You are on page 1of 237

Kaugnayan ng Lokasyon sa

Paghubog ng Kasaysayan

Araling Panlipunan 5
Unang Markahan, Unang Linggo
Unang
Araw
Naipaliliwanag ang kaugnayan
ng lokasyon sa paghubog ng
kasaysayan
Wow!

Panuto: Sagutin ang mga


tanong. Isulat ang letra ng
sagot sa sagutang papel.
1. Anong rehiyon ng Asya kabilang ang
bansang Pilipinas?
A. Silangang Asya
B. Hilagang Asya
C. Kanlurang Asya
D. Timog Silangang Asya
2. Alin sa mga sumusunod ang tiyak o absolute na lokasyon
ng Pilipinas sa mapa?

A. 4°23’ at 21°25’ hilagang latitud at 116°00 at 127°00


silangang longhitud
B. 2°43’ at 25°31’ hilagang latitud at 161°00 at 172°12
silangang longhitud
C. 1°32’ at 15°21’ hilagang latitud at 131°00 at 151°10
silangang longhitud
D. 3°23’ at 20°29’ hilagang latitud at 121°14 at
148°25silangang longhitud
3. Bakit tinawag na arkipelago ang bansang
Pilipinas?

A. Ito ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko.


B. Ito ay binubuo ng tatlong malalaking pulo.
C. Ito ay napapalibutan ng mga mayayamang
bansa.
D. Ito ay binubuo ng maliliit at malalaking
kapuluan na napapalibutan ng tubig o dagat.
4. Anong karagatan ang matatagpuan sa
silangan ng Pilipinas?

A. Karagatang Indian
B. Karagatang Atlantiko
C. Karagatang Pasipiko
D. Karagatang Arktiko
5. Ang mga sumusunod ay mga bansang
nakipagkalakalan sa bansa MALIBAN sa
isa. Alin dito?

A. India
B. Indonesia
C. Saudi Arabia
D. Tsina
6. Anong isla ang hinahanap ng mga
Europeo na naging daan para matuklasan
That's mine!

ang Pilipinas?

A. Kiribati
B. Micronesia
C. Moluccas
D. Palau
7. Mga istrukturang itinayo ng mga Amerikano
para gawing sanayan ng mga sundalo at
imbakan o arsenal ng mga kagamitang
pandigma nila.

A. base militar
B. opisina
C. paaralan
D. palaruan
8. Bilang isang bansang nasakop ng
Espanya, ano ang naging pinakamalaking
pamana ang kanilang iniwan sa Pilipinas?

A. edukasyon
B. ekonomiya
C. relihiyon
D. sandatahang lakas
9. Ang mga sumusunod ay ang tuwirang epekto ng
lokasyon ng ating bansa sa paghubog ng kasaysayan
MALIBAN sa isa. Ano ito?

A. nagkaroon ng kalakalan sa mga karatig bansa


B. napadali ang paglipat o migrasyon ng mga katutubo
C. naging kalaban ng Pilipinas ang lahat na mga
karatig bansa nito.
D. nadiskubre ng mga mananakop ang estratehikong
lugar ng Pilipinas
10. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya o
lokasyon ng isang bansa?
Wow!

A. para maging sikat ang isang bansa


B. para malaman kung iilan ang naninirahan sa bansa
C. para makilala kung sino-sino ang mga kilalang tao
sa bansa
D. para maunawaan kung paano nahubog ang iba’t
ibang aspeto ng kultura, ekonomiya, pamahalaan at
relihiyon ng isang bansa.
Noong nasa Ika-apat na Baitang ka napag-aralan mo ang
pagpapahalaga sa pambansang pagkakakilanlan at ang
mga kontribusyon ng bawat rehiyon sa paghubog ng
kulturang Pilipino at pambansang pag-unlad gamit ang
mga kasanayan sa heograpiya, pag-unawa sa kultura at
kabuhayan, pakikilahok sa pamamahala at pagpapahalaga
sa mga mithiin ng bansang Pilipinas.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang
makapagpapaliwanag sa kaugnayan ng
lokasyon sa paghubog ng kasaysayan.
Gamit ang compass at mapa, hanapin at
bilugan ang isla at mga dagat o karagatang
matatagpuan sa iba’t ibang direksyon ng
Pilipinas. Isulat kung saang direksyon mula sa
Pilipinas ito matatagpuan.
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-
That's mine!

Silangang Asya. Ito ay nasa pagitan ng mga


latitud 4°23’ at 21°25’ sa Hilaga at sa pagitan
ng mga longhitud 116°00’ at 127°00’ sa
Silangan.
Tinatawag itong arkipelago dahil ito’y binubuo ng mga
malalaki at maliliit na pulo at napapalibutan ng tubig o
karagatan. Makikita sa silangang bahagi ang Philippine Sea
at Karagatang Pasipiko, Dagat Celebes sa timog, Timog
Dagat Tsina o tinatawag ding Kanlurang Dagat ng Pilipinas
sa kanluran at ang Bashi Channel sa Kipot ng Luzon sa
Hilaga.
Tinatayang may mahigit sa 7,641 mga
pulo ang Pilipinas at nahahati ito sa
tatlong pangunahing mga pulo ng Luzon,
Visayas, at Mindanao. Napakahalaga ang
lokasyon ng Pilipinas bilang isang bansa.
Ang estratehikong lokasyon nito ay may malaking
kinalaman sa paghubog ng kasaysayan. Malapit ang
Pilipinas sa kalupaang Asya kaya napadali ang
migrasyon ng mga katutubong Negritos, Indones at
Malay at iba pang pinaniniwalaang mga unang taong
nanirahan sa bansa.
Ang lokasyon ng Pilipinas ay naging bentahe sa
Wow!

mabilis na pag-unlad ng kalakalan sa mga kalapit-


bansa nito gaya ng China, India, Japan, at Saudi
Arabia. Ang Pilipinas ang naging sentro ng
pamamahagi ng iba't ibang produkto mula sa Timog-
Silangang Asya dahil daanan ito ng mga sasakyang
pandagat buhat sa maraming panig ng mundo.
Bunga nito, umunlad din ang ekonomiya ng
bansa pati na rin ang kultura nito. Malapit ang
Pilipinas sa islang tinatawag na Spice Islands o
Moluccas na hinahanap ng mga Europeo para
kumuha ng mga rekado o pampalasa.
Ito ay nagbigay-daan sa pagdating ng mga Espanyol sa
bansa. Dahil dito, nagka interes ang mga Europeo lalo na
ang Espanya sa pagsakop ng Pilipinas at nabago ang ating
paniniwala mula sa pagiging pagano ay ipinakilala ang
relihiyong Kristiyanismo partikular ang paniniwalang
Katoliko. Hindi lang Espanya ang nakinabang sa
magandang lokasyon ng ating bansa.
Maging ang bansang Amerika ay may malaki
ring ambag sa paghubog ng ating kasaysayan
dahil sa ating lokasyon sa mapa. Sinakop tayo
ng mga Amerikano at nagtayo sila ng mga
pangkaligtasang base militar laban sa
pagsalakay ng mga bansa sa silangan.
Ginamit ng mga Amerikano ang mga base militar
bilang arsenal o imbakan ng mga kagamitang
pandigma at dito rin ay nagsasanay sila. Ang
Pilipinas ay naging taga tustos o ang suplayer ng
mga hilaw na materyal ng bansang Amerika kapalit
ang proteksyon o pagiging alyado natin sa kanila.
Naging malaki rin ang impluwensya ng
Wow!

lokasyon ng Pilipinas noong panahon ng mga


Hapones. Dahil sa estratehikong lugar ng
Pilipinas ay sinakop din nila tayo para mapadali
ang kanilang pagtatag ng emperyo sa buong
Asya o saan mang bahagi ng daigdig.
Ang estratehikong lokasyon ng Pilipinas ay naging
batayan para maging sentro ng komunikasyon at
transportasyon at mga gawaing pangkabuhayan ang
Pilipinas. May mga barko at eroplano ang tumitigil
muna sa Pilipinas bago magpatuloy sa paglalakbay
sa iba’t ibang bansa sa Asya maging sa Australya.
Sa aspektong kultural ay sinasabing ang Pilipinas
ay sentro ng pinaghalong kultura ng mga bansang
kanluran at silangan. Nakasalamuha ng ating mga
ninuno ang iba’t ibang bansa sa Asya at ibang mga
kontinente dala ang mayamang kaugalian,
industriya, edukasyon at iba pa.
Malaki ang papel na ginampanan ng
lokasyon ng Pilipinas sa paghubog ng ating
kasaysayan at ang patuloy na pag-usbong
ng lahing Pilipino.
Bilugan sa loob ng kahon ang salitang tinutukoy sa bawat
bilang. Isulat ang inyong sagot sa kuwaderno.
1. Anyong lupa na binubuo ng mga malalaki
at maliliit na pulo at napapalibutan ng
tubig.

2. Ang islang hinahanap ng mga Europeo na


naging daan sa pagkakatuklas sa ating bansa.
3. Tawag sa magandang lokasyon ng Pilipinas kaya
That's mine!

naging tagpuan ito ng kulturang Kanluranin at


Silangan.
4. Bansang nagtatag ng mga base militar sa Pilipinas
5. Ang bansa ang nagbalak magtayo ng imperyo sa
Asya kaya sinakop nito ang Pilipinas.
Isulat ang salitang TAMA kung ang bawat
pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at
MALI naman kung hindi nagsasaad ng
katotohanan.
_______________ 1. Dahil sa estratehikong
lokasyon ng Pilipinas, malaki ang naitulong nito
sa paghubog ng kasaysayan ng Pilipinas maging
ng buong mundo.
_______________ 2. Naging madali ang
migrasyon ng mga katutubo dahil malapit lang
ang Pilipinas sa kalupaang Asya.
_______________ 3. Dahil sa Spice Island o
Moluccas na hinahanap ng mga Europeo,
natuklasan nila ang ating bansa.
_______________ 4. Natuklasan ng mga Amerikano
ang magandang lokasyon ng bansa kaya sinakop
tayo at nagtayo ng mga base militar dito.
_______________
Wow! 5. Ginamit ng
Hapones ang magandang lugar ng
Pilipinas para paghandaan ang kanilang
pagtatayo ng imperyo sa Asya maging
sa buong mundo.
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ito’y
nagpapaliwanag sa lokasyon ng Pilipinas sa
paghubog ng kasayasayan at MALI kung hindi
ito nagsasaad ng katotohanan. Isulat ang iyong
sagot sa kuwaderno.
1. Kabilang ang bansang Pilipinas sa
rehiyon ng Silangang Asya.
2. Nasa 4°23’ at 21°25’ hilagang latitud at
116°00 at 127°00 silangang ang tiyak o
absolute na lokasyon ng Pilipinas sa mapa.
3. Tinatawag na arkipelago ang Pilipinas dahil ito
ay binubuo ng maliliit at malalaking kapuluan
na napapalibutan ng kabundukan.
4. Maraming mga karatig bansa ang
nakipagkalakalan sa Pilipinas noong unang
panahon.
5. Ang islang Spice Islands o Moluccas
ang hinahanap ng mga Europeo na
naging daan para matuklasan ang
Pilipinas.
Panuto: Punan ng salita ang bawat patlang
para mabuo ang kaisipan ng araling ito.
Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon.
Isulat sa iyong kuwaderno ang mga sagot.
That's mine!
Ang (1) ______________ lokasyon nito ay may malaking

kinalaman sa paghubog ng kasaysayan. Malapit ang

Pilipinas sa kalupaang Asya kaya napadali ang migrasyon ng

mga katutubong Negritos, Indones at Malay at iba pang

pinaniniwalaang mga unang taong nanirahan sa bansa.


Madaling naitatag ang (2) ___________sa
mga kalapit bansa tulad ng Tsina, Indian,
Hapones, at Arabe. Malaki ang naging
pakinabang sa pag-unlad ng ekonomiya at
kultura ng mga Pilipino.
Naging (3) ______________ ito ng pamamahagi ng iba’t ibang
produkto mula sa TimogSilangang Asya at ng mundo dahil
daanan ang Pilipinas ng mga sasakyang pandagat ng iba’t ibang
bansa. Malapit ang Pilipinas islang tinatawag na (4)
_________________ na hinahanap ng mga Europeo para
kumuha ng mga rekado o pampalasa, ito ay nagbigay-daan sa
pagdating ng mga (5) ______________ sa bansa.
Dahil dito, nagka interes ang mga Europeo lalo na
Wow!

ang Espanya sa pagsakop ng Pilipinas at nabago ang


ating paniniwala mula sa pagiging pagano ay
ipinakilala ang relihiyong (6) _____________
partikular ang paniniwalang Katoliko. Hindi lang
Espanya ang nakinabang sa magandang lokasyon ng
ating bansa.
Maging ang bansang Amerika ay may malaki ring
ambag sa paghubog ng ating kasaysayan dahil sa
ating lokasyon sa mapa. Sinakop tayo ng (7)
______________ at nagtayo sila ng mga
pangkaligtasang base militar laban sa pagsalakay ng
mga bansa sa silangan.
Ginamit ng mga Amerikano ang mga (8) ______________
bilang arsenal o imbakan ng mga kagamitang pandigma at
dito rin ay nagsasanay sila. Ang Pilipinas ay naging taga
tustos o ang suplayer ng mga hilaw na materyal ng
bansang Amerika kapalit ang proteksyon o pagiging alyado
natin sa kanila.
Naging malaki rin ang impluwensya ng lokasyon ng
Pilipinas noong panahon ng mga Hapones. Dahil sa
estratehikong lugar ng Pilipinas ay sinakop din nila
tayo para mapadali ang kanilang pagtatag ng
(9)____________ sa buong Asya o saan mang parti
ng lupalop sa daigdig.
Ang estratehikong lokasyon ng Pilipinas ay naging
batayan para maging sentro ng komunikasyon at
transportasyon at mga gawaing pangkabuhayan ang
Pilipinas. May mga barko at eroplano ang tumitigil
muna sa Pilipinas bago magpatuloy sa paglalakbay
sa iba’t ibang bansa sa Asya maging sa Australya.
Sa aspektong (10) ______________ ay sinasabing
ang Pilipinas ay sentro ng pinaghalong kultura ng
mga bansang kanluran at silangan. Nakasalamuha
ng ating mga ninuno ang iba’t ibang bansa sa Asya
at ibang mga kontinente dala ang mayamang
kaugalian, industriya, edukasyon at iba pa. Malaki
ang papel na ginampanan ng lokasyon ng Pilipinas.
Panuto: Sanhi at Bunga: Pagparisin ang mga
That's mine!

magkakaugnay na mga pahayag para


maipaliwanag kung paano ang lokasyon ng bansa
ay may kinalaman sa paghubog ng ating
kasaysayan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
inyong kuwaderno.
Panuto: Lagyan ng (✓) kung itoy
nagpapaliwanag sa lokasyon ng Pilipinas at
paghubog ng ating kasaysayan ang
pahayag at (x) kung hindi. Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno.
1. Nagtayo ng mga istrukturang base militar
ang mga Amerikano para gawing sanayan ng
mga sundalo at imbakan o arsenal ng mga
kagamitang pandigma nila.
2. Ang edukasyon ang naging pinakamalaking
pamana ng Espanya sa Pilipinas.
3. Bukod sa kultura, naging sentro din ang
Wow!

Pilipinas sa komunikasyon, transportasyon, at


kalakalan sa Asya.
4. Naging kalaban ng Pilipinas ang lahat na
mga karatig bansa nito dahil sa estratehikong
lokasyon nito sa Asya.
5. Mahalagang pag-aralan ang heograpiya
o lokasyon ng isang bansa para
maunawaan kung paano nahubog ang
iba’t ibang aspeto ng kultura, ekonomiya,
at pamahalaan.
Ikalawang
Araw
Isaayos ang mga letra na nasa loob ng
kahon upang mabuo ang bawat salita.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang
makapagpapaliwanag sa kaugnayan
ng lokasyon sa paghubog ng
kasaysayan.
Nakatutulong nang malaki ang mapa at globo sa
pagtukoy ng lokasyon sa mga lugar sa ating daigdig.
Longhitud ang tawag sa mga patayong
imahinasyong guhit sa mapa o globo. Latitud
naman ang tawag sa mga pahigang imahinasyong
guhit dito.
Sa pagtatagpo ng longhitud at latitud ay nabubuo
That's mine!

ang mala-parihabang espasyo sa ibabaw ng globo,


GRID ang tawag dito. Grid ang ginagamit sa
pagtukoy sa tiyak na lokasyon ng anumang lugar sa
ibabaw ng mundo.
Naipahahayag ang tiyak na lokasyon sa
pamamagitan ng longhitud at latitud. Ang
longhitud ay ang anggular na distansya
pasilangan o pakanluran mula sa Prime
Meridian.
Ang latitud naman ay ang anggular na distansya
pahilaga o patimog mula sa ekwador.
Ang bawat guhit sa mapa ay may itinakdang digri
(degree). Degree (⁰) at minute (‘) ang mga yunit na
pagsukat ng longhitud at latitud. Ang bawat degree
ay mayroong 60 minutes.
Wow!
Nakikita sa mapa na ang bawat isang guhit
ay may itinakdang digri. Sa mga digri ng
longhitud at latitud at pagtatagpo ng mga
grid, matutukoy natin ang TIYAK na
lokasyon ng Pilipinas.
Kung iisipin, ang mga longhitud at latitud
ay hindi lamang mga guhit sa ibabaw ng
mundo. Ang mga ito ay tumatagos din
patungo sa sentro ng mundo kung saan
sila nagtatagpo.
Nasusukat ang longhitud kapag natukoy na ang anggulo sa
pagitan ng alinmang guhit na patayo at ng Prime Meridian
gamit ang sentro ng daigdig bilang vertex. Ang latitud
naman ay nasusukat sa pagtukoy ng anggulo sa pagitan ng
alinmang guhit na pahalang at ng ekwador gamit ang
sentro ng daigdig bilang vertex.
That's mine!

Dagdag Kaalaman: Ang VERTEX ay ang


punto kung saan nagtatagpo ang
dalawang linya o panig ng anggulo.
Pagtukoy sa relatibong lokasyon ng
Pilipinas

Ang dalawang paraan sa pagtukoy ng


relatibong lokasyon ng Pilipinas ay ang
➢ Insular- Ito ay ang paraan sa pagtukoy sa mga
anyong-tubig na nakapaligid sa Pilipinas. Nasa
Silangan ang Karagatang Pasipiko, sa gawing
Kanluran ang Dagat Tsina at Kanlurang Dagat ng
Pilipinas. Dagat Celebes ang nasa gawing Timog
at ang Bashi Channel ay nasa bandang Hilaga
ng Pilipinas.
➢ Bisinal- Ito naman ay ang paraan sa pagtukoy sa
Wow!

lokasyon ng Pilipinas batay sa kalupaan o bansang


malalapit o nakapaligid dito. Nasa Hilaga ng
Pilipinas ang Taiwan at Tsina. Malapit naman sa
Timog ng ating bansa ang Brunei, Singapore,
Indonesia, Malaysia at Silangan ng Papua New
Guinea.
Sa Kanluran ng Pilipinas ay malapit ang
Vietnam. Pati na rin ang Cambodia, Laos,
Myanmar at Thailand. Ang Isla ng Palau ay
nasa bandang Silangan ng Pilipinas gayundin
ang mga isla ng Marianas, Melanesia at
Micronesia.
Punan ng nawawalang salita ang bawat kahon
Ilagay sa tamang lugar sa mapa ang kalupaan at katubigan na
makikita sa paligid ng Pilipinas.
Taiwan
Dagat Celebes
Brunei
Karagatang
Pasipiko
Palau
Dagat Timog Tsina
Vietnam
Bashi Channel
Indonesia
Kanlurang Dagat ng
Pilipinas
Ilagay ang nawawalang salita para sa bawat patlang. Pumili sa mga
salita na nasa kanan.
Ang dalawang paraan sa pagtukoy
ng lokasyon ng Pilipinas
insular
ay___________at bisinal
___________ paraan. Matutukoy latitud
ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas sa
mapa sa tulong ng __________ at longhitud
____________. Matutukoy ang tiyak
relatibong lokasyon ng Pilipinas sa relatibong
paraang __________at
_____________.
Punan ang patlang ng wastong sagot.
Isulat sa itong kwaderno ang iyong sagot:
1. Makatutulong ang __________
2. at ang ____________ sa pagtukoy ng
lokasyon ng isang lugar.
3. Ang tiyak na lokasyon ng isang lugar ay
That's mine!

makikita sa tulong ng ________


4. at ________ ng mapa.
5. Ang _______ lokasyon ay matutukoy
batay sa mga nakapaligid sa isang lugar.
6. Ang ______ ay ang gitnang pahalang na
guhit ng globo.
7. _________ ang pinakagitnang guhit na
patayo sa globo.
8. Ang ______ na paraan ng pagtukoy ng mga
katubigang nakapaligid sa Pilipinas.
9. ______ ay ang paraan sa pagtukoy ng
mga kalupaang nakapaligid sa Pilipinas.
10. _______ ang ginagamit sa pagtukoy ng
tiyak na lokasyon sa anumang lugar sa
ibabaw ng mundo.
Ikatlong
Araw
• Paano kaya natutukoy ang lokasyon nang
bansang Pilipinas?

• Ano-anong anyong-lupa at anyong-tubig


ang nakapalibot sa ating bansa?

• Ano kaya ang topograpiya ng Pilipinas?


Basahin ang bawat pangungusap at
Wow!

tukuyin kung wasto ang kaisipan tungkol


sa bansa. Isulat ang TAMA kung ito ay
wasto at MALI kung hindi. Isulat sa
sagutang papel ang iyong sagot.
1. Ang Pilipinas ay may 7100 na pulo.
2. Sa Timog-Silangang Asya ang Pilipinas ay
pangalawa sa pinakamalaking kapuluan.
3. Ang lokasyon ng isang lugar na batay sa mga
katabi o kalapit nitong lugar ay ang Relatibong
Lokasyon.
4. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa
rehiyong Timog-Silangang Asya.
5. Ang Karagatang Pasipiko ay nasa
kanluran ng Pilipinas.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang

makapagpapaliwanag sa kaugnayan ng

lokasyon sa paghubog ng kasaysayan.


Paano nga ba natin matutukoy
ang ating lokasyon?
Ang pagtukoy ng lokasyon ay may dalawang
paraan. Isa na rito ang tiyak na lokasyon. Sa
tulong nito, malaking nagagampanan ang pag-
unawa sa kahalagahan ng lokasyon sa
paghubog ng ating pamumuhay bilang Pilipino.
Nakakatulong na malaman natin
That's mine!

ang lokasyon sa pamamagitan ng


sumusunod na bahagi ng globo o
mapa.
Ang sumusunod ay makatutulong
upang maunawaan ng simple ang
pagtukoy sa tiyak na lokasyon. Narito
ang mga bahagi ng globo o mapa.
• Parallel - Imahinaryong linya pahiga na
tumatakbo pasilangan pakanluran
o pakanluran pasilangan sa mundo.
• Meridyano - linyang tumatakbo mula sa isang
polo patungo sa isa pang polo.
• Latitud - distansya sa pagitan ng ekwador sa
mga parallel
• Longhitud - distansya sa pagitan ng punong
meridyano sa mga meridyano
• Ekwador – isang espesyal na parallel na may
sukat na 0°
• Punong Meridyano – isang espesyal na
meridyano na may sukat na 0°
Ang ikalawang paraan naman sa pagtukoy
Wow!

ng lokasyon ay ang tinatawag na


relatibong lokasyon. Sa paraang ito
mahalaga na malaman mo ang direksyon
at mga nakapaligid na mga anyong tubig
at anyong lupa.
Sa pamamagitan ng mapa o globo ay makikita natin
ang iba’t ibang mga bansa o karagatan na
nakapaligid. Halimbawa na lang ang ating bansang
Pilipinas.

Narito ang relatibong lokasyon ng Pilipinas:


1. Sa Timog ng Taiwan at Bashi Channel
2. Sa Hilaga ng Indonesia, Dagat Sulu at Celebes
3. Sa Kanluran ng Dagat Pilipinas at Karagatang
Pasipiko
4. Sa Silangan ng Vietnam at ng Timog Dagat
Tsina at ng Kanlurang Dagat ng Pilipinas.
Ang Pilipinas ay may malalaki at maliliit na
pulo na tinatawag ding Arkipelago.
Matatagpuan ito sa rehiyon ng Timog-
Silangang Asya. Ang lokasyon natin ay
napapaliligiran din ng iba’t ibang bansa at mga
karagatan.
Dahil dito malaking bentahe ang
pamumuhay ng mga Pilipino. Ito rin ay
kabilang sa tropikal na bansa na
nakakaranas ng dalawang klima na tag-init
at tag-ulan.
Sa dakong topograpiya o anyo ng lupain
That's mine!

na magkakahiwalay na umaabot sa 7,641


na isla ayon sa NAMRIA. May iba’t ibang
mga kultura sa iba’t ibang rehiyon.
Ipinagmamalaki sa dami ng paniniwala at
tradisyon na galing sa iba’t ibang
pangkatetniko. Magkakaiba man ng lugar,
paniniwala, kultura o pangkat, iisa pa rin
ang ating lahi.
Ang lokasyon ng Pilipinas ay humuhubog sa atin
bilang mamamayan ng isang bansa. Mahalaga
ito sa paghubog sa iba’t ibang aspeto tulad ng
sa kultura, pamahalaan, relihiyon, sining at
ekonomiya maging ang ating hinaharap bilang
mamamayan at bilang isang bansa.
Dahil sa taglay na klima at likas na yaman ng bansa,
nahalina ang mga dayuhan. Sinanay din tayo nito
sa ating pananaw at katangian tulad ng pagiging
matiisin at makadiyos dahil sa mga pangyayaring
nadadanasan natin. Ito ang bumuo sa atin bilang
isang Pilipino.
Ang mainam na lokasyon din ng ating bansa
Wow!

ay nakatutulong upang maging sentro ito


ng kalakalan sa rehiyon at sa Asya.
Nagsisilbing daanan ito ng mga kalakal
gamit ang mga barko at eroplano mula sa
iba’t ibang bahagi ng rehiyon at sa Asya.
Gayundin, ito ay naging tagpuan ng iba’t ibang
kultura ng mga nagsasariling bansa. Mainam na
tanggulang pangseguridad ang lokasyon ng bansa
kaya nga malaki ang paglalaan na panahon ng mga
bansang superpowers tulad ng Estados Unidos at
ng Tsina sa bansa sapagkat nais nilang makontrol
ang Timog-Silangang Asya.
Kumpletuhin ang mga pangungusap at isulat
sa sagutang papel.
1. Ang Tiyak na Lokasyon ng Pilipinas ay
___________________________.
2. Matatagpuan ang Pilipinas sa
________________________.
3. Natutukoy ang Relatibong Lokasyon sa
pamamagitan ng ___________________.
4. Dahil sa klima nating tag-init at tag-ulan naging
bentahe ang _____________________.
5. Ikalawang paraan sa pagtukoy ng lokasyon ay
ang tinatawag na _____________________.
Itapat ang hanay A sa hanay B at isulat ang letra ng wastong
sagot sa patlang bago ang bilang.
Sa pamamagitan ng Graphic Organizer, itala sa mga kahon kung paano
nakaapekto o hinubog ka ng lokasyon ng bansa bilang mamamayan
ng bansang Pilipinas. Sipiin at gawin ito sa sagutang papel.
* Natutukoy ang lokasyon ng isang lugar sa
That's mine!

mundo gamit ang tiyak na lokasyon sa


pamamagitan ng Grid notes o ang paggamit ng
longhitud at latitud at relatibong lokasyong na
gumagamit ng mga kalapit na anyong lupa at
anyong tubig.
* Ang Pilipinas ay isang arkipelago o kapuluan
na binubuo ng maliliit at malalaking pulo na
matatagpuan sa Timog-Silangang Asya.
* Mahalaga ang lokasyon ng bansa sa
paghubog natin bilang mamamayan at bilang
isang bansa.
Basahing ang bawat pangungusap. Piliin ang
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Saang bahagi o parte ng mundo matatagpuan


ang Pilipinas?
A. Hilagang Silangan
B. Timog Silangan
C. Hilagang Kanluran
D. Timog Kanluran
2. Ano ang eksakto o tiyak na lokasyon ng
Pilipinas?
A.4°- 21° HL at 116°- 127° SL
B. 4°- 21° HL at 117°-127° SL
C. 4°-22° HL at 116°- 127° SL
D. 4°- 21° HL at 116°-126° SL
3. Saang bahagi ng Asya matatagpuan
Wow!

ang Pilipinas?
A. Hilagang- Silangan
B. Hilagang Kanluran
C. Timog Silangan
D. Timog Kanluran
4. Kung ikaw ay nasa Vietnam, anong
direksyon ang Pilipinas?
A. Hilaga
B. Timog
C. Silangan
D. Kanluran
5. Ang mga sumusunod na pangungusap o kaisipan ay tungkol sa
Pilipinas, Maliban sa isa, alin ito?
A. Ang Pilipinas ay kabilang sa tropikal na bansa.
B. Nararanasan nang Pilipinas sa buwang Abril ay tag-tuyot.
C. Napapaligiran tayo ng mga bansa kaya mabagal o mahina ang
paglago ng ekonomiya.
D. Ang pagkahiwa-hiwalay ng mga pulo sa Pilipinas ay nagbigay ng
iba’t ibang kultura, paniniwala at tradisyon ng mga pangkat-etniko.
6. Ano ang patunay na nakaaapekto sa klima ang
lokasyon ng isang lugar?
A. Mas mainit sa Pilipinas kaysa Korea
B. Mas malamig sa Vietnam kaysa Australia
C. Pareho ang klima sa Estados Unidos at India
D. Pare-pareho ang klima sa buong mundo
7. Ang Pilipinas ay madalas daanan ng bagyo at iba
pang kalamidad. Dahil dito, marami nang mga
Pilipino ang nawalan ng tahanan at mga mahal sa
buhay ngunit madali pa rin silang nakabangon at
makapagsimulang muli. Anong katangiang ito ng mga
Pilipino na kanilang pinapapahalagahan?
A. maka-Diyos
B. matiisin
C. positibo sa buhay at umaasa
D. katatagan
8. Ang lokasyon ng Pilipinas ay tunay na napakaganda at dahil
dito nagkaroon ng Base militar sa bansa ang Estados Unidos
at ang Tsina ay nagtayo na rin sa ating teritoryo. Ano ang
pangunahing dahilan ng mga ito sa ating bansa?
A. pangturismo
B. pang-ekonomiya
C. pangseguridad
D. pakikipagkaibigan
9. Ang lokasyon ng Pilipinas ay napakahalaga sa rutang
That's mine!

pangkalakalan. Bakit?
A. Daungan ng mga barkong nagdadala ng kalakal.
B. Daungan ng mga barkong nagdadala ng pasahero.
C. Daungan ng mga barkong nagdadala ng mga turista.
D. Daungan ng mga barkong nagdadala ng mga
mandirigma.
10. Ang pagiging kapuluan ng Pilipinas ay naging malaking hadlang
sa mga dayuhan para sakupin tayo. Maging ang mga Pilipino ay
nahirapan din na pag-isahin ang bansa.
A. Ang unang pangungusap ay tama at ang pangalawang
pangungusap ay mali
B. Ang una at pangalawang pangungusap ay parehong tama
C. Ang unang pangungusap ay mali at ang pangalawang
pangungusap ay tama
D. Ang una at pangalawang pangungusap ay parehong mali
Ikaapat
na Araw
Basahin ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang
sagot sa papel.
1. Saang bahagi ng Pilipinas matatagpuan ang malawak
na Karagatang Pasipiko?
A. Hilaga
B. Kanluran
C. Silangan
D. Timog
2. Ito ang pinakamalaking kontinente sa buong
mundo.
A. Antarktika
B. Aprika
C. Asya
D. Australia
3. Ano ang tawag sa guhit parallel na naghahati sa
Wow!

mundo sa dalawang hatingglobo- hilagang


hatingglobo at timog hatingglobo?
A. ekwador
B. grid
C. latitud
D. longhitud
4. Anong tawag sa lokasyong tumutukoy sa
hangganang lupain o katubigang nakapaligid sa isang
bansa?
A. absolute
B. bisinal
C. insular
D. relatibo
5. Sa anong kontinente matatagpuan ang ating
bansa?
A. Antarktika
B. Aprika
C. Asya
D. Australia
6. Ang pag-ikot ng daigdig palibot sa araw ay
tinatawag na _____________.
A. klima
B. panahon
C. rebolusyon
D. rotasyon
7. Ang inaasahang kalagayan ng atmospera sa
loob ng mahabang panahon ay tinatawag
na__________.
A. humidity
B. klima
C. panahon
D. temperature
8. Ang Pilipinas ay nakakaranas ng dalawang panahon; tag-
araw at tag-ulan. Sa anong sonang pangklima sa daigdig
nahahanay ang Pilipinas?
A. gitna
B. katamtaman
C. polar
D. tropical
9. Ang mga sumusunod ay mga bansa na
That's mine!

matatagpuan sa Silangang Hemispero MALIBAN sa


isa.
A. Brazil
B. India
C. Indonesia
D. Pilipinas
10. Gamit ang insular na paraan sa pagtukoy ng
relative location ng Pilipinas, anong katubigan ang
makikita sa timog ng ating bansa?
A. Pacific Ocean
B. Celebes Sea
C. Bashi Channel
D. West Philippine Sea
• Ilang kontinente mayroon ang ating
daigdig?

• Sa anong kontinente matatagpuan


ang Pilipinas?
Ang Pilipinas ay bahagi ng pinakamalaking
kontinente sa daigdig--- ang Asya. Nahahati ang
daigdig sa 7 kontinente. Ang Hilagang Amerika,
Timog Amerika, Europa, Aprika, Asya, Australia at
Antarktika. Ang Pilipinas ay nasa bahagi ng Asya,
ito ang pinakamalaking kalupaan sa buong daigdig.
Wow!

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang


makapagpapaliwanag sa kaugnayan
ng lokasyon sa paghubog ng
kasaysayan.
Pag-aralan ang larawan at hanapin ang Pilipinas.
Saan matatagpuan ang Pilipinas?

Gamit ang dalawang paraan sa pagtukoy ng


lokasyon, ibigay ang lokasyon ng ating bansa.

Anu-anong mga bansa at mga katubigan ang


nakapalibot nito?
Ang Pilipinas ay nasa
bahagi ng Timog-
silangang Asya gawing
itaas ng ekwador.
Paraan sa Pagtukoy ng Lokasyon

I. Tiyak na Lokasyon o Absolute Location


Matutukoy ang tiyak na lokasyon ng isang lugar gamit ang
mga latitude at longitude sa globo at mapa. Ang globo ay
modelo o representasyon ng daigdig at ang mapa naman
ay patag na representasyon ng bahagi ng mundo.
Mga Imahinasyong Guhit na Makikita sa Globo
A. Meridian o Longitude - ay patayong guhit sa
globo mula hilaga patimog ng globo. Hilagang Polo
(North Pole) at Timog Polo (South Pole) ang tawag
sa magkabilang dulo ng globo sa hilaga at timog.
Dalawang Espesyal na Meridian
Prime Meridian – ang naghahati sa dalawang hating globo
– silangang hatingglobo at ang kanlurang hatingglobo. Ito
ay nasa O° longhitud.

International Date Line (IDL) – ang Imahinasyong guhit


na naghahati sa mundo sa magkaibang araw.
Ang bahagi ng mundo sa silangan ng IDL ay
That's mine!

nauuna ng isang araw kaysa sa bahaging


kanluran ng guhit na ito. Matatagpuan ang IDL
katapat ng prime meridian sa kabilang panig
ng daigdig.
B. Parallel o Latitude ay pahigang imahinasyong
guhit sa globo o ang angular na distansya
pahilaga o patimog mula sa ekwador.

Limang Espesyal na Parallel sa Globo

Ang ekwador ay matatagpuan sa gitnang


bahagi ng globo, may pantay na layo mula sa
Hilagang Polo at Timog Polo.
Ito ay humahati sa daigdig sa hilagang hating-globo at
timog hating-globo. Ito ay nasa O° latitud. Hilagang
Hating- globo (Northern Hemisphere) ang tawag sa
bahaging patungo sa Polong Hilaga at Timog Hating-globo
(Southern Hemisphere) ang tawag sa bahaging patungo
sa Polong Timog (South Pole).
Wow!
Tropiko ng Kanser oTropic of Cancer ay ang
pinakahilagang bahagi ng daigdig na tuwirang
nasisinagan ng araw. Ito rin ang nagsisilbing
hilagang hangganan ng tropics o ang rehiyon
malapit sa ekwador at may mainit na klima. Ito
ay nasa 23.5° Hilaga.
Tropiko ng Kaprikornyo o Tropic of
Capricorn ay ang pinakatimog na bahagi ng
mundo na tuwirang nasisinagan ng araw.
Ito ay nasa 23.5 ° Timog.
Kabilugang Arktiko o Arctic Circle
ang pinakadulong bahagi ng daigdig
sa timog na naaabot ng pahilis na
sinag ng araw.Ito ay nasa 66.5°
Hilaga.
Kabilugang Antarktiko o Antarctic Circle
ay ang pinakadulong bahagi ng daigdig
sa timog na naaabot ng pahilis na sinag
ng araw. Ito ay matatagpuan sa 66.5 °
Timog.
Relative Location
That's mine!

Ang pagtukoy ng lokasyon ng isang


lugar sa pamamagitan ng pagtukoy sa
mga karatig na kalupaan o katubigan na
nakapalibot sa Pilipinas.
Dalawang Paraan sa Pagtukoy ng Relatibong Lokasyon

Insular – ang paraan sa pagtukoy ng mga katubigang


nakapalibot sa isang lugar. Bilang bansang
arkipelago,napapalibutan ang Pilipinas ng mga katubigan;
sa hilaga - Bashi Channel, sa silangan- Pacific Ocean, sa
timog -Celebes Sea at sa kanluran - West Philippine Sea.
Bisinal – ang paraan sa pagtukoy ng mga
kalupaang nakapalibot sa isang lugar.
Mga bansa na nakapalibot sa Pilipinas –
sa hilaga – Taiwan, sa timog – Malaysia
at Indonesia, sa kanluran – Guam, at sa
silangan - Vietnam.
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa pagitan ng 4º 23’ at
21 º 25’ hilagang latitude at 116º at 127º silangang
longitude gamit ang tiyak na lokasyon. Ang Pilipinas
ay malapit sa ekwador kaya ito ay isang bansang
tropikal. Gamit naman ang relatibong lokasyon,
pinapalibutan naman ito ng mga katubigan at mga
kalapit na bansa.
Klima sa Pilipinas
Wow!

Ang klima ay tumutukoy sa kainamang


kondisyon ng atmospera sa loob ng
mahabang panahon o inaasahang
pangkalahatang kalagayan ng himpapawid na
naglalarawan ng karaniwang nararanasan sa
bawat taon o sa nakaraan.
Mga Salik na Nakakaapekto sa Klima:

1. Latitude - iba-iba ang tindi ng sikat ng


araw sa bawat bahagi ng mundo depende
sa anggulo at ang kalagayan nito. May
tatlong sonang pangklima sa daigdig:
A. Sonang Tropikal - nasa mababang latitude na
nasasakop sa rehiyong pagitan ng Tropic of Cancer (
nasa 23.5 º Hilaga) at Tropic of Capricorn (nasa 23.5
º Timog). Ito ang sonang pinakamalapit sa ekwador
kaya may 2 uri ng klima ang mararanasan dito ang
tag-init at tag-ulan.
B. Sonang Katamtaman - nasa gitnang latitud. Ang mga
bansang nasa pagitan ng 23.5 º latitude hanggang 66.5 º
latitude o sa pagitan ng Tropic of Cancer at Arctic Circle sa
hilaga; at ang mga lugar na nasa 23. 5 º T latitude hanggang
66.5 º latitude o sa pagitan ng Tropic of Capricorn at Antarctic
Circle sa timog. Ang mga bansa rito ay makakarananas ng apat
na panahon; taglamig (winter), tagsibol (spring), tag-init
(summer) at taglagas (fall).
C. Sonang Polar ay nasa mataas na latitude at
pinakamalamig na bahagi ng daigdig. Ito ay
rehiyong nasa 66.5 º H latitude hanggang 90º H
latitude o sa pagitan ng Arctic Circle at North Pole;
at ang rehiyong nasa 66 .5 º T latitude hanggang
90º T latitude o sa pagitan ng Antarctic Circle at
South Pole.
2. Topograpiya - ang mga kabundukan o ang uri ng kalupaan ng
isang lugar ay nakakaapekto sa isang lugar.
That's mine!

3. Altitude o taas ng lugar - kung mataas ang isang lugar ay


bumababa ang temperatura kagaya sa Baguio City na
matatagpuan sa mataas na lugar kaya mababa ang temperatura
at malamig dito kumpara sa mababang lugar sa bansa.
Temperatura ay ang tumutukoy sa lamig at init ng atmospera sa
isang lugar. Thermometer ang gamit na panukat sa temperatura.
4. Galaw at uri ng hangin - isa rin sa
nakakaapekto sa klima dahil ang hanging
nararanasan sa Asya ay nagbabago ng
direksyon na tinatawag na monsoon.
Tatlong Uri ng Hanging Nakakaapekto sa Klima ng
Bansa
A. Hanging silangan o trade winds - umiihip ang
hanging silangan mula sa hilagang silangan o
silangan pagkatapos na bagtasin ang Pacific Ocean.
Nararanasan ito sa Pilipinas mula Pebrero hanggang
Marso.
B. Hanging amihan o northeast monsoon –
umiihip ang hangin amihan mula sa hilagang-
silangan. Nagdadala ng malamig at tuyong
hangin na nagmumula sa China at Siberia.
Nararanasan ito sa Pilipinas mula Nobyembre
hanggang Pebrero.
C. Hanging habagat o southwest monsoon – umiihip
Wow!
ang hanging habagat mula sa timog-kanluran bahagi
ng Pilipinas at umiihip sa buong Asya na nagdadala
ng malakas na pag-ulan sa ating bansa. Nararanasan
ito sa Pilipinas mula Mayo hanggang Oktobre.
Anemometer ang ginagamit upang masukat ang
bilis ng hangin.
5. Distansya mula sa karagatan – dahil ang
karagatan ang humihigop sa temperatura at ang
tubig nito ay hindi madaling umiinit, naapektuhan
nito ang klima ng mga nasa baybaying lugar.
Malapit sa ekwador ang Pilipinas kaya tayo ay may
dalawang klimang nararanasan.
Ang Pacific Ocean naman ang silangan ng Pilipinas
kaya madalas tayong dalawin ng mga bagyo. Sa
lokasyon nitong nahahanay sa typhoon belt kaya
taun-taon may 19 hanggang 20 bagyo ang dumaraan
sa ating bansa. Nagbabago ang panahon at klima sa
iba’t ibang panig ng mundo dahil sa paggalaw nito.
Uri ng Paggalaw ng Daigdig

Rotasyon – ito ay ang pag-ikot ng mundo


sa kanyang sariling axis kaya may araw at
gabi. Axis ang tawag sa imahinasyong
guhit na tumatagos mula Hilagang Polo
patungong Timog Polo na nakahilig sa
anggulong 23.5 º.
Rebolusyon – tumatagal nang 365 ¼ na araw ang
pag-ikot ng mundo sa araw at dahil sa nakahilig na
posisyon ang mundo paikot sa araw kaya tumatama
ang sinag nito sa magkakaibang panig ng mundo na
naging dahilan sa pagkakaroon ng iba’t - ibang
klima sa iba’t ibang panig ng mundo.
Pag-aralan ang mga guhit at kilalanin ang mga ito. Pumili sa
loob ng kahon sa gilid ng larawan at isulat ang iyong sagot sa
papel.
Ibigay ang mga katubigan at mga bansa na nakapalibot sa
Pilipinas. Isulat ang sagot sa papel.
That's mine!
Gumawa ng liham sa isang kaibigan na taga
ibang bansa. Ipakilala mo ang ating bansa
ayon sa lokasyon at uri ng klima na
nararanasan dito sa Pilipinas. Gawin ito sa
papel. Ang rubriks sa ibaba ay siyang maging
batayan sa pagbibigay ng puntos.
Sagutin sa papel ang mga tanong.
1. Anu - ano ang mga paraan para matukoy ang lokasyon ng Pilipinas?
___________________________________________________
2. Saan matatagpuan ang Pilipinas gamit ang tiyak na lokasyon?
_________________________________________________________
3. Ano ang kahalagahan sa pag-alam ng lokasyon at klima ng isang lugar?
_________________________________________________________
4. Ano ang kinalaman ng lokasyon sa isang lugar sa klimang nararanasan
nito?
_________________________________________________________
5. Kalimitan sa tuwing buwan ng Mayo hanggang Oktubre ay
makakaranas tayo ng pag-ulan. Bilang estudyante, paano ka
makakatulong upang maihanda ang iyong pamayanan?
___________________________________________________
Basahin ang bawat tanong at isulat ang titik ng
tamang sagot sa papel.
Wow!

1. Tawag sa imahinasyong guhit na naghahati sa


daigdig sa magkaibang araw.
A. Ekwador
B. Latitude
C. Prime meridian
D. International Date Line
2. Ang imahinasyong guhit sa globo na tumatagos mula North
Pole hanggang South Pole at nakahilig ito na may anggulong
23.5º ay tinatawag na ____________.
A. axis
B. ekwador
C. latitud
D. prime meridian
3. Ang ama ni Bryan ay isang mangingisda. Upang makakuha
ng maraming isda ang tatay ni Bryan, anong salik sa klima
ang dapat na isaalang-alang ng kanyang ama?
A. altitude
B. galaw at uri ng hangin
C. topograpiya
D. distansya mula sa karagatan
4. Ang mga sumusunod ay mga epekto ng rotasyon
MALIBAN sa isa.
A. nagkaroon ng araw at gabi
B. katumbas ng 24 na oras sa isang araw
C. iba’t – ibang klima sa iba’t – ibang panig ng mundo
D. nagkakaroon ng iba’t – ibang oras sa magkaibang
panig ng mundo
5. Si Nash ay nakatira sa Baguio. Malamig ang
klima doon dahil sa ______.
A. altitude
B. latitude
C. distansya sa karagatan
D. galaw at uri ng hangin
6. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang
bansang tropikal?
A. nakararanas ng tag-init at tag-ulan
B. nasa mataas na latitud ang isang lugar
C. nakararanas ng apat na uri ng panahon
D. nakararanas ng matinding lamig ng panahon
7. Kung ang prime meridian ang naghahati sa globo sa
That's mine!

silangang- hatingglobo at kanlurang- hatingglobo, ano


naman ang kahalagahan ng International Date Line (IDL)?
A. May araw at gabi.
B. Naghahati sa mundo sa magkaibang araw.
C. Nagkakaroon ng iba’t ibang klima ang mundo.
D. Naghahati sa mundo sa timog at hilagang hating globo
8. Bakit madalas dalawin ng bagyo ang bansa natin?
A. May maraming bundok
B. Nakaharap ang Pilipinas sa Karagatang Pasipiko
C. Iba’t-ibang uri ng hangin ang bumibisita sa Pilipinas
D. Naiipon ang bagyo dahil sa init at ulan na
narararanasan sa bansa
9. Gamit ang mapang pandaigdig, anong bansa ang tinutukoy sa
nakasaad na lokasyon? Tiyak na lokasyon: 55º41’ hilagang
latitude at 12º34’ silangang longitude Relatibong lokasyon:
malapit sa hilaga ng Germany, napapalibutan ng Baltic Sea at
North Sea
A. Denmark
B. Finland
C. Ireland
D. Spain
10. Gustong-gusto ni Kent na pumunta sa Amerika
para makaranas ng snow o yelo. Bakit nagkakaroon
ng snow sa nasabing bansa? Dahil ito ay ________.
A. malaking bansa
B. nakararanas ng apat na panahon
C. matatagpuan sa Pacific Ring of Fire
D. may kakayahang gumawa ng sariling yelo
Ikalimang
Araw
• Saang kontinente napapaloob
Wow!

ang Pilipinas?
• Paano nahiwalay sa kalupaang
Asya ang Pilipinas?
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang
makapagpapaliwanag sa kaugnayan
ng lokasyon sa paghubog ng
kasaysayan.
Katangiang ng Pilipinas Bilang Isang Archipelago

Ang Pilipinas ay isang kapuluan na tinatawag na


ARCHIPELAGO. Binubuo ito ng 7,107 na pulo. Ayon
sa NAMRIA (National Mapping and Resource
Information Authority) ito ay binubuo ng 7,641
pulo. 300,000 kilometrong parisukat – ang lawak ng
lupaing ng Pilipinas o 30,000,000 ektarya. 1,840
milya ang haba at 688 milya ang lapad. 17,462
kilometro ang haba ng baybayin ng Pilipinas.
Pulo ng Y’AMI- pinakadulong pulo sa hilaga na
may layo lamang na 124.8 kilometro sa
Taiwan.
Pulo ng SALUAG – pinaka- dulong pulo sa
timog na may layo na 32 kilometro sa Borneo.
Ang tatlong malalaking pulo ng Pilipinas ay
ang Luzon, Visayas at Mindanao. Ito rin ay may
sampung malalaking pulo gaya ng Luzon,
Mindanao, Samar, Negros, Palawan, Panay,
Mindoro , Leyte, Cebu at Bohol.
That's mine!
Dahil din sa pagiging archipelago
ng bansang Pilipinas, ito ang
bansang may pinakamahabang
baybayin
Ang Pilipinas ay nag-aari ng pinakamayaman
at pinakamagandang lupain sa mundo.
Wow!

Ang Bundok Apo sa Davao- ang


pinakamataas na bundok, ito ay may taas
na 9,690 talampakan.

Ang Bundok ng Sierra Madre- ang


pinakamahabang bulubundukin.
Bundok Apo
Sierra Madre
Sagana din ito sa mga bulkan. May humigit kumulang
limampu’t dalawa ang mga bulkan sa bansa.

Bulkang Mayon sa Albay- ang


kinikilalang pinakamagandang bulkan sa Pilipinas.

Bulkang Taal sa Batangas- ang pinakamaliit na bulkan sa


daigdig.Ang iba pang kinikilalang bulkan ay Banahaw sa
Quezon, Bulusan sa Sorsogon, Hibok hibok sa pulo ng
Camiguin at bundok ng Pinatubo sa Zambales.
Bulkang Taal
Bulkang Mayon
Sa buong kapuluan ay matatagpuan din
That's mine!

ang matataba at malalawak na


kapatagan at lambak.Ang Gitnang Luzon
ang pinakamalaking kapatagan. Lambak
ng Cagayan ang pinakamalaking lambak.
Lambak ng Cagayan
Ang Pilipinas ay isang archipelago. Pinalilibutan ang
mga isla nito ng tubig. Ang ilan sa mahahalagang ilog
sa Luzon ay Ilog Cagayan, Ilog Agno, Ilog Pampanga,
Ilog Abra, Ilog Pasig at ilog Sipokot sa Bicol. Ang Ilog
Hilabangan ang pinakamalaking ilog sa kabisayaan at
Rio Grande de Cotabato naman ang kilalang ilog sa
Mindanao.
Ang Ilog sa Ilalim ng Lupa sa Palawan
(Underground River of Palawan) ang
pinakatanyag at may pinakamalaking
atraksyong ilog sa mga turista. Ang Lawa ng
Laguna naman ang siyang pinakamalaking
lawa sa Pilipinas.
May mga tanyag din na talon tulad ng Talon ng
Wow!
Pagsanjan sa Laguna at Talon ng Maria Cristina sa
Lanao Dala rin ng pagiging archipelago ng Pilipinas,
marami itong anyong tubig na pinamumugaran ng
yamang tubig , dagat man o tabang.Pating Bulik o
Whale Shark ang pinakamalaking isda sa buong
mundo. Pandaca Pygmaea ang pinakamaliit na isda
bago natuklasan ang sinarapan.
Ang stratihikong lokasyon ng Pilipinas ay nakaapekto sa ating
kasaysayan.
• Una, ang lapit ng lupain ng Asya ang naging dahilan ng
pandarayuhan ng mga Aetas o Negritos, Indones at Malay. Ang
mga Negritos na tumungo sa Pilipinas sa pamamagitan ng tulay
na lupa na kumokonekta sa kontinente ng Asya, samantalang
ang mga Indones at Malayo ay nakarating sa isla ng Pilipinas sa
pamamagitan ng pagtawid sa karagatan.
• Pangalawa, Dahil sa lokasyon ng Pilipinas ang mga
Pilipino at karatig bansa nito sa Asya ay nakabuo ng
kalakalan gaya ng sa pagitan ng mga Tsino, Indiano,
Hapon at Arabe. Ito ay naging kapaki pakinabang sa
mga Pilipino hindi lamang sa ekonomiya pati na rin
sa kultura.
• Ikatlo: Ang lokasyon ng Pilipinas mula sa
Spice Islands o Moluccas ay nag dulot ng
pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas at nag
dulot ng Hispanisasyon at Kristiyanismo sa
bansa.
• Ika-apat: Ang lokasyon ng Pilipinas sa Timog-
Silangang Asya ay nagdulot ng pananakop ng mga
Amerikano mula sa mga Espanyol. Pinalakas nito ang
kapangyarihan ng mga Amerikano sa pagtayo ng mga
Base Militar nito sa Pilipinas upang palakasin ang
Hukbong Sandatahang lakas nila. Kalaunan, naging
supplier ng mga hilaw na materyales and Pilipinas sa
Estados Unidos at naging sentro ng kalakalan ng mga
produkto ang Pilipinas.
• Ika-lima: Ang Pilipinas ay naging
importanteng bahagi ng kalakalan at
paglalakbay ng mga bansa sa Asya. Naging
daungan ng mga sasakyang pandagat at
himpapawid ang Pilipinas bago tumungo sa
iba’t - ibang karatig bansa nito sa Asya
Panuto: Sagutin ng FACT kung tama at BLUFF kung
mali.
___________1. Sa mapping na naisagawa ng
NAMRIA nakapagtala sila ng 7,641 bilang ng pulo sa
Pilipinas.
___________2. Ang Pasig ay nasa Pambansang
Punong Rehiyon o NCR.
___________3. Tinawag na bansang archipelago
ang Pilipinas dahil ito ay binubuo na mga
malalaking pulo lamang.
___________4. May pinakamahabang
baybayin ang Pilipinas sa buong mundo.
___________5. Ang pinakatimog na pulo
ng Pilipinas ay ang Y’Ami sa Batanes
Ayusin ang mga titik upang mabuo ang salita
1. N O L Z U - (Ang pinakamalaking pulo sa Pilipinas.)
That's mine!

2. S L A U G A – ( Pinakadulong pulo sa timog ng


Pilipinas)
3. O Y A N M L N U K B A G – (Kinilalang
pinakamagandang bulkan sa Pilipinas)
4. C R H E P O G L A I – ( Binubuo ng maliliit at
malalaking pulo na napapaligiran ng tubig.)
5. R G A A A K A N T G K S I P A I P O –
( Pinakamalaking karagatan sa mundo)
Sagutin ang mga sumusunod kung
KATOTOHANAN o DI KATOTOHANAN.

1. Sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas dahil


sa mayaman ito sa likas na yaman.
2. Marami sa kulturang Pilipino ang namana
natin sa mga dayuhan dulot ng
pakikipagkalakalan.
3. Ang Pilipinas
Wow!
ay hindi ginawang
pangunahing daungan ng mga bansa sa Asya.
4. Malaki ang kaugnayan ng lokasyon ng
Pilipinas sa paghubog ng kasaysayan nito.
5. Walang naging impluwensiya ang mga
dayuhan sa kasaysayan ng Pilipinas
Punan ang patlang sa mga sumusunod na tanong gamit ang mga
gabay na larawan.
Ano ang katangian ng Pilipinas bilang isang archipelago?
Panuto: Lagyan ng / kung katangian ng Pilipinas bilang isang
archipelago ang tinutukoy at x kung hindi.
________1. May pinakamahabang baybayin ang Pilipinas.
_________ 2. Ang bansa ay nakakaranas ng dalawang uri ng
panahon –tag-araw at tag-ulan.
_________ 3. Mainam na magtayo ng negosyo kaya
maraming dumadayong mangangalakal..
_________ 4. Binubuo na hiwa-hiwalay na malalaki
at maliliit na pulo.
_________ 5. Maraming yamang tubig na
makukuha dito.
Tandaan:
Malaki ang kaugnayan ng lokasyon ng Pilipinas
sa paghubog o pagusbong ng kasaysayan nito;
1. May mga teorya na ang pinagmulan ng lahing
Pilipino ay mula sa mga Aeta, Indones at Malay.
2. Maraming kulturang Pilipino ang
naimpluwensiyan ng mga dayuhang
nakipagkalakalan sa ating bansa.
3. Nasakop tayo ng mga Espanyol ng humigit
kumulang sa 300 taon at naging dayuhan tayo sa
ating sariling bayan
4. Naging sentro ng sandatahang lakas ng mga Amerikano
That's mine!

ang ating bansa sa pagtayo nila ng mga Base Militar.


5. Naging sentro ng mga kalakalan at pangunahing
daungan ng mga sasakyang pandagat at
panghimpapawid.
6.Umusbong ang nasyonalismo sa mga Pilipino dulot ng
mga liberal na kaisipang dumating sa ating bansa.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Piliin ang titik ng tamang
sagot.
1. Ang Pilipinas ay binubuo ng malalaki at maliliit na pulo at
napaliligiran ng anyong tubig. Ito ay tinatawag na ________.
A. Karagatan
B. Kabihasnan
C. Archipelago
D. Teritoryo
2. Ilan ang bilang ng pulo sa Pilipinas ayon sa pag-aaral na
isinagawa ng NAMRIA?
A. 7,461
B, 7,401
C. 7,107
D. 7,561

3. Ang ______ ang pulong nasa dulong timog ng Pilipinas.


A. Batanes
B. Catanduanes
C. Basilan
D. Saluag
4. Ang Pilipinas ay may sampung pinakamalalaking pulo, ilan dito ay ang
mga sumusunod, maliban sa isa. Alin ito?
A. Palawan
B. Samar
C. Siargao
D. Mindoro

5. May mga anyong tubig sa loob at paligid ng ating bansa. Alin ang
pinakatanyag na ilog at may malaking atraksyon sa mga turista?
A. Ilog Pasig
B. Ilog ng Rio Grande sa Cotabato
C. Ilog Cagayan
D. Ilog sa Ilalim ng Lupa sa Palawan
6. Ano ang kaugnayan ng lokasyong ng
Pilipinas sa kolonisasyon ng Espanyol?
Wow!

A. Dahil sa lapit nito sa Moluccas Island na


totoong pakay nito.
B. Dahil sa may malamig na klima ito na
angkop sa mga Espanyol.
C. Dahil malapit lang ito sa Espanya.
D. Wala itong naging kaugnayan.
7. Paano naging kapakipakinabang ang lokasyon ng
Pilipinas sa mga karatig bansa nito sa Asya?

A. Naging magkakaibigan ang mga bansa sa Asya.


B. Nakabuo ito ng mga ugnayang kalakalan
C. Nagkaroon ng impluwensiya ng bawat kultura.
D. Lahat ng nabanggit ay sagot.
8. Sa inyong palagay may kaugnayan ba ang lokasyon
ng Pilipinas sa pag-usbong ng kasaysayan nito?

A. Walang kaugnayan
B. Hindi naman umuusbong ang kasaysayan ng
bansa.
C. Walang kaugnayan ang lokasyon ng isang bansa sa
kasaysayan nito.
D. Malaki ang kaugnayan ng lokasyon sa pag-usbong
ng kasaysayan ng isang bansa.
9. Bakit nagkaroon ng malaking bahagi sa kasaysayan ng
ating bansa ang mga Amerikano na may kaugnayan sa
lokasyon ng Pilipinas?
A. Dahil nakapagtayo sila sa bansa ng mga Base Militar
upang palakasin ang kanilang Hukbong Sandatahan.
B. Dahil maraming Amerikano ang tumira sa bansa dulot ng
magandang klima nito.
C. Dahil maraming Amerikano ang nakapag- asawa ng mga
Pilipino.
D. Dahil binili nila ang Pilipinas mula sa mga Espanyol.
10. Alin ang hindi magandang naidulot ng lokasyon sa Pilipinas na
nagkaroon din ng kaugnayan sa ating kasaysayan?
A. Nang mawalan tayo ng karapatan at kalayaan sa loob ng 333
taon dulot ng pananakop ng mga Espanyol.
B. Nang madamay ang Pilipinas sa Ikalawang Digmaang pandaigdig
at dumanas ng kahirapan ang mga Pilipino.
C. Dumadanas ng maraming kalamidad ang bansa dulot ng
lokasyon nito.
D. Lahat ng nabanggit at tamang sagot.

You might also like