You are on page 1of 4

Gawain: Unang Modyul

Plantitos at Plantitas sa Panahon ng Pandemya – Novaliches, Quezon City

1. Sino-sino ang tinaguriang plantitos at plantitas sa panahon ng pandemya?


Ang mga magkakapitbahay sa Novaliches, Quezon City ay tinaguriang plantitos at
plantitas sa panahon ng pandemya dahil sa matiyaga nilang pagbuo ng urban farm sa
kanilang komunidad.
2. Ano-ano ang kanilang ginawa?
Noong nagkaroon ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic,
napagdesisyunan ng mga magkakapitbahay na linisin ang loteng noon ay tambakan ng
mga basura upang gawing gulayan. Matiyagang nilinis ng magkakapitbahay ang mga
kalat at dumi roon. Dumiskarte sila dahil walang mabiling gamit noong lockdown; kung
kaya't sa pamamagitan ng mga recycled materials (gaya ng mga laspag na gulong,
sirang cabinet, balde ng pintura, lumang timba, atbp.) ay naitaguyod nila ang kanilang
community farm. Nilinis at binungkal ng komunidad ang lupa simula noong buwan ng
Abril, at noong Mayo naman ay tinaniman na ang lote at unti-unti nang umusbong ang
mga halaman.
3. Ano-ano ang epekto ng pandemya sa kanila?
Dahil nilimitahan ang paggalaw sa komunidad dahil sa banta ng nakamamatay na
corona virus disease at nahinto rin ang pagtatrabaho ng karamihan sa panahong ito,
posibleng nahirapan sila noong una na magkaroon ng makakain sa araw-araw. Ngunit
dahil nga sila ay madiskarte, napagpasyahan nilang bumuo ng community farm. Kaya
naman, ngayon ay may mapagkukunan na sila ng mga sariwang sahog para sa
makakain, mula lang sa tabi ng kanilang bahay. Not for sale rin ang mga inaani nilang
gulay, at makasisiguro rin silang ligtas ang kanilang kinakain dahil sila rin mismo ang
nagtanim ng mga ito.
4. Ano-ano ang epekto ng pandemya sa kalikasan?
Base sa mga iniulat sa mga pahayagan at mga balitang lokal at internasyunal,
mapapansing muling yumabong ang pamumuhay ng mga hayop at mga halaman sa
kagubatan at katubigan dahil napahinto ang paggalaw ng ekonomiyang lubos na
nagdedemanda ng supply ng mga likas na yamang ito upang makagawa ng mga
produktong pinoproseso sa mga pabrika at pinagkakakitaan sa mga merkado.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga anyong lupa at tubig na makahinga kahit papaano
dahil nahinto ang mga gawaing nakakasira sa kalikasan, gaya ng illegal logging, water
pollution, at iba pa. Dahil rin sa pandemya, marami ang naging interesadong
magkaroon ng urban farms sa kanilang komunidad, maski sa kani-kanilang tahanan.
Simula nang naging usap-usapan ito, maraming pamilya ang may kagustuhan na ring
magkaroon ng flower gardens at vegetable gardens o mag-alaga ng mga succulents at
iba pang halaman. Dumarami na ang nagiging plantitos at plantitas sa panahon ng
pandemya.
5. Paano mo napahalagahan ang kalikasan sa panahon ng pandemya?
Gaya ng mga plantitos at plantitas sa Novaliches, Quezon City, itinaguyod rin ng
pamilya namin ang aming fruit and vegetable garden na matatagpuan lamang sa aming
sariling bakuran. Araw-araw ay tumutulong ako sa pag-aalaga ng mga tanim at
sinisiguro kong hindi ito pinamumugaran ng mga pesteng maaaring makapinsala sa
aming mga itinanim. Noong nakaraang buwan ay nagkampanya rin kami tungkol sa
home gardening sa pamamagitan ng social media. Ito ay aming ginawa upang
magsilbing inspirasyon at makahiyakat sa iba na magsimula na ring bumuo ng sarili
nilang urban garden dahil bukod sa maaari itong makatulong sa pagtugon sa
malnutrisyon at kakulangan sa pagkain sa mga urban poor community, ito rin ay
nakakatulong upang maging mas maginhawa, presko at malinis ang komunidad na
kanilang ginagalawan.
Gawain: Unang Modyul
Gawain: Unang Modyul

Ang ekokritisismo ay maituturing na bagong sibol na konsepto, ngunit hindi rin


nagtagal at naging tanyag ito at binigyang importansya. Parami nang parami na rin ang
mga iskolar na naging interesado at nagnanais na magsaliksik sa larangan ng
ekokritisismo at sa iba pang aspeto o asignaturang kaugnay nito. Isa rin sa mga
pangunahing ideyang saklaw nito ay ang interkoneksyon sa pagitan ng kalikasan at
kultura. Ang kalikasan at panitikan ay patuloy na magkaugnay, na pinatunayan naman
ng mga cultural artifacts ng wika at mga malikhaing sanaysay, fiksyon, at iba pang mga
akdang pampanitikang sumasalamin sa mga karanasan, tingin at gawi ng tao ukol sa
kalikasan. Ito ay sapagkat hindi maaaring ihiwalay ng panitikan ang mga tauhan mula
sa kalikasan o pisikal na mundong ginagalawan ng mga ito. Dahil dito ay umusbong rin
ang mga bagong teoryang pampanitikan upang ipaliwanag ang mga pananaw ng mga
nagpasimula ng ekokritisismo at ng mga ekokritiko. Sa ilalim ng teoryang ekokritisismo,
ang kalikasan ay itinatanghal bilang protagonista ng akda. Ang ideyang ito ay
itinaguyod nina: Rueckert (1978); Glotfelty at Fromm (1980); mga Amerikanong
ekokritikong sina Thoreau, Muir (1869), at mga transcendentalists na sina Emerson at
Fuller (ika-19 na siglo); mga Pilipinong ecopoets na sina De Jesus (1932), Villena,
Bautista, Adarna, at Hamster; at mga ekokritikong mula sa Britanya na sina Bate
(1990), Coup, Kerridge, Garrard, at Gifford. Ginamit naman ni Aristotle (330 BCE) ang
teoryang naratolohiya sa pagtatalakay ng anumang akdang pampanitikan upang makita
ang ugnayan ng panitikan at pisikal na kapaligiran, na sinang-ayunan rin ni Barry
(2009). Ayon naman kay Kroeber (1953) na siyang nagsulong ng teoryang kultural,
upang higit na maunawaan ang konsepto ng kultura ay kailangan pag-uugnayin ang
agham at kalikasan.

Ipinasa ni:
KAREN P. BUENAVISTA
III-BSEd Mathematics
FIL102 - Pangkat M14

Ipinasa kay:
PROF. CHRISTOFFERSON T. DEL SOL
Guro sa FIL102

You might also like