You are on page 1of 16

Marhay na aga!

Naimbag Magandang umaga Maabig a


nga bigat! Buklas!

Maayong Buntag!
INTERAKSIYONAL:
 Ginagamit ito sa pagpapanatili ng mga
relasyong sosyal, katulad ng pagbati sa iba’t
ibang okasyon, panunukso, pagbibiro,
pangiimbita, pasasalamat, pagpapalitan ng
kuro-kuro tungkol sa isang particular na isyu.

 Paggamit ng mga salitang pang Teen ager,


liham pang kaibigan, lengwahe ng mga bakla,
propesyonal na jargon, palitang ritwalistik, at
dayalektong rehiyunal
Instrumental:
• Tumutulong sa tao para maisagawa ang mga
gusto niyang gawin.

• Tumutugon sa mga pangangailangan ng tao


gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.

• Magagamit ang wika sa pagpapangaral,


verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi,
paghingi, pag-uutos, pakikiusap, liham
pangangalakal at pagpapakita ng mga
patalastas tungkol sa isang produkto.
• Maisasagawa niya ang anuman at mahihingi
ang iba’t ibang bagay sa tulong ng wika.
Regulatoryo:
• May gamit ding regulatori ang wika na
nangangahulugang nagagamit ito sa pagkontrol sa
mga ugali o asal ng ibang tao, sitwasyon o
kaganapan.

• Kabilang ditto ang pagbibigay ng patakaran o


palisi at mga gabay o panuntunan, pag-aaproba,
di-pagpapatibay, pagbibigay ng pahintulot,
pagbabawal, pagpuri, pambabatikos,
pagsangayon, di- pagsangayon, pagbibigay
paalala, babala at pagbibigay ng panuto.
• Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng
pagtuturo ng likasyon, lokasyon, direksyon
sa pagluluto ng isang ulam, direksyon sa
paggawa ng anumang bagay ay mga
halimbawa ng tungkuling regulatoryo.
Personal:
• Pagpapahayag ng isang personalidad at damdamin ng
isang indibidwal.

• Paglalahad ng sariling opinion at kuro-kuro sa paksang


pinag-uusapan.

• Pagsulat ng talaarawan at journal at pagpapahayag ng


pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.

• Nasa anyo ito ng iba’t ibang pangungusap na


padamdam, pagmumura, paghingi ng paumanhin,
pagpapahayag ng mga pansariling damdamin (tuwa,
galit, gulat, hinanakit, pag-asa, kagustuhan), at iba pang
pansariling pahayag.
Heuristiko:
• Ginagamit ito ng tao upang matuto at magtamo ng mga
tiyak na kaalaman tungkol sa mundo, sa mga akademiko at
propesyunal na sitwasyon.

• Ito ay ang pagbibigay o paghahanap ng kaalaman.

• Kabilang ditto ang pagtatanong,pakikipagtalo, pagbibigay-


depinisyon, panunuri,sarbey at pananaliksik.

• Nakapaloob dito ang pakikinig sa radio, panonood ng


telebisyon, pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog, at
mga aklat kung saan nakakukuha tayo ng impormasyon.
Impormatibo:
• Ang wika ay intrumento upang ipaalam ang iba’t
ibang kaalaman at insight tungkol sa mundo.

• Ang wika ay ginagamit upang magbigay ng


impormasyon/datos sa paraang pasulat at pasalita.

• Ang ilang halimbawa nito ay pag-uulat, panayam,


pagtuturo, pagpapaliwanag, pagsagot, pagtuturo
at pagsusulat ng pamanahong papel o thesis.

You might also like