ang mga sumusunod: pagkain, tubig, tulog, at tirahan. Ang tirahan ay
nagsisilbing kanlungan ng mga tao upang sila makapagpahinga at taguan sa mga
mababangis na hayop sa gubat. Sa pagbuo ng tahanan, laging magkasangkot ang
ariktektura at inhenyeriya. Ayon kay Karman (1909) “scientist investigate that which
already is; engineers create that which never been” ito ay nagpapatunay na ang
inhenyeriya ay paglalapat ng agham upang matugunan ang pangangailangan ng
sangkatauhan. Nagagawa ito sa pamamagitan ng kaalaman, matematika, siyensiya, at
praktikal na karanasan na nilalapat sa pagdibuho ng mga may gamit na bagay o
proseso. Layunin ng pag-aaral na ito matuklasan ang mga terminolohiyang ginamit sa
pagbuo ng bahay na bato at naging epekto nito sa kasaysayan ng pagbuo ng tirahan ng
isang Pilipino. Ipapakita sa kasalukuyang pananaliksik ang epekto ng wikang ginagamit
sa estado ng pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga kastila.
Magsisilbing tungtungan ito sa mas malalim na pag-unawa sa relasyon ng wika, lipunan
at kulturang namamayani sa yugto ng panahon na ito sa Pilipinas.

Heograpiya ng Visayas

Ang Pilipinas ay isa mga bansang malaya sa timog-silangan asya na may


kabuuang 7,107 na sila at teritorya na tinatayang higit sa 300,000 kilometrong
kuwadrado (sq.km) ang laki. Nahahati ito sa tatlong pangunahing grupo ng isla: Luzon,
Visayas at Mindanao. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) mayroong siyam na
pangunahing wika sa bansa. Ito ang sumusunod: Tagalog, Cebuano, Ilocano,
Hiligaynon, Bicol, Waray, Pampango, Pangasinan at wika ng mga Muslim, samantalang
mayroon naming isandaan at limampu’t limang wika at diyalekto sa Pilipinas. Ang
rehiyon ng Visayas ay binubuo ng Kanlurang Visayas (Western Visayas), Sentral
Visayas (Central Visayas), at Silangang Visayas (Eastern Visayas). Ang Kanlurang
Visayas (Western Visayas) o Region VI ay binubuo ng apat na lalawigan ng Panay, ang
Isla ng Guimaras at ang kanlurang bahagi ng isla ng Negros at ang mga karatig na isla
nito. Ang mga hangganan nito ay ang Visayan Sea sa silangan, ang Cuyo East Pass sa
kanluran, ang Sibuyan Sea at Romblon sa hilaga at ang Cagayan Island sa timog-
kanluran. Ang Kanlurang Visayas (Western Visayas) ay may kabuuang lupa na
20,223.2 sq km. at sumasakop sa anim na lalawigan: Aklan, Antique, Capiz, Iloilo,
Negros Occidental at Guimaras. Ang rehiyon ay may siyam na lungsod: Bacolod, Bago,
Cadiz, La Carlota, Roxas, San Carlos, Silay sa IloiIo City bilang rehiyonal na kabisera.
Ang pinakabagong lungsod sa Rehiyon ay ang Lungsod ng Passi ng Iloilo.

Mapa 1.
Kasalukuyang mapa ng Kanlurang Visayas Mula sa
http://nnc.gov.ph/index.php/regional-offices/region-vi-western-visayas/50-region-
6-profile.html

Noong 2000, ang rehiyon VI ay may kabuuang populasyon na umabot sa bilang


na 6, 147, 000. Nadagdagan ang bilang ng kanilang populasyon ng 6% mula 1995, ang
populasyon sa urban ay 36% sa kabuuang populasyon sa lugar. Ang diyalektong
sinasalita sa Kanlurang Visayas ay Panay-Hiligaynon. Ang Rehiyon VI ay may sukat na
agrikultural na lupain na 1.05 milyang hektarya o 52% nga kabuuang sukat ng
Kanlurang Visayas, 34% ito ay palayan. Ang rehiyon din ay nagsu-supply ng asukal,
niyog, saging, iba’t ibang prutas, root crops, at gulay. Isa sa pinagkukunan na pagkain
sa Pilipinas ang Rehiyon VI. Pangunahing nagsu-supply ng asukal, 63% na kabuuang
supply ng asukal noong 1996.

Sa kabilang dako naman matatagpuan ang Sentral Visayas sa heograpikal na


sentro ng arkipelago ng Pilipinas sa pagitan ng mga pangunahing isla ng Luzon at
Mindanao. Ito ay hangganan sa hilaga ng dagat ng Visaya; silangan ng dagat ng
Comotes at Camiguin Channel; sa timog ng dagat ng Mindanao; at sa kanluran ng
lalawigan ng Negros Occidental. Ang rehiyon ay binubuo ng apat na lalawigan: Bohol,
Cebu, Negros Oriental, at Siquijor. Ang iba pang mga pangunahing sentro ng lunsod ay
ang Tagbilaran City sa Bohol, Dumaguete City sa Negros Oriental at Siquijor sa
Lalawigan ng Siquijor. Ang Gitnang Visayas ang ika-anim na pinakamaliit na rehiyon sa
bansa na may kabuuang lupain na 1.49 milyong hektarya (14,951 square kilometers).
Kabilang sa mga probinsya, ang Negros Oriental ang pinakamalaking bahagi ng
rehiyonal na lupain (36 porsiyento), na sinusundan ng Cebu (34 porsiyento), Bohol
(27.5 porsiyento) at Siquijor (2 porsiyento).

Mapa 2. Kasalukuyang mapa ng


Sentral Visayas Mula sa
http://nnc.gov.ph/index.php/regional-
offices/region-vii-central-visayas/51-
region-7-profile/522-profile.html

Ang populasyon ng Sentral


Visayas o Rehiyon VII ay lumaki
mula 2,522,802 sa 1960 hanggang 7,396,898 sa 2015, tumaas ng 4,874,096 katao.
Ang pinakabagong datos ng sensus noong 2015 ay nagpapahiwatig ng isang positibong
paglago ng 1.61%, o pagtaas ng 596,718 katao, mula sa nakaraang populasyon na
6,800,180 noong 2010.

Ang huling rehiyon na bubuo sa Visayas region ay Silangang Visayas (Eastern


Visayas) o Rehiyon VIII. Ito sumasaklaw sa dalawang malalaking isla ng Leyte at
Samar, lalawigan ng Biliran at ilang mga maliliit na isla. Ang rehiyon na ito ay ang
silangang hangganan ng Pilipinas. Ang San Bernardino Strait ay naghihiwalay sa
Eastern Visayas mula sa Luzon sa timog-silangan habang ang Surigao Strait ay
naghihiwalay sa lalawigan ng Leyte mula sa mula sa hilagang-silangan ng Mindanao.
Ang Visayas at Camotes Seas ay naghiwalay sa rehiyon mula sa iba pang Visayas. Sa
silangan, ang rehiyon ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko. Ang San Juanico Strait ay
naghihiwalay sa mga isla ng
Samar at Leyte. Ang lupain ng
dalawang malalaking isla ay lubos
na naiiba. Ang Leyte ay may
mataas na bulubundukin habang
ang Samar ay may mababang
bulubundukin na sinasamahan pa
ng mga lambak. Ang Silangang Visayas ay isang agrikultural na lupain. Ang kanilang
pangunahing panamin ay abaka, mais, niyog, tubo, at saging. Ang kabuuang lupain nito
ay 21,431.7 sq km. 52% ng kabuuang lupain nito ay inuri bilang kagubatan at 48%
bilang alienable at disposable land.

Mapa 3. Kasalukuyang mapa ng Silangang Visayas Mula sa http://easternvista.com/wp-


content/uploads/2017/08/samar-island-map.jpg

Noong Agosto 1, 2007 ang kabuuang populasyon ng rehiyon ay 3,912,936. Ito ay


nadagdagan ng 1.12% mula sa populasyon nito na 3,610,355 noong Mayo 1, 2000.

Mga Wikang Namamayani sa Rehiyon ng Visayas

Ayon kanila David at Healey (1962) ng Summer Institute of Linguistic na


nagsagawa ng pag-aaral kung papaano lumaganap sa Pilipinas ang iba’t ibang wikang
ating nakikilala sa ngayon. Sila’y naniniwala na mahahati sa tatlong panahon ang
malaking paglaganap sa kapuluan ng mga wikang buhay sa angkang Malayo-
Polinesyo. Noong 700 B.C. ang “Philippine Stock” ay nahati sa tatlo: “Northern
Philippine Family”, “Southern Philipine Family”, at Pangasinan. Noong 200 B.C., ang
“Northern Family” ay muling nahati sa hindi kukulangin sa tatlo: (1) ang mga wikang sa
Lalawigang Bulubundukin (Ifugao, Kankanai, Bontoc), (2) Ilocano at ang mga wikang
lumaganap sa kahabaan ng Ilog Cagayan (Kalinga, Tinggian, Isneg, Ibanag, Atta,
Gaddang, Agta), (3) Inibaloi.

Ang “Southern Philippine Family” noong 100 B.C., ay nahati sa mga sumusunod
na pangkat ng wika: Sambal, Tagalog, Pampangan, Bicol, Cebuano, Butuanon,
Surigao, Kalagan, Mansaka, Batak, Cuyunon, Maranao, Magindanao, Binukid,
Dibabaon, Western Bukidnon Manobo, Southern Bukidnon Manubo, atbp.

Kung ating uugatin ang mga namamayaning wika sa Visayas ay bunga ng


“Southern Philippine Family”. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF): Mapa ng
mga Wika sa Filipinas, mayroong 16 wika na lumalaganap wika sa rehiyon ng Visayas
at apat na barayti ng Sebwàno (Cebuano). Ito ang mga sumusunod: Aklànon,
Hamtikànon, Hiligaynon, Inabànon, Inatà, Inéte, Kabali-Ánon, Kaluyànon, Karolànos,
Kinarày-a, Malaynὁn, Mamanwà, Managahàt, Porohànon, Sebwànon, at Warày. Apat
na barayti ng Sebwàno: Binisayàng Siquijor, Binul-Ánong Binisayâ, Katimugang Léyte
Binisayâ, at Negrensing Binisayâ.
Mapa 4. Mga wikang sa Filipinas mula sa Komisyon sa Wikang Filipino

Ayon pananaliksik nina Sanchez at Antiquerra (2017) ang pangunahing wika na


sinasalita sa rehiyon ng Visayas ay Hiligaynon, Cebuano, at Waray. Sa Kanlurang
Visayas (Western Visayas) o Rehiyo VI mayroong 61.63% na gumagamit ng wikang
Hilgaynon, 13.55% sa Kinarày-a at 10.02 % naman ang gumagamit ng Capizeńo. Sa
kabilang dako, sa rehiyon ng VII o Sentral Visayas (Central Visayas), 57.77% ang
gumagamit ng Cebuano, 28.72% naman Bisaya/Binisaya samantalang 12.17 ang
gumagamit ng Boholano. Sa Silangang Visayas (Eastern Visayas) o Rehiyon VII may
malaking bahagdan ang gumagamit ng Waray na 61. 90% na sunusundan ng
Bisaya/Binisaya na 33.40% at 3.86 para sa mga nagsasalita ng Cebuano.

Balik-Tanaw sa Paraan ng Pagbuo ng Tirahan


Ang konstruksiyon o pagbuo ng tirahan ay sinaunang aktibidad ng mga tao. Ito
ay may pangunahing gampanin na kontrolin ang epekto ng kapaligiran o klima sa isang
tao upang magkaroon ng maayos na mamumuhay. Ang pagbuo ng tirahan ay isa sa
pangunahing pangangailangan ng isang tao upang maka-angkop sa iba’t ibang klima
na nararanasan. Kung ating titingnan muli ang kasaysayan ang pagbuo ng tirahan ng
mga tao sa mundo ay nakabase sa paghahanap nila ng pagkain. Sila ay bumubuo ng
tirahan sa mga lugar na malapit sa kanilang pinagkukunan ng pagkain. Gawa ang
kanila mga bahay sa mga materyales na tulad na sanga ng puno, balat ng hayop,
dahon ng puno, at iba’t ibang sukat ng bato. Mga materyales na madaling mawasak o
sirain. Ang mga sinaunang tao ay hindi nananatili sa isang lugar nang matagal dulot
nito, ang kayarian ng kanilang tahanan ay madaling masira o walang sapat na tibay. Sa
mabilis na pagtakbo ng panahon nagkaroon ng pag-unlad lalo na sa pagbuo ng
tahanan o inhenyeriya. Nagsimula ang mga sinaunang tao na magtatag ng pamayanan
sa tabi ng mga ilog (Nile at Tigris). At ang pangunahing hanapbuhay nila ay ang
pagsasaka o pagtatanim. Sa yugto na ito naging pangmatagalan na ang tirahan ng mga
sinaunang tao. Yari ang kanilang tahanan sa mga materyales na makikita sa ilog tulad
ng luwad (clay). Sa tulong ng luwad nakalikha ang mga sinaunang tao na parihabang
luwad o kung tawagin sa kasalukuyan ay laryo na binubuo noon ng luwad at dayami. Sa
ganitong uri ng bahay higit na naging matibay sa mga kalamidad na darating dulot ng
pabagong pabagong klima. Noong 3000 B.C. sa Mesopotamia (Turkey sa kasulukuyan)
natuklasan ang paniibagong anyo ng laryo na kung tawagin ay “fired bricks”. Ang uri ng
laryo na mas madaling ihulma ayon sa gustong hugis, nagbigay daan ito sa paglikha ng
mga kanal o daluyan ng tubig noong sinaunang sibilisasyon. Dulot ng patuloy na
pagpapaunlad sa pagbuo ng tirahan, konti-konting natuklasan ng sinaunang tao ang
paggamit ng tanso at nang lumaan ang paggamit ng metal. Mga kagamitang metal na
magmamadali sa paglikha ng mga tirahan.

Mula Bahay Kubo tungo sa Bahay na Bato

. Sa tulong ng tradisyunal na pamumuhay ng mga Pilipino bago pa man


dumating ang mga pananakop mayroon na tayong sariling estruktura na pagtatayo ng
tirahan o bahay. Ito ang tinatawag na Bahay Kubo o Cube House na pinaka-ilustrasyon
o kilalang sagisag sa Pilipinas. Bawat probinsya sa ating bansa matatagpuan ang
ganitong uri ng bahay ngunit may magkakaibang barayti sa porma nito. Ito ay isang
ilustrasiyon ng simpleng pamumuhay ng mga Pilipino ngunit ang estruktura ng bahay ay
kayang tumagal kahit ilang taon pa ang dumaan. Ayon kay David Allan Coe “It is not the
beauty of a building you shoud look at; it is the construction of the foundation that will
stand the test of time”. Ang konstruksiyon ng Bahay Kubo ay nakabase sa lokal na
pangangailangan at klima sa lugar na pagtatayuan nito. Ang pangunahing gamit sa
pagbuo ng Bahay Kubo ay ang kawayan o bamboo na pinagsasama- sama sa
pamamagitan ng abaca na may kasamang tuyong dahon ng niyog o cogon grass. Ang
dingding naman nito ay yari sa nipa leaves at ang sahig ay gawa sa mga patpat ng
kawayan na pinakinis. Ang Bahay Kubo ay bahagyang nakaangat sa lupa ng isa
hanggang dalawang metro. Upang hindi maabot ng mga hayop tulad ng ahas at
protektahan sila sa biglang pagbaha. Ang Bahay Kubo ay mayroong bintana sa iba;t
ibang bahagi ng bahay, ang mga bintana nito ay kadalasan na paangat ang pagbukas
na nagbibigay na maginhawang pakiramdam sa mga nakatira dito. Ito rin ay mayroong
mataas na kisame. Ang estruktura ng bubong nito ay kadalasan na nakapahilig o slant
at yari ito sa pawid na nakakabawas ng init kung tag-araw. Mayroon din “Batalan” ang
Bahay Kubo ngunit hindi lahat ay makikitaan ng ganitong bahagi. Nagsisilbing paliguan,
kusina, hugasan, at palikuran. Makikitaan ito ng konsepto na kung saan ay
nagkakaroon ng iba’t ibang gamit ang isang bahagi ng bahay. May tinatawag din na
“Silong” ang Bahay Kubo kung saan ito ay nagiging kulungan ng mga maliliit na hayop
tulad ng manok at nagsisilbing bentilasyon sa bahay upang pumasok ang malamig na
hangin.

Ang mga Pilipino ay mayroong konsepto na dikit-dikit o magkakasama dulot nito


ang Bahay Kubo ay walang pader o dingding na naghahati sa bawat silid. Kilala ang
mga Pilipino sa pagiging matulungan at konsepto ng bayanihan kaya ang Bahay Kubo
ay bukas para sa mga taong nais tumuloy. Ngunit nabago ang ganitong klase ng
paniniwala ng dumating ang mga mananakop.

Ang pormal na pananakop ng mga Kastila ay inihudyat ng pagpasok ni Miguel


Lopez de Legaspi sa Pilipinas. Ang pagtuklas sa mga pampalasa (spices) na sa
mayamang kalikasan ng bansa matatagpuan ay naging layon ng pagdaong ng kanilang
ekspedisyon sa bansa. Dagdag pa ang mithiing maipalaganap ang Kristiyanismo at
maipakalat ang kapangyarihan. Dahil sa ganitong pananakop bumuo ang mga Kastila
ng paraan ng pamamahala at nabuo nila ang Pueblos o barangay sa kasalukuyang
panahon. Ang Pueblo ay may konotasyon pamamahala ng mga kastila at
pananampalataya. Ang bawat Pueblo ay mayroong Prayle at sa bawat Cabecera ay
mayroong simbahan. Ang konstruksyon ng Pueblo ay binubuo ng pampublikong gusali
tulad ng simbahan, tirahan ng mga prayle (convent), korte, paaralan at bantayan (watch
post). Ang mga tirahan naman ng mga mamamayan ay nasa kategorya na pribadong
gusali. Ayon kay Buzeta (1850) sa kanyang paglalarawan pangkaraniwang tirahan
noong panahon ng mga pananakop ng mga kastila.

The construction of the houses better called natives' barracas is very easy,
maintaining some relative difference depending on the wealth of the people residing in
it. The bigger part consists of palm branches and lea ves, bound or tied up with rattan,
resting over four or more pillars (aliquis) depending on the barraca's size. These pillars
are made of incorruptible wood such as molavin, banava and others. The poorer
people's barracas are only eight to ten feet squared and are made with brava palm,
which does not last long. At four feet above the ground, leaning on the pillars or the
foundation of the house, they form bamboo flooring which is held up by trunks. In these
little houses an ordinary mat is laid down, and this becomes the common bed where
the man, the woman, the children and elderly, and in a few cases even the friends, lay
in total nudity There, they smoke their cigars, chew what remains of it, and spend the
night.

The barraca has some fruit-trees around it and a little piece of land surrounded by a ,
fence made of a special type of bamboo, which is very strong and very thick in the
lower part, and which is used for planting vegetables. The domestic trousseau consists
of a mortar, which is a/ways found at the en trance of the patio and is used to crush rice
to make the husk jump out, bamboo shoots that serve several purposes, as coconut
cups, spoons and pots, which can be substituted with the shell of.green coconuts where
rice can be cooked without the need of water, one of those knives ~ call goloc, some
benches against the wall; a type of low bench which serves as a table, a Chinese
receptacle far coconut oil .and an oil lamp made of mud called tinghoy by the natives;
some crooked torches made of resin can, an image of the Virgin, a Crucifix, some mats,
a basket made of betel leaves; areca nut and lime; a mortar and generally a flute or a
guitar
Ayon pa rin sa paglalarawan ni Buzeta (1850) sa mga tirahan ng mga pamilyang
nakakaangat sa buhay.

The well-to-do or rich people had the most spacious home, which were well
designed, better furnished, painted and decorated with luxury The roof, like that of
others, is made of nipa. But the outer part is made of.metal plates. The props or wood
that serve as a base always came in pairs, and were therefore more in number the
bigger house was. The wall partitions were made of wood, with doors made of Narra,
red wood or Malavin, which, just like shells, is indestructible by humidity or drought, and
is unassailable, by the white ant called anay

The main rooms of this house consist of a dining room (ecuda), a living room, a
bedroom, a small waiting room or bench and the kitchen which is located outside the
house. The room with secure flooring which is not occupied serves as a basement (. . .)
the entire interior of the homes were divided with wooden boards, which coated with
fresh paint attracted the traveler who arrived in the Philippines. These houses were said
to be made of tabla and nipa, while some nails and pieces of iron contributed to its
greater steadiness.
Sa ganitong konsepto nabuo ang mga Bahay na Bato kung saan nagpapakita ito ng
antas ng pamumuhay noong panahon ng mga Kastila at ang nagpapamay-ari ng
ganitong uri ng bahay ay ang mga Mestizo, Illustrados, Mga kawani ng pamahalaan ng
Kastila. Ang Bahay na Bato ay kombinasyon ng katutubong tirahan ng mga Pilipino at
estruktura ng tirahan ng mga Kastila. Ito ay nakabase sa sitwasyong pangkapaligiran ng
Pilipinas, mulat ang mga Kastila sa lokasyon ng Pilipinas na tinaguriang nasa “Pacific
rim of Fire” na madalas na makaranas ng paglindol o pagyanig ng lupa. Sa tulong na ito
lumikha sila ng tirahan na kakayanin ang paglindol. Ang bahay na bato ay binubuo ng
dalawang palapag (two storeys). Sa unang palapag ay binubuo sa tulong ng bato, ang
stone masonry ay paraan ng paggamit ng mga natural na bato na makikita sa
kapaligiran. Ang ganitong uri ng pagsasaayos ng mga bato ay walang tiyak na patron
sa pagsasaayos at walang tiyak sukat na bato. Ito ang paraan ng naisip ng mga Kastila
upang maging matibay ang Bahay na Bato. Ang ikawalang palapag naman ay yari sa
kahoy, na binubuo ng malalaking bintana (main window) upang pumasok ang hangin
mula sa labas. Ang mga Suliras o Floor joist ay nagpapatibay sa ikalawang palapag, ito
ang paraan ng paglalatag ng mga kahoy upang mapatibay ang pundasyon. Mayroong
din itong balkonahe (balcony) na pangunahing katangian ng Bahay na Bato upang
madungaw ang mga nagaganap sa labas ng di lumalabas ng tirahan. Di tulad ng Bahay
Kubo ang Bahay na Bato ay nahahati sa iba’t ibang kuwarto at ang bawat kuwarto ay
may tiyak na gamit. Mayroon din itong pasilyo na pangunahing daanan sa pagpasok ng
Bahay na Bato. Makikita ang konsepto na pagsasama ng tradisyon na aspekto tungo sa
panibagong tirahan ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop at hanggang ngayon
makikita pa rin ang mga paraan ng pagtatayo ng tirahan ng mga Pilipino.

Nalikom na mga Katutubong Termino sa pagbuo ng Bahay na Bato at Kahulugan

1. Alhibe, tipunan ng tubig, [cestern] (C)


Estruktura ng bahay na ang pangunahing gampanin ay maging impakan ng
tubig.

2. Ang-ang, hagdan, [stair] (C)


Bahagi ng bahay na nagsisilbing tungtungan upang makarating sa isa pang ng
bahay.
3. Atup, bubong, [roof] (H)
Takip sa bahay o gusali.
4. Atupáng, harapan, [façade] (C)
Harapang bahagi ng gusali o bahay.
5. Baláy, bahay, [house] (W)
Tirahan, lugar na tinutuluyan upang makapagpahinga.
6. Balkonahé, balkon, [balcony] (C)
Lugar sa bahay na tamabayan ng pamilya na kita ang bakuran.
7. Bentana, bintana, [window] (C)
Bukas na bahagi ng bahay na ang pangunahing gamit ay pasukan ng hangin.
8. Bentanilyá, bintánilya, [small window] (C)
Maliit na bukas na bahagi ng bahay mas maliit kaysa sa bintana.
9. Berha, rehas, [grille] (C)
Uri ng metal na ginagamit upang protektahan ang bintana sa mga gusto
pumasok.
10. Bungbóng, dingding, [wallboard] (C)
Dibisyon ng bahay o dibisyon ng bawat kuwarto.
11. Dayametro, diyametro, [diameter] (C)
Isang tuwid na linya na tumatawid sa magkabilang bahagi ng bilog.
12. Dispensa, paminggalan, [pantry] (C)
Isang maliit na kuwarto o kabinet na nagsisilbing taguan ng pagkain, pinggan,
kubyertos.
13. Gip-ot, makitid, [narrow] (C)
Limitadong lugar na mahirap madaan o hindi malapad.
14. Haligi, haligi, [pillar] (C)
Pundasyon sa gusali o bahay.
15. Hilam-osan, silid-hugasan, [lavatory] (C)
Bahagi ng bahay na nakalaan para paging banyo, hugasan, paliguan.
16. Katulganan, silid-tulugan, [bedroom] (C)
Kuwarto na nagsisilbing pahingahan o tulugan.
17. Kisamé, kisame, [ceiling] (H)
Itaas na bahay ng bahay o kuwarto na panakip sa bubong
18. Kulonon, luwad, [clay] (C)
Putik na ginagawang banga.
19. Medyâ-Agwa, alero, [eaves] (C)
Dulong bahagi ng bubong na nagsisilbing disenyo ng bahay.
20. Pagkubos, magbawas, [abate] (C)
Pagbawas ng sukat, bilang at halaga.
21. Palibot, kabilugan, [circumference] (C)
Ito ang sukat sa loob ng isang bilog.
22. Panálaogàn, suliras, [floor joist] (H)
Mga maliliit na kahoy na isinaayos upang sumuporta sa pundasyon ng gusali o
bahay.
23. Pasamanós, pasamano, [handrail] (C)
Ito ang hawakan sa gilid ng hagdan.
24. Sagbotán, alulod, [drain] (H)
Padaluyan ng tubig na galing sa bubong na yari sa yero.
25. Sála, sala, [living room] (W)
Bahagi ng bahay kung saan tinatanggap ang mga bisita o pahingahan.
26. Salug, palapag, [floor] (W)
Bahagi ng bahay na nagiging pagitan ng bawat palapag, ibabang bahagi ng
bahay na nilalakaran.
27. Taytay, palupo, [ridge] (C)
Itaas na bahagi ng bubong kung saan dalawang bahagi ng yero ay nagtatagpo.
28. Tigkahoy, kahoy na panangkap sa paggawa ng bahay, [timber] (C)
Kahoy na ginagamit sa pagbuo ng gusali o bahay.
29. Tindog, patayo, [perpendicular] (C)
Isang patayong linya na may sukat na 90 degrees.

30. Tisa, laryo, [bricks] (H)


Parihabang bloke na kadalasana ay gawa sa luwad na ginagamit sa pagbuo ng
gusali o bahay.

Pagtatampok ng mga Terminolohiya sa pagbuo ng Bahay na Bato at mga tumbas


sa Salitang Ingles

Ingles Filipino Cebuano Hiligaynon Waray Espanyol


           
Tipunan ng
Cestern tubig Alhibe     Cisterna
Stair Hagdan Ang-Ang Lintang   Escalera
Roof Bubong Atop Atup Atup Techa
Façade Harapan Atupáng Atubangon   Pachada

House Bahay Balay Balay Baláy Casa

Talahanayan 1
Makikita sa talahanayan 1 ang mga salitang may katumbas sa ating katutubong
wika sa larangan ng pagbuo ng Bahay na Bato. Mapapansin sa katawagang Ingles na
“Roof” na nagkakaroon ng pagpapalit ng letra mula sa katawagang Cebuano na Atop
nagiging Atup ito sa katawagang Hiligaynon at Waray, malayang nagpapalitan ang “O”
patungo sa “U” ngunit hindi nababago ang kahuluhan. Sa katawang Ingles naman na
“House” walang naganap na pagbabago sa tumbas nito sa katawagang Cebuano,
Hiligaynon, Waray ngunit nagbabago lamang ang pagbigkas nito sa katawagang Waray
tuloy-tuloy ang pagbigkas.

Ingles Filipino Cebuano Hiligaynon Waray Espanyol


           
Balcony Balkon Balkonahé     Balcón
Window Bintana Bentana Gawahan Bintáná Ventana
Pequeῆa
Small window Bintánilya Bentanilyá Gawahan Bintáná Ventana

Grille Rehas Berha     La Reja


Bung-
Wallboard Dingding Bungbóng Pader bong Muro

Talahanayan 2

Sa talahanayan 2 makikita na mayroong isang konsepto lamang ng bintana ang


katawagang Hiligaynon at Waray, hindi nagbago ang katawagan kahit ibang uri ng
bintana ang inilalarawan. Sa ganitong uri ng konsepto na mapapansin na ang sukat ng
bintana ay hindi gaanong binibigyang-diin. Sa katawagang “Wallboard” naman makikita
na sa katawagang Cebuano ang salitang “Bungbóng” ay iiisang salita lamang ngunit sa
Waray ay inuulit ang salita.

Ingles Filipino Cebuano Hiligaynon Waray Espanyol


           
Diameter Diyametro Dayametro Diámetro
Pantry Paminggalan Dispensa Talagoan Despensa

Narrow Makitid Gip-ot Makitid Haligot Estrecho

Pillar Haligi Haligi Tukod El Pillar

Lavatory Silid- Hilam-osan Hilam-osan Bańa


hugasan

Talahanayan 3

Matutunghayan natin sa Talahanayan 3 na sa katawagang Ingles na “Diameter” ay


may magkakatulad na tunog ang katawagang Filipino, Cebuano, at Espanyol ngunit
nagpapalit lamang ng isang letra ang Filipino at Cebuano. Sa katawagang Filipino na
“Diyametro” ay napapalitan ang letrang “I” kapag tinumbasan na sa katawagang
Cebuano nagiging “a” ang letrang “I” na ang resulta ay “Dayametro”. Sa kabilang dako
naman ang katawagang “Narrow” sa ingles ay mayroong katumbas sa Filipino,
Cebuano, Hiligaynon, Waray, at Espanyol, nagpapakita ito na may magkakatulad na
konsepto ang bawat wika. Sa katawang “Lavatory” naman magkatulad lang ang
tumbas ng Cebuano at Hiligaynon na “Hilam-osan” samantalang walang katumbas sa
katawagang Waray.

Ingles Filipino Cebuano Hiligaynon Waray Espanyol


           
Bedroom Silid-tulugan Katulganan Hulot-tulugan Cuarto
Ceiling Kisame Kisami Kisamé Techo

Clay Luwad Kulonon Arcilla


Medyâ-
Eaves Alero Agwa Alero

Abate Magbawas Pagkubos Buhinan Calmarse

Talahanayan 4

Makikita sa talahayanan 4 na makakatulad na tunog ang tumbas sa salitang ingles


na “Ceiling” sa Filipino, Cebuano, at Hiligaynon. Nagkakaroon lamang ng pagbabago
sa isang letra. Tulad sa tumbas na Cebuano ay “Kisami” ngunit sa Hiligaynon ay
“Kisamé” nagpapalit ang letrang “i” patungo sa “e” na nagreresulta rin sa pagbabago
ng pagbigkas ngunit di nagbabago ang kahulugan. Sa salitang “Abate” sa Ingles
naman ay nagkakaroon ng tumbas sa Filipino na “Magbawas” at tumbas naman sa
Cebuano ay “Pagkubos”. Mula sa panlaping “mag” nagiging panlaping “pag” ito ngunit
hindi nagbabago ang paglalapi na ginamit (Unlapi).
Ingles Filipino Cebuano Hiligaynon Waray Espanyol
           
La
Circunferenci
Circumference Kabilugan Palibot a
Vigueta Del
Floor joist Suliras Bangol Panálaogàn Piso
Pasamanó El
Handrail Pasamano s Pasamanos

Drain Alulod Sandayong Sagbotán Saruyong Canacon

Living room Sala Sala Sála Sala De Estar

Talahanayan 5

Inilalahad sa talahanayan 5 na sa salitang “Drain” ay mayroong katumbas na salita


sa Filipino, Cebuano, Hilagaynon, Waray, at Espanyol. Magkasing-tunog ang tumbas
sa Cebuano na “Sandayong” at “Saruyong” naman Waray. Napapalitan ang letrang “d”
patungo sa letrang “r”. Dagdag pa nagkakaroon ng pagkakaltas ng letra kapag
tinumbasan sa Waray. Makikita rin sa talahanayan na ang tumbas sa salitang “living
room” ay magkakatulad ng tumbas sa ibang wika maliban na lang sa pagbigkas sa
Waray. Nagiging limitado naman ang tumbas sa salita kapag ito ay nagiging teknikal o
tiyak na larang ang gamit. Tulad ng salitang “circumference” mayroong lamang tumbas
ang Filipino, Cebuano, at Espanyol ngunit wala ng tumbas sa Hiligaynon at Waray.

Ingles Filipino Cebuano Hiligaynon Waray Espanyol


           
Floor Palapag Salog Salug Salug El Piso
Ridge Palupo Taytay Taludtod Caballete
Kahoy na
panangkap
sa paggawa
Timber ng bahay Tigkahoy Troso Madera
Perpendicular Patayo Tindog Perpendicular

Bricks Laryo Ladrilyo Tisa Ladrillo

Talahanayan 6

Binibigyang-diin sa talahanayan 6 ang pagkakaroon ng iba’t ibang tumbas sa


salitang “Floor” sa iba’t ibang wika. Ngunit sa tumbas na Cebuano, Hiligaynon, at
Waray ay nakakaroon ng makakatulad na tunog. Kung papansing mabuti malayang
napapalitan ang letrang “o” sa “u”. Mula sa tumbas sa Cebuano na “Salog” nagiging
“Salug” ito sa Hiligaynon at Waray. Sa salitang Ingles naman na “Timber” walang
direktang tumbas nito sa Filipino ngunit may direktang tumbas sa Cebuano at
Hiligaynon samantalang walang katumbas na salita sa Waray. Kung susuriin naman
ang tumbas sa salitang “bricks” sa Ingles sa Cebuano at Espanyol ay parehas lamang
ng pagbigkas ngunit magkaiba ng pagbaybay.

Konklusyon

Mababakas ang impluwensiya ng mga pananakop sa paraan na ating


pamumuhay partikular na sa inhenyeriya o pagbuo ng mga Bahay na Bato sa rehiyon
ng Visayas. Nagkaroon ng pagsasama ng katutubong kaalaman at paraan ng pagbuo
ng bahay ng mga pananakop. Dulot nito nagkaroon din ng katumbas na mga salita na
maaaring gamitin sa larang na inhenyeriya. Ito ay nagpapatunay na mayroong malawak
na bokabularyo ang mga taga-Visayas na naghihintay lang matuklasan ng
kasalukuyang panahon. Isang din manipestasyon kayang bigyan ng katawagan ang
mga teknikal na paraan o pagbuo sa larang na inhenyeriya ngunit nababalahaw sa mga
kaisipan na tanging Ingles lamang ang wika sa pagbuo ng bahay. Maraming katumbas
na katawagan sa mga Pilipino naghihintay lamang ito na magamit sa upang maabot
ang pambansang inteklektwalisasyon.

Mga Sanggunian

Buzeta, Fr. Manuel Y., & Bravo, Fr. Felipe (1851). Diccionario Geografico – Estadistico
– Historia De Las Islas Filipinas. Madrid. 2 Vols

Chang, Pao-Chi & Swenson, Alfred (2019). Construction Building. The Construction
Building. The Editors Of Encyclopeadia Britannica.

De Vera, M.B., Astorga, E. R., Conti, B. J., & Decena, J. A. (2010). Komunikasyon sa
Akademikong Filipino. Barangka Drive, Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing
Corp.
Gomez, Luis Angel S. (1998). The Structure of Pueblos De Indios in the Philippines
during the Spanish Colonial Period. Manila. Cuarernos De Historia. Pp. 191-208.

Matthes, Eugene W. (1981). Hierarchy of Needs as Guide For Living. Saga Journal.
Volume 21 Issue 4 page(s) 69-72.

www.britannica.com%2Ftechnology%2Fbuilding construction%3Ffbclid%3DIwAR3xFBL-

Isang_Sariling_Wikang_Filipino%3Ffbclid%3DIwAR2XX7poh2qCVZBhSAHUsrftvZobd
hEP5HIvXHB1cqc_cuuLGtgwt4dM9

nnc.gov.ph%2Findex.php%2Fregional-offices%2Fregion-vi-western-visayas%2F50-
region-6-profile.html

nnc.gov.ph%2Findex.php%2Fregional-offices%2Fregion-vii-central-visayas%2F51-
region-7-profile.html

Fwww.philatlas.com%2Fvisayas%2Fr07.html%3Ffbclid
%3DIwAR2I2il6tgbmqbHTC3Fa1UHUadyxq2r6FjWyxfhDB-

You might also like