You are on page 1of 5

WIKA - ang wika ay mga simbolong salita ng mga kaisipan at saloobin.

Ito ay isang
paraan ng paghahatid ng ideya o palagay sa tulong ng mga salita na maaaring
pasalita o pasulat. Ito din ay isang penomenong pumapaloob at umiiral sa loob
ng lipunan at may angking kakayahang makaimpluwensya, magdikta, magturo,
tumulong, kumontrol, manakot, pumatay, magpaligaya at lumikha ng isang
realidad sa kanyang kakayahang ispesipikong.

KULTURA - ang kultura ay tinatawag na kalinangan sa pangkalahatan na


tumutukoy sa isang aktibidad ng sangkatauhan. Ito ay tumutukoy sa paraan ng
pamumuhay na nakagawian ng tao. Kasama dito ang sining,wika,musika at
panitikan. Ang kultura ay karunungan, paniniwala at kaugalian ng isang pangkat
ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan.

LIPUNAN – ang lipunan ay pagkat o grupo ng mga indibiduwal na may


magkakatulad na katangian at interes. Ang mga tao ay sama-samang naninirahan
sa isang kumunidad kung saan mayroong iisang batas, tradisyon at pinaniniwala
sa lipunan. Mahalaga ang lipunan para sa ating mga tao dahil ito ay nagsisilbing
tirahan para sa atin. Bilang isang indibidwal, sa pamamagitan ng pakikihalubilo sa iba,
nahuhubog at napapaunlad nito ang ating pagkatao.
Isang bahagi ng
Isang sistemang Kalipunan ng mga signo,
pakikipagtalastasan na
komunikasyon na tunog at mga kadugtong
ginagamit araw-araw.
madalas ginagamit ng tao na batas para maiulat
sa isang partikular na ang nais sabihin ng
lugar. kaisipan.

Isang pangkat ng mga tao Ito ay ang mga tradisyon,


na binibigyan ng katangian kaugalian, paniniwala,
o paglalarawan sa mga selebrasyon, pamumuhay
huwaran ng mga ng mga tao sa isang lugar o
pagkakaugnay ng bawat komunidad.
isa.

Binubuo ng tao na
may magkakawing
Naglalarawan
na ugnayan at sa isang lipunan.
tungkulin. Isang pangkat ng Tumutukoy sa
mga taong paraan ng
nagtutulungan at pamumuhay na
nagkakaisa. nakagawian ng tao.
Ang isa sa pinakamahalaga sa tao at lipunan ay ang wika. Samantala, ang wika ay nabuo para sa tao at lipunan at
pagkakaroon ng pagrespeto sa ating kanya-kanyang kultura. Sa lipunan, wika ang tumutulong upang labis na magkaunawaan ang
mga tao sa isa’t-isa at sa kani-kanilang mga kultura, ito rin ay mahalaga sa lipunan sapagkat gaya nga ng sabi nila, “No man is an
island.” Nagpapatuwid, walang sinuman ang maaaring mabuhay na para sa sarili niya lamang. Nabuo ang wika para sa lipunan at
pagkakaroon nang pagkakaunawaan sa kultura at ang lipunan ay nabuo dahil sa wika, kaya nakakaapekto ang wika sa kultura at
lipunan na ginagalawan ng tao.

Ang wika at kultura ay nauugnay sa isang mabuting gawain nating mga Pilipino dahil ito ang magbibigay ganda sa ating
kinabukasan kung patuloy natin itong papahalagahan. Itinuturing na anak ng kultura ang wika o lenggwaheng ginagamit natin. Ang
wika at kultura ay pinamana ng ating mga ninuno na kung saan ay lubos na pahalagahan nating mga Pilipino. Wika ang ginagamit
natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din
nito nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa
pamamagitan ng paggamit ng wika. Hindi maitatangging, hindi mapaghihiwalay ang wika at kultura, dahil sumasalamin sa kultura ng
isang tao ang kanyang ginagamit na wika, may mga salita din kasing pag-aari lamang ng isang bansa. Halimbawa na lang nito ay sa
Pilipinas, dito lang sa atin ang may salitang “Po”,”Opo” at “Oho” na naglalarawan sa kaugalian ng mga Pilipino bilang sa pagiging
magalang. Taon-taon maraming nadidiskubre na wika dahil masyadong matalino na ang mga tao, kung kaya’t mabilis na
naiimpluwensiya ng mga ito ang wikang gagamitin sa isang partikular na lipunan. Sadyang nakakaapekto ang kultura sa wika lalo
na kapag naimpluwensyihan ng lipunan na kinagagawalan nito.

Sa kabuuan, apektado ang wika sa kultura ng isang tao at sa lipunan ng partikular na lugar at gayun din nakakaapekto ang
kultura at lipunan sa wikang ginagamit. Ang kultura ang nagdidikta ng tama o mali sa isang lipunan kaya't malaki ang epekto nito sa
wika. Sadyang hindi maipagbubukud-bukod ang dalawa, ang wika at kultura, samantala nakabuntot sa kultura ang lipunan dahil
kung walang lipunan walang mahuhubog na kultura, at kung walang kultura posibleng may sari-sariling paniniwala ang mga tao sa
isang lipunan. Mahalaga o importante ang wika kaya’t mahalaga ring matutunan at mahalin ito.

You might also like