You are on page 1of 4

Aralin 1

Ang Pilipinas ay Isang Bansa

Tandaan Mo
 Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga
grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang
pinanggalingan kung saan makikita ang iisa o pare-
parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.
 Ang isang basa ay maituturing na bansa kung ito ay
binubuo ng apat na -element ng pagkabansa-tao,
teritoryo, pamahalaan, ganap na kalayaan o soberanya.
 Ang Pilipinas ay isang bansa dahil may mga naninirahan
ditong tao, may sariling teritoryo, may pamahalaan, at
may ganap na kalayaan.

Insights
Tinalakay sa araling ito ang konseptong meron sa isang
bansa, matatawag lang na bansa ang isang lugar kung ito ay
binubuo ng mga element gaya ng tao, teritoryo, pamahalaan at
ganp na kalayaan o soberanya.
Ang Pilipinas ay isang halimbawa ng isang bansa dahil
may mga naninirahan ditong mga tao, may sarili ding teritoryo,
may pamahalaan, at may ganap na kalayaan.
Ang isang bansa din ay lugar o teritoryo na may
naninirahang mgq grupo ng tao na may magkakatulad na
kulturang pinanggalingan kung saan makikita ang iisa o pare-
parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.

Aralin 2
Ang Kinalalagyan ng Pilipinas

Tandaan Mo
 Ang relatibong lokasyon o kaugnay na kinalalagyan ng bansa ay
ang direksiyon oa lokasyon ng isang lugar batay sa kinalalagyan ng
mga katabi o kalapit nitong lugar.
 Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong Timog-silangang Asya sa
kontinente o lupalop ng Asya.
 Kung gagamitin ang mga pangunahing direksiyon, ang Pilipinas ay
napapaligiran ng bansang Taiwan at Bashi Channel sa hilaga,
Karagatang Pasipiko sa silangan, mga bansang Brunei at Indonesia
at mga dagat Celebes at Sulu sa timog, at ng bansang Vietnam at
Dagat Kanlurang Pilipinas sa kanluran.
 Kung ang mga pangalawang direksiyon ang gagamitin,
napapaligiran ang bansa ng Dagat ng Pilipinas sa hilagang-
silangan, mga isla ng Palau sa timog-silangan, mga isla ng Paracel
sa hilagang-kanluran, at Borneo sa timog-kanluran.

Insights/Pananaw
Dito sa araling ito lubos na ipinaunawa sa amin kung nasaan ang
kinalalagyan ng ating bansang Pilipinas sa pamamagitan ng paggamit ng
mapa o globo.

Ang globo ay representasyon o modelo ng mundo na may


imaginary lines na nakakatulong sa paghahanap nh lokasyon ng isang
lugar. Maaari nating matukoy ang kinalalagyan ng ating bansa sa
pamamagitan ng paggamit ng relatibong lokasyon o kaugnay na
kinalalagyan ng bansa. Ang relatibong lokasyon ay ang lokasyon ng isang
lugar ayon sa kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong lugar. Maaari
din nating matukoy ang isang lugar sa pamamagitan ng pangunahing
direksiyon o pangalawang direksyon.

Aralin 3
Ang Teritoryo ng Pilipinas
Tandaan Mo
 Ang Pilipinas ay bahagi ng Timog-silangang Asya. Napapaligiran
ito ng Bashi Channel sa hilaga, Karagatang Pasipiko sa silangan,
Dagat Celebes sa timog, at Dagat Kanlurang Pilipinas sa
kanluran.
 Humigit-kumulang sa 1000 kilometro ang layo ng Pilipinas
mulan sa kalakhang kontinente ng Asya. Napapaligiran ito ng
Taiwan,China, at Japan sa hilaga; Malaysia, Vietnam, Laos,
Cambodia, at Thailand sa kanluran; at Indonesia sa timog.
 Ang lawak ng bansa ay umaabot sa 300 000 kilometro
kuwadrado, May 1851 kilometro ang haba nito mula sa hilaga
patimog, at umaabot naman sa 1107 kilometro ang lawak mula
sa kanluran pasilangan.

Insights/Pananaw
Mahalaga sa atin na matukoy ang ating teritoryo at
lokasyon ng ating bansa. Sa araling ito naisagawa namin
ang isang paraan sa pagtukoy ng teritoryo ng ating
bansang Pilipinas sa pamamagitan ng paggamit ng
iskala, distansiya, at direksiyon. Sa pamamagitan ng mga
kagamitang ito nalaman natin na ang teritoryo ng ating
bansa ay may lawak na umabot sa 300 000 kilometro
kuwadrado. May haba din itong 1851 kilometro hilaga
patimog at umaabot naman sa 1107 kilometro ang lawak
mula sa kanluran pasilangan.

You might also like