You are on page 1of 17

I.

WIKA

Kilalang Tao Kahulugan ng Wika (Ayon sa Tao)

Emmert at Donaghy Ang wika ay isang sistema ng mga


sagisag na binubuo ng mga tunog o mga
pasulat na letra na iniugnay sa mga
kahulugang nais nating ipabatid sa ibang
tao (Emmert at Dony, 1981).

Noam Chomsky Ang wika ay proseso ng malayang


paglikha; ang mga batas at tuntunin nito
ay hindi natitinag, ngunit ang paraan ng
paggamit sa mga tuntunin ng paglikha ay
malaya at nagkakaiba-iba. Maging ang
interpretasyon at gamit ng mga salita ay
kinasasangkutan ng proseso ng
malayang paglikha.

Karl Marx Ang wika ay kasintanda ng kamalayan,


ang wika ay praktikal na kamalayan na
umiiral din para sa ibang tao… Ang wika,
gaya ng kamalayan, ay lumilitaw lamang
dahil kailangan, dahilan sa
pangangailangan sa pakikisalamuha sa
ibang tao.
Noah Webster Ang wika ay isang sistema ng
komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa
pamamagitan ng mga pasulat o
pasalitang simbulo.

mortema → ponema → pangungusap → diskurso

Henry Allan Gleason Jr. Ang wika ay isang sistematikong


balangkas ng mga sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.

arbitraryo - pinagkasunduan lamang upang magkaintindihan


ang mga taong nabibilang sa isang kultura

Archibald Hill Ang wika ay pangunahin at


pinakamabusising anyo ng gawaing
pananagisag ng tao.

Jose Rizal … habang pinangangalagaan ng isang


bayan ang kanyang wika,
pinangangalagaan niya ang marka ng
kanyang kalayaan, gaya ng pangangalaga
ng tao sa kanyang kalayaan habang
pinanghahawakan niya ang sariling
paraan ng pag-iisip.
Constantino at Zafra Ang wika ay isang kalipunan ng mga
salita at ang mga pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o makagpagkomyunikeyt
ang isang grupo ng mga tao.

Kahalagahan ng Wika
➢ Ang wika ang kasangkapan sa pagtuklas ng karunungan.
➢ Ang wika ang pangunahing kasangkapan sa komunikasyon
dahil naipapahayag nang maayos, tiyak, at simple ang
kaisipan at damdamin.
➢ Ang wika ang daan sa pagkakaisa at pagbubuklod ng bayan.
➢ Ang wika ang lumilinang at nag-iingat ng kultura at
kasaysayan ng bansa.
➢ Ang wika ang daan sa kaunlaran ng bayan.
➢ Ang wika ay isa sa mga nagpapatunay ng pagiging
pinakamatalinong nilalang ng tao.
➢ Hindi matatawaran ang potensiyal at posibilidad na
maaaring maganap sa kapasidad na ito ng tao.
➢ Ang bawat wika ay magkakapantay. Hindi nagiging superyor
ang wika dahil lamang mas maraming gumagamit at
nakauunawa nito sapagkat bawat wika ay may kani-kaniyang
katangian.

II. BARAYTI AT ANTAS NG WIKA

Barayti ng Wika
Ito ay isang maliit na grupo ng pormal na makabuluhang katangian na nauugnay
sa partikular na katangiang sosyo-sitwasyonal. Maaari ito maging permanente (idyolek
at diyalekto). Ito ay maaari ring pansamantala dahil nagbabago. Mga salik ng barayti ng
wika:
● Heograpikal
● Morpolohikal
● Ponolohikal
Heograpikal
➢ Ayon kay Constantino (2016), ang pagkakaroon ng barayti ng wika
ay ipinaliwanag ng teoryang sosyolinggwistik na pinagbatayan ng
ideya ng pagiging heterogenous ng wika. Ayon sa teoryang ito,
nag-ugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga
indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes,
gawain, pinag-aralan at iba pa.
➢ Nagiging salik ang heograpiya o lugar ng nagsasalita sa
pagkakaroon ng varayti ng wika dahil ang Pilipinas ay isang
arkipelago na nahahati ng katubigan at kapatagan na hindi
maiwasang makalikha ng sariling kultura o paraan ng pamumuhay
ang mga taong sama-samang naninirahan sa isang partikular na
pulo o lugar.
➢ Ang tawag kung nagkakaiba-iba ang katawagan at kahulugan ng
salitang ginagamit sa iba’t ibang lugar.
➢ Diyalekto o dayalek ang tawag sa wikang ginagamit sa isang
partikular na rehiyon. Ang dayalekto ay makikilala hindi lamang sa
pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na bokabularyo kundi
maging sa punto o tono at sa estruktura ng pangungusap.

Filipino Cebuano Hiligaynon Ilokano

daga ilaga ilaga bao

daliri tudlo tudlo kamay

dalawa duha duwa duwa

damit sinina bayo bado

damo sagmot hilamon kukuot

gamot tambal bulong agos

kumot habol habol ules

Morpolohikal
➢ Nagiging salik ang morpolohiya sa pagkakaroon ng barayti ng wika
➢ Ang morpolohiya ay ang pagkakaiba-iba ng paraan ng pagbuo ng
salita ng mga naninirahan sa mga lugar
➢ Ang pagkakaiba-ibang ito sa pagbuo ng mga salita dahil sa
paglalapi (anyo at ispeling)

Batangas Maynila

nasuray sumusuray

napatak pumapatak

naulan umuulan

nakanta kumakanta

Ponolohikal
➢ Nagiging isang salik ang ponolohiya sa pagkakaroon ng barayti ng
wika dahil sa lumilikha ng sariling wika ang mga taong
magkakasama sa iisang kultura at lugar.
➢ Ang ponolohikal na barayti ay nagaganap dahil sa pagbabago ng
bigkas at tunog ng mga salita ayon sa pangkat ng mga taong
gumagamit nito.

Tagalog Bisaya

pera pira

pitaka petaka

kuya koya

bola bula

Antas ng Wika
Ang antas ng wika ay isang mahalagang katangian ng mabisang
komunikasyon. Ito ay palatandaan kung anong klase o pangkat ang isang
tagapagsalita. Napagtatanto ang katayuan ng isang indibidwal sa antas ng
wikang ginagamit.

Pormal
Ito ay mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap, at
ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
➢ Pambansa - Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga
aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang
wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga
paaralan.
➢ Pampanitikan o Panretorika - Ito naman ang mga salitang gamitin
ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang
mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at
masining.

Impormal
Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na
madalas natin gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga
kakilala at kaibigan.

➢ Lalawiganin - Ito ang mga bokabolaryong dayalektal. Gamitin ang


mga ito sa mga partikular ng mga lugar.
➢ Kolokyal - Ito ay mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa
mga pagkakataong impormal. Ito ay kilala rin sa mga pagpapaikli
ng isa, dalawa, o higit pang salita.
➢ Balbal - Ito ang tinatawag sa Ingles na slang.
III. UNANG WIKA, BILINGGUWALISMO, AT MULTILINGGUWALISMO SA KONTEKSTONG PILIPINO

Unang Wika
Ang unang wika o Mother Tongue ay tumutukoy sa wikang katutubo o
kinagisnang wika na natutunan ng isang indibidwal. Ito ay walang bahid ng ibang
wika bagkus angkin ang pagkanatural at espesyal na katangian nito. Ito ay
midyum ng pagtuturong gagamitin sa paaralan.

Bilang Pagpapabitay…
➢ Kagawaran ng Edukasyon o DepEd ng Kautusang Blg. 74, Serye
2009 hinggil sa pagpapatupad ng Mother Tongue - Based
Multilingual Education (MTB - MLE).
➢ May layunin sa pagbibigay-halaga sa paggamit ng unang wika sa
pagtuturo ng mga asignatura lalo na sa pre-school at sa unang
tatlong baitang ng elementarya.
➢ Ipinahayag ng Kagawaran ng Edukasyon ang paggamit ng
labinsiyam na lokal na wika bilang wikang opisyal na midyum ng
pagtuturo para sa unang baitang hanggang ikatlong baitang na
mga mag-aaral.

Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon noong 2012 ang Labindalawang


Wikang Gagamitin sa Pagtuturo:
➢ Tagalog
➢ Kapampangan
➢ Panggasinense
➢ Iloko
➢ Bikol
➢ Cebuano
➢ Hiligaynon
➢ Waray
➢ Aklanon at Kinaray-a
➢ Tausog
➢ Maranao
➢ Chavacano
➢ Lungsod ng Tuguegarao
➢ Ivatan para sa Batanes
➢ Sambal para sa Zambales
➢ Maguindanaoan
➢ Yakan (Basilan)
➢ Surigaonon (Surigao)

Halaga o Epekto
➢ Pinaniniwalaang mas mapadali ang pagkatuto ng mga batang
mag-aaral kung ang gagamiting wikang panturo ay kanilang mother
tongue o unang wika.
➢ Ayon sa pag-aaral, ang unang wika / wikang katutubo / mother
tongue ay siyang ginamit sa ibang bansa kagaya ng Alemanya,
Amerika, Britanya, at marami pang progresong bansa at ito marahil
kung bakit nauuna sila sa pag-aaral at pagkatuto sa halos lahat ng
bagay kung pagkatuto ang pag-uusapan (Malone, 2010).

Iba pang pag-aaral…


➢ Ayon sa ulat ng UNESCO (2003), tinukoy nilang ang batang
natutong bumasa at sumulat sa unang wika bago matuto ng
ikalawang wika ay mas matagumpay sa pag-aaral kung ihambing
sa mga kamag-aral nilang hindi natutunan nang lubos ang unang
wika.
➢ Sinusugan ni Lundberg (2002) sa pagbanggit nina Scott, et. a;.
(2009), na ang maraming mga pananaliksik ang nagpapatunay ng
positibong ugnayan ng unang wika sa pagkatuto ng pangalawang
wika.

Bilingguwalismo
Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng
dalawang wika sa isang buong komunidad kung saan ginagamit ng mga
mamamayan ang dalawang magkaibang wika kaya naman isang politikal o
institusyonal ang pagkilala sa dalawang wika.

Pakinabang ng Bilingguwalismo
➢ Mas malikhain at nagpapakita ng kahusayan sa pagpaplano at
paglutas ng mga kompleks na suliranin
➢ Nababawasan ang pagkakasakit na may kinalaman sa pag-iisip
dala ng pagtanda
➢ Sa isang pag-aaral, ipinakitang mas nahuhuli ng apat na taon ang
pagkakaroon ng dementia sa mga matatandang bilingguwal kaysa
sa mga monolingguwal
➢ Ipinapakitang mas nagkakaroon din ng access sa kapwa at
kaparaanan ang mga bilingguwal
➢ Sa Canada, mas mataas ang employment rate o bilang ng mga may
hanapbuhay ng mga nakapagsalita ng wikang Pranses at Ingles
kaysa sa mga monolingguwal

Bilingual Education Policy (BPE)


➢ Batay sa National Board of Education (NBE ) Resolution No. 73-7, s.
1973.
➢ Ipinatupad ang polisiya sa pamamagitan ng paglalabas ng DECS ng
Department Order No. 25, s. 1974 na may titulong Implementing
Guidelines for the Policy on Bilinggual Education (1994)
“naglalaman ito ng gabay kung paanong magkahiwalay na
gagamitin ang Filipino at Ingles bilang wikang panturo sa mga tiyak
na larangan ng pagkatuto sa mga paaralan.

Bilang pagpapatibay…
➢ Ayon sa polisiya, Pilipino (kalaunan ay naging Filipino) ang
gagamitin bilang wikang panturo sa mga asignaturang may
kinalaman sa Araling Panlipunan/ Agham Panlipunan, Musika,
Sining, Physical Education, Home Economics at Values Education.
Ingles naman ang gagamitin sa Siyensya, Teknolohiya at
Matematika

Pangunahing Layunin ng BPE


➢ Makamit ang kahusayan ng mga mag-aaral sa dalawang wika sa
pambansang antas sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang
wika at sa pamamagitan ng pagiging wikang panturo nito sa lahat
ng antas;
➢ Mapataas ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika;
➢ Maipalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng literasi;
➢ Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo ng pambansang identidad
at pagkakaisa;
➢ Malinang ang elaborasyon at intelekwalisasyon ng Filipino bilang
wika ng akademikong diskurso; at
➢ Mapanatili ang Ingles bilang internasyonal na wika para sa Pilipinas
at bilang wika ng Siyensya at Teknolohiya
Multilingguwalismo
● Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at
makaunawa ng iba’t ibang wika.
● Sa antas ng lipunan, ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng iba’t
ibang wika na sinasalita ng iba’t ibang grupo ng mga tao sa mga lalawigan
at rehiyon.
● Ayon kay Stavenhagen (1990), iilang bansa lamang sa buong mundo ang
monolingguwal. Ibig sabihin, mas laganap ang mga lipunang
multilingguwal kung hindi man bilingguwal.

Pakinabang ng Multilingguwalismo
➢ May kritikal na pag-iisip
➢ May kahusayan sa paglutas ng suliranin
➢ May mas mahusay na kasanayan sa pakikinig at matalas na
memorya
➢ May mas maunlad na kognitibong kakayahan at mas mabilis na
pagkatuto ng iba’t ibang wika bukod sa unang wika

Bilang karagdagan…
➢ Ayon kay Cummins (1981), ipinakikita rin ng mga pananaliksik na
mas fleksibol at bukas sa pagbabago ang mga multilingguwal,
gayundin may mas malalim na pag-unawa at paggalang sa iba’t
ibang kultura at paniniwala.
➢ Ayon sa UNESCO (2003), upang tugunan ang suliranin sa pagiging
eksklusibo ng edukasyon para sa iilan, kailangang buuin ang isang
uri ng edukasyong mataas ang kalidad at may pagpapahalaga sa
katutubong kultura at wika ng mag-aaral.

Layunin ng Department of Education Order 16, s. 2012 (Guidelines on the


Implementing of the MTB-MLE)
➢ Pagpapaunlad ng wika tungo sa matatag na edukasyon at
habambuhay na pagkatuto.
➢ Kognitibong pag-unlad na may pokus sa higher order thinking skills(
HOTS)
➢ Akademikong pag-unlad na maghahanda sa mga mag-aaral na
paghusayin ang kakayahan sa iba’t ibang larangan ng pagkatuto
➢ Pagpapahalaga at pagmamalaki ng mag-aaral sa kanyang
pinagmulang kultura at wika
IV. LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD

● Wika ang gamit ng tao para sa komunikasyon.


● Bunga nito ang ugnayan, pagkakabuklod, pagkakaintindihan, at
kaunlaran
● Wika ang ugat upang makabuo ng isang komunidad tungo sa
pagtupad ng tungkulin, pagkilos, at kolektibong ugnayan ng tao

Lingguwistikong Komunidad
● Ito ay may kaugnayan sa pagpapaunlad ng wika.
● Isang komunidad na tiyak na kinabibilangan at/o pinanggalingan ng isang
indibidwal.
● Sangkot dito ang tungkol sa idyolek, sosyolek, at diyalek ng tao.

Salik ng Lingguwistikong Komunidad


Ayon kina Saville-Troike, 2003:14
➢ May kaisahan sa paggamit ng wika at
naibabahagi ito sa iba (Chomsky, 1965; Lyons,
1970)
○ May mahigpit na pagtuturo ng mga
gramatikal na estruktura at patakaran
ng kung ano ang estandard na Ingles o
Filipino sa loob ng mga paaralan
➢ Nakapagbabahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika
at interpretasyon nito
○ Katulad ito ng kinagawiang interpersonal na
komunikasyon gamit ang pahiwatig ng mga Pilipino;
Hymes, 1972; Maggay, 2005
➢ May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit
ng wika (Labov, 1972)
○ Iisa ang gamit na wika, may pagkakaintindihan at may
pagpapahalaga sa damdamin sa paggamit ng wika

Halimbawa
➢ Sektor - Mga manggagawa na malay sa kanilang karapatan at
tungkulin sa bayan na nagbubuklod sa pagsapi sa kilusang
paggawa
➢ Grupong Pormal - Bible Study Group na nangangaral ng Salita ng
Diyos
➢ Grupong Impormal - Barkada
➢ Yunit - Koponan ng basketbol, organisasyon ng mga mag-aaral sa
paaralan

Mga Kaisipan Tungkol sa Lingguwistikong Komunidad


➢ Ang lingguwistikong komunidad ay umiiral lamang sa sektor, grupo,
o yunit na nagkakaunawaan sa iisang gamit na wika na may
kaisahan sa uri o anyo;
➢ May pagkakaintindihan sa tuntunin nito;
➢ Naibabahagi ng bawat isa ang parehong pagpapahalaga at
damdamin sa paggamit nila ng wika at pakikitungo sa isa’t isa

Multikultural na Komunidad

Lingguwistikong Komunidad Multikultural na Komunidad


● Kaisahan ang tunguhin ● Pagkakaisa sa gitna ng
pagkakaiba

● Tulad ng may iisang mukha, wika, ● Iba-iba ang lahi, kulay ng balat,
kilos, o tunguhin ang bawat kasapi kasarian, paniniwala,
pananampalataya, estado,
kasaysayan, at aspirasyon sa
buhay

● Homogeneous ● Heterogeneous (Multilingguwal)

● British English, American English, o


kaya mga Third World Englishes
gaya ng Filish (Filipino - English) o
Inlish (Indian - English)

Halimbawa
➢ Internasyonal - United Nations; UNICEF; at iba pa
➢ Rehiyonal - European Union; ASEAN; at iba pa
➢ Pambansa - Mga bansa at estado na may iba’t ibang
etnolingguwistikong pangkat tulad ng Pilipinas, Indonesia, Japan;
atbp.
➢ Organisasyonal - Microsoft; Google; Nestle; at iba pa
Sosyolek, Idyolek, Diyalekto, at Rehistro

Sosyolek
➢ Uri ng wika na nalilikha at ginagamit ng isang pangkat o uring
panlipunan
➢ Varayti na tinutukoy ng mga salik panlipunan at hindi ng lokasyon.
Ang ganitong varayti ng wika ay base sa kasarian, gulang,
katayuang sosyo-ekonomiko, relihiyon at iba pang kalagayang
panlipunan
➢ Hal. Ang jejemon na pinauso at ginamit ng isang sangay ng lipunan
natin na nakaugat sa kulturang popular ng kabataang gumagamit
ng text messaging sa kanilang komunikasyon
○ siNOH AnG iBoBo2 U- sa ELeKxoN, NOH? c- NOYNOy – ba
Na- wLAng – Track- rEc0RD- AT – SOC-deM,- c VILLar- bA nA
SndAmKMk Ang kSo ng qRapx0N, o – C ErAP- Na PiNTAwd
nA KRiMInl, N0h?
○ May hika - May allergy
○ Mahina ang isip - Special child
○ Sasakyan - Wheels
○ Musika - Sounds
○ Nanay - Mader
○ Handaan - Party

Idyolek
➢ Natatangi at espisifikong paraan ng pagsasalita ng isang tao.
➢ Isang varayti na tumutukoy sa paraan o estilo ng pagsasalita ng
tao. Tinatawag ding punto o paraan ng pagsasalita ng tao.
➢ Pagsasalita ni Kris Aquino, Joseph Estrada, Rufa Mae Quinto at iba
pa

Diyalekto
➢ Varayti at pangunahing wika na nababago, nagbabago o natatangi
na ginagamit ng taong nasa isang tiyak na rehiyon, heograpiya o
lokasyon.
➢ Hal. Ang Tagalog: Tagalog-Batangas, Tagalog-Cavite,
Tagalog-Maynila at iba pa.
○ Matagal ka roon sa palengke? (Tagalog); Nabayag kadta
palengken? (Ilokano); Nagdugay ka didto sa tyangge?
(Ilonggo); Dugay ka didto sa Mercado?(Cebuano)
○ Batangan Tagalog
■ Kita na!
■ Buksan mo nga ang telebisyon nata.
■ Pagkatagal mo ba.
○ Manila Tagalog
■ Tayo na.
■ Buksan mo nga ang telebisyon natin.
■ Ang bagal mo.
○ Nag-ulan gayod (Cebuano)
■ Naulan pala (Cavite)
■ Umuulan pala (Maynila)
○ Nakain ka ba ng gulay?
■ Kumakain ka ba ng gulay?
○ Yayao na kami, mag-ingat ka diyan.
■ Aalis na kami, mag-ingat ka diyan.
○ Nakasuksok ang sanrok sa ringring.
■ Nakasabit ang sandok sa dingding.
○ Rahan-rahan ka, baka ka marapa at magasgas ang iyong
tuhor.
■ Dahan-dahan ka, baka ka madapa at magasgas ang
iyong tuhod.

Rehistro
➢ Ispesyalisadong bokabularyo at panggramatika / jargon
➢ Uri ng wika na ginagamit ng mga propesyonal o panlarangang
basehan
➢ Nauukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng
komunikasyon
➢ Wika ng mga inhenyero, abogado, doktor, guro, at iba pa

Propesyon o Larangan Tawag sa Binibigyan ng Serbisyo

Guro Estudyante

Doktor at Nars Pasyente


Abogado Kliyente

Pari Parokyano

Tindero / Tindera Suki

Drayber / Konduktor Pasahero

Artista Tagahanga

Ekonomiks Politika Edukasyon Literatura

Kita Korte Akademiks Patula

Puhunan Eleksyon Klase Awtor

Produkto Kongreso Class Record Mitolohiya

You might also like