You are on page 1of 4

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT Ang wika ay makapangyarihan

KULTURANG PILIPINO ARALIN 4: TEORYANG PANGWIKA


Teoryang Behaviorism – Ayon kay B. F. Skinner (1968),
ARALIN 1: KAHULUGAN NG WIKA
ang bata ay ipinanganak na may kakayahan sa
Henry Gleason – Ang wika ay masistemang balangkas
pagkatuto ng wika at ang kanilang kilos at gawi ay
ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kanilang kapaligiran.
kabilang sa isang kultura.
Teoryang Innative – Ayon kay Noam Chomsky (1965),
Bernales - Ang wika ay proseso ng pagpapadala at
ang tao ay may likas na matutunan ang wika dahil sa
pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
paniniwalang lahat ng ipinanganganak ay taglay ang
simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.
Language Acquisition Device (LAD) na responsable sa
Mangahis – May mahalagang papel na ginagampanan
pagkatuto ng isang wika.
ang wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na
Tore ng Babel – Mababasa sa Bibliya (Genesis 11:2-9)
ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng
ang salaysay tungkol sa kamangha-manghang
mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
pagtatayo ng isang tore na may taas na aabot
Constantino at Zafra – Ang wika ay isang kalipunan ng
hanggang langit. Naging parang isang sumpa ang
mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama
pangyayari sapagkat ang dati’y nagkakaisa ang mga
ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang
mamamayan dahil iisa lamang ang kanilang wika na
isang grupo ng mga tao.
sa isang iglap ay nagkaiba-iba at nagkawatak-watak.
Bienvenido Lumbera – Parang hininga ang wika.
Ito’y tiyakang sinabi na ayon sa kagustuhan ng Diyos.
Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat
Dahil sa pangyayari, kumalat ang bawat lahi sa iba’t
pangangailangan natin.
ibang panig ng mundo dahil hindi na sila
Alfonso O. Santiago – Wika ang sumasalamin sa mga
nagkakaintindihan.
mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o
Ang Pentekostes – Mula sa mga aklat sa mga Gawa ng
saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan,
mga Apostol na nagsilbing daan upang maipalaganap
moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa
nang lubusan ang Mabuting Balita ng Kaligtasan. Kung
lipunan.
sa Lumang Tipan ay pinag-iba-iba ng
ARALIN 2: KAHALAGAHAN NG WIKA
Makapangyarihang Diyos ang wikang sinasalita ng
Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng wika
mga tao, dito sa Bagong Tipan, natuto naman ng iba’t
ang pagiging instrumento nito sa komunikasyon.
ibang wika ang mga Apostol kahit hindi sila nag-aaral
Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong,
ng mga iyon. Sa tulong ng Espiritu Santo (isa sa
at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao.
tatlong persona ng Diyos), naunawaan at nabigkas
Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa,
nila ang mga salitang hindi nila nalalaman upang
nangangahulugang ito ay malaya at may soberanya.
makapagturo ng mga salita ng Diyos.
Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at
Teoryang Bow-wow – Pinakamataas na antas ng
tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman.
hayop ang tao kung kaya’t malaki ang posibilidad na
Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay
gayahin natin ang mga tunog na likha ng kalikasan at
para magkausap at magkaunawaan ang iba’t ibang
itumbas ito bilang pantawag natin sa mga bagay sa
grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit.
ating paligid.
Hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika sa
Teoryang Ding-dong – Ipinalalagay sa teoryang ito na
pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan tungo sa
ang lahat sa kapaligiran ay may sariling tunog na
pagkakaunawaan at pagkakaisa.
kumakatawan sa nasabing bagay. Kaya nga marahil
ARALIN 3: KATANGIAN NG WIKA
may mga salita tayong tulad ng langitngit ng
Ang wika ay sinasalitang tunog
kawayan, lagaslas ng tubig, talbog ng bola, pagkusot
Ang wika ay masistema
ng damit, atbp.
Ang wika ay arbitraryo
Teoryang Yum-yum – Sinasabi na senyas o “body
Ang wika ay ginagamit
language” muna ang unang natutunan ng tao bago
Ang wika ay nakabatay sa kultura
nakapagsalita. Sa paglipas ng panahon, unti-unting
Ang wika ay nagbabago
natutunanng tao na magsalita kasabay ng senyas.
Ang wika ay may antas
Teoryang Pooh-pooh – Ipinalalagay ng teoryang ito na “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo,
ang tao ang lumilikha ng tunog at siya rin ang ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at,
nagbibigay ng kahulugan nito. Tulad na lamang kapag hangga't walang ibang itinatadhana ang batas,
siya’y nagagalit, natutuwa, nasasaktan, at Ingles.”
nalulungkot. Unang Wika – Unang wika ang tawag sa wikang
Teoryang Yo-he-ho – Pinaniniwalaan na ang tao ay nakagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa
bumabanggit ng mga salita kapag siya ay gumagamit isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika, inang
ng puwersa. Mariringgan ng ekspresyon ang tao wika, o wikang sinuso sa ina. Sa wikang ito
kapag nagbubuhat ng mabigat, pag-ire habang pinakamataas o pinakamahusay na naipahahayag ng
nagluluwal ng sanggol, atbp. tao ang kanyang mga ideya, kaisipan, at damdamin.
Teoryang Tara-ra-boom-de-ay – Natutong humabi ng Pangalawang Wika – Habang lumalaki ang bata ay
salita ang mga tao mula sa iba’t ibang Gawain at nakababad siya sa mga wikang maaaring niyang
ritwal na isinasagawa. Karaniwan ang ritwal at matutunan sa panonood, pakikinig, o pagbabasa.
selebrasyon o okasyon ay may sayaw na sinasabayan Dahil sa paulit-ulit niya itong naririnig ay unti-unti
ng pag-usal ng mga salita. niya na rin itong natututuhan. Pangalawang wika na
ARALIN 5: ANTAS NG WIKA niya ang wikang matututunan pagkaraang nahasa na
Pormal – Ang mga estandard na wikang ginagamit at niya ang kanyang unang wika.
kinikilala ng higit sa nakararaming tao lalo na ang mga Ikatlong Wika – Sa paglipas ng panahon ay lalong
may pinag-aralan. lumalawak ang mundo ng bata. Dumarami pa ang
Pambansa – Wikang itinadhana ng batas na mga taong nakasasalamuha gayundin ang mga lugar
ginagamit sa iba’t ibang larangan at nauunawaan na nararating, kasabay nang pagtaas ng antas ng
ng lahat. kanyang pag-aaral. Dahil dito’y may ibang wika pang
Pampanitikan – Pinakamataas na lebel ng wika nariring o nakikilala na kalauna’y natututuhan niya at
sapagkat mayaman ito sa paggamit ng mga nagagamit sa pakikipagtalastasan.
idyoma, tayutay at matatalinghagang pananalita. Monolingguwalismo – Monoligguwalismo ang tawag
Di-Pormal – Karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad
na pakikipagtalastasan. ng isinasagawa sa mga bansang England, Pransya,
Pabalbal – Pinakamababang lebel ng wika na kung South Korea, Hapon, at iba pa kung saan iisang wika
saan impormal itong nalikha. Tinatawag ding ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan
salitang kalye o islang. o asignatura.
Kolokyal – Salitang ginagamit sa pang-araw-araw Bilingguwalismo – Binigyang pagpapakahulugan ni
na halaw mula sa pormal na mga salita. Bloomfield (1935) ang bilingguwalismo bilang
Lalawiganin – Mga wikang ginagamit sa iba’t ibang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na
lalawigan. tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika.
ARALIN 6: IBA PANG KONSEPTONG PANGWIKA Para kay Macnamara (1967), bilingguwal ang isang
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987 taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay makrong kasanayan. Pero para kina Cook at Singleton
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat (2014), maituturing na bilingguwal ang isang tao kung
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na magagamit niya ang ikalawang wika nang mataas sa
wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” lahat ng pagkakataon. Dapat magamit ng mga
“Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa bilingguwal ang dalawang wika nang halos hindi na
nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat mtutukoy kung alin sa dalawa ang una at ang
magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan pangalawang wika
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang Multilingguwalismo – Ang Pilipinas ay isang bansang
paggamit ng Filipino bilang medyum ng opisyal na multilingguwal dahil mayroon tayong mahigit na 180
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa wika at wikain. Sa kurikulum ng K-12, pinaiiral ang
sistemang pang-edukasyon.” MTB-MLE (Mother Tongue-Based – Multilingual
Artikulo XIV, Seksiyon 7 ng Konstitusyon ng 1987 Education) na kung saan gagamitin ang unang wika
mula Kinder hanggang Baitang 3. Naaayon ito sa
maraming pag-aaral na nagsasabing mas epektibo naging personal na wika. Tinatawag din itong
ang pagkatuto ng mga bata kung unang wika ang “Pinagyamang Pidgin”.
gagamitin sa pag-aaral nila. Sa pananaliksik nina ARALIN 8: GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
Ducher at Tucker (1977), napatunayan ang bisa ng M.A.K. Halliday – Isang bantog na iskolar mula sa
unang wika bilang panimulang pagtuturo ng Inglatera na nag-ambag sa mundo ng linggwistika ng
pagbabasa, sa pag-unawa ng paksang-aralin, at bilang paglalahad niya ng mga tungkulin ng wika batay sa
matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang gampanin nito sa ating buhay.
wika. Nagtalaga ang DepEd ng 8 pangunahing wika at Instrumental – Ito ang tungkulin ng wika na
4 na wikain: tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng
1) Tagalog 5) Bikol pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paggawa ng liham
2) Cebuano 6) Waray pangangalakal, liham ng patnugot, at pagpapakita ng
3) Ilokano 7) Kapampangan mga patalastas tungkol sa isang produkto na
4) Hiligaynon 8) Pangasinense nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga
Wikain: Tausug, Maguindanaoan, Maranao, at halimbawa nito.
Chavacano. Nagdagdag ng 7 pang wikain: Regulatoryo – Ito ang tungkulin ng wika tumutukoy sa
1) Ybanag – Cagayan, Tuguegarao, Isabela pagkontrol ng ugali o asal ng ibang tao. Ang
2) Ivatan – Batanes pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo ng
3) Sambal – Zambales lokasyon ng isang partikular na lugar; direksyon sa
4) Aklanon – Aklan , Capiz pagluluto ng isang ulam; direksyon sa pagsagot sa
5) Kinaray-a – Capiz, Aklan pagsusulit; at direksyon sa paggawa ng anomang
6) Yakan – Basilan bagay ay mga halimbawa ng tungkuling ito.
7) Surigaonon – Surigao City Interaksiyonal – Ang tungkuling ito ay nakikita sa
ARALIN 7: BARAYTI NG WIKA paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang
Register ng Wika – Pagkakaroon ng magkakaibang kapwa; pakikipagbiruan; pakikipagpalitan ng kuro-
kahulugan ng maraming salita o termino batay sa kuro tungkol sa partikular na isyu; pagkukuwento ng
larangang pinaggagamitan. malulungkot o masasayang pangyayari sa isang
Heograpikal – Nasa katawagan at kahulugan ng salita kaibigan o kapalagayang-loob; paggawa ng liham
ang pagkakaiba. pangkaibigan; at iba pa.
Morpolohikal – Ang pagkakaiba ay nasa anyo at Personal – Saklaw ng tungkuling ito ang
baybay ng salita at hindi sa taglay na kahulugan nito. pagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro sa
Ponolohikal – Nasa bigkas at tunog ng salita ang paksang pinag-uusapan. Kasama rin ditto ang
pagkakaiba. pagsulat ng talaarawan at journal, at ang
Idyolek – Personal na paraan o estilo sa pananalita ng pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo
partikular na indibidwal. ng panitikan.
Sosyolek – Barayti ng wika na nakabatay sa katayuan Heuristiko – Ang tungkuling ito ay ginagamit sa
o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga pagkuha o paghahanap ng impormasyon na may
taong gumagamit ng wika. kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Kasama rito ang
Etnolek – Nagkakaroon ng etnolek dahil sa iba’t ibang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga
wika na ginagamit ng mga pangkat etniko. tanong tungkol sa paksang-pinag-aaralan; pakikinig sa
Dayalek – Ang barayti na ito ay ginagamit ng mga tao radio; panonood sa telebisyon; at pagbabasa ng
ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na pahayagan, magasin, blog, at mga aklat kung saan
tinitirhan. makakukuha tayo ng mga impormasyon.
Ekolek – Kadalasang ginagamit sa loob ng tahanan. Impormatibo – Ito ang kabaligtaran ng heuristiko.
Pidgin – Wala itong pormal na estraktura at tinawag Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghanap ng
ding “lenggwahe ng wala ninuman”. Ginagamit ito ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa
mga taong dayo sa isang lugar/bansa. pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at
Creole – Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng pasalita. Ang ilang halimbawa nito ay pagbibigay-ulat,
indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa paggawa ng pamanahong papel, tesis, panayam, at
pagtuturo.
ARALIN 9: KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA ng Batas Blg. 74 noong ika-21 ng Marso 1901 na
Panahon ng Katutubo nagtatag ng mga paaralang pambayan at
Baybayin ang tawag sa katutubong sistema ng nagpahayag na Ingles ang gagawing wikang
pagsulat. panturo.
Binubuo ito ng 17 titik – 3 patinig at 14 katinig. Mga sundalong Amerikano at grupong tinawag
Panahon ng Kastila na Thomasites ang mga naging unang guro sa
Ang dating baybayin ay napalitan ng Alpabetong pagtuturo ng Ingles sa mga Pilipino.
Romano na binubuo naman ng 20 titik – 5 Naniniwala ang mga Amerikano na mahalagang
patinig at 15 katinig. maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa Ingles upang mapadaling magkaunawaan ang
naging layunin ng pananakop ng mga Kastila. mga Pilipino at Amerikano.
Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga paaralang Panahon ng Hapon
magtuturo ng wikang Kastila sa mga Pilipino Sa pagananaisna burahin ang anumang
ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle. impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagamit nila
Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag- ang katutubong wika partikular ang wikang
aral ng mga wikang katutubo. Tagalog. Kaya naman tinagurian itong “Gintong
Marso 2, 1634, inutos muli ni Haring Felipe II ang Panahon ng Panitikang Tagalog”.
pagtuturo ng wikang Kastila sa lahat ng katutubo Ipinatupad sa panahong ito ang Order Militar
subalit hindi ito nagtagumpay kung kaya si Carlos Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na wika
II ay naglagda ng isang dekrito na inuulit ang mga ang Tagalog at Niponggo.
probisyon sa mga nabanggit na batas. Nagtakda Disyembre 30, 1937 – iprinoklamang ang
rin siya ng parusa para sa mga hindi susunod wikang Tagalog ang magiging batayan ng
dito. Wikang Pambansa. Magkakabisa ang
Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni Carlos IV ang proklamasyong ito dalawang taon matapos
isa pang dekrito na nag-uutos na gamitin ang itong mapagtibay.
wikang Kastila sa mga paaralang itatatag sa lahat 1940 – ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang
Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat ng
ng mga pamayanan ng Indio (tawag ng mga
pampubliko at pribadong paaralan at sa mga
Kastila sa mga katutubong Pilipino).
pribadong institusyong pasanayang pangguro sa
Panahon ng Rebolusyong Pilipino buong bansa.
Sa panahong ito, nagising ang diwa ng maraming Panahon ng Pagsasarili Hanggang Kasalukuyan
Pilipino. Nagtungo sila sa ibang bansa upang Hunyo 4, 1946 – nagkabisa ang Batas
mapayabong ang karunungan. Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng
Kabilang sa mga ito ay sina Dr. Jose Rizal, Pambansang Asambleya noong Hunyo 7, 1940
Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Marcelo H. na nagproklama na ang Wikang Pambansa na
Del Pilar, at iba pa. tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa
Maraming akdang Tagaog ang naisulat sa nang wikang opisyal.
panahon ng propaganda. Pawang mga akdang 1959 – ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng
bumubuhay sa pagiging makabayan at masidhing Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
damdamin laban sa Kastila ang naging paksa ng nanagsasaad na ang Wikang Pambansa ay
tatawaging Pilipino upang mailagan na ang
mga akdang ito.
mahabang katawagang “Wikang Pambansang
Panahon ng Amerikano
Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa
Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga
Tagalog”.
Pilipino nang dumating ang mga Amerikano sa 1987 – Filipino na ang ngalan ng wikang
pamumuno ni Almirante Dewey. pambansa, alinsunod sa Konstitusyon na
Ginamit ang wikang Ingles sa edukasyong hatid nagtatadhanang “ang wikang pambansa ng
nila sa Pilipinas. Pilipinas ay Filipino.” Ito ay hindi pinaghalu-
Ang komisyong pinangungunahan ni Jacob halong sangkap mula sa iba’t ibang katutubong
Schurman ay naniwalang kailangan ng Ingles sa wika; bagkus, ito’y may nucleus, ang Pilipino o
edukasyong primarya. Nagtakda ang komisyon Tagalog.

You might also like