You are on page 1of 2

PAUNANG PAGTATAYA

1. Ang pagkakakilanlan sa kultura ay ang pagkakakilanlan ng pagiging


kabilang sa isang pangkat. Bahagi ito ng pagtanggap sa sarili at
pang-unawa ng isang tao at nauugnay sa nasyonalidad, etnisidad,
relihiyon, klase sa lipunan, henerasyon, lokalidad o anumang uri
ng pangkat ng lipunan na mayroong sariling natatanging kultura.
Sa ganitong paraan, ang pagkakakilanlan sa kultura ay parehong
katangian ng indibidwal ngunit pati na rin ng pangkat na
magkakaugnayan ng kultura ng mga miyembro na nagbabahagi ng
parehong pagkakakilanlan sa kultura o pagpapaunlad.

Pagwakas sa kolonyalismo at unti unting pagkawala ng ating


cultural identity ay ilan lamang sa nagpapaalab ng pakikibaka para
sa Kalayaan. Maaari rin dahil sa labis na pang aabuso at
pagmamalupit ng mga taong nagnanais ng kapangyarihan at
kayamanan.

2. Mahalaga ang pagbabago sa tao dahil mas magkakaroon ng


magandang direksyon ang isang bagay o pangyayari at
nagpapakita ito na mas nagiging mabuti kang tao, at mas nagiging
kapakipakinabang ka. Sa lipunan, mahalaga ang pagbabago dahil
ito ay isang palatandaan na umuunlad ang isang bansa kasama
ang mga taong naninirahan dito.
GAWAIN 1
Mahalaga na bilang isang mamamayan ay mayroon tayong pagmamahal sa
bayan kung saan tayo isinilang at nanirahan. Ang pagpapakita ng pagmamahal sa lupang
tinubuan ay isang mahalagang kaugalian na dapat taglayin ng bawat mamamayan sa
isang bansa. May maraming paraan upang bilang isang mamamayan ay maipakita
ang pagmamahal sa bayan. Gamitin ang sariling wika at pagtangkilik sa mga lokal na
produkto. Irespeto ang mga batas na ipinatutupad ng gobyerno, pagsuporta sa mga
programa ng pamahalaan at pakikiisa at pakikilahok sa halalan. Pag-iwas sa gulo na
maaaring makasira sa imahe ng bansa. Pagtulong sa kapwa Pilipino lalong-lalo na sa
tuwing may sakuna. Pagtulong sa pagpreserba sa mga likas na yaman ng bansa.

GAWAIN 2

You might also like