You are on page 1of 2

Populasyong Urban

Ang mga lugar sa urban ay may kapal na 500 o higit pa ang naninirahan sa bawat kilometro kwadrado. Maituturing na makapal ang populasyon sa pook urban dahil maliit ang lugar ngunit maraming tao ang naninirahan dito. Lapit-lapit ang mga bahay at iba-iba ang uri ng hanapbuhay ng mga tao. Marami ang mga sasakyan at maingay ang kapaligiran dahil sa maraming bagay na may kaugnayan sa kanilang gawain o hanapbuhay.

Populasyong Rural
Ang mga lugar na malayo sa kabayanan pangkaraniwan na ang mga bahay dito ay magkakalayo. Ang mga uri ng hanapbuhay sa mga pook rural ay pangingisda, pagsasaka, pagmimina, at pagtotroso. Sila ay nagtatrabaho sa pamamagitan ng paglinang n gating mga likas na yaman. Ang mga taga pook rural ay tuwirang tagapangasiwa ng kanilang kabuhayan. Madarama sa pook rural ang pagdadamayan ng mga tao. Mas lubos nilang kilala ang bawat isa kung kayat parang magkakamag-anak na ang kanilang pagsasamahan.

You might also like