You are on page 1of 2

WIKA IBA’T IBANG PAKAHULUGAN SA

WIKA
Ano nga ba ang kahalagahang naidudulot
ng wika sa buhay ng tao? Webster – Sistema ng komunikasyon sa
pagitan ng tao sa pamamagitan ng pasulat at
Ang bawat nilikha ay naghahangad na pasalitang simbolo.
magkaroon ng kahusayan sa wika. Ito ay Bernales et al. – Proseso ng pagpapadala at
isang mahalagang kasangkapan upang pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
maipahayag ng tao ang ,kanyang damdamin simbolikong cues na maaaring berbal o di-
at kaisipan. berbal.
Pamela Constantino at Galileo Zafra –
Ang kakayahan sa paggamit nito na Kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan
nasasalig sa isipan, damdamin at kilos ng tao ng pagsasama-sama ng mga ito para
ay resulta ng isang dinamikong prosesong magkaunawaan o makipag-komunikeyt.
bunga ng kanyang karanasan- kabiguan, Alfonso Santiago – Ang wika ay
tagumpay, pakikipagsapalaran at maging ng sumasalamin sa mga mithiin, lunggatin,
kanyang mga pangarap at mithiin. pangarap at karunungan, moralidad,
paniniwala at kaugalian ng mga tao sa
Sa pamamagitan ng wika, nabubuo ang lipunan.
mabuting relasyon sa kapwa, napapaunlad Archibald Hill - Ang wika raw ay ang
ng tao ang kanyang sarili at nakatutulong pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng
din siya sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga
iba. simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na
nalilikha ng aparato sa pagsasalita at
Dahil sa wika, nakatatanggap at isinasaayos sa mga klase at pattern na
nakikibahagi siya sa kapwa ng bisang dala lumilikha sa isang komplikado at simetrikal
ng pagbabago sa kultura at kabihasnan. na istruktura. Ang mga simbolong ito ay
mayroon ding kahulugang arbitrayo at
Ano nga ba talaga ang wika? Bakit ito’y kontrolado ng lipunan.
totoong napakakomplikado at tunay na may o Ang wika ang pangunahin at
kapangyarihan? pinakatiyak na anyo ng simbolikong
gawaing pantao
Ang kahulugan ng wika bilang Chomsky – Ang wika ay isang prosesong
representasyon ng karanasan ay nag-iiba sa mental. 5ay unibersal na gramatika at
bawat tao. Ito’y umuunlad at patuloy na mataas na abstrak na antas; may magkatulad
nagbabago. Kailanman ito’y hindi static. na katangiang linggwistik.
Alfred Whitehead - Ang wika ay kabuuan
Isa sa mga pinakadakilang biyayang ng kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat
ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay ang wika. wika ay naglalaman ng kinaugaliang
Ito ang kasangkapan upang maipadama ng palagay ng lahing lumikha nito. Ito raw ay
tao sa kanyang kapwa ang kanyang iniisip, salamin ng lahi at kanyang katauhan.
nadarama at nakikita tungkol sa kanyang Sapir - Ang wika ay isang likas at makataong
paligid. pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdain at mithiin sa
Matatagpuan sa wika ang mga tanda o pamamagitan ng isang kusang-loob
simbolo na nagkakaroon ng kahulugan ayon nakaparaanan na lumikha ng tunog.
sa mga gumagamit nito. Ang mga simbolo o Lachica (1993) - Ang mga tao’y nabubuhay
tanda ay maaring salita, bilang, drowing, sa mga simbolo na kinukontrol naman nila.
larawan o anumang hugis na kumakatawan Ang kakayahan ng mga tao na kontrolin ang
sa konsepto, ideya o bagay. mga simbolong ito ay napatangi sa kanya sa
iba pang nilikha. Ito rin ang ikinaiba ng tao
sa hayop.
Carroll (1964) – ang wika ay isang sistema KATANGIAN NG WIKA
ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap
ng lipunan. o midyum sa komunikasyon
Todd (1987) - Ang wika ay isang set o o masistemang balangkas
kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa o sinasalitang tunog
komunikasyon. o arbitraryo
- hindi lamang binibigkas na tunog kungdi o nakabatay ito sa kultura
ito’y sinusulat din. o dinamiko – namamatay, nabubuhay
Bram – Ang wika ay nakabalangkas na o makapangyarihan
sistema ng mga arbitraryong simbolo at o may pulitika ang wika
tunog na binibigkas at sa pamamagitan o walang superior na wika
nito’y nagkakaroon ng interaksyon ang
isang pangkat ng tao. KAHALAGAHAN NG WIKA
Henry Gleason – Ang wika ay
masistemang balangkas ng sinasalitang Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang
tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng
arbitraryo upang magamit ng mga taong wika.
kabahagi at kasama sa isang kultura sa Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi
kanilang pakikipagtalastasan. lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa
mga ibang bansa rin.
MGA TEORYA Sa pamamagitan ng wika kaya
Bow-Wow – nagmula sa panggagaya ng nagkakaunawaan at nagkakaroon ng
mga sinaunang tao sa mga tunog na nilihang madaling komunikasyon ang bawat tao
mga hayop kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito.
Ding Dong – nagmula sa panggagaya ng Ang wika ang sumasagisag sa
mga sinaunang tao sa mga tunog ng napakaraming aspekto ng buhay ng tao.
kalikasan Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at
Ta-ta – ang salita ay mula sa mga galaw at salamin ng lipunan.
kumpas na humantong sa pagkilala ng wika Ang wika ay sagisag ngpambansang
Yo-he-ho – mula sa pagsasama-sama, lalo na pagkakakilanlan.
kapag nagtatrabaho nang magkakasama Ang wikang pambansa ay siyang susi sa
- mga tunog o himig na pagkakabuklod-buklod ng damdamin at
namumutawi sa mga bibig ng tao kapag sila diwa ng mga mamamayan.
ay nagtatrabaho nang sama-sama ay
sinasabing pinagmulan ng wika
Pooh-pooh – nagmula sa mga salitang
namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao
nang nakaramdam sila ng masisidhing
damdamin
Ta-ra-ra-boom-de-ay – ang mga tunog na
galing sa mga rituwal na mga aktibidades ng
mga sinaunang tao ay nagbigay daan upang
magbago at lumago ang pananalita.
Sing-song – kinakanta
Ma-ma – mga sanggol

You might also like