You are on page 1of 4

PAGKSIRA NG KALIKASAN: Isang Historikal na Pagtingin

ni Gregorio V. Bituin Jr.

Walang makapagsasabi kung kailan nagsimulang mawasak ng unti-unti ang kapaligiran.


Maari nating sabihin na nagsimula ang pagkawasak na ito simula nang magkaroon ang tao ng
kamalayan na may problema sa ecosystem nang may marami nang namamatay at nasasalanta
(hindi dahil sa kalamidad kundi dahil sa kagagawan ng tao.) Ngunit sa wari ko, bago pa malaman
ng tao na nasisira na ang kapaligiran at ang ating likas na yaman, ito ay unti-unti nang nasisira.

Ngunit ang matinding pagkasira ng mga bahagi ng kapaligiran ay nito lamang ika-20 siglo.
Ito ang panahon kung saan maraming imbensyong imbes na makatulong sa tao at sa kabuuan ng
sandaigdigan ay nagkus nakapipinsala pa ng kapaligiran. Bagamat hindi natin sinasabi na ang
karamihan ng mga imbensyon ng tao ay mapangwasak (sapagkat marami rin ang nakatutulong),
karamihan sa mga ito ay karumal-dumal, gaya ng pag-imbento ng mga bombang nukleyar at iba
pang armas-pandigma. Ang mga imbensyong pamuksa na ito ay bunsod ng taimtim nilang
pagkilala sa pribadong pag-aari upang magkamal pa ng malaking tubo. Bakit at paano? Para sa
mga kapitalistang bansa na halos sakupin na ang buong mundo (nangyayari na ito, lalo na ngayong
panahon ng globalisasyon), hindi na baleng mamatay ang kanilang kapwa basta't malaki ang
kanilang tutubuin at kikilalanin ang kapangyarihan ng kanilang bansa. Ang mga nuclear weapons
ay maaari nilang gamiting panakot sa negosasyon at pananggalang sa sariling interes. Kung
tutuusin, ang mga nuclear weapons na ito ay basura kung ituring ng mga mapagmahal at mapag-
alaga sa kalikasan at kapaligiran. Ganyan katindi ang sistema ng pribadong pagmamay-ari ng mga
kagamitan sa produksyon o kapitalistang sistema. Alalahanin sana natin ang Three Mile Islands
accident at ang Chrenobyl incident noong 1986 kung saan nagkaroon ng leak ang mga nuclear
facilities ng Russia at milyong tao ang naapektuhan.

Sa kabilang banda at sa isang mababaw na analisis, ang isang taong nagtapon ng basura sa
labas ng kanyang bakuran ay nakapag-contribute sa karumihan ng kapaligiran dahil para sa kanya,
hindi na niya sakop iyon. Wala siyang pakialam kung makabara man iyon sa kanal na maaaring
maging sanhi ng pagbaha sa tikatik na ambon lamang. Ngunit kung wala ang konsepto ng
pribadong pag-aari sa kanyang pag-iisip at bagkus ay tinitingnan niya ang kapaligiran at kalikasan
bilang pag-aari ng lahat kaya't dapat pangalagaan, ang basura niya at tiyak na itatapon siya sa dapat
pagtapunan.

Ang pagkakalat ng mga insustriya ng kanilang waste material sa mga ilog (wala nang
nabubuhay kahit isda dahil sa tindi ng pagkalason ng ilog) ay senyales na wala silang pakialam sa
mga mamamayan basta't kumita lamang ang kanilang negosyo.

Tingnan natin ang konteksto sa Pilipinas. Isinulat ni Graciano Lopez Jaena noong panahon
ng mga Kastila na ang Pilipinas ay sagana sa mga puno at kagubatan. Inilarawan din niya na
kayang suportahan ng Pilipinas ang buong mundo sa kahoy. Ibig sabihin, mayabong pa ang ating
mga kagubatan noon at hindi nakakalbo gaya ngayon. Marami ding mapag-aral sa kasaysayan ang
nagsasabi na malaki ang naiambag ang organisadong relihiyon sa pagkasira ng kalikasan. Ayon sa
kanila, bago pa dumating ang mga mananakop sa ating bansa, ang mga tribu o ang mga katutubo
rito ay mapagmahal at mapagbantay sa kalikasan. Meron silang pagkakaisa at itinuturing nila ang
bawat bagay sa kanilang paligid bilang kapamilya nila. Ito 'yung panahon ng primitibo komunal,
ika nga ni Marx.

Ang tingin ng mga katutubo sa mga puno, ilog, atbp. ay mga nilalang din na may
karapatang mabuhay. Ngunit ito'y hindi nila sinasamba, kundi itinuturing nilang kapwa rin nila
may buhay. Kung tutuusin, nasa fifth level of consciousness na sila sa pagtingin sa kalikasan.
Samantalang ang sustainable development (SD) na ipinangangalandakan ngayon sa iba't ibang
NGO ay maituturing pa ring nasa first level of cosciousness pa lamang dahil ang tema pa rin nito
ay survival. Sa SD, hindi pa rin nahihiwalay ang pagtingin ng kapitalista, halimbawa, sa puno.
Ito'y isa lamang gamit. Ito'y hindi na TREE kundi LOG na pambenta para makapag-survive at
masustenahan ang kanyang mga pangangailangan. Ganyan kasi mag-isip ang kapitalista. Bata pa
lang ang puno, may presyo na. Para kang sinukatan ng kabaong samantalang buhay na buhay ka
pa at malakas.

Sa mga tribu noon, ang tingin nila sa kalikasan ay sagrado na kahit hanggang ngayon ay
umiiral pa rin sa ibang mga tribu na hindi napasukan ng westernized capitalist culture. Nuong
dumatin ang mga puting unggoy, este, mga dayuhang mananakop pala, at sinakop ang ating lupain,
ginamit nila ang espada't krus upang palaganapin ang kanilang relihiyon. Itinuro nila sa mga
katutubo rito na hindi nila dapat sambahin ang mga puno at bagkus ay sambahin nila ang tunay na
diyos na nakaukit sa kahoy. (Ang kahoy ay nanggaling sa puno!) Dito na nagsimula ang pagtingin
nila sa kalikasan bilang gamit at hindi na bilang kapatid na may karapatang mabuhay. Ini-alienate
ng mga mananakop ang mga katutubo sa kanyang sarili.

Ito ang nakasaad sa isang libro ng Democratic Socialist Party (DSP) ng Australia na
tumatalakay sa kalikasan, "The law of profit doesn't care for the law of nature." (Ang batas ng tubo
ay walang pakialam sa mga batas ng kalikasan.) Ibig sabihin, kung ang prayoridad ng isa ay ang
kanyang tutubuin, wala na siyang pakialam sa kalikasan, ito man ay masira. Pero kung tutuuisn,
nag-iisip din naman ang mga kapitalista ng solusyon sa pagkasira ng kalikasan, dahil baka naman
daw masira ang pagkukuhanan nila ng mga hilaw na materyales. Haaay, buhay nga naman!!!

PINAGKUNAN:

Bituin, G. (2009). Pagkasira ng kalikasan: Isang historikal na pagtingin. Koleksyon ng mga


sanaysay: Makakalikasang Pilipino. sanaysaynigregorio.blogspot.com.
MGA TANONG:

1. Paano isinasagisag ang kalikasan sa akda?


Isinasagisag ng may-akda ang kalikasan bilang isang pag-aari na dapat nating
alagaan. Naging malinaw ang mensahe ng akda na ang kalikasan ay isang pag-aaring
napapabayaan dahil mayroon tayong mas tinitingalang pag-aari, ito ay ang mga materyal
na mga bagay na nakakasira sa ating kalikasan. Nakonekta ng may-akda ang konsepto ng
pribadong pag-aari sa konsepto ng pagkasira ng ating kalikasan.

2. Ano ang pisikal na tagpuan/setting sa banghay ng akda?


Malinaw na malinaw namang ang pisikal na tugpuan sa banghay ng akda ay ang
ika-20 na siglo kung kailan umuusbong na ang napakaraming makabagong teknolohiya na
kung isasalarawan ng may-akda ay “karumal-dumal”. Klarong-klaro din na hindi lang
nakalimita sa konteksto ng bansang Pilipinas ang tagpuan ng akda kun’di sa buong mundo
na, lalong-lalo na sa mga kapatalistang bansa kagaya ng U.S. at pati na rin ang bansang
Russia.

3. Ang mga pagpapahalaga bang ipinahayag sa akda ay naayon sa pagpapahalaga sa


kalikasan? Patunayan?
Masyadong nagtuon ng pansin ang may-akda sa mga totoong nangyayari kaugnay
sa mga modernong imbensyon at mga dulot ng mga ito sa buhay ng mga tao. Nabanggit pa
nga ng may-akda ang mga nangyayari sa historikal na accounts patungkol sa nuclear
leakages and destruction na nangyari sa Chernobyl, at kahit na ang mga digmaan na
totoong nangyari sa ating kasaysayan dahil sa mga naimbentong nuclear bombs at
pagpapatayo ng nuclear power plants. Gayunpama’y nabigyan naman ng pansin ng may-
akda ang pagpapahalaga sa kalikasan. Nabanggit ng may akda na ang kalikasan ay dapat
na tinitignan bilang isang pag-aaring dapat nating pangalagaan.

4. Sa paanong paraan nakaaapekto ang karunungan sa relasyon ng tao at kalikasan?


Malinaw namang masyadong nagtuon ng pansin ang may akda sa negatibong
epekto ng karunungan sa relasyon ng tao at kalikasan. Kahit na mayroon nang kamalayan
ang mga tao tungkol sa nangyayari sa kalikasan ay mas naging prayoridad ng mga tao ang
pagpapayaman at pagwawagi sa mga laban. Tama ngang ang mga tao ay may kamalayan
na nga sa ating kalikasan kaya nama’y alam na nila ang gagawin kung paano ito iligtas
ngunit dahil sa likas na kasakiman ng mga tao na inilarawan sa akda, nasisira pang lalo ang
kalikasan lalo na ang mga kapitalista na “walang pakialam kung may mamamatay” mapa-
tao man o mapa-hayop o mapa-halaman basta may pera lang. Ang karunungan ng tao ay
siya ring nagdudulot ng sakit sa mahal na kalikasan. Sa madaling salita, “the more the
knowledge a human has, the more invention there is, therefore the more natural
destructions”. Isa itong masaklap na reyalidad na nangyayari sa ating mundo, kung kaya’t
mas madaling gawin ang pagsira ng kalikasan kesa sa pagligtas nito.
5. Ano ang kaugnayan ng agham ng ekolohiya sa pag-aaral ng panitikan?
Ang agham ng ekolohiya ay may malaking dulot sa pag-aaral ng panitikan dahil isa
ito sa mga mabibisang instrumento upang mas mapalalim ang pag-unawa ng mambabasa
sa akdang kaniyang sinusuri. Higit sa lahat, ang agham ng ekolohiya ay nagdudulot ng
kamalayan sa bawat isa lalo na sa pag-aaral ng panitikan. Nagiging mas kritikal tayong
mag-isip at nag-aanalisa bago mag-bigay ng husga.

6. Ano ang posibleng bunga sa pagitan ng pag-aaral ng panitikan sa usaping pangkapaligiran


kaugnay sa ibang disiplina?
Kung ating titignan sa iisang kritikal na pananaw, ang pag-aaral ng panitikan at
usaping pangkapaligiran kaugnay sa ibang disiplina ay posibleng magbunga ng magandang
result ana siyang pupukaw sa mambabasa upang maging mas malinaw ang kaniyang
perspektibo sa tamang pangagalaga ng kalikasan. Napupukaw ang kaniyang atensyon at
kamalayan sa mga totoong nangyayari sa ating kalikasan, maging sa pagtutok nito kung
kaya’t nakabubuo tayo ng mga paraang maari nating isagawa upang ito’y mapangalagaan
at maprotektahan. Nagkakaroon ng pagsilang ng mga makabagong adbokasiya na
naglalayon at nagsusulong ng paghihikayat sa nakakarami sa wastong pagpepreserba ng
kagandahang meron ito, maging sa pagpapahayag ng ideya kung paano maningil ang
kalikasan sa araw ng pagkakapuno’t paghuhukom nito sa mga karumal-dumal na
kagagawan ng mga tao.

IKATLONG PANGKAT:
Luzon, Michael Jhared B.
Hassan, Norhaida H.
Guilla, Sittie Asiyah B.
Ma-amor, Al-jayd P.
Guro, Aslama M.

You might also like